Miserable life

De Kween-shei

296 97 12

Isang babae na ginagawa ang lahat para sa kanyang magulang pero kahit kailan ay hindi siya naging sapat at la... Mais

PROLOGUEEEEE
CHAPTER1
CHAPTER2
CHAPTER4
CHAPER5
CHAPTER6
CHAPTER7
CHAPTER8
CHAPTER9
CHAPTER10
CHAPTER11
CHAPTER12
CHAPTER13
CHAPTER14
CHAPTER15
CHAPTER16
CHAPTER4(real)
CHAPTER17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29

CHAPTER3

14 4 0
De Kween-shei

CHAPTER 3

Lumipas ang ilang buwan at ngayon na ang aming recognition ako ang nangunguna sa aming klase dahil simula noon ginugugol kona ang lahat ko na oras para sa pag aaral kahit walang test dahil malaki daw akong kahihiyan kapag bumaba ako dahil kilala ang pamilya ko bilang sucessful.

"Congratulations sofia."bati sakin ng mga kaklase ko at ngumingiti nalang ako sa kanila.

"Congrats baby pagbutihan mopa."agad akong nalungkot dahil alam kong hindi iyon sapat para sa kanila mas gusto pa nila ng mas mataas.

"LIVING IN THE EXPECTATIONS OF THE OTHERS ARE THE MOST PAINFUL."

Umuwi kami agad para daw sa konting salo salo sa bahay na niluto ng mga katulong namin.

"Congrats po mam ang galing mo talaga."bati ng mga katulong namin sakin,buti pa sila nakikita nila ang galing ko pero yung mga magulang ko mismo ay wala.

Sa gitna ng aming pagsalo salo ay may tumawag kay mommy.Agad itong tumayo at nagpaalam na aalis na siya napangiti nalang ako ng mapait dahil kahit ngayong araw lang ay hindi nila ako kayang bigyan ng panahon

"Wag kanang malungkot sofia nandito naman kami."dahil pansin nila na nalungkot ako.

"Maraming salamat po sa inyo ha."

Pagkatapos kong kumain umakyat nalang ako at humiga habang nag iisip ng mga what ifs.What if iba ang buhay ko magiging masaya kaya ako?What if simple nalang ang buhay ko?Madaming what if ang nasa isip ko kasi madami akong nakikita na mga bata kahit simple lang ang buhay nila pero masaya.

"Mam ako na po diyan mag meryenda muna kayo."sabi ng katulong namin habang kinukuha pa ang walis sakin.

"Yaya sa tingin niyo ba mahal ako ng mga magulang ko?"wala sa sariling tanong ko.

"Oo naman sofia lahat na anak ay mahal ng magulang.

"Pero bakit po ako parang hindi mas mahal pa nila ang kanilang trabaho kesa sakin."

"Dahil lahat ng ginagawa nila ay para sa kinakabukasan mo.Alam mo mam ma swerte ka nga kasi maganda ang buhay mo ang iba nga diyan nagpapakahirap pa para lang makuha nila ang kanilang gusto."

Napangiti nalang ako ng mapait kasi hindi ko alam kung ma swerte nga ba talaga ako o hindi.

Pagkatapos ng dalawang buwan na bakasyon balik eskwela nanaman pero para sakin mas gugustuhin ko pa ang may pasok para makakasalamuha ko ang mga kaibigan ko.

"Sofiaaaaaa magkaklase tayo."hyper na bungad sakin ni marga.

Masaya naman ako kasi may kilala na agad ako yun nga lang hindi na kami magkaklase nina Psyrah,Alexandra at Gerril.

"Sabay tayong mag lunch mamaya ha."tumango nalang ako kay marga.

Nang dumating na ang lunch pagkatapos ng ganap na boring sa introduce agad akong hinatak ni marga papunta sa cafeteria.

"Kamusta ang bakasyon mo sofia?"Marga asked me

"Wala sa bahay lang."Tumango nalang siya pero sa gitna ng pagkain namin may nag salita.

"Diba sabi ko sayo sabay tayong kakain!"Kaya nasamid ako sa gulat at agad ding uminom ng juice.

"Ang tagal mo kasi kuya nagugutom na kami."hindi na nagsalita si sylvister at umupo nalang sa tabi ko na bitbit na niya ang tray ng pagkain.

"Hi sofia kamusta ka?"

"Okay lang naman po kuya."

"Wag mona akong tawagin na kuya."Tumango nalang ako.

Pagkatapos ng klase sa hapon umuwi ako kaagad para mag aral dahil maraming matatalino sa mga kaklase ko.

"Sofia kain ka muna anong oras na."

"Paki hatidan nalang po ako dito yaya nag aaral pa kasi ako."

Agad naman akong hinatiran ni yaya at habang kumakain ay nagbabasa ako dahil nag aadvance reading ako kasi baka alam narin ito ng mga kaklase ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya pagka gising ko ay naligo na ako at pagkatapos bumihis ay agad na bumaba para kumain."

"Goodmorning sofia."Agad na bati sakin ni marga ngumiti nalang din ako sa kanya at agad din kasing dumating ang guro namin.

Lahat na mga gawain lalo na kapag partner ay magka grupo kami ni marga dahil gustong gusto niya akong makasama palagi.

