ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 39: Museum of Technology
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 52: One More Death Case
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 58: The Entering
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 65: The Director's Elite Kids
Chapter 66: Failed Mad Mission
Chapter 67: The Fighters
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 72: Genes
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 68: The Fighters (Part 2)

6 2 0
By Sentisimo

Sa labang naganap sa pagitan ni Kenneth, naging mabilis lamang ang laban. Maingay nga lang ang naging kalaban niya dahil may abilidad itong napakalakas sumigaw na pipiliin mo nalang lumayo bagkus ayaw mong masiraan ng ulo pati ng tenga.

Babae ang nakalaban niya kaya dominante siya sa labang ito. Hindi na rin nakakatuwa para kay Kenneth ang labang ito kung kaya't mabilisan niya itong tinapos.

Despite of the girl long range ability, napag-alaman ni Kenneth na maaari counterfeit nito ang kahinaan nito sa close range. Lagi lamang sumisigaw ang babae at walang balak kunin ang laso kay Kenneth.

Takot rin ang nararamdaman ng babae na matalo siya kung kaya't pinapatagal niya ang oras.

Naririndi na rin ang mga manonood na kahit medyo malayo sa laban ay naririnig pa rin nila ang bwiset na tili ng babae.

Hindi na nakapagpigil ang iba kung kaya't lumalayo na sila habang takip-takip ang tenga.

"Ibigay mo na yung laso, parang walang balak 'yan magpatalo." Sigaw ni Zeus.

Kumuha si Kenneth ng bato kung sakaling sumigaw muli ito, ay ihahagis nito sa bunganga nito ang bato. Subukan daw niya baka sumigaw ito ng Darna!.

Binato ito ni Kenneth papunta sa direksyon ng babae pero umilag lang ang babae.

Hindi na kailangan pang umilag ng babae dahil sinadya talaga ni Kenneth na ilang sentimetro ang layo sa pagkakadaplis nito mula sa tenga.

Kenneth timed and tight his plan gone at the right way. He focused his mind at the swift moving rock and then use his ability to exchange the position.

Afterward, Kenneth successfully transport himself at the back of the girl saying her end.

"You lose," bigkas nito malapit sa tenga na pabulong. Habang nasa kamay na nito ang laso ng babae. Mabilis siyang lumayo rito baka sigawan pa siya.

-

Sa sumunod na laban, hindi inaasahan ni Jwyneth na sa lahat ng makatutunggali niya, bakit ito pang babae na ito. Ang babaeng ahas na siyang kabit ng ex niya na
nagngangalang Fionna.

Sa totoo lang, wala namang intensyon na manggulo ng relasyon si Fiona, parehas lamang silang sinaktan ng Ex ni Jwyneth kung kaya't nagkagulo-gulo na. Hindi rin alam ni Fiona na meron pa palang relasyon na namamagitan kay Jwyneth at sa Ex nito. Napaikot kasi siya sa mga sinabi ng ex ni Jwyneth na kesyo ganito siya,
walang oras sa kaniya at wala na raw namamagitan sa kanilang dalawa; kung kaya't nabitag siya. Nabitag siya ng lasing na mga salita.

Matapos ang araw na iyon, nawalan na ng balita ang dalawa sa lalaking nanira ng tiwala nila.

Sinubukang makipagkamay ni Jwyneth kay Fiona sa kabila ng medyo galit niya rito. Kaya naman niya itong palampasin at patawarin ngunit hindi pa ito humihingi na tawad sa kaniya. Hindi naman niya ito masisisi dahil talagang may kasalanan din siya sa dating relasyon niya.

Nakipagkamay naman si Fiona sa kaniya matapos ang ilang segundong pagdadalawang isip. Magagamit niya rin kasi ang advantage na ito laban kay Jwyneth kaya hindi na niya pinalampas pa.

Pinatunog na ang batingaw at nagsimula na ang laban ng dalawa. Kakaiba ang naging laban ng dalawa kung kaya't ang mga manonood ay tila walang naiintindihan sa bawat nangyayari.

Ang isa't isa lamang ang nakakaintindi sa labang ito dahil ito ay tungkol lamang sa kanilang dalawa. Sa kamayan ng dalawa kanina, parang naging advantage na ng dalawa ang magkaroon ng contact sa isa't isa.

Gamit ang abilidad ni Jwyneth, na kaya niyang palabasin ang aura ni Fiona.

Nakita ng lahat ang aura ni Fiona dahil kay Jwyneth. Nakaya na ni Jwyneth na palabasin ang aura ng tao para masaksihan ng lahat na nagsasabi siya ng totoo.

