Meeting the Mafia Boss

By aCATsuki3

11.3K 308 45

''Since you don't know how to talk maybe I should just tear off your limbs, that'll teach you how to speak''... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 9

580 24 3
By aCATsuki3

It's been weeks and finally its the day! Hindi naman ako sobrang excited for the promised 'trip' marites. Nag empake lang naman ako ng mga basic necessities. Two canned goods, 2 cup noodles, some chips and candies, bottled water, army bomb lightstick, band aid, emergency whistle, pepper spray, some bts shirt and undergarments. I checked my stuff for a hundred times now. Okay na ata ito, hindi naman kasi sinabi ni ser kung saan kami pupunta. I put everything in an army bomb bag and ofcourse hindi mawawala ang ating mahiwagang army bomb sling bag marites! Dun ko naman nilagay ang phone, cash and passport. Yes marites may pasaporte na ang lola niyo, binigay sakin ni ser nitong nakaraan sabi niya 'you'll need this' with his ever stoic face.  Hindi naman kami mangingibang bansa this time but dadalhin ko parin cause girls scout is laging handa.

Habang inaantay ko si ser eh chinichika ko muna itong si buddy G aka my body guard.

'Ano sa tingin mo ang mas maganda itong black hoodie or yung white?'

'Bagay po sa inyo ang dalawa mam' ha? ang sagwa naman tingnan kung dalawang hoodie ang suot ko. minsan ang sakit din sa bangs kausap ni buddy G. Wala pala akong bangs!

Buti na lang at dumating na si ser halos makwento ko na buong lesson namin this second sem kay buddy G.

Pagkababa niya ng sasakyan sinalubong ko agad siya 'Oh dumating ka pa, alam mo ba kung anong oras na?' pagtataray ko sa kaniya pero mas mataray ang lola niyo! He raised an eyebrow and said, 'Excuse me?' hindi dapat tayo magpatalo! 'dadaan ka? go malawak ang space' nagsalubong ang kilay niya.

oops mukhang nainis siya paktay. 'do you want to die?' mabilis pa sa alas cuatro ang pag iling ko.

'to naman di na mabiro hehe in fact ready na ako' I made a ready for it pose. 'Is that all your stuff?'

'Yes sir' nagsalute sign pa ako niyan ha.

'Good let's go' olright! come on vamonos everybody lets go!

Sa haba ng byahe eh nakatulog ako. Nagising ako ng may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Pagmulat ko may anghel na tumambad sa mukha ko. 'Patay na ba ako?'

'Stupid. Get off the car we're here' stupid daw. walang anghel na nagsasabi ng badwords so hindi pa ako patay. false alarm.

Waaaah we're at the beach! Anu ba yan nakalimutan ko magdala ng sunblock anyway andito na ako so Ima go now. Nakakatatlong hakbang palang ako ng may humila sa hoodie ko. Scratch that may kumakaladkad is the right term! halos masakal ako sa ginagawa niya kaya hinila ko pabalik ang hoodie ko. stop marites!!

'let's go to the hotel first' buti na lang binitawan niya rin agad ang suot ko. nakakaasar naman tong si ser manghila daw ba ng suot! grrr.

Nasa third floor ang room namin maganda ang view dito kita ko yung beach. Inalis ko na yung hoodie ko tutal nakaaircon naman itong kwarto isa pa sino naman ang maghohodie sa beach?! This is the time for swimsuit! Naghalungkat ako sa backpack ko pero wala akong nakitang rash guard! di bale meron naman atang tindahan doon sa baba bibili na lang ako. Lumabas naman ng bathroom si ser at naka beach shorts and white shirt na siya.

'Ser una na ako sa baba ha' iwinasiwas niya naman yung kaliwang kamay niya habang  nagtitipa sa phone yung isa. Ano ako lamok? grrr.

Dumiretso na ako sa baba, buti na lang may tourist shop dito. 'Welcome mam, do you need a swimsuit?' yes marites!

'Ah opo' iginiya niya naman ako papunta sa swimwear section.

'Ito po mam bagay sainyo' inabot niya naman sa akin ang black halter triangle two piece na halos mabitawan ko. Grabe ka marites! ano toh?! maliit pa sa panyo ang swimsuit na toh!

'Yung rashguard po sana hehe' pero mapilit si marites at halos ipagduldulan niya sakin ang hawak niya.

'Naku mam sa puti niyo po na yan mukhang bihira po kayo magbeach mas mabuti po kung magtry kayo ng something new' ha? anong konek? hinila niya ako papasok sa fitting room. sure ba siya na pwedeng isukat to? hindi ba unhygienic?

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakakailang naman to. Lumabas na ako at pwede ko nang bigyan ng best actress award si marites.

'Wow mam! bagay po sainyo! ang ganda niyo po lalo!' medyo nagblush naman ako sa sinabi niya. enebe meretes.

'Hindi ba masagwa tingnan?' umiling naman siya.

