Wicked Hearts

By KnightInBlack

3.1M 296K 431K

Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is h... More

Wicked Hearts
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Final Chapter

Chapter 22

60.6K 5.6K 10.7K
By KnightInBlack

Chapter 22: Strange

It seemed like my lips and eyes were somehow connected. The moment Ulrich pressed his lips into mine, my eyes inevitably closed.

It brought a foreign sensation— a first-time feeling.

In the chaotic state of my mind, I remember what Ate Sarah said to me once, "You know a kiss is real when you inevitably closed your eyes. That means... your heart feels safe with that person."

So... I immediately opened my eyes.

His eyes were still shut.

I felt the lack of energy to push him away. Parang hinihigop niya lahat ng lakas ko sa katawan. I was left with no choice. I bit his lips... hard.

"Shittt!" Naitulak niya ako palayo sa pagkabigla. Nakaawang ang kanyang mga labi habang ang ibaba nito ay may dugo dulot ng maliit na sugat na nagawa ko.

"S-she's inside the restroom now," I told him.

Putek. Hindi ako makahinga nang mabuti. Mabilis ang pagtaas at baba ng mga balikat ko. Sa tingin ko nga ay nanginginig pa ang katawan ko.

He licked the blood on his lower lip.

"Mauuna na ako sa table," paalam ko.

Suminghap ako. Nakayuko akong umalis doon. Bumalik na ako sa table namin. Agad kong inabot ang tubig na nakita saka diretso itong ininom.

My heart— why the fuck is it acting like I am about to have a heart attack? Sobrang bilis ng tibok nito. Para akong hinihingal na hindi ko maipaliwanag.

I shook my hands under the table. Sinandal ko ang katawan ko at huminga nang malalim. Kinalma ko ang naghuhuramentado kong sistema.

That was... my first kiss.

Though I don't have any dreamy plans how I want my first kiss to be, I still couldn't believe it happened with the last person on my list of 'dream guys I want to kiss.'

Medyo kalmado na rin ako nung makabalik si Ulrich. Hindi ko na siya matingnan sa mga mata. Uminom ako ng tubig at saka kinuha na lang ang cell phone ko.

"I had to—"

"I need to—" Natigilan ako nung magkasabay kami sa pagsasalita.

Naramdaman kong gumalaw si Ulrich sa kanyang upuan. Tumikhim siya saka huminga nang malalim.

"I need to go before an hour," sabi ko habang ang tingin ay nasa cell phone. I pretended to be texting someone even though I was just typing random letters on my notes.

"Okay. I will drive you home."

I nodded. "Yeah..."

Silence ate us whole.

Yumuko ako at kinagat nang madiin ang labi. I should be mad at him, right? He should have not kissed me! That was not part of the game!

But then... it is. We are pretending couples here. Couples do kiss.

I need to play it cool. Mukha namang hindi apektado si Ulrich kaya bakit ako magpapaapekto?

"Bumabalik na sa table si Ate Sarah mo," Ulrich reported.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata namin. A spark of humiliation ignited on my chest but I refused to be the first one to break the contact.

I am not affected!

Sa tagal ng pagtitig niya sa akin ay tila naguluhan siya.

"Is that your first kiss?" he asked, muffled.

"What? No!" dipensa ko.

"Then, why are you acting like this?" May panunuya sa kanyang boses. "I had to kiss you because your sister tried to get near you. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa dress mo..."

Napangiwi ako. What the fuck? She knew this dress! Of course!

"Bago ba 'yang dress mo? O familiar na sa kanya?"

"S-she bought it for me..."

Napasandal sa upuan si Ulrich. Yumuko siya. Kinuha niya ang isang table napkin saka nilamusak ito sa kanyang mga kamay. Saka siya tumango.

"I will drive you home after ten minutes," he said. "Just throw that dress."

"What? Tanga ka ba?" I blurted out.

Ano'ng akala niya sa akin? Mayaman para magtapon lang ng dress?

"What? Paano 'pag nalaman niyang ginamit mo 'yan ngayon?" Tumamad ang tingin niya sa akin. "Just say you donated it. Or hiniram ng classmate mo. Any reason. Basta hindi niya dapat 'yan maabutan sa labahan."

I nodded. "I have an alternative suggestion. Mayaman ka naman, 'di ba? Bakit kaya hindi mo ako ipahanap ng ganitong dress sa mga kawal niyo sa palasyo para naman bago talaga at walang amoy ng perfume ko at hindi maghinala si Ate Sarah?"

"Okay..." Sa dami ng sinabi ko ay 'yon lang ang sagot niya. Kinuha niya ang kanyang cell phone. "Tumayo ka muna."

"Bakit?"

"I will take a picture of your dress. O baka mas gusto mong hubarin muna?"

Nanlaki ang mga mata ko. Lumobo ang pisngi ko sa pagkairita. Sa huli ay tumayo na lang din ako. Nakatalikod naman ako kina Ate Sarah.

Tinutok ni Ulrich ang camera ng cell phone sa akin. Naiilang na tumitig ako sa kanya. Hinintay kong sabihin niyang tapos na pero nakakunot ang noo na binaba niya ang cell phone.

"Stop frowning, Silly. Come on. Give me a smile."

"Dum... please." I gave him my warning smile.

Namumuro na talaga siya sa akin. Dress ko lang naman ang kukunan niya, bakit kailangan pang ngumiti?