Mula sa malayo, naintindihan na ni Teody na ganito ang abilidad ni Jwyneth habang pinanonood niya ang laban. Ang aura ng tao ang siyang nagbibigay indikasyon kung ano ang nararamdaman nito. Kung sino ang magkaroon ng pisikal na kontak sa pamamagitan ng paghawak ni Jwyneth sa ibang tao, makikita niya ang aura nito, at dumating sa puntong kaya na niyang ipakita ang nakikita niya sa maraming tao.

Fiona emits orange aura indication of being guilty and worry to the person she have battle with. Yes, she was guilty at everything na sana hindi nalang siya naniwala sa ex ni Jwyneth and at the same time, feel worry for Jwyneth.

Nang ma-recognize na ni Fiona na ginagamitan na siya ng ability ni Jwyneth, siya naman ang gumawa ng paraan para matanggal ng bisa ito.

Pumasok siya sa isip ni Jwyneth at pinatitigil niya kung ano ang bagay na ito. Pinaintindi ni Jwyneth sa kaniya kung ano ang nagagawa nito.

"You were at state of guilt and worry. About what? about who? and why?"

"Wala ka nang pakielam doon. Stop this." Ani ni Fiona.

Nasa loob ng parallel subconscious ang dalawa na gawa ni Fiona. She has ability to communicate to the person she had physical contact with. In this dimension, kaya niyang gawin lahat. She was powerful there. Walang magagawa si Jwyneth kung magkataong magamit sa kaniya ang ability na iyon.

"Kung hindi mo tatanggalin ito, ako na ang bahala sa konsensya mo." Taas kilay nitong ani. Parang nahulog si Jwyneth sa madilim na parte ng dimension na iyon. Nahihilo siya dahil hindi ito ang tunay na mundo. She was under Fiona's ability. Ang mga manonood ay wala paring maintindihan.

Sa loob ng dimension na iyon, pinapakita kay Jwyneth ang lahat. Ang lahat ng bagay na dapat bigyan ng konsensya at konsiderasyon.

AT THE ASTRO PARK (BENCH)
Pinakita sa kaniya ni Fiona kung gaano kalungkot si Kenneth ng iwan niya ito ng gabing magtapat ito sa kaniya. Napaluha si Kenneth sa sarili nitong braso. Tinangka ni Jwyneth na hawakan si Kenneth pero parang hamog lang itong hindi niya mahawakan.

AT THE MAZE (BRIDGE)
Nagbago ang scenario, nakita niya ang sarili niya na nasa tulay at litong-lito. Pinaranas sa kaniya kung paano mahulog sa walang hanggang butas na iyon. Lulang-lula siya at padilim ng padilim sa parteng iyon. Nakita niya si Kenneth na nalaglag rin sa madilim na parte na iyon. Sinubukan niyang abutin ang mga kamay ni Kenneth pero naglaho lang itong tulad ng isang bula.

AT THE HIDDEN PLACE (WHEN KENNETH WAS UNDER CONTROL OF WYN DAIL)
Pinakita sa kaniya ang scenario na kung saan hinalikan siya ni Kenneth, wala siyang naaalala na nangyari iyon, pero ang naaalala lamang niya andun siya sa scenario na iyon at natagpuan niyang umiiyak si Crystal Gail.

Na-realize nalang ni Jwyneth na
nakasira siya ng isang relasyon. She didn't know how or why did she do that. But wala siyang intensyon na manira ng relasyon. Then suddenly, after Jwyneth witnessed all of those scenario, Fiona appears from her side saying all things that can burst out Jwyneth's feeling.

"Tignan mo, sino sa atin ang dapat maguilty? Sino sa atin ang dapat
manghinayang? Naranasan mo na rin pala ang manira ng relasyon NANG HINDI SINASADYA. How silly. How cruel you are. tsk tsk tsk Tignan mo, lagi ka nalang walang alam," ani ni Fiona.

Bumagsak ang luha ni Jwyneth. Unti-unting nagsink-in sa kaniya ang mga pangyayari. Kung paano naging maintindihin si Kenneth sa kaniya, Kung paano siya niligtas nito at kung papaano niya sinira ang kaligayahan nito na hindi niya sinasadya.

Kinakain na siya ng kaniya konsensya. Paano niya nagawa ang mga bagay na ito?

"Hin.Hindi. Hindi ko sinasadya..." tangis nito.

"Sabihin mo sa kaniya." Turo ni Fiona sa imahe ni Kenneth. Pumitik si Fiona at ang lahat ay parang naglaho sa parang mga alikabok nilipad lamang ng hangin. Bumalik sila sa tagpo na madilim ang lahat at isa't isa lamang ang kanilang nakikita.

Binigyan pa muli ng isang vision si Jwyneth na nagsilbing paalala sa kaniya. Pinakita ni Fiona kung paano naging girlfriend si Jwyneth sa ex nito. Walang gaanong oras, bitin ang usapan, hindi makaayon sa gusto ng isa't isa dahil may mga bagay pang dapat unahin, at nalilimutan na ni Jwyneth ang mga masasayang bagay na mabilis niyang kinalimutan sa isang pagkakamali lang ng kaniyang ex.

