ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 39: Museum of Technology
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 52: One More Death Case
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 58: The Entering
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 65: The Director's Elite Kids
Chapter 67: The Fighters
Chapter 68: The Fighters (Part 2)
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 72: Genes
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 66: Failed Mad Mission

7 2 0
By Sentisimo

Angel Ann's POV

Miss na nila ako, ang dating ako. Miss ko na rin sila. Lalo na ang taong pinakamahalaga ngayon sa akin, walang iba kundi si Zeus.

Wala naman siyang ibang hinangad para lang mapasaya ako at ipaalala ang mga bagay na dati naming ginagawa sa tuwinang magkikita kami araw-araw, pero pinipilit ko ang sarili ko na maging kalmado at magpanggap na walang alam. Dahil delikado kung mahalata nilang may naaalala ako.

Ginagamit nila si Trynyty upang mabura ang alaala ko, alaala namin nila Beatriz at Dianne.

Kapansin-pansin na ang iba ay nagseserbisyo sa nakatataas bagkus hindi lang may kanya-kanya silang ginagawa kundi may pumepwersa sa kanila upang gumawa ng masama para sa kapakanan ng kapangyarihan at estado sa loob ng institusyon. Nabubulag sila sa mga pribelehiyong natatanggap nila sa tuwinang uutusan sila ng Direktor.

Wala rin silang ideya sa mga pinapagawa sa kanila dahil kung alam nilang masama ito, hindi nila ito gagawin. Ang alam nila, kapakanan ng buong institusyon ang nasa mga kamay nila kapag ginawa nila ang mga bagay na ito, alam nilang nasa mabuti ito.

Pero salamat kay Trynyty, isa sa perks kapag may kilala ka na may koneksyon sa mga pinapagawa ng nasa itaas, may pwedeng mangyari ng 'di mo inaasahan.

She took my memories but she returned it back because it has something to do para maalala ko siya na kaibigan ko siya. She has ability to get and take back the memory.

I think its amazing to think but it is kind of dangerous as well. I'm the first person that Trynyty who gave back the memory. Huwag ko nalang daw sabihin sa iba na ginawa niya ito dahil walang sinong may alam na kaya niyang ibalik ang tinanggal na niyang memorya.

Trynyty smiled since that time and her hair was different like never before. Her hair is vibrant brown with pale orange resides at the end
of hair follicles. Mas naging strong ang personality niya sa itchura niyang iyon.

Marami na ring nagbago sa dati kong mga kaklase. Their nature, their behaviour, their physical appearance, their faces including Zeus. He wasn't that big guy anymore before at maaabot ko na siguro ang mga kamay ko once na yakapin ko man siya. But definitely, hindi ko pwedeng gawin ito.

Sinasama ako ni Zeus sa lahat ng gusto niyang gawin kahit na ayaw ko. Lagi nito ako tinatanong kung naaalala ko ba ang pangyayaring mga ganyan, may katuwaan nung mangyari ang isang bagay na ito, at minsan nakakasalamuha ko ang iba naming kaibigan na pinapaalala at tinatawanan nalang ang mga pangyayaring iyon.

"I still don't remember. I can't even remember any of you." Mas mabuti na siguro ito kahit masakit, kahit nagsisinungaling ako sa harap ng taong mahal ko.

I can't just let go my past. Ito nalang ang pinanghahawakan ko para 'di ako mawalay ng landas. Zeus will still there and always be my way back home. Lilipas rin ito kapag natapos ko na ang dapat kong matapos.

Kasalukuyang may tiwala sa akin ang isa sa Board of Committe, ang Direktor, ang siyang kinekwento sa akin ni Ma'am Clarisse na may maitim na balak. Napigilan na namin ang siyang balak nito nang masabutahe namin ang mga gamit upang isagawa ang natatago nitong plano. Sa pamamagitan ng posisyon ko, maaari akong makakalap ng ebidensya na magpapatunay na may sala ang matandang ito. Masusundan ko rin ang ibang galaw nito basta maging maingat lang ako at hindi mahalata ang aking motibo.

Nagkaroon rin ako ng access sa opisina nito. Pinasok ko ng mag-isa ang opisinang ito upang isagawa ang aking gagawin. I have much time to find those things na magpapatunay na masama ang matandang iyon at walang ibang ginawa kundi ang mangloko.

I silently walk through the door, and then I found a CCTV focus to my direction. I act like a normal na kunwari hinahanap ko ang Director then I closed the door empty handed outside to that office. Wala akong magagawa dahil may security camera ang opisina nito.

Napatingin ako sa itaas, at may naisip akong paraan. There's a vent there na kaya kong lusutan, pero hindi ako dito gumamit ng ability dahil may mga security camera sa labas, so sa CR ako pumasok dahil may vent din dito.

Tinuloy-tuloy ko na ang pagpasok sa vent papunta sa opisinang iyon. Kailangan kong masabutahe ng ilang minuto ang CCTVng naroon.

I manage to hide from those chairs and shelves para lang hindi makita ng CCTV. Whenever the camera rotates to other direction, kikilos ako hanggang maabot ko ang paper cup sa main table ng Director. Then I used this to block the view of the camera.

I started to search for the things that I need. Nagsimula ako sa main tables syempre dahil dito lahat isinasagawa ng utak ang plano. I tried to find something suspicious enough to get my attention. File by file I read titles and skimming these. And yet, there nothing.

I tried to open his personal computer desktop. But as expected, there a password requirement at hindi ko alam kung ano ang ilalagay. Syempre at first nahirapan ako sa pag- isip, Then I decided to get a picture of him with his wife na nasa picture frame.

Usually ang mga lalaki, wala ng oras mag-isip pa ng mahirap na password, and I ended up na baka, date of anniversary ang password nito na baka nasa likod ng photograph na nasa loob ng frame.

Pero nang kuhanin ko ang frame na ito, instead na magbakasakali sa desktop, ay napadpad at doon lang nakatoon sa nakatagong button na iyon ang focus ko. I pushes down the button and there's a camouflaging way through the wall were opened.

Napagitla ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya dali-dali akong pumasok sa daang iyon.