"Smile at me, Silly..."

"Fine..." I sighed.

I forced myself to smile. Nakita kong ngumiti rin siya. Doon tuluyang nalusaw ang pekeng ngiti ko. I gave him my most genuine smile.

"Damn, Riza." He bit his bottom lip.

Napansin kong mas focus ang kanyang camera sa mukha ko kesa sa dress. Nung ibaba niya ang cell phone ay naging hudyat 'yon para bumalik na ako sa upuan.

"Sinabi ko kay Ate Sarah na nakulangan ako ng pera—"

"Really? How much?" tanong ni Ulrich habang ang tingin ay nasa cell phone. Nakita ko pang sumilip ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Dinahilan ko lang 'yon para puntahan ako ni Ate Sarah sa school at matigil na ang date nila ng daddy mo." Tinigil ko sandali ang pagsasalita dahil hindi siya naka-focus sa akin. "Pero uuwi na lang ako. Sa bahay ko na lang siya hihintayin..."

"Aight." He placed his phone on the table. Tumingin na siya sa akin. "Expect the replicate of your dress to arrive at your house in an hour." Tumikhim siya. "So... ano ang balak mo sa dress na 'yan?"

"Itatabi ko muna..." sabi ko.

Tinawag na ni Ulrich ang waiter para kunin ang bill namin. Hindi na rin ako nag-abalang tingnan kung magkano ang nagastos niya dahil alam ko namang nakakalula 'yon.

Nauna kaming umalis ni Ulrich sa restaurant. Hindi ko pa napigilan ang sariling lingunin sina Ate Sarah at Mr. Delgado sa huling pagkakataon. Nakangiti si Mr. Delgado. Tumatawa si Ate Sarah.

Bakit kailangang sumaya tayo sa paraan na makakasakit ng iba?

Habang nasa sasakyan ay maya't maya ang pagsulyap sa akin ni Ulrich. Naririnig ko ang mga pagtikhim niya habang nakatulala lang ako sa daan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ulrich.

Suminghap ako at tumango.

She's genuinely happy with him. Ngayon na nagawa kong sirain ang patago nilang date, panandalian ding mapuputol ang tuwang nararamdaman ni Ate Sarah.

If this was a fairy tale, Ate Sarah was Cinderella and I was one of her wicked sisters who would do anything just to take away her happy ending. The only difference is... I am doing it for her sake.

Whatever happens... this mania must be stopped.

I'm sorry, Ate Sarah.

"Ayos ka lang ba talaga?" ulit na tanong ni Ulrich.

Tumagilid ang ulo ko papunta sa direksyon niya. Seryoso lang siyang nagmamaneho.

"How about you, Rik?" balik ko sa tanong niya.

"What about me?"

"How does it feel to see your father with someone else?"

Hindi lang naman ako ang apektado sa nangyayaring ito. Tatay pa rin niya ang nakikita naming lalaking may kasamang ibang babae. Gano'n man katindi ang galit niya sa kanya... alam kong apektado pa rin siya.

"I don't even remember the last time I did care for him..." Sandali niyang tinagilid ang ulo sa direksyon ko. "Ayoko lang na may mabiktima na naman siyang iba."

"W-why is he cheating?" I asked.

Napansin kong bumigat ang paghinga ni Ulrich. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. That question must have triggered a sensitive side of this story.

"They were forced to marry each other because of me..." he said.

Natahimik ako. May hinuha na akong may mabigat na dahilan pero ang marinig ang katotohanan ay nakakagulat pa rin. Napilitan silang magpakasal dahil nabuntis ang mommy ni Ulrich.

That's so... fucked up.

A marriage shouldn't be forced. What was the reason? Para lang ba na matawag na kumpleto ang pamilya nila? Mas dadali ba ang lahat sa gano'ng paraan? Matatapalan ng kumpletong pamilya ang pakiramdam na napilitan ka lang na magpakasal?

That was bullshit. Mas lalo lang nilang pinahirapan ang sarili. Maybe I'm glad I didn't get to meet my father after all. Kung hindi rin naman siya sasaya na makita kami araw-araw, e 'di mas mabuting umalis na nga lang siya.

Natawa ako dahilan para tumingin sa akin ang lalaking katabi.

"Why are you laughing?" kunot-noong tanong niya.

I shook my head. Hinawi ko ang buhok ko habang nakatingin sa rear-view mirror. Hindi pa rin naalis ang pagka-wavy nito. Pwede pa hanggang mamayang closing party sa school.

"Bagay tayo, Rik. We are both miserable."

One had found out his father was cheating and one had found out it was her sister having an affair with the same man. What a combination!

"Nah." Tumawa si Ulrich. "It's just you. I am not miserable. Not anymore."

Sa pag-alis ni Ate Sarah sa isipan ko ay siya namang pagbalik ng biglaang halik kanina. Wala sa sariling napakagat ako sa aking labi.

May first kiss na ako.

Cams and Jessie would freak out if they found out.

As much as I don't want to make it a big deal, well it is. That's a first time!

"Anyway..." Nagsalita uli si Ulrich. "It's fine if you can't attend the closing part later."

"Tanga ka ba? I love parties!" Umirap ako.

