My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.3K 668 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 11

244 14 0
By jeyninstrous

"Solana."

Rinig kong may tumatawag sa akin habang niyuyugyog niya ang balikat ko.

Sino yon? In fairness ang manly ng boses.

"Solana, wake up."

Ayhala! wake up daw! Eyyy gusto ko pang matulog! Kainis naman to!

Kong sino man tong hinayupak na nanggigising sa akin ay mabaog sana!

"SOLANA!"

Tuluyan na akong napabangon at napatayo sa kama dahil sa gulat.

Kong makasigaw naman ang bwiset. Si tukmol lang pala! panira naman to ng tulog.

"Eyyy ano ba yan, inaantok pa ako eh!" reklamo ko pa at humikab at hihiga na naman sana pabalik sa kama ng pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Maligo ka na, may pasok pa tayo at ang baho na ng hininga mo." sabi pa niya habang pinupunasan ang buhok niya ng towel at inamoy ko naman ang hininga ko.

Mabaho nga hehe.

"Infairness ang aga mong naligo ha! wala ka ng lagnat?" tanong ko at akmang hahawakan ang noo niya para malaman kong mainit pa ba siya pero hindi man lang ako pinansin at dumiretso na sa walk in closet niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at naglakad na papunta sa bathroom at agad na pumasok at isinara ang pinto. Hindi ko maiwasang mamangha ulit sa bathroom niya dahil kumpleto lahat ng gamit mula sa panlalaki at pambabae. Nakaligo na ako dito kagabi pero kakaiba pa din talaga.

Napangisi pa ako ng makita ko ulit ang pink na robe na kasama ng blue robe na sinuot ni Jaxson ngayon.

Kanino kayang robe to? Bisexual ba siya? lakas maka blue at pink ng tukmol ah!

Agad na akong naghubad at nag shower. Gusto ko pa sanang magtampisaw sa sosyal niyang jacuzzi dito pero baka ma late pa ako kaya next time nalang. Pupunta nalang ako dito next time para makigamit ng jacuzzi niya, hehe kapal.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang robe at lumabas ng bathroom para kunin ang uniform ko na nakalagay sa isa ko pang bag.

"Why did you wear that!?"

Halos mapalukso ako sa gulat ng bigla nalang sumigaw si tukmol na nagbubutones na ng uniform niya.

"Ang alin? ito bang robe?" tanong ko at bigla nalang siyang lumapit sa akin.

"Yes."

"Ah eh...pahiram muna! ito naman bakit ba galit agad? sa girlfriend mo ba to?"

"No!"

"Eh kanino?"

"It's...none of your business and nevermind." sabi niya at tinalikuran na ako at dinampot ang bag niya at naglakad na palabas ng kwarto.

Pabagsak pang isinara ang pinto.

Galit na galit gustong manghalik--- este manakit? nanghihiram lang naman ng robe ang damot damot!

Alangan naman mag panty at bra lang akong lumabas edi nakita niya ang beautiful and sexy body ko.

Halerrr nevah!

Agad kong dinampot ang isang bag ko at pumasok ulit sa bathroom at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas at inilagay ang isang bag na may lamang gamit ko sa sofa at dinampot ang isa ko pang bag na pang school at lumabas na ng kwarto.

Heto na naman po ako at naglalakad sa magara at napakahabang hagdan pababa. Hindi ko maiwasang mapakaway kaway na akala mo nasa isang pageant.

Miss universe lang ang peg?

Bet ko lang talaga mag feeling beauty queen ngayon dahil sa magara nilang hagdan at napakahaba. Mas mahaba pa sa hagdan namin sa bahay.

"What are you doing?"

Nagpalingon lingon ako sa paligid ng may magsalita pero wala namang tao.

Sino yon?

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbaba. Sunod ko namang ginawa ay hinawi hawi ang buhok ko sabay kembot.

"Tsk! crazy woman."

Napatigil na naman ako ng may magsalita.

Sino yon? minumulto ba ako? o baka naman may kapre.

Pinagtitripan yata ako ng engkanto. May puno ng balete ba dito sa loob ng bahay nila?

"I'm here, stupid." biglang sabi niya ulit.

Napatingin ako sa taas at doon ko lang nakita si tukmol na nakapamulsa habang nakatayo. Agad naman siyang naglakad pababa at palapit sa akin.

"Hehe andyan ka pa pala?" tanong ko at umirap lang siya at nilampasan ako.

Sungit!

Agad naman akong sumunod sa kanya habang nakayuko.

Omegasss nakita niya yong beauty queen walk ko! ano ba yan! kakahiya!

Akala ko pa naman kapre yon pero si tukmol lang pala. Sabagay mukha naman siyang kapre charot!

Pagdating namin sa dining area nila ay in fairness din ang babasagin nilang table. Ang haba akala mo nakatira ka sa palasyo at andaming pagkain. Pakiramdam ko tuloy nakangiti at kumakaway sa akin yong mga fried chicken at pati na din ang tocino, steak at iba pang yummy na ulam.

Parang sinasabi nila na "Hi! kainin mo ako! masarap ako, mas masarap sayo!"

Pero walanghiya ang rice nila inirapan ako. Attitude ang rice di naman masarap! charot! hehehe.

"Goodmorning, hija." nakangiting bati sa akin ng Mommy ni Jaxson at agad na tumayo at nakipagbeso.

Ngumiti din ang Daddy ni Jaxson sa akin.

"Good morning po, tita at tito." bati ko sa kanila at ngumiti din kay ate Czarina at nginitian naman niya ako.

"Mommy at Daddy nalang, hija. sabi ni tita kaya wala sa oras na napalunok ako.

"Have a seat." sabi pa ng Mommy ni Jaxson at inalalayan ako paupo katabi ni Jaxson.

Hindi naman ako paralisado ah! si tita talaga. Sana all ina-alalayan di katulad ng tukmol na nasa tabi ko walang paki.

Napalingon pa ako sa kanya ng nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Eat." sabi niya na akala mo siya ang nanay ko kong maka utos na kumain ako.

Panay naman ang tanong ng parents niya sa akin kong kamusta daw ang tulog ko. Pero siyempre bago ako sumagot ngumuya muna ako ng pagkain.

I'm hungry yah know! food is life!

"Okay naman po, tita." sagot ko at ngumiti naman sila sa akin.

"Mine is not." biglang sabi ng tukmol sa tabi ko.

"Hala! bakit naman?" tanong ko habang ngumunguya.

"Ang likot mong matulog. You even almost kick me." sabi pa niya at biglang natawa ang parents niya pati ang ate niya kaya napayuko nalang ako.

"Sorry naman." nasabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain habang patuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa business na naman.

Hindi ako maka relate kaya kain lang ako ng kain.

Sorry naman eh no kong kamuntikan ko na siyang masipa, eh sa malikot talaga akong matulog.

Pagkatapos naming kumain lahat ay magpapa-alam pa sana ako sa parents ni Jaxson na aalis na kami pero bigla nalang niya akong hinila at pinasakay sa kotse niya.

"Woy problema mo? ang sungit sungit mo tsaka susunduin ako ni kuya Felix ngayon. Siya ang maghahatid sakin sa school." sabi ko pa kahit umaandar na ang kotse at medyo malayo na kami sa mansion nila.

"Huwag mo na siyang hintayin. Si ate Cza ang susunduin niya hindi ikaw." sabi niya kaya natahimik nalang ako kasi mukhang may jetlag ang tukmol.

Bad mood na bad mood eh. May jetlag si kumpareng Jaxson taray ha umagang umaga.

Pagkarating namin sa school ay siyempre agad na akong tumalon palabas charot! siyempre agad na akong bumaba at hindi na hinintay pa na pagbuksan niya ng pinto ng kotse dahil alam ko namang hindi siya gentleman at tukmol lang.

