HATE ME NOT (BOLS #1)

By GemaInanna

41.8K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... More

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

15: Home

491 63 5
By GemaInanna

CHAPTER 15

Home


JENNY's POV

"PAULINE, ano bang nangyari kay Missy?" tanong ko ulit sa kanya.

Nasa loob na kami ng kwarto at, si Missy, wala paring imik. Akala ko ba, maayos na sila ni Jack?

Simula nung ina-anyayahan kami ni Marky na sumama sa kanila kahit dito lang sa Boracay, naging maayos naman lahat. Pwera na lang kay Jhon na hindi gustong sumama kami sa kanila. Pero, kahit na ganoon, parang kilala ko narin ang ugali nila. Mababait naman silang lahat lalong-lalo na si Marky.

Kanina, habang nag-uusap kami feeling ko magkakasundo talaga kami. Oo, hindi siya pala-kwento lalo na pagdating sa mga kaibigan niya. Kaya masaya ako dahil, nasagot na yung iba sa mga tanong ko.

Hindi ko naman dapat isipin to eh kasi, alam kong wala lang yun sa kanya. Kailan kaya kami magiging magkaibigan? Magugustuhan niya kaya ako?

Dali-dali akong umiling.

'Imposible. Oo, magiging magkaibigan kami pero, hindi kailan man maging kami'

Kinabukasan, maaga kaming gumising at nag-ayos ng mga gamit. Dahil, si Missy, gusto nang umuwi. At kung hindi ako, nagkakamali.... umuwi na sina Marky kahapon. Alam din namin na si Jack ang nagsabi.

"So, ano? Kailan raw darating yung boat?" tanong ni Missy kay Pauline.

"Malapit na yun wag ka ngang magmamadali." tugon naman ni Pauline.

"Sorry girls ah? Hindi ko talaga kasi maintindihan ang sarili ko. Akala ko, maging okay na. Yun pala, hindi." buntong-hiningang sabi ni Missy.

Nilapitan ko siya. "It's okay. Masaya naman tayo dito eh kaya, worth it ang lahat."

"Yeah. Alam mo Missy? Kahit naiinis ako sa'yo, naintindihan parin kita. So anong balak mo pag-uwi? I'm sure, malalaman ni Tita ang tungkol dito." ngiting sabi naman ni Pauline.

"Handa na akong harapin yun. Pinaghandaan ko naman yun. Atsaka, di porket magkaibigan si Dad at Tito Moshi ay, wala na akong karapatang..."

"Karapatang ano? Diba wala? Hayst!.." pagpatuloy ni Pauline sa sinabi ni Missy.

"Missy, wag kang mag-isip ng mga negatibong bagay. Think positive ka lang lagi. Okay?" ngiting sabi ko sa kanya.

She smiled and nodded.

Ngayon, gets ko na kung bakit hindi nagkakasundo si Missy at Jack. Sinabi na niya sa'kin at saka, naikwento na niya rin sa'kin.

"Guys, selfie muna tayo. Last selfie na" anyaya naman ni Pauline samin.

*CLICK CLICK CLICK*

"Yan, ang ganda talaga natin. Tingnan na lang natin kung may bu-bully pa sa'yo, Jenny. Baka pagdating natin sa school, nga-nga ang lahat sayo!"

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Pauline. "Hayaan na natin sila. Hindi ko naman ginawa to para maging maganda sa paningin nila. Nag-ayos ako para sa sarili ko" singhal ko.

"Yan! By the way, nakuha mo ba yung number ni Marky?" tanong niya sa'kin.

Dali-dali akong umiling. "Bakit ko naman kukunin yun?" I asked.

"Asuss! Sayang talaga! Mukhang close na kasi kayo eh lalo na sa pinakita niyong sweetness kahapon!" giit niya.

"Di na mauulit yun. And besides, wala lang naman yun."

"Nagkukunwari ka pa. Alam mo? Ang swerte mo talaga Jenny! Dahil nakausap mo si Marky ng ganun katagal!"

"Bakit?"

"Eh kasi naman, walang nagtatagal sa kanya na tao sa tuwing kinakausap nila si Marky. Kahit nga, yung kaibigan niya... di siya masyadong pala-kwento."

