The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirty-Five

198K 4.2K 271
By FGirlWriter

CHAPTER THIRTY-FIVE

"OKAY. You can open your eyes now!"

Dahan-dahang idinilat ni Johann ang mga mata at kitang-kita ni Sapphire rito ang pagkamangha sa nakita.

Nginitian niya ito. "Surprise! This is your new car!" Hinila niya ito palapit sa kotse. "Did you like it?"

Nakita niya kung gaano suyurin nang buong paghanga ni Johann ng tingin ang kotse. Marahang hinaplos pa nito iyon na para bang natatakot itong magasgasan kapag napadiin ang hawak nito.

"Eto iyong kotse na regalo mo sa'kin?" baling nito sa kanya na nagniningning ang mga mata.

"Obviously. It's the 2014 Mercedes-Benz E-Class E350 Cabriolet. It's one of the latest model cars that MB released this year," imporma niya rito. "Anong masasabi mo?"

Malawak na napangiti ito. "Ang pogi ng kotse na'to! Astig!" Patuloy pa rin ito sa pagsuyod ng tingin sa kotse. Bawat sulok ay tinitignan nito.

Napapangiti na lang rin si Sapphire habang pinagmamasdan niya ang asawa na parang excited na bata habang nakatingin sa kotse. The cabriolet is a two-door car that can carry four to five passengers. Lunar Blue Mettalic ang exterior color at gray naman ang interior. Top-down styled din ang bubong at nagmamalaki sa harap at likod ng kotse ang Mercedes-Benz logo.

"Like I've told you, dapat sa Pasko ko pa 'to ibibigay. But to make sure that you won't come home again na basang-basa ng ulan dahil tumirik ang kotse mo, ngayon ko na 'to ibibigay sa'yo." Umupo siya sa hood ng kotse. Tinukod niya ang mga kamay at pinag-cross ang legs niya.

Napatangu-tango si Johann. "Eh, ano nang gagawin ko sa Vios ko?"

"Let's still keep it. Dito natin itago sa garahe ng mansyon. I know naman na wala kang lakas-loob na ibenta iyon kasi first car mo iyon. Kaya, isama na lang natin sa collection rito."

Iginala ni Johann ang tingin sa napakalaking garahe ng mga Monteverde. From vintage cars to modern ones, they got it all.

"Car collector ang Lolo namin bago siya namatay," naisip niyang ikuwento rito. "When he's gone, Lola kept his car collection kasi magagalit daw si Lolo kapag ibinenta niya sa iba pang car collectors."

"Nakakahiya namang ihanay rito ang kotse ko."

"Nope. I don't think so. In the future, ma-appreciate ng marami ang 2007 Toyota Vios mo katulad ng pagka-fascinate ng ibang tao ngayon sa mga 1950 Volkswagen. So, qualified siya sa car collection."

Binuksan ni Johann ang pinto ng driver's seat at umupo roon. Tinignan nito ang mga features ng kotse sa loob at sa bawat paghawak nito ng mga bagay sa loob ay napapangiti ito.

"You like cars, don't you?"

Napatingin ito sa kanya. "Sino bang lalaki ang ayaw sa kotse?" Hinaplos nito ang manibela. "Magkano bili mo rito?"

"I won't tell you. It's a gift! Bakit ko sasabihin ang presyo?" Inabot niya rito ang susi na kasama ng car remote. "Anyway, the price does not matter. Para naman kasi sa'yo 'yan. Good guys like you deserves good cars like this."

Lumabas si Johann mula sa kotse at saka tumayo sa harap niya.

"So, are you going to accept it or pagtatalunan pa natin kung bakit ako bumili ng mamahalin na kotse para sa'yo?"

Umiling ito at tinignan siya. "Hindi ko 'to kotse. Kotse natin 'to," mariing sabi nito sa "ko" at "natin". "Hindi ako makikipagtalo dahil ipokrito ako kung sasabihin 'kong hindi ko nagustuhan. Mercedes-Benz na 'to, aarte pa ba 'ko? Minsan sa buhay ko, nangarap naman ako ng ganitong ka-astig na kotse."

"Puwede ka namang magkaroon ng ganitong kotse kung sasabihin mo lang kay Daddy Philip," tukoy niya sa ama nito.

"Oo, puwede. Pero nakakahiya. Buti na lang hindi ako humingi. Mas gusto ko 'to na regalo ng asawa 'ko. Mas masarap alagaan." Hinapit siya nito sa baywang. "Salamat, Misis."

