Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.4K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 25

73 11 2
By Enairashhh

Monday

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Pasuray suray pa ang paningin ko habang nag-aayos ng sapatos ko.

" Oh,baon mo. Teka? Bat ganyan mukha mong bata ka!"sigaw ni mama saka sapilitang iniharap sa kanya ang mukha ko.

" Masaket" mabagal na sabi ko.
" Wag mong sabihin na, nag-aaral ka nang mabuti? Totoo ba yan Yumi? Gusto ko nang ganyan Yumi, pero wag masyadong magpupuyat. Baka mauna ka pa saking tumanda nan" dire-diretsong sabi nito saka naglakad na paalis. Napabuntong hininga naman ako.

---

Kinakabahan akong naglalakad sa hallway papuntang room. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung nagyari kahapon. Buong magdamag rin syang nasa isip ko. Tuwing maalala ko, gusto kong magpagulong gulong kung saan!

" Hoy, poste! Aga ha?" napatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Bansot. Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko kahit pa di ko sya nakikita. Mabagal akong naglakad para mahintay sya. Ayaw ko kasing lumingon. Ayaw ko ring sumagot. Hindi ko alam!!!

" Hoy! Bangag ka nanaman!" pang-aasar nya pero wala namang epekto. Kinakabahan talaga ako at di mapaliwanag kung gaano kabilis ang tibok nito. Sa sobrang bilis napahawak ako sa dibdib ko. Feeling ko, magkaka-heart attack ako.

Mayamaya pa nakarating na kami sa classroom. Agad akong umupo. Napasulyap naman ako kay Bansot na nakipag-apiran pa kila Aldous.

" Mayumi, laro! " tawag nya kaya napaiwas ako ng tingin.

" Kayo nalang" tanggi ko nang hindi sila tinatapunan ng tingin.

Kahit ang tumingin sa kanya di ko magawa! Bakit kasi humantong pa sa ganon ang pagkamatakaw nya?! Kahit kailan nakakainis ka Bansot! Anong ginawa mo sakin!

---
" Bilis maglakad ah"

Gulat akong nagbaba ng tingin sa gilid ko. Leche! Bat nya pa ako naabutan?!

" Hoy, hindi ka mauubusan." sarkastikong aniya. Sa halip na sagutin ay nagmadali na ako sa paglalakad papuntang canteen. Narinig ko pa syang sumisigaw pero di ko na nilingon. Naghuhurumintado nanaman kase ang puso ko.

" Isa nga pong egg sandwich. Magnolia rin po" agad na sabi ko sa tindera ng makarating. Hindi naman ako mapakali dahil medyo mabagal si Ateng kumilos.

" Isa nga rin po..." napalunok ako ng marinig sya ulit. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nya. Agad ko nang kinuha ang order ko. " Poste, reserve mo kong upuan, salamat"

" Asan na ba sila Amanda?!" taratang bulong ko habang sunusuyod ng tingin ang kabuuan ng canteen. Andaming tao. Dahil sa pagod sa kakatingin ay umupo nalang ako sa bakanteng upuan. Animan iyon pero lima na nakaupo.Nginitian ko ang mga nakaupo, tumango tango naman sila at nagsimula na akong kumain.

" Poste,sabing..." bakas ang pagkadismaya sa boses nya. Tumingin ako saglit saka kumain ulit. "Wala e" mabilis na sagot ko.

" Captain, dito!" mabilis akong napabaling kung saan dahil sa pesteng boses na yun. Agad namang umalis si Bansot at umupo sa tabi ni Milliana. Mayamaya pa ay bigla akong pinandilatan ng mata ni Milliana at saka dumila! Peste ka talagang babae ka!

" Yan kase... Iwas pa more" agad akong napalingon sa gilid ko. Gulat akong nakita si Amanda na nakaupo na sa tabi ko.

" Bakit ka nandyan?! Saka asan na si Kin? Kanina ko pa k---"

" Ikaw ha! Hanggang ngayon ba naman si Kin parin?"

Taka akong napatingin sa kanya. " Huh?"

" Wala! Haha! Ayun sya oh! Kanina pa namin kayo napapanuod"

" Eh bakit di mo ko tinawag?!"

" Bat naman kita tatawagin? Duh! Dalawahan lang naman upuan don."

" Edi bumalik ka na don!" inis na sambit ko. Tatawa tawa naman sya. " Alam mo, matagal ko nang alam na crush mo si Kin"

Nanlaki ang mata ko. " H-hindi  na pramis!"