"Sofia pwede bang sa bahay nalang tayo gagawa ng project sa sabado."

"Oo naman sige magpapaalam ako."

Dumating ang sabado at nakahanda na ako papunta sa bahay nila marga bababa na para mag papaalam kina mommy.

"Yaya si mommy po?"

"Wala po mam eh maaga pang umalis may emergency daw kasi sa trabaho bakit may sasabihin ka sa kanya?"

"Magpapaalam lang po sana na pupunta ako sa bahay ng kaklase ko para sa project ko."

"Sige na mam kapag hinanap ka ako nalang ang mag sasabi."

Agad din akong nakarating sa bahay nina marga
dahil sa kabilang village lang pala ito kaya alam kaagad ng driver namin.

"Ikaw ba si sofia?"pasok ka kanina kapa hinihintay ni mam marga.

Pagkapasok ko namangha kaagad ako sa bahay nina marga pero masasabi kong mas malaki parin ang amin.

"Tara sofia dito nalang tayo gumawa sa sala."

"Sige simulan na natin para matapos agad."

Madali naming natapos ang aming proyekto dahil matalino at magaling din si marga.Natatakot nga ako baka siya pa ang maging kalaban ko sa top pero hindi ako natatakot malamangan para saking sarili kung hindi ay para sa magulang ko.

"Yaya coffee please."agad akong nasamid na marinig ko ang kuya niya oo nga pala nandito siya dahil sabado.

"Hi sofia enjoy your day here."Agad din itong umalis para manood ng basket sa tv.

"Marga close ba kayo sa parents niyo?"curious ba tanong ko sa kanya.

"Oo naman palagi silang may oras para samin lalo na kapag mahahalagang okasyon dahil ayaw nilang may nalalapagsan na pangyayari sa aming buhay."Napangiti naman ako sa sagot niya.

Siguro si marga ang matatawag kong totoong ma swerte dahil sa kanyang pamilya.

"Hatid na kita sofia gabi na kasi."sabi ni kuya sylvister at agad naman kaming umalis.

"Kamusta ka sofia?"tanong nito sakun at tiningnan pa ako.

"Okay lang naman kuya."

"Hindi halata sa mga mata mo,kapag may problema ka wag kang mahiya sakin and please drop the kuya."

Hindi na ako naka sagot pa dahil nasa tapat na kami ng gate namin nagpasalamat nalang ako sa kanya at pagkapasok ko sa bahay namin si mommy agad ang sumalubong sa akin.

"Saan kananaman galing ha bakit ginabi kanaman?"

"Sa kaklase kolang po gumawa ng project at
pinakain nalang din ako ng mommy nila bago pinauwi."

"Siguraduhin molang na pag aaral ang ginagawa mo dahil kung hindi malilintikan ka sakin."

Pagka akyat ko sa kwarto ko ay umiyak nalang ako dahil kapag umiiyak ako parang gumagaan ang pakiramdam ko.Lahat kasi na ginagawa ko ay may duda kahit wala naman akong ginagawa na masama.

"Unknown calling"napatingin ako sa cellphone na may tumatawag hindi ako sumasagot sa hindi ko kilala pero bakit ito parang sinasabihan ako na sagotin ko.

"Sofia are you okay?"hindi na ako magtatanong kung sino ito at hindi na rin mag tataka kung paano niya nalaman ang number ko.

"Yes oo naman bakit mo natanong?"

"Narinig ko kasi kanina na pinagalitan ka ng mommy mo kasi hindi pa ako naka alis agad sorry ha hindi ko naman ginustong marinig."

"Wag kang mag alala okay lang ako salamat sa pagtawag at naabala kapa."

"You are good in pretending sofia."

Yes magaling akong mag pretend kahit na nasasaktan na ako.Kaya nasasabi ng mga kaklase ko na masayahin ako kasi kahit may problema na ako ay hindi kopa rin pinapakita na nasasaktan na ako dahil kapag nakikita nilang nasasaktan tayo mas lalo nila tayong hahatakin pababa.

"Hey nandiyan kapa ba sofia?"rinig kong tanong sa kabilang linya.

"Yes sorry bababa kona ito bye."hindi kona hinintay ang sagot niya at pinatay kona kaagad ang tawag.

May mga bagay na minsan kailangan nating itago na sarili lamang natin ang nakakaalam dahil lahat lahat naman tayo ay may pinag dadaanan kaya ayaw kung makadagdag sa problema nila.

"Marga's calling"agad ko naman itong sinagot.

"Sofia okay kalang ba?nasabi kasi ni kuya na pinagalitan ka daw kung may problema ka mag sabi kalang sakin ha handa akong makinig sayo sofia."

"Salamat marga ha pero okay lang ako magpapahinga na ako marga bye."tulad kay sylvister pinatay kona agad.

Sa mundong ito ma swerte talaga tayo kapag may kaibigan tayong handang makinig at damayan tayo kahit hindi nila pinapakita na nag aalala sila saatin pero kapag may problema tayo diyan sila lalapit
para kausapin tayo kaya ingatan din natin sila para manatili sila sating tabi.

Continue lendo

Você também vai gostar

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...