ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 39: Museum of Technology
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 52: One More Death Case
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 58: The Entering
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 65: The Director's Elite Kids
Chapter 66: Failed Mad Mission
Chapter 67: The Fighters
Chapter 68: The Fighters (Part 2)
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 72: Genes

7 2 0
By Sentisimo

Dinalaw ng magkapatid na Wyn Dail at Crystal Gail ang kanilang ama.

Hawak ni Gail ang isang puting envelope na may logo ng laboratoryo. Confuse si Gail pero willing niyang patawarin ang kaniyang ama kung sasabihin nito ang totoo.

Ang puting envelope na ito ang naglalaman ng blood test at DNA results. Nilabas sa kaniyang kulungan ang Director at malaya nagkaharap-harap ang mag-aama.

Unang nagsalita si Gail at kinamusta ang kaniyang ama. Isang araw na ang lumipas ng matapos ang paghuhukom dito.

"Dad, how are you?" ani Gail na pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Maayos naman anak. Kayo? Wala naman bang nananakit sa inyo? Pasensya na kayo ahh." Pagpapakababa nito habang itinaas nito ang magkadikit nitong mga kamay sa lamesa at pinagdaop ang mga palad.

"Maayos naman po kami, huwag po kayo mag-alala. Lubos din namin kayong iniisip kung nasa mabuti kayong kalagayan."

"Ask him!" mahinang boses ni Dail na utos kay Gail. Nilapat ni Wyn ang kaniyang likod sa upuan, nagkrus ang mga braso at napabuntong hininga. Tinititigan niyang maigi ang irereaksyon ng kaniyang ama. Nagkatitigan muna ang dalawa bago sinimulan itanong ni Gail ang bumabagabag sa kanila.

"Dad, may itatanong po sana ako, hindi po ako galit, maging si Dail din po. Bakit hindi niyo po agad sinabi?"

Natahimik sumandali ang Director dahil mukhang alam na ng mga anak nito ang katotohanan.

Alanganin si Gail na ibinigay sa ama nito ang puting envelope pero kinalaunan rin ay ibinigay niya.

Nakita ng Director ang resulta ng test at nakalagay sa data na negative ang resulta na hindi sila mag-aama. Nakalagay sa data na ang blood type ng Director ay blood type O at ang kanilang namayapang ina ay heterozygous blood type B na ang ibigsabihin, walang chansa na maging Blood type A ang kanilang mga anak
which yuon nga ang blood type ni Dail at Gail.

"Sino po ang mga tunay naming magulang?" tanong ni Gail sa ama nitong magpasahanggang ngayon nakatitig pa rin sa resulta.

"Walang ibang hiling ang Mom n'yo kundi magkaroon kami ng anak nang magkasama kami sa iisang bubong. Pero naging masama ang tadhana para sa kaniya. Hindi alam ng Mom n’yo na may sakit pala siya sa dugo at mahihirapan siyang magdeliver ng anak. Lubos ang paghihirap at iyak ng Mom n'yo noong mga panahon na iyon. Hanggang sa may kumatok sa pintuan naming biyaya. Kayo iyon, may nagdala sa inyo papunta sa amin noong sanggol pa kayo. Kayo rin ang naging dahilan at binigyan n’yo ng sigla ang Mom n'yo. Sanggol pa kayo noong mga panahon na iyon at giliw na giliw siyang bumaba sa hagdan ng sabihin ko sa kaniya na hindi lamang isang anak ang ibinigay sa amin kundi dalawa. The way she smiles like the old days, just because of you both, it returns back and bring life the heart of your Mom. And when both of you became a toddlers, doon na nagsimula ang kalbaryo para sa kaniya. Pinag-aralan ko ang mutation ng cancer sa kaniyang dugo pero, masakit mang tanggapin, wala na. Walang lunas sa sakit na ito. Gumuho ang mundo ko ng mawala siya. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. Alam ko na naging malupit din ako sa inyo. Salamat sa inyo at hindi kayo nagtanim ng galit sa akin sa kabila ng nagawa kong pagiging strikto sa inyo."