Narinig kong tinawag ang ngalan ko, "Angel nandiyan ka ba? sabi kasi ni Teod may tinatapos kang gawain, so I guess baka nandito ka," Pagkakarinig ko.

Sumarado ang lagusang ito makailang segundo. It was designed to automatically close without control from the button outside. Narinig kong pumasok siya dahil rinig naman hanggang dito.

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob at ang pagpasok niya rito. "Wala palang tao rito, para na kong nababaliw kakahanap sa kaniya..." rinig ko nalang na ani ni Zeus.

May narinig akong ibang tao na biglang nakausap ni Zeus na pagkakaalam ko Damoz ang pangalan. Yes, isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ng Director.

Hindi ko pa gaano ito kilala pero he was the person na kayang manggaya at mag-iba ng kaniyang physical na itchura. I encountered him before and I fought him. He is douche psycho.

Ito yung mga taong dapat na katakutan dahil bipolar ang
katangian. This advantage will be your ace once na makalaban mo ito, dahil kung tunay ang taong nasa harap mo at kilala mo ang taong pinaggayahan nito, malalaman mo na siya ang nasa likod ng maskarang gumagaya sa mukha kung mas magiging witty nga lang sa bawat galaw.

"What's your business here?" sa malaking tono ng boses ni Damoz.

"Hinahanap ko si Angel Ann. Alam mo ba kung nasaan siya?" (Tugon naman ni Zeus na hindi ito nakikilala o naaalala.)

"Wala siya rito" tipid nitong sabi.

"Ikaw, ikaw yung, yung...naaalala kita pero saan tayo nagkita?" Lumakas ang aking pangamba nang sabihin ito ni Zeus. Mukhang ginamit rin sa kaniya si Trynyty at nawala ang memorya niya.

"Good morning Mr. Director." pagbati dito ni Zeus sa buong galang na tono.

Hindi niya kilala ito, please Zeus tumanggi ka sa kahit anong hilingin sa iyo niyan o kung magkaroon man ng pabor. Teka, bakit parang ambilis masyado natapos ang meeting nila?

"Anong pangalan mo? Zeus tama?" Pagtatanong ni Zeus.

"Oho tama," sagot ni Zeus.

"Kung gayon, bakit naparito ka at mukhang walang permiso mong pinasok ang aking opisina?"

(Nakangiti lang ang Director, magaling makisama at makipag usap. Mapagpanggap.)

Please Zeus magpaalam ka na. Hindi mo sila kilala.

"Ay paumanhin po Mr. Director, gusto ko lang po sanang makita si Angel Ann. Alam ninyo po ba kung nasaan siya?"

"Ahh si Angel Ann, kaano-ano mo ba siya? Isa siya sa may kakaibang abilidad kung kaya't nakuha siya upang bumuo ng isang team na siyang ipapadala sa labas upang maging isang rescue team."

"Nobya ko po siya since then at matagal-tagal na rin po." Zeus anong ginagawa mo? Binibigyan mo siya ng impormasyon na hindi dapat sabihin.

"Ahhh ganun ba? pasensya na kung naistorbo ko ang inyong pagsasama ngunit may dapat siyang gampanan alang-alang sa institusyon."

"Opo, naiintindihan ko po."

"Gusto mo bang pumasok sa loob upang makita ang aking buong opisina.?"

Please Zeus tumanggi ka.

"Ikagagalak po ng aking damdamin kung makapasok po ako ng tuluyan sa loob, ngunit ayos lang po ako, hahanapin ko nalang po si Angel. Maraming salamat." tugon ni Zeus.

Kumalma ang aking isipan ng marinig ko iyon.

(Tinitigan ni Zeus ang mukha ni Damoz at pilit inaalala ang nawalang memorya. Pumasok na ang dalawa, ang Direktor at ang asset nito sa loob ng opisina. Napansin ng direktor na sa ibang direksyon nakatutok ang frame sa table at tuluyan na itong naghinala.)

"Hindi niya naaalala ang dating nangyari. Hindi niya tanda ang aking mukha, kala ko susugurin na ako." Mukhang gusto tumawa ni Damoz. Kinaaawaan niya si Zeus.

"Sagabal ang batang iyon sa magiging plano ko kay Angel Ann. Tandaan mo, kapag nagkaroon ng alaala si Angel Ann at tuluyan ding maalala ka nung batang 'yon, masisira ang lahat."

Masama ito, hindi ko nasabi kay Zeus na huwag niyang kakausapin
ang mga taong tulad nito. Bibilugin lang nila ang kwento at gagawing armas ang lahat ng impormasyon laban sa iyo.

(Habang nakaupo ang direktor, napansin nito ang paper cup na nasa lapag. Napansin niya rin kanina ang maling anggulo ng picture frame. Tinignan niya rin kung magulo ba ang mga papel na sa loob at taas ng mesa, ngunit natagpuan niyang maayos parin ito. Nagsuspetya ito lalo kay Zeus kung may nalalaman ito. Napagbibintangan si Zeus, kaya
napag-isipan ng direktor na kailangan niya itong pamanmanan.)

Nang marinig kong pinaalis na ng direktor si Damoz, umalis na ako at tinunton ang hagdan pababa. Sana may daan paalis dito, habang nasa labas ang Direktor, hindi ako makakaalis dito dahil alam ng nito ang abilidad ko, pwera nalang kung makahanap ako ng daan palabas tulad ng vent.

Unti-unti nagkaroon ng liwanag sa dulong iyon ng pasilyo. Mukhang kailangan ng access muli dito sa pintuan and I don't have access here. But I managed to enter here
ng walang gaanong kahirap-hirap. There's space sa ilalim ng pinto at doon ako sumuot gamit ang ability ko.

At ng muling bumalik ako sa anyong pagiging tao. Nagulat ako dahil ang silid na ito ay tila ba isang morge.

The entire room is filled with disinfectant scent. Airconditioned system that makes my body shivers, and the most terrifying thing that caught my attention is the bodies on each decks of bed, covered with white blankets.