" Hahaha! Alam ko gaga! Alam ko na iba na nilalaman nyan" sabay turo sa dibdib ko. " At siya yun"

Napatingin ako sa tinuro nya. Nakangiti si Bansot habang salita naman ng salita si Milliana. " Bahala ka Mayumi. Sinasabi ko sayo, baka mahulog yan sa iba. At kapag dumating yung time na yun, magsisi ka."

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Anong gagawin ko?

---

" Hey" napalingon ako sa pamilyar na boses na yun. Nagtapon kasi ako ng basura. Buset inutusan pa ko.

" Oh, baket?" mataray na sabi ko sa naka-crossed arms na si Milliana. Ngumisi naman sya saka naglakad palapit sakin.

"Alam mo naman na like ko si Thomas diba?"

"So?" walang ganang sabi ko.

" Alam mo rin na alam nya yun. And despite of that, hindi nya ako iniiwasan. Lucky, right?" tatawa tawang sabi nya. Napataas naman ang kilay ko.

" Pake ko sayo? Alis dyan! Maisako pa kita!"singhal ko sa kanya. Paepal! Nonsense lang naman pinaginasabi! Agad akong naglakad at nilagpasan sya.

" I know you like him too." natigilan ako. Ganun ba ako ka-obvious?

" And so? Ano ba kailangan mo?!" inis kong lingon sa kanya. Tumawa ulit sya. Parang timang! Wala namang nakakatawa.

"What I want is... Umalis ka. Umalis ka sa tabi nya. Pretending to be his bestfriend pero ang totoo gusto mo lang mapalapit sa kanya!"

Biglang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Gaga pala sya eh ! Lakas mag-akusa akala mo naman totoo!

" Weh? Tologo? Tologo ba?! Obob ka pala eh! Sa susunod na mag-akusa ka yung totoo ah? Yung may proweba! Puro ka lang satsat! Atsaka, how dare you to demand me na umalis ako sa tabi nya? Duh? Who are you again? Extra ka lang ulol! Kung sino mang dapat umalis, yun ay walang iba kundi ikaw! Extra!" mahabang sabi ko. Tae, di ako makahinga! Bigla syang tumawa ng malakas.

"  What a joke! Hindi na dapat ako nag-aksaya ang oras sayo. Hindi naman sya magkakagusto sa isang tulad mo  lang e." iiling iling na sinabi nya saka naglakad at binangga ako.

" Oops! Sorry!Hahahah!" kunwaring sabi nya. Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang inis!

" HAHHAHAHA!" maya-maya'y pasigaw na tawa ko sa mismong mukha nya! Napaubo naman sya dala siguro ng hininga ko. Pero mabango hininga ko! Gaga lang talaga to!

" Kawawa ka naman wala kang alam" ngising sabi ko. 

" Disgusting!" salubong nakilay na aniya.

" Hahahaha! Kung ako sayo Milliana, tumigil ka na sa mga ilusyon mo." ngising sabi ko.

" Are you kidding? Baka ikaw nag-iilusyon" mataray na aniya.

" Hahaha! Kawawa kanaman!Hanggang ilusyon ka na lang at ako, totoong totoo! Real na real!" I said proudly,  natawa naman sya.

"  Don't tell me, sasabihin mo sa king, He likes you? Ilusyunada ka ngang talaga"

" Then,why he kissed me?" proud kong sabi. Nanlaki naman ang mata nya sa gulat! Hahaha! As expected, she blown away!

" HAHAHAH ano ka?! Talo ka pala eh! Wawa ka naman! Wala palang gusto ah! Hahahaha! Boom panes b*tch!" saka ako tatawa tawang umalis ng taas noo!

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pabalik ng room nang may marealize ako.

ANO BANG PINAGSASABI KO KANINA?!

Flex ng flex di naman totoo! Wala naman pala akong pinagkaiba sa kanya eh! Pero,yung kiss totoo yun. Pero yung sinabi kong baka nga may gusto sya sakin, maling mali! Kailangan kong... kailangan kong ipagtapat ng masinsinan kay Bansot ang lahat. Dahil kung hindi, masasapawan ako ng babaeng yun. Baka nga sabihin pa nya kay Bansot lahat ng sinabi ko sa kanya at nakakahiya yun! Dapat kong sabihin dahil... Habang tumatagal, palala ng palala. Habang tumatagal, mas ayaw ko nang mawala sya sa tabi ko. Habang tumatagal, gusto ko nang angkinin sya. Masama bang maging selfish?

