Chapter 27 Silent Mode
***MEG POV***
KAKAMOT-KAMOT sa ulo na niligpit ko ang mga kalat sa silid ni senyorito sungit. Linisin ko daw. Tsk! Sa pagkakaalala ko mag-aalaga ako ng baby damulag. Hindi naman niya sinabi na mag-aasta akong yaya niya.
=__=
?__?
Teka... parang pareho lang yun a! Pero... dapat mag-aalaga lang ako hindi iyong palilinisin pa. Ahuhuhu! Buti sana kung may sweldo din ako kaso wala. Aish! Pandagdag sana ng allowance ko para naman may ma contribute ako sa mga projects namin.
Hindi ako umaangal kay mama na maliit ang ibinibigay niya, iyon lang kasi ang kaya niya. Ayokong humingi pa, napakawalang puso ko namang anak kung magpupumulit pa ako.
*PAK*
Tumaas bigla ang isang kilay ko. E kasi naman, ang masungit at walang awang si Brendon... Binato niya ako ng unan! Buti na lang dahil malambot, paano na lang kung hindi? E di mababagok ang ulo ko. Mapurol na nga mukhang madadagdagan pa.
>__<
"Bakit mo ginawa yun?" angal ko.
Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang papel.
>BIGYAN MO AKO NG PAGKAIN<
"Anong pagkain ba yan senyorito?" >3<
SIYA --> sulat-sulat-pakita ng sinusulat. Ganyan po siya lagi.
>DON'T CALL ME SENYORITO.<
"Hindi ba amo na rin kita kasi anak ka ng amo ni mama, tapos senyorito ang tawag nila sayo dito kaya naman dapat sundin ko iyon."
>STUPID.<
Aray naman! Namimihasa na siya, lagi na lang niya akong nilalait. Ahuhuhu! Alam ko naman na ganun ako e, bakit kailangan pa niyang e-remind?
T___T
>COME HERE!< =__=
“Bakit?” tanong ko, habang papalapit sa kanya.
>MAGLUTO KA.< =__=
"Anong lulutuin ko?" ?__?
>PAGKAIN.< =___=
"Anong uri ng pagkain?" ?__?
Kumakain kaya siya ng panis?
>SOUP.< =__=
"Iyon lang?" ?__?
Tumango siya bilang sagot. Napagod yata sa kakasulat.
"Sige." Iniwan ko na siya kaso kung saan ako aalis saka pa niya ako hinabol at hinuli sa kamay. Oo, tama po kayo, hindi siya disable pero kung makaasta parang ganun nga siya.
"Bakit?" ?__?
He opens his mouth and closed it afterwards. In a few seconds he nodded and let go of me.
Parang na-miss ko ang boses ni sungit. Nakakapanibago ang ganito... Bweno, makapagluto na nga.
Tinungo ko na ang kusina at iyon na nga.... sobrang nag-effort ako para lagyan ng lason ang niluluto ko para naman mabawasan ang lahi ni Brendon sungit sa planet earth. Hehe, pero ano... joke lang.
^___^v
Oo nga't may pagkamasungit siya pero may pagkakataon naman na bumabait siya at tinutulungan niya ako.
Ang weird nga e!
Una, mambu-bully pagkatapos nun kapag namomroblema ako saka naman siya darating at tutulungan ako at pagkatapos naman nun pagagalitan ako ng bonggang-bongga.
Aish! =__=
Katulad na lang ng una naming pagkikita. Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin ni Founder ng mga sandaling nalaman niya na damit ni Brendon ang suot ko.
******
***FLASHBACK***
***MEG POV***
"TELL me everything Meg. Tell me how you got Hawk eye's shirt." Seryosong tanong ni founder. Samantalang ako ay napapalunok ng laway ko.
"A-ano kasi..." >3<
"May narinig akong balita na lumabas daw si Hawk eye sa cr ng mga babae na walang damit sa itaas. And it's humiliating on his part. And that thing... I consider a miracle." =__=
"Ha? Bakit naman?" ?__?