Nanindig ang mga balahibo ko. Bakit may mga ganito dito? Sino ang mga ito? Patay na ba ang mga ito? Are they murdered? Bakit sila tinatago dito? Sari-saring mga tanong ang bumabagabag sa akin. Ito ba ang dulot ng experimento kagagawan ng Direktor?

How could I get these proofs kung hindi allowed sa amin na gumamit ng any device? Should I back here next time and bring camera? Pero, baka hindi na ko ulit makabalik.

I tried my very best para kumuha ng kahit anong proof. Then I found a thing na pamilyar sa akin na nakakabit sa kamay nitong hindi ko makilalang tao.

-

Nakita ni Angel Ann ang bracelet na siyang regalo ni Trynyty sa kaibigan nito noong araw na nagpasama ito kay Dave.

Matapos ibigay ni Trynyty ang kaniyang regalo, sinamahan naman niya si Dave sa faculty room, dahil sa missed calls ni Mr. Marcuz kay Dave. At doon na nagsimula ang sunod-sunod na pangyayari.

Ang lalaking natagpuan ni Angel Ann sa silid na iyon, ang kaibigan ni Trynyty na siya ring nagligtas kina Trynyty, Dave at mga kasama nito mula sa isang halimaw na nasa loob ng isang Labyrinth, na siyang tinutukoy na isang ability triggering experiment.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman at ka-ignorantehan ng Director, may masamang epekto pa pala ang device.

Binuo nila ang kanilang ipanglalaban na device o ang kanilang research na may layuning tulungan ang mga bata na mahanap at pag-ibayuhin ang ang kanilang kakayanan at abilidad.
Ngunit taliwas sa ideyang ito ang nangyari, dahil kaakibat nito ang siyang pagkopya ng genes structure ng taong mayroong Alpha-genes. Sa pamamagitan ng device na ito,
makukumpleto o 'di kaya'y magkakaroon ng mas malakas na abilidad kung sakaling i-transfer sa Direktor ang mga genes na na-replicate.

Sa kabilang banda, ang mga batang na-replicate-an ng genes, pagkat ang iba ay hindi pa stable ang genes sa katawan nila, at nang biglaang ni-replicate ito without in full normal condition, na-trigger ang abnormal mutation at hindi na kinaya pa ng katawan nila. 

Kung tutuusin, ang Direktor mismo ang may pakana kung kaya't siya mismo ang dapat sisihin. Sa lahat ng plano, walang alam na may ganitong masamang ideyang idudulot sila Ms. Raghel at Mr. Vincent. 'Pagkat ang alam nila ay tumutulong sila sa isang kahibangan ng Direktor na ginagamit lamang sila upang matapos ang proyektong magpapabago sa estado nito sa buhay. Gusto nitong maging mas makapangyarihan pa sa lahat, sa presidente ng institusyon na
minamaliit siya, sa presidente ng bansa, at mga lider ng iba't ibang bansa.

-


Umalis na ako doon sa silid na iyon dala-dala ang bracelet na iyon. Kailangan ito makita ni Trynyty. Mukhang magiging ebidensya ito laban sa Direktor na tinatago ang
lahat ng kaniyang baho. Isa siyang plastic na naglalaman ng mababahong basurang adhikain na walang ibang hinangad kundi ang mapalakas ang sarili.

Naging mabuti ang kapalaran sa akin at merong vent din sa loob ng silid na ito. I used that to find way out of this hell. Pero mukhang naliligaw yata ako, I don't get it. Napaka-complex kasi ng mga vent dito hindi ko na alam kung saan ako susuot dahil wala pa akong nakikitang labasan.

Yet, nang dinirecho ko sa pinakadulo ng napili kong daanan, kumanan ako sa palikong iyon, dahil tila ba mayroong nag-eecho na boses. Sana hindi naman multo. Sinundan ko ang boses habang palapit ako ng palapit, palakas ng palakas ang boses at naririnig ko na rin ang tunog ng gitara na sinusundan ng liriko.

"In another life, I would be your man...

We'd keep all our promises, be us against the world...

In another life, I would make you stay...

So I don't have to say you were the one that got away...

The one that got away... "

Nang dahil sa boses at kantang iyon nakakita ako ng daan palabas. Sinilip ko kung sino ang naroroon. At nakita ko si Angelo na nakatambay doon, hindi ko kilala kung sino ang isang lalaki but I guess na siya yung kumakanta at naggigitara. Hindi naman marunong maggitara si Angelo. Huaw nang-judge.

"Gelo..." mahina kong tawag dito.

"Pssst Gelo...dito" tukoy ko dito sa pwesto ko. Halata naman sa ekspresyon niya ang gulat na kung babasahin ano ang ginawa ko dito.

"May ibang tao ba dyan bukod sa inyo?" tanong ko dito.

Tumingin muna siya sa kaniyang paligid para makasigurado. Umiling ito at sumagot ng "Wala naman, ano bang ginagawa mo dyan?"

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil wala dapat makaalam.

"Spying you?" memasagot ko.

Tinaas naman niya ang kaliwa nitong kilay mukhang 'di satisfied sa sagot ko.

"May Security Camera ba sa paligid n'yo?" huli kong tanong. Umiling siya muli bilang tanda na wala.

Then binuksan ko ang vent removable frame nito at doon nakalabas na ko sa wakas. Akala naman nila Angelo na kailangan ko pa ng tulong nila para lang makababa. Sinabi ko naman na kaya ko then ayun hinayaan naman nila ako.

"So paano mo na ibabalik yung frame niyan?" tanong ni Angelo sa akin tukoy nito sa inalis ko upang makababa.

"I think kayo na." sagot ko habang nakangiti. "Tenchu Angelo, Tenchu Kuya..." dali-dali akong umalis habang nagpapasalamat sa dalawa.

"Hoi Angel Ann, bumalik ka nga dine, mahiya ka nga."

"Kaya n'yo na 'yan, tenchu muah!" bahala sila roon hahaha.

-

Tinunton ni Angel Ann si Zeus kung nasaan ito. Mahalagang ipabatid niya rito na dapat iwasan na ni Zeus ang lalaking nagngangalang Damoz dahil may masama itong balak.

Wala itong sinasanto although mahina at ganito lamang ang abilidad nito, tuso at mapagkunwari ang mga ganitong kakayanan.

Kinahapunan, dumating sa punto na nagiging paranoid na si Angel Ann at ang dating nilalayuan niyang si Zeus upang maprotektahan ito ay naging baliktad, kailangan niyang laging kapiling si Zeus upang maprotektahan at ma-observe ang lahat ng taong makakasalamuha nito.

Dumating ang hapunan at ang lahat ng kabataan ay kasalukuyang nasa 5th floor na. Ang grupo nila Zeus ay nagsimula ng kumuha rin ng kani-kaniyang mga hapunan. Nag-aantayan ang grupo nila sa bawat isa na kukuha ng pagkain.

Nagtaka si Zeus kung bakit napakatagal naman yata dumating ng kaniyang pagkain na hanggang ngayon iniintay pa rin nito sa counter.

Sa likod ng counter, sa loob ng kitchen isinasagawa ni Damoz ang kaniyang plano. Kumuha siya sa fridge ng yogurt, gamit ang syringe tinusok nito sa itaas ang toxins na magsisilbing lason.

Paglabas ni Damoz, nagpalit ito ng anyo at naging isang kaakit-akit na babae.

"Here's your food big guy." Sa isang mapang-akit nitong tono.

"What is this for? Wala akong pinindot na yogurt," pagtataka nito.

"Well, that's my treat for you." She twisted her hair by her index finger as she giving sign of sexual desires para lang landiin si Zeus.

"Thanks then, but sorry may shota na ako." Ngumiti lang si Zeus nang sabihin niya ito at wala ng ibang binanggit na ano pa man. Nang tumalikod na si Zeus, disgusted
ang namuo sa mukha ni Damoz, at idinikit ang chiklet sa ilalim ng counter at umalis na sa pwestong iyon. Sa likod siya nagpalit muli ng mukha at bumalik na sa sariling
kamukhaan.

Umupo na si Zeus kasama ang kaniyang mga kaibigan at handang kainin ang nakahain sa kaniyang hapag.

"Luh, bakit may pa yogurt ka ngayon, nagbabawas ulit ng
calories?"

"Hindi baka pampa-sexy, alam niyo naman, para hot na sa paningin ni Angel Ann." banat ng isa.

"Gago gusto ni Angel Ann, huggable." Binatukan ng isa ang katabi nitong bumanat.

"Hindi, bigay lang ito nung babaeng nandoon..." turo ni Zeus sa counter pero walang naabutan ang mga matang dudungaw sana doon. Wala na ang babaeng tinutukoy ni Zeus.

"Perks talaga ng mga magaganda't sexy-ng lalaki 'yan."

"Mukhang nahiya yata yung chika-babe pri."

"Uyy mukhang may kailangan magselos." Asar ni Teod kay Angel Ann na ligalig pa rin.

"Nasabihan ko kasi ng may shota na ko." Para ma-comfort si Angel Ann na walang ibang gaanong ekspresyon.

"Luh, ba't sinabi mo iyon? Sexy ba pre?" ani ng kabarkada niyang 2 timer ang galawan at nanghihinayang.

"Sayang sexy na katawan natin pre." Ani ng isang kabarkada ni Zeus.

"Alam n'yo mga bro, ang tunay na sexyng lalake, isa lang ang mahal na babae....Diba Angel?" Ani ni Zeus habang inakbayan si Angel.

"Wow! Word of Wisdom" Na naka-sign na 'W' pa ang dalawang kamay at O ang bibig ng isa.

Naghinala si Angel Ann agad-agad kung kaya't nag-request itong sa kaniya nalang ang yogurt.

Ibinigay naman ni Zeus ang hiling ni Angel Ann bagkus lahat ng hilingin nito kay Zeus ay ibinibigay nito.

Nakihingi pa nga si Teod ngunit pabirong ani ni Angel kahit may bumabagabag sa kaniyang isipan, "Sige share-an kita bhebs, but first you need to say, penge master."
Nagsitawanan ang lahat ng magbiro si Angel Ann. Hay salamat hindi na siya corny magjoke. Nice one Angel Ann.

"Sige na teh, ang bad mo sakin" paniningkit ng mata ni Teody.

"Sige, pero may ipapagawa muna ako sa'yo mamaya okay?..."

"Luh may paganoon pa?!!! " busangot na ani nito. Kailangan niyang tiisin sa ngayon ang mukha na iyon ni Teod dahil delikado kung kakainin nila ng walang test na nagaganap.

Matapos kumain, tumayo na ang magbabarkada. Batid ng ilang kabarkada nila Zeus na parang may kakaiba sa ikinikilos ni Angel Ann.

Nakita ni Zeus na kinuha ni Angel Ann ang ubos na lalagyanan ng yogurt sa kabilang table at inilipat sa table na kinainan nila upang isipin ng kung sino man ang nagbigay kay Zeus ng yogurt na iyon ay mapagkakamalang nakain na ito.

Hindi naman na pinansin ito ni Zeus hanggang sabay-sabay silang umalis at magpahinga na.

Nasalubong ng barkada si Damoz, hindi naman kumibo si Angel Ann at umarteng normal lang ang lahat.

Tinignan ni Damoz ang sarili nitong relo na lubos ang pagtataka. 10 ml ang nilagay niyang lason doon, bakit hanggang ngayon hindi parin bumubula ang bibig ni Zeus. Nagsisisi rin siya dahil hindi niya binantayan ito.

Nakatitig lamang si Damoz kay Zeus na blanko ang mukha at hinihintay ang dapat na mangyari, pero tila ba bigo siya.

Nag-request si Angel Ann kay Teody na magpaiwan sa hallway dahil may gusto siyang linawin.

Pumunta sila sa laboratory na siyang working place ni Teody. Nagiging mala-OJT na rin ang mga pinagpapraktisan nila. Bukod sa combat training may iba't iba pa
silang pinagkakaabalahan upang tumaas lalo ang working points nila.

Batrachotoxin, ito ang ngalan ng isang lason na nakahalo sa yogurt. Nalaman kaagad ni Teod kung anong klaseng lason ito dahil popular itong lason na ito sa Southeast Asia, at kabilang na nga ang bansa doon.

