HATE ME NOT (BOLS #1)

Por GemaInanna

41.8K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... Más

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
02: First Encounter
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

12: Bathroom Encounter

495 72 7
Por GemaInanna

CHAPTER 12

Bathroom Encounter

JENNY's POV


"JENNY, ano ba kasing nangyari sayo kahapon? Pagkatapos mong bumalik sa kwarto natin, hindi ka na lumabas. Kaya ayun, wala tayong ginawa kundi ang mag-stay dito sa loob ng kwarto." reklamo ni Pauline sabay iling.

"Girl, marami pa namang araw na pwede tayong mag-bonding. Wala lang talaga ako sa mood kahapon" singhal kong tugon.

"Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?" mahinahong tanong naman ni Missy.

Nag-alala lang sila sa'kin dahil simula nung umalis ako sa kwarto ng mga seventeens, hindi na ako lumabas. Ayaw na ayaw kong makita ang mukha nila lalong-lalo na ang Prince na yun. I hate him. Balak pa yata akong patayin. Binato na nga ako ng bola binato niya pa ako ng libro. Kung lalaki lang ako, binugbog ko na siya ng binugbog hanggang sa mamatay siya. Pinahiya niya pa ako sa harapan ng mga kaibigan niya. Saan ba nagmana ang taong yun?

'Siguro, sa demonyo siya nagmana ng ugali'

"Hoy!" nagulat na lang ako dahil sa sumigaw.

"A-ano?" nauutal kong tanong.

"Ayan ka na naman Jenny eh. Nag-alala na kami sa'yo. Oh, tingnan mo yang mukha mo. Galit na nagulat. Tapos, yang kamay mo parang handa nang sumuntok. What's wrong? Siguro may nakaaway ka noh?" tanong ulit ni Pauline.

"Jenny, sino bang nakaaway mo?" mahinahong tanong ni Missy.

"Wala-"

"Don't tell me, binalikan ka ng mga lalaking bastos na yun? Yung mga lalaking binugbog ng Seven-"

"Hindi. Okay?" pagputol ko.

"Eh sino-"

"Si Prince ba?!" tanong naman ni Missy.

Walang gana akong tumango. "Ang sama niya. Parang walang pamilya na nagmamahal sa kanya." buntong-hiningang sabi ko.

"Alam niyo, yang si Prince mahal naman yan ng pamilya niya eh. Lalo na yung kapatid niyang babae. Ewan ko na lang kung anong nangyari sa ugali niya." taas noong sabi ni Pauline.

"May kapatid siya? At babae pa talaga? Wow ah. Kung maka-bully nga siya, para siyang walang respeto sa mga babae." giit ko naman.

"Palibhasa kasi, nag-iisang anak na lalaki." giit naman ni Missy. "Pero, diba ang sabi hindi siya maka-hindi sa lolo niya? Pati nga sa mama niya eh" pagpatuloy niya pa.

Bumuntong-hininga na lang ako.

'Pakialam ko naman?'

"Yeah. Sinusunod niya ang gusto ng Lolo niya I mean, ang pamilya-"

"So ano, masunurin siya ganun?" singhal ko.

"Well, hindi naman talaga masunurin. Pag nasa mood lang siguro. Minsan nga din, walang makakapigil sa kanya lalo na sa gusto niya"

"Gaya ng pag-bully?"

"Well, oo isa na yan. Hayst" singhal nila.

Bumuntong-hininga na lang ulit ako.

'Ayaw kong masira na naman ang araw ko dahil sa demonyong yun'

Napailing ako. "Maliligo na lang muna ako" sabi ko bago tumayo.

"Sandali!" tumigil ako sa paglalakad dahil sa pagtawag nila sa'kin.

"Bakit? Hays, girls kailangan ko nang maligo para makasabay na ako sa inyo sa baba. Okay?" ngiting sabi ko.

