The Friendly Wedding (Season...

由 FGirlWriter

11.9M 284K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... 更多

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirty-Six

191K 4.7K 589
由 FGirlWriter

CHAPTER THIRTY-SIX

NANATILI sina Johann at Sapphire sa kuwarto ng huli. Hindi na nila alam kung anong nangyari sa ibaba dahil walang naglakas-loob sa kanila na lumabas at tumingin.

Nakahiga sila pareho sa malaking kama niya at diretso ang tingin sa kisame.

Naalala niya ang "tsismis" noon sa kanya ni Johann tungkol sa dalawang Santiago. Kinonekta nila iyon sa taong nagpapadala sa kanya at sa narinig nila kanina.

Clearly, ang mystery sender niya ay si Darwin Santiago. Akala niya ay ito rin ang totoo niyang ama. Not until they heard what August Santiago told her mom earlier. Malinaw sa pag-uusap ng mga ito na si Sir August nga ang tatay niya...

Ngunit bakit sa sulat sa kanya ni Sir Darwin, mas ito pa ang mukhang tatay niya?

"I'm confused."

Hindi nagsalita si Johann. Katulad niya ay mukhang pilit nitong binubuo ang puzzle sa isip nila.

Napabuntong-hininga siya at pinagpatuloy ang pakikipagtitigan sa kisame. Hindi pinanagutan ni Sir August ang Mommy niya kaya si Sir Darwin na lang ang umako.

So that means, both brothers loved her mother?

And wait, if Sir Darwin took responsibility, why did she grew up without a father?

Naalala niya ang kuwento noon ni Johann;

"Pinanagutan daw iyong babae. Pero tumakas iyong babae. Tinakas kasama iyong baby, eh."

Oh, life. The woman was her mother and she was the baby. Ang tsismis sa kanya noon ng asawa ay tungkol na sa buhay niya.

"Bakit hindi mo sinabing itinuloy mo? Bakit pinaniwala mo 'ko na-"

"Wala ka namang pakialam noon sa'kin at sa anak ko."

"Kaya sumama ka kay Kuya?"

"Kaya niya kong panagutan."

"Pero iniwan mo rin siya dahil hindi mo kayang mawala ang prinsesang buhay mo!"

Shit.

Dahan-dahan siyang napabaling kay Johann. "I had a conclusion."

Napatingin din ito sa kanya. "Naisip mo rin?"

At base sa tingin ng asawa ay parehas sila nang naiisip. She bit her lip.

"Totoo ang kinuwento sa'kin ni Mommy na hindi nga siya pinanagutan. But no one ever told me na may umako pala ng responsibility...Hindi kasingyaman nila Mommy si Sir D-Darwin... My mom can't live a simple life. Kaya tumakas siya from my father's brother at bumalik sa poder nina Lola..." she concluded. Hindi alam ni Sapphire kung bakit bigla siyang nakaramdan ng galit bigla.

All her life, she tried to avoid hating her mom for never giving enough attention to her. Pero ngayong nalaman niyang may tsansa pala noon na lumaki siyang may father figure, at ang Mommy niya ang may kasalanan kaya hindi iyon natuloy dahil umalis ito. For what? For luxury? For a well-off life?

Nakuyom niya ang mga kamay nang hindi niya namamalayan. Mabilis siyang bumangon at pumasok ng walk-in closet niya. Sinusian niya ang isang closet doon kung saan niya pinatago ang mga packages na pinadala sa kanya noong mga nakaraang araw.

Binuksan niya ang mga package na hindi niya pa nabubuksan. Sa isang box na medyo may kabigatan na naalala niyang pinakuha niya kay Mang Willy na muntikan na siyang mahuli ni Johann, may laman iyong mga gamit ng baby.

From feeding bottles to bibs. From little dolls to stuff toys. May mga lampin rin na nakaburda ang pangalan niya... Naghalungkat pa siya at nakakita ng isang picture.

May isang bagong panganak na baby ang natutulog sa picture. Tinignan niya ang likuran niyon.

Sapphire Danaya M. Santiago. July 18, 1986.

Welcome to the world, baby.

She can't recognize the handwritting. Ngunit sigurado siyang hindi iyon sa Mommy niya. Marahan siyang huminga ng malalim. Bigla siyang may naramdamang kirot sa dibdib.

Tinignan niya pa ang loob ng box pero wala nang ibang laman iyon. Sinubukan niyang buksan ang isa pang package na kasing laki lang ng shoe box. Napasinghap siya nang makitang mas marami pang baby pictures niya ang nandoon. At kahit kailan ay hindi niya pa nakikita ang mga iyon.

Hindi niya alam kung bakit naginginig ang mga kamay niya habang tinitignan isa-isa ang mga larawan at ang nakasulat sa likod niyon.

One month old Saphi. Such an angel. August 18, 1986

Two month old Saphi. Most wonderful baby girl. September 18, 1986.

Three month old Saphi. Baby, you brought colors in to my life. October 18, 1986.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makakita ng larawan kung saan may braso ng isang lalaki ang nakikita sa picture ngunit hindi ang mukha nito. Nakasandig siya ang baby sa braso ng lalaki na parang kilalang-kilala nito ang kasama. And the baby was smiling. She was smiling there while lying on a man's arms.

Seventh month and you first smiled at the camera, Sapphire. When I held you, you automatically smiled and clung to me. You're so precious like your name. You are mine, my baby girl. In my heart, you are my daughter. March 18, 1987.

"Oh, my god." Mas lalong sumikip ang dibdib niya. Naramdaman niya na lang ang pagdantay ng kamay ni Johann sa balikat niya. Hindi niya namalayan na kanina pa pala ito sa likod niya.

Marami pang mga pictures na sumunod. Nahinto siya sa larawan niya na nakadapa sa kama at nakangiti ng malaki na labas pa ang maliliit niyang ngipin. She wasn't smiling at the camera but maybe she's smiling at the person holding it.

Eleventh month. You already said 'Dada' and 'Love you'. Daddy loves you, too, Sapphire baby. Daddy will forever love you. June 18, 1987.

Naghanap pa siya ng pictures pagkatapos ng eleventh month. But there was no more. Nagpakurap-kurap siya habang nakatingin sa kalat-kalat ng mga larawan sa dresser niya.

Parang namanhid ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit parang naiiyak siya. There were just damn pictures with captions! Pero maraming emosyon ang napukaw niyon sa kanya.

May tumayong tatay para sa kanya. Once. She had a father. Clearly, that Professor Darwin Santiago loved her not just his niece but his own daughter.

He kept track on her while she was a baby. Base on the captions, he was a loving father.

Nanghihinang napaupo siya sa sahig. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Hindi niya pa naman kasi alam ang totoong nangyari sa mga ito. Ngunit isa ang malinaw sa kanyang emosyong.

Panghihinayang. Dahil kahit hindi niya totoong ama si Sir Darwin, kamag-anak niya pa rin ito. And he could have been her proud father. Naranasan niya sanang lumaki ng may ama kundi lang tumakas ang Mommy niya rito...

"Misis..." mahinang bulong ni Johann mula sa likod niya. Pumalibot ang mga braso nito sa baywang niya.

"I-I...I don't know what to feel..." wala sa sariling nasambit niya. Bagsak ang mga balikat niya.

"Siguro, ito ang sagot sa tanong mo kung makikipagkita ka ba kay Sir Darwin o hindi."

Napalunok siya. Sumandal siya sa dibdib nito at napapikit. She tried to focus on something. Pagkuwa'y parang may narinig siya sa likod ng isip niya kasabay ng pagkabog ng puso niya.

Yes. She really needs to see and meet Darwin Santiago. Dito niya gustong malaman ang lahat.

***

"HELLO? Sir Darwin Santiago? Opo. Si Johann po ito. Good evening po, Sir. Ahm..." Napatingin sa kanya si Johann. Sapphire urged him to continue talking.

Hindi niya alam kung paano kakausapin si Darwin Santiago. Kaya naman si Johann ang pinag-dial niya ng numero nito at ito na lang rin niya ang pinakausap niya.

Parang hindi rin alam ni Johann ang sasabihin. "Ahm, Sir...ano po kasi, alam ko na po na... may koneksyon po kayo sa asawa ko po." Napangiwi si Johann. Hindi nito alam kung tama ba ang pagkakadiretsa nito sa propesor.

"Yes, Sir. Opo. Alam niyo po pala pero hindi niyo po nabanggit sa'kin. Ayos lang po, Sir. Pero po, ahm... iyon nga po, kaya po ako napatawag para po kay Sapphire..." Tumikhim ito. "Interesado po ang asawa ko na makipagkita sa inyo."