Napabuntong hininga ako. Bakit ganun, normal pa ba naiisip ko? Gusto kong... ANGKININ SYA?! What the heck Mayumi?

Natatakot ako. Baka mamaya, hindi na nya ako pansinin. Baka mamaya, lumayo na loob nya sakin. Baka mamaya...

Baka mamaya, masaktan ako.

Dahil hindi nya ako gusto.

" Hoy" napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Bansot kung saan. Hinanap ko sya sa paligid pero di ko sya makita! Mayamaya ay nakarinig ako ng malakas na tawa.

" Gulat ang pucha!" saka sya lumabas mula sa pader.

" Uy" nasabi ko nalang. Heto nanaman yung kaba ko. Nakakainis.

" Poste, nitong nakaraan, magugulatin ka na?" natatawa nyang tanong. Napapalunok naman akong nagbaba ng tingin sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti.

" Tingnan mo 'to. Bigla ring natahimik. Asan na yung posteng madaldal na kilala ko?" saka sya tumunghay tunghay na para bang may hinahanap.

" Siraulo" hindi katulad ng dating may diin at inis. Ngayon nahihiya at masyadong mahina nang sabi ko. Ganun ang epekto mong duwende ka.


" Hindi narin nananakit? Sinapian ka ba ng anghel?" sabay tawa. Ang weird. Hindi ako nakakaramdam ng inis. Masyadong maganda sa pandinig ang tawa nya.

" Hoy! May kausap ba ako? Tara na nga. Kanina pa nag-uwian cleaners eh ang tagal mo! Oh, bag mo" di ko manlang napansin yung bag ko. Kinuha ko na ang bag saka ngumiti sa kanya.Akma na sana akong tatalikod ng may sumigaw na ikinakaba ko.


" Captain!"

Punyemas naman oo! Bakit di pa nakauwe yang bruha na yan!

Hindi ko napansin ang mabilis nyang paglapit. Bigla ay isinukbit nya ang braso sa braso ni Bansot habang nakanguso.

" Captain! Sabi mo, wala pa sa isip mo ang mag- gf pero bakit hinalikan mo si Mayumi?! May gusto ka pala sa kanya kaya ayaw mo sakin?!"

Natigilan ako. Biglang tumingin si Bansot sakin habang nakakunot ang nuo. Tumaas ang kaba ko. Napapalunok akong tumingin sa kanya.

" Ano Captain? Sinungaling ka pala e!"

" That was just a friendly kiss" habang nakatingin sakin at pagkatapos ay saka sya tumingin kay Milliana. Biglang kumirot ang puso ko. Alam ko naman yun e. Ginawa nya lang yun dahil sa price. Nagawa ko ring sabihin yun para lang asarin si Milliana. Why the heck I feel this way? Bakit ako nasasaktan? Parang gusto ko nalang umalis dahil sa kahihiyan.

" Ha... Ahahahha! Hahahah!" tatawa-tawang ani ni Milliana.

" Bakit?"

Biglang tumingin si Milliana sakin. " Friendly Kiss."

Napatungo ako.

" Friendly Kiss lang naman pala! Ahahaha! Akala ko kung 'ano' na e!" pagdidiinan nya pa. Napakuyom ako ng kamao.

" Poste! Bat mo naman sinabi kay Milliana. Tsk. Tutal nasabi mo na, its just a friendly kiss. Walang malisya. Madaldal panaman tong--- teka? San ka pupunta?"


" Uuwi na " mapait kong sabi.

" Sabay na tayo"

Hindi ko na sya sinagot. Ayaw ko syang tingnan. Gusto ko nang umalis sa lugar na yun, asap. Baka mamaya, tumulo na talaga tong luha ko. Ayoko. Mas lalo akong kahiya hiya.


" Bye! Friend!" sigaw pa ni Milliana.



---

Thank you :>

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
33.3K 616 24
Nagmahal,nasaktan,gumanda,nag higanti. Hindi Porket "Panget" sasaktan na. Tao din ako nasasaktan. Pero hindi porket "Panget" Walang pag hihigantihan...
8.3M 231K 43
Bree is thrown into the glade like everybody else. In a dark metal box with no memory of her past life. She soon comes to realize that her new life i...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...