Agent Night (Tagalog | Compl...

Autorstwa nyxxiv

6.4K 252 7

Four dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured w... Więcej

Agent Night
Chapter 1 - Night and Day
Chapter 2 - PUGITA
Chapter 3 - The Top Secret Coded in Black
Chapter 4 - The Argonauts
Chapter 5 - Undercover
Chapter 6 - Burnt Insignia
Chapter 7 - December 24, 1850
Chapter 8 - The Fall of Olympus
Chapter 9 - The God of Poetry, Apollo
Chapter 10 - The Erased Inferno
Chapter 11 - District Five's Guest
Chapter 12 - Alexander Santiago
Chapter 13 - The Heavenly Messenger
Chapter 14 - Guns and Fangs
Chapter 16 - Shooting Arrows
Chapter 17 - Alexander's Warning
Chapter 18 - The Viper
Chapter 19 - The Harlequin
Chapter 20 - The Cat's Out of the Bag
Chapter 21 - Battle Tactics
Chapter 22 - The Tale of Two Brothers
Chapter 23 - Pointing Guns
Chapter 24 - Save the Cross
Chapter 25 - Singko
Chapter 26 - Behind that Door
Chapter 27 - Underground Painting Exhibit
Chapter 28 - Agent Zero
Chapter 29 - The Justice's Instincts
Chapter 30 - Hush Tones
Chapter 31 - The Furies
Chapter 32 - Allies
Chapter 33 - Shadows
Chapter 34 - Dead Snake
Chapter 35 - The Rise of the Sun God
Chapter 36 - There and Back Again
Chapter 37 - The Woman's Tear
Chapter 38 - Scary Feelings
Chapter 39 - Vincent
Chapter 40 - The Invitation
Chapter 41 - The Cult of Black Cloaks
Chapter 42 - Silhouettes
Chapter 43 - Starting Line
Chapter 44 - The Lion and the Cubs
Chapter 45 - The Elementals
Chapter 46 - To The Fairest
Chapter 47 - Ultimatum
Chapter 48 - Into the Night
Chapter 49 - Battlefield
Chapter 50 - Choices, Sacrifices
Epilogue
Author's Note

Chapter 15 - The Brown Coded Case

105 3 0
Autorstwa nyxxiv

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa bagong dating.

Siya ba ang pinadala ng District Five bilang back up namin?

"Why? Miss me?" mayabang nitong tanong at sumandal sa hood ng kotse. Isa pang arogante.

Ano ba talaga ang relasyon nya sa District Five para pagkatiwalaan siya ng ganyan? Hindi naman siya agent, ayon na rin mismo sa kanya.

"Alexander Santiago, right? Anong—" Hindi na naituloy ni Apollo ang nais sabihin dahil sumabad na ang kinakausap.

"Stop pretending you don't know me, Apollo. You're not in an undercover mission now. You just came from a suicidal one. Besides, Anicka knew everything already."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Who did he think he was to call me by my first name?

Naramdaman ko naman ang pag-tense ng katawan ni Apollo. I looked at him and saw how annoyed he was.

"Forget it first," awat ko bago pa may mamatay sa kanilang dalawa. "Kailangan maidala si Apollo sa hospital. Drive him—"

"I'm not driving him anywhere. You drive him yourself," parang batang sabi nito at lumapit sa amin. He drastically gave the car key to me and took my motorcyle's key from my jacket's pocket.

How the hell did he know it was there?

"Hey!" protesta ko. "No one drives my Ducati except me."

"Nag-motor ka lang papunta rito?" sabad naman ni Apollo na binalewala ko lang. Siya nga walang sasakyang pumunta roon. Ang lakas ng loob magtanong.

Parang bingi namang hindi ako pinakinggan ni Alexander at iniwan na kami para puntahan sa labas ng gate ang motor ko. Grrr! Nakakagigil! Ang sarap pumatay ng nang-aaswang ng motor.

Nagdadabog ang kalooban kong isinakay sa passenger seat si Apollo. I had to drive since nagdedeliryo na siya.

"Letse, Alexander. Magasgasan lang ang motor ko, tatalupan kita ng buhay," bulong ko sa sarili ko na hindi ko naman alam ay narinig pala ng kasama ko. Nauuna sa amin si Alexander at masasabi kong kung gaano ka-arogante ang ugali niya, ganoon din ang pagda-drive niya ng motor.

"What did that good-for-nothing bastard told you?" Apollo asked.

Nilingon ko ito. Nakapikit ang mga mata niya at maaaninag ang sakit na dinaramdam niya. Maputla na rin ito dala ng sugat niya.

"He's blaming you for something," sagot ko at ibinalik sa daan ang tingin. "How come you knew each other?"

"What exactly did he tell you?" giit niya sa halip na sagutin ang tanong ko.

I sighed. "Sabi niya siya raw dapat ang partner ko ngayon at sa mga nagdaan pang kaso na kasama kita. What did he mean by that?"

Hindi siya sumagot.

Nilingon ko siya muli. Nakadilat na ang mga mata niya at nakatingin sa daan, pero mukhang malayo ang tinatakbo ng isip niya.

"You know something and you're not telling me," sabi ko. Paano namin pagkakatiwalaan ang isa't isa kung ganitong naglilihiman kami?

Apollo sighed heavily. "Quits lang tayo."

I grinned and sarcastically said, "And we're asking each other to trust each other. Awesome."

We reached the nearest hospital in the place and immediately took Apollo in. Mabilis naman siyang inasikaso ng mga nurse.

