7 Color Prodigies: The Story...

By riyusen

18.4K 289 118

Hi! may itatanong lang ako sayo.. paano kung isang araw, kung saan napakaganda ng panahon na halos masilaw ka... More

Let's Start From Mis-Under-Standing!
chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27
Chapter 28
Extra 1
Chapter 29
Chapter 30
GOODBYE RIYUSEN

Chapter 8

569 11 0
By riyusen

CONFRONTATION 8

“He Moves Like the Wind”

 

EARTH:

            Oh my gosh! Ano kaya ang nangyari kay Air!! hindi ko mapigilang mag worry sa babaitang yun. Ito kasi ang unang beses na narinig kong napunta sya sa infirmary. That barbaric girl is as strong as a guy and though she’s clumsyand stupid, hindi sya ang tipong madadala pa sa infirmary, kaya nakaka worry na napadpad yun sa clinic. Sana wala namang masamang nangyari sa kanya.

Pinuntahan ko sya kanina sa classroom nila nang matapos na ang klase para humingi sana ng suggestions tungkol sa plano ng clubs namin. malawak kasi imagination nya eh, at alam kong marami syang mabibigay na idea. Pero nang makarating ako, sabi ni Mia nasa infirmary daw. Dahil sa pag aalala ko, I forgot to ask the reason at ito nga, tumatakbo na ako papunta sa infirmary. Gosh! Pinagpapawisan ako! nasisira na poise kooh!! Nas-stress pa ang beautiful legs ko! gosh!

Hmm. I think ito na ang infirmary! I stopped in front of the door. I was really worried about her so the instant that I reach the door, binuksan ko agad ang pintuan.

“Air!!! anong nangyari sayo! Sabi nila ma-----” bigla akong natigilan sa nakita ko.

Tamang tama pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa paningin ko ang isang eksenang hindi kailan man sumagi sa brainy brain koh!!

Agad silang napatingin sa akin. Pare pareho kaming natahimik.

“…….” Ilang sandaling naging blanko ang utak ko. as in!

.

.

.

.

.

Waaaahhhh!!! My gosh! My gosh! My gosh! Im so shock to the nth power!!! Ano itong nakikita ko!!! nakakawindang!!!

Air was…w-was sitting on top of the most handsome guy I’ve ever seen, and her play-along boyfriend, Reed Kerf Samaniego!! At-at.. my god!! nasa belt ni Reed ang mga kamay ni Air! She was pulling Reed’s belt!! Kailan pa naging ganyan kaagresibo si Air!!!

Judging from their position… si-si Air ba ang may kagustuhan sa mga nangyayari??? My beauty really can’t believe this!!! Hindi pa sila umaabot ng one month and they’re already doing this kind of thing??!! At kailan pa naging mas malandi kesa sa akin si Air!!

For a long moment, no one dared to speak. Shock din ata sila sa biglaang entrance ko sa eksena.. pero mas lalo naman akong shock noh!! Nawindang kaya ang beauty ko!! gosh talaga! This is what day call TOTAL SHOCKNESS!!!!

Air said she doesn’t really like him!! Pero bakit sya pa ang naghuhubad ng pantalon ni Reed the super gwapong yellow member ng 7 color prodigies!! No, I can’t take this anymore!!

But… this is the first time na nagkaroon ng boyfriend si Air, so I think she really has a lot to learn, maybe she was trying to do everything that a couples do, with her partner. Mas mabuti sigurong umalis na ako para naman maituloy nila ang ginagawa nila, ok na rin ito at nang maging ganap nang babae si Air, kalahating lalaki kasi yan. At para mabawasan na rin ang pagiging mangmang nya tungkol sa mga lalaki! Maybe gusto nya rin talaga si papa Reed ko pero nahihiya lang syang I-admit sa harap namin ni water. Tsk tsk, pa demure pa hihihih.

Since this is a good chance for Air to go out from her cocoon, I think I should get out of the scene na and let them continue na lang hihihi “ahm.. go.. ituloy nyo lang kung ano man yang ginagawa nyo. Pasensya sa istorbo hehehe.. ahm you know.. use family planning ok?” then umatras na ako at isinara na ang pinto.

Hahayaan ko sila sa gusto nilang gawin, pero sisiguraduhin kong ikukwento ni Air sa akin ang lahat pagkatapos nila!!! mwahaha.

Naglakad na ako sa hallway pabalik sa club room namin. Pero parang wala ako sa sarili habang naglalakad. Hindi ko kasi makalimutan yung nakita ko! Rated spg yun eh!! My goodness talaga!

