Lying, Cheating Hearts (Compl...

By LushyMacPhilosophy

72.3K 1.3K 427

You don’t start your day knowing what you're going to end up doing the next day. No one holds the future. Eve... More

Dedication
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Masakit sa Bangs - Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Notes

Chapter 9

1.1K 25 1
By LushyMacPhilosophy

Year 2004

"Owkamon Aileen samahan mo na naman akong uminom," pagmamakaawa ni Jeff sa phone.

"Mga barkada mo Jeff ‘asaan? Bat di sila ang yayain mo?" Tanong ko sa kanya. Nasa school ako, nag-aantay ng next subject na last subject ko na for the day. 

"Sige na. Di naman kita iaask kung di ko talaga kailangan ng kasama," pagmamakaawa pa nya. Dinig mo sa boses nya ang desperasyon.

"Bakit ba Jeff? Ano bang nangyari? Nag-away na naman ba kayo ni Suzette?" Tanong ko. 

"Niloloko ako ni Suzette Aileen," iyak nya sa phone. “May boyfriend pala sya.” At humikbi ng humikbi.

Nahabag ako. Pareho kaming walang kapatid kaya parang kapatid ko na rin ang pinsang kong si Jeff. Sabay kaming lumaki. 

"Okay. Saan kita pupuntahan?" 

Di dumating ang prof ko sa last subject kaya nakaalis ako agad. 

Nagwowork si Jeff bilang isang Production Assistant sa isang kilalang Production outfit. Gusto nyang maging Director. Writer at Photographer din sya. 

Nahumaling sya sa isang model at aspiring na artista, si Suzette Lyn Damiano.

Dinatnan ko sya sa inuupahan niyang kwarto sa Makati.

Tiningnan ko ang napakaliit nyang kwarto. Bukod sa masikip, magulo, nagkalat ang mga damit nya at mga kinainan. May problema nga sya… Neat freak kasi siya.

Napaluhod upo ako sa harap nya. Bakas mo sa mukha nyang lumung-lumo sya. Nakaupo sya sa sahig at nakasandal sya sa dingding. Malayo ang tingin habang hawak hawak ang bote ng gin.

Ang daming mali sa scene na iyon. Simple lang ang pamilya namin pero mayaman sila Jeff. Nung pinili niyang maging independent pagtapos nyang grumaduate hindi ko inakalang ganito pala ang kahahantungan nya.

Kasing laki ng first floor ng bahay namin ang kwarto ni Jeff sa family home nila sa Marikina. Ngayon, itong inuupahan nya, mas malaki pa ata ang CR ko sa bahay.

Gin ang nakita kong iniinom nya. Nung nag-aaral pa sya nung college, at naisasama nya akong uminom, pinapalabas nya yung the best liquors sa bars.

“Lagi na lang akong iniiwan Aileen. Si mama, si papa, si Suzette,” nguso nya at sabi. Tumulo ang luha nyang hinayaan nya lang pumatak.

“Anong nangyari?” tanong ko.

“May boyfriend pala sya,” sagot nya. “Akala ko sinasabi nya lang, sino ba naman ang manlalake sa loob ng isang taon diba? Akala ko ako yung legal. Ako pala yung kabit. She’s cheating with me.”

“Kumain ka na ba?” Tanong ko.

“Ang galing nyang magtago. Ang liit liit lang ng Maynila. Labas pa kami ng labas. Ang kapal kapal ng mukha nya. Pero put*ngina Aileen, mahal na mahal ko sya.”

Yumuko ako. Inuunti-unti ko rin ang pagliligpit.

“Yung boyfriend nya pala taga-Bulacan. Dun sila nagdedate sa North, kami naman dito sa South. Ang galing ‘no?”

“Di ka pa ata kumakain Jeff.”

“Hayaan mo na! May ER naman. Hayaan mo muna akong magkwento, wag ka munang magligpit dyan. Uminom ka rin,” sabay abot sakin ng baso at can ng beer. Surprisingly, malamig yung beer.

“Pa’no mo ba nalaman?” tanong ko.

“Tumawag sa’kin yung jowa nyang si Maynard,” sabi nya. “Pareho kaming PA. Magkaibang mga lugar lang, kaya di kami nagkikita. Pinsan nya yung boss namin… Sabi nya, ‘Tol, kayo daw ng girlfriend ko.’”