"Hindi niya sinasadya na magkamali. Gusto niya lang ng atensyon mo. Gusto niya lang magkaroon kayo ng oras sa isa't isa. Gusto lang niya na maramdaman mo na nandyan lang siya sa tabi mo upang suportahan ka. Pero ikaw, hindi mo pinaramdam sa kaniya iyon kung kaya't humanap siya ng iba. Nilayuan ko siya ng araw na iyon, para sa'yo at para rin sa kaniya, mahal ka pa rin niya trust me." Patungkol ni Fiona sa Ex ni
Jwyneth.

Nakatakip lang ang mukha ni Jwyneth habang patuloy ito sa paghikbi. Inalalayan siya ni Fiona. Hindi alam ni Jwyneth kung ano na ang kaniyang gagawin.

"Kailangan mong magsorry sa lalaking iyon." Kasabay ng pagpitik ni Fiona-ng iyon ang pagbalik nila mula sa parallel dimension na iyon papunta sa reyalidad.

Nagyakap ang dalawa kasabay noon ang paghatak ni Fiona sa laso ni Jwyneth.

Kita sa mukha naman ni Ms. Nikka ang gulat dahil sa ilang minuto lamang nakatayo at nakapikit ang dalawa, nagyakap lang, may nanalo na.

Tumawa nalang si Jwyneth habang may dumadaloy pang luha sa kaniyang pisngi. Pinahid niya ito gamit ang kaliwang kamay.

Ini-angat niya ang kaliwang kamay ni Fiona bilang tanda na ito nga ang nanalo. Napabulong nalang si Jwyneth ng salamat dito. At
tumango naman si Fiona bilang pagtanggap nito sa pasasalamat.

"He protects you more than you know!" Ani ni Fiona habang nakangiti. "Nasaan siya?" Hindi naman sumagot si Fiona sa tanong ni Jwyneth.

-

Matapos ang laban, pumasok sa gitna ang dalawang magtutunggali. Marami na rin ang may espekula na ang lalaki mula sa kanan ang siyang magwawagi dahil may malaki itong katawan ngunit may katamtaman lamang na taas.

Sa kaliwa naman ang isang lalaki
na sakto lang ang kapayatan at may katamtaman ring taas.

Mula sa kanan, naroon si Alex habang ang pumasok mula sa kaliwang bahagi ng entablado ay si Angelo.

Nakangiti lamang si Alex na punong-puno ng kompyansa sa sarili. Samahan pa ng lakad nito na punong-puno ng angas kaya nga lang, lakad penguin.

Inilahad ni Alex ang kaniyang kanang kamay. Sinundan naman ito ni Angelo at ramdam niya ang magaspang na palad ni Alex.

Tumingin lamang ng blanko si Angelo kay Alex tanda na wala itong pakielam kung ano pa man ang gawin nito sa kaniya.

Alam ng lahat na may kakaibang lakas si Alex. Sumpa nga kung hindi ito nakontrol agad. Pero si Angelo, hindi pa nito talaga natutuklasan ang kaniyang abilidad.

Hindi niya alam kung paano siya makaka-survive sa labang ito. Pero dadaanin nalang niya sa close combat.

FLASHBACK

Nang umagang iyon naghaharutan lamang si Angelo at si Matheo sa kanilang unit.

Magkatabi silang natulog dahil ibig ng isa't isa. Kalandian!

May unan na naghihiwalay sa kanila para walang mangyaring hindi inaasahan.

Nagtitinginan lamang ang dalawa na pawang mga bata lamang. Mga mata lamang nila ang kanilang nakikita mula sa unang humaharang sa isa't isa. Kumukunot ang noo ni Angelo dahil gusto niyang paunahin maligo si Matheo sa araw na ito. Ganun din naman ang gusto ni Matheo, na si Angelo na muna ang mauna bagkus tinatamad rin ito.

Nagpatagalan ang dalawa sa titigan hanggang umabot na sa kilitian. Kahaharot!

Nauna si Angelo na maligo sa sarili nilang banyo dahil wala naman siyang magagawa dahil mas nilalamig si Matheo. Sino bang hindi lalamigin e magdamag na nakahubad?

Matapos maligo, hinarap ni Angelo ang cabinet upang maghanap ng t-shirt. Behind his back, Matheo hug him ang plot his own chin to Angelo's shoulder.

"Ginagawa mo?" Ani ni Angelo

"Naglalambing?"

"Sira ulo ka, tigil mo nga, mamaya pumasok si Marthia, makita pa tayo."

"And so what? At least alam niyang akin ka."

Nag-init ang pisngi ni Gelo at napangiti ito.

"Oh huwag ka kiligin. Alam ko 'yang mga ngiting 'yan."

"Ikaw kasi..." arte nito.

Hinayaan lang ni Gelo na yakapin siya ni Matheo.

Hinarap ni Matheo si Gelo sa kaniya kahit hindi pa nakakakuha ito ng damit pang-itaas.

"Come here, I'll give you something that might protect you this day."

"Ha? Bakit?" pagtatanong nito dahil minsan sabog si Angelo sa mga nangyayari at hindi na tinatandaan ang mga mahahalagang araw.

"Ngayon gaganapin ang 3rd Category. Kung hindi mo pa natutuklasan ang ability mo, hayaan mong protektahan ka nitong pagmamahal ko kahit papaano."

"Ang corny mo...Masaya ka na nyan?"

"Masaya kung laging ganito" Kinuha ni Matheo ang kanang kamay ni Gelo at inilapat ito sa dibdib niya.

Maya't maya may nakapa si Gelo. Tinignan niya ang loob nito.

"Huaw...Magic..." pabiro ni Matheo.

"Gago...ano toh? Singsing? Pakakasalan mo ko. Baliw ka."

"Bakit ayaw mo ba?" natahimik si Gelo.

Ngumiti lang si Gelo na sobrang kinikilig na. Hindi na niya maitago ang sobrang tuwa.

"Tigil mo na nga, wala na kong mukhang maipakita sa iyo." Nakayuko lang sa tagpo na 'yon si Angelo.

"O sigi seryoso na. Seryoso na ko sa'yo." pagpapakilig ni Matheo.

"Kasi e. Tama na please!" Kinuha ni Matheo sa palad ni Gelo ang singsing at siya mismo ang nagsuot nito rito.

-

PRESENT

Tumunog na ang kampana at dumistansya na ang dalawa sa isa't isa. "Run!" maangas na ani ni Alex habang palapit siya kay Angelo.

Hindi naman tumakbo si Angelo at inintay ang mga atake ni Alex.
Sa pagkakataong iyon, sinusukat pa ni Alex kung kakayanin ni Angelo ang bawat suntok niya at sipa. Sinasalag lamang ni Angelo ang lahat ng bigat na tumatama sa kaniya. Seryoso ang mukha ni Gelo samantalang pinagkakatuwaan naman siya ni Alex.

Ang goal ni Alex ang mapatumba lamang si Angelo. Gusto niyang gumaya sa mga nauna na nanalo bagkus natakot sa kalaban nila o 'di kaya naman ibigay ng kusa ang laso. Parang laging gustong may patunayan lahat, puro kahanginan lang at kaangasan.

Hangga't kaya, gagawin ni Angelo ang lahat para hindi basta-basta matalo.

Paulit-ulit man siyang madapa, masubsob at matalo, ang mahalaga lumaban siya.

Puro pasa na ang braso at binti ni Angelo. May tama na rin ito sa gawing baba kaya ang kaliwang parte ng labi niya ay dumudugo.

Nilabas na ni Alex ang kaniyang abilidad para matakot si Gelo at ibigay na ng kusa ang laso nito. Pero hindi nagpatinag ito sa kaniya. Kahit ilabas pa ni Alex ang lahat ng lakas niya at ibuhos ito kay Gelo. Hindi ito aalis sa loob ng boundary.

Nagulat ang karamihan dahil ang mga kamay ni Alex ay naging kulay pula na parang nagbabagang bato dahil sa abilidad nito. Wala siyang pakielam kung makasakit siya basta maipakita lamang niya na malakas siya.

"Umiwas ka hangga't kaya mo, darating sa punto na kapag napagod ka, huwag ka lang papatama rito dahil pasensiyahan tayo." Tukoy ni Alex sa kaniyang kamay.

"Sige tatandaan ko 'yan. Bawasan mo lang pagiging gasul mo, puro hangin na nga ang katawan, puro hangin pa ang utak." Matapang na ani nito pero sa loob-loob nito, pabilis na ng pabilis ang pintig ng puso nito dahil sa kaba.

"Kinakabahan ka alam ko, huwag mo nang itago." Banat ni Alex.

"Alam ko ring umuusok na ng hangin ang ilong mo." Patama naman ni Gelo.

Nagiging entertainment na ang labang iyon. Kung kaya't itinigil na ng dalawa ang satsat. Sa atake na dapat magpagalingan ang dalawa.

Pinagpatuloy ni Gelo ang pag-iwas. Alam niyang kapag tinamaan siya ng mga kamay ni Alex, matutunaw ang bahaging matamaan nito.

"Lumaban ka, huwag ka lang iwas at salag."

Sumipa sa ere si Gelo, natamaan noon ang balikat ni Alex kung kaya't napahawak ito dito. Nasira ang parte na iyon ng damit nito.