Hindi talaga ako makapaniwalang naging liberated na pala si Air!! Naunahan nya pa akong gawin ang bagay na yun!! She’s so boyish! Kaya saang lupalop ng elegant earth nya ba nakuha ang ideyang ganun!! Kung sa bagay ang gwapo naman kasi ni papa Reed, kung ganon ba naman ka pogi ang mag aalok sa akin ng ano.. ay naku!! Go na!! Ang landi ko lang eh! Hahaha

hmm.. Pero sa pagkaka kilala ko kay Air, she doesn’t really like guys who are much attractive than her. And my papa Reed was that exact type of a guy, to top that, he’s even a member of the ultra popular 7 colors! So why was Air doing that spg thing with him? Sabi nya kasi, kung mgkaka nobyo sya, gusto nya sya yung mas mapapansin kesa dun sa guy kapag magkasama sila. Ano ba plano nya? Makipagtagisan ng papogian sa boyfriend nya?

But infairness, that girl, maganda talaga sya, and she’s quite popular in our school,  hindi lang sya aware.. Minsan pati ako nakakalimutan kong maganda sya, lagi naman kasing pinamumugaran ng kung anong klaseng halimaw ang buhok nya! Wala ba syang suklay? Her hair is always a mess! Para syang nakikipagsabunutan sa isang libong bading araw araw!

Air was the type of girl na mangmang pagdating sa usapang pam puso. I don’t know why but she has a heart as hard as a stone, and as cold as ice kapag relationship with opposite sex ang usapan. She maybe undeniably good in academics, but she’s absolutely stupid and ignorant when it comes to love. sa sobrang Kamang-mangan nya, kailangan mo pang ipaliwanag ng diretsahan sa kanya ang mga bagay na may kinalaman sa pagmamahal para lang lubos nyang maintindihan. Kaya kapag yan ang topic, hindi ka dapat gumgamit ng mga idiomatic phrases sa kanya dahil talagang hindi nya mage-gets, dapat diretsaha mong sasabihin sa kanya.

Unlike me and water na magkaibigan na since middle school, sya naman, nasa first year of junior high na kami nang makilala namin sya. Back then, she was already good at defending herself from any attacker. Kaya sa palagay ko, bata  pa lang, nag aaral na sya ng kung anu anong physical trainings. Though she looks smart, she was actually quite naïve about the reality of life. Inosente sya maraming bagay lalo na kapag may kinalaman sa mga feelings. She’s also the kind of person na hindi nauubusan ng rason, she doesn’t like being a loser kaya lagi syang may panangga kapag nagigipit sya sa mga debate. And one thing na hinangaan ko sa kanya ay ang determination  nya, once she set a goal, she will surely achieve it no matter how long it will take. Hindi talaga sya marunong sumuko.

That girl likes prentending to be strict, but deep inside, alam kong malambot ang puso nya. Kahit mukha syang eng eng at nangangagat ng tao minsan, mabait talaga yun. Oo nangangagat yun, literally! Ilang beses na nga nya akong kinagat eh! Hahaha but kidding aside, she’s so selfless, sya ang uri ng taong handang ibigay ang lahat makatulong lang. at hindi din sya ang tipong pababayaan ka. Ewan ko ba, super hero siguro yun sa past life nya. But there’s one thing na hindi sya aware sa sarili nya, she doesn’t know na napaka sadista nya!!

Yah! She’s an absolute sadist!! Alam nyo ba kung paano sya pumatay ng lamok? Simple lang, hindi nya pinipisat ang lamok. Hinuhuli nya muna ito saka isa isang tatanggalin ang mga paa nito habang buhay pa, tapos isusunod naman nyang tanggalin yung pakpak. Ihuhuli nyang tatanggalin ang nguso ng lamok, at dahil hindi naman basta basta natatanggal yun, kadalasan kapag hinihila na nya ang nguso ng lamok eh nadadamay pati ang ulo nito kaya humihiwalay sa katawan, saka mo naman sya makikitang nakangisi. Tsk tsk!

Haay naku! Naco- corrupt na ang utak ko! ang layo ata ng narating! Sino ba kasi ang nagtanong ng about kay Air??!! bakit ba ako nag eexplain?? Haay kakalurkeey talaga.

Pero.. kasi naman eh!! Ang daya ni Air!! bakit inunahan nya ako!! di daw nya type si papa Reed pero sya naman tong nakita kong nakaibabaw kay papa Reed! Hmp! Magpapalakad pa sana ako sa kanya eh! Haha joke lang. mukhang ayos naman si Reed para sa kanya.

Sa totoo lang, nagulat talaga kami ni Water nung mag confess sya. Hindi naman kasi sya katulad ko na masyadong open sa mga feelings ko, and she has a pride as high as the heaven para maunang magtapat sa isang lalaki! Pero nagawa nya. It was like.. halleerr! Was that really Air!!? akala ko talaga she was starting to be normal kaya nya ginawa yun, and I thought she really likes Reed, pero nakakadismaya nung malalamn kong ginawa nya lang pala yun para turuan ako ng leksyon, which is palpak naman hahaha.