Nakahinga ng maluwag si Sapphire. Akala niya isusumbat na naman ni Johann na dapat hindi na siya gumastos ng malaki at dapat ginamit niya na lang ang pera para makatulong sa charity.

"Thank you that you appreciate it."

"Sa'yo 'to galing. Hindi ko hiningi o ano. Desisyon ng puso mo na bigyan ako ng ganitong regalo. At kahit ano mang bagay na ibibigay mo ng may pagmamahal, hinding-hindi ko tatanggihan." He kissed her cheeks.

Yumakap siya sa leeg nito at mapaglarong ipinulupot ang mga binti sa balakang nito.

"Ay," napangisi ito. "May kababalaghan kang naiisip. Gusto ko iyan."

She chuckled and bit her lower lip. "Tell me your darkest dirtiest secret."

Kumunot ang noo nito. "At bakit gusto mong malaman?"

"I'll tell you a secret in exchange of your secret."

Mukhang nag-isip ito. "Sige. Gusto mong malaman kung paano ko nawala ang virginity ko?"

Napataas siya ng kilay. That sounded interesting. "Go ahead. Hindi mo pa nakukuwento sa'kin iyan."

Impit siyang napatili nang buhatin siya ni Johann at umupo ito sa driver seat ng kotse at nakakandong na siya rito.

"Sa kotse iyon, eh," pagsisimula nito.

"What?!" bulalas niya. "You had your first experience inside a car?"

"Oo. Ang naughty ko 'no?"

"Mukhang proud ka pa!"

Natawa ito. "Hindi naman. Highschool lang ako noon, eh. Third-year highschool. Tapos may pinaka-bebot sa school namin na senior year na. Nakalimutan ko na kung paano kami nagkakilala, eh. Sa mga barkada siguro. Tapos, ang lagkit tumingin sa'kin niyon, eh. Sabi ko, 'Ah, crush ako nito.'"

"So, you had sex with her?"

"Sandali lang. Excited? Pupunta rin tayo diyan."

"Ang bottomline, nakipag-sex ka sa kanya."

"Oo. Pero niligawan ko siya at naging girlfriend ko naman siya. Maganda relasyon namin. Tapos alam mo iyong usig ng barkada? Sobrang sexy naman kasi ng girlfriend ko. Nakaka-turn on. Pero, ilang beses kong inalis sa isip ko na may mangyayari sa'min. Kasi ginagalang ko naman siya, eh. Tapos isang araw, sa kotse niya...ramdam naming dalawa iyong tensyon, eh. Alam mo iyon?"

"Sexual tension?"

"And curiousity. Hindi ko na matandaan kung paano siya nag-surrender. Pero alam ko, parang gusto rin niya. Pagkatapos...ayun na. Rakrakan na."

"Mukhang nag-enjoy ka?"

Pilyong ngumiti ito. "Mesherep, eh."

"Ang landi mo!" sabay hampas niya sa braso nito. Hindi naman nakaramdam ng pagseselos si Sapphire o ano. Lalaki si Johann kaya alam niyang may mga ganoon talaga itong escapades. Wala naman sa kanya iyon. Afterall it's all in the past.

"Iyon na ang pinaka-dark and pinaka-dirty secret mo?"

"Oo. Gusto mo i-detail ko pa ginawa namin sa kotse? Dirty iyon."

Inirapan niya ito. "Bakit natatandaan mo pa every detail?"

"First, eh. Saka minahal ko naman iyong girlfriend ko na iyon. Somehow, lovemaking din iyon. Pero, di ko pinagmamalaki na binatilyo ako nang ginawa ko iyon. Pero nahingi ko na ng tawad kay Lord ang kapusukang iyon. Hindi na 'ko umulit..."

"Weh?"

"He-he!" tanging sagot nito.

Natawa rin siya. "Ang landi mo talaga!"

"Sorry na. Sadyang kabilang ako sa mga naging mapusok nang kabataan ko. Pero, kahit kailan naman, hindi ako iyong nag-initiate sa mga naging girlfriend ko. Saka isa pa, nangangako naman ako na pananagutan ko sila. Kaso, mga girlfriend ko rin humihiwalay sa'kin."

"Nakailang girlfriends ka ba?"

"Tatlo. Seryoso naman lahat iyon. Isa sa highschool, dalawa sa college. Guilty nga ako kapag nakikipaghiwalay sila sa'kin. Halata kasi nila na parang dina-divert ko lang iyong attention ko sa kanila. Kasi nga in love ako kay Czarina noon. Kaso bata pa siya kaya talagang binaling ko sa iba ang pagmamahal ko."

"Tapos basted ka kay Czarina, ano?" pang-aasar niya rito.

Pero mukhang di naman ito napikon. "At dahil doon, nakilala kita. And we live happily ever after!"

"Nasaan na pala iyong mga naging ex-girlfriends mo?"

"Wala na 'kong balita sa kanila. Siguro may mga pamilya na rin sila."

"Wala naman sigurong biglang babalik?"

"Oy, wala, ah. Clean lagi ang break-up ko sa mga naging girlfriend ko. Talagang nagbibigayan kami ng closure. Ayoko ng may issue na naiiwan sa pagitan namin. Tignan mo nga si Czarina, hindi naging kami, pero nagka-closure pa rin kami." Tumawa ito. "Sabi ng mga etudyante ko, sa panahon daw ngayon, kahit crush lang kailangan din ng closure kasi may mga hindi maka-move on."

She chuckled. "Kids these days" napapiling na sabi niya. "You know, hindi 'ko naranasang magkaroon ng crush."

"Kawawa ka naman. Okay lang iyan." Hinaplos nito ang buhok niya. "At least lahat ng first sa'kin mo naranasan. Ah, ang pogi ko!"

Pinatong niya ang ulo sa balikat nito. "Hindi kaya. May first stolen kiss ako noon," pagtatapat niya.

"First stolen kiss?"

"Oo." Napasimangot siya nang maalala ang nagnakaw ng unang halik sa kanya. It was just a smack, anyway. Pero nakakinis pa rin kapag naalala niya. "I was a kid then. Six years old lang ako."

"Tignan mo 'to. Ikaw pala unang lumandi, eh!" tukso nito.

"No! Ako iyong nanakawan ng halik! Hindi ko ine-expect iyon."

"Malamang. Wala namang nanakawan na nag-expect na mananakawan sila."

"See? Kaya nga inis na inis talaga ako. Hanggang sa ngayon."

Natawa ito. "Ano bang nangyari?"

"Birthday party ni Reeve iyon. Siyempe kids party kaya nandoon kaming magpipinsan. Tapos iyong bestfriend niya, si Prince? Lagi akong binu-bully niyon, eh. Lagi niya 'kong sinasabihan na ang ganda ko daw."

"Pinuri ka na nga, bully pa sa'yo yun?" Natawa na naman ito.

"Eh, ayoko nga kasi sa mga lalaki noon. Kaya kapag may nagpe-praise sa'kin na lalaki, naiinis ako."

"Huhulaan ko, ninakawan ka ni Prince ng halik nung six ka sa birthday party ni Reeve?"

"Yeah." Sumingkit ang mga mata niyon. "Mula noon kapag nakikita ko siya, lagi ko siyang sinusuntok sa mukha tapos pinagtatawanan niya lang ako." Lumabi siya. Nag-astang parang kawawa.

Ngunit tumawa lang si Johann. Mukhang nagenjoy pa sa kuwento niya. "Ang tinik talaga ng Prince na iyon! Idol!" Hinapit siya nito sa baywang. "Kaya pala nang bumisita sa'kin sa ospital si Prince, ang sama ng tingin mo sa kanya? May past pala kayo, ah?"

"He's disgusting."

"Hayaan mo na. Move on ka na. May asawa na iyon. Baka nga nakalimutan niya na iyong ginawa niya sa'yo noon, eh."

"Bakit mo pala naging kaibigan iyong Prince na iyon?"

"Pinakilala lang sa'kin ni Agatha tapos ayun. Nagkasundo kami. Ganoon siguro talaga kapag mga pogi, you know?"

"Ah basta. Hindi ko pa rin siya bati."

"Sige, susuntukin ko minsan kapag nagkita kami. Kung iyon ang ikapapanatag ng damdamin ng six-year old mong kaluluwa."

Sapphire chuckled. "Mister."

"Bakit?"

Tumingin siya rito. Sapphire wanted to tell him something. Pero hindi niya magawang maibahagi rito ang tungkol sa natanggap niyang sulat noong isang araw.

She distracted herself the last two days. Lagi niya lang inaasikaso si Johann hanggang sa gumaling ito at lagi lang siyang nakikipagkuwentuhan ng kung anu-ano rito katulad kanina para lang hindi niya maisip ang gumugulo sa utak niya.

Hindi niya na kailangang magpaimbestiga pa kung saan galing ang mga pinapadalang package sa kanya. She's pretty sure that her true father knows her.

Pero paano nangyari iyon? Bakit biglang gusto siyang makilala ng sariling ama? Kuwento nga sa kanya ng Mommy niya, hindi daw ito pinanagutan noon. Kaya bakit gusto siya nitong biglang mas makilala kung hindi naman siya inako nito noon?

Huminga siya ng malalim. "Sabi mo noon...may tamang oras kung kailan gina-grant ni God ang mga prayers natin."

Humawak ito sa magkabilang baywang niya. "Oo. Bakit?"

"Pa'no kung hindi mo na pinagdadasal ang isang bagay pero dumating pa rin iyon?"

Seryosong tinignan siya nito. "Dahil nakatadhanang mangyari ang isang bagay, kung ganoon. Si God kasi, planado Niya na ang buhay mo mula umpisa hanggang dulo. At kapag may isang bagay na dapat mangyari kahit hindi mo na hilingin, mangyayari at mangyayari iyon nang may rason."

Nayuko siya at nagsalubong ang mga kilay. Kung dati gusto niyang makilala ang totoong ama, ngayon ay hindi na siya sigurado. Parang ayaw niya na. Para sa kanya, wala naman nang sense.

Masaya na siya sa buhay niya. Hinahanap-hanap lang naman niya ito noong bata pa siya dahil hindi siya masyadong nabibigyan ng atensyon ng Mommy niya.

But everything's all different now. She has Johann and with him, life is just complete, simple, and happy.

Hindi niya alam kung tatawagan niya ba ang numerong nakalagay sa sulat na natanggap niya. Parang hindi naman na siya interesado pa.

Ngunit kung hindi na talaga, bakit bumabagabag pa rin iyon sa kanya?

"Sabi ko na, eh."

Napaangat ang tingin niya sa asawa. "What?"

"May pinoproblema ka."

Hindi siya sumagot. Umalis siya sa pagkakandong rito at umupo sa passenger seat sa tabi nito. "How can you tell?" she asked.

Tumingin ito sa kanya. "Ako pa ba? Kapag sa'yo, bukas na bukas ang five senses ko. Lahat napapansin ko. Nitong mga nakaraang araw, masyado mo kong pinagtutuunan ng pansin, masyado kang maraming tinatanong, masyado kang maraming kinukuwento, masyado kang malambing, masyado kang madaldal...hindi ka naman ganoon. Unless, you're distracting yourself from something."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sa malamang mas aasikasuhin kita at mas magiging malambing ako sa'yo kasi nga may sakit ka."

"Hindi din."

Inirapan niya ito. "Ewan ko sa'yo."

"Tignan mo 'to, biglang magtataray. Isa pa iyan. Kapag ganyan ka na, ibig sabihin may natatamaan na 'ko. Sabihin mo na. May bumabagabag sa'yo, ano?" Tinapat ni Johann ang kamay nito sa tapat ng puso nito. "Ramdam ko rito, eh."

Johann knew her too well. Humalukipkip siya. "I'm not in the mood to talk about it." Or she doesn't really want to talk about it? Hindi niya alam. Kapag nalaman ni Johann na gusto siyang makilala ng totoong ama niya, baka ipagpilitan nitong makipag-communicate siya.

"Hmm. Masyado ka nang maraming nililihim sa'kin. Hindi kaya magkapatong-patong iyan at bigla ka na lang sumabog?"

"Bakit ako sasabog?"

"Baka kasi mabigat sa damdamin o di kaya ay masakit sa ulo isipin. Sinasarili mo pa. Kung hindi mo kayang ibahagi sa'kin bilang asawa mo, puwede namang i-open up mo sa'kin bilang kaibigan mo." Kinuha nito ang kamay niya. "Alam mong makikinig ako," he intently said.

Nakagat niya ang ibabang labi. Right. Johann's her bestfriend, too. Paano niya bang nakalimutan that she can confide anything to him? At bilang kaibigan, gagalangin nito ang bawat desisyon na gusto niyang gawin.

Pagkatapos ng ilang minutong pakikipagpaglaban sa sarili kung sasabihin niya ba rito o hindi ang pinoproblema niya, napagdesisyon niyang sabihin na ang lahat rito.

Mula sa pagtanggap niya ng mga package at planong pag-iimbestga noon hanggang sa natanggap niya ang sulat na panigurado siyang galing sa totoong ama.

