Kabanata 25

995 47 2
                                    

“Anong binili mong regalo para kay Zymon?” Tanong ni Jaica. Nasa sala kami ng bahay nila. Noche Buena na mamaya at pumunta muna kami ni Sandra dito sa bahay nila Jaica para makapagkwentohan. Wala si dad sa bahay, medyo okay na kami at sana ay hindi na kami mag-away. Nasa New York siya ngayon dahil may inaasikaso siyang importante do’n kaya doon na siya mag papasko. Sila mommy lang ang kasama ko sa bahay.

Ngumisi si Sandra. “Hindi na ‘yan bibili, sapat nang iregalo ang sarili niya kay Zymon.” Tumawa si Sandra na sinabayan ni Jaica.

“Gaga.” Umiling ako sa kanila. “Binilhan ko lang siya ng polo shirt at sapatos,” sabi ko.

“Mas maganda kung sanggol iregalo mo.” Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Sandra. Tumawa naman si Jaica na busy din sa kaniyang cellphone.

Kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at binato iyon kay Sandra. Agad naman niya iyong nasalo. “Tangina mo,” mura ko sa kaniya.

“Seryoso nga, bakit ‘di niyo pa ba iyon nagagawa?” Nag-init ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Sandra. Tangina, hindi pa namin nagagawa ni Zymon at parang ayokong gawin dahil natatakot ako. Masakit daw iyon!

Umiling ako sa kaniya. “Hindi.. pa.” Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan, ang kaninang abala sa cellphone na si Jaica ay nakatuon na din ang atensiyon sa akin.

“Gago? Seryoso ka ba?” Gulat na tanong ni Sandra. Mukhang iyon pa nga ata ang magiging topic namin.

“Oo nga.” Tumango ako sa kanila. Nakapanood na naman ako ng pornography pero hindi ko alam kung makakaya ko bang gawin iyon. Nakakatakot.

“Edi dapat gawin niyo na!” excited na sabi ni Jaica.

“Oo nga, balita ko magaling sa kama ang mga Salazar.” Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Sandra. Gago? Seryoso ba sila.

“Hindi mo alam?!” Gulat na tanong ni Sandra. Hindi ako umimik. Hindi pa nga namin nagagawa iyon. Pero may ilang beses na muntik na namin ‘yung magawa kaya lang ay may sagabal.

“Change topic nga!” naiilang na sabi ko sa kanila. Narinig ko ang tawanan ng dalawa kong kaibigan.

“Hay naku, baka isang araw ay ikaw naman ang mag open ng ganiyan topic.” Umiling si Sandra sa akin. Umirap ako sa kanila.

Iniisip ko pa lang na gagawin namin ang bagay iyon ni Zymon ay kinakabahan na ako. Shit.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Tumatawag si Zymon.

“Oh diba, narinig niya ata boses natin at tumawag na nga,” ani Jaica at ngumisi. Kinuha ko na ang phone ko at sinagot ang tawag ng boyfriend ko.

“Love HAHAHAHA.” Kumunot ang noo ko sa bosea ni Zymon. Gago ‘to, lasing ata.

“Lasing ka ba?” Nakataas na ang kilay ko. Hindi man lang siya nagsabi na magiinom siya. Nasa mansiyon siya, kasama syempre sila Troy at ang parents nila.

“Lasing? Hindi! Bakit?” Narinig ko ang tawanan nila Troy sa kabilang linya.

“Naih, hayaan mo na. Lasing ‘yan!” boses ni Troy. Umiling ako at ngumiti.

Anong oras na ba at ang aga nilang nagising. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang 5:30 na ng hapon. Ang bilis talaga ng oras.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now