Ow I remember tuloy, nakakatawa yung itsura nya nung hinalikan sya ni papa Reed!! Kulang na lang malaglag yung mga mata nya hahaha. Naku pasalamat talaga sya at sya ang nakakuha kay papa Reed, kundi, naku makikipagpatayan talaga ako para makuha ang vitamin A na yun!!

I don’t know whats the real deal and we know the story behind her confession, but Reed always treat her as his real girlfriend. Was he really taking Air as a serious girlfriend?? Pero mukha naman syang sincere sa mga ginagawa nya, he even announced in the public na si Air ang girlfriend nya. But sabi naman ng babaitang si Air eh hindi totoo ang relationship nila. She said that Reed was just doing that because he was plotting something behind her back. Ang hirap talagang intindihin ng babaitang yun! Ginugulo nya utak ko!!

Tsk! Tsk! Hindi to pwede! Hindi ako mapakali! Kailangan ko talaga ng mapagsasabihan nito! Nangangati ang dila ko! kailangan ko ng ka chismis!!! Mapuntahan nga si Water!! Hahaha

Papalabas na sana ako ng building nang mahagip ng mata ko si Water na naka upo sa may sahig at nakasandal sa mga lockers. Nakasuot na sya ng practice uniform nila. Syempre, ka-date nya ang pinakamamahal nyang psp.

Pero anong ginagawa ng isang to dito? Diba dapat nasa field to at nagpa practice kasama ng team nya? Don’t tell me pinabayaan nanaman nya ang mga members nya para lang makapaglaro sa psp nya? Captain ba talaga to??

Tingnan mo to, ang isa pang manang. Alien nga lang. ni hindi man lang nya naisip na nakakawala ng poise ang itsura nya. Para syang batang gusgusin na namamalimos sa daan, sosyal nga lang sya dahil psp ang kalaro nya. Tsk tsk wala talagang pinipiling lugar ang isang to. Ang weird talaga ng mga kaibigan ko! di man lang minana ang pagiging elegante ko!

Hinawakan ko sya sa magkabilang braso at niyugyog. “wateeeer!!! Water!! You have to hear this!! may kailangan kang malalaman!!!” sigaw ko sa kanya habang nasa screen pa rin ng psp ang mga mata nya.

“do-o-on’t sho-o-out.” Sabi nya habang yung boses nya, nayugyog din dahil sa patuloy kong pagyugyog sa magkabilang braso nya.

“but you have to listen to me!! Kailangan ko tong sabihin sayo!!” hysteric kong sabi sa kanya.

Ni pause nya ang psp nya at tumingin sa akin ng diretso at pinatigil ako sa pagyugyog sa braso nya. “Earth, im fighting the final boss now. At kapag natalo ako dito, ikaw ang iluluto ko mamaya para sa dinner ko.” Then ibinalik na nya ang mga mata nya sa pinaglalaruan nyang psp.

“aiisshh!!” kaasar! Hindi man lang nagka interes sa chika ko!

Kahit alam kong hindi bagay sa ganda ko na umupo sa sahig and to think na nasa may lockers pa, tumabi na lang din ako sa kanya at nakiupo, total wala namang ibang taong nakakakita. Safe pa rin ang elegant image ko wahahaha.

“but Water.. huhuhuhu!! Si Air… ” lintek! Di pa rin sya natinag! Bahala sya kung ayaw nyang makinig, basta ako magkukwento ako!

Humarap ako sa kanya habang nakaupo pa rin kaming dalawa sa sahig “wateeeeer!! Si Air…inunahan ako!! she’s pregnant!!!”

Her eyes is still fixed on her game “ok.” Walang kalatuy-latoy nyang sagot.

Walang hiya talaga ang girly na itey! Kelan ba to magkakaroon ng interes sa mundo, kala ko pa naman mawiwindang din sya!!

“wateeer!!! Did you hear me!! Nanganganak na si Air!!” hysteric ulit ako.

“ok.” Sagot nya ulit. Ganon?? Wala pa ring epek? Pahirapan talagang makuha ang atensyon ng mutant na ito!!

 “shiit!! Die! Die! Die! Noobb!! Weak!! Mamatay ka na!!” biglang sigaw nya  habang nakikipagbakbakan pa rin sa kung sinong final boss sa laro nya. Napahawak ako sa puso ko dahil sa ginawa nya.

 gosh! Nagulat ako dun ah!! Kala ko kung ano nah. Buti pa tong final boss kinakausap nya! Bakit ba ang adik nito sa laro? Buti sana kung pang babae yung nilalaro nya!! Dapat Barbie hindi psp!

Haay.. “sabi sa tv patay na daw si *Cloud Strife.” I said with a straight face. Tapos bigla syang lumingon sa akin.

So yun lang pala ang dapat kong sabihin para pansinin nya ako?? aaiishh!! Kaabnormalaaan!!! Mas mahal nya pa ang mga 3D characters kesa sa amin ni Air!! ipalumpo ko kaya to kay Air!