"Basta Jen, magmadali ka dapat ha? Kasi baka alam mo na... may maliligo pa-"

"Papaano naman eh bathroom yun sa floor na ito. At wala namang ibang tao dito kundi tayo lang diba?" tanong ko sa kanila.

"Oo nga pala hindi mo pa ba alam? Ito kasing hotel di pa tapos. Kailangan pa ng renovation kaya may mga bathroom na hindi nagagamit. But don't worry kasi, nagagamit naman yung bathroom dito sa floor na ito-"

"Yun naman pala eh. Eh di walang problema diba?"

Dahan-dahan naman siyang tumango. "Oo nga pala. Pero, bilisan mo parin baka kasi..."

"Wag ka nang mag-alala. Bibilisan ko. Maghintay lang kayo dito. Oh di kaya'y sa restaurant niyo na lang ako hintayin. Basta, sabay na tayong kakain lahat ah." ngiting sabi ko bago tuluyang umalis.

"Sige" rinig kong tugon naman nilang dalawa.

Medyo malapit lang naman yung banyo dito. Kaya, sino ang maliligo dun bukod sa'min? Eh wala namang tao sa palapag na'to kundi kami lang.

Nang nakarating na ako sa may pintuan, siyempre kumatok ako para makasigurado.

*KNOCK KNOCK KNOCK!*

"Hello? May tao ba diyan?" tanong ko.

*KNOCK KNOCK KNOCK!*

"May tao ba?" tanong ko ulit sabay inilapit sa pintuan ang kabila kong tenga.

'Wala naman pala'

Kasabay ng pagbukas ko ng pintuan isang taong nakatalikod na tanging ang pang-ibaba lang ang tinakpan ng tuwalya. Nang humarap ito sakin, isang malakas na sigaw ang pinakawalan naming dalawa.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

'Ang malas ko talaga Ughhh!'



PRINCE POV

"Tangina naman oh! Ba't ba ang tagal ni Marky maligo?!" iritadong tanong ko sa kanilang lahat.

"Sensya na talaga guys ah. Di pa kasi tapos itong hotel namin kaya ganito. Konti pa yung mga facilities dito." paliwanag naman ni Jhon.

Tumingin ako sa kanya. "Don't worry. Tatawagan ko yung foreman namin na magdala ng workers dito para tumulong. Ako na bahala sa sweldo nila. Para naman pagbalik natin dito, hindi na ako maghihintay pa." diretsong sabi ko sa kanya.

"Naks. Sabi mo yan ah." napailing na lang ako at ngumisi.

"So, anong gagawin mo? Eh gusto ko ng maligo ngayon. Ayaw ko namang ma badtrip araw ko." malamig kong sabi.

Ngumiti naman siya na tila may naisip "Dun na lang sa itaas. May floor doon na hindi masyadong ginagamit dahil medyo malayo sa kasiyahan. Pftt" tugon niya.

I sighed. "Bahala na nga. Basta makaligo lang ako. By the way, may shower ba dun?"

"Pftt HAHAHA!" mariin kong tiningnan ang mga tumatawang nilalang na hindi pa bumangon.

"Hoy, bumangon na nga kayo diyan. Di porket nakagala kayo kagabi ganyan na kayo?" iritadong tanong ko sa kanila.

"Lol. Eh ikaw naman kasi, hindi lumabas. Palibhasa'y takot ka lang kay Ms. Kim I mean, kay nerd hahaha!" sarkistong sabi pa ni Liam sabay tawa.

"Gago. Diko trip ang lumabas ng gabi at pumunta sa may dagat. Eh kung sinamahan niyo lang akong pumunta ng bar edi sana, nakalabas ako." giit ko.

"Ayan, puro ka naman kasi inom. Bakit di mo na lang kaya enjoyin ang pagiging binata mo ha?" tanong pa ni Lance.

"Ewan ko sa inyong mga loko kayo. Makaligo na nga." iritadong sabi ko bago lumabas.

Mga loko talagang mga kaibigan ko. Heto namang si Marky ang tagal maligo. Si Jhon naman, pinapahanap pa ako ng bathroom tsk.

