Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

121K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 37

2.7K 61 10
By jhelly_star

Kabanata 37

Remember

--

Pinagkakaguluhan si Daddy nang lumabas siya sa building namin. Maraming reporters ang naka abang sa kanya at sinugod agad siya para magtanong sa maraming bagay. Dahil hindi na lihim ang pagkakapunta ni Elizabeth sa DSWD ay sigurado akong alam na ng lahat ang tungkol roon. Pati na rin ang pagkakakulong ni Amelia na siyang pinaka pinagkakatiwalaan ng mga Agravante noon. At ngayong nandito na si Daddy, may kumalat pang picture namin na magkakasama, natural lang na guguluhin siya ng media.

"Mr. Agravante! Pwede po bang malaman kung bakit dinala niyo ang inyong anak sa DSWD?"

"Bakit po nasa DSWD si Elizabeth Agravante, Sir?"

"Sir! May kumakalat po ngayong picture na kasama mo si Pauline Agravante at ang isang dalaga. Anak niyo rin po ba iyon?"

"Sino po ang dalaga na kasama niyo sa picture, Sir?"

"Sagutin niyo po ang tanong namin, Sir! Bakit nasa DSWD si Elizabeth Agravante at may kasama kayong ibang dalaga sa airport?"

"Sino po ang dalaga na iyon, Sir?"

Hindi makadaan si Daddy dahil sa dami ng reporters. Maraming tao at maraming camera. There were also many mics waiting for him to speak. Meron ring mga cellphone na handang irecord ang mga sasabihin niya. I'm a little nervous and Mommy immediately took my hand. I looked at her and she smiled softly at me, she knows that I'm nervous and worried.

Kanina ito nangyari at hanggang ngayon hindi pa rin nakakauwi si Dad. Magkasama kaming nanonood ni Mommy sa balita at hindi ko alam ang gagawin ko. Nag aalala ako kay Daddy dahil baka mas lalo siyang ma-stress sa mga tanong ng media.

Nang muli kaming tumingin ni Mommy sa tv ay nagulat kami nang nakita rin si lolo roon! Pinagkakaguluhan rin siya at marami ring tinatanong sa kanya. Ang mga bodyguards namin ay pilit pinapa alis ang mga makukulit na reporters para lang makadaan si Daddy at lolo.

"Senyor Agravante, pwede po ba kayong magsalita tungkol sa nangyayari sa pamilya ninyo? Marami pong tao ang gustong malaman kung bakit nasa DSWD si Elizabeth Agravante!"

"Marvino Agravante, bakit niyo po hinayaan ang anak ninyo sa DSWD? May ginawa po ba siyang masama?"

Tumigil si Daddy sa pagsusubok na maglakad sa dami nila. Lolo also stopped next to him. Kislapan ng camera ang nakita ko at bahagyang natigil ang mga reporters sa pagtatanong dahil sa pagtigil nila Daddy.

"Elizabeth is not an Agravante. She's not my daughter," malamig sinabi ni Daddy, hindi ko inasahan!

Nanlaki ang mga mata ko at hindi naalis ang titig sa tv. Nagkagulo na naman ang mga reporters!

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Sino po ang anak ninyo kung ganon?"

"Paanong hindi siya Agravante?"

"Ang dalagang kasama niyo po ba sa picture ang tunay niyong anak?"

"Sino po ang dalaga sa picture?"

"Sir!"

Dumating ang iba pa naming bodyguards at bahagyang napa atras ang mga reporters kaya nakadaan sina Daddy at lolo. Wala na silang sinabi pagkatapos noon. They quickly got into the car and closed the door. Pinagkaguluhan ng mga reporters ang SUV nila hanggang sa umalis ito.

Umawang ng bahagya ang labi ko at hindi nakapag salita dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala. Sinabi ba talaga ni Daddy na hindi niya anak si Elizabeth? Alam kong mahal niya si Elizabeth kahit papaano kaya paano niya nasabi ang mga salitang iyon ng ganon ganon lang? Masyado ba siyang nagagalit?

Galit ako kay Elizabeth pero hindi lang talaga ako makapaniwala na masasabi niya iyon. Si Elizabeth ang anak nila ng napaka habang panahon.

"Your father will be here soon. He didn't come home because reporters might come to us. Dahil sa sinabi ng Daddy mo, sigurado akong mas lalo pang mang iintriga ang mga media," si Mommy.