"Teh bakit may ganitong lason sa yogurt ni Zeus?"

"Kung sino man siya, balak niyang patayin si Skatty."

Instead na matakot na-amuse si Teod dahil sa narinig niya mula kay Angel Ann.

"Skatty? teh may naaalala ka na? Yun yung endearment call name niyo ni Zeus."

"Did I said that? Pumasok lang sa isip ko," pagpapalusot ni Angel Ann.

"Baka step na ito, na kapag nagkakaroon ng care ang isang tao kahit na wala itong naaalala, magkakaroon-magkakaroon ng link na mabalik ang memory once na may care ka sa taong mahal mo." Buong pagpapaliwanag ni Teod.

Naaawa na si Angel Ann sa sarili dahil nagpapanggap siyang walang alam.

Possible nga ang sinasabi ni Teod pero sa totoo lang, kung pwede niya lang talagang sabihin, gagawin na niya dahil best friend naman niya ito since Junior High. Parehas na nga silang lumaki at magkaakibat sa school works pero hindi niya pa rin masabi. Dahil kung sakaling sabihin niya, maaring magkaroon ng chansang malagay ito sa panganib, katulad ni Zeus.

Hindi na niya kakayanin pa kung may isang magsasakripisyo ang buhay kung maging delikado na ang kahinatnan.

"Bhebs kailangan kong puntahan si Zeus." Ani ni Angel na may pag-aalala sa mukha nito.

-

Habang naglalakad ng mabilis, iniisip na ni Angel Ann ang pwedeng mangyari kay Zeus. Alam naman niya na hindi nag-iisa si Zeus sa unit nito pero may pangamba parin siya na may masamang mangyayari.

Sa loob ng unit nila Zeus, nakita ni Zeus na nakaupo ang ka-roommate nito na nagbabasa ng isang nobela. Medyo geek ang naging naka-roommate nito at hindi sila
gaano ka-close. Nakikipag-close naman si Zeus dito subalit iba talaga ang takbo ng isip nito.

"Kamusta araw mo dude?... " nakangiting ani ni Zeus sa walang kurap nitong karoommate. "Cool cap by the way..." pagtukoy ni Zeus sa sumbrero ngayon niya lang nakita sa ulo ng kaniyang ka-roommate.

"Ayos naman dude." Ani nito, na-weird-an si Zeus dahil sa wakas sumagot na rin ito sa kaniya at medyo feel niyang awkward ang dude na tawagan bilang kaibigan sa pagitan nila.

Dumerecho si Zeus papuntang banyo upang maglinis ng sariling katawan.

Tumayo sa kinatatayuan nito ang ka-roommate niya, ni-lock ang pinto at nilabas ang tinatagong kutsilyo na nakatago sa loob ng libro. Palapit ito ng palapit sa banyo. Walang lock ang pintuan ng banyo at sliding door lamang ito kung kaya't mabilis niya itong mapapasok at mapapatay.

Biglang may kumatok sa pinto ng unit na agad kinagulat ni Damoz na siyang kinopya ang mukha ng ka-roommate ni Zeus.

Abala naman si Zeus sa paglilinis, hanggang magpaulit-ulit na ang katok sa pintuan sa labas ng unit.

"Dude, pagbuksan mo yung pinto, may kumakatok." Ilang segundo ay wala paring nangyayari at katok lang ng katok ang nasa labas.

Nagtago na si Damoz sa ilalim
ng kama ni Zeus. Hanggang nilabas na ni Zeus ang banyo ng nakatapis lang.

"Pre wala ka bang naririnig na may kumaka.." bigkas nito sa hangin dahil naabutan niyang wala naman siyang kinakausap.

Binuksan ni Zeus ang pintuan ng unit at saka naabutan niyang ngayon lang umuwi ang karoommate niya.

"Diba, naka...nakauwi ka na?"

Umiling naman ito na usual nitong ugali at sinabing ngayong lamang siya nakauwi. Nanindig naman ang
balahibo ni Zeus. Ibigsabihin may multo sa loob ng institusyon na ito, ang siyang nasa isip nito.

Pabalik na sana si Zeus sa banyo upang maglagay ng damit ng tawagin ang ngalan niya ng sarili nitong ka-roommate.

"Teka lang, may naghahanap nga pala sa'yo."

Sumulpot si Angel Ann sa pintuan na hingal na hingal. "Zeus...." Ani nito na sobrang seryoso ng mukha. Tagong guminhawa ang mukha ni Angel Ann na malamang ayos naman si Zeus.

"Oh skatty bakit ka naparito?" tanong nito kay Angel Ann.

"Pwede ba tayong mag-usap na tayo lang?"

Pumayag si Zeus sa gustong mangyari ni Angel Ann. Nagbihis muna si Zeus bago pinapasok sa loob ng unit si Angel Ann. Umalis muna panandali ang karoommate nito dahil na rin kilala nito si Angel Ann bilang may posisyon.

Pinatay ni Angel ang ilaw at tanging ilaw lamang ng lampara ang iniwang may ilaw bago sinimulan ang sasabihin. Ayaw niyang makita siya ni Zeus na magiging ganito kahina pagkatapos ng kanilang pag-uusap.

"Zeus, kailangan mong malaman at intindihin ang bawat sasabihin ko."

Sumang-ayon si Zeus at iintindihin ang bawat salitang lalabas sa bibig ni Angel Ann

-

Song strongly suggested to play:
Love is Gone (by SLANDER ft Dylan Matthew)

Angel Ann's POV

Masakit pero kailangang sabihin ko sa kaniya ito. Hindi ko kayang mawala siya. Kung kailangan kong isakripisyo ang relasyon namin para lang sa buhay niya gagawin ko. Huwag lang siyang mapahamak.

"Please Zeus, itigil mo na ang kahibangan mo. Hindi na ako ang dating Angel Ann na kilala mo. Hindi kita kilala at hindi na maibabalik pa ng pagpapaalala mo ang pagmamahal na meron ang Angel Ann na nakilala mo dati. So please Zeus kung nirerespeto mo ako, ititigil mo na ang lahat ng ito."

