Kabanata 13

1K 62 3
                                    

Bumangon ako nang makarinig ng katok sa labas. Agad akong naglakad para buksan iyon. Bumungad sa akin si Sandra na may sugat sa labi.

Kumunot ang noo ko sa kaniya.

“Anong nangyari sa labi mo?” Tanong ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang kaniyang labi at ngumisi sa akin. Mukhang alam ko na kung bakit.

“Tangina, sabihan mo naman si Anton na kapag halik, halik lang walang kagatan.” Iiling na sabi ko sa kaniya.

“Gago,” saad niya at tumawa.

“Ano bang kailangan mo babae?” Pagtanong ko sa kaniya.

“Oh, kakain na pala tayo ng dinner girl. Masyado ka atang nawili sa kwarto mo. ‘Di mo namalayan ang oras, nando’n na din sila Chelsie,” sabi niya.

Punyemas, gabi na pala? Bakit parang ang bilis ng oras. Tumango na lang ako sa kaibigan ko at sinara ang pinto. Magpapalit na muna ako ng damit para diritso na ang pagligo ko mamaya.

Oversized t-shirt na ang sinuot ko at sa loob ay nakasuot na ako ng swimsuit. Nagsuot ako ng maong na short at dali-dali nang lumabas sa room ko.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas ko. Nakita ko na ang mga kasama ko na nag-aayos ng lamesa at nagb-barbeque.

Ang iba ay nagp-picture at may nagv-vlog pa. Napangiti ako do’n pero may kulang pa rin talaga. Hindi na ako umaasang dadating ang lalaking iyon. Hindi nga niya magawang mag-text sa akin.

Hindi ko na talaga siya kakausapin, tangina niya.

“Ganda naman,” rinig kong sabi ni Mika isa sa mga kablock namin.

“Mas gaganda ‘yan mamaya,” si Troy na ngumisi na ngayon.

Inilingan ko sila at lumapit kila Sandra na ngayon ay nag-aayos na ng mga pagkain sa mesa. Natatakam tuloy ako sa dami ng pagkain namin. Mas madami pa bukas dahil bukas na mismo ang handaan.

“Hi guys!” Napalingon kami sa nagsalita, nakita ko ang nakangising si Chelsie na may kasamang lalaki ngayon.

Kumunot ang noo ko sa kanila, akala ko ba si Caelus ang sa kaniya? Bakit iba na ang kasama niya ngayon. Tumingin naman ako kay Caelus ngayon na may kausap na ding babae.

Agad na lumapit sa amin si Chelsie. May dala siyang box na malaki at may ribbon pa ito.

“Advance happy birthday my girl,” saad niya at inabot sa akin ang kaniyang regalo.

“Thank you!” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Ang laki naman niyan, sigurado kang hindi tao laman niyan?” panunukso ni Sandra kay Chelsie dahil sa laki ng regalo niya sa akin.

“Gustohin ko man siyang ilagay diyan kaya lang ay hindi pwede,” saad ni Chelsie at ngumisi. Natawa naman ang mga nakikinig sa kanila.

“Wag kang mag-alala Naih.” Napatingin ako kay Troy na ngayon ay nakangiti na din sa akin. Seriously? Bakit ba ako ang trip ng mga ‘to?

“Ewan ko sa inyo, tara na kain na tayo,” saad ko at pumalakpak pa.

Kumuha ako ng barbeque at kumain na. Ulam lang ang kinuha ko minsan lang din kasi akong kumain ng kanin.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na kausap ang mga boyfriend nila. Si Chelsie naman ay ganoon rin, kausap niya ngayon ang lalaking kasama niya.

“Troy kulang ata kayo,” ani Chelsie.

Oo, dahil nasa Davao ang isang mokong. Punyemas, iniisip ko pa lang na magkasama sila ay naiinis na ako.

“Nasa Davao si Zymon,” sabi ni Troy. Tumango si Chelsie. Nakita ko naman si Caelus na kausap pa din ang isang babae hanggang ngayon.

All for Love (Salazar Series #1) ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن