It All Started With The Royal...

By CloudMeadows

1.3M 60.2K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... More

intro.
i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.
xi.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xviii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxii.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxviii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

xxviii.

21.7K 1.2K 369
By CloudMeadows

Nasa kitchen ako ngayon at naghahanda ng prutas na idadala ko sa labas. Doon kasi sila mag aalmusal ngayon. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin yung ibang maid at butler dito kung bakit ako nagpapanggap na maid ngayon. Hindi ata sila sanay lalo na't nakasuot din ako ng uniporme nila. Parang kailan lang kasi naglalakad ako na naka t-shirt, panty at walang bra. Nagkibit balikat na lang ako at binuhat itong tray at dinala sa table nila sa labas.

Ngumiti  agad si Derick at Dallas pagkakita nila sa akin kaya nginitian ko rin sila pabalik. As usual, hindi ako pinansin ni Devyn at tahimik lang si Damien habang nakatingin sa Ipad niya. Palihim akong tumingin kay Dylan kaso nakadikit sa kanya si Steph na parang linta. 

"Babe? Please feed me," sabi ni Steph sabay abot ng tinidor niya kay Dylan.

Feed me? Ano siya? Sanggol? Sana pala nilason ko nalang 'tong mga mansanas.

Aalis na sana ako kaso bigla siyang sumgaw kaya napalingon ako. Napatingin ako sa sahig kung nagtalsikan yung kape. 

"Ouch! That's too hot!" Napatayo siya kaso wala naman gaanong tumilapon sa hita niya. 

Napairap na lang ako. Tanga lang?

"Oh my gosh! I'm sorry for this. This is such a bad thing to start the day . . . let me pick this up." Nahihiyang sabi ni Steph sabay yuko at pinulot ang nagkalat na mga bubog kaso agad din siyang pinigilan ni Dylan. 

"Stop, your finger is bleeding." 

"No, it's my fault--"

"Stop," he demands again. He sounds worried. 

Bakit nga ulit ako pumayag na mag stay ng isa pang araw? The more I stay, the more na na re-realize ko na gusto ko siya. I like him. I like Dylan. And I hate it. 

But seeing him with his fiancee, I should know my place. 

Hinila niya si Steph papasok, nilagpasan lang nila ako na parang wala lang. Wait, sino ba ako dito? That's right, wala lang. Stop being dramatic, Callie.

Parang wala lang naman sa kanila yung nangyari. Queen is still calm while the rest, I don't know, mukhang wala silang pake? What the heck? And since ako lang naman yung pinakamalapit sa table nila. Ako na lang din yung magliligpit ng kalat ni Steph. That witch. 

Lumuhod ako para damputin yung mga bubog kaso may humablot agad sa braso ko papatayo. 

"Callie, what the hell?" Pinanlakihan ako ni Drake ng mata at tumingin sa tiyan ko, "You're pregnant, I'll do it," pabulong na sermon niya sabay agaw agad sa tray na hawak ko at siya na yung pumulot sa basag na baso.

Hindi ba siya aware na nanonood yung lola niya? Siraulo 'to!

Sinampal ko yung kamay niya at lumuhod ulit sa tabi niya para tulungan siya kaso may isa na namang kamay ang humila sa akin papatayo.

"I think I want mango. Can you make balat for me? Yes? Thank you!" Nakangiting saad ni Dallas sa akin sabay tulak sa akin papuntang kusina. 

Pinanlakihan ko siya ng mata. 

"Dallas!" Suway ko sa kanya. "Paano kung makahalata yung lola niyo?" inis kong tanong sa kanya. Sinusulit ko na career ko bilang yaya tapos aagawan pa nila ako ng trabaho?

"She won't. You don't have to do this. Buntis ka. Kailangan mong magpahinga. You don't have to bring my mango, rason ko lang 'yon. Go to your room na and sleep. It's too early for you to wake up, babe," bulong ni Dallas habang tinutulak ako. 

Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit ang aga aga lumalandi na naman siya?

Kumindat siya sa akin bago niya ako binitawan at bumalik sa garden para tapusin yung breakfast niya. Napailing na lang ako. 

