A Victim's Aftermath [MEDICAL...

Bởi hanjhanjbeybe

104K 4.6K 3.2K

O N G O I N G TRIGGER WARNING: anxiety attack, rape content, self-harm, depressive episodes, traumatic flashb... Xem Thêm

SYNOPSIS/AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 01: Since Birth
CHAPTER 02: Behind the Scene
CHAPTER 03: Technically Technician
CHAPTER 04: What Goes Around, Comes Back Around
CHAPTER 05: Standards of Society
CHAPTER 06: No Doubts
CHAPTER 07: Future with You
CHAPTER 08: I Hate How I Love You
CHAPTER 09: For Jayla
CHAPTER 10: Kalawakan
CHAPTER 11: A Mark that cannot be Erased
CHAPTER 12: All over the Internet
CHAPTER 13: Putting you in Vain
CHAPTER 14: Breathe
CHAPTER 15: Empowered
CHAPTER 16: Marupok
CHAPTER 18: Better Person
CHAPTER 19: A New Year with You
CHAPTER 20: Fireflies
CHAPTER 21: Find X
CHAPTER 22: First Day High
CHAPTER 23: Doubts and Whatabouts
CHAPTER 24: Kausap
CHAPTER 25: I Wasn't There
CHAPTER 26: Escape
CHAPTER 27: Fade to Black
CHAPTER 28: Blade
CHAPTER 29: You are Not Alone
CHAPTER 30: Eight Words
CHAPTER 31: Morality

CHAPTER 17: AML

2.1K 127 120
Bởi hanjhanjbeybe

MEDICAL JARGON YOU WILL ENCOUNTER 

1. KUB - Kidney, Ureter, Bladder. 

2. Acute Myeloid Leukemia - Sakit sa dugo specifically mababang number ng white blood cells 

3. Bone Marrow Biopsy - kukuha ka ng blood sa bone marrow then saka mo ite-test 'yong sample.

_______________________

NICCO

"EEEHH! Kaazar 'tong si Jayla!" sambit ko habang napapangiti sa sarili ko, at saka ko mahinang pinalo ang pader ang pinto ng unit niya.

Inalog-alog ko ang ulo ko. "Tanga buy bakit ka kinikilig?" tanong ko sa sarili ko.

Inayos ko ang kwelyo ng uniform ko at sinuklay ang buhok kong bagong gupit gamit ang kamay ko. Tumikhim ako at tumayo nang tuwid. Tapos patalon-talon akong naglakad sa hallway papunta sa elevator.

"Good afternoon, ladies and gentlemen!" bati ko sa mga tao sa loob ng elevator pagkabukas niyon, with arms spreading wide.

Nagulat sila at bahagya ring natawa pagkatapos.

"Good afternoon, Sir!" natatawang hayag niyong elevator girl.

Sumakay ako sa loob at nginitian ang mga kasabay ko, napangiti na rin sila kahit hindi sila magkakakilala. Smile can really make a big difference.

Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay good mood ako. Nagulat pa nga sina Ate nang makitang bagong gupit ako. Pero hindi ko na sila pinansin, actually matagal na kong naging neutral kay na ate at kuya.

Basta! Ayoko silang kausapin kaya lagi lang akong nakakulong sa kwarto, kahit noong Pasko at Bagong taon nag-celebrate ako mag-isa sa kwarto.

Magalit na silang lahat, wala kong pakialam. Wala rin naman silang pakialam sa'kin.

Nagbihis muna ako pagdating at saka inilabas ang mga libro at ballpen ko, saka isang higlighter na color yellow ata 'to. Hindi ko nga maintindihan bakit ang daming kulay ng highlighter ni Jayla samantalang ako color yellow lang.

Ipinatong ko ang mga gamit ko doon sa lamesa at sa iyon hinarap. Binuklat ko ang page sa topic namin kanina para recall na lang. Naks recall.

"Coronavirus is under the family of Coronaviridae. This family of virus are enveloped, positive-sense, and single stranded RNA. Coronavirus is coated with nucleocapsid or the protein N and enclosed in a lipid bilayer which contains three other proteins: the protein S for spike, the protekxcuwbsla"

Gago bakit lumalabo mga nakasulat?

Inalog-alog ko ulo ko.

"...the protein S for Spike, the protein M for membrane...the proteinxsalkjqoi"

Tangina bakit ako inaantok?

Sinubukan kong kumuha ng notebook at ni-rewrite doon iyong mga binabasa ko sa libro pero maya't-maya bumabagsak ang ulo ko.

"Coronavirus is under..."

"NICCO..."

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may tumatapik sa balikat ko.

"Nicco..."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nataranta ko nang ma-realize kong nakatulog pala ko!