Ibinaba nya ang psp nya sa lap nya “kanina nabuntis lang si Air, tapos biglang nanganganak na. Ngayon naman pinatay mo na si Cloud??? Humarap ka kaya sa salamin Earth, ang ilong mo oh, humahaba. Baka mapatay mo kaharap mo.” Wow congratz! Ang haba ng sinabi nya!

Nagmaktol na ako sa harap nya. “eh kasi naman ndi ka nakikinig!!”

“ah..ok.” Tapos naglaro na ulit sya. Wah!! Grabee haaa!! Nakaka stress talaga itong kausap!! Calm down Earth, elegante ka kaya wag magwala ok.. caalmm----

“anong ginagawa nyo jan?” napatingin kami, este ako lang pala, sa babaeng biglang nagsalita. Si Water nasa psp pa rin ang atensyon.

Napatayo ako agad nang Makita ko si Air na mukhang nagtataka. “Air!! so how was it!!? did you reach the 7th layer of heaven??” excited kong tanong sa kanya.

Tapos biglang nyang dinutdot ang noo ko. PPAAK!!

“awtz! Hey what’s your problem girl! Tinatanong ka lang naman.” I said hawak ang noo kong pinitik rin nya.

“dapat inaalog ng husto yang utak mo eh, nang umayos naman yang turnilyo mo.” She opened her locker at nilagay sa loob ang pack nya. Oo pack, allergic sya sa shoulder bag eh. Ang manang talaga! Walang sense of fashiooon!!! Booo!! Boo!

“at anong 7th layer of heaven ang sinasabi mo? Di naman ako sumakay ng sky rocket para makarating dun.” dugtong nya pa.

Gosh! This girl is like slow talaga!!

“what I mean is y----”.

“how was it? is it a girl or boy? A human or an animal??...or insect??” biglang sumingit si Water tapos tumayo na.

“anong sinasabi nyo? Kulang ka ba sa kain Water? ” nagatatakang tanong ni Air. naku namaaan!

Binuksan din ni Water ang locker nya. “Earth said na nabuntis ka kanina, at nanganak ka na rin. So I was just asking if what kind of creature did you lay ”

Ano daw? Lay? Ano ba sa paningin nya si Air? manok na nangitlog?

“what??!!” tapos biglang tumingin ng masama sa akin si Air.

“ah—he-he-he…. ” patay ako nito. Papatayin nya na ba ako? huhuhu

Pero himala! Di nya ako kinagat! “hay naku Earth, kung ano man yung nakita mo, you’ve only misunderstood it. Walang nangyari sa amin na katulad ng iniisip ng malinis mong utak!” she said habang inaayos ang suot nyang jogging pants.

“oowwss??? Sigurado ka? eh nakita kong tinatanggalan mo ng belt yung gwapo mong boyfriend eh. Tapos kinakabayo m----”

EARTH!!” bigla nya akong sinaway.

“hmm? What?”  painosente kong tanong.

“pa what what ka jan! manahimik ka na ah bago ko pa maisipang isara ng sapilitan yang bibig mo. Nothing happened ok? Kaya itikom mo yang bibig mo, baka may iba pang makarinig at paniwalaan pa yang kasinungalingan mo.” She said na parang asar na asar. Hahaha bagay talaga sila ni papa Reed ko, ang iiksi ng pasensya. Pero mas bagay pa rin kami!

“eh kung wala talaga kayong ginawa, bakit ganon ang posisyon nyo?” nag pout ako.

“may inaagaw ako sa kanya and im not pulling his belt. Ni lock nya kasi yung kamay ko. at pwede ba, itigil mo nga yang kaka chismis mo.”

“ganon? Sayang naman…” I mumbled.

“ano??” ai? Narinig nya pala?

“wala.. sabi ko nga, enjoy yung jack en poy nyo hehe, next time pasali ako ha!”

Mananahimik na sana ako nang may bigla akong nakita sa may leeg ni Air.

 gooosh!! Kasinungalingan!! ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN!!May ginawa talaga sila!! May kiss mark sya sa leeg nya eh!! Dapat ako din meron~ ay joke lang po.

Mukhang napansin nya ang pagkaka shock ko sa kiss mark na nakita ko sa leeg nya. “hmmm? Anong tinitingnan mo?” she asked

“b-bakit m—may g-g-ganyan ka?” I pointed the kiss mark on her neck.

“hmm.. ito ba?” saka hinawakan nya ang leeg nya. “si Reed may gawa nito. Kinagat nya ako kanina. Ewan, feeling bampira yata. Kala nya ata may masisipsip syang dugo sa akin. Nabuhay nanaman yata ang inborn nyang topak.” Inosente nyang sagot.