Paano kayo naging miracle ang bagay na yun?
"Hindi yun marunong maglabas ng katawan ." aniya.
"Hindi?"Kung hindi nga bakit hinubad nun ang damit niya para palitan ang damit na ipinasuot ni Jared?
"Oo... actually, it's the first time he did this. Everything is his first."
Naguluhan ako don a! ?__?
"Bakit naging ganun?" Hehe, mahirap talaga kapag mahina ang utak. Nahihirapan akong intindihin ang mga bagay-bagay. >3<
"First time niyang mambully ng babae na hindi siya inuunahan. Hindi yun marunong manakit pero... inunahan ka parin niya. Iyon ang nakakapagtaka, dahil new comer ka pa lang."
"H-hindi ko nga rin alam kung bakit naging ganun." >3<
Inosente ako! INOSENTE! >3<
"At, isa pa... ito rin ang unang pagkakataon na... hinubad niya ang suot niyang damit para lang sa isang babae... Sabihin mo nga... ano ba talaga ang nangyari?" kitang-kita ko ang pagdududa sa mga mata niya.
I gulp.
"A... e... k-kasi... habang papasok na ako sa school, may dalawang babae na nagbuhos sa akin ng malagkit na green liquid. Dumating si J-jared para tulungan ako at ano... d-dahil basa ako pinahiram niya sa akin ang damit niya..." >3<
"Anong damit ba?"
"I-ito..." Ipinakita ko sa kanya ang damit ni crush na may tatak ng clan nila.
Nanlaki ng husto ang mga mata ni Vevien pagkakita nun, may nakikita akong mali sa rection niya. Na para bang... may hindi tama.
Aish, mukhang alam ko na ang naiisip niya!
"A-alam mo ba ang mangyayari kung iyan ang isinuot mong damit?"
Marahan akong tumango. "N-naisip ko na ang posibilidad na iyan nang nasa loob pa ako ng CR. Sobra akong kinakabahan at... at natatakot baka pagalitan mo ako... T-tapos nagsisigaw ako sa banyo p-pagkatapos nun..."
"Pagkatapos?"
"D-dumating siya... dumating si Hawk eye... Pinagalitan niya ako... na... na kung bakit damit ni Jared and suot ko, matapos kong magpaliwanag.... walang pasabi niyang... hinubad ang damit at ibinato sa akin. Palitan ko daw ang suot ko..." >__<
Hindi iyon ang tamang pagkakasunud-sunod. Ayokong malaman pa niya na nagtago kami sa loob ng CR nang may mga dumating na mga tao. Mali pala, si Hawk Eye ang humila sa akin papasok dahil takot siyang mabuking na kasama niya ako.
=__=
"G-ganun ba?"
"O-oo... k-kung iniisip niyo na may balak akong lumipat sa kanila... hindi iyon..." >__<
"Alam ko." Putol niya sa sinasabi ko.
"Ha?"
Alam niya ang ano? ?___?
"Naniniwala akong wala kang balak na gawin iyon." Binigyan niya ako ng isang makahulugang ngiti. "I don't know why he saves you again that time... but.... Meg...."
Kahit nga ako ay walang ideya! >__<
"B-bakit?" ?__?
Ngumiti na naman siya at niyakap ako bigla. "Bring him back...." mahinang bulong niya.
"Bring him back? Anong ibig mong sabihin?"
Sino ba ang pababalikin ko? Nakakagulo yun a! ?___?
"N-nothing." Aniya, matapos humiwalay sa akin. "I want it to be secret between the two of us..." ^__^
Marahan akong tumango. Hinding-hindi ko ipagsasabi yon!
"Pangako." ^__^
***END OF FLASHBACK***
***BACK TO REALITY***
***MEG POV***
"ANONG lasa?" tanong ko sa napakaseryosong si Brendon Miguel slash sungit, habang kinakain niya ang soup na niluto ko.