Nakachamba si Gelo ng isang sipa. Saan pa kaya aabot ang lakas niya para makuha ang laso?

Pinoprotektahan niya rin ang kaniyang laso pero wala talaga doon ang atensyon ni Alex.

Hinanda ni Alex ang kanang kamay niya at sinuntok si Gelo. Nagkaroon ng pagkakataon si Gelo para suntukin ang mukha ni Alex sa pag-iwas sa suntok nito pero ng humakbang siya paabante, ang pwersa ng katawan ni Alex na nasa balikat ang siyang pinanghigit sa kaniya.

Mas malakas ang momentum ng bigat ni Alex kumpara kay Gelo kung kaya't bumagsak si Gelo.

"Bigat? Wala kang laban." Ngisi ni Alex.

"Bessie," sigaw ni Jwyneth.

"Alex," sigaw naman ni Danica.

Nabaling ang atensyon ng dalawa sa mga tumawag sa kanila upang mahinto ang pangyayari.

Mabilis na umusod si Gelo paatras habang nakasalampak siya sa sahig. Nakita ni Alex ang kilos nito kung kaya't, sinipa ng buong lakas ni Alex ang binti ni Gelo.

Napilay si Gelo at dumaing sa sakit.
Kumuha ng lakas si Alex at pinagsama ang dalawa nitong kamay na kulay dugo na dahil sa baga. "Alex..." sigaw muli ni Danica na nakatayo na dahil ayaw niyang mangyari ang gustong gawin ni Alex. Pero sadya talagang nakalaan na ang pangyayaring iyon kung kaya't wala ng nakapigil pa.

Sa pagkakataong iyon, mukhang kampi ang tadhana sa bumababa. Nag-activate ang force field shield na nagmula sa singsing na nakasuot kay Gelo na prinotektahan siya sa bagang dala ni Alex.

Sinira ni Alex ito hanggang mabasag ito ng tuluyan. Takot na takot naman si Gelo dahil wala na siyang matatakbuhan pa. May pilay ito sa binti at umiiyak na siya sa sakit na dulot ng pilay.

"You cheater, you should not bring silly things that I can destroy." Halakhak ni Alex.

Hinawakan na ng tuluyan ni Alex ang binti ni Gelo. Napasigaw nalang si Gelo sa sakit na unti-unting sinisira ang laman niya sa binti. Sa pangyayaring iyon tila ba hindi sang-ayon ang lahat sa nangyari. Lungkot ang namutawi at ramdam ito ng lahat.

Nagkaroon ng reaksyon ang paghawak na iyon ni Alex. Tumalsik siya ilang metro kay Gelo at napagulong-gulong. Nabigla ang lahat sa kakaibang reaksyon ng
nangyari kay Gelo.

His ability emits wildernes. The crystal clear glass that regenerate his right leg and engulf his whole body to replenish the odds causes by that battle.

Gelo back to his normal condition. He can stand again and the sprain from his leg was gone. The glass around his body slowly disintegrate, and a new type of ability was born.

Naguluhan si Gelo, pero unti-unting nagsink-in sa utak niya ang ability niya.

Namangha siya na may halong takot. Hindi naman maiiwasan iyon.

Napagtagpi-tagpi na niya ang bagay na gumugulo sa kaniya. Naintintindihan na niya kung saan nanggaling ang salaming pinangsaksak sa kaniya ng kaniyang kalaban from the 2nd Category. The experimental leech was designed to suck the blood, and then replicate the genes from the blood and same with the structure of the host of blood.

Nakapagpakawala ng abilidad ang mga lintang ginaya ang structure ni Gelo dahil wala itong wrist device na pumipigil sa mga abilidad nito. Everything must come into DNA and genes.

"Tapusin na natin ito" gigil na sambit ni Alex kung kaya't napatayo ito at sinugod si Gelo.

Hindi na umiwas si Gelo sa mga bagang iyon. Nasisira ng ability ni Alex ang outer skin ni Gelo pero
mabilis itong nakakapag-regenerate at pinoprotektahan ng salaming abilidad ni Gelo.

Hinawakan ni Alex ang kwelyo ni Gelo, nasira ito at tila ba gumuguhit ang baga para masira maski ang balat ni Gelo.

"You can destroy all silly things, but you can't destroy me."

Hinugot ni Gelo ang laso na nasa tagiliran ni Alex. At tapos gumawa siya ng parisukat na salamin na magtutulak kay Alex palayo mula sa kaniya.

"F*ck You" malutong na ani ni Alex.

"F*ck Off" kalmadong ani naman ni Gelo.

Natapos na ang laban, tinapon lang ni Gelo ang laso na iyon na pagmamay-ari ni Alex dahil para sa kaniya, basura lamang ito at hindi pribelehiyo.

