Before You Go (boyxboy)

By SelenoGomez

18.6K 981 10

I hate you..... but I was just kidding myself More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY ONE
CHAPTER FIFTY TWO
CHAPTER FIFTY THREE
CHAPTER FIFTY FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY SIX
CHAPTER FIFTY SEVEN
CHAPTER FIFTY EIGHT
CHAPTER FIFTY NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY ONE
CHAPTER SIXTY TWO
CHAPTER SIXTY THREE
CHAPTER SIXTY FOUR
CHAPTER SIXTY FIVE
CHAPTER SIXTY SIX
CHAPTER SIXTY SEVEN
CHAPTER SIXTY EIGHT
CHAPTER SIXTY NINE
EPILOGUE

CHAPTER FORTY TWO

153 11 0
By SelenoGomez

Ganoon na yata kalala ang kabaliwan ko sa kanya dahil umaga pa lang ay excited na akong makita siya.

Ano kayang magandang gawin namin?

Bumaba na ako para magtoothbrush man lang. Nagulat ako dahil nasa hagdan pa lang ako ay parang narinig ko na ang boses niya.

Imposible. Ganito na ba ako kabaliw?

But a part of me wished that it was real. Sana totoo.

With the hope na sana nga'y nandoon siya, sumilip ako sa garahe namin dahil mukhang doon nanggaling ang ingay. Naabutan ko roon si lolo, ang mga pinsan ko at si Justin.

"Mabuti naman at gising ka na." Pansin sa akin ni Roxanne.

"Good morning." Bati ni Justin sa akin.

"Aga nyo naman. Anong ganap?" Nagtataka kong tanong sa kanila. Pansin kong may limang buko sa harap nila ngayon at tinuturuan yata ni lolo si Justin kung paano magbukas noon.

"Ay nakatambay laang sila sa labas kanina. Buti naman at kumuha laang ako ng mura sa bundok kaya napapasok ko na sila agad. Hindi na kita ginising dahil kako baka puyat ka na naman." Paliwanag ni lolo sa akin. "Gusto mo baga? Apataga na natin sa kaibigan mo dahil gusto raw baya niya matuto kung paano magbukas nire." Tanong niya.

"Ako na laang ho mamaya. Mag-aayos lang muna ho ako dahil kakababa ko laang." Sagot ko rito.

"Gapaganda pa baya iyan." Biro ni Rochelle kay lolo.

"Luh? Istoryahe ka talaga. Sandali laang at maga-cr nga muna ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagmamadaling tumalikod na upang magpunta sa banyo. Naabutan ko sila mama at lola na nag-aasikaso ng lulutuin.

"Katipan mo baga 'yon?" Kahit nakatalikod ay inisyoso ako ni lola. Paniguradong tsinismis na ako nila Rochelle kaya ganyan ang tanungan niya.

"Kaibigan ko lang ho baya. Kapatid ni Tristan na nakilala ni mama noong dumalaw siya sa akin sa Maynila." Paglilinaw ko rito.

"Oh? Asan pala si Tristan? Bakit parang si Justin lang ang nakikita ko?" Tanong ni mama. Sa tanong niyang 'yon ay alam ko nang magaan ang loob niya kay Tristan. Sabagay, mabait naman din kasi talaga siya.

"Naiwan po sa Maynila. Gabantay sa ina." Sagot ko rito.

"Sayang naman. Mabait din na bata 'yon, nay." Pagbibida ni mama dito. I knew it. Nagustuhan ni mama ang ugali nito.

"Sige na ho at gaayos na ako nang makasama na ako kila Roxanne sa garahe." Paalam ko sa kanila at dumiretso na ako sa cr.

Pagkalabas ko sa garahe ay naabutan ko silang umiinom na ng buko.

"Binuksan na ni Justin ang iyo." Sabi ni Roxanne pagkalabas ko.

"Sorry. Nag-enjoy masyado." Pagpapaumanhin ni Justin habang inaabot sa akin ang nabuksan na buko.

"Sira! Ayos lang." Sagot ko rito. "Salamat."

"Kita mo baga 'yan, 'lo? Kung ako siguro ang nagbukas niya'y gagalit nang kainaman dahil tinililian ko ang kanyang mura." Sumbong ni Rochelle kay lolo.

"Nagalit ngani ako dahil ayaw ko pang inumin noong isang araw ay tinililian mo na. Issue ka masyado. Kahiya kang tunay." Nahihiya kong depensa sa sarili ko dahil baka naaawkwardan na si Justin sa mga sinasabi ng pinsan ko.

"Katipan mo baga itong si Justin? Akala ko'y kaibigan mo laang." Tanong ni lolo na mas ikinahiya ko.

"'Lo! 'Wag ngani kayo kikinig sa magkapatid na 'yan at nang-iissue laang." Pigil ko dito. Hiyang-hiya na ako kay Justin pero nakita ko siyang natatawa lang sa nangyayari.

Continue Reading

You'll Also Like

225K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
12.1K 1K 32
Ang kwento ito ay tungkol sa isang simple, and problematic person na laging naka ngiti kahit anong problema ay hinaharap nya at di nya namalayan na m...
474 60 24
Lumipat sa St. Augustin Academy ang ulilang si Santi at Jake, magkaibigan na parehong iskolar ng misteryosong lalaki na pinangalanan ni Santi na Mr...