Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.5K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 22

79 12 1
By Enairashhh

Weekend.

Sa sobrang bored ko sa bahay, nagpunta akong Plaza. Pero naingayan din ako kaya nagpunta nalang akong kalbaryo.

Masarap ang hangin at hapon narin. Kitang kita ko ang bayan namin mula dito. Ang mabahong lawa mula sa bayan ay hindi ko na naamoy bagkus muka itong maganda at maaliwalas!

Pero bakit nga ba,gusto ko nang tahimik na lugar e ke daldal ko kaya?

Hanggang ngayon naiinis pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Pati na rin sa sinabi ko kay Bansot na malandi sya! Hindi ko sadya yun, promise!

Ewan ko ba. Paano ko ba sya haharapin sa lunes?

Malapit na pala ang exam namin. Pagkatapos non, sasabihan ko na syang itigil na nya ang pagtuturo sakin. Ang laki laki ko na, kaylangan ko nang tumayo sa sarili kong paa. Pero gusto ko ba talaga yun?

Pag natapos yun, mawawalan na kami ng koneksyon. Hindi naman sa, hindi na kami mag-uusap. Ang ibig kong sabihin, yung time na makakasama ko sya. Pag natapos yun, hindi na ako makakapunta sa practice nila! Pero ang babaeng yun makakadikit sya ng malaya sa kanya!

Teka? Bat ko ba iniisip yun? Eh ano naman kung magkasama sila? May gusto lang naman ako sa kanya hindi to the point na... Gusto ko syang maging boyfriend!

Duhhh! Patatapusin ko lang tong nararamdaman ko! Mawawala rin toh!

Tama! Wag ko na masyadong isipin yun!

Monday

" Hala pano yan si Thomas lang lalaki?"

" Kaya nga e."

"Basta hindi ako magsasalita! Props lang ako!"

"Ako nalang yung abay!"

Gusto ko nalang din maging abay.

Nandito kami sa classroom at nagkaroon kami ng groupings. Ang natoka samin ay marriage sa subject na Esp pambihira. Hanggang ngayon hindi kami nagpapansinan ni Bansot. Ayun nga oh, nakasimangot sa upuan nya.

" Ahh alam ko na" nakangiting sabi ng leader namin na si Lara. Bigla itong tumingin sakin kaya napataas ako ng kilay.

" Abay lang ako" diretsong sabi ko. Napailing naman sya kaya nangunot ang nuo ko.

" Gagi hindi! Ako magdedesisyon okay?"

" Last 5 seconds!"

Nataranta ang lahat tapos kami wala pang script tae!

---

" Group 5" sigaw ni Ma'am Langit. Napalunok naman ako saka tumayo. Tumayo naman ang leader naming si Lara sa gitna habang nasa likuran kami.

" Hello everyone! This is our roleplay na tatawagin naming marriage! Dito po ipapakita ang kahalagahan ng marriage contract bla bla bla" basta andami nyang sinabi at kinakabahan ako!

Pumwesto na ang leader namin sa mesa. Pumwesto naman kami ni Bansot sa tabi nito. Tae! Wala man lang kaming naihandang script! Bara-bara lang!

" A-anong sasabihin ko?" mahina kong bulong.

"Wag ka nang magsalita. Pumirma ka nalang" nangingiting ani ni Lara sa table kaya agad akong pumirma ng walang sabi sabi. Tae anong klaseng role play to?!

Mayamaya pa, nag-ayos na ang dalawang babaeng kaklase ko na magiging abay. Habang ako ay nasa gilid ni Lara na nagmistulang pari namin. Nakakainis! Bat ako pa napiling maging groom ni Bansot punyemas!

" Ten ten nenen... Ten ten nenen... Ten tenenen nen tenenn"

Narinig kong kanta nung dalawa. Nakisabay naman ang buong klase na nagtatawanan pa. Pinaliwanag ni Lara yung ginawa namin kanina sa pagpirma ng marriage contract, akala ko hindi nya gagawin dahil mukhang nagtataka yung mga kaklase ko.

Biglang namawis ang katawan ko ng makitang unti-unting lumabas si Bansot sa pintuan papasok ng room. Busangot ang mukha na halatang nahihiya.

" Wooooooh!!!"