"Kailan daw?" Johann silently mouthed.

"Now. This evening. Dinner outside," she whispered.

Tumangu-tango si Johann. "Sir, ngayon daw po sana kung puwede kayo. Pasensya na po kung biglaan... Ayos lang po?... Opo. Sige po. Kayo po, saan po kayo mas convenient?... Ah, sige po." Napatingin si Johann sa orasan. "Mga eight PM po. Okay, Sir. Thank you po."

Pagkababa ni Johann nang tawag ay tapos na rin mag-ayos si Sapphire.

"Ready ka na talaga?" paninigurado ng asawa sa kanya.

"I want to know everything. I badly want to know," mariing wika niya. "So, I believe I'm ready."

"Puso mo nakahanda ba?"

"I-I...think so...Yeah."

"May narinig akong hesitation."

Inikot niya ang mga mata. "Don't confuse me, Johann. Please."

"Hala. Nagtanong lang, eh. Hindi naman kasi ibig sabihin na gusto mong malaman ang isang bagay ay handa ka na ngang malaman talaga iyon. Halimbawa, gusto mong malaman kung paano makipag-ano. Eh bata ka pa, kaya hindi pa ka handang makipag-ano."

"Ano?"

"Sex."

"Ah, basta! I need to know the truth now!"

"Bakit hindi mo muna kausapin ang Mommy mo?"

"Ayoko," matigas niyang sabi. Hinila niya na ang kamay ni Johann at lumabas na siya ng kuwarto niya sa mansyon.

Tahimik ang buong kabahayan. Bago sila makababa ay nakasalubong nila ang Mommy niya na mukhang nagulat nang makita sila.

"Magandang gabi po, Mommy," magalang na bati ni Johann rito.

"Oh! What a surprise! Nandito pala kayong mag-asawa." Ngumiti ito. "Kararating niyo pa lang ba?"

"No, Mom. We've been here since morning. I showed Johann our new car."

"S-Since morning?" Parang bigla itong namutla. "K-Kanina pa kayo...?"

"Yes. Kanina pa. At narinig ko rin nang dumating ka kaninang hapon."

Nanlaki ang mga mata ng ina at hindi ito agad nakapagsalita. Masama niyang tinignan ito. Lalo niyang naramdaman na marami pa ring tinatago sa kanya ang sariling ina.

"Is he my real father? He's Augustine Santiago, right?"

"S-Sapphire..."

"Is he my father?" ulit niya nang mas mariin.

"Anak..." parang maiiyak na ang Mommy niya.

"Damn, Mom! Just answer me!" sigaw niya na rito.

"Sapphire," narinig niyang saway sa kanya ni Johann.

"Y-Yes...h-he's your father."

And that's all she needs to know. Mabilis na siyang tumalikod at bumaba ng hagdanan.

"Anak, s-saan ka pupunta?" habol ng ina.

Hindi niya ito sinagot at nagtuluy-tuloy lang sa pagbaba. Narinig niyang humingi ng paumanhin dito si Johann bago siya sinundan.

Nasa garahe na sila nang inutusan niya ang isang kasambahay na buksan ang malaking gate. Agad rin siyang sumakay ng bagong kotse pagkabukas niyon ni Johann.

"Ang bastos mong anak, ah," saway sa kanya ng asawa habang nagmamaneho na ito palabas ng gate. "Naiintindihan kong galit ka sa nanay mo, pero hindi mo dapat siya sinagawan ng ganoon. Alam kong nagugulat ka sa mga pangyayari. Pero hindi excuse iyon para mambastos ka ng magulang."

Nilukob siya ng guilt dahil sa nagawa niyang pagsigaw sa ina. Ngunit, hindi iyon ang kailangan niyang isipin ngayon.

"I know, Johann. I know. But please...don't make me feel guilty right now. Don't make me feel that you're going to hate me too because I shouted at my mom. I need you now. Ikaw lang kakampi ko..."

Nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito at pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Nagpakawala ito ng hininga at saka tumango.

"Nandito lang ako sa tabi mo," he assured her.