"S-Saan sila pupunta?" tumingin ako sa kanya.

"In your lolo's mansion. Your father and your grandfather will also come here tonight. We are going to prepare for my upcoming birthday."

Oo nga pala. Birthday na ni Mommy sa susunod na linggo. Pero siguradong malaking gulo ito! I don’t know if I’m ready for this.

"Wag kang mag alala, anak. Magiging maayos rin ang lahat. We know you are not used to this life but you need to show yourself to everyone. I also don't want to just hide you here and let people guess who you are. I want to introduce you to them..." she smiled softly at me.

I stared at her for a moment. Alam kong hanggang ngayon, kahit isang taon na ang lumipas, kahit sobra sobra ang sakit na binigay sa kanya ni Elizabeth, nasasaktan pa rin siya na hindi na niya ito kapiling. Alam ko dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya. Hindi siya magaling magtago ng nararamdaman niya at kilalang kilala ko na rin siya sa isang taon na nakasama ko siya.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Pero hindi niyo po ba gustong makita si Elizabeth ngayong birthday niyo at alamin ang kalagayan niya?"

Natigilan siya sa tanong ko. Napawi ang kanyang ngiti.

"I know you've been wanting to see her for a long time. It's okay with me if you go to her. She did so many wrongdoings to me but I don't want to be selfish. I know you love her very much..."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Yumuko siya at nang nag angat ng tingin sa akin, ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. Umiling siya. Bumuntong hininga ako.

"Galit po ako sa kanya pero mas gusto ko pong intindihin ang nararamdaman niyo. Alam kong mahirap para sainyo ito, na hindi siya makita nang matagal..."

Tumango siya at hinila ako para mayakap. I hugged her too.

"You're right I want to see her. I considered her my daughter and I loved her dearly. I miss her and even with a little anger and resentment in my heart, my love for her still prevails. Thank you for understanding that, anak..."

Pumikit ako at mas lalo pa siyang niyakap.

"Sigurado akong ganon rin ang Daddy mo pero hindi niya lang pinapakita. He cried too... when everyone found out the truth. He cried that night... Pero sa akin niya lang pinakita iyon..."

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Mahal na mahal niya si Elizabeth pero... ngayon... hanggang doon nalang iyon."

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Kumikirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Ikaw na ang anak namin ngayon. Siguro hindi mawawala ang pagmamahal namin sa kanya pero ikaw... ikaw na ang mamahalin namin ngayon ng higit pa sa buhay namin..."

I smiled and she hugged me again. In that hug I fully felt her love for me. And I also thoroughly made her feel how happy I am and how much I love her. Hindi nila kailanman pinaramdam sa akin na mas higit ang pagmamahal nila kay Elizabeth dahil lang siya ang lumaki sa kanila. They always remind me that they love me very much and I am very happy with that. Para sa akin sapat na iyon.

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa school. I tried to forget that by cooking here at home, reading a book and watering our plants even though Mommy wouldn't let me.

I don't know if he's telling the truth but do I still need his opinion? Kitang kita na sa picture ang totoong nangyari. He slept with Elizabeth, he betrayed me, he deceived me, ginawa niya akong tanga. Kaya dapat lang na magalit ako. Dapat lang na hindi ko siya pakinggan!

Hindi pa ako pwedeng lumabas sa ngayon dahil kalat na kalat na ang pictures naming tatlo ni Mommy at Daddy sa airport. Naiintindihan ko naman iyon kaya nanatili na muna ako sa bahay hanggat hindi pa natatapos ang preparasyon para sa upcoming birthday ni Mommy.

Maraming nakakilala sa akin dahil syempre, may mga kaklase ako noon na kilalang kilala pa ako. Cassandra Juarez, iyan ang pangalan na kumakalat ngayon. Mas lalo akong hindi makalabas ng bahay.

"Sabi ni tito magpunta daw kami rito dahil nababagot ka na," tumawa pa si Johan. "Sarap bang maging sikat?"

Humalakhak si Lorie. Isa pa ito, eh. Akala ko malamig ito gaya ni Issa pero minsan lang pala. Madalas makulit siya gaya ni Johan.

Umirap ako at tinigil ang pagpa-piano. Wala naman kasi akong alam roon, nambabano lang ako. Tumayo ako at lumapit kina Issa na nasa table at kumakain ng snacks. Umupo ako sa tabi niya at kumain na rin.