Ngumuso sya, nagpipigil ng mga susunod na luha.

“Sabi ko ‘Sino ka ba? Sino ba girlfriend mo?’ Sabi nya ‘Maynard. Suzette.’ Tinanong ko pa kung Suzette Lyn Damiano, sabi nya oo.”

Tahimik lang ako habang umiinom na din.

“Nagtaka ako. Malamang nagkakamali sya kasi one year na kami ni Suzette. Tinanong ko kung gano na sila katagal, 2 years na daw.”

“Anong sabi ni Suzette?”

Bigla syang humagulgol. This is so not him. He rarely cries at lagi nya akong inaalaska. Kaya di ko alam ang gagawin ko nang umiyak sya ng ganito. Tiningnan ko na lang sya.

“Wala Aileen! Wala! Lumayo na daw ako kasi mahal na mahal na mahal daw nya si Maynard. Tatlo Aileen! Tatlong mahal yung binanggit nya,” iyak sya ng iyak. Hinang hina na sya.

Lumapit ako sa kanya at inalis ko ang gin na hawak nya. Kumuha ako ng tubig at pinainom sa kanya iyon.

“Di ko man lang harapan nalaman. Di ko man lang nasuntok yung Maynard na yun nang may mapagbalingan ako,” huminahon sya ng kaunti.

“Wala akong magawa. Anong gagawin ko, e ako pala yung saling ket ket. Ako pala yung panggulo,” patuloy nya.

Bumaling sya sa’kin. “Diba kakabreak mo din?” Para syang naghahanap ng kakampi, ng kagaya. He was referring to my ex Jaycee.

“F*ck yes,” sagot ko agad. “Screw love. Walang forever!”

Tinaas nya ang baso nya. “Cheers!” Uminom kami pareho ng tubig.

“Asan na si Jaycee? Nang may masapak ako,” sabi nya.

“Nandun sa probinsya nila,” sabi ko.

“Niloko ka rin?” tanong nya.

“Hindi. Hayaan mo na yun,” sabi ko.

“Bakit nga? Imposible namang pinagpalit ka nun e patay na patay sa’yo yun. Kahit ako pinagseselosan. Sinaktan ka ba? Ano ngang ginawa sayo?”

“Drop it Jeff.” Napansin nyang itinatago ko ang dahilan.

“Aileen! Tell me! I can call your friends now and ask for the reason. I can find out. It’s better if malaman ko from you,” sigaw ni Jeff.

“Jeff! Drop it!” sigaw ko rin sa kanya, nababasag na ang boses ko hanggang sa napayuko ako at umiyak.

Pumasok sya ng banyo. Narinig ko ang boses nya mula sa loob.

“Hello Christine. Oo si Jeff ‘to pinsan ni Aileen-“

Tumakbo ako agad sa pinto ng banyo, kinatok ko ng kinatok si Jeff. Christine’s my friend and classmate. She knows everything about me and Jaycee.

“Jeff! Ibaba mo yang phone! Lumabas ka rito! Jeff!” sigaw at makaawa ko sa kanya.

Lumabas sya ng pinto. Galit na galit ang expression ng mukha nya. “He f*cking hurt you Aileen? He slapped you? He tried to rape you?!”

Nanlumo ako at napaupo. Iyak na lang ako ng iyak.

“Magbabayad sya! I will call tito, I will call dad! I-“

Niyakap ko ang mga paa nya. “Jeff please. Drop it. Ayoko na ng gulo. Please… I’ve already been through enough. He will have his karma. Please do not tell mama and papa. Please Jeff, I’m begging you.”

Napaupo sya. “Pero Aileen. What he did was so very wrong. He needs to pay for what he did.”

“I know Jeff, I know,” habang iyak ako ng iyak. “Pero gusto ko nang mag-move on. Ayoko nang ipagpatuloy pa ang next chapter ng buhay ko na may Jaycee pa rin, kahit parusa pa sa kanya. Please Jeff, give me this. I swear I’ll do whatever you want.”

“You know I will not drop this. He’ll see what’s coming,” sabi nya.