“you let him do that? And you’re not even hiding it?” pati ang flat apek na si Water, biglang nagtanong. Tinago nya agad sa locker nya yung psp nya. Mukhang alam nya kung ano yung nasa leeg ni Earth. Buti pa ito kahit parang alien, atleast may alam naman sa mundo.

“huh.? Bakit, ano ba ito? Bakit kailangan ko pang itago? Eh parang kagat lang naman to ng lamok, mawawala din to mamaya.” Sabi nya habang hinihimas himas pa rin ang parteng namumula sa leeg nya.

“Air you’re so stupid! Hindi yan basta basta mawawala!” I exclaimed. Ai naku naman! Ang babaitang itey!! Napakawalang alaaam! She’s not aware na kiss mark ang nasa leeg nya! And usually, only intimate lovers do that. Some couples put that mark on their partners to mark  them and to sue other third-parties-waanabe away from their lover.

“ah??” napatingin sya sa akin. “ganon ba? Kung ganon dapat talaga akong gumanti sa kanya! Lalagyan ko din sya nito! Akala nya yata magpapatalo ako sa kanya!” sabi nya parang puno ng determinasyon.

Goosh!! Oh-my-goodness! Mauubos na buhok ko sa babaeng to!! Wala talagang muwang ang isang ito! Kala nya ba eh basta basta marka lang yang nilagay ni papa Reed sa leeg nya? Kapag may ibang nakakita jan, it will surely imply na taken na si Air! at ngayon, balak nya pang lagyan ng kiss mark si Reed? Pupukpukin ko na talaga utak nito eh!

Napatingin ako kay Water nang mapansin kong napangiti sya at parang nagningning pa ang mga mata nya. Shet, bigla akong kinilabutan, ano nanaman kaya ang plano nito? Hindi ko kasi mahulaan ang iniisip nito eh! Paypay nga! Malapit nang bumigay ang beauty ko! wew!

“really? Lalagyan mo din si Reed ng ganyan?” tanong ni Water na parang biglang nagka interes. Kapag ganito si Water, parang mas lalo akong kinakabahan.

“oo naman noh! Lintek lang ang walang ganti! Akala ko parang kagat lang to ng lamok eh na mawawala agad, pero dahil ndi pala to agad nawawala, lalagyan ko din sya nito para mamroblema din sya! Pero teka, paano ba ito ginagawa?” Air asked.

“its easy. ” then Water sucked the part of her wrist. At agad namang ginaya ni Air. ayan at nag turuan na sila.

“see? Its easy.” Sabi ni Water habang pinapakita ang wrist nyang may kiss mark na.

Teka, paano natuto ng ganyan si Water? Eh ako nga hindi marunong gumawa nyan eh! Paturo din ako!

“oo nga. Ang dali lang pala.” Wow, fast learner si ate!

Ano kaya ang nakain nitong si Water? Bakit nya tinuruang gumawa ng kiss mark si Air? Kapag nakangiti sya ng ganyan, parang mas nakakatakot. Sigurado akong may kung anong tumatakbo na namang plano jan sa utak nya! She’s so unpredictable naman kasi eh!!

“ngayon pwede na akong guman---ARAAY!! EARTH! ANO BA! BAKIT KA BA BIGLANG NANANAPAK!!??”

“KASI YOURE SO STUUPIIID!!!” tsaka nagmartsa na ako paalis.

“huh? Water ano daw??”

“sabi nya magpractice ka na daw.”

“wow na gets mo yun??”

“hindi ba yun ang sinabi nya?”

“hindi yun narinig ko”

“yun ang sabi ng ilong nya.”

“ipa mental ko na kaya kayong dalawa?”

“sige sama ka na rin para masaya.”

EEWAAANN KO SA INYOOOO!!!

AIR:

WOOOOH~~ GALING MO IDOL!!~ SHEET!! GWAPO MO !!~~

“Hmm?” napalingon ako sa may bandang gym nang marinig ko ang sigawan ng mga tao.

Ano bang meron??

Pauwi na sana ako pero napahinto ako nang mapadaan ako sa may gym. Gabi na ah, halos wala nang studyanteng nagpapractice sa field, pero himala? Marami atang tao sa gym?

Dahil sa kalokohan ni Reed kanina, na late ako sa practice kaya nadagdagan ng 20 laps ang training ko. kaya heto, ginabi na ako ng uwi. Hindi kasi ako iniwan ni coach hanggat hindi ko natatapos yung laps ko. grabe, walang patawad.

Pero nakapagtataka, bakit maraming tao sa gym?? Ang alam ko kapag ganitong oras wala na sa gym ang basketball team. Ano kayang meron? Matingnan nga.

Syempre, dakila din akong chismosa kaya kailangan kong makichismis!! Hehehe

Nang marating ko ang entrance ng gym, grabe halos di ako makapasok. Ang daming tao! Mapalalaki, babae, at binabae nandito na! parang dito yata napadpad ang lahat ng estudyanteng nasa field kanina!