Pagkadating nila sa isang Chinese restaurant kung saan sila umayon na makipagkita ay parang di magawang makakilos ni Sapphire. Lalo na nang matanaw niya mula sa labas ang taong may malaking koneksyon pala sa kanya.

She met sir Darwin once. It was the same day that she first met her biological father, Si August. Pero kahit sino sa dalawa ay wala siyang naramdamang kakaiba o "lukso ng dugo" as what they call it. Tuwing dinadala siya ni Johann sa campus ay parang normal lang ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang dalawang propesor.

Well, she remembered na magaan ang loob ni kay Sir August dahil parang si Johann ang huli. Pero, siguro kasama na roon ang fact na tunay na ama niya kasi ito.

"Misis?"

Napalunok siya at napatingin kay Johann. Parehas na silang nakalabas ng kotse ngunit hindi siya makapaglakad.

Sumilay ang isang ngiti mula sa asawa niya. "Tutuloy pa ba tayo?" mahinahong tanong nito.

Tumingin ulit siya sa loob ng restaurant. Nandoon na sila. Ayaw niyang sumuko pa. Dahan-dahan siyang tumango sa tanong ng asawa.

Nilapitan siya ni Johann at nagsalikop ang kanilang mga kamay.

"Kapit ka lang sa'kin," bulong ng asawa sa kanya habang unti-unti na silang naglalakad papasok sa loob ng resto. "Magiging ayos rin ang lahat."

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito at pagkapit niya sa braso nito.

When they were finally faced to faced with Sir Darwin, hindi magawang makapagsalita ni Sapphire dahil sa dami ng mga salitang nasa isip niya na nag-uunahan makalabas sa bibig niya.

"Magandang gabi po, Sir," bati ni Johann at saka nakipag-kamay sa kapwa propesor.

"Magandang gabi rin sa inyo," pormal na pagbati pabalik ng matanda. Ngunit nang sumulyap ito sa kanya ay bahagya itong napangiti at nakita niya ang pagkislap ng tila walang buhay nitong mga mata.

Pinaghila siya ni Johann ng upuan. Umupo siya sa tapat ni Sir Darwin at si Johann ay umupo sa tabi niya.

There was an awkward silence for a while. Buti na lang at na-suggest ni Johann na um-order na ng pagkain. Pagkatapos maka-order ay tumikhim ang asawa niya.

"Sir Darwin, alam ko pong marami kayong gustong sabihin kay Sapphire. Ayos lang po ba kung hindi ko kayo puwedeng maiwan? Kailangan po kasi ako ng asawa ko sa tabi niya."

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Johann na nakapatong sa hita nito.

"Walang problema sa'kin," sabi naman nito.

Palihim na inobserbahan niya si Sir Darwin. Makapal ang suot nitong salamin, he has grayish hair, obvious laughlines and wrinkles...ngunit kung titignan mabuti ay hindi nga ito ganoon katanda. Siguro ay anim hanggang pitong taon lang ang tanda nito sa kanyang Mommy.

"May gusto lang po akong malaman," diretsang sabi niya bigla.

"Ano iyon, hija?"

"You're not my real father."

Umiling not. "Biologically not. Anak ka ng nakababata kong kapatid. Pero para sa'kin, anak kita, Sapphire. Anak kita," malumanay na sabi nito.

Napayuko siya sandali at napapikit. She uttered a short silent prayer for a while. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napapadasal. Johann's influence, of course.

Huminga siya ng malalim bago dinilat ang mga mata. Sinalubong niya ang tingin ng matandang Santiago. "Gusto ko lang pong malaman ang tunay na istorya. Let's skip the part that your brother got my mother pregnant. And you owned the responsibility. Why?"

Sumandal ito sa kinauupuan. Tipid na napangiti. "Dahil noong mga panahong iyon, may palihim akong pagtingin sa Mommy mo. Pero hindi ko siya puwedeng ligawan dahil disiotso pa siya noon at estudyante ko siya. Anim na taon ang tanda ko sa kanya. Handa sana akong maghintay na makapagtapos siya ngunit... naunahan na 'ko ng kapatid kong si August. Kaya nang mabuntis siya at hindi kayang mapanindigan ng kapatid ko, inako ko. Dahil hindi kaya ng puso ko na mag-isang maghirap si Mercy sa pagbubuntis. Umalis ako sa trabaho at lumipat ng ibang eskuwelahan para hindi na mas lumaki ang isyu. Umalis na rin noon si August at pumunta sa ibang bansa. Hindi niya lang alam na... na tinuloy ni Mercy ang pagbubuntis at pumayag ang Mommy mo na sumama sa'kin."