Dallas is good with his words, no wonder kung ilang babae ang napaikot niya sa matatamis niyang salita. But what he said is true though. Maaga akong nagising kasi naka set sila ngayon for early breakfast. Naki-prepare na rin ako kahit hindi pa sumasang-ayon yung katawan ko sa sobrang aga ng preparation time nila rito. 

As of now, sa isang guest room muna ako natutulog ngayon. I miss my room pero hindi ko naman 'yon kwarto kaya wala akong karapatan. Lalo na't kwarto pala 'yon dati ni Steph.

Napatigil ako sa kakaisip nang madatnan ko silang dalawa ni Dylan sa kusina. Nasa countertop si Steph at nakaupo habang ginagamot ni Dylan yung daliri niya. Nakangiti siya at tumatawa habang may pahamapas  sa balikat ni Dylan. 

Bumalik yung utak ko noong gabing nagkwento si Dylan tungkol kay Stephanie. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya umiiyak noon dahil sa kanya. She's here and she's completely in love with him so why?

"I love you," narinig kong sabi ni Steph.

Nagtago agad ako sa likod ng cabinet. Nakatalikod si Dylan mula sa akin kaya si Steph lang yung nakikita ko. Napansin kong nag tense yung likod ni Dylan ngunit nawala rin naman agad ito. 

"I--"

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at bigla akong lumabas dito sa lungga ko. Is he really going to say 'I love you too'? 

"Ay susmaryosep! Akala ko multo!" Sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko. Napatalon naman silang dalawa sa pagsigaw ko at gulat ding tumingin sa akin.

Well, I mean, except for Dylan. Tumingin siya sa akin at parang ngayon niya lang ako napansin. I can't read his face right now. Hindi siya nagulat tulad ni Stephanie na kulang na lang tumalon sa kinauupuan niya. He's back with that expression on his face again.

Guarded. 

"Multo? Do I look like a ghost?" Medyo naiinis na sabi ni Steph pero wala akong pake. Mas naiinis ako sa kanya. Ang tinis ng boses niya.

"Sorry, akala ko kasi tikbalang ka." Hindi ko na napigilan yung salitang lumabas sa bibig ko.

Me and my mouth, darn it. Pero multo ba ang tikbalang? Bahala na. Buti nga hindi manananggal. 

"What's tikbalang?" tanong niya.

"Kabayo." 

"Excuse me? You think I'm a horse?" 

Callie naman kasi bunganga mo. Masyado ka atang na-trigger sa I love you.

"Horse? I said ghost. I thought you're a ghost. Tikbalang is ghost in my dialect." Pagpapalusot ko at dahil likas akong bobita, nag peace sign ako. 

Tumingin ako kay Dylan na nakangisi ngayon sa akin. Don't tell me alam niya kung anong tikbalang? Is he going to tell her? Tangina.

"She's telling the truth, Steph. Tikbalang is multo."

I- what?

Sinasakyan niya talaga yung kagaguhan ko? 

"Oh really? That's weird . . . Anyway, thank you babe for treating my cut."

Hinalikan niya si Dylan sa labi at bumaba sa countertop. Nawala agad yung ngiti ko at tumalikod ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Or maybe I know. 

Hindi ko na lang pinansin yung selos na nararamdaman ko ngayon. There I said it. It's weird feeling something so strong again after how many years aside from anger. 

***

Queen just left to attend another important meeting. Sana nga sinama na lang niya si Stephanie kaso sabi niya na since kababalik lang daw ni Steph, they can use the rest house to throw some party for her. 

That means, another huge preparation for the sweet little princess. And since career ko ngang maging yaya for today, I am having yaya duties. Nasa labas ako ngayon para mag grocery para sa ihahanda mamaya. I didn't know she has friends here in the Philippines, big shots of course, kaunti lang ang invited. But she still wants something grand. 

Spoiled brat.

Kasama ko si Claudine na nagro-grocery ng ingredients para sa appetizers kaso hindi ko alam kung saang aisle na siya. Nag agree kasi kami na hiwalay na lang para mas mabilis kaming matapos kaso sa liit niya, hindi ko na siya mahanap.