"What the fuck?!" Agad akong napatayo, naglaglagan pa ang mga gamit ko sa sobrang taranta ko, tapos iyong isang papel nakadikit pa sa gilid ng labi ko dahil natuluan ko ng laway habang natutulog!

Nang makita ko si kuya sa harap ko ay agad kong inayos ang sarili ko. "Paano ka nakapasok dito?"

"You forgot to lock your room. Dinner is served. Tara na sa baba."

Dinner?! Ilang oras ba kong nakatulog? Sumilip ako sa wall clock ko at nakita ko 7:30 PM na. Putsa dalawang oras akong tulog! Ang dami kong naaral sa panaginip grabe!

"Kakain ako kung kailan ko gusto," sambit ko bago humiga sa kama at mag-cellphone.

"Nicco, hanggang kailan ka magiging ganyan?"

"Magiging ganyan? Bakit? Ano bang problema sa'kin?" walang kainte-interes kong tanong habang busy sa pag-scroll sa timeline ni Jayla.

Kuya heaved a sigh. "Ayusin mo ang buhay mo, Nicco. Hindi pwedeng maging ganyan ka habang buhay."

"Maayos naman buhay ko, ah?" Sunod-sunod kong pinusuan ang mga posts ni Jayla.

Kuya clicked his tongue.

I did not throw him even a single glance. I just smiled to myself and messaged Jayla.

Nicco
Hello 😊

Jayla
Hello ka diyan? Mag-aral ka na.

Nicco
Ang pag-aaral ay gawa-gawa
lamang ng mga illuminati.

Hindi ko na namalayan ang pag-alis ni Kuya dahil invested na ko sa pakikipag-chat kay Jayla. Nakailang palit pa ako ng pwesto sa kama habang nakikipag-chat sa kanya.

Hinding-hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ko; tanging si Jayla lang talaga ang may kakayahang magpangiti sa'kin nang ganito.

Nicco
Basta may promise ka ha?
Kapag mataas score ko
sa prelim, may dinner tayo
at saka sasamahan mo
ko mag-gym!

Jayla
Oo nga! Kulit!

Nicco
Eh, paano kapag
na-perfect ko exam?

Natatawa ako dahil mas posible pang magkaroon ng world peace kesa pumasa ako.

Jayla
Samahan pa rin kita mag-gym.

Nicco
Ayun pa rin?
Walang upgrade?

Jayla
Gym...gym sa kama 🤪

Napabangon ako at binasa nang paulit-ulit ang message niya. Gym sa kama. Gym sa kama. Gym sa kama.

Pinagsusuntok ko ang unan ko habang nangingiti sa sarili ko. Natigil lang ako nang tumunog ulit ang phone ko.

Jayla
Hindi ka na nag-reply? Humihinga ka pa ba? 🙊

Humiga ulit ako at kinagat ko ang sarili kong t-shirt para pigilan ang umaalpas na ngiti sa labi ko. Halos rayumahin na ang daliri ko sa bilis kong mag-reply.

Nicco
May comeback ba tayo
kapag naipasa ko ang exam?

Ayun naman talaga ang gusto kong mangyari. Dahil si Jayla lang talaga ang gusto kong maging girlfriend habang buhay, wala ng iba.

Jayla
Pili ka. Comeback
o gym sa kama?

I smirked. Silly girl. She really thinks that I will always choose sex.

Nicco
Comeback syempre.

Jayla
🥺🥺

Nicco
Tapos gym sa kama next 🤪

Umalpas na nang tuluyan ang halakhak ko.

Nicco
I'm just kidding.

Jayla
I know you are.

Napangiti ako. Lumalim pa nang lumalim ang gabi, hindi na rin ako nakapag-dinner, ay walang kasawaan lang kaming nag-chat ni Jayla.

KINABUKASAN ay sumabay ako nang pagpasok kay Storm. Lagi kasi silang nagkikita ni Sabrina sa umaga bago pumunta sa kani-kaniyang classroom, tapos lagi namang naghihintayan sa Accountancy lobby mga barkada nina Sab. Ibig sabihin makikita ko si Jayla.

"Anong meron? Bakit ka sumabay sa'kin?" tanong ni Storm.

"Gusto kong makita si Jayla."

"Eh, 'di dapat sinundo mo na lang siya sa unit niya para sabay kayong pumasok."

"Hindi pa naman kami okay, baka mamaya hindi niya magustuhan kung sunduin ko siya nang walang paalam—"

"STORMYYYYYYY!"

Naputol ang pagsasalita ko nang parang sawa na lumingkis si Sab kay Storm. Wala na, ayawan na.

Nagningning naman ang mga mata ko nang makita ko si Jayla.

"H-Hi..." bati ko sa kanya.

"Hi din, tol!" bati ni Chase.

"Hi din, tol! (2)" si Angelo.

"Hi din, tol! (3)" si Kuya Burnik.

"Hi din, tol! (4)" si Travis.

"Hi din, tol! (5)" si Derek.

Jayla rolled her eyes. "You are all so epalogs talaga!"

Tinignan niya ko at saka nginitian. "By the way, hi din, tol! (6)" sambit niya na umani nang tawanan.

"Jayla naman, eh."

Tinignan niya ang mga barkada niya. "Sige na, mauna na kayo sa taas."

"Oo, una na kayo! Alis na kayo! Babay!" giit naman ni Sab na nakalingkis pa rin kay Storm na akala mo hindi nagkikita araw-araw.

"Tara na mga tol", sambit ni Kuya Burnik. "Iniwan tayo sa ere ng mga prinsesa."

"Tayo-tayo na lang talaga magkakasama," giit naman ni Chase.

Jayla just rolled her eyes and pulled me towards the couch. Umupo kaming dalawa doon at ngiting-ngiti ako sa kanya.

"Hi hehe."

She smiled and poked my cheek. "About sa sinabi ko sa chat kagabi—"

"Iyong gym sa kama?"

She rolled her eyes. Promise, kung pwede lang makapatay ang eyeroll, deads na talaga kaming lahat sa mga eyeroll niya.

"I mean about you getting good grades sa prelim. I just want to tell you again na huwag mong gawin 'yon para sa'kin, gawin mo 'yon para sa sarili mo."

How can I do that? Eh, siya ang dahilan nang lahat nang ginagawa ko ngayon.

"You can make me your inspiration, but don't let me be your reason." She held my hand. "Huwag mo kong gawing dahilan para mas pagbutihin ang pag-aaral mo. Dapat ang dahilan mo ay ang sarili mo mismo. Understand?"

I nodded spontaneously.

She smiled and poked my nose this time. "See you around," she said before kissing me on my cheek.

Ack! Puso ko!

Nagpaalam na siya at saka pumunta sa elevator. Ako naman ay nahimatay na sa couch.

"Ayos ka lang?" tanong ni Storm na nasa harap ko na.

Mabilis akong bumangon at hinarap si Storm. "Storm...tulungan mo kong mag-aral," madiin kong giit dahil desidido talaga ko.

"Sige. What is the difference between Northern bot and Southern blot—"

"Bonak naman nito agad-agad?! Hindi ngayon!"

"Eh, kailan?"

"Basta! Tulungan mo ko ha?"

"uu."

Hindi ko alam saan kumukuha ng haba ng pasensya si Storm dahil kahit isang habambuhay pa ang lumipas bago ako maka-gets ng lesson ay 'di niya talaga ko sinusukuan.

I'm trying...really.

Sinusubukan kong mag-aral nang mabuti pero sinusubukan din ako ng katamaran.

Iyong tipong isang paragraph pa lang binabasa ko pero inaantok na ko. Mas effective pang pampatulog 'tong inaaral ko kesa sa mga sleeping pills.

Pero may tinuro sa akin si Storm para daw huwag akong antukin at tamarin. Isulat ko daw in bullet style para summarized na mga re-review-hin ko. Kaya lang pagkatapos kong isulat at babasahin ko na, hindi ko na maintindihan sulat ko.

Huwag na nga lang mag-aral! Mamamatay din naman tayong lahat!

ONE week na lang bago ang pre-lims pero nasa bundok Tralala pa rin ang utak ko.

"Kanina pa nagva-vibrate phone mo, hindi mo sasagutin?" tanong ni Stephen.

Nandito kami sa Starbucks at nag-aaral kunwari

Tinignan ko ang phone ko sa ibabaw ng lamesa. "Si Kuya lang 'yan. Mabuti sana kung si Jayla 'yan, kahit tumatae ako sasagutin ko 'yan."

"Baliw ka, baka importante 'yan," si Storm.

"Hayaan niyo siya."

Maya-maya pa ay nag-vibrate ulit ang phone ko. "Kulit naman ng lelang nitong si Kuya!"

"Pareho lang naman kayo ng lelang," sagot ni Mike.

Oo nga no?

Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag ni kuya. "Ano ba' yon?" sagot ko.

Napatingin pa sa'kin iyong tatlong itlog.

"May pinapadala sa'kin si Dad na files at checkbook. Kaya lang nasa restaurant pa ko, ikaw na muna mag-abot sa kanya sa hospital."

"Bakit sa'kin pa? Sa mga kasamabahay o driver mo na lang iutos."

"Nicco, that's an important file and a checkbook, hindi iyon basta ipagkakatiwala ni Daddy."

"Hindi rin naman ako katiwa-tiwala, baka magalit pa 'yon kapag makita niyang hawak ko gamit niya—"

"Nicco, please? I' m quite busy here since may food critique na parating dito sa restaurant."

Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Oo na, oo na!"

"Nasa drawer ng table ni Dad sa bahay 'yong files. Tapos' yong checkbook nasa bedside table ng kwarto nila ni Mommy."

"Gege!"

Nagpaalam na ko sa tatlong itlog kong kasama at labag sa loob kong sinunod si Kuya.

Nag-aalangan talaga ko dahil importanteng bagay ang iaabot ko kay Daddy, eh baka magalit pa 'yon kapag makita niyang ako nagdala.

Pagdating ko sa hospital ay ayaw pa kong papasukin ng guard nang sabihin kong si Daddy ang sadya ko. Siya nga raw kasi ang director, kailangan may appointment daw sa kanya.

Kung hindi ko pa ipakita ang driver's license ko na Cadiente ang apelyido ko hindi ako papapasukin. Samantalang sina ate at kuya kilala na ng mga empleyado dito, kahit ng mga guard.

Naglalakad ako sa hallway nang madaanan ko ang lab.

"Janine Laika Montejermoso po doc full name ng patient."

Napalingon ako sa isang resident doctor na nakaupo malapit sa may labas ng lab, may kausap siya sa phone. Mukhang pre-resident pa lang siya, parang baguhan.

Si Janine... Anong meron kay Janine?

Umupo rin ako at nagkunwaring may hinihintay pero nakikinig lang talaga ako sa kanya.

"Yes po, doc. She's 19 years old, doc. Pumunta siya dito last Sunday with her sister with a chief complaint of fever. Kagagaling ko lang po sa lab, Doc. Humingi na rin ako ng mga previous blood test result niya. May history po siya of recurring infection like UTI and pneumonia, also with significant weight loss, doc...yes, doc. Napapansin din po niyang laging dumudugo gums niya kapag nagtu-toothbrush...Yes po, Doc. Nagpa-request din po si Doc Astorga ng KUB ultrasound sa kanya to rule out renal problem pero normal naman po results niya...Opo, Doc. Bukas po ba schedule niya sa inyo for biopsy?"

"To consider Acute Myeloid Leukemia diagnosis namin ngayon, Doc."

Nagpanting bigla ang taing ko sa narinig ko.

"Sige po, doc. Noted po. Ipapabigay ko na lang po sa intern copy ng official result ng KUB. Thank you, doc."

Si Janine? To consider AML si Janine?! Anong nangyari? Sakitin talaga si Janine pero hindi ko akalaing aabot siya sa ganito.

Fuck!

Tumayo na iyong doctor pero mabilis ko siyang nalapitan.

"Yes, Sir?" tanong niya at labis-labis na nagtataka.

Pinakita ko sa kanya ang driver's license at school ID ko. "I'm Niccolo John Cadiente, bunsong anak ng may-ari nitong hospital na si Jose Cadiente III," nagmamadali kong sambit.

"G-Good after—"

"Give this directly to my dad!" mabilis kong inihabilin sa kanya iyong mga files at checkbook ni Dad at walang lingong-likod na tumakbo palabas ng hospital.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa condo ni Jayla. Halos lumipad na ko sa pagmamadali papunta sa unit niya at sunod-sunod na nag-doorbell.

Nakailang doorbell pa ko bago bumukas iyon at bumungad sa'kin si Jayla, namumula ang ilong niya at namumugto ang mga mata niya.

I cupped her face and caressed her cheeks. "Janica..."

"What are you doing here?" she asked in a hoarse voice.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok at bangs niya. Fuck. Sobra kong nag-aalala.

"Oo naman," labas sa ilong niyang sagot.

"You can't lie to me, Jayla. I heard about Janine."

Hindi na siya nakapagsalita. Nanginig na ang mga labi at nagsimulang kumislap ang mga mata niya.

I know how much she loves Janine, she can do everything for her. As in everything!

"N-Nicco." God, her voice! Her voice is crying for help.

She sighed and gulped, then she looked away. "Prelim na next week. You should be studying na."

"Fuck that exam! Mas mahalaga ka!"

She sniffed.

"Jayla..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "'Di ba sabi ko naman sa'yo, kung kailangan mo nang makakausap, nandito lang ako."

"Nicco..." Niyakap na rin niya ko pabalik at tuluyan nang humagulgol sa dibdib ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap niya.

Nakakainis! Jayla is still in the stage of redeeming herself! Unti-unti pa lang siyang umaahon mula sa pagkalugmok niya noong isang taon tapos heto na naman? May panibagong pagsubok na naman?

God, I just want Jayla to be happy. Ayun lang naman ang gusto ko!

________________________

KANYA-KANYA NANG ISIP NG THEORIES 😂😂😂

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...