Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.4K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 32

66 8 0
By Enairashhh

Bansot

Tsk

Poste

Bat ba ang sungit mo? Pumayag na nga ako na kasama ka kahit pa naiinis ako sayo 😤


Bansot

Naiinis ka na ngayon?

Poste

Paano yung ugali mo e. Tinutulungan daw nya pero wala namang ginawa. Nagsungit lang!


Bansot

Bahala ka sa buhay mo

Poste

Talaga! Akala mo naman kung sino


Bansot

Ah, okay

Poste

Ano?

Hindi na nagreply pa si Bansot. Kunot na kunot lang ang nuo ko habang nakatitig sa cellphone ko. Abnormal talaga yun!

Kanina sasama raw sya para mapadali yung pagpapasa ni Gelo ng project pero pag dating sa library, binabara nya lang si Gelo kapag nagsalita ito. Nakakainis,wala na nga syang ambag, nangkokonsume pa!

Kinabukasan naabutan ko si Gelo sa hallway na nakaupo. Ngumiti ito sakin saka pinagpag ang tabi nya.

"Hoy, aga mo ah?" ngiting tanong ko. May kumalabit naman sa likod ko. Bumungad sakin ang nanunuksong tingin ni Amanda!

" Amanda!" napatayo ako.

" Shino yern? Bilis magpalit ah---aray!" hinampas ko sya at sinamaan ng tingin.

"Ahh,hello. I'm Gelo. Bagong kaklase ni Mayumi" ngiting pakilala ni Gelo. Lumawak naman ang ngiti ni Amanda kay Gelo.

" I'm Amanda. Bestfriend ni Mayumi!" nakipagshakehands ito. " Ehem... Shingle si Mayumi!--- Aray!"

Muli ko syang hinampas! Leche! Isa pa 'to! Pinapahiya ako!

Mayamaya pa ay may humarang na bisig kay Amanda at dahan-dahan syang inilalayo. Sus... Kilig naman ako!

"Hi, I'm Kin. Amanda's boyfriend"  ngiting bati ni Kin kay Gelo habang nakayakap parin mula sa likod ni Amanda.

" Obviously" tawa nya saka inilahad ang kamay nya. " I'm Gelo. Mayumi's new boy friend."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Gelo ganun rin si Amanda na nakanganga pa. Habang si Kin na man ay natawa.

"Tch" kinilabutan ako ng marinig ang singhal mula sa likod ni Kin.

"Easy bro" natatawang ani ni Kin at tumingin sa likod. Agad kong nakita si Bansot na nakunot ang nuo. Napalunok ako.


"With space" dagdag pa ni Gelo na patawa tawa.  "With space" dagdag rin ni Kin at saka natawa narin. Nakahinga naman ako ng maluwag saka napatingin kay Bansot. Bigla itong tumingin sa gilid at nawala ang pagkakunot ang nuo.

" Hay salamat! Akala ko bago kang boyfriend ni Mayumi eh!"

"Amanda!"sigaw ko! Buset ang lakas lakas ng boses! Nagtawanan naman sila.

---

" Di pa ako tapos eh" ngiwing sabi ko habang nagdro-drawing. May slogan kasi kaming activity, syempre ginagalingan ko na para naman tumaas taas naman ang grade ko.

" Ako nalang bibili. Ano ba gusto mo?" bakas sa tono nya na nakangiti sya. Kaya napatingala ako ako saka ngumiti.

" Magno---" di ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may bagay na tumama sa mukha ko! Marahas kong tiningnan ang bumagsak na bagay sa hita ko at sa inis ko napatingala ako. Pabagsak na nilapag ni Bansot ang magnolia na ikinagulat ko.

" Putek! Ano ba?!" sigaw ko. Sa halip na sakin tumingin ay nilingon nya si Gelo na mukhang nagulat din. Mayamaya pa ay ngumiti si Gelo at tumingin sakin.

" Sige" napapakamot pa sa batok na aniya saka umalis. Taka ko naman syang sinundan ng tingin.Mayamaya ay lumingon si Bansot na ang sama ng tingin.

"Kabago-bago palang non,inuutusan mo na"

" Hindi ko inuutusan yun ano! Siya nagsabi kaya nakisuyo nalang ako! Anong ginawa mo, bat umalis yun?" singhal ko sa kanya.

" Meron kana. Malamang gutom na yun. Antagal mo kaseng gumawa. Akin na nga, patingin"walang emosyong sabi nya saka inikot ang bangko para makaharap sakin.