'Woah. Ngayon ko lang nalaman.'

"Well, siguro mabait lang talaga siya-"

"Of course naman! Kaya, ikaw masuwerte ka pag naging kayo! UWUUUU" sabi niya na may halong pang-aasar.

"Para kang ewan" tanging nasabi ko.

Bigla namang dumating yung boat na sasakyan namin at yung sasakyan naman ni Missy ang naghihintay sa'min sa kabilang isla kung saan, ba-byahe ulit kami papuntang Manila.

Sa buong byahe, malimit lang nagsasalita si Missy. Siguro, iniisip niya parin yung si Jack.

"What the hell!!!"

"Anong nangyari?" sabay-sabay naming tanong ni Missy kay Pauline na bigla na lang sumigaw.

"Ang Kira Santiago na yun....grrr!" bakas sa boses niya ang pagkainis.

"Patingin nga." kinuha ko yung cellphone niya at tiningnan kong anong nakita.

Nang nabasa ko, agad akong nakaramdam ng kaba.

"Ibig-sabihin, nasa Boracay din siya habang nasa Boracay tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"At balak niya pa talagang ipagkalat sa buong school na kasama natin ang Seventeens? Who the hell she is! Mas lalo akong nainis." gigil namang sabi ni Missy.

"Pano na yan? Baka malaman ng Prince na yun na sumasama tayo kina Marky habang nasa Boracay tayo." sabi ko.

'At ayaw ko ring darating sa point na magalit ang demonyong Prince na yun kay Marky...'

"Give me my phone, ako ang bahala sa inggiterang Kira na yan!" kinuha naman ni Pauline ang cellphone niya bago nag-type.

"Hayst. Ang malas ng araw na to." buntong-hiningang sabi ko.

"Inggit lang siya satin kaya nagbabalak siya na block mail-lin tayo." giit pa ni Pauline.

"Baka, gagawin niyang totoo yung sinabi niya." napayuko ako.

"Jenny, don't worry. Marami ng nabiktima yang si Kira pero walang nangyari-"

"Paano kung malaman yun ng Prince na yun?" pagputol ko sa sinabi ni Missy.

"Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa Kira na 'to." diretsong sabi ni Pauline.

Napabuntong hininga na lang ako.

'Hindi ako takot sa Prince na yun. Nag-alala lang ako kay Marky dahil, madadamay siya sa galit ni Kira samin. Ayaw na ayaw pa naman ng demonyong Prince na yun na sasama kami kahit nasa ibang lugar pa yun..'

Sinabi ko kina Missy na hindi na ako ihahatid sa bahay dahil may kukuha sa'kin. Pero, inihatid niya parin ako.

"Sige Jenny, ba-bye!" paalam niya sa'kin.

"Bye, salamat ulit!" ngiting sabi ko bago tuluyang nagsara ang sasakyan.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nag-doorbell.

Nag-doorbell ulit ako dahil wala namang lumabas ng bahay.

'Bakit parang ang tahimik ng paligid? Nasan ba sina Manong at Manang?'

Napangiti ako dahil nakita ko si Nathalie papalapit sa kinaroroonan ko.

"Hi Nathalie!" masayang bati ko sa kanya.

"Buti naman at umuwi ka." diretsong sabi niya.

I smiled a bit. "Pasensya na ah-"

"Pwede ba, pumasok ka na sa loob." sabi niya bago naunang lumakad papasok.

Napabuntong hininga na lang ako bago tumingin-tingin sa paligid.

'Bakit parang may nagbago?..'

"Nathalie, si Manong?" ngiting tanong ko sa kanya.

"Wala na."

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I said, wala na siya dito kasama si Manang." walang pag-alinlangang sabi niya.

"Hindi yan totoo!" dali-dali akong tumakbo papunta sa kusina. "Manang? Manang?!" tawag ko sa kanya pero wala siya. Dali-dali naman akong tumakbo papunta ng garden dahil doon namamalagi si Manong. "Manong? Manong? Andito ka po ba?!" tawag ko rin sa kanya pero walang sumagot.