Isa pa, kanina ko pa napapansin na may nakasunod sa akin na lalaking naka sumbrero habang nakayuko. Manyak ata 'to.

Inalis ko na yung pinakahuling ingredients sa listahan ko kaso hindi ko pa rin mahanap hanap si Claudine kaya naglibot muna ako. I forgot to ask for her phone number. Oh well.

I have to find her.

"What the f-"

"Sorry miss." 

He reeks of alcohol. Hindi ko alam kung sinasadya niya akong banggain pero hindi ko nalang pinansin. Paano siya pinapasok ng guard eh halatang lasing siya?

Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapansin ko ulit na sumusunod siya. Huminto ako saglit at huminto rin siya. Naglakad ulit ako at dahan-dahan siya nakabuntot sa akin kaya huminto ulit ako at hinarap siya kaso bigla siyang lumiko.

The hell? 

Binilisan ko na lang ulit maglakad hanggang sa may narinig akong sigawan. 

Bigla na lang nagwawala yung lalaking nakasunod sa akin kanina at may hawak siya ngayong kutsilyo. Nagulat ako lalo na't nagtama ang aming mga mata. 

Nanlaki ang mga mata ko at ngayon ko lang napagtanto kung sino siya. He's Gabe's father. Namukhaan niya rin siguro sa akin at nakita ko muli yung pamilyar na galit sa kanyang mukha. Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin hawak ang kanyang kutsilyo.

Ever since then, ayaw na ng pamilya ni Gabe sa akin. That was a long time ago and we're not together anymore so why...?

"P*tangina ka! Anong ginawa mo sa anak ko?!" He screams. 

Naguluhan ako sa sinabi niya. Ako? What the f*ck is he saying? And why is he angry? Nahawakan naman siya agad ng isang security guard kaso nagwawala siya habang kanina pa niya ako binabato ng mura.

Napahawak agad ako sa tiyan ko at napansin niya ito.

"Ano? Masaya ka na ngayon habang yung anak ko hindi? Hindi ako papayag! Papatayin ko yang anak mo! Hayop ka!"

Nag init bigla yung dugo ko sa sinabi niya. Ano na namang kasinungalingan ang pinakain sa kanya ni Gabe para ganito siya magalit sa akin ng sobra? 

Kaso hindi 'yon ang rason kung bakit kumukulo yung dugo ko ngayon. Anong karapatan niya para idamay ang anak ko? 

Kanina pa siya nagpupumiglas at ngayon ay may hinablot siyang mga lata sa tabi at pilit niyang ibinabato sa akin. My first instict is to cover my stomach. Maraming nanonood pero puro sigaw lang ang ambag nila. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo kasi bawat dadaanan ko eh binabato niya.

Natamaan ako sa braso at nag sunod-sunod yung ginawa niyang pambabato. Umiwas ako kaso ang bilis ng kamay niya kaya natamaad rin ako sa hita. Ang daming nakatingin ngayon kaso hindi ko to pinansin at sinusubukan kong umilag sa bawat binabato niya sa akin hanggang sa may humarang na katawan sa harapan ko. 

Not one, but three.

Derick, Drake, Dallas.

Wait, four.

Nandito si Damien?

No, five.

Devyn too?

They're covering me with their bodies at pinalibutan nila ako para hindi ako matamaan kaso sa harap nila ay may nakaharang din na mga guards para hindi rin sila matamaan. Mga ilang minuto ay natigil na rin yung pambabato.

"This fucker," Devyn hissed. "Hey, you okay?" tanong niya sa akin at lumingon siya saglit. Nakita niyang nakahawak ako sa tiyan ko kaya nagmura ulit siya.

"Son of a bitch."

"Anong ginagawa--"

May lumapit sa aming guards at kinuha nila yung push cart na hawak ko habang yung apat naman ay masamang nakatingin sa tatay ni Gabe na nakahandusay ngayon sa sahig habang pinoposasan ng mga security.