"I just literally suggested— bakit ang hilig mong tawagin akong tanga?" Sa salita nito ay parang nairita talaga siya. "I'm literally smarter than you—"

"But you lack of common sense. Tingin mo ba magmumukmok ako sa bahay matapos ang nangyari?"

I would rather stay outside for as long as I can. Simula nung malaman ko ang tungkol kay Ate Sarah ay medyo naiilang na ako sa tuwing magkasama kami.

"Fine. Just say you will go and you are good. No need to call me like that!"

I smirked. "I will party later..."

Kumunot ang noo ni Ulrich sa tono ng boses ko. Sa huli ay bumuntonghininga siya saka umiling. Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makarating sa bahay.

"Let's go?" aya ko nung ihinto na niya ang sasakyan.

"What?"

"Tinanggihan mo ang alok kong drink kanina." Bahagya ko nang tinulak ang pinto ng sasakyan. "You treated me today. Halika. Magkape ka muna. Don't worry. My treat this time."

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan saka pabagsak itong sinarado. Pinitik ko pa ang buhok ko bago lumapit sa gate namin para pumasok.

"Seryoso ka ba?" tanong ni Ulrich na nanatili sa tabi ng kanyang sasakyan.

"Huwag ka nang magpapakita sa akin kapag umalis ka nang hindi pumapasok sa bahay," sabi ko nang hindi siya nililingon.

I don't usually invite people to our house. Para na rin sa kaligtasan namin ni Ate Sarah. Pero ngayon namang may in-invite ako, ayaw niyang pumasok.

"Paano kung biglang dumating ang ate mo?" nababahalang tanong ni Ulrich.

Hindi ko siya pinansin.

Alam kong nakasunod siya sa akin dahil naririnig ko ang pagtunog ng susi ng kanyang sasakyan. Binuksan ko ang front door saka hinarap si Ulrich.

"Come on in..." I formally invited him.

"T-thanks..." He seemed hesitant.

Sinundan ko siya ng tingin nung dumaan siya sa harapan ko. Umupo siya sa sofa. Hindi katulad kanina ay parang nahihiya ito ngayon.

"Napa'no ka, Rik? Hindi ba kanina nakabukaka ka pa ngang nakaupo diyan?"

Pumula ang mga pisngi niya. "I-I didn't mean it. Sobrang iritado lang talaga ako kanina." Saka niya pinagdikit ang kanyang mga binti.

I nodded. "You can remove your fake mustache now. Magpapalit lang ako ng damit."

Iniwan ko na muna siya sa sala saka ako pumasok sa kwarto. Nagpalit ako ng damit. Tinago ko sa pinakailalim ng damitan ko ang dress ko para hindi makita ni Ate Sarah.

I texted Ate Sarah, "Umuwi na ako ate. Sumakit konti ulo ko eh."

Pinatong ko sa nightstand ang cell phone. Napatingin ako sa kay Silly. Tila nalusaw lahat ng nararamdaman ko nung makitang gumagalaw pa ito.

Yumuko ako. "Hello, Silly. Natakot ka ba?" tanong ko.

"Riza?" dinig kong tawag ni Ulrich sa labas.

Napangiti ako. "Mukhang nababagot na si Dummy, Silly. Halika. Puntahan natin siya..."

Binuksan ko ang kulungan ni Silly at kinuha siya. Hinihimas ko ang kanyang ulo habang papunta sa sala. Naabutan ko si Ulrich na nakasimangot.

"Ang tagal mo! Akala ko nakatulog ka na..." aniya.

"Kinausap ko pa kasi si Silly." Umupo ako sa tabi niya. "Pwede mo muna ba siyang hawakan? Magtitimpla lang ako ng kape."

"Sure." Kinuha niya sa akin si Silly saka pinatong sa kanyang hita. "Hey, Silly. How's your first day here?" kinausap niya rin ang daga.

"Coffee or milk?" tanong ko.

"Coffee na lang..."

Tumayo na ako at pumuntang kusina. Nagpakulo ako ng tubig. Nagtimpla ako ng gatas at kape. Kumuha rin ako ng saging. Hindi ko na 'yon hiniwa. Binalatan ko na lang saka nilagay sa platito.

Naabutan kong nakaupo sa sahig si Ulrich. Pinaglalaruan niya si Silly. Nakahubad na ang blazer niyang nakapatong sa ibabaw ng sofa.

"Coffee..." I put our hot drinks on the center table. "Careful. Baka mapaso mo si Silly."

Inabot ni Ulrich ang kape. Hinipan niya 'yon saka humigop. Nanatili siyang nakaupo sa sahig. Si Silly naman ay paikot-ikot lang.

"Saan nakalagay ang cage niya?" tanong ni Ulrich.

Kumuha ako ng saging saka kumain.

"Sa ibabaw ng nightstand..." sagot ko.

"Good. She doesn't like shaky tables."

"Hindi naman magalaw 'yung table..."

Nang maubos ang isang saging ay kumuha ako uli. Nilingon ako ni Ulrich. Sinubo ko ang itaas ng saging. Nakita kong tumaas-baba ang kanyang Adam's apple.

"Uhm. Kain ka..." aya ko.

He shook his head. "Milk and banana?"

"Ang sarap kaya..."

Nagkibit-balikat siya. Nilingon na lang niya uli si Silly at nilaro. Inutusan niya akong ikuha na lang ng pagkain si Silly kaya kinuha ko naman ito.