"And you know what, I got a feeling that, iyong minsang nararamdaman ko na parang may nagmamanman sa'kin... it was my father's doing." She sighed. Sumandal siya sa upuan at sinandig ang ulo. "Sa tingin ko marami nang alam sa'kin ang tatay ko. Pero bakit bumabalik siya?"

"Baka kasi ito na ang sagot sa dasal mo mula pagkabata mo. Iyong "not yet" ni Lord noon ay "yes" na ngayon."

"But... I don't want to know him anymore..."

"Sigurado ka?"

She's not really sure. Parang may parte pa rin sa kanya na gustong makilala ang ama. Pero... "Natatakot ako."

"Saan?"

"I just got this bad feeling. Parang kapag nakilala ko siya, marami akong malalaman. I don't know... and what about Mommy? Paano ko sasabihin sa kanya na bumabalik iyong taong hindi siya pinanagutan? It would hurt her if I'll entertain him."

Hindi na nagsalita si Johann at pinisil-pisil lang ang kanyang kamay. Maya-maya ay napansin na lang ni Sapphire na parang nabasa ang pisngi niya. She touched her face and found out that she's crying already!

Mabiis siyang kinabig ni Johann sa dibdib nito at niyakap siya nang mahigpit. He didn't ask why.

He knew she was torn.

Torn between the want and the hatred to know the man that abandoned her mother when he got her pregnant. Kung pinanagutan lang ng totoo niyang ama ang Mommy niya, they could have been a happy family.

"A-Anong gagawin ko?" she softly asked her husband.

He kissed her forehead and gently whispered, "Let's pray."

***

"ALAM mo na gagawin mo?"

"Hindi pa rin."

"Eh di, ipag-pray ulit."

Nangalumbaba si Sapphire habang nakatingin sa flat-screen T.V. na nasa kuwarto niya. Pagkatapos nilang tumambay sa garahe ng mansyon ay inaya niya si Johann na doon muna sila at manood ng pelikula sa kuwarto niya.

Kasalukuyan siyang padapang nakahiga sa kama niya habang nakatitig lang sa malaking T.V. Si Johann naman ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Hinilot-hilot nito ang paa niya.

"Misis."

"Hmm?"

"Huwag mong pilitin ang sarili mong maging handa. Ipanatag mo ang kalooban mo kung gusto mo talagang makipagkita sa tatay mo."

Nilingon niya ito. "At sino namang may sabi na makikipagkita ako sa kanya?"

He knowingly smiled. "Ramdam ko."

Damn it. "Can you read my mind?" sarkastikong wika niya.

"Nakikita ko sa mga mata mo. Nararamdaman ko sa puso mo. O baka assuming lang ako."

She laughed. "Johann, hindi mo ba 'ko pipilitin na makipagkita?"

Pinatunog-tunog nito ang mga daliri niya sa paa. "Hindi. Desisyon mo iyan."

"You won't tell me what's the best thing to do?"

"Sinabi ko na iyan." Ngumisi ito. "Magdasal nga, di'ba? Kapag di mo alam ang gagawin, subukan mong makinig sa gusto ng Diyos na gawin mo."

"You're talking holy, again."

"Totoo naman kasi. Hindi mo kailangang laging dumepende sa sarili mong desisyon. Lalo na takot ka sa kalalabasan. Kapag ganyan na walang nakakaalam sa mga susunod na mangyayari, kanino ka ba makikinig sa susunod mong gawin?" Padapa na rin 'tong humiga katulad niya.

"God knows what is bound to happen next. He can give the answers... can't He?"

"Tumpak!"

"But how can I know what He wants me to do? Hindi ko naman Siya naririnig."

"Kung anong sagot ang unang pumasok sa isip mo pagkatapos mo magdasal, iyon ang sagot. Ang Diyos, sa puso mo bumubulong. Kaya makikinig ka sa sinasabi ng puso mo."

Pumikit siya. "I can't hear anything."

"Baka hindi ka talaga naka-focus kay Lord, kaya hindi mo marinig." Tinignan siya nito ng mataman. "Huwag mo muna madaliin. Maririnig mo rin ang sagot. Pero sa ngayon, may iba akong naririnig."

"Ano?"

He playfully grinned. "Punta daw tayo sa ilalim ng kumot. Masaya daw doon."

Umingos siya ngunit napatili at natawa nang kubabawan siya ng asawa. Pinaulanan nito ng mga halik ang buong mukha niya.