Napaluha si Gail sa kwentong iyon ng kaniyang ama. Hindi naman nagpakita ng kahinaan si Dail kahit naapektuhan siya sa loob-loob niya.

Hahaba pa sana ang kanilang usapan nang dumating ang tagapagtanggol ng Direktor nitong nakaraang hearing. Hinayaan na ng dalawang magkapatid ang dalawa mag-usap. Kahit may pag-aalinlangan silang, bakit pa naroon ang defender nito kung tapos na ang hearing?

-

Angelo's POV

"Matheo, may dugo!!!”

"Hala bakit nagdudugo?" tanong niya.

"Gago baka sinagad mo!"

"Hindi ahh."

"Matheo iehhh! Sa likod may dugo." Mangiyak-ngiyak na ko.

"May nararamdaman ka bang masakit?" tanong niya...binibiro yata ako nito eh.

"Matheeeo!"

"Sira, pekeng dugo lang 'yan. OA mo" ani sa akin nito.

Dinedemo niya kasi sa akin yung gimik sa nangyari nung last time na nalate kami, pinasok siya sa isang capsule, may dugong lumabas sa likod ng capsule sa
pamamagitan ng espada at umiyak ako. The f*ck bakit ba ako umiyak noon? OA ko ba ng oras na iyon?

May parang tube lang na nakalihis sa katawan kung saan pararaanin ang bendable na espada. Napeke lang kami ng oras na iyon sa espada na nabebend naman pala sa special na tube na iyon. May padugo rin pala na nasa loob ng tube para kapag ipinasok o isinaksak na ang espada, aakalain ng lahat na totoong nasaksak ito sa loob.

Sa pagkakademo niya sa akin dito sa loob ng unit, parang mga tanga lang kami. Same concept pero walang capsule, yung tube lang na nakabrace sa tiyan ko tapos yung
bendable na espada.

Umagang-umaga naglalandian noh? Pasensya walang magawa.

Habang tinatanggal ko ang tube na nakakabit sa tiyan ko, biglang may kumatok mula sa labas ng pintuan.

Pinagbuksan naman ni Matheo kung sino ito nang hindi man lang nagsusuot ng damit pang-itaas.

"Ohh Marthia, bakit ka naparito?" Bungad na tanong nito kay Marthia.

"Syempre para dalawin ang aning kong kaibi… Holy sh*t How dare you? Kuya anong ginawa mo kay Kuya Angelo?" tukoy nito sa akin na dali-daling pumasok."

"What?! Marthia please common, get out! Kababae mong tao pumapasok ka sa unit namin."Nakapamewang pa si Mark habang nakaboxer at walang pang-itaas na damit.

"And so what? I have my rights to come here for the sake of my friend." Ani ni Marthia habang tinitignan ang katawan ko at hinahanap kung saan nanggaling ang dugo.

"Mukhang may ginawa ka ng masama sa kaniya, sa kaniya bang dugo ito? Bakit may dugo? May masakit ba sayo kuya Angelo?" Napailing lang si Matheo at napakrus ang mga braso nito.

"It is just a fake blood okay? Don't worry walang nangyaring masama sa kaniya. Please. get out!"

Matawa-tawa ako dahil sa nangyayari sa magkapatid na ito. Parang mga ewan.

"Ikaw anong nginingiti-ngiti mo dyan? Maligo ka na!" Utos sa akin ni Matheo.

"Ayoko." Matigas kong ani at napa-cross-arm din ako.

"Ayaw mo?" seryosong ani sa akin ni Matheo habang nakakrus pa rin ang mga braso. Attitude ba siya o ako?

"Ayoko." Ani ko.

"Maliligo ka na o isasabay kita sa paliligo ko na tiyak hinding-hindi mo makakalimutan? The choice is yours."