"Are you lonely, Silly? Wala ka bang kasama rito?" dinig kong tanong ni Ulrich.

Binaba ko ang iniinom na gatas.

"Meron!" sagot ko.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko..."

"Meron nga! Marami kayang daga rito—"

"What?" Gulat na lumingon sa 'kin si Ulrich. "Don't even. Hayaan mo lang siya sa kanyang kulungan. O kaya'y kapag naman ibababa mo siya ay huwag mong iiwan."

Napaismid ako. "Pinasosyal na daga lang naman 'yan."

Tumayo si Ulrich saka umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang tasa ng kape at uminom doon. Hindi na niya 'yon binitiwan sa kanyang mga kamay.

"Ano na nangyari sa katulad ng dress ko?" tanong ko.

"Papunta na rito ang mga inutusan ko."

Tumango ako.

"You did great," sabi niya.

I sniffed. "It's nothing..."

Bumaba sa labi ko ang kanyang tingin. Napalunok ito.

"Soft..." he murmured.

"Huh?"

"I mean... ikaw. You are so soft when it comes to your sister."

Tumango naman ako.

Malamang ate ko 'yon.

Umakyat sa dibdib ko ang kaba nung marinig na may nagbukas ng gate namin. Sabay kaming napatayo ni Ulrich. Gumuhit ang kaba sa kanyang mukha. Sumilip ako sa labas ng bintana.

"She's here!" gulat kong sabi.

Fuck! Akala ko matatagalan pa siya!

"Shit. Shit. I am wearing the same clothes!" natatarantang sabi ni Ulrich. "Mahahalata tayo, Riza. What should we do?"

"Keep your blazer under the sofa!" natatarantang utos ko na ginawa naman niya.

Naririnig ko na ang mga palapit na yabag ni Ate Sarah.

"My pants..." Ngumiwi si Ulrich.

"Hubad. Itago mo rin sa ilalim!"

"What?! Naka-boxer shorts lang ako—"


"Just do it, Rik!"

"Seriously? Boxer shorts lang talaga—"

"Ulrich..." Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Labag man sa loob niya ay mabilis niyang niluwagan ang sinturon saka dali-daling hinubad ang pantalon. Nung makitang naka red boxer shorts na lang siya ay umiwas ako ng tingin.

Mas lumamang ang hiya ko kesa sa takot na baka mabulilyaso kami.

"Done!" dinig kong sabi ni Ulrich.

Narinig ko nang kumatok si Ate Sarah.

"Sit now. Ipatong mo na lang sa hita mo 'yung throw pillow para hindi ka mailang," utos ko nang hindi siya nililingon. "Just stay calm, Ulrich. Ako na ang bahala..."

Narinig ko pang bumulong siya ng mura.

Binuksan ko ang pinto. Sumalubong sa akin si Ate Sarah na nakakunot ang noo.

"Bakit ka naman umuwi, Riza? Sabi ko ihahatid ko pera mo, hindi ba?"

"S-sumakit kasi ulo ko..." Pasimple kong sinulyapan si Ulrich na prenteng nakaupo sa sofa. Hindi pa rin siya pansin ni Ate Sarah dahil nasa labas pa rin ito ng pinto.

"Are you okay? Namumula ka, Riza." Dinama ni ate ang noo ko gamit ang likod ng kanyang kamay. Napalitan ng pag-aalala ang tingin nito. "Medyo mainit ka nga..."

That's because I'm blushing!

Pumasok na nang tuluyan si Ate Sarah.

"Oo, Ate. Kaya nga hinatid ako ni Ulrich..." Finally, I introduced him.

Natigilan si Ate Sarah nung makita si Ulrich.

"H-hello po..." nahihiyang bati ni Ulrich. Nakaputing t-shirt lang siya at boxer shorts na pinatungan lang ng throw pillow. "Hinatid ko lang po si Riza."

"Nabasa kasi ng kape 'yung pantalon niya Ate Sarah!" agap ko.

Hindi agad nakapagsalita si Ate Sarah. Halatang sobra itong nagugulumihanan sa mga pangyayari. Hinarap niya ako nang nakataas ang kanyang kilay.

"I'm feeling better now..." Humina ang tinig ko.

"Magpapalit lang ako ng damit," ani Ate Sarah saka hinarap si Ulrich. Ngumiti na rin siya. "Thank you for taking care of my sister. Nagmiryenda ka na ba?"

"Nagkape na po ako," magalang na sagot ni Ulrich.

Hindi ko napigilan na pansinin ang kutis ng kanyang binti. Tangina naman. Mas makinis pa nga yata sa akin ang lalaking ito. Pero... malalaki ang muscles sa kanyang binti... maging ang kanyang hita. Sobrang fit ng red boxer shorts sa kanyang bewang.

"Gano'n ba? Sige. Maiwan ko na muna kayo. Magpapalit lang ako ng damit." Ate Sarah turned to me again. "Keep your visitor entertained, Rizzie."

Nung makapasok sa kwarto si Ate Sarah ay sabay kaming nakahinga nang maayos ni Ulrich. Sumandal siya sa sofa, tila nakalimutang naka boxer shorts lang siya.

"Muntik na..." bulong niya.

"R-Rik. 'Yung throw pillow... nawala na sa hita mo..."

Maagap naman na tinakpan niya uli 'yon.