Naglakad na ako papunta kaagad sa building namin at hindi na siya hinintay pa dahil ayun! gumorabells na at nauna pa sa akin sa paglalakad.

Madapa sanang hinayupak na tukmol siya at mabagok ang ulo niya sa lupa at ma comatose siya at hindi na magising pa cherowttt!

Friends na kami niyan kaya diko na siya aawayin, sisigawan lang hehe.

At ito na naman po kami sa pag-akyat sa stairway to heaven char baka stairway to hell charing!

Nakakapagod talaga maglakad paakyat at ang sarap lang gumapang. L

Eh baka kasi pagkarating ko sa classroom namin magmukha na akong si Sadako chuchuckie--- shamshaki ba yon? ah basta! sadako sakiki yon.

Nakasunod lang ako kay Jaxson at pagkarating namin sa classroom ay chismisan na naman ang mga kaklase namin. May nagkukumpulan pa na akala mo may pa feeding program ang dean namin.

Kaya pala ambaho at amoy tae pagkapasok namin sa classroom dahil sa mga bunganga ng mga kaklase namin.

Toothbrush din pag may time mga bes! hehe hindi din pala ako nakapag toothbrush.

Bigla nalang silang lumingon sa amin lahat at tumahimik na akala mo may dumaan na demonyo at diyosa sa harap nila.

Siyempre ako yong dyosa tsaka si tukmol yong demonyo kala niyo.

Dire-diretso lang na naglakad si Jaxson papunta sa likuran at nakipag manhug sa mga kapwa niyang tukmol. Umupo naman ako sa gitna ng dalawang bestfriend ko na nasa unahan ang tingin.

Problema ng mga to? hindi ba nila napansin ang ganda ko? halerrr nandito na ang pinaka dyosa pero hindi man lang nagbigay galang ang mga to.

Aba! aba!

Napalingon naman ako sa tinitignan nila at doon ko lang nakita ang hindi pamilyar sa akin na isang babaeng estudyante at pati din ang iba naming mga kaklase ay nakatingin sa kanya.

Infairness ang pretty niya, mukhang prinsesa. Omegasss bakit parang feels ko na may nanalo na at papasahan ko ng crown ko? bakit ang ganda niya at ang ganda ng kutis.

Saan bang planeta siya galing? Queen Elizabeth is da u? charot!

"Hoy." tawag ko sa dalawang beshywaps ko at agad naman silang lumingon sa akin.

"Uy beshy, andyan ka na pala?" sabi pa ni Shantal.

"Ay hindi wala ako dito at kaluluwa ko lang to." sabi ko at umirap.

Ang ganda ganda ko tapos hindi man lang niya napansin ay aba naman! friendship is over! Chos!

"Sino ba kasi yan? transferee?" bulong ko pa habang nakatingin pa din sa babae na ang straight ng hair, ang kinis ng balat, maganda at omegad mukha talaga siyang taga ibang bansa at artista.

"Yes. She came from a far away place." sabi pa nitong minsan lang na magsalita kong kaibigan na si Janica na seryoso palagi sa buhay.

"Bakit alam mo?" tanong namin sabay ni Shantal sa kanya pero hindi niya kami sinagot at kinalikot na naman ang phone niya.

Ito talagang babaeng to andaming nalalaman at ayaw pang e share.

Nahihiya pa susss.

Pumasok na ang adviser namin kaya tumahimik na ang lahat at umayos ng upo pero kahit nagsasalita siya sa gitna ay hindi ko pa din maalis ang paningin ko sa transferee.

Nakaka insecure ang ganda niya mga teh! ano ba kasing gamit niyang skin care? ganda niya kasi, mas dyosabel pa siya sakin.

Ng matapos ang discussion ay nagpa quiz kaagad ang teacher namin. Buti nalang talaga nakinig ako kaya nagkalaman ang walang laman kong brainy.

Sumunod naman ang iba pang subjects at ganon din ang ganap. Discussions ulit at nagbigay ng mga assignments at mga libro bago kami tuluyan ng pinalabas para mag lunch.

Kanya kanya namang tumayo ang mga pangit kong mga kaklase char! ako lang kasi maganda sa kanila hehe.

"Beshwaps, samahan niyoko sa locker room. Ilalagay ko lang tong mga libro ko sa locker ko." sabi ko at agad naman silang tumayo.

Kamuntikan pa akong mapamura ng biglang dumaan ang mga tukmol na pangit and they bump me! char bump, chos!

"Mga walangya talaga yong mga yon." inis kong sabi at nagpamauna ng naglakad palabas para masundan sila.

Agad namang sumunod sa akin si Shantal at Janica.

"Hoy tukmol squad!" sigaw ko pa ng nasa hagdan na silang lahat pababa.

Agad naman silang humintong lima at lumingon sa akin.

Oh diba! lumingon kaagad sila dahil ang ganda ko! I know right!

Lumapit agad ako kay Jaxson at sinamaan siya ng tingin. Siyempre siya ang leader.

"What?" nakakunot noo niyang tanong.

"Huwag mo kong ma what what ha porket friends na tayo!" sigaw ko sa mismong mukha niya.

"Friends?" sabay sabay pang tanong ng mga tukmol niyang barkada at nakitanong din ang dalawa kong impaktang beshywaps.

"The hell dude? friends? the two of you are already friends?" tanong naman ni Arson na parang galit palagi kala mo inaaway ko siya diyan.

Bigla namang bumuntong hininga si Jaxson at tumango at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Don't be so noisy if you don't want me to kiss you." parang kinilabutan ako sa binulong niya kaya agad akong lumayo sa kanya.

"A-anong? tukmol ka talaga!" sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya at agad na tumalikod.

"Ugly." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Pisting tukmol to!

"Let's go, boys." sabi pa niya at naglakad na at sumunod naman ang mga kapwa niya tukmol.

Tignan niyo tong mga to! tinalikuran ako sa ganda kong to?! Napaka bastos ng mga tukmol na yon ah!

Inis akong naglakad nalang din at sinamaan ko pa ng tingin si Shantal ng marinig ko siyang tumawa ng bahagya sa likuran ko. Ng makarating kami sa locker room ay padabog kong binuksan ang locker ko.

"Chill." sabi naman ni Janica kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Chill? paano ako magchi-chill eh kakainis yon! akala ko ba friends na kami pero he bump me together with his ano--- his tukmol friends! argh!" sabi ko pa at tumawa silang dalawa.

"Tinawa tawa niyo diyan? porket nag english lang! mga inggitera sa english grammaring ko!" sabi ko pa at bigla naman akong binatukan ni Shantal.

"Huwag ka ngang mag english di bagay sayo at ang OA mo te ah! pero seryoso, friends na ba talaga kayo ni Jaxson?" parang curious niyang tanong at inilapit pa ang mukha niya sa akin kaya agad akong lumayo.

Baho ng hininga niya, cherot!

"Oo nga. Ganito kasi yon... dun ako natulog sa kan---"

"Ano?! doon ka natulog sa kanila?! sa kwarto niya?!" sigaw ni Shantal kaya napatakip ako sa dalawang tenga ko.

Hinayupak to! mas maingay pa sakin.

Baka may makarinig pa sa aming mga tagahanga ng mga tukmol at masabunutan kami.

"Eyyy sabi kasi ng parents niya don ako matulog dahil kasi nga kailangan ko siyang alagaan." pagpapaliwanag ko.

"Magkatabi kayo? may nangyari ba? ano? naka boxers lang ba siya kapag natutulog?" si Shantal.

"Did you see his thing?" si Janica.

Kaloka tong mga to. Q and A lang ang peg?

"Thank you for that wonderful question. I believe that----" bigla nalang akong binatukan ni Shantal ulit kaya napatigil ako sa pasasalita.

"Punyeta! makabatok ka naman! di ka na naawa sa magandang dilag na tulad ko." reklamo ko pa at hinimas ang batok ko.

"Saang banda ang ganda?"

"Pangit mo."

Aba! Tignan niyo tong mga to! kong makalait porket mas maganda sila---este mas maganda ako!

"Tse! diyan na nga kayo! naii-stress ang ganda ko sa inyo." sabi ko pa at nag flip hair at lumabas na ng locker room.

Sumunod na naman ang mga yaya ko--- este beshywaps na mga pangit mukhang bagnet ako naman mukhang bangus ahehe. Mas maganda ako sa kanila no! may angal?

Habang naglalakad kami pabalik ng classroom namin panay ang pambubwiset nila sa akin na gusto daw nila magpalibre pero sorry nalang wala akong cash. Peso meron.

Napatigil kami ng may makita kaming nagkakagulo at dahil tsismosa ako-- este kami ay agad kaming nakiusyoso sa ganap. We saw--- yon nga nakita namin si Arson at may babaeng biglang yumakap sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya itong itinulak kaya natumba ang babae at diretso sa sahig.

"Lukariah." pagtawag pa ng babae kay Arson.

Doon ko lang nakita ang mukha ng babae at walang iba kundi si ateng transferee.

"Who the fuck is Lukariah?" inis na sabi ni Arson.

Napaka bwiset talaga ng lalaking to.

Sino nga ba naman kasi si Lukariah? yummy ba yon? baka pwedeng ipakilala niya ako don ahehe.

Akmang tatayo na sana si ateng ganda para lumapit kay Arson pero linayasan na siya ng tukmol kaya ayun umiyak siya. Dahil naawa ako ay agad akong lumapit sa kanya at ganoon din si Janica at Shantal.

"Okay ka lang?" tanong ko at tinulungan namin siyang makatayo at nagpilit naman siya ng ngiti.

"Yes, I'm okay. Thanks."

Ayy taray! englishera si ateng ganda!

"Walanghiya talaga yong tukmol na yon. Pagpasensyahan mo na yon ha ang pangit lang talaga ng ugali non." sabi ko at tumango naman siya.

"Ano palang pangalan mo?" tanong ko.

"Amari Presley Windson."

Ganda naman ng pangalan ni ateng transferee.

"Ako nga pala si Solana Axumpcion Feliciano! you can call me Sola!" pagpapakilala ko at naglahad ng kamay at ngumiti naman siya at tinanggap ang kamay ko.

"Nice to meet you, Sola."sabi niya kaya mas lalo akong napangiti.

Lambot ng kamay niya mga beh.

"Ito nga pala si Shantal at Janica, bestfriends ko." pagpapakilala ko naman kay Janica at Shantal na nasa likuran ko.

Agad naman siyang nakipag handshake sa dalawa.

"Balik na tayo sa classroom?" sabi ko at tumango naman siya.

Habang naglalakad kaming apat pabalik sa classroom namin ay panay ang tingin ko sa kanya.

Ano bang lahi niya? ang ganda eh! mukhang half american yata.

"Alam mo, pwede mo kami maging friends." sabi ko habang nakangiti at lumingon naman siya sa akin at sunod kay Shantal at Janica.

"Diba beshywaps?" tanong ko naman sa dalawa.

"Oo naman para madagdagan tayo ng isa." sabi pa ni Shantal.

"That would be better." sabi naman ni Janica.

"Really?" tanong ni Amari at sabay naman kaming tatlo na tumango.

"Oo naman! alam kasi naming wala ka pang friends dito kaya kami na ang magiging friends mo." nakangiti kong sabi.

"Thanks." sabi niya sabay ngiti.

"You're welcome!"