"MARTHIAAAA YUNG KUYA MO!" Sumbong na sigaw ko.

"Wala na siya, pinaalis ko na" pananakot nito.

"Ito na maliligo na." Tumalikod na ako sa kaniya at hinatak niya agad ang braso ko para bumalik sa pagkakaharap sa kaniya. Biglaan niya akong hinalikan sa pisngi na
sobra, sobra, sobra kong kinagulat.

"Para saan iyon?"

"Wala lang, " aniya.

"Ayaw mo dito?” Turo ko sa labi ko.

"Tch! Ang naughty mo masyado"

"Bilis na" Pinikit ko pa ang mata ko na parang naghihintay ng biyaya.
Hinalikan niya ko.

Sa noo nga lang tapos naramdaman ko ang pagyakap niya.

"I love this things" aniya habang kulong ako sa yakap na iyon.

"Ako rin" tugon ko. Pinakawalan na niya ako sa yakap na iyon at tumuloy na ko sa banyo.

-

Matapos ang 10 minuto, nakaligo na ako, pati rin siya. Iniintay ko nalang siyang matapos. Ilang segundo na lang susunduin na ako ng mga kaibigan ko.

May kumatok sa pinto at mukhang sila na nga iyon dahil kay lalakas ng boses lalo na si Eralyn. Ako na ang nagbukas ng pintuan at tama ako, sila na nga.

"Gelo, ma-frend, com and joyn us to de cafitiria" aya ni Eralyn dahil sabay-sabay na kaming aakyat para kumain ng agahan.

"Teka nasaan si Geejay at Kark?" tanong ko sa kanila dahil si Eralyn, Angel Jhan, Aljohn at Denziel lang narito. Nga pala, wala na si Johnron sa tropa because he passed away from the experiment, pati si Nehm, ang kaibigan ni Trynyty at marami pang iba na sa wakas nagkaroon na rin ng hustisya ang pagkamatay nila.

Nakakapanglumo mang isipin pero we have to keep moving forward.

Matapos ang ikalawang palapag, nakasalubong namin sa pasilyo si Damoz. Hindi namin alam ano ang irereaksyon namin dahil medyo unexpected ito. Nagpatuloy lang
kami sa pagdaan at ni-isa sa amin wala yatang balak kamustahin ito. Teka, diba dapat nasa quarantine area din dapat siya dahil kasangkot siya sa kaso? At, nasaan ang birthmark sa kanang kamay nito?

Dinaanan lamang siya nila Denziel, Aljohn, Angel Jhan, maging si Matheo dahil kulang nalang basagin nito ang mukha nito, kahit pa kung tutuusin, ang serum ang unti-unting pumatay sa kuya niya, at may mga tao lang talagang nag-udyok sa pangyayaring
iyon.

Kaming dalawa ni Eralyn, sasalubungin palang namin siya. Nagdadaldalan kasi kami tungkol sa random topics sa mga past boyfriends niya.

Nang bigla may inilabas na mahabang sibat na armas si Damoz at isinaksak ito kay Eralyn derecho sa pader. Nawalan ng malay si Era. Nagpanic na ko at gagamitin ko sana ang abilidad ko ng sakalin niya ako at ibinagsak sa sahig na mukhang ikakawarak ng likod ko. Napapikit ako sa sakit but I still can fight pero may pwersang pumipigil sa akin na magamit ang kamay at abilidad ko.

Matheo attacked Damoz but in just a snap, tumalsik nalang siya at nawalan ng balanse. Umatake si Aljohn gamit ang kaniyang nagliliyab na apoy at pinatama ito kay Damoz pero lumihis ito dahil sa hangin na promotekta dito.

Sumunod si Geejay na kumuha ng tipak ng mga bato sa pader, minanipula niya ito at mabilis na tumama kay Damoz. Ginamit ni Damoz ang kaliwa nitong kamay upang kontrolin ang mga batong tatama sa kaniya at ipinaikot ito sa palad niya at ginawang pulbos.