Sa sobrang hiya ko ay kinuha ko muna si Silly na nakatulog sa sahig saka pumasok ng kwarto. Narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni Ulrich. Ayaw niyang magpaiwan sa sala mag-isa.

Pinasok ko si Silly sa kanyang kulungan. Natulog uli ito.

"Behave ka lang diyan, Silly ah? Huwag kang magsusumbong kay Ate Sarah."

Nilabas ko uli ang dress ko saka nilagay sa hanger. Binalik ko 'yon sa loob ng cabinet ko. Bahala na kapag naamoy ni Ate Sarah ang pabango ko rito. Sasabihin ko na lang na nadikitan ng mga mabango kong damit kaya nagkaamoy rin.

Napaigtad ako nung biglang pumasok si Ate Sarah. Sinadya kong luwagan ang pagkakabukas ng cabinet para agad niyang mapansin doon ang dress ko.

"Riza..." tawag niya sa akin.

"Ate?" Nilingon ko siya.

Tumagos sa likod ko ang kanyang mapanuring tingin. Napansin kong lumuwag ang paghinga niya. Saka siya ngumiti at nilapitan ako.

It was a relief for both sides.

"Ayos ka na ba? Hindi ba sabi ko sa 'yo magsabi ka agad sa akin kapag may kailangan ka?" May bahid ng pagtatampo ang kanyang boses.

"Nawala ko kasi 'yung pera ko, Ate..." Pinagsalikop ko ang mga daliri.

"Okay. Magkano ba?"

Nilabas niya ang kanyang wallet. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagbibilang siya ng pera. Gaya ko ay mabilis din siyang nakapagpalit ng damit. Hindi naman ganito kanina ang ayos niya.

How's your date, Ate Sarah? I wanted to ask her that.

Inabutan niya ako ng pera at tinanggap ko naman 'yon.

"May party mamayang gabi sa school, hindi ba?" tanong niya.

"I need to be there..."

Dinagdagan niya ang pera ko.

"Thank you, Ate..."

She smiled at me. "Anything for you, baby sis..."

I hugged her. It hurts me when a realization struck me— we have changed a lot. Parang habang patagal nang patagal ay palayo nang palayo ang loob naming sa isa't isa.

How to save us from falling apart?

Inaya na rin ako ni Ate Sarah na lumabas ng kwarto para puntahan si Ulrich. Naabutan namin siyang gumagamit ng cell phone. Nung mapansin kami ay mabilis niya 'yong binaba.

He looked more comfortable now.

Hawak na niya ang kanyang mga gamit na tinago kanina sa ilalim ng sofa. Naka-fold naman ang mga 'yon kaya hindi mahahalata ang style.

"Salamat talaga sa paghatid kay Riza sa bahay, Ulrich," banayad at nakangiting sambit ni Ate Sarah. "Do you need anything?"

Nanatili ako sa likod nila.

Ulrich shook his head. "Paalis na rin po ako. Thank you."

Panandaliang natigilan ang pag-uusap namin nung may bumusina sa labas. Ngumiwi si Ulrich habang kumakamot sa batok.

I saw him mouthed, "Fuck."

Malamang na narito na ang mga inutusan niyang maghanap ng kapareho kong dress. Pasimple akong tumikhim. Napatingin sa akin si Ulrich. Umiling ako sa kanya na naintindihan naman nito.

"May tao yata—" si Ate Sarah.

"Ako na po!" Tumayo si Ulrich. "Nag-order ako ng pizza, pero hindi ko na kayo masasabayan. Pinapauwi na kasi ako. Saka marami pang aayusin for the party later..."

"Gano'n ba?" si Ate Sarah.

Nakatakip pa rin sa gitna ng hita ni Ulrich ang throw pillow.

He stood there with an awkward smile.

"Salamat, Ulrich. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Hinarap ako ni Ate Sarah. Marahan na tinapik niya ang balikat ko. "Ikaw na ang maghatid sa kanya sa labas."

Binitiwan na ni Ulrich ang unan. Saka niya binaba ang mga hawak na damit sa kanyang baba. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya pumula uli ang kanyang mukha.

I went outside with him. Nauuna siyang maglakad.

"Are we safe?" he asked.

Sa labas ay may dalawang lalaking nakasakay sa motor. May hawak na paper bag ang isa at ang isa naman ay dalawang box ng pizza.


"For now..." sagot ko.

Nilapitan ni Ulrich ang dalawang lalaki. Binigay nila sa kanya ang mga hawak. Saka bumaling sa akin si Ulrich. Lumapit siya sa akin.

"Pizza..." Inabot niya 'yon sa akin. "I will just keep this dress. Sigurado ka bang hindi na nakahalata ang ate mo?"

I shook my head. "Hindi... na. Nakita na niya ang dress ko sa loob ng cabinet."

Tumango si Ulrich. "Good. I need to go now."

I bit my bottom lip as I nodded.

"That was... embarrassing... but fun," bulong ni Ulrich.

Natawa ako kaya natawa rin siya.

"See you later, Silly..."

"See you, Dummy..."

Hinintay kong makaalis ang sasakyan ni Ulrich. Bumalik ako sa loob. Naabutan ko sa kusina si Ate Sarah. Humihigop siya ng mainit na kape. Pinatong ko sa gilid niya ang box ng pizza.

"May namamagitan ba sa inyo ni Ulrich?" diretso niyang tanong.

