Chapter 19

54K 5.9K 10.2K
                                    

Chapter 19: Agreement

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa kabutihang palad ay wala naman gaanong aberyang nangyari. Ang pinakamalala lang yata ay no'ng nasunog ang isang booth dahil sa kandilang naiwan.

Wednesday night, I went home feeling sick. Pasinghap-singhap ako habang kumakain nung hapunan. Agad napansin ni Ate Sarah na matamlay ako kaya hinaplos niya ang noo ko.

Right. I got sick that night. Pero imbes na sermonan niya ako dahil paulit-ulit niyang pinaalala na huwag abusuhin ang katawan ko, wala akong narinig sa kanya.

Ate Sarah was there until I fell asleep. Nagising ako nung mga alas tres ng madaling araw. Nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nag-alangan pa nga akong pumunta ng kusina dahil baka kung ano na naman ang maabutan ko.

I went to the kitchen to drink water. Nakita kong sarado ang pinto ni Ate Sarah nung dumaan ako. Mukhang mahimbing ang tulog niya. Malamang na napuyat din siya sa akin.

Today is Thursday. Ngayon din gaganapin ang pageant for Mr. and Ms. Riverside University. Kung ordinaryong araw lang ito ay baka lumiban muna ako sa pagpasok. But I have to be there.

I'm feeling better though.

Bumalik ako sa kwarto. Hindi ko ramdam ang antok kaya kinuha ko na lang ang cell phone ko. I immediately went into my gallery photos.

I stared at his photo. Lately... I always find myself staring at Ulrich's photo.

Why did he delete it? He looked so hot in that serious expression!

I swiped to the next photo. The picture of five topless men.

It hits different now that I know who they are. Syempre si PJ 'yung naka-dirty finger sa picture. Si Chester na todo ngiti ang nakahawak sa camera. Magkaakbay sina Art at Roland sa picture. Sa bandang likod ay seryoso lang na nakatingin si Ulrich.

The heat rushed to my head. Just as though I realized... he was also topless. They all have well-built bodies. I am not really that fascinated with muscular men but... Ulrich? The intimidating SSG President? Topless?

Napakurap ako nung biglang tumunog ang notification ko.

Ulrich: Hello

That.. startled me.

Ulrich: Hello???

I fought the urge to text back. Baka akalain niyang gano'n siya ka-importante sa akin para reply-an siya nang ganitong oras.

Napatalon ako sa gulat nung tumunog ang cell phone ko. Hindi siya nakuntento sa pag-text.

Ulrich is calling...

I bit my bottom lip. Ano ba ang problema ng lalaking 'to? It's freaking 3 in the morning!

Tumikhim ako. Sinagot ko.

"Hello?" Nilaliman ko ang boses, para kunwari ay naalimpungatan lang mula sa pagtulog.

"Hoy!" Bigla niyang sigaw.

Kahit na gising ang diwa ko ay parang mas lalo akong nagising sa bigla niyang pagsigaw. Maingay sa background niya. Naririnig ko ang malakas na tugtugin.

"Ba't ka tumawag?" tanong niya.

"Huh? You called me, Ulrich!" pagtatama ko.

Oh. He's drunk.

"Really?" Tila hindi pa ito kumbinsido. "Why would I call you?"

"Are you still at the bar?" I asked.

Inaya nila ako kanina sa bar pero sa pagkakataong 'to ay hindi na talaga ako nagpapilit. I was really exhausted. Saka masama na talaga ang pakiramdam ko.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon