All for Love (Salazar Series...

By Joyanglicious

60.1K 2.7K 313

Date Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taki... More

All for Love (Salazar Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Message to my yannies<3
ALL FOR LOVE SPECIAL CHAPTER

Kabanata 36

1.1K 51 3
By Joyanglicious

“Nasa hospital ka na?” bungad sa akin ni Jaica nang sagotin ko ang tawag niya.

“Papunta pa lang,” sabi ko at binuksan ang sasakyan. Manganganak na si Sandra at excited kaming makita ang inaanak namin.

“Sige, papunta na din kami. Kita na lang tayo doon,” sabi niya at pinatay na ang tawag. Mabilis kong pina-andar ang sasakyan, mabuti na lang at hindi traffic.

Kahapon pa sumasakit ang tiyan ni Sandra akala nga namin ay manganganak na siya pero hindi pa pala.

Alas singko na ng hapon kaya maaliwalas ang panahon. Sana naman ay maayos ang panganganak ni Sandra. Medyo kinakabahan din tuloy ako.

Pagdating sa hospital ay nagtanong agad ako kung nasaan ang room ni Sandra. Nakita ko agad sa labas ‘yung Doctor na kausap sila Anton. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

“Maayos naman na si Misis, pwede na po kayong pumasok sa loob,” nawala ang kaba ko sa narinig. Mabuti naman kung gano’n. Naunang pumasok si Anton at sumunod ako.

“Omg! Kambal?” Gulat na tanong ko nang makita ang dalawang nurse na may hawak na dalawang sanggol.

“Nagulat nga din ako eh,” sabi ni Jaica habang nakatingin sa anak ng kaibigan namin. Kaya pala medyo malaki ang tiyan ni Sandra kumpara sa ibang buntis, kambal pala ang anak nila. Hindi ko inaasahan ‘to ah.

“Anong pangalan?” Excited na tanong ko.

“Macklaine and Mazein,” nakangiting sabi ni Sandra.

Kumuha na muna ako ng litrato namin at nilagay iyon sa ig story ko. Nakita ko pa ang ilang post nila Troy na mukhang nasa bar. I even checked their ig story at nasa bar nga sila. Buti ay pinapayagan ni Mitsuki ang asawa niyang pumunta kahit saan. Umiling ako at tinago na ang cellphone ko.

Iniwan na muna namin sila Sandra sa loob. Bukas pa siya makakalabas ng hospital at sa kanilang bahay na lang siya magpapahinga. Ang ganda-ganda ng kambal, pinaghalong Sandra at Anton. Lalo na siguro kapag lumaki na ang dalawa, lalo pa silang gaganda.

“Mag b-bar kami ngayon, sama ka,” aya ni Jaica nang makalabas kami sa hospital. Wala din naman akong gagawin ngayong araw kaya pumayag na din ako. Sinundan ko lang ang sasakyan ni Carlos dahil hindi ko naman alam kung saan bang bar kami pupunta.

Mukhang magiging third wheel pa nga ako nito pero okay na din. Ngayon lang ulit ako makakapag-bar,  busy kasi sa trabaho lalo na ngayon parami nang parami ang mga customer namin.

Pagdating sa bar ay may nakabangga pa akong babae, mabuti na lang at nagsorry ‘yung girl. Hindi na din naman ako nakipag-away dahil lasing si girl at medyo sabog na nga.

Naupo na kami nila Jaica. Nag-order na sila ng inomin namin. Luminga-linga ako para tingnan ang mga tao. May nagsasayaw sa dance floor at ‘yung iba ay papasok sa vip room. Gustong mag vip ng dalawa pero sabi ko ay sila na lang, ayaw naman nilang pumayag na wala ako kaya hindi na lang kami nag vip room.

“Nakakarami ka na ah, baka mamaya ako na lang ang maiwan dito tapos kayo lasing na!” Napatingin ako sa kabilang table nang makarinig ng pamilyar na boses.

Nakita ko sa kabilang table sila Zymon. Nakayuko na si Zymon habang panay ang inom nila Caiden. Si Troy ay nakabusangot sa kaniyang mga pinsan. Hindi pa man ako nakakaiwas ng tingin ay lumingon na sa gawi ko si Troy. Agad na nanlaki ang mata niya at ngumiti din naman sa akin.