Nang nasa may 3rd floor na ako, agad kong hinanap yung bathroom dito.

'Siguro naman, walang tao dito. Nakasara kasi lahat ng pintuan'

"Kung may taong nag-stay dito sa floor na 'to, gusto yatang mapag-isa. Pfft HAHAHA!" tawang sabi ko bago pumasok sa loob ng banyo.

Pagdating ko sa loob, mukhang maayos naman. May malaking salamin para maka toothbrush, may shower, may toilet. Well, ayos lang naman kaso kulang pa ito sa renovation. Dapat kasi di masyadong makalat yung mga bagay na nasa loob ng banyo eh.

Napailing na lang ako sa aking iniisip.

'Makaligo na nga lang'

Habang naliligo, diko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano.

'Paano kaya kung bumalik ang maldita kong ina? Tapos, isasama niya pa ang demonyo kong lolo? Nice game'

Pagkatapos kong maligo, agad naman akong nag toothbrush.

Mabuti na lang may dala akong headset at cp. Magandang tugtog para sa isang masayang umaga.

Now Playing:
♪ Live While We're Young ♪
By: One Direction

♪♪Hey girl I'm waiting on you
I'm waiting on you
Come on and let me sneak you out
And have a celebration,
a celebration.....♪♪

May narinig akong kumatok kaya, napahinto ako.

"May tao ba?" tanong ng taong nasa labas.

Nang narinig kong isa iyong babae, napangiti na lang ako.

Hay naku. Mga babae nga naman. 'Nagkukunwari pang hindi papasok, pfttt'

Imbes na sagutin iyon, hinayaan ko na lang.

'Sisiguraduhin kong maglalaway ang babaeng makakita sa abs ko'

Dahan-dahan akong tumalikod habang nakangisi at nagpatuloy lang sa pag toothbrush pero hindi na ako naka-headset. Gusto kong marinig yung sasabihin ng babaeng makakita sa'kin, hshs.

Rinig na rinig ko namang bumukas ang pintuan at hudyat iyon na kailangan ko na ring humarap sa babae.

Sa hindi inaasahang dahilan, ang pangit ng babae kaya napasigaw ako at ganu'n rin siya.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Dali-dali niyang tinakpan ang kanyang mga mata at tumalikod.

"Ano ba, wala ka bang tenga?! Bakit dika nagsalita kanina habang kumakatok ako?!" bakas sa boses niya ang galit at inis.

'Tangina talagang buhay toh. Bakit siya pa ang nandito?'

Napangiti ako dahil may naisip na naman akong plano.

Nag toothbrush ulit ako na para bang walang nangyari.

"Hoy, tapos ka na ba?!" galit niya paring tanong.

'Tanginang boses. Ang sakit sa tenga'

Humarap ulit ako sa kanya.

"Hoy, kung tatakpan mo lang naman yang mata mo mabuti pa, umalis ka na. Nakakasira ka ng umaga" sarkistong sabi ko.

"Hoy ikaw!.." dali-dali niya ulit tinakpan ang mga mata niya. "P-Pwede ba, magbihis ka nga! Nakakadiri ka." mariing sabi niya na ikinainis ko.

"Ehh kung ayaw ko?At isa pa dapat magpasalamat ka pa nga ehh.. Kasi ikaw lang yung babaeng nakakita ng ganitong abs ng malapitan.."
pang-aasar kong sabi sa kanya sabay tawa.

Inis naman niyang binaba ang mga kamay niya at diretso akong tiningnan ng masama. "Ewan ko sa'yo! At pwede ba, lumabas ka na! Tutal, tapos ka naman na diba?!" inis niyang sabi sabay hinampas ang pintuan.

"Ehh kung ayaw ko?" I smirked bago sumandal sa pintuan.

Agad naman siyang umatras sa may pintuan habang nakatingin parin sa akin ng masama.

"Mukha ko lang ba ang titingnan mo? Baka naman gusto mong bumaba ng tingin...."