Pinipigilan kong umiyak dahil mas kailangan. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Ayokong maging mahina sa harap niya dahil mararamdaman niya ang dating ako.

"Skatty bakit mo sinasabi 'yan, ayos naman tayo kanina a. Bakit biglang ambilis?"

Nakikita kong lumuluha na si Zeus, hindi kaya ng puso ko na may ganito.

"Please Angel.... skatt, huwag naman yung ganito. Diba...diba makalimot man...makalimot man ang isip pero hindi ang puso...Skatty please huwag yung ganito. Huwag mo kong iwan please."

Lumuhod sa harap ko si 'skatty' habang pilit ko siyang itinatayo.

"Zeus tumayo ka, huwag kang maging bata dyan. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat umayos ka. Ayokong saktan ka..."

Hawak lang niya ng mahigpit ang mga kamay ko. Ayaw niya akong pakawalan.

"Pero ginagawa mo na...sinasaktan mo na ko Angel dahil sa sinsabi mo...please don't" umiimpit na ang boses niya. Awang-awa na ako sa kaniya at sa sarili ko. Alam kong parehas kaming nahihirapan pero
kailangan.

"Zeus sana maintindihan mo, nasa reyalidad tayo. Imposible ang sinasabi mo. Hindi sa lahat ng oras masayang ending ang kahahantungan ng isang relasyon. Kailangan mo akong pakawalan hindi lang dahil hindi na ako ang Angel Ann na nakilala mo kundi kailangan mo na ring palayain ang sarili mo sa pagmamahal na ikaw lang ang mag-isang nagmamahal."

Ang sakit ng sinabi kong iyon. Parang bibigay ang puso ko sa sakit. Parang tinatakwil ko ang pagmamahal na nakatoon sa akin after several years na magkasama kami. Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha niya habang halik ng madiin ang mga kamay ko.

"Hindi Angel, please huwag ganito. masakit, please ang sakit-sakit. Pangako, papakabait na ko, hindi na kita aawayin, papataba na ulit ako... you can hug me all the time, anytime you want please don't do this. Natuturuan ang puso, tutulungan kitang mahalin muli ako. Please Skatty."

"Kung makaalaala ako bilang parte ni Angel Ann na siyang nakilala mo, babalik at babalik ako sa'yo."

Magkaharap kaming lumuhod sa isa't isa bilang paghingi ko ng tawad. Hinalikan ko siya sa noo bilang tanda rin ng pagpapaalam.

Pinilit kong inialis ang kamay ko sa kaniyang pagkakahigpit. At iniwan siyang nag-iisa mula roon sa madilim na parte na iyon ng kaniyang silid.

Dali-dali akong bumalik sa unit namin doon ko nilabas ang lahat-lahat. Ang hikbi, ang galit sa nangyayari, ang takot, ang lahat-lahat. Nahihirapan akong huminga, I have chest pain dahil sa iyak kong iyon. Umaagos ang luha na tila ba hindi na hihinto pa. Ang sinok na siyang lalong nagpapahirap sa bawat segundong paghinga ko. Nagdadalamhati ang puso ko sa sakit na ako mismo ang may gawa. Bakit kailangang mangyari sa amin ito? Bakit binigay ang ganitong pagsubok sa amin? Bakit? "Ang sakeeeeet!"

-

Umalis si Damoz sa unit na iyon na hindi nagagawa ang pakay niya. Sobra itong naapektuhan dahil sa natunghayan niyang pangyayari.

Ilang oras din siyang nasa ilalim
dahil iniintay niyang makatulog ang dalawa, si Zeus at ang ka-roommate nito.

Gayunpaman, naisip nitong sapat na siguro ang nangyaring iyon at hindi na magtatagpo pa ang landas ng dalawa, si Zeus at si Angel Ann.

Hindi na magiging sagabal pa si Zeus sa plano ng direktor kay Angel Ann.

Tagumpay naman ang naging plano ni Angel Ann, pero sobra talaga itong nasaktan.

"Permission to abort Sr." Ani nito sa loob ng opisina ng Director.

"Bakit? Bakit 'di mo ituloy? Bakit hindi mo ko hinayaang gawin ang dapat gawin?"

Pinaliwanag ni Damoz ang nangyari ng isasagawa na ang plano. Napangunahan na rin kasi si Damoz ng kaniyang nararamdaman kaya pinigilan na nito ang Direktor na gawin ang maitim nitong balak.

Kahit pa hindi natuloy ang dapat mangyari, gusto parin ng Director mabura ng tuluyan si Zeus sa buhay ni Angel Ann. Wala namang magawa si Damoz dahil ito ang ibig ng Direktor.

"Okay Sr. masusunod po."

-

Pinagpaliban na muna ni Damoz ang pagpaplano ng ilang oras at hinayaan munang maging tuyo mula sa luha ang mata ni Zeus sa mga oras na iyon.

Naiintindihan niya ang sitwasyon nito dahil nagkaroon din ng ganitong pangyayari sa kaniyang buhay.

Tila ba bumalik siya sa kaniyang katinuan. Mabuti naman siyang tao noon, pero nang makaranas siya ng sakit, tila ba nagbago ang ihip ng hangin.

Bakit ba sa mga mabubuting tao, kailangan pang makaranas ng
sobrang sakit sa damdamin, bakit kailangan pa silang saktan?

Sa ganitong pangyayari sa buhay ng tao, ang mga taong masasama ay dati na rin nagkaroon ng puso. Sinubukan lamang sila ng panahon at ng kapalaran, na sa kasawing kapalaran lamang sila naliko ng landas. At tinahak na nila ang likong daan dahil ang akala nila, wala na talagang pag-asa.

Nagbabakasakali si Damoz na baka maging katuwang pa nila sa mga plano si Zeus. Malakas ang abilidad ni Zeus kung kaya't may plano siyang mas pagsamantalahan ang kahinaan nito.

Dumating ang oras na pinaka-iintay ni Damoz. Ginaya nito ang mukha ni Angel Ann, pinuntahan si Zeus at inaya ito sa tagong lugar.

