Agent Night (Tagalog | Compl...

By nyxxiv

6.4K 252 7

Four dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured w... More

Agent Night
Chapter 1 - Night and Day
Chapter 2 - PUGITA
Chapter 3 - The Top Secret Coded in Black
Chapter 4 - The Argonauts
Chapter 5 - Undercover
Chapter 6 - Burnt Insignia
Chapter 7 - December 24, 1850
Chapter 8 - The Fall of Olympus
Chapter 9 - The God of Poetry, Apollo
Chapter 10 - The Erased Inferno
Chapter 11 - District Five's Guest
Chapter 12 - Alexander Santiago
Chapter 13 - The Heavenly Messenger
Chapter 14 - Guns and Fangs
Chapter 15 - The Brown Coded Case
Chapter 17 - Alexander's Warning
Chapter 18 - The Viper
Chapter 19 - The Harlequin
Chapter 20 - The Cat's Out of the Bag
Chapter 21 - Battle Tactics
Chapter 22 - The Tale of Two Brothers
Chapter 23 - Pointing Guns
Chapter 24 - Save the Cross
Chapter 25 - Singko
Chapter 26 - Behind that Door
Chapter 27 - Underground Painting Exhibit
Chapter 28 - Agent Zero
Chapter 29 - The Justice's Instincts
Chapter 30 - Hush Tones
Chapter 31 - The Furies
Chapter 32 - Allies
Chapter 33 - Shadows
Chapter 34 - Dead Snake
Chapter 35 - The Rise of the Sun God
Chapter 36 - There and Back Again
Chapter 37 - The Woman's Tear
Chapter 38 - Scary Feelings
Chapter 39 - Vincent
Chapter 40 - The Invitation
Chapter 41 - The Cult of Black Cloaks
Chapter 42 - Silhouettes
Chapter 43 - Starting Line
Chapter 44 - The Lion and the Cubs
Chapter 45 - The Elementals
Chapter 46 - To The Fairest
Chapter 47 - Ultimatum
Chapter 48 - Into the Night
Chapter 49 - Battlefield
Chapter 50 - Choices, Sacrifices
Epilogue
Author's Note

Chapter 16 - Shooting Arrows

99 5 0
By nyxxiv

I was surprised to see Xander sitting on the couch in the living room. Unang beses ko siyang makita sa loob ng mansiyon at hindi sa ilalim nito.

May itinitipa siya sa laptop niya, pero agad siyang nag-angat ng tingin nang makita ako. I walked confidently toward him although it was awkward since I was hiding the brown envelope on my back.

"What's up?" tanong ko.

He eyed me warily. "What happened? Bakit tumawag ka raw ng back up?"

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. "Nag-attempt ng suicidal mission si Apollo. Tinawagan ako na humingi raw ako ng back up sa Singko. Anyway, it's okay now. Nasa ospital na siya."

"Sino?"

"Si Apollo." Pareho kaming tinitimbang ang isa't isa, pero wala sa amin ang gustong magpatalo.

Hindi tulad ng aso't pusa naming relasyon ni Justin, masyadong seryoso ang pakikitungo namin ni Xander sa isa't isa. Hindi nga kasi ito palaimik. Ngunit kung gaano ko naman pinagkakatiwalaan si Justin ay kabaliktaran naman sa tiwala ko kay Xander. Noon pa man, hindi na ako kumportable sa kanya. Para bang tuwing kasama ko siya, nalalantad ang mga pinakaiingatan kong sikreto.

"Ano namang heroic deed ang ginawa niya?"

Mabilis kong inisip ang sasabihin ko. "Just trailed some vampires." Wala ring patutunguhan kung hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo.

Inabangan ko ang magiging reaksyon niya, pero parang wala lang ang sinabi ko sa kanya. Para bang dogs ang sinabi ko instead of vampires.

"Nababaliw na ba 'yang kapareha mo?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Have you told the other members of the Argonauts?"

This time, nagbawi ito ng tingin at bumalik sa ginagawa. "About what?"

"About the theory of vampires in this case." It's the first time I got irritated with Xander.

Hindi agad ito sumagot. Malamang ay tinitimbang ang sasabihin. Kung kaya ko lang sanang bumasa ng isip ng tao. Haayyy...

Iniba ko ang usapan at piniling mag-focus sa trabaho. "Any updates?"

Bumuntong hininga siya at matamang tumingin sa akin. "Should I ask you that?"

Nagtiim-bagang ako at umiling-iling. Kahit pa napipikon na ako, sinubukan ko pa ring maging reasonable. "We thought the crime scene was staged, well, in the case of the dead girl na natagpuan sa oval. No witnesses. So it might be possible na itinapon na roon ang bangkay at ipinalabas na doon nangyari ang krimen."

The report caught his interest. Tumangu-tango siya at halatang napaisip. May kinuha siyang papel sa ilalim ng mga nakatambak na mga dokumento sa harap niya. "The autopsy report says the woman died between 9 to 10 pm. No other injury except for bruises on her upper arms, wrists – a sign na itinali ang mga kamay niya, and the punctured wounds. She died because of the God-knows-what bite. No marks that suggest she was gagged. So...no witness?"

"Yeah. And another thing."

He looked intently at me.

"A student saw the dead agent earlier in the university." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Baka delusional lang 'yung sinasabi mong nakakita."

Umiling ako, inaalala 'yung natagpuang eksena sa classroom kanina. "Hysterical siya hindi delusional. As far as I know, wala namang psychological illness 'yung estudyante. Mula sa may-kayang pamilya, may kasintahan at running for honors. So, as sane as she is, hindi siya maghi-hysteric kung hindi niya nga nakita ang dapat sana ay patay na."

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Matapang ko namang sinalubong ang tingin niya. "It's been three days mula ng mamatay ang Queenbee. Nawala ang bangkay. At eto, nakita ng isang estudyante."

"And you suggest..."

Iritable akong bumuntong-hininga. Inuubos ng lalaking 'to pasensya ko. "I'm an open-minded person, so I might believe in vampires. Don't judge."

"I'm not judging anything." He said in a bland tone. Nagmukha tuloy akong tanga.

Tumayo na ako nang mapagtanto kong wala akong mahihita kay Xander bukod sa seryosong sarili niyang bersyon ng pambabara.

"Honestly, Xander, I don't think I trust you this time. True, we have built a good professional work relationship in the past, but there is this barrier between us that I can't conquer now. Should I be more careful of you from now on?" matapang kong tanong. Mabuti nang malaman niya ng maaga na nawala na ang kompyansa ko sa kanya.

"Should I be more careful of you, then?" balik-tanong niya sa akin kasabay ng nanghahamong tingin.

So the Hunter was shooting arrows at me now. Then I wouldn't let him hit another bull's eye.

"You should be," sabi ko at iritadong iniwan na ito. Dumiretso na ako sa kwarto ko at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama.

"Aray." Agad din naman akong napabalikwas dahil sa kutsilyo at envelope na nasa likod ko. Hinubad ko ang suot kong jacket. Inalis ko rin ang baril na isinuksok ko sa tagiliran ng pantalon ko at inalis ang knife sheath sa likuran ko. Pinagawa ko pa 'yun noong nasa ikalawang taon na ako sa trabaho.

Kinuha ko rin mula sa likod ko ang brown envelope. Pinakatitigan ko iyon. Sa limang taon ko sa organisasyon, unang beses ko iyong malagay sa alanganing sitwasyon.

Inilapag ko ang envelope sa ibabaw ng kama kasama ang baril at ang kutsilyo. Kinukuha ko ang susi ng motor ko sa bulsa ng jacket nang may makapa akong maliit na papel.

Usap tayo.

Ang dalawang salitang nakasulat sa papel.

Napaisip ako: Ano ang gustong pag-usapan ni Alexander?

Sigurado akong kay Alexander galing ang sulat na 'yon. Siya lang naman ang kumuha ng susi ng motor ko sa bulsa ko. Pero anong gusto niyang pag-usapan?

Naalala ko ang simbolo sa ibaba ng batok nya. Pareho ng simbolong nasa paa nung pinatay na agent at sa likod ng balikat ng pinatay kong ina. At may hinuha ako na iyon din ay nakamarka sa mga katawan ng iba pang mga pinatay na biktima.

Kailangan kong makausap si Agent 7 tungkol doon. Aaminin ko, nahihirapan akong resolbahin ang kaso ng mag-isa. Kaya bagaman hindi ko rin pinagkakatiwalaan si Senior Agent 7 gawa ng kahina-hinalang koneksiyon niya kay Alexander, kailangan kong malaman kung ano ang ayaw niyang ipaalam sa amin.

Kumuha ako ng malinis na papel at ginuhit ang simbolong nakita ko. Iyon muna ang aalamin ko mula sa matandang agent.

Isinilid ko sa ilalim ng cabinet ang brown envelope bago lumabas ng kwarto. Wala na sa sala si Xander pagbaba ko. May kutob akong hinintay niya talaga ako kanina.

Nagtungo na ako sa headquarters at dumiretso sa opisina ng matandang Siyete. May inaaral ito sa mesa niya pagdating ko. Saglit na nahagip ng paningin ko ang mga salitang BROWN sa flap ng puting folder bago niya iyon pinatungan ng diyaryo. Naalala kong may iniimbestigahan din siyang brown coded case.