"Dollface, are you okay? Natamaan ka ba? Yung tiyan mo?" tanong ni Derick.

"Tell me he didn't hit your stomach. I swear to God if he did . . . " naiinis na sabi ni Damien.

"Why are you here? Sa tingin mo ayos lang sa buntis ang magbuhat ng grocery bags? Sa laki ng laman ng push cart mo?" nag-aalalang tanong ni Drake.

"Babe, are you scared? Are you okay?" hinawakan ni Dallas yung kamay ko at tiningnan kung may pasa ako.

Ang drama nila pero hindi ko rin napansin na medyo namumula yung braso ko na natamaan kanina ng lata.

Ang seryoso ng mga mukha nila kahit na naka face mask sila. 

"Who the fuck was that? Kilala mo ba siya?" naiinis na tanong ni Drake. 

"Tatay ng ex ko."

Agad na pinulot ni Dallas yung lata na malapit sa paa niya at inihagis ito sa tatay ni Gabe at natamaan siya sa mukha. Kukuha pa sana siya ng isa kaso pinigilan siya ni Damien.

"What the f*ck?"

Dinala nila ako palabas ng grocery store. Anong ginagawa nila dito at bigla silang sumulpot?  Nakita ko yung guards kanina na kumuha ng push cart ko at kasama na rin nila si Claudine. 

"Let's behead him," naaasar na sabi ni Dallas kaso binatukan lang siya ni Damien. 

"They have different law here, dumbass." 

"But seriously, are you really okay? Gusto mo ba dalhin ka namin sa hospital? You must be in shock right now, paano yung bata? He or she must be in shock too." 

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis kay Dallas. 

"I'm okay! Okay? Isa pa, bakit ba kayo nandito? Hindi ba dapat naghahanda kayo para sa party ni Steph?"

"Napansin namin kanina na wala ka kaya tinanong namin kung saan kayo nagpunta. Pinuntahan ka lang namin dito para sunduin ka," sabi ni Derick.

"Apat kayo?"

"May problema ba doon?" tanong ni Derick.

"Wala? Pero-"

"Wala talaga. Now get yous ass inside, dollface." 

People passing by are eyeing at the luxurious car in fornt of us. Who the hell would use a lamborghini papuntang mall? Tinulak nila ako sa loob kaya wala akong nagawa. Si Damien nasa driver's sit, Derick sa shotgun, at kami nila Drake at Dallas sa back seat, at ako yung nasa gitna.

May isang sasakyan sa harapan at sa likuran na nakasunod sa amin at kung saan din nakasakay si Claudine at ang mga napamili namin. 

"Your ex's dad is a psycho," sabi ni Drake at kinuha niya yung braso ko na namumula. I'm not gonna lie, that shit hurts.

"Hmm." Tumango ako. He is. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong tantanan.

"Palagi ba niya itong ginagawa sa'yo?" 

"First time, plus he's drunk."

"Still, hindi 'yon sapat para mag-eskandalo siya at batuhin ka." Napailing si Derick.

Hindi na lang ako nagsalita. Masama pa rin loob ko dahil sa banta niya kanina. He really won't let me live in peace. I've been receiving verbal abuse from him since kami pa ni Gabe pero dahil nga mahal ko yung anak niya noon, pinalagpas ko lahat ng masasakit na salita na sinabi niya sa akin.

Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niya ako pero tangina niya, sagad. I don't deserve the treatment he showed me back then. At ngayon pati anak ko pagbabantaan niya? He's crazy, may pinagmanahan nga talaga si Gabe.

But I'm thankful for these guys for being my shield today. Kaso nakakalungkot isipin na pagkatapos ng araw na 'to, we'll be back to strangers again.


Continue Reading

You'll Also Like

57.3K 2.9K 65
Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy, sumunod siya ng walang pag-aalinlangan...
509K 1.7K 6
You cannot be happy if you cannot accept reality that pain and problems are part of us, part of who we are and part of what we become.
931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
266K 17.1K 35
He lost his voice in an accident and I am determined to bring it back. - Dr. Nicomaine Capili