Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.5K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 26

69 10 1
By Enairashhh

" Paano na kita haharpin ngayon?"

---

Kinabukasan

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang recess. Wala akong gana. I can't face him. Ni hindi ko sya kinakausap. I mean, whole day tungo lang gawa ko.

" Masama ba pakiramdam mo?" lumakas ang pintig ng puso ko ng marinig uli boses nya. I can't.

" Pumunta ka na kaya sa clinic? Pero bago yun,kumain ka muna. Oh"

Napabuntong hininga ako saka hinarap sya. Nakatingin langa ako sa pagkaing binigay nya. Isang magnolia at sandwich.

" Salamat" mahinang sabi ko. Narinig ko syang nagbuntong hininga at umupo sa harap ko. Kinabahan ako ng malala. Pero kahit ganun, kinompose ko ang sarili ko. Panay parin ang pagkain ko at hindi nagpadistract sa kanya.

Ilang minuto lang ay natapos ko na ang pagkain pero hindi parin sya umaalis. Tsk. Ano ba naman yan. Sana matapos na ang recess nang makaalis na sya.

" Galit ka?" biglang tanong nya kaya napatingin ako. Gulat akong nag-iwas ng tingin dahil nakatingin pala sya. Kanina pa ba sya ganyan?

" About sa kahapon---"

" Ah! Sorry!" gulat na sabi ko sa kanya. Gulat din syang napatingin sakin. Nadagdagan nanaman kahihiyan ko! Tutal andyan na, sabihin ko na. Napatingin ako sa kamay kong magkahawak ngayon.

" Sorry kung nasabi ko sa kanya... Nag-aasaran lang kami... Tapos ayun... Nasabi ko na. Sorry talaga!"

Tsk. Nakakahiya. Pinagkalat ko pa talagang hinalikan nya ko? Nakakahiya ka Mayumi!

" Hahahaha!"

Huh?

Bakit sya tumatawa?

" Anong nangyari sayo?" mayamaya'y sabi nya. Gumilid sya ng upo at tumingin sa malayo.

" Hindi ka naman ganyan ah? " seryosong aniya. Bigla akong kinabahan. Di kaya...

" Hindi naman ako galit sayo e. Dapat nga ikaw pa magalit" saka sya bumuntong hininga.

" Kasi, h-hinalikan kita para roon."

Natigilan ako sa sinabi nya. Feeling ko umakyat ang dugo ko sa mukha ko!

Lumunok muna sya bago magsalita. Tinakpan ko naman ang pisngi ko. Baka kasi namumula ako! Ayaw kong makita nya.

" Kaya ko sinabing sikreto lang natin yun, dahil ayaw ko nang dahil sakin, ma-issue ka. Akala ko nga na kapag kumalat yun, tutuluyan mo na ko! Baka mawalan na ko ng ulo dahil sa head lock mo."

Leche. Nasapo ko nalang ang nuo ko. Ano bang pinag-iisip ko? Taliwas nga pala iniisip ni Bansot!

" Pinagtataka ko nga,bakit ikaw pa nagsabi sa iba?" takang tanong nya sabay tingin sakin. Bigla ay kinabahan ako.

" A-ano kase..."

" Ano" inosente nyang tanong. Napalunok naman ako.

Dahil gusto kita.

Gusto kong ipagyabang na, gusto mo rin ako.

Pero...

" Nag-aasaran nga kami." napasinghap ako ng hangin matapos sabihin yun. Tumango tango naman sya. Napangiti nalang ako ng mapait.

" Bansot..."

"Oh"



"Pwede ba kitang gustuhin?"

Pwede ba?

" Ha?"

Then it hit me. Unti-unti kong inangat ang paningin habang nanlalaki ang mata. N-nasabi ko ba?

" What... Do you mean?"

---

Mula noon ay di ko na kinausap pa si Bansot.


3rd grading exam. Nakapasa ako. Kung dati, palakol,ngayon 88 na. Grabe ang itinaas. Si Bansot, as usual, top. Sobrang galing.