Nakakaloka! Kailan pa sila nakakuha ng bulaklak?!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin namin. Kahit parang galit ang tingin nya, ewan ko ba pero natatawa nalang ako. Ang cute nya kasi! Ako lang ba? Pero parang nag slow motion ang paligid. Hanggang ngayon, nakatitig parin kami sa isa't isa habang unti unti syang lumalapit sakin. Galit nga ang mata nya pero kakaiba naman ang dulot nito sakin.

" Pucha bat ba ko napunta dito tch." mahinang bulong nya. Di ko naman mapigilang malangiti.

" Thomas, tinatanggap mo ba si Mayumi Alcantara bilang iyong mapapangasawa, sa hirap at ginhawa?" rinig kong tanong ni Lara pero hindi ako nakatingin sa kanya. Nakatingin ako sa napapabuntong hininga na si Bansot.

Bat ganon. Bat naiiyak ako?!

" Oo, tinatanggap ko" walang ganang sagot ni Bansot. Napatingin ako sa kanya. Tumingin naman sya sakin habang nakabusangot. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko. Hindi ko sila pinapansin dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

" Ikaw naman Mayumi, tinatanggap mo ba si Thomas bilang mapapangasawa, sa hirap man o sa ginhawa?"

Napapalunok naman akong napatingin kay Bansot.

" O-oo...Tinatanggap ko"

Mayamaya pa ay nagsigawan ang mga kaklase ko!

" Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride! Kiss the bride!"

Nanlaki ang mata ko sa sigawan! Maging si Bansot ay napatingin ng mabilis sa mga kaklase ko!

" T-teka---"

" Hoy! Anak ng pucha! Wala namang ganyanan!" putol sakin ni Bansot!

Napatingin ako sa teacher at mukang tuwang tuwa rin sya sa nangyayari! What the heck!?

Napatingin ako kay Bansot maging sya ay nilingon ako at salubong ang kilay! Ang lakas naman ng tibok ng puso ko.

" Mayumi! Kiss mo na yung bride mo hahhaha yieeee"

Nakakainis! A-ano ba 'to? Anong gagawin ko!

" Okay, class tahimik. Magsibalik na kayo sa upuan nyo" natatawang sabi ni Ma'am. Nakahinga naman ako ng maluwag saka napatingin sa kanya. Bigla naman syang umjwas ng tingin habang nakasalubong ang kilay.

---

" Oh, bat di kayo nag-uusap? May nangyare ba?" takang tanong ni Kin. Nasa canteen kami ngayon habang kumakain ng chips.

Mula kanina nga e hindi na kami nagpansinan. Ewan ko pero parang mainit ang ulo ni Bansot samantalang ako naman, nawala na yung inis pero may konti parin. Lamang lang yung hiya sa nangyari kahapon at kanina.

" Nag-away ba kayo?" dagdag na tanong ni Amanda. Hindi na ko sumagot. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

" Hoy! Sumagot naman kayo"

" Eto kasing si Mayumi" agad akong napalingon kay Bansot sa gilid ko. " Ano nanaman?!"

" Bat mo ko sinabihang malandi?" salubong na kilay na tanong nya. Napalunok naman ako.

" Hala, Mayumi, totoo ba yun?" gulat na tanong ni Amanda. Tumawa naman si Kin habang napapailing pa.

" Ano. Sabihin mong di mo sinabi---"

" Oo sinabi ko! May angal?! Dyan na nga kayo!" saka ako tumayo para umalis! Sa totoo lang wala talaga ako maidahilan kay Bansot! Nahihiya ako sa pinagsasabi ko sa kanya! Maglalakad na sana ako ang kaso may higad na humarang sa harapan ko.

" Captain!" sigaw nito saka ako nilampasan. Inis ko naman syang nilingon. Dire-diretso lang itong umupo kung saan ako nakapuwesto kanina!

" Eto oh! For you!" proud na sabi pa nya saka nya nilapag ang supot ng plastic na naglalaman ng pagkain. N-nakakainis!!!

" Teka... Katatapos ko lang kumain. Sayo nalang yan" tanggi ni Bansot. Wala naman sa sariling napangiti ako.

" Captain... Pumila pa naman ako ng pagkahaba-haba para dyan tapos... tapos..." nakangusong aniya saka kunwari pang naiiyak! Aba?!

" Hayyys... Sige na nga, pero isa lang ah" pagbawi nito kaya kunot-nuo akong napatingin sa kanya. May gusto ba sya kay Milliana?!

Tingnan mo ang haliparot, ngiting tagumpay ngayon!