Naiwang mga sindak sila Denziel at Angel Jhan na walang magagawa ang abilidad nila kung ganito kalakas si Damoz, na bawat mga tira nito, kundi patamaan sila pabalik, pupulbusin niya ito o ililihis ng direksyon. Gamit ang abilidad din nito, unti-unting lumapit na naka-levitate si Angel Jhan kay Damoz at sumandali lamang nakalapat na ang kamay nito sa leeg ni Angel Jhan.

"Mind reader, yet weak!" ani nito at inihagis na parang basahan si Angel Jhan sa pinanggalingan nito.

Susugod muli si Matheo pero isinigaw ni Angel Jhan, "Hindi mo siya kaya. Dahil nasa kaniya na!" Nagpatuloy si Matheo at 'di siya nagpapigil para iligtas ako. Pero bigo nga siya, may invisible barrier na humarang sa kaniya sa pag-atake. At mukhang abilidad nga rin ito ni Damoz.

"T*rantado, anong ginagawa mo?" sabay hampas ni Matheo sa' di nakikitang barrier. Tumunog ang alarma sa pagkakataon na iyon.

Ang ilaw ay nagpapatay-sindi
hudyat na may masamang bagay na nangyayari.

Tumawa ng nakaloloko si Damoz at kasabay nito ang pagbabago ng mukha nito.

"Director Lawrence" nanlaki ang mata ni Matheo dahil ginaya lamang ng Direktor ang mukha ni Damoz.

"Sinabi ko na sa iyo, nasa kaniya na. Nananalaytay na sa kaniyang dugo't laman ang mga abilidad." Sabi ni Angel Jhan na nabasa ang isip ng Director ng maglapit ang kanilang mga balat.

Ibig bang sabihin tagumpay ang plano niyang ma-replicate ang mga ability namin. Papaanong hindi siya naging halimaw? May chansang mag-compatible ang serum sa matanda pero maliit lamang ito.

"Mga hangal, ang device na Dream Acquaitance ay idinesenyo ko hindi lamang para pwersahin ang isang indibidual na gamitin ang kaniyang abilidad sa subconscious habang nasa mala-panaginip na iyon. Kasama na rin nito na magkaroon sila ng kamalayan na kaya nilang kontrolin ang kanilang abilidad sa labas ng kanilang subconscious na ang ibigsabihin, magiging stable na sa katawan nila at lalong-lalo na sa nervous system nila. Pero may mga hangal na mga batang, hindi ginamit, walang alam sa paggamit, o ginamit sa walang kabuluhang pagsasakripisyo ang kanilang abilidad sa loob ng subconscious nilang iyon na akala nila mamamatay sila. Sadyang masunurin ang kanilang utak kung kaya't nagbigay ito ng electric impulse at nagshutdown ang kanilang mga cell sa pagdivide dahilan ng pagkamatay nila. Nagkakaroon sila ng brain shocks at cardiac arrest na dahilan para ikamatay nila ang perpekto ko sanang eksperimento. Salamat na lamang sa mga nabuhay at na-replicate ko ang mga matitibay nilang genes na kung sakaling maging halimaw man ako o hindi, may kamalayan at mayroon parin akong abilidad na mag-isip na tulad ng tao at hindi isip halimaw."

"Hindi mo ba alam na ang ginagawa mo ay ikaw ang mas nagiging halimaw pa sa halimaw? Tinangka mong ipapatay ang kuya niya, dahil sa imbensyon mo pumatay ka ng maraming inosente. Para saan? Para kanino? Para sa matatanda? o para sa sariling lakas lang?" Sudlong ko naman habang nahihirapang huminga.

"F*ck bitawan mo siya!" galit na tono ni Matheo.

"Awhh Love birds, Please don't be like this, hindi ako tinatablan ng mga arteng ganyan." Tugon ng Director sa amin. Nabasa n’ya siguro ang isip ko at nalaman na may ugnayan sa amin.