Bago ko pa tinapos ang sasabihin, dali-dali siyang pumasok at tinulak ako palabas.

"Diyan ka na! Napakayabang at bastos mo!" isasarado niya sana yung pinto kaso, naipit yung kamay ko.

"Arghhh!!!!! Bwisit!" sigaw ko dahil sa sakit.

Dali-dali naman niyang binuksan yung pintuan at tinaasan ako ng kilay.

'Nagbago lang ang pananamit niya pero hindi parin ang itsura. Ang pangit talaga!'

"Hoy! Di pa ako tapos mag..." dali-dali naman niyang binigay yung toothbrush ko at yung cp na may headset.

"Yan. Umalis ka na. At sana, mahiya ka naman." giit niya bago isinara ang pinto.

"Arghhhh! Gumaganti ka talaga ah. Humanda ka talaga sa'kin, pangit!" galit kong sigaw bago nagsimulang maglakad paalis.

Napahawak ako sa aking bibig na may bula pa.

'Humanda ka talaga saking babae ka'

"GOSH! ANG HOT NIYA NAMAN" may nakasalubong akong mga babae habang pababa ako.

Ningitian ko na lang sila.

"Tol, anyare?" salubong nilang lahat sa'kin pagpasok ko sa loob.

"HAHAHAHA!" bigla naman silang tumawa lahat.

"Tsk" tanging naging singhal ko.

Inis akong pumunta sa kama at kinuha yung mga damit.

"Oh, Marky siguro naman tapos ka na noh?" inis kong tanong sa kanya.

Ngumisi ito at dahan-dahang tumango. "Sensya naman. Natagalan ako kasi may iniisip ako."

Napailing na lang ako. "Mag-uusap tayong lahat mamaya pagkatapos kong magbihis." singhal ko bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

Habang nagbibihis ako, diko maiwasang hindi isipin yung nangyari kanina.

Ang malas talaga ng mukha niya. Akala mo naman, maganda. Di pa nagustuhan yung abs ko. Teka, ano bang pakialam ko sa kanya?!

Napahawak ako sa aking kamay. "Bwisit. Ang sakit ng kamay ko. Humanda ka talaga sa'kin nerd. Magiging malungkot yang bakasyon mo. Sinisigurado ko yan." mariin at seryosong sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas agad kaming lahat at pumunta sa may restaurant.

"Tol, ano bang sasabihin mo?" tanong ni Liam sa'kin.

"Oo nga naman tol. Sabihin mo na." sabi naman ni Lance.

"Umorder na ako ng pagkain natin, maghintay na lang tayo" ngiting sabi ni Jhon.

"Habang naghihintay tayo sa pagkain natin Prince, sabihin mo na." mahinahong sabi naman ni Marky.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid.

Napailing na lang ako bigla. 'Sino bang hinahanap ko?'

"Prince, what's wrong? Bakit iling ka ng iling?" takang tanong ni Jack.

"Tsk. Wala. So, simulan na nga natin." singhal ko.

"Geh, makikinig kami."

"Unang-una, nasira na ang araw ko dahil sa inyo at sa taong malas..." napahinto ako dahil tumawa sila. "May nakakatawa ba?" taas kilay kong tanong sa kanila.

"Sino naman ang taong yun?"

"Sabihin mo naman ang pangalan"

Pang-aasar nila sa'kin habang panay ang ngisi.

"Hayst. Tahimik!." tumahimik naman sila kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Jhon, bakit dimo sinabi sakin na may tao pala sa 3rd floor?" mariin kong tanong.

"Aba, malay ko. Anak lang ako ng may-ari wala akong alam sa lahat ng mga taong nandito." giit niya naman.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige, wala ka nang kasalanan.. Yun lang ang sasabihin ko." diretsong sabi ko.

Natahimik naman sila at tiningnan ang isa't-isa.

'Mga ewan talaga...'