Napahawak ako sa aking noo. "Bakit sila umalis?" tanong ko sa aking sarili.

'Dati kasi, pag-uwi ko ng bahay... sila ang sumasalubong sa'kin. Pero ngayon...'

"Ano? Naniniwala ka na? Alam mo, habang wala ka dito malaki ang pagbabago. Ikaw kasi, umaalis ka ng bahay kaya ayan tuloy hindi mo alam. Pfttt."

"Bakit? Bakit niyo sila pinaalis!?" hindi ko sinadyang sigawan si Nathalie.

"Who the hell are you?! Bakit mo'ko sinisigawan!" sigaw niya rin pabalik.

"I-Im sorry... hindi-hindi ko sinadya-"

"Ano bang nangyari bakit ang ingay?!" biglang dumating si Mommy kaya napatigil ako. "Oh, Jenny nandito ka na pala." sabi niya habang papalapit sa'kin.

"Hi, Mom." mahinahong sabi ko.

"Ba't parang hindi ka masaya? Ayaw mo na bang umuwi?" diretsong tanong niya.

"G-gusto kaya lang-"

"Mom, si Jenny sinigawan ako bigla. Ipinaliwanag ko lang naman sa kanya na wala na sina Manang dito" pagputol ni Nathalie sa sasabihin ko na ikinatahimik ko.

"Bakit mo sinigawan ang kapatid mo?! Ipinaliwanag na niya sa'yo tapos sisigawan mo lang?! Kakauwi mo lang tapos ganyan ka na? Ano, yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo?!" galit na tanong ni Mom sa'kin.

Napayuko ako. "Hindi ko po sinasadya. Hindi lang ako makapaniwala na wala na sila dito-"

"Pwes, maniwala ka. Dahil ako ang nagpaalis sa kanila." diretsong sabi ni Mom na ikinagulat ko.

"A-ano? Pero, bakit? Diba sabi ni Dad-"

"Ang Daddy niyo ang nag pa-pasweldo sa kanila. Pero wala ang Dad niyo. And look, medyo kapos na tayo sa pera. Ano? Uunahin natin yung ibang tao bago tayo?"

"Hindi naman sa ganun pero matagal ng sila nagtatrabaho satin-"

"Jenny! Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan kay Mommy?! Anak ka lang naman. Wala kang karapatan sa desisyon na gawin ni Mom." napatigil ako sa sigaw ni Nathalie.

'Yeah. Sino ba naman ako para sabihin yun'

"I'm sorry Mom. Hindi na po ako magtatanong." mahinahong sabi ko.

"By the way, tumawag ba ang Dad mo?" tanong ni Mom sa'kin.

I nodded. "Opo-"

"Anong sabi?" agaran niyang tanong.

"Matatagalan po si Dad na maka-uwi dito." tanging nasabi ko.

'Dad told me na yun lang ang sasabihin ko kay Mom..'

"Really? O baka naman, may problema sa trabaho-"

"No Mom. Wala talaga. Basta sabi ni Dad, matatagalan siya.." diretsong sabi ko.

"Wait, ikaw tinawagan ni Dad. Pero kami, hindi? That's unfair! Dapat kami rin-"

"Baka busy lang si Dad sa trabaho-"

"Hayst! Tama na nga yan!" natahimik kaming dalawa ni Nathalie.

"Jenny, it's okay. Pumunta kana sa kwarto mo para makapagbihis at magpahinga ka na rin dahil alam kong sobrang pagod ka sa biyahe niyo." nabuhayan ako ng loob ng biglang ngumiti si Mom sakin.

I smiled and nodded. "I will Mom, thank you." ngiting sabi ko bago naglakad paakyat ng hagdan.

Nang nakarating ako sa aking kwarto, malungkot na presensya ang sumalubong sa'kin.

"Nakauwi na nga ako pero, malungkot naman" buntong-hiningang sabi ko bago umupo sa kama.

Napahawak ako sa aking cellphone.

Bigla ko na lang naalala yung sinabi ni Marky.

Dali-dali akong tumayo at pumunta sa may cabinet. Kinuha ko yung brown bag na nilagyan nung uniform at napatingin ako sa sticker nun.