"Ayoko. Baka asarin mo lang ako"

"Ano ako bata?" ngiwing sabi nya saka mabilis na kinuha ang oslo paper.

"Bakit? Hindi ba?" tatawa na sana ako ng sumama ang tingin nya. "Kumain ka muna. Mamaya mo na 'to ipasa"

" Hindi pwede! Sabi ni Ma'am hindi na raw nya tatanggapin ang late! Kaya kailangan ko nang tapusin yan!" bwelta ko.

"Mamaya na. Isabay mo na sakin"  walang ganang sabi ni Bansot habang tinitingnan ang drawing ko. Kunot-nuo ko naman syang tiningnan.

"Bakit, di mo pa naipapasa sayo? Imposible aba! Ikaw pa nga laging nauunang magpasa!" ibinaba nya naman ang oslo ko saka ako tiningnan. Matagal nya pa akong tinitigan saka napabuntong hininga na ibinalik ang tingin sa oslo. Napalunok ako. Bigla kasing kumabog ng mabilis ang puso ko. Kinain ko nalang ang binigay nya para kahit papaano, maiwakli ko ang nararamdaman.

"Sa date nga pala. San mo gusto?" muntik pa akong mabulunan sa sinabi nya. Tiningnan nya uli ako saka napapabuntong hiningang inabot ang magnolia sakin. Agad ko itong ininom.

" S-salamat"

Inilapag nya ulit ang oslo at pinapdaop ang mga palad nya. Parang interrogation. Simple lang ang tanong pero bakit ako kinakabahan? Dahil ba sa tingin nya ngayon?

" San mo gusto?" pag-uulit nya kaya naman napalunok ako. "Enebe... Bat ka genyern! Baka iba maisip ko dyan ah?" natatawang sabi ko para lang malabanan ang seryosong tingin nya.

" Edi isipin mo na gusto mong isipin" biglang sabi nya na ikinagulat ko. Natigilan ako at napalunok. "Painum ah" tumingin pa sya sakin saka ininom ang magnoliang ininuman ko kanina.

"B-bat di ka bumili ng sayo?!" singhal ko sa pagkabigla.Kunot-nuo syang tumingin sakin.

"Baka nakalimutan mong sakin galing 'to?" taas kilay nyang sabi. Napabusangot naman ako. "San nga?"

" B-bahala ka nga. Basta kasama ka, okay na ko dun."prankang sabi ko habang malakas ang kabog ng puso ko. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi nya saka tumayo. "Bilisan mo, ipapasa ko na yan"

"Hoy! Sabi mo, mamaya pa? Kumakain pa ko oh!" singhal ko. Mabilis naman syang lumapit at kinuha ang mamon sakin.

"H-hoy!" bigla nya kasing kinain! "Tulungan na kita" sabay syang natawa. Putsa.

" Hoy, Bansot! Baka mamaya,makalimutan ko nang may gusto ako sayo dahil sa pambubwisit mo!" sigaw ko. Wala akong pake kung may makarinig. Dapat lang! Nang layuan nila ang duwendeng 'to.

"Talaga?" bigla syang lumapit at isinandal ang kamay nya sa table. Inilapit nya mukha sakin na kinagulat ko! Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at wala na akong ibang naririnig kundi iyon.

"See? Hindi mawawala yan" ngising sabi nya saka tumayo ng maayos. "Tapusin mo na yan"sabi nya saka tumalikod at bumalik sa bangko,habang ako ay tulala parin sa upuan.

---

"Anong meron sa inyong dalawa?" biglang tanong ni Gelo habang nagwawalis. Cleaners kasi kami. Napatingin ako sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sabi ko,kung kayo ba?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya saka iwinasiwas ang kamay ko." H-hindi ah!"

"Hahaha okay. Pero may gusto sya sayo?" ngiting tanong nya ulit. Napangiti naman ako kahit pa mali ang balitang nakakarating sa kanya.

"Asa pa ako no?"

"Ahh,so ikaw yung merong..." napalunok ako.

"Alam mo, fan din sya ng MNL48. Sa tingin ko,magkakasundo talaga kayo. A-he-he...Sorry sa ginawa nya sayo ah? May dalaw lang ata yun."pag-iiba ko. Tsaka gusto ko na malaman nya na di ganun si Bansot. Ewan ko ba at sinusumpong nanaman yun.