" Oh, Mayumi akala ko ba, aalis ka na?" takang tanong ni Kin pero di ko sya pinansin. Agad akong tumapat sa upuan ko.
" Excuse me"

" Masarap ba Captain? " pabebeng sabi ni Milliana! Hindi nya ako pinansin! Si Bansot naman ay kunot-nuong nakatingala sakin! Tinaasan ko sya ng kilay at tumingin sa nakatalikod na si Milliana!

" Excuse me! Dyan ako nakaupo!" inis na sabi ko. Finally, lumingon sya with poker-face.

" Ahh... Sorry, nauna na ko. Dyan ka nalang oh, sa kabilang mesa. Hihi" sarkastikong sabi nya habang nakangisi. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Umal---"

" Captain, may tuturuan ka ba mamaya?" hindi ako pinansin leche!

" Hmmm... wala" walang ganang sagot ni Bansot saka kumagat sa tinapay na hawak nya. Inis ko naman syang tiningnan.

" Yeheeyyy! Edi mamaya, masosolo kita!"

" T-teka! Ano bang pinagsasabi mo?"

Naiirita na talaga ako sa babaeng ito!

" Pwede ba umalis ka na?! Pwesto ko yan eh! Kung sino mang kailangang umupo sa kabilang mesa, ikaw yun!" dire-diretso at may bahid na inis na sabi ko. Lumingo naman sya sakin at tumingala.

" Ehhh..." aniya. Tinaasan ko naman sya ng kilay!

"May gusto ka ba sa kanya?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong nya! Bigla syang tumayo at tiningnan ako ng diretso sa mata. " I see..."

" Sige, Captain! Mamaya ha!" masiglang sabi nya kay Bansot saka akmang aalis na ng magsalita ako.

" Hoy Bansot! Anong walang tuturuan? Hello!? Di ka makakatakas sa consequence mo! Sa ayaw at sa gusto mo, itututor mo ko! Maliwanag!" duro ko sa kanya. Kunot nuo at nagtataka naman si Bansot! Leche!

" Ahh... Ikaw pala yun? Totoo nga, itsura palang, masasabi ng walang utak"

" Anong sinabi mo?!" agad ko syang sinugod papalapit. Hindi naman sya natinag, nagkrus pa ang braso nito!

" Mayumi!"

" Bakit? May magagawa ka ba kung yun ang tingin ko sayo? Alam mo,tama ka. Mag-aral ka nalang." natatawa nyang sagot. Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya habang pigil na pigil ang sarili kong saktan sya!

" At isa pa pala... Next time, wag mo nang estorbohin si Captain. Problema mo yan eh? Diba?" ngising dagdag nya pa at naglakad papalayo. Inis ko naman syang sinundan ng tingin. Mayamaya pa ay di ko napigilang mapatungo. Hindi ko namalayan na nakaestorbo na kami sa mga kumakain.

"Mayumi... Nakakainis talaga ang bruhang yun!" bulong ni Amanda sa tabi ko.

" Calm down Mayumi... Look" mahinahong ani ni Kin sa tabi ko saka tinuro ang nasa likod ko. Gulat akong napatingin kay Bansot na salubong ang kilay na nakatingin sakin!

" A-ano---"

" Ano bang problema mo?!Pati ba naman sya pagsusungitan mo?" galit na aniya. Natigilan naman ako. Hindi alam ang sasabihin. Parang tinablan ako ng hiya.

" Eh paano kase, kung ano-anong pinagsasabi sakin" nakanguso kong sagot. Napailing naman sya na halatang hindi nakontento sa sagot. " Bigla mo syang sinugod dito, sa tingin mo anong iisipin non?"

" Ahh, pinagtatanggol mo"

" Hindi ko pinagtatanggol! Ang sakin lang---"

" May gusto ka ba don?!"

"A-ano?!---"

" Nanggigil din ako sayo e! Pati ba naman sa mga kapalpakan ko, kwinento mo pa sa kanya?! Leche! Inis na inis ako sayo!"

" Alam mo?! di kita maintindihan!"

" Okay sige! Mula ngayon,bahala ka na sa buhay mo!" saka ako pasabog na umalis sa canteen na iyon. Walang pake sa mga nanunuod. Bahala sila. Basta ang init ng ulo ko! Naiinis ako!

Hanggang sa mag-uwian hindi na ako kumibo. Gusto ko nalang umuwi ng maaga, tutal magde-date naman ang dalawang yun.