"Wow. Zand Mall ah." hindi makapaniwalang sabi ko bago iyon kinuhaan ng litrato.

'Pareho pala kami ni Marky na curious sa nagbigay nito..'

Ngayong naka-uwi na kami, maging magkaibigan kaya kami ni Marky?

'I mean, mag-iiba kaya ang trato niya sakin?..'

Kinabukasan maaga akong gumising. Dahil wala na kaming kasambahay, ako ang nagluto ng almusal at naglinis sa buong sala. Medyo hindi ako sanay kaya iniisip ko na dapat, sanayin ko ang sarili ko sa ganito.

Sa susunod na araw pa ang pasok namin kaya, ayun buong araw kong kasama sina Mom at minsan naman, ako lang ang naiiwan sa bahay.

'Hayst. Ang lungkot ng mag-isa..'

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko yung kinuha.

"Hello, Pauline?" paunang sabi ko.

"Jenny, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko" dali-dali naman niyang sabi.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Well, si Kira kasi... may kondisyon siya para hindi niya ikalat yung picture na kasama natin ang Seventeens sa Boracay!" may halong inis ang pagkasabi niya.

'Ibang klase din pala si Kira... ano bang ginawa namin sa kanya?..'

"Ano yung kondisyon niya?" agad kong tanong.

I heard her long sigh. "Ang sabi niya, susundin raw natin siya. Oh diba? Nakakainis ang sarap niyang patayin."

"So, anong plano natin? Paano natin siya mapipigilan? Susundin na lang ba natin siya?" I asked again.

"Hell no! Alam ko kung anong klaseng tao yang si Kira! Pahihirapan lang tayo niyan. Kaya, hindi natin siya susundin. Gagawa tayo ng paraan para hindi niya magawa ang balak niya." seryosong sabi niya.

Napatango na lang ako. "I agree-"

"Jenny!" naputol ang sasabihin ko ng bigla akong tinawag ni Nathalie.

"Sige, Pauline bye muna. See you na lang sa school.." mahinahong sabi ko bago binaba ang tawag.

"Ano yun Nathalie?" tanong ko sa kanya.

"Tsk. Well, maghanda ka raw ng meryenda para sa mga bisita ni Mom. At, isama mo na rin ako ah. Maghanda ka para sakin. Pakibilisan mo raw kasi, ayaw ni Mommy na maghintay ang mga bisita niya. At ako, ayaw ko rin na maghintay." utos niya sa'kin.

"Teyka, Nathalie pwede mo ba akong tulungan? Kasi, hindi ko kayang dalhin ang lahat-"

"Please, shut up. Gawin mo na lang kung ano ang gusto ni Mommy. At alam mo ba, gusto ni Mommy na nandun ako kasi alam mo na, ako ang panganay na anak." ngiting sabi niya bago umalis.

Napabuntong hininga na lang ako bago ginawa yung sinabi ni Nathalie.

'Pano ba to?...'

Tanong ko sa aking isip dahil hindi ko madala yung iba.

"Jenny!" rinig kong tawag ni Mommy sakin.

"Andyan na!" tugon ko naman at dahan-dahang binuhat yung meryenda.

"Naku, Veron kamusta naman ang buhay mo?" nadatnan kong tanong nung isang babae kay Mommy.

"Well, heto maayos naman walang problema" sagot naman ni Mommy.

"Wow ah!" sabay-sabay'ng sabi ng mga kaibigan niya.

"Mom, ito na po..." mahinahong sabi ko sabay lapag ng meryenda sa mesa.

"Uy, Veron may isa ka pa palang anak?" nabigla ako sa tanong nung isa.

"Siyempre, oo naman!" dali-daling sagot ni Mommy. "Sa Korea siya pinanganak at lumaki naman siya sa States. Nagbabakasyon siya dito kasama si Lee kaya lang umalis naman sila agad pagkatapos kaya siguro, ngayon niyo lang siya nakita.." ngiting paliwanag ni Mommy sa kanila.

Napatingin si Mom sakin. "Jenny, batiin mo mga kaibigan ko."