'Bagay po sainyo mam. Minsan lang naman po tayo sa beach why not wear a bikini for a change diba?' after ng ilang salestalk powers ni marites eh binili ko na ang bikini. Medyo nakakailang maglakad ng ganito buti na lang hindi ako nag iisa. May mga babae rin na nakaswimwear na ganito. Hindi kaya mahubaran ako nito? Haaay! pasalamat siya at may freebies na beach bucket, shovel and some sand molds kung hindi edi hindi ko to bibilhin.

Naiwan ko yung phone ko sa hotel sayang naman hindi ako makapagpicture dibale gagawa na lang ako ng sand castle para saan pa itong freebies kung hindi ko gagamitin hehe.

'Hi miss do you need some help?' tumingala ako dahil nakaupo ako sa sand. Isang pedring na may pang boy next door ang look ang nasa harapan ko.

'Heloo salamat pero kaya ko na to hehe' Sand castle lang naman yung ginagawa ko hindi naman buong building noh. pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko, naglagay ako ng mga shells for design pero si pedring di parin umaalis at nakiupo na din.

'Can I join you?' mukha naman siyang mabait and nasa open area naman kami so wala akong dapat ipag alala.

'Sige the more merrier hehe' binigay ko sa kanya ang bucket and shovel.

'I'm tristan by the way and you are?' Ang cute niya ngumiti parang si Kim Bum, ahh my heaart!

'I'm Al~'

'Wifey!' sabay kaming napalingon ni tristan sa nag aalimpuyo na si ser. Problema nito?

'Se~' kinawit niya ang bewang ko palapit sa kaniya kaya nailapat ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. Kung nakamamatay lang ang tingin baka namatay na tong si tristan, ang sama makatingin ni ser eh.

'Get lost or you'll die' dali dali namang umalis si tristan na namumutla pa. Natatae ba siya?

Bumaling naman sa akin si ser. oh ba't galit yan? umandar na naman ata pagka abnormal neto.

'What the hell are you wearing!?' grabe naman di man lang dumistansya ang sakit sa tenga, nakayakap parin siya sakin  ang lapit lapit namin tapos nasigaw pa parang tanga.

'Baka bikini to' bulag ba siya?

'I know! stupid!' stupid eh siya nga itong hindi alam ang bikini.

'I mean why are you wearing....that...' medyo humina ang boses niya ng pasadahan niya ako ng tingin.

'baka beach to' ano ba marites nasan ba utak ni ser?! grrr.

'Don't try my patience woman' huhuhu ano ba! ba't parang kasalanan ko!? I pouted. Wala! kahit anong sabihin ko ako naman lagi ang mali grrr

He takes off his shirt at pinasuot sa akin.

'Don't walk around naked' ehhh!? tapos siya naghubad!? sige nga one plus one nga ser. parang hindi tayo magkalevel ngayon ha.

Ang ending eh hindi naman ako nakapagswimming at nagmukha pa kaming sociopath aba lahat ng mapapatingin samin eh sinasamaan niya ng tingin. Bumalik na lang kami ng hotel dahil tapos na din naman ako magpicture picture buti na lang dala niya phone niya kaya nakihiram na lang ako, doon na lang din ako sa banyo ng hotel room naligo marites yes walang sense ang pagkalawak na dagat dahil di naman ako nakapagswimming grrr.

'Ser nagugutom na ako anong oras na oh, magdidinner pa ba tayo?' mula sa pagtitipa sa laptop sumulyap siya sa wrist watch niya. Napaka workaholic.

'The arrangements should be done by the now, lets go' yes marites! food here I come!

Isang mini floating restaurant ang pinagdalhan sakin ni ser. Di ko nga alam kung restaurant ba talaga toh kasi kami lang naman ang customer. Lumapit naman ang waiter na may tulak tulak na tray. Kumalam lalo ang sikmura ko ng ilapag niya na sa table ang mga pagkain. Sari saring seafoods! buti na lang wala akong allergy hehe chibugan na toh!

Tahimik lang kaming kumakain ni ser at wala akong balak kausapin siya dahil lahat ng atensyon ko ay nasa pagkain. Aba bihira lang ako makatikim ng mga ganitong mamahaling lamang dagat noh.

'Wine mam?' lumapit ulit sa amin ang waiter at sinalinan kami ng wine. Hindi ako mahilig sa wine dahil hindi naman masarap pero ininim ko parin baka sumama loob nung waiter eh tinitingnan niya talaga ako hanggat hindi ko iniinom so no choice.

'In fairness hindi siya mapait ha, may asukal ba toh?' nginitian lang ako ng alanganin nung waiter saka umalis. aba! attitude ka pedring ha!

Napahawak ako sa sentido ng medyo mahilo ako. 'Ser lasing na ata ako, balik na tayo' pakiramdam ko gumagalaw ang paligid. Dumidilim na din ang.paningin ko. Malakas pa ata sa sipa ng redhorse ang pesteng wine na yun. My mind is getting fuzzy.

'Damn it!' Tumayo si ser na napahawak rin sa sentido niya na parang nahihilo sabay dukot ng phone niya bago pa ako mawalan ng malay, nakita ko ang paglapit nung waiter, nakangisi siya habang may hawak na baril na ipinanghampas niya sa ulo ni ser.

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
96.3K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
776K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...