SIYA? ---> walang emosyon.
Aish! Sarap hawakan ang baba niya tapos ako yung magbubuka-sara para naman magsalita na siya. Nakakabagot na nakakabaliw ang ganito. Iyong ikaw lang ang nagsasalita tapos ang kaharap mo napakatahimik.
Nakakanerbiyos na nakakatakot na parang ewan.
Aish!
*silence
*silence
*silence
Sige, ako na itong nabibingi at sobra-sobrang inaantok sa sobrang katahimikan. Oy ha, uma-unli ako sa SOBRA! ^__^v
Aish!
Ano ba kasi ang problema ni sungit? Bakit hindi na siya nagsasalita? Ahuhuhu! Mas sanay ako na sumisigaw siya o hindi kaya ang mag-'TSS' man lang kaso... ngayon kahit isa ay wala.
Dahil ngalay na ngalay ang mga paa ko sa kakatayo, kinuha ko ang swivel chair ni Sungit at hinila iyon papalapit sa kanya.
Kagaya ng iniisip ninyo, sumakay ako sa umaandar na upuan at pinatakbo-takbo iyon na parang kabayo. Hehehe, syempre joke lang po. Umupo lang ako, kasi nga pagod na ang mga paa ko.
Ipinatong ko ang mga kamay sa likurang bahagi nito, sabay patong ng baba ko. Inaantok na kasi ang inyong abang lingkod.
^___^v
Muli kong tinitigan si Sungit. Ang seryoso niya habang kumakain. Aish!
Makulit ko nga siya! =__=
"Brendon..." tawag ko sa kanya, bawal daw ang senyorito. Mas lalo na ang sungit baka itapon niya sa akin ang hawak niyang bowl. >__<
Basta, tumigil siya sa pagkain at tinitigan ako na tila ba nagtataka. Pangako, as in nangangako ako, ang cute-cute niya. Ang sarap kurutin! *O*
"P-pwede magtanong?" pilit kong tinatago ang paghanga. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang amo rin pala ng mukha niya kapag ano... gumaganito siya! >___<
Inilapag niya ang walang lamang bowl sa katabing mesa sabay abot ng sketch pad niya.
>BAKIT?<
"Bakit... ang tahimik mo?" ?__?
Tinitigan niya ako ng maigi.
"W-wala lang... naitanong ko lang." kinamot ko ang ulo ko. "Nagtataka lang kasi ako sayo." >__<
*silence
Tsk! Nakakapagod ang ganito at nakakaantok pa. Muli akong humilata sa ibabaw nitong swivel chair, sa likuran bahagi nito. Labis akong nagtaka ng muli siyang magsulat.
>MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO.<
"Bakit naman? Parang okay ka naman kanina a!" ?__?
Hindi ba tama ako? Ang tapang at sungit pa nga niya kanina at panay pa ang salita. Sa pagkakaalala ko pinaghahampas pa nga niya ang pader sa sobrang inis kasi wala kaming mauupuan.
Muli niya akong tinitigan. Ewan ko ba, parang may nakikita akong pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"May problema ba?"
Marahan siyang umiling. At hindi na nagbalak pang magsulat. Aish! Kapag ganito ng ganito natitiyak kong makakatulog ako.
*blink
*blink
*blink
*yawn
Spell inaantok...
M-E-G-R-Y-A-N-A-L-O-N-T-E-S
=__=
Makahanap nga ng topic. May alam ba kayo? Aish...
=__=
*isip
*isip
*isip
*isip
*ting......
May naisip na ako. Bahala na si Batman.... teka, bakit lagi na lang si batman? Paano na lang si Pikachu?
Hmmm... Bahala na si Pikachu! Go, Meg! Go!
^______^v
***END OF MEG POV***
******************************
AN:// hanggang dito na lang po muna ako. Hehe, pasensiya na kung maikli siya. Busy pa kasi ako. May demonstration kami bukas. At kailangan kong mag-aral.
^____^v