Pagdating namin sa classroom ay dumating na din si Ma'am Puzon na sub teacher namin sa TLE at nagbigay ng instructions sa amin na dumiretso kami sa cookery room para sa tour. Nagdala din kami ng ballpen at notebook dahil kailangan namin mag observe at mag take note habang nasa loob ng cookery room at isulat ang kong anong mga gamit ang makikita namin doon.

Sabay kaming lahat ng mga kaklase namin na lumabas ng classroom at dumiretso kaagad sa cookery room kasama si Ma'am.

Pagkapasok pa lang namin ay kanya kanya ng tingin ang mga kaklase namin sa iba't ibang mga gamit na nasa loob at kanya kanyang sulat sa mga notebook nila. Ganoon din ang ginawa ko kasama sila Janica, Shantal, at Amari.

Pareho pa kaming napalingon kay Amari ng bigla nalang siyang napaupo sa sahig. Agad naman namin siyang tinulungan na makatayo.

"Paharang harang kasi."

Napalingon ako sa nagsalita at walang iba kundi si Arson kaya nag-init ang ulo ko.

Napalingon pa muna ako sa mga kaklase namin na busy lang sa kakatingin sa iba't ibang cooking utensils at kakasulat sa notebook nila. Busy din si Ma'am Puzon sa kaka-discuss patungkol sa mga cooking utensils.

Buti nalang nasa likuran kami kaya nilingon ko ulit si Arson at mabilis siyang nilapitan at kinwelyohan.

"Alam mo? kanina pa ako naiinis sayong tukmol ka." sabi ko at iniwasang sumigaw dahil baka marinig ako ni Ma'am.

Nakita ko namang napakunot ang noo niya sa ginawa ko.

"What the heck is your problem?" inis niyang tanong at pilit inalis ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya.

Bigla nalang niya akong itinulak. Akala ko didiretso ako sa sahig pero may sumalo sa akin galing sa likuran.

Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Zeddie na ang sama na ng tingin kay Arson habang nakahawak sa akin. Nakatingin lang sa amin ang ibang tukmol.

Si Janica, Shantal at Amari ay nagulat sa ginawa ko at ginawa ni Arson.

"Dude, what the heck is that? bakit mo tinulak si Solana?" sabi ni Zeddie.

Nakita ko namang inayos ni Arson ang kwelyo ng uniform niya at masama akong tinignan.

"Ang tapang mong babae ka akala mo naman ang ganda mo." sabi niya.

Dahil sa inis ay mabilis ko ulit siyang nilapitan at kinurot sa braso at sinipa sa binti kaya napasigaw siya dahilan ng paglingon ng mga kaklase namin sa amin pati si Ma'am.

"What the fuck?!" sigaw niya ulit matapos mapa aray.

"Buti nga sayo!" sigaw ko naman.

Napalingon ulit ako kay ma'am ng lumapit siya sa gawi namin at masama kaming tinignan.

"Anong nangyayari dito?" tanong niya at nag-unahan naman kaming magturuan ni Arson.

"Siya kasi ma'am tinulak niya si Amari!" sabi ko pa.

"I didn't mean it at bakit ba nangungurot at nangsisipa ka?" sabi niya na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

"Anong you didn't mean it? sinadya mo kaya yon!" inis kong sigaw.

"I already said that I didn't me---"

"Ms. Feliciano and Mr. Zaugustus, get out of this room now!" nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Ma'am.

Magsasalita pa sana ako ng bigla na naman siyang nagsalita.

"Lalabas kayo o ipapadala ko kayo sa dean's office?" sabi niya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

Si Arson naman ay dire- diretsong lumabas kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas nalang din. Agad akong lumingon kay Arson at masama siyang tinignan.

"Kingina mo." pabulong kong sabi at mabilis na naglakad na pabalik sa classroom namin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 61 49
This is work of fiction. Names, characters, places, businesses, events or incidents are either the products of the author's imagination or used in fi...
636K 49.9K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
39.3K 5K 73
Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behind his facade of confidence, lies a woun...
690K 58K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...