"Na-miss ko 'to," anito habang nakangisi. "Na-miss mo rin 'to. Aminin mo."

"We've been whole some for quite sometime. Yeah."

Nagkatinginan sila at nagkatawanan. Bumaba ang ulo nito at marubdob siyang hinalikan sa mga labi. Nakalimutan tuloy ni Sapphire ang pinoproblema niya.

"May naisip ako..." she whispered between their kisses.

Unti-unti nang bumababa ang mga kamay ni Johann sa katawan niya. "Ano?"

"Let's do it inside the car!"

Natigilan ito. "Seryoso?" di makapaniwalang-sabi nito. "Bibinyagan natin iyong bagong kotse natin?"

Tumangu-tango siya. "Uh-huh. Thrilling!"

Kinagat ni Johann ang ibabang labi nito at mainit siyang tinignan. "Paunahan sa kotse, ano? Ang mahuli, siya sa ibabaw."

"Ang mahuhuli ang gagawa lahat ng pleasure? Okay!"

"Game!"

"Johann!" tili niya nang mabilis na nakabangon ang asawa at nakalabas ng kuwarto niya. Ang daya!

Pagkalabas niya ay hinihintay siya nito sa may hagdan. Kinindatan siya nito at saka mabilis na bumaba. Hindi naman siya nagpahuli.

They were halfway the stairs when they both stopped.

"Leave this house now!"

Nagkatinginan sila ni Johann at magkasabay na sumilip sa ibaba. Nakita niya ang Mommy niya na tila galit na galit. Para silang mga bata ni Johann na mabilis na nagtago sa balustre ng malaking hagdan.

"Bakit hindi mo sinabing itinuloy mo? Bakit pinaniwala mo 'ko na-" sabi ng isang pamilyar na boses.

"Wala ka namang pakialam noon sa'kin at sa anak ko."

"Kaya sumama ka kay Kuya?"

"Kaya niya kong panagutan."

"Pero iniwan mo rin siya dahil hindi mo kayang mawala ang prinsesang buhay mo!"

"Para iyon sa ikabubuti ng anak ko! Kung nagawa mo 'kong pananagutan noon, sana hindi naging ganito kagulo!"

Lumakas ang tibok ng puso niya. Siguradong-sigurdo siya...ang ama niya ang kausap ng Mommy niya base sa pinag-uusapan ng mga ito. Parang nanikip ang dibdib ni Sapphire...makakaharap niya na ba ang totoong ama ngayon... Hindi...

Hindi pa siya handa. Ayaw niya pa.

Sumilip si Johann sa ibaba at napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito. "Tang-"

"Why?" pabulong na tanong niya.

Napatingin ito sa kanya. Puno nang pag-alala at pagtataka ang anyo nito.

Inalalayan siya nitong tumayo at kinabig nito ang ulo niya pasubsob sa dibdib nito. Kaya hindi niya na narinig o nakita ang nangyayari sa baba. Tuluy-tuloy silang bumalik sa kuwarto niya.

"T-That's my father already..." nasabi niya habang tulalang nakatingin kung saan.

Palakad-lakad naman si Johann pagkatapos nitong ikandado ang pinto. "Bakit ganoon? Paano...?" narinig niyang bulong nito.

"W-Why?" wala sa sariling natanong niya. Umuulit sa isip niya ang hindi niya maintindihang pagtatalo kanina.

Tumingin sa kanya si Johann. His eyes were full of concern while looking at her.

"Si... si Sir August..." anito. "Si Sir August ang nasa baba kanina."

Nanlaki ang mga mata niya at rumehistro sa isip ang pamilyar na boses kanina.

Fuck.

Augustine Santiago is her real father. Ito si D.S.?

Ngunit nang maalala niya ang reaksyon nito sa ospital ay parang nagulat ito nang malaman kung sino ang Mommy niya. At sa sulat na ibinigay ni D.S. sa kanya, mukhang matagal na siyang kilala niyon.

Kung si Sir August at D.S. ay iisa, bakit ganoon?

D.S... Darwin Santiago.

"Bakit hindi mo sinabing itinuloy mo? Bakit pinaniwala mo 'ko na-"

"Wala ka namang pakialam noon sa'kin at sa anak ko."

"Kaya sumama ka kay Kuya?"

"Kaya niya kong panagutan."

She's more than confused now!


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...
642K 24.8K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...
3.4M 86.7K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written Šī¸ 2015-2016 (...
662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...