"Ang tagal nyo namang matapos, daldalan pa" sigaw ni Bansot habang nakaupo sa teacher's table. Nakalimutan kong nandyan pala sya. Tumawa naman si Gelo.

"Bakit?" takang tanong ko. Umiling naman sya. " So sya yung dahilan,kaya ka umiyak sa event"tatango tango nyang sabi.

"Hindi ah! Ikaw kung ano ano iniisip mo!" sabay hampas sa kanya. Natawa naman sya. Maya-maya pa ay may kumuha ng tambo ko saka ko nakitang nagwalis ng mabilis si Bansot at mabilis na dinaspan ang kalat. Nagkatinginan kami ni Gelo. Nagkibit balikat lang si Gelo habang nakangiti.

"Tara na. Ipapasa pa natin yung slogan mo" mabilis na sabi nya saka kinuha ang bag ko at hinagis sakin.

"A-ray ko naman!" sigaw ko. Tiningnan ko naman si Gelo. Tumango naman sya saka ngumiti.

"Ako na maglo-lock"

Napasimangot ako. Kawawa naman. Leche kasi tong si Bansot! Sinusumpong nanaman ng kaabnormalan nya!

"Sorry talaga"

"Okay lang" ngiting sabi nya saka ginulo ang buhok ko. "Sige na" saka sya natawa ng malakas. Inayos ko naman ang buhok at nagtatakang tiningnan si Gelo. Pagtalikod ko nakita ko si Bansot na nag-igting ang panga at ang sama ng tingin sakin!

" A-ano nanaman ba?!"

"Bagal mo!"

---

"Salamat po Ma'am" napapakagat labi kong sabi. Panay kasi ang sermon nya samin. Parang si Mama lang.

"Namumuro ka na ah! Ano bang ginawa sayo ni Gelo at palagi kanalang nagsusungit!"

Tiningnan nya lang ako saka tumingin sa nagdadaanang jeep. Humarang naman ako sa tinitingnan nya. Nasa waiting shed na kasi kami.

"Ano?!"

"Bakit ka ba laging galit?! Wala namang ginagawa sayo" inis na sabi ko. Napa 'tch' lang sya saka umiwas ng tingin. Napapikit naman ako sa inis. "Sumagot ka naman!"

"Ano bang isasagot ko?" napahilamos nalang ako sa mukha.

"Ano bang problema mo?!"inis na sabi ko.

"Ang ingay mo!"

"Di ako titigil hanggat di ka sumasagot! Di parin ba nawawala galit mo dahil sa magnoliang sumaboy satin? Grabe ka naman! Pati si Gelo, dinadamay mo!"

"It's not about that. Huwag ka nang maingay" walang ganang aniya kaya mas lalo akong nainis.

"Edi sabihin mo kung anong problema mo! Para tapos na---"

"It's okay, as long as may feeling ka pa sakin. I'm okay" natigilan ako sa sinabi nya.

"Ano bang ibig mong sabihin. Gulong-gulo na ko sayo"mahinang sabi ko. Dumadagundong nanaman kasi ang puso ko. Napabuntong hininga sya saka tiningnan ako sa mata.

"Okay. To be honest... Di ko rin alam. Basta. Naiinis lang ako kapag... Malapit ka sa iba. Lalo na dun sa... Kulot."nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Naririnig ko nanaman ang tibok ng puso ko.

"Wag mo kong titigan" napapabuntong hininga habang iniiwas ang tingin nya sakin. Unti-unti naman akong napangiti sa napagtanto.

"Hala ka. Naiinlove ka na sakin! WAHAHAHA!"asar ko sa kanya.

"Ano? Ang gara ng utak mo ah." matapos ay nilagay nya ang palad sa mukha ko saka ako hinawi sa gilid. "Ang pangit mo"

"Nagseselos ka naman" nangingiting sabi ko. Kumunot naman ang nuo nya. "Oh, sabihin mong hindi"

"Hindi" napapangising sabi nya.


"Wehh,"



"Tara na nga," saka nya hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Hindi ko namalayang may jeep na huminto.



"Ara---" bigla nalang akong bumagsak sa sahig dahil sa bagay na tumama sa nuo ko.



"Mayumi!" rinig ko pa si Bansot pero bigla nalang nanlabo ang paningin ko.

---

:)

Continue Reading

You'll Also Like

195K 10.5K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
754K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.3M 231K 43
Bree is thrown into the glade like everybody else. In a dark metal box with no memory of her past life. She soon comes to realize that her new life i...
90.2M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...