Tumawa ako. "Para kang tanga, ate..."

"No. Seriously?" she asked.

I shook my head. "Wala, Ate Sarah. Gentleman lang talaga siya."

I sat down on the chair across her. Kumuha siya ng pizza saka kumain. Sa laptop na ang kanyang buong atensyon habang ako ay nakatitig lang sa kanya.

"I will work during summer, too," she mentioned.

"Wala kang break?" tanong ko.

"Meron naman." Umangat sa akin ang tingin niya. Marahan itong ngumunguya. "Wala rin naman akong balak sa bakasyon. Ikaw ba?"

"Baka sumama na lang ako sa mga kaibigan ko..." Suminghap ako ng hangin. "I have decided to take a business-related course, Ate Sarah."

That shocked her for a moment.

I smiled. "Sigurado na ako..."

"Whatever you like, baby sis. I will support you..."

I cried inside. I want to support you, too, Ate Sarah. God knows how I wish the best for you. Gusto kitang suportahan sa ginagawa mo. Pero alam mong hindi tama... hindi kailanman magiging tama.

"I'm proud of you, Rizzie."

Tumango na lang ako. Bumalik ako sa kwarto. Doon na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinarap ko na lang si Silly.

"Hey, Silly. Gising ka na rin sa wakas!" Kinuha ko siya sa kulungan saka pinatong sa kama. Pinaglaruan ko na lang siya dahil mamaya ay tulog na naman ito.

Hinawi ko ang mga luha sa mata.

"Sobrang sama ko bang kapatid?" pabulong na tanong ko.

Should I just let them be happy? If Ulrich is right, that they are just waiting for the divorce to be official so they can legalize their relationship, should I just let them be happy?

One text message appeared on my phone.

Ulrich: Party later, aight? See you.

The party will start at 6 p.m tonight. Nawalan ako ng gana. Parang gusto ko na lang itong itulog. Tinadtad ako ng messages nila Cams at Jessie. Sa huli ay nag-ayos na lang din ako.

I need this.

My phone beeped.


Jessie: You up? Look outside.

I guess they are already here. Humarap ako sandali sa salamin. Hindi pa rin naalis ang pagka-wavy ng buhok ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Naabutan kong papasok sana ng kwarto ko si Ate Sarah.

"Your friends are waiting outside," balita niya sa 'kin.

"Sige, Ate. Alis na ako..."

"Have fun..."

Lumabas na ako ng bahay. Naabutan ko si Art na umaakyat ng gate namin. Natigilan ito nang makita ako.

"What the hell are you doing?" I blurted out.

Sabay na humalakhak sina Jessie at PJ.

"We are about to kidnap you—"

"Ulol. Idadamay mo pa kami sa plano mo!" singhal sa kanya ni PJ.

"Bumaba ka nga diyan!" utos ko kay Art na sinunod naman nito. Pagkababa nito ay pabiro niyang sinuntok sa balikat si PJ habang tapik lang nang bahagya kay Jessie.

Lumabas na rin ako ng gate. Bumukas ang pinto ng bahay namin. Ngumiti sa amin si Ate Sarah at kumaway.

"Mag-iingat kayo!" paalala niya.

"Is that your sister, Riza?" Art asked.

"Yep." Kumaway din ako pabalik kay Ate Sarah.

"Baka naman pwede mo akong ipakilala—"

"Mahiya ka naman, Arthur," ani Jessie.

"Mag-iingat ka rin, Ate!" si Arthur kaya binatukan ko siya.

Nauna nang sumakay si Jessie sa sasakyan. Hinila ko na rin si Arthur dahil baka pasukin niya pa si Ate Sarah para lang magpakilala.

"Your sister is gorgeous!" sabi pa ni Art.

"Wait. Hintayin natin sina Camila saka Roland. Bumili lang ng tubig sa malapit na store," ani PJ.

"Nasa iisang sasakyan lang kayo lahat?" tanong ko dahil isa lang namang sasakyan ang nakaparada rito at kotse pa.

"Sumama pa kasi si Arthur!" sigaw ni Jessie na nasa loob ng sasakyan.

Nilapitan ako ni Art. "Baka naman pwedeng makuha number niya, Riza—"

"Leave her alone!" Tinulak ni PJ si Arthur palayo sa akin. "Sige. Igitgit mo pa siya. Malilintikan ka kay Papi Ulrich!"

Sa hindi kalayuan ay nakita kong papunta na sa amin sina Camila at Roland. Nung mapansin ako ni Camila ay tumakbo na ito. Naiwang naglalakad si Roland na kumakain ng lollipop.

"Rizzieee!" pabagsak na yumakap sa 'kin si Camila.

"Are you good now, babe?" tanong ni PJ.

Cams ignored him.

"Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Jessie.

Bumaling si Camila kay Roland. "Tanong niyo diyan!"

"Nag-gold ako..." ani Roland.

"Gold?" tanong ko.

Kumapit sa braso ko si Camila.

"Ayaw kasi ni Camila na sinasabing tae kaya gold na lang," kaswal na sagot ni Roland. "Oo nga pala, guys. May girlfriend na ako."

"Bro..." Humalakhak si Arthur. Inakbayan niya si Roland. "Ang tapang ni bunso natin. Niligawan ba naman si Vice Hailey."

Halos lumuwa ang mga mata ko.