"Bored ako rito pero ayos lang naman. Marami naman akong pinagkaka abalahan," I said and looked at our entire music room.

Mahilig daw tumugtog ng mga instrumento si Mommy kaya nagpatayo si Daddy ng ganito.

"Gusto mong papuntahin namin si Audrey at Arjun? Siguradong mas lalo kang hindi mabo-bored!" si Lorie.

Umiling ako. "They're busy. I invited them here but they don't have time."

"Oh..." nagkibit balikat siya.

"Edi kami nalang. Gusto mong maglaro ng game? Marami akong alam!" ngumiti si Mich.

"Talaga? Ano?"

Humalakhak si Johan na hawak ang isang gitara at pinapatugtog ito ngunit hindi sinasabayan ng kanta. Nanliit ang mga mata ko nang napagtantong magaling siya. Pamilyar sa akin ang tinutugtog niya pero hindi ko masabi kung ano iyon.

"Your games are purely for children, Mina. It's boring," she said.

Ngumuso si Mich at tumingin sa kanyang ate. "Masaya naman, ah? Van will definitely enjoy it!"

"Sus. Wag na, Van. That game is just for kids."

Mich snorted and glared at her sister. We laughed and continued the conversation.

That’s what happened to my day in the past few days. Palagi akong binibisita ng mga pinsan ko at nag eenjoy naman ako kapag nandyan sila. Hindi ako nabobored. At mabuti nalang hindi na nila ako pinilit na pumunta ulit ng school. Ayoko nang bumalik roon.

May mga susuotin na ang pinsan ko sa birthday ni Mommy. Meron na rin ako, pinatahi ni Mommy. Kabado ako habang inaayusan sa aking kwarto dito sa hotel kung saan gaganapin ang birthday ni Mommy. Tapos nang ayusan ng make up artist si Mommy kaya ngayon pinapanood niya nalang ako at pinapakalma.

"Everything will be alright. I promise you won't be disturbed by the media," she assured me.

I smiled and nodded. I kind of lost my nerve because of what she said. Hanggang sa natapos at sinundo na kami ni Daddy sa kwarto.

I'm wearing a red formal dress. My mother is wearing a white formal dress while my father is wearing a black tuxedo. Dad smiled when he saw me.

"You're so beautiful, anak..."

Ngumiti ako. "Thank you, Dad..."

Niyaya na kami ni Mommy na bumaba. Marami nang tao sa baba. Hindi ko inasahan ang dami ng tao roon. May mga media pa sa may pintuan na hindi pinapapasok ng mga bodyguards namin. Nagtungo agad ako sa mga pinsan ko nang nagpaalam sina Mommy at Daddy na pupunta na sa stage.

May iilan akong pamilyar na nakita. Nakita ko pa sa hindi kalayuan ang pamilya ni Audrey. Kumaway siya sa akin nang nagtama ang aming mga mata. Kumaway rin ako sa kanya at ngumiti.

Marami pa akong nakita roon hanggang sa natigil ang paglilibot ko ng paningin dahil nagsalita na si Daddy sa harapan.

Ang mga nakatayo at nagkakatuwaang guest ay natigil sa mga ginagawa at naupo sa kani kanilang upuan.

"Relax..." Johan smirked when she saw that I'm nervous.

"I'm relaxed, Johanna."

She grinned and didn't speak anymore. She really likes to tease me but I know she really wants to calm me down. Medyo nagtagumpay naman siya dahil medyo nainis lang ako sa kanya. Bahagya tuloy nawala ang kaba ko.

"Good evening, everyone..." marami pang sinabi si Daddy sa mga bisita.

Pagkatapos niya ay si Mommy naman ang sumunod. Nagpasalamat siya sa mga dumalo sa kanyang birthday. Kislapan ng mga camera ang nakita ko habang nagsasalita siya.

Dahil kabado ay hindi matigil ang mga mata ko sa paglilibot. Pinagsisihan ko agad iyon dahil sa pagbaling ko sa kaliwa ay nakita ko ang isang pamilyar na mga mata. Wearing a black tuxedo, so fresh and handsome, Brandon is sitting with his parents and sister in their table. Kumalabog ang puso ko nang nakita ang seryoso niyang mga mata habang nakatitig sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at hindi na muling bumaling sa kanya.