"Hi po" ngiting sabi ko sa kanila.

"Hello, Hija. You know what? You're beautiful. Perfect ka sa mga modeling-"

"Excuse me tita, may gagawin pa po si Jenny. Diba Jenny?" pagputol ni Nathalie sabay tingin sa'kin.

"Uhmm.."

"Nathalie, don't be like that. Jenny, dito ka nga sa tabi ko." anyaya ni Mommy sa'kin.

Napangiti ako at tumabi kay Mommy.

"So, Jenny ilang taon ka na ngayon?" tanong ng isang kaibigan ni Mommy.

"17 po-"

"Mag e-eighteen siya sa december 30-"

"Wow! Ang bilis namang nasundan ni Nathalie noon..."

"Hmmm! Ho! Ho!" biglang naubo si Nathalie kaya napatingin sa kanya ang lahat. "I'm sorry. Naubo lang ako-"

"Nathalie, wala ka bang respeto?" rinig kong bulong ni Mommy sa kanya.

"Sorry Mom..."

"Naku, Veron mukhang nagmana talaga sayo yang si Nathalie ah. At ito namang si Jenny, nagmana yata sa ama niya-"

"Obvious naman mare." sang-ayon ng isa sa sinabi ng isa.

Medyo natagalan sila sa pagkukwentohan. Minsan nga, lagi nilang pinag-uusapan yung tungkol sa negosyo, shopping at marami pang iba.

"Kayo talaga haha! Sige, Jenny, Nathalie, iligpit niyo muna ito.." utos ni Mommy saming dalawa sabay tayo para ihatid ang mga kaibigan sa may gate.

"Goodbye sa inyo mga Hija!" paalam nila saming dalawa ni Nathalie.

"Bye po!" sabi ko.

"Tsk. Pasikat ka lang talaga. Papansin." rinig kong bulong ni Nathalie bago naunang lumakad papuntang kusina.

"Sandali..." hinabol ko siya kasama yung mga dinala ko. "Ano ba yang sinasabi mo? Bakit naman ako naging papansin." giit ko bago binaba yung mga hugasin sa lababo.

"Tsk. Jenny, wag kang magkunwari. Alam kong sinadya mong maging mabait para lang magustuhan ka ng mga tao-"

"Nathalie, what's wrong with you-"

"Tahimik! Diyan ka na nga!" tinulak niya ako kaya aksidenteng nahulog yung baso na pinatong ko lang.

"Omy!!" sigaw niya. "Gosh, Jenny hindi ka nag-iingat!" ulit niya pa.

"Tinulak mo'ko!" sigaw ko pabalik.

"Anong nagyayari dito?!" biglang dumating si Mommy at dumiretso siya ng tingin sa nabasag na baso.

"Mommy! Si Jenny, nabasag niya yung baso-"

"Tinulak po kasi ako ni Nathalie kaya naba-"

"Argh! Pulutin mo yan! Sino ba nakabasag? Diba ikaw? Kaya pulutin mo yan bago pa may masaktan! Napaka-clumsy mong bata ka! Argh! Naiinis ako alam niyo ba?! Kaya wag niyong dagdagan ang problema ko!" bakas sa boses ni Mommy na galit siya.

"Kita mo na? Ang tanga mo kasi. O siya, ikaw na bahala diyan. Palalamigin ko muna ulo ni Mommy. Bye, sis!" ngiting paalam naman ni Nathalie sa'kin.

Napabuntong hininga na lang ako bago pinulot yung mga bubog ng baso.

'Dad... I need you here. Feeling ko, wala akong kakampi sa bahay na 'to..'

➤THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE, COMMENT AND FOLLOW
thank you so much po!..

keep safe everyone.

- Ate Gema love's ya'll~

Continue Reading

You'll Also Like

35.2K 704 33
Gojo adds the wrong number to the gc. Ik i have enough stories but idc ๐Ÿ˜. Also this will have two separate endings you can choose๐Ÿ˜ผ also also geto d...
45.7K 837 13
A SHORT STORY ALL RIGHTS RESERVED 2020
1M 91.4K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
525K 15K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?