Humingi ng tawad ang huwad na Angel Ann para kumbinsihin si Zeus na nagkamali ito ng mga sinabi. Nagbigay ng pagkakataon si Zeus sa babaeng nasa kaniyang harapan. May sumilay na ngiti sa labi nito at nagbabakasakaling pwede niya muling mahawakan ang kamay ni Angel Ann.

Sabay silang naglakad-lakad sa parte ng 10 floor na iyon habang binubuo ni Damoz ang sasabihin nito.

"Ahm pwedeng..ahh...kamay...no holding hands...nahihiya ako. Pasmado." Ani ni Damoz na nagbabalat kayo bilang Angel Ann.

"Kahit pasmado. Kahit magaspang pa man ang kamay mo..." Naisip ni Zeus na kaya siguro magaspang ang kamay ng babaeng kahawak niya ngayon ay tuwinang pagpa-practice nito. "... Hahawakan ko pa rin ang kamay na ito. Walang bibitaw diba?"

Tinanggal pa rin ni Damoz ang kamay nito kay Zeus dahil hindi siya komportable at naiirita ito. Wala naman nagawa si Zeus dahil ibig ito ng kaniyang minamahal.

"Naalala mo pa ba? Nung time na biglang umulan sa estasyon ng tren. Wala kang dalang payong kung kaya't nakisukob ka sa lalaking naka-earphone?" Tukoy ni Zeus sa kaniyang sarili.

"Bwiset na pwesto kasi yung part na iyon, hindi pa sinagad na lagyan ng bubong." Napatawa ng mahina si Zeus, tukoy-tukoy ang pinaka unang pagtatagpo nila.

"Tapos nang makasakay tayo, nagtabi rin tayo since parehas naman ng school ang pinapasukan natin. Tapos nilabas mo ang mp3 music player mo at napasabi ka ng,
"Ang malas ko naman" dahil dead-bat ito, kung kaya't ibinigay ko ang isang earpiece ko sa'yo."

Ngumingiti-ngiti lang si Damoz, dahil isang memorya iyon na 'di niya alam kung kaya't tumatango lamang ito.

"At nang marinig mo ang kanta. Napatanong ka nalang na, "Paborito mo rin pala ang kantang ito?" At napasabi naman ako ng oo. Ramdam na ramdam mo pa nga ang kanta at pumipikit ka pa, habang nagli-lip sing. On that day, that was the first day of my life fall in love with a girl... who was only you."

Hinawakan ni Zeus ang magkabilang kamay ni Damoz at iniharap ito sa kaniya.

Tatangkain niya halikan ang mga kamay ni Damoz ng malaman niyang hindi ito ang amoy na nakasanayan niya kay Angel Ann.

Every person has a distinct body scent. At nakita ni Zeus ang Spiral
na birthmark sa kanang kamay ni Damoz. Hindi nakatago ngayon ang mga kamay ni Damoz.

"Hindi, hindi ikaw si Angel Ann, sino ka?" Napataboy ito sa babaeng hawak niya.

Ngumiti muna ng nakaloloko si Damoz bago bumalik sa sarili nitong mukha.

"Ikaw? Bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Zeus kay Damoz.

"I know your pain, I know what you were experiencing today. But let me help you na kalimutan ang lahat" panghihikayat nito.

"Back Off. 'Di ko kailangan ng tulong mo. Nasaan si Angel Ann, bakit gaya-gaya mo ang mukha niya?"

"Nasa maayos na kalagayan si Angel, huwag ka mag-alala dahil ikaw lang ang puntirya ko dito. May dalawa akong ibibigay na pagpipilian sa'yo at kailangan mong pumili. Dadaanin natin sa madaling paraan o mahirap na paraan?"

Unti-unting nagkaroon ng tulos ang mga braso ni Damoz na kinaatras lalo ni Zeus. Pinapipili siya ni Damoz kung aanib siya, maliligtas siya. At kung tatanggi ito, walang magagawa si Damoz kundi paslangin siya.

"Teka parang naaalala na kita! Ikaw! Ikaw yung lalaking gumaya ng mukha ko nang nasa loob ako ng Quarantine area." Pag-alala ni Zeus. Na-realize ni Zeus na kaya siya ang pinagbibintangan dahil may mga tusong katulad nito ang sumisira sa imahe niya.

"Tama, ako nga iyon. Mabuti't naaalala mo na, ngunit sa kasawiang palad malapit na rin ang oras mo." Pagtatangka nito sa buhay ni Zeus. Kinewento ni Damoz ang lahat kung paano nito sinasagawa ang bawat pangyayari ng kaniyang plano dahil hindi naman na magtatagal ang buhay ni Zeus.

Bibigyan ng drugs ang siyang magiging suspect upang mawala ito sa sarili at mahimatay. Pagtapos, isusuot nito ang sumbrero upang kumunekta ito sa device na suot naman ng Direktor, then wolah! Ang Direktor na ang kokontrol sa katawan maging ang ability ng puppet nito. Ginagawa ng Direktor iyon upang walang direktang koneksyon kung magkaroon ng malalim na pag-iimbestiga. At ginagawa niya ito upang patayin ang lahat ng pinaghihinalaan na kumuha sa Lin.C na siyang bagay na magtuturo sa kaniyang mga maiitim at masasamang ginawa at balak.

Napaka-injustice nito kung tutuosin, pero walang sinuman ang makagawa dahil makapangyarihan ang Direktor, miski si Damoz. Nagiging tuta lamang siya nito na sinusunod ang naisin nito.

Tinanong ni Zeus kung bakit si Damoz na mismo ang kumilos ng papatayin niya si Jwyneth. Ginaya pa nito ang mukha ni Zeus para lang gawin ang plano nito. Simple lang ang sinagot ni Damoz.

"Gusto ko lang siyang balaan at wala akong intensyon siyang
patayin."

Lakas loob nagtanong si Zeus upang tumagal pa ang pag-uusap na iyon.

Tinanong nito kung bakit, at tila ba nagkaroon ng pabor ito kay Jwyneth.

Ngumiti si Damoz ng mapait bago sagutin ang tanong. Nang malaman niyang si Jwyneth ang target ng Direktor, agad siyang umaksyon upang balaan ito at pagtangkaan
ito kahit papaano.