"I know all of you are confused why Elizabeth is in DSWD. Ayaw kong gawin ito sa araw ng kaarawan ng asawa ko pero nakiusap siya sa akin. Gusto niyang samantalahin ang araw na ito para masabi na sainyo ang katotohanan," Dad said.

Bahagyang nag ingay at nakarinig ako ng bulong bulungan. Binigay ni Daddy ang mic kay Mommy, seryoso ang mga mata niya. Mommy took it and she faced everyone, with confidence and grace.

"I'm sure you've seen what my husband said on TV. Many of you are asking why our daughter is in that place. Pero gaya ng sinabi ng asawa ko... Elizabeth is not our daughter..." bahagyang nanginig ang boses ni Mommy sa huling sinabi.

Nag ingay ang lahat at ang iba nagulat. Pero nagpatuloy si Mommy.

"I won't tell you how it all happened. I just want everyone to know that there was a little mistake in our family. Elizabeth is not our daughter and she's not an Agravante..."

My lips parted. I didn’t expect her to say that so straight!

"I'm sure many of you saw a picture of my husband and me at the airport. In that picture we had a girl with us. Many people are saying that she's Cassandra Juarez but no..." umiling si Mommy. "She's not Cassandra Juarez..."

Kumalabog ang puso ko.

"She's Nirvanna Cassandra Agravante, our daughter..."

Umingay ang buong paligid sa sinabi ni Mommy. Nagulat ang lahat at ang ibang nakakakilala sa akin ay napatingin sa gawi ko. Tinapik ako ni Louissa sa balikat at tumango siya. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Napatingin sa akin ang lahat.

"Anak, can you please be with us here?" malambing at nakatinging sinabi ni Mommy sa akin.

Kahit kabado, ngumiti ako at tumango. Dahan dahan akong naglakad paakyat ng stage. Sa amin nakatutok ang spotlight kaya hindi ko gaanong kita ang mga tao sa baba. Kaunti lang sa kanila ang nakikita ko at nakatulong iyon para ibsan ang kaba na aking nararamdaman.

"This is our daughter, Nirvanna Agravante," Mommy said proudly.

Mas lalong umingay ang lahat. Kislapan ng mga camera kaya bahagya akong napapikit.

"We won't say how this happened. We just want you to meet our real daughter. From now on, I hope you will recognize her as an Agravante, the daughter of Marvino and Pauline Agravante," Dad said.

Hindi pa rin makabawi ang lahat sa gulat. Tumingin sa akin si Daddy at bahagya siyang ngumiti. He gestured the mic to me and I immediately picked it up and addressed everyone who until now was still shocked.

"Good evening, everyone..." I greeted confidently. "My name is Nirvanna Cassandra Agravante. I know all of you are shocked but I hope you would accept me as an Agravante. And this is also my mother's birthday so I hope you wouldn't bother her. Let's just enjoy the night without questioning anyone of my family. I know you are all confused but it will be nice if we just continue this party peacefully. Enjoy the night, everyone! Thank for listening."

I smiled before looking at my parents who's looking at me proudly. I smiled even more and hugged the both of them. May iilang pumalakpak sa mga sinabi ko at ang iba naman ay hindi pa rin makabawi sa gulat. Pero kahit ganon, nagpatuloy pa rin ang party nang masaya. Iyon nga lang, marami ang lumapit sa akin nang nakabalik ako sa aming table.

"Good evening..." tinanggap ko ang kamay ng isang matandang babae at tumayo.

"So you are their real daughter. What should I call you, hija?" she asked with a smile.

"You can just call me Nirvanna, Ma'am," I said formally and smiled.

"Nice to meet you, Nirvanna. I'm Jocelyn Perez."

"Nice to meet you po, Mrs. Perez..."

Marami pa roong bumati sa akin. Even though I was not used to such things, I still tried to be formal. Marami na rin kasing kausap ang mga pinsan ko at ginagaya ko nalang sila kung paano sila makipag usap sa mga pormal at matataas na tao. Kabado ako pero taas noo akong humarap sa mga lumalapit sa akin.