" Uy, Bakit di na kayo nagpapansinan ah? Ship ko panaman kayo" napatingin ako sa bumubulong sa gilid ko. Si Lara lang pala.

Bakit nga ba?

Sobrang awkward. Sakin, oo. Lagi nya akong inaaproachn pero ako itong lumalayo. Hindi ko kasi mamanage 'tong lintik na feelings ko sa kanya. Narinig kong niyaya nya si Milliana sa concert ng MNL48. Dahil hindi ako sumama. Sumama ata loob nya kaya kahit sya hindi narin namamansin ngayon.

" Recess na! Bye!" agad na sabi ko. Mabilis akong tumakbo papuntang pinto. Pero bago ako makarating doon ay may nakabunggo ako.

" Aray" ani ko. Napaupo pala ako sa sahig leche!

" Laking tao,lampa"

Agad akong nag-angat ng tingin at nakita ko si Bansot na naka-poker face lang ang tingin sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin saka tumayo. Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na paalis.

" Hindi manlang nag-sorry. Sya na nga 'tong nakabangga eh"

Inis ko syang nilingon.

" Sorry. Happy?" saka ako naglakad palabas.

Nakakainis! Bakit ba ako nagkakaganito?! Dapat sya mag-sorry, ako 'tong napaupo sa sahig eh! Napahawak tuloy ako sa pwetan ko. Sakit!


" Masakit ba?" napalingon ako sa nagsalita. Nakasunod pala ang kumag. Kahit anong galit ko, yung puso ko ang epal! Pesteee!


"Tsk" yun lang at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

" Ano bang problema mo?!" iritableng sabi ni Bansot. Pero nagpatuloy parin ako.

" Hindi talaga kita maintindihan. Katulad ng dati, bigla bigla kang nagagalit at di mamansin. Ano ba? May kasalanan nanaman ako?"

Pucha! Wala! Ako ang may mali!

" Hoy! Poste! Kapag di ka sumagot, itutuloy ko ang gusto mo. Mukha namang iniiwasan mo ko, at di ko alam ang dahilan. Sige di na kita aabalahin. Pero sabihin mo muna sakin, ano nanaman bang ginawa ko?"

Napakadaldal. Kalalaking tao, ang daming sinasabi! Huminto ako sa paglalakad saka sya hinarap.

" Pucha ka pala e! Pucha ka!"

" Pu--- Bakit mo ko minumura?!"

" Pucha ka! Kahit ilang beses ko pang ulit-ulitin sayo,di mo ko maiintindihan kasi nga,slow ka at pucha ka!"


" Sige murahin mo lang ako, lagot ka saki---"


" Hoy, ano bang nangyayari sa inyo? Cap? Mayumi?" tanong ni Kin na di ko namalayang kadadating lang.

" Gagi kayo, dito pa kayo nag-away!" napapailing na sabi ni Amanda. Hindi ko naman inaalis ang paningin ko kay Bansot.



" Naiinis na ko sayo! Napaka slow mo talaga! Dalawang beses na! Putek ka! Pahiyang pahiya na ko sayo." dismayadong sabi ko.

" Mayumi..."rinig kong sabi ni Amanda.

" Anong slow? Anong sinabi? Ilang beses? Bakit di mo nalang diretsuhin?!" inis na sabi ni Bansot. " Nagagalit ka dahil slow ako? Taena Mayumi? Yun lang?!"


" Leche ka! Kahit leche ka, kahit slow ka pa, kahit maliit ka! Pucha,gusto parin kita!" nabubwisit na sabi ko. Gusto ko nang iuntog sya sa pader o di naman kaya isilid sa sako saka ihagis kung saan ng maliwanagan utak nya!


" Gusto rin naman kita e"

Pero bakit ganyan? Hindi naman ganyan ang mukha ng may gusto eh.

" Gusto kita Bansot. Naiintindihan mo ba? Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sayo." naiiyak na sabi ko saka patakbong umalis.

---

3rd Person POV

" What the heck Bro!"