Kinewento mismo ni Damoz sa kaniya na siya mismo ang nag-delete ng cam record kung kaya't putol ang pagitan ng timeline sa security room at hindi na nakita pang bitbit ni Jwyneth ang Lin.C device.

Lalong lumalim ang usapan nila, hanggang sa umabot sa puntong, baliw na umiiyak si Damoz.

Napag-alaman ni Zeus na si Damoz ang dating nobyo ni Jwyneth, sa
pamamagitan ng kwento ni Damoz.

Alam ni Damoz na nagkamali siya dahil pinag-imbutan nito ang oras. Sobrang nagselos si Damoz sa atensyon na binibigay na kakarampot ni Jwyneth dahil ang atensyon lamang nito ay umiikot sa akademya. Kaunti lamang ang oras nito para sa kaniya. Kung kaya't naging two timer siya na hindi nararamdaman ni Jwyneth.


FLASHBACK

'Di inaasahan ni Damoz mula sa birthday party na in-attend-an niya ay naroon rin si Jwyneth na nakita ang scene ng paghalik ni Fiona kay Damoz.

Sa huli, hindi rin pinili si Damoz ng ikalawang nobya nito ng malaman ang nangyari at tuluyan na siyang
nawala sa sariling katinuan dahil hindi niya na alam kung paano makikipag-ayos sa babaeng kaniyang lubos na nasaktan.

Umalis si Jwyneth mula sa party na iyon at hindi na tinangka pang sundan ito ni Damoz dahil wala na siyang ihaharap pa sa taong pinakanasaktan niya.

END OF FLASHBACK


"Time is Up." Damoz said.

Hindi na makakatakbo si Zeus pabalik. Walang ibang makatutulong sa kaniya dahil walang nakakaalam na narito sila.

Mula sa monitor, nanonood lamang ang Direktor sa magiging tagpo ng mga pangyayari sa dalawa. Nakangiti at napag isip isip na hindi na kailangan niya pang kumunekta pa sa isip ni Damoz para isagawa ang pagpaslang. Wala lang siyang naririnig sa mga pinag-uusapan ng dalawa mula sa monitor.

Nagsimulang nang umatake si Damoz habang nakaabang si Zeus sa mga atake nito. Umiiwas at sinasalag lamang ni Zeus ang lahat ng atake hangga't kaya nito. Humahanap siya ng tsempo kung saan niya iko-concentrate ang ability niya para mapuruhan ito at makatakas siya.

Suntok dito, suntok doon. Sipa rito, sipa roon. Gumaganti na rin si Zeus habang natutuwa naman si Damoz sa pinapakitang galing ni Zeus sa pakikipaglaban.

"Magaling ka na sana makipaglaban, natutuwa ako dahil hindi mo na kailangan pang may magtanggol sa iyo. Pero ang mali mo lang, hindi mo kaagad binigay ang lahat." Napatawa ito ng sobrang nakakaloko na tila baliw na ito sa gusto nitong gawin.

Nasaksak ng mala-tulos na braso ni Damoz ang tagiliran ni Zeus. Hinugot niya ito ng buong bilis hanggang tumulo ang dugo mula sa parte ng sugat na iyon.

Nagkaroon ng distansya sa pagitan ng dalawa. Hiningal si Damoz habang si Zeus ay naiwang sugatan at maraming pasa dahil sa pagsalag ng mga mabibilis na atake.

Nakahawak at binibigyang pressure ni Zeus ang sugat upang pansamantalang 'di umagos ang dugo mula rito.

"Alam mo, pinahihina ka lang ng pagmamahal. Walang maidudulot iyan kundi kasawian. Ibibigay mo ang lahat, pero sa huli, wala kang makukuha diyan."

"Mali ka, may maidudulot ang pagmamahal. Pinapalakas ng pagmamahal ang isang tao para ipaglaban ang gusto at ibig nito. Ang tunay na pagmamahal ay kusang binibigay na walang hinihinging katumbas o kapalit pa nito."

Tumawa lang ng pilit si Damoz habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Zeus. Tunay ngang hindi sila magkapareho ng naranasan mula sa kabiguan at pag-ibig.

"Hindi ka kayang iligtas ng pagmamahal na iyan sa kamatayan mo ngayon."

Papalapit ng papalapit si Damoz sa gumagapang paatras na si Zeus na hawak ang duguang sugat nito
sa kaniyang tagiliran.

Napasandal si Zeus sa pader habang iniintay nito ang tamang oras. Hinarap ni Damoz si Zeus at bumaba sa lebel nito upang gawin ang nais nito. Tinapat ni Damoz ang tulos na kamay nito sa parte ng dibdib na iyon ni Zeus kung saan matatagpuan ang puso.

"Kapag pinatay kaya ng ikalawang beses ang puso, titigil na kayang magmahal ito?"

Isang tanong na kailangan ng kasagutan mula sa taong nakasapit din ng kabiguan sa pag-ibig.

"Kailanman, hindi mamamatay ang pusong nabuhay sa pagmamahal at marunong makatagpo ng pag-asa."

Pinatong ni Zeus ang kaniyang kanang kamay sa balikat ni Damoz. Doon niya pinakawalan ang malakas na pwersang tatangayin at gugulong ito papunta sa riles ng tren.

Sa takdang oras ng pagdating ng tren, doon niya isinagawa ang plano upang hindi na makapanakit pa ang lalaking literal na mapagbalat kayo. Kahit may nabibilang itong mabuting instensyon sa iniibig nito.

Nagulantang ang Director na nanonood sa laban nila sa palapag na iyon. Tumalsik si Damoz papunta sa riles at doon nahagip siya ng rumaragasang tren.

Continue Reading

You'll Also Like

90.3K 4.1K 56
Lucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isa...
10.4K 671 8
When Ashanti has sunk into her demise and gets rebirthed as a royal vampire, Rui, a new form and identity created; precisely a young man in that, has...
633K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
88.9K 5.6K 64
Akala ko noong una,puro emahinasyon lang o gawa gawa ng tao pag naririnig ko iyong mga kwentong bayan,.. Minsan iniisip ko ,nako panakot lang y...