This is how to be an Agravante. Akala ko noon madali lang, mahirap pala. Maybe it’s just because I’m not used to this kind of life. I’m not used to so many people asking my name, kung paano nila ako tatawagin, kung paano sila ngumiti na para bang gusto nilang makipag kaibigan. At higit sa lahat, ang pagiging pormal. Lumaki ako sa kalye, aaminin ko na yan. So it’s very hard for me to be formal, hindi ko alam kung paano makikipag usap ng maayos sa kanila.

But I did well, didn't I? Alam ko nagawa ko ng maayos kaya ayos lang ito. Oo, ayos lang 'to!

Sumakit ang paa ko sa heels na suot dahil sa ilang oras na pagtayo. Yeah, right. I'm not really used to such things. While my cousins ​​are still standing comfortably even though the heels they are wearing are even higher than mine.

I sighed and looked for my Mom and Dad. I found them not far away. They are talking to an old man with his family. Lumapit ako at hindi na muna sana makikisabat nang makita ako noong matandang lalaking kasing edad lang yata ni Daddy. He smiled when he saw me.

"Good evening, hija!" he greeted.

"Good evening, Sir..." pormal kong bati.

Tumingin sa akin si Mommy at Daddy at ngumiti sila. Agad nila akong niyaya sa kanilang tabi para maipakilala sa mga kasama nila. Ilang oras na namang pagpapakilala iyon pero tiniis ko dahil alam kong ito na ang magiging buhay ko simula ngayon.

"Mom, Dad... can I rest just for a minute?" sabi ko nang naubos ang mga lumalapit sa amin.

They both looked at me.

"I'm kinda tired. I'm just going to rest a bit."

Nag aalalang lumapit si Mommy sa akin. "Are you okay? You can rest in your room if you want. Kami na ang bahala ng Daddy mo rito."

Umiling ako. "I'm fine. Pagkatapos ko po sigurong magpahinga sa balkonahe. Magpapahangin lang po ako saglit."

Tumango sila. "Call us when you need something," Dad said.

I nodded again and said goodbye. I went to the balcony where there weren’t too many people. Kanina ko pa ito nakikita at parang gusto ko muna talagang magpunta rito. Nakikita ko rin kasi ang pagsayaw ng mga puno, mahangin, gusto ko munang magpahangin.

Marami pang lumapit sa akin habang naglalakad ako patungo roon. It was only a matter of time so I immediately went to the quiet balcony. Huminga ako ng malalim nang nakalanghap ng sariwang hangin. This is refreshing...

Wala na masyadong tao sa banda ko at medyo tahimik na rin. Naririnig ko ang kuliglig at ang pagsayaw ng mga puno. I put my arms around the balcony barrier and closed my eyes habang nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin.

My life is different now. It's different from Cassandra Juarez who lived a simple life back then. I'm sure everyone will know my name tomorrow. Everyone will know me. Kahit saan ako magpunta ay makikilala na ako.

Alam kong masasanay rin ako. Alam kong malalagpasan ko rin ang lahat ng ito.

I smiled as I closed my eyes and thought of my Mama's gentle face.

Ma... nandito na ang anak ninyo. Nandito na ako sa tunay kong pamilya. Salamat sa pag aalaga niyo sa akin. Hinding hindi kita kalilimutan. Hinding hindi ko kalilimutan ang pagmamahal na pinaramdam niyo sa akin.

Pagkatapos no'n ay huminga ako nang malalim at napangiti.

Tahimik akong nagrerelax roon nang nakarinig ako ng mga yapak palapit sa kung nasaan ako. Napadilat ako at nilingon agad ang aking likuran. Natigilan nga lang nang nakita kung sino iyon.

"I didn't know you were here..." agad na paliwanag ni Brandon, may hawak na whiskey sa isang kamay.

Really? Gusto kong makipag talo pero masyado na akong pagod para gawin pa iyon. Irritation dominated my heart but I never opened my mouth to speak. Nag iwas ako ng tingin at binalik nalang ang tingin sa harapan ng balkonahe.

I'm not leaving. Why am I leaving? Just because he's here? I'm irritated with him but I'm not leaving! Siya ang dapat na umalis!

"Are you okay?" he asked slowly, very careful of my possible reaction.

I turned to him and saw that he was also approaching the balcony barrier, looking at me. He was a bit far away kaya hindi ko na siya inaway roon.

Hindi ako sumagot. Matalim ang tingin sa kanya kaya mas lalo siyang nag ingat at nanatili nalang sa pwesto niya, hindi na lumapit pa.