"Sandali nga... Prince, baka naman may gusto kang sabihin sa'min." tanong nila sa'kin.

"Tsss. Para kayong mga ewan. Nasan na yung pagkain natin?" tanong ko para maiba yung usapan.

"Tamang-tama. Ayun na ohh."

Dumating naman yung waiter dala yung mga kanin at ulam namin.

Tumingin-tingin ulit ako sa aking paligid at sa hindi inaasahang dahilan, nakita ko yung dalawang kaibigan ni nerd sa malayong mesa.

'Gusto talaga nila na mapag-isa ah. Pft.'

Tsk. Where's nerd? May kasalanan pa ang pangit na yun sa'kin.

Nagsimula na kaming kumain at wala parin akong nerd na nakita sa mesa nila.

'Mabuti naman. Natakot yata ang pangit sakin..'

"Guys, grabe yung chicks ko kagabi hahaha ang hot sobra!" tuwang sabi ni Liam samin.

"Naks ah. Eh si Jhon nga ay sumayaw lang, naka-limang kiss agad! HAHAHA!" giit naman ni Lance.

Hayst.

"Di parin kumukupas ang mga babae satin." taas noo namang sabi ni Jhon.

"Guys, about dun sa mga activities niyo sa mga subjects, nagawa na ba? Dapat kasi yun ang uunahin natin eh." singhal naman ni Jack.

"Look Jack, bibigyan naman din tayo ng araw para matapos activities natin eh. That's why, we need to enjoy this vacation-"

"Yeah! Dahil paniguradong may kompanya na namang kukuha satin para mag-cover sa magazine nila. Our group is the faced of Harvard that's why we need to make it sure na maganda ang personality natin sa mga tao especially sa mga girls." paliwanag ni Marky.

I sighed frustratedly.

"Oh, Prince?.." tanong nila sa'kin.

"I hate media's. Nang dahil sa tanginang media na yan, nasisira buhay ko." giit ko.

"Easy. And because of media, kaya naging sikat ang Harvard diba?"

"Ayaw kong pag-usapan. Wala din namang kwenta." singhal ko.

Pagkatapos naming kumain, naisipan naman naming maglakad-lakad muna sa buong resort.

Naka white t-shirt lang ako at naka-polo kaya medyo, gumaan ang pakiramdam ko.

"Hala, sorry!" biglang may bumangga kay Marky kaya napatingin kami sa kanya.

"Ayos lang Ms. Kim." ngiting sabi naman ni Marky.

"Ah. He-he ikaw pala yan Marky. Sorry talaga kung nabangga kita ah." mahinahong sabi niya pa.

Bigla akong nakaramdam ng inis.
"Marky, let's go. Masasayang lang ulit oras natin dito." sarkistong sabi ko.

"Ah sige Marky, mauna na ako..."

Napahinto siya sa paglalakad dahil nakaharang ako sa kanya.

"Tabi." malamig kong giit.

"Hmpk!" halata sa mukha niya ang pagkainis.

Paniguradong hindi niya nakakalimutan yung nangyari sa bathroom. Dahil ako, hindi ko yun makakalimutan lalo na't inipit niya ang kamay ko sa pintuan.





➤THANK YOU FOR READING.
don't forget to
VOTE AND COMMENT.
thank you gemanians.

keep safe everyone.

- Ate Gema love's ya'll~

Seguir leyendo

También te gustarán

750K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
7.7K 182 27
Ma. Zerriana Talieghna has a happy and contented family until a tragedy happen that turn her life into a nightmare. Despite if that she will pursue h...
11.6K 512 71
(UNDER REVISION) [THIS BOOK WAS NOT YET EDITED. MARAMING LOOPHOLES AT MARAMING KAJEJEHAN, BECAUSE THIS STORY WAS WROTE ABOUT TWO YEARS AGO. SO IF EV...
35.2K 704 33
Gojo adds the wrong number to the gc. Ik i have enough stories but idc 😁. Also this will have two separate endings you can choose😼 also also geto d...