"Who's that?" PJ asked. "Ah! SSG Officer, right?"

"Lahat na lang ng babae kilala mo..." bulong ni Camila.

"Babe naman. SSG Officer natin 'yon eh."

Umirap si Camila saka mas hinigpitan ang kapit sa braso ko.

"Ano'ng balak niyo?" inip na tanong ni Jessie. "Mag kwentuhan magdamag o mag party?"

"Listen, Rol. Hindi mo pa jowa si Hailey. Liligawan mo pa 'yon," dinig kong bulong ni Arthur kay Roland. "Pero... sigurado ka na ba talaga sa kanya?"

"Mahal ko siya, Art..."

Pumasok na sa driver's seat si PJ. Si Camila naman ay tumabi kay Jessie sa likod. Napansin kong bumuntonghininga si PJ. Ako na lang ang tumabi sa driver's seat.

"Kandong na lang ako!" Nakita ko sa rear-view mirror na kumandong kay Jessie si Art.

"Mabigat ka—"

"Ako na lang kakandong sa 'yo!" suhestyon pa ni Art.

Nagpalit ng pwesto sina Art at Jessie.

"Tangina, Jess. Sandali. Naiipit itlog ko—"

"Umayos nga kayo!" iritang sigaw ni Camila.

Natahimik ang lahat.

Siniko ko si PJ kaya napatingin siya sa akin.


"What did you do?" pabulong kong tanong.

"Nothing. Bigla na lang siya nagkaganyan—"

"Drive now, Patrick Jae Laxamana!" sigaw ni Cams.

"Aight, babe. Chill..." Mahinang tumawa si PJ.

Habang nasa byahe ay naririnig ko ang mga mahinang bulong ng mga lalaki sa likod. Si Jessie na nagrereklamo dahil nangangawit. Sina Rol at Art naman ay nag-uusap tungkol sa panliligaw.

"Hopefully, you won't harass her like what you did to me, Rol," dinig kong paalala rin ni Camila. "Iba ka rin kasi maglambing eh. Sapilitan."

"Hindi na kita crush, Camila."

"Oh wow. Am I going to die?" sarkastikong sabi ni Camila.

Bumaling na lang ako sa labas ng bintana. Pasimple kong tiningnan ang screen ng cell phone ko. Wala pa rin siyang message sa akin.

"Where the fuck is Ulrich?" tanong ni Art.

"I don't know. Hindi sinasagot ang tawag ko," ani PJ.

So... he's not going to attend?

"Nah. That's bullshit," iritadong sabi ni PJ. "Hindi na nga siya pumasok kanina e. Wala rin siyang chat. What the hell is happening to him?"

"Umalis siya kaninang umaga," biglang nagsalita rin si Roland. "Mukha nga siyang galit. Mukhang may tinatawagan pero hindi sinasagot."

"Baka may secret jowa na 'yon!" biglang sabi ni Art.

Nilingon ako ni PJ. "Malay ko..."

Nakarating na kami sa school. Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas ng sasakyan. Agad na kumapit sa akin si Camila nung tangkain siyang lapitan ni PJ.

Napasabunot sa buhok si PJ. Huminga siya nang malalim bago tumango at hindi na uli nilapitan si Camila.

"I'll call him," PJ suggested. Bahagya siyang lumayo sa amin para tawagan si Ulrich.

"Mauna na kami!" excited na sabi ni Art.

PJ just showed him his middle finger. Humalakhak si Art bago hinila sina Jessie at Roland.

"Are you going or not?" dinig kong sabi ni PJ, malamang na sinagot na ni Ulrich ang tawag. "Kararating lang namin— puyat ka? Hindi naman tayo uminom kagabi— Tangina. Binabaan ako ng tawag!"

"Ano raw?" tanong ko.

"Papunta na raw," aniya pero ang tingin ay na kay Camila. "Mauna na tayo."

Nauunang naglalakad sa amin si PJ. Mabigat ang mga hakbang na ginagawa nito.

"What is this now, Cams?" bulong ko sa kaibigan.

"Nothing..."

"Daig niyo pa mag jowa..."

"We are not even in a relationship..." bulong pa ni Cams.

"That's the problem. Hindi kayo pero parang kayo."

Pumunta na kami sa open field. Naabutan namin ang mga estudyante na sumasabay sa banda. Kinakanta nila ang isang sikat na OPM song. Sobrang lawak dito pero halos mapuno ng mga tao.

Hinila ako ni Cams saka kami sumiksik sa mga tao. Wala akong gana pero napilitan akong sabayan ang energy ni Cams. Nagkita-kita rin kami nina Art, Roland at Jessie. Sa isang banda ay nakatingin lang sa amin si PJ.

Napatakip ako nang sumigaw si Cams para sabayan ang kanta habang nakayakap sa akin.

Sa kabilang banda naman ay tawa nang tawa sina Jessie at Art habang pinapalakas ang loob ni Roland para sumayaw. Si Roland naman ay ginawa ang lahat para umindak.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong umalis si PJ.

Natigilan sa pagkanta si Cams. Suminghap siya.

I mentally rolled my eyes. What's their status again?

Bumulong sa akin si Camila, "Restroom lang..."

Saka niya sinundan si PJ. Iyon naman talaga ang sadya niya.

I stood there, jamming with the band. May kasama ako pero may kanya-kanya silang ginagawa. Nagkakatulakan dahil siksikan talaga.