Conclusion number one is right. Mahal din nito ang Mommy niya noon.

"I... I saw my baby photos." Napakurap-kurap siya.

"I kept it for the last twenty-eight years."

"W-Why?"

"Why what?"

"Bakit niyo tinago at iningatan?"

"Dahil iyon lang ang mayroon akong alaala sa'yo pagkatapos umalis ni Mercy at bumalik sa poder ng mga magulang niya." Napayuko ito. "Ipagpaumanhin mo sana, anak."

"S-Sorry for what?"

Tumingin ito sa kanya at malungkot na ngumiti. "Dahil mahirap lang ako. Dahil simple lang ang kaya kong ibigay sa inyo ng Mommy mo noon. Ipagpatawad mo nang ilayo ka ni Mercy, hindi kita naipaglaban..." Nagkibit-balikat ito. "T-Talo ako, eh... Hindi ako ang totoo mong ama at mas maibibigay ng mga Monteverde ang lahat-lahat sa'yo."

Nangilid na lang bigla ang luha sa mga mata ni Sapphire. Bakit ganoon? Ramdam na ramdam niya sa boses nito na talagang malungkot ito sa pagkawala niya sa buhay nito? Bakit ganoon ito kaapektado kahit hindi naman ito ang totoo niyang ama?

"I was only twenty-four years old, then. Hindi pa ganoon kalaki ang kita ko sa pagtuturo. Pero sapat naman iyon para mabuhay ko kayo ng Mommy mo. Pero, naiintindihan ko na hindi sanay sa simpleng buhay si Mercy. Nakikita ko kung gaano niya gustong makabili ng isang bagay pero hindi ko magawang ibili iyon para sa kanya dahil nag-iipon ako sa panganganak niya. Nakapagtiis naman siya hanggang sa ipanganak ka niya." Napangiti ito nang malaki na parang may naalala. "You were exactly 6.9 pounds when Mercy gave birth to you. Malakas kang umiyak. Ibig daw sabihin noon, malakas rin ang baga mo. You were healthy and has no complications. Alam ko pamangkin kita, pero nang una kitang makita...inako na kita para sa'kin. Anak na kita. S-Sabi ko, ibibigay ko sa'yo ang hindi kayang ibigay ng kapatid ko. Dito sa puso ko, akin ka. Mamahalin kita ng totoo. Palalakihin kita na puno ng pagmamahal ng isang tatay."

Napalunok siya. Naramdaman niya ang pagkirot ng puso. Now, it does not matter kung totoo niyang ama ito o hindi na gustong magbigay sa kanya ng pagmamahal bilang ama.

"Mula nang ipanganak ka hanggang sa bago ka mag-isang taong gulang, lahat ng galaw mo, binabantayan ko. Unang iyak, unang tawa, unang salita, unang ngiti... tuwing nakikita kita pagkagaling ko sa trabaho, nawawala ang pagod ko. Mas nagsusumikap ako na mas magtrabaho pa ng husto para maibigay ko sa inyo ang lahat. But before you turned one, Mercy left. Tinakas ka niya habang nasa trabaho ako. Umuwi siya sa mga Lola mo. Naintindihan ko siya."

"My mom left you for wealth?"

"Hindi sa ganoon...Mahigit isang taon din siyang nagtiis sa buhay na kasama ako. Alam kong kaya niyang magtagal sa buhay na ganoon kung..."

"Kung ano?"

Malungkot na tumingin ito sa kanya. "Kung natutunan niya lang akong mahalin."

Sumikip ang dibdib ni Sapphire. Nanghihinayang siya. Hindi lang ito natutunang mahalin ng Mommy niya, nawala na rin ang oportunidad para rito na maging ama. Lumaki siyang walang ama dahil doon?

Nagalit pa siya sa lahat ng lalaki... sa mga naging boyfriends ng Mommy niya dahil akala niya biktima rin ang Mommy niya. Iyon pala, may handang magpakatatay para sa kanya pero mas pinili ng Mommy niya na...?

Napailing siya. All her life, she refused to hate her Mommy. Ayaw niyang magalit sa ina. Pero ngayon, her heart easily went for Sir Darwin.