Mabuti na lang at nagawa kong sumiksik kaya nakapasok ako. ano ba kasi ang ginagawa ko dito?? Bakit ba ako pumunta dito?? Ah oo nga pala, makiki chika.

“anong meron?” tanong ko sa katabi ko.

“he’s playing!! He’s playing!! Our papa Reed is playing!! Grabe ang cool nya talaga!!” tili nya malapit sa tenga ko.

Lintek, ansakit sa tenga ha! Wasakin ko kaya vocal chords nito!

Si Reed? Naglaro lang si Reed nagkakaganito na ang mga tao? Ano na lang kaya kung maghubad sya jan??

“diba lagi naman syang naglalaro??” bulong ko sa sarili.

ofcourse not!” eh?? Wow, lakas ng pandinig! “minsan lang kaya sya maglaro! Walang permanenteng sport club yang si papa Reed at simula nung gumraduate sila sa junior high eh minsan na lang syang naglalaro, kaya isang rare chance talaga ito para sa mga fans nya na Makita sya in action! Ang last na laro nya nga eh halos mag iisang buwan na.” ano ba to? Stalker? Ang daming alam.

Pero teka, Mag iisang buwan? Kung ganon nung mag confess ako sa kanya, yun yung huling laro nya?

“WOAH!! MGA KAIBIGAN HAWAK NANAMAN PO NG YELLOW TEAM ANG BOLA!! AYAN NA AT HAWAK HAWAK NA NG ATING SIKAT NA MYEMBRO NG 7 COLORS ANG BOLA!----MGA KAIBIGAN! TATLO NA PO ANG NAGBABANTAY SA KANYA PERO HINDI PA RIN NYA BINIBITAWAN ANG BOLA!!!”

Aba, may announcer pa? at ang sipag ah. Detalyadong detalyado hahaha.

Dahil sa dami ng taong nasa harapan ko, halos wala akong Makita sa mga naglalaro, kaya nagpatuloy na lang ako sa pakiki usyoso.

“teka, formal ba tong laro nila?” tanong ko ulit. May announcer kasi.

“naku hindi! Actually, sinadya talaga nilang lakihan ang pustahan para lang mapilit nilang maglaro si papa Reed. Balita ko ang school’s basketball team captain ang may pakana nito. At dahil pumayag syang mag laro ngayon, ayan nga ang nangyari. Nagmistulang totoong laban kahit pa pare pareho naman silang taga dito sa school natin” sagot naman nya habang abala sa pagpapahaba sa leeg nya.

Tsk tsk. Sugarol talaga ang lalaking yun!

Dahil halos wala naman na akong marinig kundi sigawan ng mga tao, nag tip toe na lang ako para kahit papaano eh makasilip na din. Di ko pa kasi nakikita kung paano mag laro ang isang myembro ng 7 colors prodigies.

“AYON PO MGA KAIBIGAN! IPINASA PO NI REED ANG BOLA KAY YELLOW NUMBER 5!! AT--- NAKU!! NAAGAW PO ANG BOLA!! ”

Naagaw? O ipinaagaw? Parang sinadya naman nung number 5 na ipasa sa kalaban yung bola.

 Hawak na ngayong ng blue team ang bola at dini dribble na pabalik sa ring nila nang biglang----

“WWOOAAHH!!!”

“GO PAPA REED!! CRUSH THEM!!”

 “cool! Pano nya nagawa yun pre????”

The people started to roar again. Nag wild nanaman sila.

wow! Ang bilis! Naagaw agad pabalik ni Reed! Grabe! Para syang hangin sa sobrang bilis! Paano nya nagawang habulin agad yung bola samantalang nag fast break na nga yung kalaban kanina?

Agad pinalibutan ng tatalong players mula sa blue team si Reed, kung kanina ipinasa nya ang bola, ngayon naman, walang kahirap hirap na nilampasan nya ang tatlong nagbabantay sa kanya. Grabe, ang swift ng moves nya, para syang dahon na sumasabay lang sa ihip ng hangin. Kung sa sayaw pa,  napaka gracefull ng galaw nya. Ni walang nagawa ang mga humarang sa kanya, sobrang bilis nyang kumilos. Kung may tambotso lang siguro si Reed, siguradong kulay uling na ngayon yang mga humahabol sa kanya.

Nang malampasan nya ang tatlong bantay nya, ang dalawang natitira naman ang sumalubong sa kanya sa ilalim ng ring. Di hamak na mas malalaki sa kanya ang dalawa kaya hindi ko alam kung anong gagawin nya para maidakdak ang bola.