"Agent 13, anong mapaglilingkod ko sa'yo?" bati niya.

Naupo ako sa visitor's chair at walang salitang inilapag ang papel sa mesa niya.

Saglit na rumehistro sa mukha niya ang pagkagulat na mabilis niya rin namang binawi.

"Ano ang simbolong 'to?" blankong tanong niya.

"So, alam mong simbolo 'yan?" balik na tanong ko. Magkahulihan na.

Hindi agad nakasagot si Agent 7.

"Ano ang kinalaman niyan sa mga nangyayaring patayan sa lugar na 'to?" tanong ko ulit.

Nagbaba siya ng tingin at bumuntong-hininga. "Marahil alam mo nang lahat ng mga pinatay na biktima ay may mga ganyang simbolo na nakatatak sa katawan. Hindi ko ipagkakaila iyon."

Bam! That's the top secret. Kaya in-edit out 'yung simbolo sa mga larawan ng mga bangkay.

"At? Ano ba sila?" Pag-uusisa ko pa. "Miyembro ng isang grupo? Ng isang tagong organisasyon? O kulto? I knew the moon represents Silver and the circle represents Gold. And the circle can also be like the circle the practitioners of magic create to ward off unwanted spirits."

Pinakatitigan ako nito sa mata. "It seems you know things regarding Occultism."

Natigilan ako. I talked too much.

"Yes. I read books," sabi ko na lang. Totoo naman. Dala ng psychic ability ko, fascination ko na ang pagbabasa ng tungkol sa Occultism at Occult Arts.

"Okay. To answer your question," tila nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin ang anumang dapat niyang sabihin. "Yes, they were members of a cult. The students and the politician." That must be what the agent was hiding from us just like Justin said. And yeah, that was top secret.

"And the agent?"

Tumango ito. "And the agent. District Seven sent her before Zero sent you. She was working undercover in the university and was a member of the other team I mentioned in the meeting."

"And that's the top secret you are referring to, right? Not the vampire theory."

Hindi ito sumagot. Bingo!

"Why hide it from us?" tanong ko pa.

He shrugged, his face masked with blank emotion. 'Yun lang at hindi siya sumagot. Gaguhan pala. Iniba ko na lamang ang tanong.

"I forgot to ask, bakit mo kinailangang i-request ang tulong namin when you said so yourself that you already have a team working in this case?"

"I told you, there's no progress with the case," aniya.

Umiling ako. Such a petty excuse. "No. That's not it. Would you create another team if we fail to make a progress with this case? As you see, Justin is missing and Apollo is injured. At hindi natin alam baka may traydor sa grupo."

"Is that the reason why you are not cooperating with the deductive members of the Argonauts?"

So napapansin niya pala na sinasarili namin ang mga nalalaman namin.

"I shall be suspicious of everyone. That's the rule," sabi ko.

"Even of your comrades?" pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Most especially of my comrades." I gave him the look that tells he was one of those I was suspicious of.

He sighed. It must be the first time he worked with a hard-headed agent like me.

"Ano pa ang gusto mong malaman?"

"I'll ask again: Would you create another team if we fail to make a progress with this case?" giit ko.

"No because I have the confidence on your skills." Diretsang sagot niya.

"Do you now? Then why need the help of an outsider like Alexander?"

Natigilan siya. Hindi niya marahil inaasahan ang tanong na 'yon.

"So?" untag ko nang hindi siya sumagot.

"He's a member of the cult. We need to know what is killing them one by one. He's making his own investigation at dahil sa kanya kaya napagtibay kong tama ang teorya ko tungkol sa mga bampira."

I didn't sense a lie although I was still itching to ask what Alexander's connection with Apollo was.

Nevertheless, what Agent 7 said was evidence that my mother was also a member of the same cult when she was still alive. I had been positive that my parents' death was somehow connected with the present situation. It might also be a reason why they assigned me on this case.

The only question was: "Why are these vampires killing the members of the cult you are referring?"

This time, Agent 7 looked like he had been asking himself the same question all those time.

"That is what I will ask you to findout this time."

Continue Reading

You'll Also Like

39.7K 802 37
Alex, the playboy bassist of band Quintet, searching for his one true love through kiss. Mahanap kaya niya kung ang babaeng iyon ay nagtatago sa kat...
6.9K 255 38
There are a lot of tales as old as time- blood sucker Vampire, small Fairies, wicked Witches... Aliens! One thing they say, tales are tales. However...
151K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
46.4K 1.7K 45
Sometimes, the person you'd take a bullet for ends up being the one behind the gun. Vicious: A fight where no one wins. Completed #wattys2017 Copyrig...