-

Danica's POV

"Ano 'yon Alex?! Ha?"

Napasuklay ito ng marahas sa kaniyang buhok. Napatingin naman ako sa nabutas niyang damit dahil sa pag-gamit niya ng kaniyang abilidad at aksidenteng nahawakan niya ang parteng iyon sa atake ni Angelo.

"Wala! Wala. Bwiset na laban ito!" Naiimbyerna siya dahil natalo siya.

"Gusto mo ba talagang manalo o makapanakit? Ano ba gusto mong mangyari?!"

"Wala! Tigilan na natin ang usapang ito."

"Sabihin mo, huwag ka umiwas sa akin Alex!"

"Huwag ngayon Danica." Buntong hininga niya.

"Alex!" Tawag ko ulit.

"Ano? Ano bang gusto mong marinig? Puk*ngina naman"

"Huwag mo ko murahin, hindi kita minumura."

"Tantanan mo muna ako okay? At hindi ikaw ang minumura ko."

"Ehh sino Alex? Bakit ba sa tuwing maiinis ka, nagmumura ka? Hindi mo ba kayang pigilan kahit isang araw lang ang pagmumura?"

Tumalikod siya. Ayaw niya talaga akong harapin.

"Kinakausap pa kita, huwag mo akong tatalikuran. Umayos ka bilang disiplinadong lalaki."

"Ano ba? Ano ba Danica ang hindi mo maintindihan? Huwag ngayon." Humarap siya sa akin at tumataas na rin ang tono ng kaniyang boses.

"Nakakasawa Alex. Nakakasawang intindihin ka. 'Yang ugali mo. Alam mo, pilit akong nagbubulag-bulagan sa mga ginagawa mo. Pero dahil sa nakakarindi mong pagmumura Alex nakakasura na!"

"'Yon ba yung kaninang nangyari ang gusto mo malaman? Oo, ayokong pagkuha lang sa laso ang mangyari. Walang kwenta ang magiging laban kung ganun lang ang mangyayari. Tarantado kasi 'yong Gelo na 'yon. May basurang dala. Ayan, masaya kana? 'Yan ba gusto mong marinig?"

"'Yan, 'yan ang problema sa iyo. Laging gustong may patunayan. Ano, kinasasaya mo ba na laging may nasasaktan sa mga ginagawa mo? Kinasisiya ba ng loob mo ang mga panggagancho? Hindi ka na ba nagsawa Alex?"

"Ano bang masama roon? Laban iyon! Kaya niyang protektahan ang sarili niya. And besides, hindi lang naman ako ang nananakit. Yung iba nga pinahihirapan pa," depensa niyang pagkukumpara sa ibang naglaban.

"Anong masama roon? Naririnig mo ba Alex ang sinasabi mo? Nakakasakit ka. Naka.ka.panakit ka. Basag ulo ang hanap mo! Ang goal lang ng laban, kuhanin ang laso, eh ano ang ginawa mo dun? Pinilayan mo siya at.....muntik na niyang mawala ang binti niya."

"Bakit nawala ba? Naputulan ba siya ng paa? Isipin mo nga iyon. Mabuti nga't nakatulong pa ko sa kaniya dahil nailabas na niya ang abilidad niya." Napangisi pa ito at mukhang siya pa ang dapat pasalamatan.

"Alam mo sa ugali mong iyan, mas mabuting layuan mo na ko. Hindi ko na kayang baguhin ang katulad mo dahil 'yang ugali mong iyan, kung willing ka talagang magbago, babaguhin at babaguhin mo iyan."

Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata. Masyado akong nagpakatanga sa kaniya. Masyado akong naniwala sa mga istoryang nababasa ko sa mga libro lamang na nababago nila ang ugali at pananaw ng isang tao. Bad Boys, ILUSYON! Nagsimula akong humakbang paalis sa harapan niyang iyon, tapos na ko sa sasabihin ko at mukhang wala na rin siyang dapat sabihin pero hinawakan niya ang braso upang pigilan ako.

"Danica. Sorry. Sorry na. Isa pang chance para mapatunayan ko ang sarili ko sa'yo. This time it will be worth it na. Makikinig na ako sa'yo. Isang kotong kapag narinig mo kong magmura. Please Danica, you can't leave me."

"Ayoko na Alex! Sawa na akong tulungan kang baguhin ang ugali mo! Masyado ng toxic ang ugali mo. Instead na tulungan mo ang sarili mo, mas pinapalala mo pa, at dahil doon nakikita ko ang lintek mong 'di mabago-bagong budhi. Tandaan mo! ikaw lang, sa sarili mo, ang makapagpapabago ng sariling ugali mo. Paalam Alex."Huli kong pamamaalam sa kaniya.