Maya maya pa’y lumipad na silang tatlo sa ere. 1 vs 2 ang aerial fight nila. mag da dunk ata sya at yung dalawa naman ang susupalpal sa bola. Pero sa laki ng mga kalaban nya, nagawa pa rin nyang I dunk ang bola at natumba nya pa ang dalawa. Grabe, saan sya kumuha ng lakas?? Nalugmok sa ilalim ng ring yung dalawa habang sya namay nakatingin lang sa kanila na parang ipinamumukha sa kanila kung gaano sila ka weak kumpara sa kanya.  Yabang talaga.

“WHHOOA!! NAGAWA PONG LAMPASAN NI REED ANG LIMANG MIYEMBRO NG BLUE TEAM!!! AT NADAGDAGAN NANAMAN NYA ANG PUNTOS NG YELLOW TEAM!!!’’

“WAAH!! GRABE! ANG GALING MOOH!”

“ MARRY ME REED!!!”

“ WOAH BUTI NA LANG TALAGA AT SAYO AKO PUMUSTA REED!’’

“ GALEEENG!”

Nagsimula na namang mag hiyawan ang mga tao. Mukhang tapos na ang laro. At panalo ang team nina Reed.

Napatingin ulit ako sa kinatatayuan nya.

He has the eyes that he always had, seryoso at parang galit sa mundo. Magkasalubong ang kilay at parang walang gana. di rin nawawala ang nakaka intimidate nyang aura. pero sa itsura nya parang hindi naman nya sineryoso ang laro.

Tumingkayad pa ako lalo para silipin ang score nila. at.. wow! Eh lamang na lamang pala sila eh! 34 vs 89 ang score, panalo nga ang yellow team. Grabe, ganon pala katindi maglaro si Reed, to think na mag iisang buwan pa sya hindi nag basket ball nyan at walang praktis. Lalo tuloy akong nasayangan na hindi ko napanuod ang laro ng 7 colors noon. Kung si Reed pa nga lang nagagwa nang patumbahin ang buong starters ng basket ball team, paano na lang kaya kung ang 7 colors na mismo ang nagkampihan?? Tsk tsk, mukhang legend nga talaga sila.

Ito ang unang beses na napanuod ko kung paano maglaro si Reed. Hindi talaga maikakailang karapat dapat syang mapabilang sa mga prodigies, talagang magaling sya. Parang no sweat lang sa kanya ang ginawa nyang paglampaso sa kalaban nila kanina. Hmph! I-aacknowledge kong magaling nga sya, pero yun eh sa basket ball lang! di pa naman nya napatutunayan sa akin na totoo ang usap usapan na magaling sila sa lahat ng bagay. Sa basketball ko pa lang naman sya nakitang maglaro, hindi ko lang alam kung may alam pa syang ibang sports. Pero kahit na myembro pa sya ng kinatatakutan at sikat na sikat na 7 colors, hindi pa rin magbabago ang katotohanang weak sya! Dahil napatumba ko sya sa isang sapak ko lang!! bwahahaha!

REED:

Pagkatapos ng laro namin, dumiretso na ako sa quarter para magpalit ng damit. Hah! Akala ata ng mga guggong na yun eh magagawa nila akong talunin kapag naglagay sila ng traydor sa team ko. mga bobo talaga! Kahit buong basket ball team pa ang iharap nila sa akin, pareho pa rin ang kalalabasan ng laro. They will always eat my dust! Mga walang kwentang kalaban.

“excuse me Reed, pwede ka bang makausap?” napalingon ako sa taong nagsalita.

Hmm. Ito yung captain nila ah.

“nice try pero talo pa rin kayo. Napagbigyan ko na kayo kaya siguraduhin nyo lang na tutupad kayo sa usapan..” I said saka tinalikuran ko na sya at nagpatuloy sa pagbibihis.

We had a deal, kapag nanalo ako, magiging alipin ko silang lahat for one year, at kapag natalo ako, sasali ako sa team nila sa darating na annual national sports meet.

Sisiguraduhin kong magiging living hell ang 1 year na ito sa buhay nila, kasalanan nila at pinilit nila ako. yan tuloy napala nila.

Yumuko sa akin yung captain nila. “im sorry if we played dirty tricks on you, but we really need you in our team. Nakikiusap ako, kahit sa championship ka na lang maglaro. We really wanted to be in the nationals this year at ikaw lang ang alam kong makakatulong sa amin. We will comlply in any of your demands basta sumali ka lang sa team!”

Aba, nag makaawa? Ang alam ko mataas pride nito ah.

Pero ang pinakaayaw ko sa lahat, yung mga taong walang dignidad. “sino ba kayo para pag aksayahan ko ng panahon? We had a deal and I won. Dont wait for me to lose my temper so you better stop nagging me.”