He sighed. Tinitigan niya ako. Nag iwas ako ng tingin, nakakunot ang noo. Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa hanggang sa nagsalita siya ulit.

"You have been standing for so many hours. Does your foot hurt already?"

I looked at him again, hindi ko alam kung bakit tanong siya nang tanong. Nang nakita niya ang iritasyon sa aking mukha ay nagsalita siya ulit.

"Napansin ko kasi kanina na nahihirapan ka na sa paglalakad..."

So he's watching me, huh? Kaya paanong hindi niya alam na nandito ako? Pinapanood niya naman pala ako kanina pa. Tss. Sinungaling pa rin hanggang ngayon.

"I'm fine," I said coldy.

I saw him nodded. "Did you enjoyed the party?" he asked again.

"It's my mother's birthday. Bakit hindi ako mag eenjoy?" sabi ko na sa iritasyon.

He sighed heavily. "Don't be so difficult, Cassandra..."

Natawa ako at bumaling sa kanya. "Anong gusto mong itrato ko sayo? Pagkatapos ng panlolokong ginawa mo noon?"

Damn it! I lost it! Am I so bitter?

Dumilim ang mga mata niya. "Sinabi ko nang hindi ako natulog kasama si--"

"There's a picture, Brandon. Wag mo nang itanggi!"

"Elizabeth planned it. Para magkasira tayong dalawa."

Natigilan ako pero pina alala ko sa sarili ko na hindi na dapat ako magpaloko pa sa lalaking ito.

"I only slept alone in that room. She came in and took a picture of the two of us to look like we slept together but we didn't. Wala kaming--"

"Pwede ba? Sinabi ko nang wala akong pakialam. Kung ano man ang nangyari noon, wala na akong pakialam."

Ilang sandali siyang hindi nakapag salita sa sinabi ko.

"Wala ka nang pakialam?" bulong ngunit mariin niyang tanong.

"Oh, yes, Brandon. I don't care anymore. I already said that, didn't I? Do you want me to repeat it again?" hinarap ko na siya at humalukipkip ako.

"If you don't care anymore, why are you still so mad at me until now? If you don't care anymore, why do you still seem so mad that I slept with Elizabeth? Huh?"

There! Inamin niya rin! My heart ached so much but I didn't let him see it in my eyes.

"So inaamin mo nga na natulog ka kasama siya?" natawa ako. "Bakit patuloy mong tinatanggi iyan noon kung ganon?"

"I didn't slept with her..." he said emphatically, as if losing his patience.

"Kasasabi mo lang na natulog ka kasama siya. Bastard! Jerk!" hindi ko na napigilan.

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

Lumapit siya sa akin at mariin akong tinitigan. "Akala ko ba wala ka nang pakialam? Bakit galit na galit ka pa rin? Bakit, huh?"

"Malamang niloko mo ako. Tinapakan mo lang naman ang ego ko, you bastard!"

"Ego?" he smirked with no humor. "It's just your ego, huh?"

"Yes! It's just my ego! Ano pa bang iniisip mo? Na nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon?"

Hindi siya nagsalita.

"You wish, bastard! I was hurt but I've moved on. Ngayon hinding hindi na ulit ako magpapaloko pa sayo!"

Maglalakad na sana ako paalis nang higitin niya ang braso ko dahilan para mapabalik ako sa kanya!

"What the heck, Brandon!" I tried to get away from him.

"You moved on, huh?" he said firmly.

"Yes! Why? Did I step on your ego because of that? Galit ka na ba ngayon na may isang babaeng ayaw sayo? Kasi akala mo makukuha mo lahat? If so, I'll repeat it again. I moved on! I moved on already! Did I step on your ego properly, Brandon?"

He stared at me intently and didn't speak. I also stared at him intently and tried to get away but he wouldn't let me go!

"I'll make sure you will love me again, then," he said with certainty, tumaas ang mga balahibo ko sa sobrang pagseseryoso niya.

"That won't happen again. Let me go!" sigaw ko.

Gusto kong dumaing sa sakit ng paa ko pero hindi ko ginawa. Mas lalo akong nagpumiglas kay Brandon.

"I will prove to you that I am telling the truth... and you will love me again... so hard that you wouldn't be able to move on. Remember that, Cassandra..." he said firmly before letting me go.

Continue Reading

You'll Also Like

365K 19.2K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...