Nagpasya akong lumabas muna ng ospital habang nasa operating room si Apollo. Kinuha ko ang susi ng motor ko kay Alexander at iniwan siyang naghihintay sa labas ng operating room.

Tinungo ko ang motor at kinuha sa compartment ang brown envelope. Nagtuloy ako sa canteen ng ospital pagkatapos ngunit hindi rin umalis agad doon.

Naupo ako sa pinakasulok na bahagi ng canteen upang tignan ang laman ng envelope. Puro mga dokumento at ilang newspaper clippings ang naroon.

Kinuha ko ang ginupit na dyaryo at binasa ang balitang nakasulat roon.

SAN ILDEFONSO—Patay sa isang sunog ang mag-asawang Nicholas Soriano, 29 anyos at Marilyn Ramirez-Soriano, 27 anyos sa kanilang bahay sa San Ildefonso kahapon ng gabi.

Natupok naman agad ang apoy at hindi na kumalat sa mga katabing bahay, ngunit bangkay nang natagpuan ang mag-asawa sa kanilang kwarto.

Ang isang taong gulang na anak naman nila ay hindi nadamay sa sunog dahil noong araw na iyon ay iniwan ang bata sa pangangalaga ng kapatid ni Marilyn na si Mathilde Ramirez-Velchez, asawa ng business tycoon at matalik na kaibigan ni Mr. Soriano na si Samuel Velchez.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na nangyari sa bahay ng mga biktima.

Si Nicholas Soriano ay kilala bilang isang magaling na pintor sa ating bansa.

Ibinaba ko sa mesa ang papel matapos kong basahin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam ko ang tungkol sa balitang iyon at kilala ko kung sinu-sino ang mga tinutukoy doon.

Nicholas Soriano at Marilyn Ramirez-Soriano. Ang mga magulang kong hindi ko man lang nasilayan. That was what—twenty two years ago?

Tulad nga ng nakasulat sa balita, namatay sila sa sunog—isang kasong pinapaniwalaan nila ay sanhi lang ng faulty electrical wiring, but I knew better. It had nothing to do with electricity, but had something to do with my father's real line of work.

I took another document from the envelope—a Junior Agent's data sheet. My father's data sheet.

Hindi lang siya basta pintor. Kundi isa siya sa pinakamagagaling na Junior Agents ng Psyche noon.

It was why I accepted the invitation five years ago to join the organization and it was the reason why I was working hard to hold a Brown coded case—my biological parents' case.

My seniors explained everything about his work the very first day I joined the underground agency. Noong una hindi ako makapaniwala bagaman alam ko na noon pa man na patay na ang mga totoo kong magulang. Ngunit hindi rin nagtagal, naintindihan ko na rin. At ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila ang tanging iniisip ko habang nagtatrabaho ako.

Hindi ko sinabi noon ang pagpasok sa Psyche sa mga magulang na kumupkop sa akin, ang tita Mathilde at tito Samuel na tinatawag kong mommy at daddy. Hindi nila kasi alam na undercover agent ang totoo kong ama bagaman matalik na magkakaibigan sina Daddy, ang totoo kong ama at ang ninong Raphael ko.

Si Dominic naman, kahit hindi niya sabihin, alam kong may kinalaman sa pagkupkop sa akin nila Daddy at Mommy ang disgusto na nararamdaman niya para sa akin. Kaya hinahayaan ko na lang siya sa galit niya sa akin.

I read the data sheet.

My father was the original Agent 13. Pinili kong gamitin ang alias niya para maramdamang siya ang gumagabay sa akin sa mga delikadong sitwasyong sinusuong ko.

Kumuha pa ako ng isa pang papel. This time, I never expected what to see.

A symbol was drawn on the paper—the symbol I saw on the dead agent's foot and on Alexander's nape. A crescent moon inside a circle. Underneath it were the words Cult of the Black Cloaks.

Anong kinalaman ng simbolong ito at ng mga salita sa ilalim nito sa kaso ng pagkamatay ng mga magulang ko?

I took another two objects inside the envelope. Iniwan ko ang ilang mas bagong papel na mukhang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga biktima ng mga nakaraang pagpatay.

Ang isang kinuha ko ay full-body picture ng bangkay ng isang babae at ang isa ay close-up shot ng likod ng balikat. At sa balikat na iyon ay nakamarka ang simbolong naka-drawing sa papel.

Tinignan ko ang likod ng dalawang picture at pareho lang ang nakasulat: Marilyn Ramirez, August 13, 1994. My mother's name and my birthday.

So the picture was taken when my parents were found dead. And my mother had the same burnt insignia on her left shoulder blade.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. It was getting more complicated.

Isinilid ko ang mga papel sa loob ng envelope at lumabas na ng canteen. Binalikan ko si Alexander at iniabot sa kanya ang pagkaing binili ko.

"Aalis muna ako. Hindi ko alam kung makakabalik ako ngayong hapon o bukas na lang," sabi ko at tinalikuran na ito.

"Saan ka pupunta?" pahabol na tanong nito.

Hindi ko na siya sinagot at nagtuluy-tuloy ng umalis.

Iwould thank Justin for the information whenever he decided to come back, butfor the mean time, I had to solve the case on my own.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

37.6K 2K 72
In this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo n...
13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
56.8K 1K 54
@Dalhia Lilian Salazar falls in love with Thorn Salvador when she first laid her eyes on his cold pools. Hindi simpleng pagmamahal ang naramdaman niy...
883 92 32
SYUMEIA a famous actress and model who is literal the definition of goddess. Her looks and luxury can't be overpowered by others. As the youngest chi...