"Wala akong planong manggulo sa buhay mo, anak. Gusto ko lang na mas mapalapit sa'yo. Pasensya na kung natagalan ako. Gusto ko kasi na sa pagbalik ko, may sapat akong pera para hindi ka maghinala sa pakikipaglapit ko sa'yo. Oo, hindi ako ang totoo mong ama. Pero sa puso't isip ko ay anak kita. Anak kita..." Ngumiti ito. "Ipagpaumanhin mo kung inaako ko ang pagiging ama mo. Naranasan kong hindi matulog sa gabi para mapatahan ka, nagtimpla ako ng gatas mo, nagpalit ng lampin mo, tinuruan kitang magsalita, maglakad...nakakatulog ka sa mga bisig ko ng mapayapa... Sobrang naging malapit ka sa puso ko, Sapphire. Napatunayan kong ang pagiging ama ay hindi lang nababase sa laman at dugo, ang pagiging ama ay sinasapuso. Kahit hindi mo totoong anak, kung nabibigay mo ang lahat ng pagmamahal mo bilang ama sa kanya, sino ka para hindi tawaging magulang?"

Marahang inabot nito ang isa niyang kamay sa ibabaw ng lamesa. At sa paraan ng paghawak nito roon na hinayaan niya ay parang may kung anong humaplos rin sa puso niya.

"Masayang-masaya ako ngayon na nakaharap na kita. Na malaya kong masasabi lahat. Mahal kita, anak ko. Hayaan mo sanang kahit ngayon lang, maging ama ako sa'yo."

Sapphire started crying. Damn the tears for falling. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya kay Johann. And he let go of her. Alam nito ang gusto niyang gawin.

Tumayo siya at lumapit sa kanyang ama...Oh, it does not matter anymore if he's not her biological father. Kung tinuturing siya nitong totoong anak, then she'll treat him as her true father also. Umupo siya sa tabi nito at niyakap ito nang mahigpit.

And when she's inside his arms, she felt a wonderful feeling that she was searching for so long-a father's love.

Naramdaman niya ang maingat na paghalik nito sa kanyang sentido. "Salamat, Sapphire. Binigyan mo 'ko ng tsansa na makalapit sa'yo," madamdaming saad nito.

Napangiti siya at pinahid ang mga luha. "I should be the one to say thank you. Wala kang responsibilidad sa'kin kung tutuusin but you continued to love me as your own child. Thank you... thank you, Daddy."

Napaamang pa ito sandali dahil sa tinawag niya rito. After a while he smiled widely and hugged her again.

Nang mapatingin siya kay Johann ay pasimpleng pinupunasan nito ang mga luha sa gilid ng mata. Nagsalubong ang mga tingin nila at napangiti agad ito. Nag-thumbs pa ito sa kanya.

"Sir, here's your order. We are sorry for the delay. Nagkaroon lang po ng kaunting problema sa kitchen," sabi ng isang waiter kay Johann.

"Ah, okay lang. Okay lang. Ang ganda nga ng timing niyo, eh."

Naghiwalay na sila sa pagyayakapan ni Sir-no, ni Daddy Darwin at nagkangitian habang nilalapag ang mga pagkain sa table nila.

Naisip ni Sapphire, napakaraming nangyari ngayong araw. Parang kanina lang, pinag-iisipan niya pa kung makikipagkita ba siya sa ama. She and Johann prayed.

And this is the answer. Sa susunod na lang siya makikipag-dwell sa Mommy niya at sa biological father niya.

Daddy Darwin deserved her whole time now. At sisiguraduhin niya na hindi ito ang huling pagkain nila sa labas. She suddenly felt the rush to bond with him!

"Ito na po lahat ang order niyo, Sir. Don't hesitate to approach us if you still need anything."

Tumango si Johann at bahagya pang nag-bow. "Harigatou!"

Napakunot noo siya. "Mister, nasa Chinese restaurant tayo. Hindi Japanese!"

"Ay!" Nag-peace ito sa waiter. "Wrong number ako. Sorry."

They all shared a good laugh.

Kinindatan pa siya ng mister. Well after the drama, expect Johann to make things lighter.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

繼續閱讀

You'll Also Like

3.1M 73.5K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
647K 24.8K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...