" Okay, hanggang dyan nalang muna"

Agad na akong tumayo. Nag-bell narin naman. Ayoko lang na makasalubong ko pa ang Bansot na yun sa daan. Saka baka maabutan pa ko ng bruha dito at hindi ako makatiis na ihead lock sya. Kaya naman agad akong naglakad. Dire-diretso lang,walang pake sa kung sino ang mabangga.

" Hoy" anang nasa likuran ko. Bumuntong hininga ako at di ko sya pinansin. Agad na akong naglakad palabas.

" Hoy! Poste!" sigaw pa nya pero nagmadali nalang ako. Mayamaya pigil hininga akong napaharap dahil sa malakas na paghila nya sakin! Leche!

" Ano ba?!" sigaw ko.

" Galit ka nanaman?!" inis na sabi nya rin sakin. Agad ko namang tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa wrist ko.

"Di ba sabi ko bahala ka na sa buhay mo?!"

" Di ba sabi mo, i-tu-tutor kita ngayon? Hintayin mo ko, meron lang kaming meeting"

" Di mo ba narineg? Sabi ko, bahala ka na sa buhay mo! Di na kita iistorbohin! Bye!" inis na sabi ko sa tumalikod.

" Anong istorbo? Poste ano bang nangyayari sayo?" may bahid ng inis at pagtataka nyang sabi. Inis ko naman syang hinarap.

" Basta. Basta! Bahala ka na! Magsama kayo!"

Hala... Ano bang ginagawa ko? Bat ba nagpapaapekto ako sa dalawang 'to?!

" Hoy!" sigaw nya ulit pero di ko na sya pinansin!

Muli ay natigilan ako ng hawakan nya ang wrist ko para pigilan! Asar!

" Lumayo ka nga sakin!" otomatikong sigaw ko. Kunot-nuo naman syang napatingin sakin. " Ano bang nangyayari sayo!?"

" Hindi ko alam! Naiinis ako! N-naiinis ako sayo!"

" Bakit ka ba naiinis?!" taka at galit aniya sakin. Di ko naman sya sinagot saka puwersahang inilayo ang kamay nyang nakahawak sakin.

" Hindi ko alam!"

Napahugot sya ng malalim na paghinga. Halatang kumukuha ng pasensya.

" Imposible namang di mo alam. Ano yun, trip mo lang magalit?!" natigilan ako sa sinabi nya. Halatang nauubusan na sya ng pasensya.

" Alam mo, nakakabigat ng loob kapag may galit sayo ang tao. Mas hirap yung hindi mo alam ang dahilan kung bakit sya galit sayo---"

" Gusto kita! Ayan na! Nasabi ko na!" wala na akong pagpipilian. Gusto ko na rin malaman nya kung bakit. Alam ko naman. Ramdam ko ang rason kung bakit. Bakit ako naiinis. Dahil sa may nararamdaman ako para sa kanya.

Natitigilan at kunot nuong nakatitig sakin si Bansot. Napalunok naman ako at ramdam ang pamumuo ng butil ng pawis sa sintido ko. Maya-maya narinig kong nagsalita sya.

" May, gusto ka sakin?"

" A-ano ba?! Kailangang ulitin!"

Naniningkit naman ang mata nyang nakatingin sakin kaya napaiwas nalang ako.

" Kaya ba, parang bumait ka nung nakaraan. Tapos ngayon nagseselos ka kay Milliana?" bakas sa tono nya ang pagtataka at paniniguro. Napabuntong hininga naman sya. Napapalunok naman ako. Hindi ko rin sya matingnan sa mata.

" Poste bat di mo naman agad sinabi?!" mayamaya'y aniya.


" Ha?" taka kong tanong. Bigla kasi syang natawa at tinapik tapik pa ko sa balikat.

"Kaya pala. Yun lang naman pala ang gusto mo kaya ka nagagalit. Dahil mawawalan ako ng time sayo"

Ha?! Luh, ang feeling naman nito? Pero bakit ganun? Di ba sya galit? Ibig ba nyang sabihin di nya ako iiwasan?

" Okay sige." ngumiti sya.

" Parehas naman tayo ng mga gusto. In short,nagcli-click tayo. Gusto rin naman kita. Kaya wag ka nang magalit dyan. Wala na ring asaran! Mula ngayon, peace na tayo. Ano? Pre?"


HaaaaaAAAAAAA?!

Pre daw?!

----

Sankyuu

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...