" Wait, guys,puntahan ko lang si Mayumi. Ikaw naman Thomas, pakaisipin mong mabuti."

Tulala si Thomas habang palayo si Amanda. Kakaiba kasi ang naramdaman nya noong mga oras na iyon.Sa isip nya ay may ibigsabihin ang mga luha ni Mayumi.

" Hanggang ngayon, di mo parin maintindihan?" napabaling sya kay Kin na ngayon ay mukhang problemado na.

" A-ano ba---"

" Cap, I can't believe you. Imposibleng hindi mo maramdaman na may gusto sayo si Mayumi" kumunot ang kanyang nuo. Halatang nag-iisip. Si Kin naman ay napahilamos na nang mukha dahil sa manhid nyang kaibigan.

" Bro. May feelings sayo si Mayumi."

Gulat namang napatingin si Thomas sa kaibigan. Susuntukin nya na sana ito dahil baka nagbibiro lang pero napatigil sya dahil seryoso itong nakatingin sa kanya.

" I know, napansin mo yun. Pero you always deny it. Di mo pinaniwalaan."


Tulala parin si Thomas. Hindi parin nagsi-sink in sa kanya ang pinagsasabi ni Kin, pati narin ang sinabi ni Mayumi kanina lang. Masyado syang nagulat sa mga nalaman nya.

"Mali ka Kin." naiinis na sabi nya sa sarili.

" What do you mean?"

" Ni hindi ko yun napansin. All this time,akala ko lahat ng changes nya ay dahil kaibigan na ng turing nya sakin." bigla nyang nasapo ang nuo.

" Worst." salubong na kikay na ani ni Kin.

" I know" frustrated na sagot ni Thomas.

---


" Mayumi!"

Agad napalingon si Mayumi kay Amanda. Agad ding niyakap ni Amanda si Mayumi. Nalulungkot sya para sa kaibigan.


" Ang obob talaga nung Bansot na 'yun!" inis na sabi nya habang tumutulo ang luha. Nasa rooftop sya ngayon. Nawala lahat ng gutom na nararamdaman nya dahil sa mga nangyayari. Nakakapanghina munit nakakawalang gana rin.


" Mayumi..."

" Nakita mo ba? Nakita mo ba yung itsura nya kanina? Kahit ilang beses kong sabihin, di nya maiintindihan."


" Pakiramdam ko, naiintindihan nya na ngayon." malungkot munit seryosong sabi nya.


" Kaya, maghanda ka na. Please, Mayumi, pakatatag ka." yun lang at muli nyang niyakap ang kaibigan. Sabay silang nag-iyakan sa rooftop.

---

Mayumi


Nandito ako ngayon sa classroom nila Amanda. Makiki-sit in. Pumayag naman sya tutal parehas lang naman kami ng pag-aaralan. Namamaga rin ang mga mata namin kanina dahil sa kakaiyak at kung gaano namin na realize na mag bestfriend na nga kami.


" Oh eto oh. Kain kana" gulat akong napatingin si ng ibigay ni Amanda ang sandwich nya.

" Paano ka?"bulong ko. Baka kasi marinig ako, tapos na ang recess. Bigla nyang binuklat ang kanyang bag at laking gulat ko ng makita ang napakaraming pagkain sa loob. Kunot-nuo ko syang tiningnan. " Amanda???"



" Shhh! Pumupunta lang ako sa canteen para makita si Kin. Di nya alam to hahaha!"

" Hoy! Kayong dalawa dyan?" agad akong napatahimik ng sumigaw ang teacher at tinuro kami. Leche.

---



Leche.



Paano na ako babalik sa classroom ngayon?

Mahigpit ang kapit ko sa palda ko dahil sa pag-iisip. Hindi ko maintindihan mararamdaman ko. Sobrang nahihiya ako at ayokong magpakita sa kanya. Meron rin sakin na gusto syang makita pero natatakot ako.


Galit ba sya? Iiwasan nya na ba ko?


Tuloy hindi ko namalayan na nakarating na ako sa classroom. Napahinto ako at nakita kong wala ng tao. Nakalabas na pala ang lahat.