Tumingin ako sa kanya. “I will do whatever you want me to do Jeff, wag mo na lang balikan si Jaycee. Please! Ayokong malaman nila mama, nila tito, ayokong malaman ng family nya. Ayoko Jeff, Ayoko! Si Christine lang ang nakakaalam at ayokong malaman pa ng iba. Nakakahiya. Hindi naman natuloy Jeff. Hayaan mo na si Jaycee.” Iyak ako ng iyak sa kanya habang yakap yakap ko sya.

“Aileen…”

“No Jeff, no! Please! I’ll help you with Suzette! She will eat her words. She will come crawling back to you. I will make Maynard fall in love with me,” sabi ko sa kanya. Tiningnan nya lang ako at niyakap na rin.

“You don’t need to do that,” Jeff said.

“I will. Alam ko na sinasabi mo lang na hindi mo sasabihin kila papa, kila tito. At kahit hindi mo sabihin sa kanila, alam ko mababalikan mo si Jaycee on your own. Pag nagawa kong mapabalik si Suzette sayo, you will owe me and this is it Jeff. Just don’t do anything about Jaycee. Please,” sabi ko.

Jeff gave me his word. He was desperate and so was I.

Fate had a different plan – a plan that Jeff didn’t know about because I didn’t tell him. He thought the next things that happened were all my doing.

Maynard and I met without any planning. I was visiting Jeff’s shoot nang nagmaterialize sya sa pinto at maraming hawak hawak na bags. Everything went slowmo.

He was very, very handsome. Kundi lang sya buhat dito, buhat doon, asikaso dito, asikaso doon, I would think na model sya. I didn’t know it was Maynard. Jeff didn’t either. He has not seen his face.

He’s very masculine, maputi, mabangong tingnan, mestizo-gwapo. Matangkad sya at parating nakatawa. Pati ang mga mata nya, nakatawa.

When Maynard saw me from across the room, he gave me a sweet smile. Nahiya sya at umalis.

“Ang gwapo nun Jeff, sino yun?” tanong ko sa pinsan ko.

“Di ko alam. May mga tumutulong dito from ibang office eh, baka from there,” sabi ni Jeff.

“Parang artista eh,” sabi ko.

“I doubt. Hindi papansin eh.”

“Ay, mga artista ba papansin?”

“Madalas. At saka masipag sya eh, ayan o tulong ng tulong… Makapagtrabaho na nga, ikaw kasi daldal ka ng daldal. Bukas na natin hanapin yung mokong na yun,” he was referring to Maynard.

“Pero Jeff, iabandon na lang kaya natin yung plano natin? Parang gusto kong gawing asawa yung kanina eh,” sabi ko.

“Ikaw lang naman ang nagsuggest suggest pa nun. Gusto ko nang mabugbog yun si Jaycee at hayaan mo na si Suzette. Ayaw nya na talaga sa’kin eh,” sabi ni Jeff.

“Pero mahal mo?” tanong ko.

“Oo naman. Pero hayaan mo na,” sagot ni Jeff. “Babalik yun kung kami nga.”

“Iasa ba sa ganyan? Walang mangyayari sa’yo kundi ka kikilos,” pangaral ko.

“Hoy! Ba’t ganyan ka na mag-isip? 18 ka pa lang oy,” sabay duro nya sa noo ko.

“Uh pare…” Nagulat kami nang lumapit samin si Maynard. “PA ka rin diba? Naka-blue ka rin kasi. Samahan mo daw si Boss Rey pipickup kayo ng props sa studio 8. At miss, kailangan ko yang inuupuan mo.”

“Sige insan, see you na lang. Text na lang kita,” paalam ni Jeff at umalis na.

“Okay, text text,” sabi ko habang busy sa pamumula dahil ang bango ni Maynard.  

“Buti na lang mag-pinsan kayo,” sabi nya.

“What? Sorry?” Narinig ko, gusto ko lang ipaulit.

“Wala, I’m Mayn. You are?” sabay lahad nya ng kamay.

“I’m Aileen,” ginamit ko ang minsan ko lang ginagamit na secret weapon ko, ang ngiting may hilig ulo na napatunayan kong nagwowork. Namula sya.

Silly me, nakalimutan ko kaagad ang pangalan nya. “Sorry anong name mo na nga ulit?”

“Maynard. Mayn for short,” nagulat ako pero mabilis kong naitago yon.

“Baka naman magalit girlfriend mo if I get your number?” Mapusok kong sinabi.

Natawa sya. “Wala na ‘kong girlfriend. Niloko nya ko eh.”

“Wow, nasa sharing stage na pala tayo. Ako rin, I just broke up with someone,” smile ko ulit sa kanya. I know he’s under my spell.

“Perfect timing pala,” he said. Natawa kami.

“Wait, are you busy? Would you like to get coffee ganyan?” I’m a woman with a plan who wants this man.

“Sure! I’ll just let my cousin know. He’s my boss kasi,” confirmed! It’s the Maynard!

“Great! I’ll wait here.”

Maraming Jeff sa mundo. He didn’t put two in two together. Hindi nya naman ata alam na PA din si Jeff sa same company.

Nag-enjoy akong kasama sya. He was so sweet and a true gentleman. Ang dami nyang pangarap sa buhay and you can tell that he was really hardworking kasi may progress lahat ng pinangarap nya sa buhay. He values his family and he really appreciates the help he is getting from his cousin. He wanted to run a production company din kaya he’s really trying to know the business.

“It’s Marketing, it’s what every company needs. It’s what every person needs,” sobrang passionate nya sa ginagawa nya and for someone na college student pa lang speaking to someone who’s already working na, he was very inspiring.

“Biruin mo, your product can be useless pero if it’s marketed right, you can sell it for thousands! That’s the magic of marketing and advertising,” sabi nya.

“Baka idealistic lang ako sa ngayon kasi I’m still young and hyper pero I’m really enjoying what I’m doing,” dagdag nya pa. “Alam mo yun, yung nakita mo na yung passion mo bata ka palang? I’m so happy and so lucky.”

Tumingin sya sakin. “Kulang na lang love life.” At tumawa sya tapos biglang nagseryoso.

“O? Anyare? Nanahimik ka?” Tanong ko sa kanya.

“Wala. May naalala lang ako,” sabi nya.

“Ex?” tanong ko.

“Yeah, but that’s over. It was just a waste of time. Yun lang, sayang. Sayang kasi yung time.”

“Can I ask what happened?”

“She cheated eh. It’s not important na ngayon. Wala na yun,” he said.

“She cheated? Sa gwapo mong yan?” bola ko sa kanya pero totoo naman. “So ano yung other guy, Greek God?”

“You’re going to make me blush again,” he said. “I guess hindi ko sya nabibigyan ng time kasi? I don’t know.”

“Who did she cheat with?”

“Some guy, I really don’t know the details. Nalaman ko from her friends lang. I just informed the guy. That’s it for me. Nalaman ko hindi alam nung guy na dalawa kami. Poor him. Suzette, my ex, wanted me back. But I guess it was just because cousin ko si Rey, yung may-ari ng prod outfit. Gusto nyang sumikat eh,” kwento ni Maynard.

E haliparot pala yang si Suzette! Wag na rin silang magbalikan ni Jeff.

“Anyways, ikaw? What happened?”

“It just didn’t work out,” I lied.

“That’s sad. Pero the timing’s perfect for us no?” Natawa sya. “Sorry, am I being too forward?”

Natawa din ako. Umiling lang.

“I don’t think naman na you have a problem with me being forward eh ikaw nga nag-ask ng number ko and nagyayang mag-coffee.”

Tumawa ako, “true, true.”

“So, can I see you tomorrow? For a real date?”

“I don’t see why you can’t.” And smiled.

I leaned in and kissed him on the cheeks.

His timing was perfect. Everything about him was perfect. He was just what I needed.

Continue Reading

You'll Also Like

63.3K 2.5K 31
Ano ba ang totoong nangyari matapos maaksidente nina Cyann Mabanta at Clementine Tongco? Ngayong wala naman palang sumpa, magtatagpo pa rin ba ang la...
18.3K 1.4K 32
Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano a...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
146K 4.7K 43
(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 2 ❤ The Kikay Australian, witty, and fashionable, Thaysky Suniga locked up in the province. She thought her lif...