"What the fuck? Bawal 'yan ah?" dinig kong sabi ni Jessie.

Napatingin ako kina Roland at Art. May hawak silang alak saka isang plastic cup. Nakailang tapon muna sila ng alak bago nakainom si Art. Sumunod si Roland.

"Art!" suway ni Jessie.

"Isa lang..." Inakbayan ni Art si Jessie saka inabutan ng isang baso. Napalingon siya sa akin. "Walang sumbungan, Secretary Riza ah?"

"Kapag nahuli kayo—"

"Ssshh." Art winked at me.

Napilitan nilang painumin si Jessie. Sumunod na nilapitan ako ni Art. Aktong hahablutin ni Jessie ang baso ng alak pero naiwas agad ito ni Art.

"Uy, Art. Baka malagot tayo kay Rik," nababahalang sabi ni Rol.

"Shit. Oo nga pala..."

Inagaw ko sa kanya ang plastic cup saka ininom ang laman no'n. Nanlaki ang mga mata ni Roland habang si Jessie naman ay umiwas na lang ng tingin habang naiiling.

"'Yon! Isa lang eh!" Halakhak ni Art.

Naka isang shot lang ako hanggang sa maubos nila ang alak. Umalis sandali si Roland para itapon ang bote at plastic cup. Ako naman ay umalis muna sa matao saka umupo sa bench. Nangawit ang mga binti ko.

Tumabi sa akin si Jessie.

"Malapit na birthday mo, Rizzie," aniya.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Wala kang plano?" tanong niya.

"As usual. Small celebration. Bonding," tipid kong sagot.

"Small?" Mahina siyang tumawa. "Lumalawak na circle of friends mo, Rizzie. How about Ulrich? Art? 'Yung iba? Hindi mo sila isasama?"

Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko rin kasi alam.

"Papi Ulrich!" narinig kong sumigaw si Art.

Napalingon ako sa kanila. Kararating lang ni Ulrich. Basa pa ang buhok nito. Nag-usap silang dalawa ni Arthur. Kumunot ang noo ni Ulrich.

"Lagottt!" Humalakhak si Roland. "Inutusan lang ako ni Arthur, Rik. Binigyan niya ako ng pera para bumili ng alak."

"Tangina naman, Rol. Itanggi mo naman na uminom tayo!"

Nilapitan ako ni Ulrich. Seryoso ang tingin nito.

"Uminom ka rin ba?" tanong niya.

Tinikom ko ang bibig ko.

Nilingon ni Ulrich si Arthur. Napakamot sa ulo si Art habang nagtatago sa likod ni Roland.

"Si Art talaga ang pasimuno," pagsusumbong din ni Jessie.

"Jess..." Mabigat ang paghinga ni Ulrich. "Pwede ko muna bang mahiram ang kaibigan mo?"

Kumabog ang dibdib ko.

Tumawa si Jessie. "Sure. Basta ibalik mo rin 'yan agad ah?"

Hinawakan ni Ulrich ang braso ko saka ako hinila roon.

"Hindi ako uminom!" giit ko habang nagpapatianod sa kanyang lakas.

Huminto kami hindi rin kalayuan sa open field. Tumayo siya sa harapan ko. Seryoso man ang kanyang mukha pero halata pa rin na naiinis ito.

"Really? Riza? You are still the SSG Secretary," panunuya niya.

Hindi ako sumagot. Naiinis ako sa pagtrato niya sa akin, na parang sobra siyang nag-aalala, na parang sobrang big deal ko sa kanya.

Napasinghap ako nung higitin niya ang bewang ko. Saka niya marahan na hinawakan ang baba ng ulo ko. Nilapit niya ang mukha sa akin.

"Did you drink?" he asked while staring into my eyes.

I shook my head.

"Say it, Riza."

I swallowed my words.

"Did you drink, Riza?"

"H-hindi..."

Suminghap si Ulrich. Hindi siya naniniwala.

"Hindi 'yan ang naaamoy ko sa bibig mo..."

"T-that's my lipstick..."

He smirked at me.

"Hindi rin 'yan ang nalasahan ko kanina..."

Uminit ang pisngi ko. What the hell?

"Ano namang pakialam mo, Ulrich? Why are you acting like—"

"Like what..." Lumunok siya.

Shit. Para akong nauubusan ng hangin. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Like my boyfriend..." pagtutuloy ko.

Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi.


"Kailangan ba maging boyfriend mo muna ako bago ako mag-alala para sa 'yo?"

Mas lalo niyang nilapit ang sarili sa akin.

I am losing my senses. Parang nabablangko ang isipan ko sa mga sandaling ito.

"Answer me, Riza..."

"I don't know, Ulrich. The way you care for me... I find it strange. I don't like it."

"Strange?" May mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "This is me, Rizaline. Ganito ako mag-alala sa mga taong malapit sa akin... sa mga kaibigan ko..."

Tila tinakasan na ako ng mga salita. Hindi ako makapag-isip nang maayos habang nakatingin sa kanyang mga mata. I need to get my shit together.

I pushed him away. Nakawala ako sa kanyang pagkakahawak.

"Not me, Ulrich. I can take care of myself!"

"I can do that too..."

"Fuck you!"

Humalakhak siya.

Tumalikod na ako at naglakad pabalik.

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
804K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...