Lahat.



Kasama sya.


Hahaha. Putek. Bat ba ako nag-eexpect na makita sya? Ni hindi nya nga ako gusto.


Napabuntong hininga ako sa sariling naisip saka nagsimulang maglakad pero natigilan din ko ng makita si Bansot sa loob na nakaupo sa mesa ng upuan habang nakatingin sa labas ng bintana sa kabilang side. Para tuloy huminto ang puso ko.

Nanlaki ang mata ko ng lumingon sya at nagtama ang paningin namin. Maging sya ay ganun rin. Pero mabilis din syang nakarecover dahil kumunot na ang nuo nya at umalis sa pagkakaupo patungo sa direksyon ko. Dahil sa taranta agad akong tumakbo papunta sa pinto para di sya makalabas!



" Ano ba Mayumi! Buksan mo ' to!" sigaw nya mula sa loob. Hindi naman naka-lock. Parehas kaming nag-aagawan sa pinto para di bumukas. Masyado syang malakas para sa maliit na tao. Nahihila nya na nga ang pinto at nakikita ko na sya ngayon.



" Wait lang Bansot! W-wag mong hilain! Pramis, h-hindi kita ikukulong dito!"

" Paano kita makakausap ng ganyan" rinig ko mula sa likod ng pinto. Napasinghap ako ng hilain nya ulit ang doorknob kaya naman mabilis ko ring hinila 'to pabalik.



" Wait lang, please! N-nahihiya ako! Kaya naman, wag mo naman akong ipahiya ulit!"

Biglang gumaan ang pinto. May konting awang ito, kita ko rin ang uniform ni Bansot. Hindi sya sumagot. Napalunok ako. Namuo ang butil ng pawis sa nuo ko.



" M-makinig ka---"

" Makikinig ako." agad na sabi nya kaya naman mabilis akong napatingin sa pinto.

" Noong una..." unang salita palang parang pagod na ako. Napalunok ako.

" Noong una... Inis na inis lang talaga ako sayo. Feeling ko ako lang pinagdidiskitahan mo, ako yung binubuntunan mo ng galit dahil sa maliit ka." huminga ako ng malalim bago magpatuloy.


" Pero habang tumatagal, humahanga na pala ako sayo. Sa lahat ng achievements mo. K-kasi kahit maliit ka, nagagawa mo yung gusto mo. Yung nagpapasaya sayo." nangingiting sabi ko. Hindi naman sya sumagot kaya nagpatuloy ako.


" Pero yun ang akala ko. Akala ko yun lang yun pero may kahulugan pala. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta ang alam ko, one day paggising ko... G-gusto na kita..."



" Mayumi"



" Sandali lang! Meron pa" tar
antang ani ko. Narinig kong bumuntong hininga sya. " Pramis...P-pinigilan ko..." hindi ko napigilang tumlo ang luha ko. Napapapikit pa ako sa inis.


" Pero... Lumalala e. Anong gagawin ko? Bansot, di ko alam kung bakit ikaw pa. Alam mo... Nalilito narin ako e. A-ayaw kong may babaeng umaaligid sayo. L-lalo na yung Milliana na yun!" sigaw ko.




" Gusto ko, makasama ka buong araw. Gusto ko, maging akin ka. Grabe kadiri diba? Pero yun ang totoo."


" Alam mo bang ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon? Sa sobrang lakas, feeling ko ikakamatay ko na. Hindi ko alam kung bakit ganito. Gusto lang ba kita? O mahal na?" napahigpit ang kapit ko sa doorknob. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Kung ano mang mangyari ngayon tatanggapin ko ng buong puso.



" S-sorry! Baka iniisip mo na... Nakipag close lang ako sayo dahil---"



Napatigil ako ng mabilis nyang hilain ang pinto at hinila ako papasok sa loob. Napalunok ako ng makita kung gaano sya ka seryoso.



" I'm..."




---


Sankyuu

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
6.6M 179K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...