Kailanman, simula ng makilala ko siya. I found him good at me. But the way he treat others na walang laban sa kaniya. I found the worse him. Sorry at hindi ako enough para mabago man lang siya. Kinalakihan na niya ang ugaling iyon, ang if it wasn't me that could change him, then I guess the karma will.

Pumasok na ko sa battle ground at iniwan ng lubusan siya sa pwesto niya. Sana naman matauhan na siya sa mga ginagawa niya. I tried my very best just to understand what's going through with him.

I thought he experienced very bad thing behind, that's why he was so over protecting himself. He keeps his pride and chin up para hindi siya maliitin ng tao. But this is his ego, I just figure out na wala palang kwenta dahil puro hangin lang talaga siya. Napahawak ako sa sintido ko, alam kong masakit ang mga sinabi ko sa kaniya pero kailangan. Kailangan niyang tanggapin iyon para sa sarili at kapakanan niya.

Hindi matututo ang isang tao hanggang hindi ito nakakatikim ng masakit na salita sa naniniwala at umiintindi sa kaniya. Sapat na siguro ang oras o panahon na ginugol ko para lang intindihin siya.

We are at mutual state of friendship, na hanggang ganun muna, kilalanin namin ang isa't isa and then I got this, a pain that deserves to just forget and leave all that trace behind my back. No more time just to understand him, because he was wrong and indeed boastful. Lumaki ulo e, kinunsinti ko.

Tumunog na ang bell at saka ko nalang nalamang na may dapat pala akong gawin, ang lumaban at manalo.

Nagkamayan kaming dalawa ni Gezel, kakompitensya ko. Parehas kami ng height, and she has a long hair like mine. But ang kaibahan, mas sexy siya at bagay sa kaniya ang medyo fit niyang damit. I am a little bit jelous on her.

"Misery is what I see on your eyes, about what? or else about who? I also think you are sensitive yet so brave enough to stand with foundation on your feet. Pityful...if we...we (duro niya sa sarili nito at sa akin) have fight. I ain't promise that you could raise yourself from the ground after our fight."

"Show off what you've got. No time for nonsense talk to bitchesa like you! Don' t underestimate me. There's nothing connection between what I feel, and what I could do in this fight."

"Tsk tsk tsk... Poor girl! There is. If there is emotion, there is power."

Mas lalo kaming lumapit sa isa't isa at nagkamayan. Ramdam ko ang lamig ng kaniyang kamay. Parang alam ko na ang abilidad niya sa pagkakataong ito.

Ngumisi lang siya at mabilis kong tinanggal ang kanang kamay ko sa pakikipagkamay kong iyon sa kaniya. Nagkalayo kami at humanda na sa posisyon upang lumaban.

She forms an ice spike and throw it at my direction. Naiwasan ko ang mga tira niyang iyon hanggang nakaya ko. Naging mabilis ang agility ko simula ng ma-training ako. Naiiwasan ko ang bawat atake ng mga matutulis na yelo. Hindi muna ako nagpapakita ng motibo at abilidad sa kaniya. I have to find her weakest point.

She throw more ice spikes right on the ground. And I jump before the spikes could pierce my toes.

Without further caution, she throw again another set of spikes and I did not notice it after she throw the first set. Nasa ere ako at hindi ko maiiwasan ang tirang iyon.

Nag-assume siya sa malapit na hittest point. Nanlaki na lamang ang aking mata at walang nagawa kundi sapuhin iyon. Tumama sa aking braso ang tatlo matutulis na yelo na may 3 pulgada rin ang sukat.

"Danica!" Narinig ko ang pangalan ko gawi sa mga kaibigan ko, kila Jwyneth. Another shot of spikes ang nakita kong inihanda ni Gezel at inihagis ito ng mabilis sa ere.

Habang dinaramdam ko pa rin ang sakit sa braso, patakbo kong inalis ang pwesto kong iyon. Tinanggal ko rin ang mga yelong nakatusok sa aking braso. Dumugo iyon kung kaya't dali kong nilagyan ng pressure.

"This is just the beginning, learn to dodge or else you will be defeat. But, at this time you have to surrender or you will fall to the ground. First, the wound will bleed. Second, you would get vertigo caused of blood loss. Third, you would fall asleep. And fourth, you wouldn't stand from the ground anymore and it is the end game."

"Yes, you are right! So could you please shut up now. I had this migraine on my head and I couldn't process all the rubbish things that would came out from your mouth." Mean girl na kung mean girl. I am the living reflection of anyone. I will be good to the good, and I will be even worst to the worst.

Nagtatarayan lang kami sa gitna ng labanan. Hindi ako papatalo. Simpleng sugat lamang itong natanggap ko. Kailangan ko na ring depensahan ang sarili ko. I closed my eyes and feel my ability.

