Meeting the Mafia Boss

By aCATsuki3

11.3K 308 45

''Since you don't know how to talk maybe I should just tear off your limbs, that'll teach you how to speak''... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 8

631 26 2
By aCATsuki3

After school dumaan muna kami sa isang drive thru para naman may makutkot kami after doing our project. Ibang klase din itong body guard ko ni minsan hindi inalis ang shades. Hello? nasa loob na kami ng sasakyan where's the sun? under the moon? Masyado naman ata siyang lunod sa pelikula at talagang gayang gaya niya ang pormahan ng mga body guard.

'Saang gubat ba nakatayo ang bahay niyo puro puno ang nakikita ko ha' pagrereklamo ni Vi habang ngumunguya ng fries. Kukuha rin sana ako ng paluin niya ang kamay ko. Snack daw namin yon for later. Ako bawal kumuha pero siya pwede? ano to marites? nasaan ang hustisya?

'Malapit na tayo at malapit naring maubos yung foods!'

'Hehehe tinitikman ko lang kung masarap' mukhang masarap nga at paubos niya na.

'Mare di mo naman sinabi palasyo pala bahay niyo di sana nakapag gown man lang ako' namamanghang sabi niya. Napaka oa naman neto. Ako nga mansyon lang ang tingin dito sa kaniya palasyo na. Palasyo na bang maituturing ang three story house? Well maganda nga naman ang structure parang Victorian home ang style at malawak ang space sa labas na napapalibutan ng puno't halaman all in all maganda naman sa mata.

Sinalubong naman kami ni Aling Sabel. 'Andito na ho pala kayo mam Alex' pinakilala ko naman si Vi sa kaniya at tumuloy na kami sa loob. Leeg ko yung sumasakit sa katitingala ni Vi sa ceiling, tiningnan ko kung ano yung nagcaught ng atensyon niya baka mamaya may espirito syang nakikita tapos sumanib sakin o edi magiging digimon na ako nyan.

'Maiwan ko ho muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryenda' bago siya umalis eh nagpaalam na akong didiretso na sa lab baka mamaya hanapin niya kami pagwala kami sa sala.

'Nasan pala ang asawa mo?'   anong sasabihin ko marites!? ako nga hindi ko rin alam kung nasaang lupalop yon.

'hmm nasa work, mamaya pa ang uwi non hehehe' tumango tango naman siya buti na lang nakarating na kami sa lab kasi mukhang may itatanong pa siya.

'Here we are' Itong lab ay nasa may likod ng bahay. Akala ko nung unang paglilibot ko dito ay warehouse hindi naman kasi ako pumasok sa loob.

'Oh em Gi! Bongga!' kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig ni Vi sa pagkakanganga. kahit ako namangha din nung ipakita to sakin ni aling sabel and true to sers words fully equipped nga itong lab kaya hindi kami nahirapan ni Vi. Nag install na kami ng camera for recording purposes. Vi did the mixing of formula at ako naman ang nageexplain/ assistant niya. After a couple of hours natapos na din namin ang experiment.

'Paabot nga lex nung juice at masakit kamay ko' pakatamad naman neto kala mo naman nagkargador kaya masakit kamay

'thank you' nilantakan ko naman ang lasagna na halos paubos na ni Vi. Yung snacks namin kanina siya lang din ang nakaubos. Ang takaw takaw may bulate ata to.

Beep beep. lumabas si aling sabel  at sinalubong ang bagong dating. 'Magandang hapon ho sir' tinanguan lang siya nito. First time niya ata magbusina pagkadating dati rati naman napasok lang siya na parang lamok di mo namamalayan andiyan na pala.

'You must be my wifes friend I presume? I'm Valerian Montage, Alexis's husband'  tumayo naman si Vi na halos mapunit na ang labi kangingiti at nakipagkamay. Kailangan pa ba talaga banggitin ang 'wife'?! pwede namang alex eh! at may pahabol pang husband!!

'Hello po! nice meeting you po. I'm Victoria but you can call me Vi' buti na lang siya na ang nagpakilala sa sarili niya. Nakakailang naman sabihing asawa ko si ser diba. At this age dapat boyfriend lang ang meron ako pero ito at asawa na agad binigay.

'The pleasure is all mine.' bumaling naman sa akin si ser. Tiningnan ko din siya habang.umiinom ng juice.

'Are you done with your project wifey?' naibuga ko naman ang iniinom ko at napaubo.

'Ayos ka lang lex?' Tinanguan ko lang si Vi habang tinapik tapik niya ang likod ko with force marites! Akala ko ba masakit kamay niya!? Ito kasing si ser humihirit ng wifey di nga kami nag usap na may pa endearment! Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero wala lang pakialam nakikuha pa ng chips namin.

'Tapos na and niligpit na din namin ang mga gamit' he nods

'That's good. I'll be upstairs if you need me.' sino naman ang may kailangan sa kaniya dito noh? mamaya umandar naman ang pagka abnormal niya mahirap na.