"Ito, tatablan ka kaya nito?" banggit ni Eralyn mula sa likod. Nagulat nalang kaming lahat nang isaksak ni Eralyn mula sa likod ng Director na tumagos hanggang harapan nito ang sibat na ipinangsaksak sa kaniya.

Nawala ang pwersang pumipigil sa akin. I crystallize every molecule flow on my hand and stab it to the chest of Director. Nabitawan niya ako at tumakbo kami ni Eralyn palayo dito. The invisible barrier gone at malayang nagamit ni Aljohn ang divergent attack nito para mawala sa focus ang Director sa amin at tanging apoy lang ang nasa harapan niya.

Mabilisang in-absorb ng Director ang apoy at mukhang gagamitin ito pabalik sa amin. But Matheo manage to attack him by his blazing death punch. The punch hit the ribs of Director na kinabali ng ilang tadyang nito. Tumalsik ang direktor sa pinakadulo ng corridor at napasuka ng dugo.

"Warning! outraging ability detected. There is a powerful detainee broken from the Quarantine area. Please proceed to the 10th floor for your safety." Ani mula sa speaker.

"Matheo, tara na." pagpupumilit ko. "Hindi natin siya kaya." Hinawakan ko ang braso niya para pilitin siya. May iba't ibang ability na ang Director, hindi na kakayanin ng ability namin kung may iba pa itong kayang gawin.

Napatawa ang Director. "No, come and fight! You should revenge for the death of your brother." Ani nito sa malayo. Paano niya narinig iyon?

"Matheooo please huwag, may iba pang paraan. Huwag kang papaapekto. Tuso siya." Nakakuyom ang mga kamao ni Matheo. Pinahid ng braso ng Director ang sarili nitong dugo na nasa kaniyang labi at saka napatingin sa amin na tumatawa.

Kasama si Matheo, umalis na kami at tinunton ang 10th floor ng nagmamadali matapos kong i-crystallize ang doorway para dagdag block na rin sa director. Alam ko namang masisira’t masisira niya ito. Nakakapagduda naman ang nangyari kay Eralyn.

Pinakita niya ang tiyan kung saan siya tinuhog ng walang awa. At nakita naming, walang anumang sugat ang kaniyang tiyan. Aniya, kaya mag-regenerate ng katawan niya at ang mga sugat na matatamo niya ay mabilis lang na maghihilom sa ilang segundo lamang.

Kwento niya, sinubukan niyang putulin ang buhok niya at maniwala man daw kami o sa hindi, nagdugtong muli ito. Pati kuko niya, sinubukan niya rin daw. Tinanong siya ni Aljohn.

"Kapag ba pinutol ni Gelo ang kamay mo, magdudugtong din kaya yun?" tanong nito.

"Loko ka noh? Pero ewan diko sure. Try natin sa'yo" dare nito kay Aljohn.

Sa gitna ng ganitong scenario nagagawa parin nilang maglokohan.

-

FLASHBACK

Umalis na ang dalawang magkapatid na Wyn Dail at Crystal Gail mula sa Quarantine Area ng dalawin nito ang kanilang ama. Mukhang magpapasalamat lamang ang Director sa tagatanggol nito matapos ang hukuman kung kaya't naparito ang defender nito.

"Nakuha mo na ba?" mahinang boses na tanong ng director.

"Yes. Sr. nakuha ko na." Inilabas nito mula sa isang briefcase ang isang bote.

Napadaan ang guard sa lamesa nilang iyon na may pagtataka dahil kahina-hinala ang bagay na laman nito.

Nang ilabas ng defender ang laman, ito'y bote lamang ng coke na ibibigay nito sa Director kasama ang pagkain. Ngumiti ang defender sa gwardiyang hawak-hawak ang
electric gun at nagbow dito.

Umalis na ang gwardiya sa dakong ito at bumalik sa pwesto sa pagbabantay.