“Naih!” Tawag ni Troy. Agad namang lumingon si Zymon na kanina ay parang natutulog na. Nanlaki din ang kaniyang mata nang makita ako, ngumiti lang naman sila Yosef sa akin.

Hindi ko alam na dito din pala sila umiinom. Marami naman kasing bar dito sa Cebu, kung alam ko lang na nandito sila sana ay hindi na ako sumama. Ayoko ng makita pa si Zymon, ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na hinding-hindi na ako makikipag-usap o makikipagkita sa kaniya. Ayoko ng makita ang pagmumukha niya. Masaya na siya ngayon kay Mitsuki or should I say to my half sister.

Napairap ako sa mga naisip. Hindi ko na nilingon pa ang magpipinsan pero dahil nakita na nila ako, lumapit sila sa akin. Tiningnan ko sila Jaica na nakangiti lang sa akin. Papabayaan ba nilang lumapit sa akin ang magpipinsang Salazar? Nakakainis naman.

“Naih, kanina ka pa?” Tanong ni Caelus, namumula na ang kaniyang mukha at may hawak-hawak pa siyang isang stick ng sigarilyo.

“Bago lang,” sagot ko. Napatingin ako kay Zymon na nasa table nila kasama si Yosef at Caiden na naninigarilyo. Mukhang sabog na din dahil namumula na ang kanilang mukha.

“Pagpasensiyahan niyo na mga pinsan namin, kanina pa kasi umiinom ang mga ‘yan,” ani Troy.

‘Di ko naman tinanong.

Nagkatinginan kami ni Zymon pero agad din akong umiwas ng tingin sa kaniya. Bakit kaya nandito ‘to? Nag-away ba sila ng hapon niya? Umirap ako at nilagok ang tequila.

“May sama ka ba ng loob ngayon Naih?” Napatingin ako kay Troy nang sabihin niya iyon. Nandito nga pala sila sa table namin.

“Ha? Bakit?” Tanong ko sa kaniya.

“Panay kasi ang irap mo,” ani Troy at lumingon sa table nila kanina. Napatingin din ako do’n, may kausap na sa cellphone si Zymon. Baka ang asawa niya.

“Wala ah,” sagot ko ta uminom ulit ng tequila. Tumango-tango si Troy pagkatapos ay umalis saglit. Si Caelus ay nagpaalam na pupunta kila Zymon na tinangoan ko lang.

“Cr muna ako Jai,” paalam ko. Tumango si Jaica sa akin. Tumayo na ako at pumunta na ng cr. Hindi pa naman ako lasing, kunti pa lang ang naiinom ko. Nang makapasok sa cr ay walang tao. Agad akong naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.

Ilang saglit pa akong nanatili sa cr habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Hindi pa naman ako lasing pero mukha na akong sabog. Umiling ako at lumabas na ng cr. Nagulat ako nang makita si Zymon sa labas. Magkatabi lang naman ang cr ng lalaki at babae, pero bakit nandito siya sa labas at parang may hinihintay.

Nagkatinginan kami at agad na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Maya-maya pa ay natumba siya sa akin. Geez ang bigat pa naman niya. Bakit ba siya hinayaan nila Troy na maglakad mag-isa, alam naman nilang lasing na ang pinsan nila. Umirap ako sa kawalan at inalalayan na si Zymon. Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko.

“Ang bigat mo, punyeta,” sambit ko habang palabas na kami. May nakasalubong pa kaming lalaki at babae na kulang na lang ay maghubad dito.

Nangangalay na ang balikat ko dahil sa kaniya, ang bigat niya! Bakit naman kasi pumunta-punta siya sa cr na mag-isa?! Hindi naman pala niya kaya.

“Naih…” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Bakit ganito pa din ang epekto niya sa akin.

“U-Umayos ka..nga,” utal na sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Mabuti na lang at nakita ko agad sila Troy kaya agad silang lumapit sa akin.

“Sorry Naih,” ani Troy at pinagtulongan nilang alalayan si Zymon.

“Ang bigat niya,” sabi ko habang nakatingin sa lalaki na pinaupo nila sa sofa.

“Akala namin kung saan na nagpunta,” sabi pa ni Troy.

“Dapat hindi niyo hinayaan, baka kung ‘di ko siya nakita ay napaaway na ‘yan. Lasing pa naman,” sabi ko.