'Di na talaga niya tinantanan ang paghahagis lang ng mga yelong iyon. Heto na naman umatake na naman siya.

Humagis ang mga iyon nang napakabilis sa direksyon ko. Naiwasan ko pero nahuli niya ako sa kaniyang bitag. Ginamit niyang pananggulo ang mga hinahagis niya.

Unti-unting napalibutan ng yelo ang aking mga paa, sumunod ang aking binti hanggang hindi ko na rin maigalaw ang aking mga braso.

"First shot, One pain." Pinatama niya ng walang kahirap-hirap ang matulis na yelong iyon na baon sa balikat ko. Ininda ko iyon. Please I'll surrender. Ma'am Nikka ano na? Help! Tinititigan ko lang ako ni Gezel habang nakangisi.

Hinang-hina na rin ako, hindi ko siya kaya. She was smart and more strategic. How would I defeat her? What is the point of this battle if I was immobilized and yet, she still didn't take the opportunity to get my lasso. I hate these kind of battle. They are merciless.

"Second shot, twice the pain." Ininda ko muli ang isa pang pagtama ng yelo sa kanan ko namang balikat. Wala niya akong kahirap-hirap binabato ng mga matutulis at matatalim nitong mga yelo.

Lumakad palapit sa akin si Gezel na nakangisi. Napapaluha na ko sa sakit, nagmamakaawa na sana kunin nalang niya ang lasso para matapos na ito.

"Danica! Lumaban ka! Please!" Sigaw at suporta ng mga kaibigan ko.

Napatingin na ko sa gawi ni Ma'am Nikka. Binibigyan ako ng suporta gamit ang kaniyang mga tingin. Napakatahimik ng paligid. Parang kanina lang sa laban nila Alex. Kita ko ang awa sa kanilang mga mata na nakatingin sa akin.

"I change my mind, don't surrender yet." Her iris glows into vivid blue color. The stage covers with ice and nobody knows what would be happen to us inside. Walang pumigil ng laban, ibigsabihin may magagawa pa ko.

I should have figure it out para matapos na ang paghihirap kong ito. Two dew drop tears are enough for the pain that caused me by this merciless hypocrite psychopath woman.

Pumikit muli ako at pilit kong kinakausap ang konsensya ko, "anong magagawa ko?" I heard a murmur besides me, around. I didn't understand Gezel's undistinct words. Unti-unti na rin akong pinapasok ng lamig.

Napaka-ginaw! Hindi ko na nararamdaman ang mga daliri ko. Bumalik muli ang pandinig ko, nagkaroon ako muli ng balanse sa aking leeg.

"Mahina ka! You're so pathetic! Show me what you've got!" Balik nito sa akin. "You can't beat me. You are too weak to do that. You aren't smart enough to do that. And also, You...Are...Fat! Tignan mo ang sarili mo, walang magawa!" Pangmamaliit nito sa akin.

Bumalik ang alaala ng isang batang babae sa aking isip. Isang kawawang bata na may hawak na manika. Tila gustong manghingi ng tulong. Nagtagpo ang tingin namin sa malayong distansyang nasa pagitan namin. Nakita ko ang rumaragasang malaking sasakyan at nabundol ang batang babae. Dumaloy ang luha ko, ramdam ko pa rin ang pamilyar na init sa gilid ng aking mga mata. "HINDE!!!..."

In split seconds, kasabay ng pagsigaw ang pagdilat ng aking mga mata at kasabay din noon ang malakas na pagsabog.

A pure pressure that repelled and destroyed the blocks of ice that immobilized me and cover us from the audience. Tumalsik si Gezel matapos iyon at nag-out-of boundary siya dahil doon.

"I'm not fat." 'Yan ang paulit-ulit kong sinasambit habang lutang akong bumaba sa three-step stairs na iyon matapos kong talunin ang bitchesang iyon. .

Alam kong namang si Alex ang unang sumalubong sa akin na alalang-alala.

"Ngayon, ngayon, tignan mo ang mga katulad mong walang pakielam sa sakit na mararamdaman ng iba. Tignan mo!"

Then, I collapsed unto the grassy ground unconscious. Maybe I was tired sa daming nangyari ngayong araw.

Continue Reading

You'll Also Like

29.5K 1.4K 53
Isa siyang prinsipe nang mga taong lobo ,na may inosenting at malamig na mata. at sa likod ng inosenting mata ay siyang kabaliktaran ng kanyang hang...
6.6K 880 42
"Blessing as they say. But for me, it was a curse." Kang Ryujin: An 18 Y/o teenager who has the ability to control time. No limitations. No rules. He...
90.3K 4.1K 56
Lucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isa...
19.9K 753 20
Do you believe that miracles do exist? That miracles happen in the most unexpected times and ways? Serena 'Sena' Jung never believed in miracles nor...