Kapag naumay ako sa mga ito, lalo ko silang pahihirapan. Ang taas naman kasi kung makapangarap, balak pang maging national champion. Eh kahit naman sumali ako sa team nila, hindi naman siguradong maipapanalo ko sila dahil hindi ko naman forte ang basketball, its just my past time. At isa pa, sigurado akong makakabangga namin ang school ng taong yun dahil sya ang basket ball captain ng school nila. and if ever na maisipang manahimik ni zen sa kung saang planeta man sya ngayon, sigurado akong hindi pa rin kami mananalo. Dahil yung isang taong tinutukoy ko, ang nag iisang totoong hari ng basketball court. Kaya imposible talagang madala ko sila sa championship. Mabuti sana kung sumali sa laro yung ibang members ng 7 colors para naman ganahan ako sa elimination game, pero kung ganitong mga pipitsugin lang, mabuti pang matulog na lang sa bahay.

Lalabas na sana ako sa quarter nang matigilan ako sa sinabi nya.

“hindi kami magpapakababa ng ganito kung hindi lang talaga namin kailangan ang tulong mo. Please help us. Kung hindi lang kasali sa susunod na laro namin ang isa sa myembro nyo, malaki naman ang tiwala ko sa team ko na kaya naming umakyat sa nationals sa sariling sikap lang namin, pero kapag ganitong may isa sa 7 colors ang makakalaban namin, ibang usapan na. I think its unfair na sila lang ang may prodigy sa side nila that’s why we were asking you to join the team.” Paliwanag nya. Seryoso rin ang boses nya.

“anong ibig mong sabihin?” napalingon ulit ako sa kinatatayuan nya.

“like I said, one of the 7 colors joined the basketball team of our 5th opponent school” sagot naman nya.

What? Isa sa seven colors? pero sino? There are only 6 remaining members maliban sa akin, pero sino sa kanila ang sumali sa basketball team ng opposing school? Excluded na nga pala ang isa dahil siguradong sasali yun at sila ang magcha champion, therefore lima na lang. but who??

“you said 5th opponent, ” kung ganon, sa ikalimang laban pa nila makakaharap ang taong tinutukoy nya.

“yeah. Para masali kami sa finals, we need to beat 6 schools, at sa ikalimang laban namin, they had a prodigy within their team. We know how skilled each of you from 7 color prodigies kaya alam naming hanggat hawak nila ang alas na iyon, wala kaming laban sa kanila.” He answered.

“anong school ba ang 5th opponent nyo?” parang bigla akong naging interesado.

“its the SSS High” tila nabuhayan nyang sagot.

Sss high?? Teka sino ba sa kanilang anim ang nag aral doon? Di ko naman kasi matandaan ang mga pangalan ng schools nila.

“pero sino sa mga kaibigan ko ang sumali sa team na yun?” I asked him again.

Sinagot naman nya ang tanong ko, he mentioned a name.

Kung ganon sya pala, hindi ko akalaing maiisipan ng tamad na yon na sumali sa basketball team ng school nila. sigurado akong nadala nanaman yun sa suhol, but nevertheless, wala akong pakialam sa kung ano man ang rason nya sa pagsali nya. There are only two people from the 7 colors na ayokong makaharap pagdating sa basketball, and luckily, hindi ang pangalan nila ang binanggit ng kausap ko.

I think things will really get interesting. I want to fight him.

Naglakad na ako papunta sa pintuan. “sige, pagbibigyan ko kayo, pero asahan nyong dudoble ang utang nyo sa akin. And make sure you comply with all of my demands at siguraduhin nyo ring aabot kayo sa 5th game, baka 1st game pa lang eh mailampaso na kayo. I don’t want to be a part of a lousy team like that.”

p-pumapayag ka na??!” ke lalaking tao, nauutal!

“don’t make me reapeat my self. At wag nyo ding asahan na sisipot ako sa mga practice nyo. I’ll come when I wanted to. And don’t nag me. And also, be sure to win your 4 games dahil sa 5th game lang ako pupunta.” I said while still walking towards the exit.

“oo!! M-maraming salamat!!” hindi ko man Makita, alam kong yumuko ulit sya sa akin.

Haay, bahala nga sila. Sa totoo lang, hindi ako ang klase ng taong magbabago ng pasya, pero dahil sa narinig ko kanina, hindi ko mapigilang ma tempt sa sinabi nya kaya nabago ko ang unang pasya ko na hindi sila tulungan. Wala naman talaga akong pakialam kung makapasok sila sa championship o hindi, but thiking na isa sa anim na itlog ang makakalaban ko, para akong sinilaban ng apoy. Dahil sila ang pinaka gusto kong makaharap sa anomang laban.

Hmm.. I think this coming sports fest will be really exciting! Hindi na ako makapag hintay!

End of Chapter 8

 

A/N:

            *Cloud Strife is the yellow-haired main protagonist of the 3D game entitled Final Fantasy VII Advent Children from the series of Kingdom Hearts. He has a spikey hair and a big sword that was originally owned by angeal, the mentor of zack.

~Riyusen

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...