'Mare masyado kang mapaglihim! Adonis pala ang napangasawa mo!' Parang bulateng nabudburan ng asin si Vi pinagpapalo pa ako. Fangirl? para sakin hindi naman sobrang gwapo ni ser you know just right lang. nginitian ko na lang siya ng alanganin.

'Kumusta ang pakikipag pulot gata?!' pulot gata? gulay? pakbet? di pa ba siya nakatikim non?

'Di mo pa ba yun natry?' sinamaan niya naman ako ng tingin. May mali ba sa sinabi ko?

'Gaga! wala akong asawa ni boypren, anong akala mo sakin pariwarang babae?' ha? eh ano ba kasing sinasabi niya?

'Honeymoon is what I mean gurl' ah honeymoon lang pala

'Hindi eh diba nga sabi ko sayo biglaan lang yung kasal'.

'kahit na noh wala na ngang seremonya wala pang chukchakan!?' namula naman ako sa pinagsasabi ni Vi. Ang babaeng to dapat pinapamumog ng holy water. 'Vi! may makarinig sayo!' tinawanan niya lang ako.

'O siya lalayas na ako at ng makarami kayo wahahaha' tinulak tulak ko na siya palabas at pinahatid sa driver. Kung ano ano ang pinagsasasabi. Di ko nga alam kung gusto ba ni ser ng babies eh kasi nga diba pamin siya.

Kinagabihan sabay kaming kumain ng dinner ni sir which is first time ulit marites! Most of the time kasi lagi siyang nasa labas, busy sa kaniyang 'business' pero not this day. Ano kayang pollution ang nalanghap niya sa labas?

Nanonood ako ng Girl in the basement dito sa kwarto habang ngumunguya ng caramel puffs si ser naman eh kaharap ulit ang laptop niya pero nahuhuli ko ang pagsulyap niya sa pinapanood ko. Hindi niya ata kaya ang ganito kabigat na story line at hindi niya mapanood ng diretso. Akala ko ba mafia boss siya. They are supposed to be ruthless. After ko manood pinatay ko na ang T.V. Dahil wala akong magawa at di pa naman ako inaantok eh tinitigan ko na lang ang mukha ni ser. Nung una kaming nagkita talaga namang may itsura siya pero ngayon medyo haggard siya may eye bags ang lolo niyo. hindi kasi natutulog feeling vampire. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

'What?' umiling naman ako at nakisilip sa laptop kung anong ginagawa niya baka mamaya nanlalake na to kaya laging puyat.

Black screen, green font, numbers and profiles ang nakaflash. Nakita ko rin ang mukha nung pedring na magnanakaw ng halik sa france. Sid Jurgen Lewis, 25, Mafia boss of  black society. ohh mafia boss din pala ang pedring na yon. Si ser eh mafia boss ng gun manufacture siguro ang Sid na ito eh mafia boss ng akyat bahay gang. Nilapit ko pa ang ulo ko para mabasa ko ng maayos halos magkalapit na ang mukha namin pero hindi niya naman ako pinapagalitan sa pakikiusyoso but I can hear his breath being ragged. Naiinitan ba siya? Nakabukas naman ang aircon ah. Marami pang nagflash na mga profiles at minamarkahan niya yung iba and may lalabas na amount and itinatransfer niya sa isang program.

'Let's sleep' Nang mapagod siya ay tinabi niya na ang laptop at saka nahiga pero hindi parin ako makatulog. Humilig ako paharap sa kanya. Nakapikit na siya pero alam ko na hindi pa siya tulog.

'Ser.....' tawag ko sa kaniya sa malumanay na tinig.

'What?' Sabi ko na di pa to tulog.

'Do you want babies?' Napamulagat siya at marahas na lumingon sa gawi ko.

'What the fuck?' oh diba ayaw niya! ito kasing si Vi eh kung ano ano ang pinapagawa sa akin or baka naman yung isa ang gusto ni ser.

'Ayaw mo ba? how 'bout honeymoon?' he pinched his nose bridge. Nastress ata siya sa tanong ko. Kung pamin nga siya talaga nga namang nakakastress na ayain siya ng babae to do the thing.

'You don't know what you're sayin' duh!? ofcourse I know! makakarating ba ako ng college if I don't?

'Sure ka?' he sighed

'We're on the same bed woman! let me be before I lose control' pakahighblood naman sobrang against nagtatanong lang naman eh.

'su~'

'shut up or you'll die' ayan na naman ang mga hirit niya, Akala mo ha. Lumapit ako sa kaniya and wrap my arm around him. I felt him stiffen. may pa shut up or you'll die ka pa ewan ko lang kung di ka bangungutin sa yakap ng isang tunay na babae wahaha.

'Wh~'

'Shut up or you'll die' aangal ka pa ha. have a taste of your own words hehehe.

Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Nagulat ako ng mukha ni ser ang bunungad sakin muntik ko pa siyang masabuyan ng morning breath ko. Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang naka yakap sa akin at saka bumaba patungong kusina.