Sabay na kumain ang Director at defender nito sa hapag na iyon at pinagdiriwang sa loob-loob nila ang plano.

Nang makapasok sa loob ng kaniyang unit sa Quarantine area ang Director, doon nito binuksan ang coke (plastic na bote). Nagpalutang-lutang doon ang serum na siyang dalian niyang itinurok sa kaniya.

Para itong naging droga, na unti-unti siyang pinahina. Nagkaroon siya ng hallucination at naglalaway ito. Pinupukpok ng Director ang ulo niya dahil sa nakababaliw nitong sakit na dulot. Dumaloy sa buo niyang katawan ang serum. Nag iba ang kulay nito ng makapasok sa kaniyang katawan na tila ba mga itim na ugat na unti-unting kumakalat sa kaniyang katawan. Naparalisa siya at nasi-seizure at nawalan ng malay.

Pagkatapos ng pagkahimbing nito dahil sa serum, naging normal at naging tagumpay ang serum sa pag-compatible nito sa kaniyang katawan. He manage to break
through the door from that area. Ang mga gwardiya ay ginawa ang kanilang tungkulin.

Pero hindi naapektuhan ng mga electric bullets mula sa gun na ito ang Director na kahit ilan man ito.

Ang director ay immune sa atakeng gamit ay kuryente. Isa-isa niyang pinataob ang mga gwardiya at tinunton ang selda ni Damoz.

Takot ang naramdaman ni Damoz nang magkaharap sila muli ng director. "Huwag ka matakot anak." sarkastiko nitong ani kay Damoz.

"Ano....anong gagawin mo?" Tanong naman nito. At mula sa labas maririnig nalang ang sigaw ni Damoz na sinasapit ang sakit ng paghihiganti ng Director dahil sa pagtataksil nito.

"Ngayon, hindi ka na makakakopya ng mukha kailanman." Ani ng director kay Damoz. Puno ng hiwa ang mukha ni Damoz at pepeklat ito ng malalim. Birthmark at
malalalim na peklat ang hindi maaalis ni Damoz kapag nanggagaya siya ng mukha.

Binuksan naman niya ng walang kahirap-hirap ang pintong nagkukulong kay Trynyty. Matulin na sinakal ng Director si Trynyty na nakaupo sa gilid na pinagsisisihan ang kaniyang nagawa. Meron itong wrist device na kapag ginamit niya ang kaniyang abilidad, magti-trigger ang chemical.

Itinaas ng Director sa pagkakasakal si Trynyty at hinawakan ang ulo nito. Inalis ng Director ang memorya ni Trynyty bilang pagganti rin nito.

Tutuntunin naman niya si Jwyneth, si Angel Ann at ang lahat ng naging testigo sa hukumang iyon.

Iniisip na ng Director kung ano ang pwede nitong gawin sa dalawa. Naisip nito na kung bubulagin niya si Jwyneth, hindi na nito makikita pa ang kulay sa paligid at paggamit ng ability nito. At si Angel Ann naman ay susunugin niya kung magkataon at gagawin itong tunay na abo o alikabok. Maglalaro sila. Maglalaro sila ng mga batang hindi alam kung sino ang kanilang kinalaban.

Lumabas ang Direktor sa Area na iyon at tinunton ang headquarter ng mga lalaki.

Nang marinig niya ang magkakaibigan na Angelo, Eralyn, Angel Jhan...agad siyang nagpalit ng anyo at niloko ang mga mata nito.

END OF FLASHBACK

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 220 50
[COMPILATIONS] This book contains mature contents that aren't suitable for minors and immature haters. If you don't like just leave this book alone...
474K 451 55
Hello Everyone! Compiled and farmed from the recent showbiz thread from rPhilippines|Reddit/Ph. Some maybe true, some maybe not. You be the judge. B...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2.8K 160 57
"Mas madilim ang paningin ng nagbubulagbulagan kaysa sa totoong bulag" -author A simple quote that will describe the whole subject of the story.