Nang gabing iyon ay nagpaalam na ako kila Jaica na mauuna na akong uuwi. Medyo matatagalan ako sa pag-uwi kung hihintayin ko sila, pumayag naman sila Jaica. Ayoko na din kasing magtagal pa doon dahil nando’n si Zymon.

“Good morning Naih!” Gulat akong tumingin kay Lester nang makapasok ako sa bakery.

“Anong ginagawa mo dito?” Takang tanong ko.

Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at umaktong nasasaktan. “Ouch ang sakit, ayaw mo ba akong nandito?” Kinurot ko ang kaniyang braso dahil sa sinabi niya. Talagang ‘di pa din siya nagbabago.

“Biro lang nga, ikaw nananakit agad,” aniya. Umirap ako at napatingin sa kila Elle na todo ang tingin sa amin. Kung ano-ano na naman siguro ang iniisip ng mga ‘to. Sunday ngayon kaya hindi kami magbubukas, gusto ko din kasing pagpahingahin sila Elle dahil araw-araw ay pagod sila.

“Sarado kami, ba’t ka nakapasok?” Tanong ko sa lalaki.

“Kilala na ako ni Henry kaya nakapasok ako dito,” sabi niya pa. Tumango na lang ako. Kasama ko nga pala si Henry nung nag deliver kami dito sa mokong na ‘to. Kung ano-ano pang sinabi niya kaya naniwala tuloy si Henry.

“Successful ka na talaga no, biruin mo may sariling bakery ka na,” manghang sabi ni Lester.

“Ang humble mo, ikaw nga ‘tong mas successful. May coffee shop at may restaurant ka tapos Engineer ka pa,” sabi ko sa kaniya.

“Hindi pa bayad ‘yon,” biro niya kaya natawa ako.

“Nga pala, nagkita na kayo nila Sandra?” Tanong ko sa kaniya. Gusto siyang makita nila Sandra dahil matagal-tagal na nga din silang hindi nagkita.

“Hindi pa, akala ko nga nandito sila kaya pumunta ako dito,” ani Lester. Naglagay ng coffee at cupcakes si Elle sa mesa namin.

“Thank you.” Ngumiti si Lester kay Elle kaya nakita kong pumula ang kaniyang pisngi. Baka may crush ‘tong si Elle kay Lester.

“Baka next week pa makalabas si Sandra, kakapanganak pa lang nun,” kita kong nagulat si Lester nang marinig ang sinabi ko.

“Akala ko ay next month pa siya manganganak,” aniya. Umiling ako at ngumiti.

“Kambal ang anak nila ni Anton,” sabi ko pa. Tumango-tango si Lester at ininom ang kape niya.

“Sarado po kami sir—” sabay kaming napatingin ni Lester sa sinabihan ni Elle.

“H-Hi po!” masayang bati ni Ashianna. Gulat ang mukha ni Mitsuki at Zymon nang makita ang katabi ko.

“Mits…” Napatingin ako kay Lester na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa babae. Hindi ko maintindihan, may hindi na naman ba ako nalalaman dito?

“M-Mom, siya ba si dad?” Gulat akong tumingin sa bata nang tinuro niya si Lester.

Si Mitsuki ngayon ay hindi alam ang sasabihin at parang gusto na lang umatras. Hinawakan ni Zymon ang kaniyang balikat.

“This is the time Mits, tell him about his daughter,” ani Zymon.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Ang daddy ni Ashianna ay si Lester at hindi si Zymon. Bakit ba laging ganito? Bakit lagi silang nagsisinungaling?

Lumapit na si Lester sa kaniyang mag-ina. Nakatingin lang ako sa kanila ngayon.

“Daughter? Anong- Mits?” Nagugulohang tanong ni Lester. Umiiyak na ngayon si Mitsuki at hindi malaman ang sasabihin kay Lester. Nagtagpo ang mata namin ni Zymon. Umiwas ako at hindi siya tiningnan. Akala ko ay sila, bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na hindi pala siya ang tatay ng anak ni Mitsuki.

“Sorry…” ani Mitsuki habang umiiyak.

“Mits..bakit? Anong nagawa kong mali? A-Ano?!” Hanggang ngayon siguro ay hindi pa din nagsisink-in kay Lester ang mga nalaman niya ngayon.

Tumayo ako at agad na pumasok sa isa sa mga vip room. Hindi ko sila kayang tingnan ngayon, naawa ako sa bata at kay Lester. Pa’no nila nagawa iyon? Bakit nila kailangang itago kay Lester iyon? Nasasaktan ako dahil ganun din ang ginawa nila sa akin noon.

“Naih…” Nilingon ko si Zymon na sumunod pala sa akin.

Mas lalong kumirot ang dibdib ko, naalala ko na naman lahat.

“H-Hindi mo anak si Ashianna? H-Hindi ikaw ang a-ama? H-Hindi k-kayo mag-asawa ni M-Mitsuki?” Sunod-sunod na tanong ko.

“Hindi, Naih,” mahinang sabi niya. Pumikit ako at inalala ang lahat ng mga nakita ko sa kanilang dalawa. Akala ko ay sila, bakit nagpauto na naman ako. Kelan pa ba matatapos ‘tong mga kasinungalingan na ‘to.

“Sa n-nakalipas na l-limang t-taon..naniwala a-akong may r-relasiyon kayo. B-Bakit? B-Bakit mo ba g-ginagawa ‘to?” may inis na sabi ko.

“I’m sorry Naih…” Hindi siya makatingin ng maayos sa akin.

“Sorry dahil nagsinungaling ako sa ‘yo noon, ginawa ko lang iyond dahil ayokong mawala ka,” sabi niya.

“Ayaw mo ‘kong mawala? Pero nangyari na, dahil sa ginawa mo mas lalo akong nawala sa ‘yo. Alam mo bang hirap ako noon?! H-Hindi ko alam k-kung b-bakit niyo ginawa i-iyon sa a-akin, nagsinungaling k-kayong lahat sa a-akin!” sigaw ko sa kaniya habang umiiyak.

“Sobrang l-lunod ako noon, akala ko hindi n-na ako m-makakabangon…dahil sa ginawa mo..sa g-ginawa niyong lahat! H-Hindi mo b-ba naisip ang m-mararamdaman ko? H-Hindi mo ‘yan naisip noon? Si d-dad kahit m-minsan h-hindi ko naramdamang anak n-niya a-ako…h-hindi ko ‘yon n-naramdaman.” Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Pakiramdam ko ay hindi iyon nauubos.

“Sorry Naih..sorry…”

“S-Sana naisip m-mo ‘yon Zymon…” Pinalis ko ang luha ko. Sobrang sakit pa din pala. Sobrang sakit na kahit minsan ay hindi ako tinurinh ni dad na anak niya. Nakakainggit dahil mahal na mahal niya si Mitsuki samantalang ako ay hindi.

Gusto kong makausap si dad, kahit ngayon lang. Gusto ko siyang makita at makausap. Kahit na galit siya o kung ano man ang nararamdaman niya ngayon, gusto ko siyang makausap. Para maging maayos na ang pakiramdam ko. Gusto kong kumawala na sa nakaraan ko, gusto ko ng maging okay.

“G-Gusto kong kausapin si d-dad.” Tumingin ako kay Zymon na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

“You can’t.” Kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Bakit? Pati ba naman ‘to ay ipagkakait mo sa akin?” inis na tanong ko.

Umiling siya sa akin at lumapit ng kaunti. “He’s dead Naih, your daddy is dead.”

Naestatwa ako sa narinig. Lalong kumirot ang aking dibdib. Ang luhang tumigil kanina ngayon ay dumaloy muli.

“Namatay siya 4 years ago, lung cancer. Gusto kong sabihin sa ‘yo pero ayaw ni tito Alfred…dahil alam niyang galit ka sa kaniya,” sabi ni Zymon.

Mas lalo akong umiyak. Hindi ko man lang nadalaw si daddy. Hindi ko alam na may sakit siya, hindi ko man lang alam. Gusto kong makausap si dad ngayon para sana magkaayos na kami pero wala na siya. Wala na ang ama ko, wala na.

Ngayon ay magkasama na sila ni mommy. Nag-iisa na lang talaga ako. Wala na sila. Wala na ang mga magulang ko.

“I’m sorry Naih,” sabi ni Zymon at niyakap ako.

Continue Reading

You'll Also Like

432K 6.2K 24
Dice and Madisson
311K 6.2K 77
[Career Series #1] Zia always follows the rules and standards that were set for her. One of them is taking chemical engineering in college without ac...
36K 1K 25
University Belt Encounter Series #1 Harley Johann Cervantes has a twisted view of life and love. She's different. She's independent and tough. And sh...
113K 3.9K 33
5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's friends with some but closer to her cousins...