Nagtaka ako dahil may ingay sa dining gayong tulog pa naman si ser at ni minsan di pa kumain sa dining area ang mga kasama namin sa bahay kahit si aling sabel pa. Inaaya ko sila pero ayaw naman. Kaya sino ang nasa dining? Hindi kaya ito ang espirito na nakita ni Vi?! Oh em gi! Dahil big fan ako ng anime series na detective conan pasimple kong chineck kung may tao ba. Positive! umagang umaga may mga akyat bahay na. Dalawang pedring ang na spot-an ko yung isa nasa dining kasama ang isang marites yung isa pang pedring eh nagkakalkal sa fridge. Mukhang naramdaman ata nila ang presensya ko sabay sabay silang lumingon sa gawi ko at saka bumunot ng baril!

Sa takot at gulat ay nagsisisigaw ako 'Ahhh! Valeriaaan! Valeriaaaaan!!' tumakbo ako pabalik sa hagdan ng nakasalubong ko si ser na may hawak na baril. Sa itsura niya mukhang nagising siya sa palahaw ko.

'What the hell happened?!' hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang sinusuri ang kabuuan ko.

'Magnanakaw...kusina...may...baril' habol hininga kong tugon.

Nangunot ang noo niya 'Calm down. I'll go check it' gaya ng sabi niya pinakalma ko sarili ko hindi pa man din nakabubuti sa health ko ang ganitong shock at umagang umaga pa marites!
Marahan niya akong itinabi saka lumakad palapit sa kusina dahil ayoko maiwan mag isa doon eh kumapit ako sa braso niya at nanatili sa likuran habang sumusulyap sa unahan.

Sabay ng paglitaw ng mga lalaking kawatan sa kusina ang pagkasa ni ser ng baril

'Yow! boss chill!' they raised their hand in surrender.

'The fuck Cresct what are you doing here?! You scared the shit out of my wife!' baling ni ser sa pedring na parang model ng colgate

'Boss chill ikaw ang nagpapunta samin dito remember?'

'Yes but not this early!' hindi naman nila pinansin ang nagpupuyos sa galit na si ser at tinapunan ako ng tingin.

'pasensiya na madam boss reflex lang hehehe' sabi nung pedring na may piercing sa lower right lip.

'Ano hong nangyari sir narinig ko nagsisisigaw si mam?' nagising ko pa pala si aling sabel at ilang mga kasama namin sa bahay na nakikisilip din.

'Nothing manang. Can you please  attend to my wife, I have business with these guys.' dumiretso sila sa study at pansin ko na wala yung isang marites. San kaya yun nagpunta? first time niya ata dito. di kaya naligaw din siya like me?

'Oho ako na ho ang bahala kay mam' iginiya ako ni aling sabel papuntang kitchen at inalalayan maupo eh hindi naman ako nalumpo.

'Ayos ka lang ba mam? medyo namumutla ka parin. Inumin mo muna to pampakalma.' binigyan niya ako ng tea, kahit na di ko trip ang lasa eh ininom ko parin.

'Opo saka Alex na nga lang po kasi ang itawag niyo sa akin para naman kayong others niyan kung mam pa tawag niyo sakin hehehe'

'Mukhang ayos ka na at nakakapagbiro ka na' nagsimula naman siya magprepare ng mga ingredients na gagamitin niya sa pagluto.

'Sino po yung mga yun?' bakit kaya si aling sabel ang nagluluto eh sa pagkaka alam ko hindi naman siya ang chef dito. Napakakuripot talaga ni ser mukhang wala na siyang pangbayad sa mga kasama namin sa bahay at binigay niya na kay alibg sabel ang mga gawain.

'Ah mga tauhan iyon ni sir' tumango tango ako. Tinanong ko pa siya kung fan ba siya ng bts kasi may nakita akong mga bts merch sa mga pinamili niya nitong nakaraan. Hindi naman yun kay ser dahil mukhang di niya trip ang kpop. Sabi ni aling sabel regalo niya daw iyon para sa anak niya. Naway lahat! Mukhang magkakasundo kami ng anak niya pagnagkita kami hehehe. Nagkwentuhan pa kami ni aling sabel ng mga kung ano ano.

'Sir, Mr. Cresct, Mr. Manlangit, Ms. Park, nakapaghanda na po ako ng breakfast sabayan niyo na ho si Alex.' umasim naman ang mukha nung may piercing sa labi.

'Manang, Heavenly nga kasi hindi manlangit!' napailing na lang si aling sabel at di na siya pinansin.

'We're going on a trip' ani ser na tumabi sa akin at humigop ng kape.

'In our favorite rocket ship?' biro ko na parang di niya nagets.

'The hell?!' ang aga aga pakainit ng ulo.

'char! di ka na mabiro' kinuhanan ko na siya ng plato at nilagyan ng pagkain for peace offering hehehe

'hahahaha' nagtawanan ang mga kasama namin sa hapag. oh andito na pala yung isang marites mukhang naamoy niya ang daan pabalik.

'As I was saying, we are going out of town.'

'Saan na naman?! Ayoko na sumama bahala ka mag isa' baka mamaya magkaroon na naman ng shoot out gaya ng sa france.

'I'm not asking for your permission I'm just informing you.'

'tss' its not like I have a choice. Sana naman may peace and order sa pupuntahan namin!

Continue Reading

You'll Also Like

2M 60.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
53.6K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...