My Last Fall (Bestfriend Seri...

By jeyninstrous

14.4K 684 14

(Bestfriend Series #1) Solana Axumpcion Feliciano Jaxson Jax Zigfred More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Note

Chapter 1

1K 32 9
By jeyninstrous

Nagising ako sa ingay ng alarm clock na nasa bedside table ko. Naiinis akong bumangon at masamang tinignan ito na akala mo ang laki ng kasalanan nito sa akin.

"Hoy alarmclock! kita mo tulog pa yong tao tapos gigisingin mo?! aba! hindi kita tinuruan ng ganyang manners! hmp!" sigaw ko at dinuro duro ito.

Baliw lang ang peg? pasensya na wala pang kain eh.

Alas sais na ng umaga kaya napakamot ako sa ulo ko.

Heto na naman tayo balik na naman sa school. Fourth year highschool na ako at masasabi ko na ang bilis talaga ng panahon.

Kong kailan lang elementary pa ako, dugyot at jejemon, ngayon naman mas lalong naging dugyot at jejemon chariz! siyempre glow down--- este up si me.

Pumunta kaagad ako sa bathroom ko at pinaandar ang shower at papikit pikit akong naligo.

Kainis naman kasi, nakakatamad kaya maligo. Kong pwede nga lang pumunta ng school na tulo ang laway at walang ayos pero mahirap na baka mapagkamalan pa akong pulubi sa ganda kong to.

Shampoo here, sabon there, shower everywhere.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko kaagad ang robe ko at lumabas ng bathroom papunta sa walk in closet ko at nagbihis ng uniform. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer at naglagay ng pulbo sa maganda kong mukha at liptint sa aking kissable lips para naman hindi ako magmukhang may cancer na stage four dahil sa putla ng labi ko.

Pagkatapos ay perfume here, perfume there and all ver my sexy body.

Halos mapalukso ako sa gulat ng biglang may kumalampag ng pintuan ko ng malakas.

"Solana Axumpcion, dalian mo na diyan!" sigaw sa akin ng tukmol kong kapatid na si Ozric.

Daig pa babae kong makasigaw, ang ingay ng bunganga.

"Oo na heto na! ang ingay ingay!" sigaw ko pabalik at dali daling lumabas ng kwarto ko.

"Tangina! arghhh!"

Dahil sa pagmamadali ko ay nadulas ako at diretso ang pwet ko sa sahig. Hindi ko maiwasan ang himasin ito at agad na tumayo at paika ikang bumaba ng hagdan.

Wala na ang tatlo kong magaling na mga kuya sa loob ng bahay kaya patakbo akong lumabas ng bahay dahil baka iwan na naman nila ako at wala akong masasakyan.

Eh sa hindi ba naman ako binilhan ng kotse ni Daddy dahil natatakot daw siyang baka madisgrasya ako at minor pa ako kaya heto nakikisakay nalang sa mga tukmol kong kapatid na may sariling mga kotse. Minsan ay kailangan ko pang pumara nalang ng taxi dahil iniiwan nila ako.

Sasakay na sana ako sa kotse ni Kuya Ozric ng bigla nalang niyang pinaandar ang kotse niya at ayun umalis na. Pati na din si Kuya Felix at Kuya Zayn ay pinaharurot na nila ang mga kotse nila.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis.

"Arghhhh! mga walanghiya!" sigaw ko dahil nabubwiset ako sa mga tukmol na yon.

Iwanan ba naman ako.

Oh diba! napakabait ng mga kapatid ko? sarap pag untugin nilang tatlo.

Halos maiyak na ako sa inis at napilitan nalang na maghintay ng taxi. Sa kabutihang palad ay may dumaan naman agad na taxi kaya mabilis ko iyong pinara at kaagad akong sumakay.

"Manong, sa Zigfred National Highschool po." sabi ko kay manong driver at kinuha ang cellphone ko ng biglang tumunog ito.

Si Shantal ang tumatawag.

"Bakit?"

[Beshywap! good day!]

Inilayo ko ng bahagya ang tenga ko dahil sa pagsigaw niya. Baka ma-hurt ang eardrums ko sa boses niya.

"Good day ka diyan, bad kaya! iwanan ba naman ako ng mga tukmol kong kapatid." sabi ko pa at wala sa sariling napairap sa labas ng bintana ng taxi dahil naiinis ako.

[Ah basta good day to para sa akin. Classmates ulit tayong tatlo ni Janica!]

"Share mo lang for short sml? haler! alam ko na yan paulit ulit ka. Sinabi mo na kaya sa akin yan kahapon."

[Ay! nasabi ko na ba? hehe.]

Agad niya akong pinatayan ng tawag. Napaka impakta talaga.

Pagkahinto ng taxi sa tapat ng school ay agad na akong nagbayad kay manong driver at nagpasalamat at naglakad kaagad papunta sa gate.

"Good morning, guard!" bati ko sa guard namin at nakipag apir.

Tropa kami kaya close kami ni manong guard.

"Good morning din sayo, Solana. Ang ID mo?" sabi sa akin ni manong guard kaya napatingin ako sa leeg ko at putangina!

Wala akong suot na ID!

Patay kang bata ka!

"Ah eh... naiwan ko po sa bahay hehe..." sabi ko pa kay manong guard at napakamot sa ulo ko at nag peace sign.

"Oh siya sige pumasok ka na basta sa susunod huwag mo ng kalimutan ang ID mo lalo na kong first day ng pasok." sabi niya kaya malaki ang ngiti na ibinigay ko sa kanya.

"Salamat manong guard! the best ka talaga!" sabi ko pa at nagtatakbong pumasok sa gate na parang nakawala sa hawla.

Manong guard lang ang tawag ko sa kanya. Eh sa tinagal tagal ko ba naman sa school na ito simula first year highschool ay hindi ko alam ang mga pangalan ng mga guard dito, basta mga tropa ko sila.

Patakbo akong pumunta sa building ng fourth year at napapamura pa ako sa daan dahil ang layo ba naman ng building namin. Sarap sunugin ng ibang building dito para mabawas bawasan naman ang mga classrooms.

Ng makarating na ako sa building ng mga fourth year ay umakyat naman ako papunta sa third floor kong saan nakalagay ang hinayupak kong classroom na pinapahirapan talaga ako.

Heto tuloy hingal na hingal ang beautiful lola niyo.

"Beshywap!"

Agad akong sinalubong ni Janica at Shantal ng yakap pagkapasok ko pa lang sa room namin which is section B.

Oh diba! lakas maka alphabet ang mga sections dito sa school namin at huwag ka! section B ako.

Matalino yata to pero maliban sa math na nagpapasakit ng walang laman kong utak.

Mula first year highschool at hanggang fourth ay hanggang section Z ang mga sections. Kaya andaming classrooms ng bawat building. Ako ito proud na proud sa sarili ko dahil nasa section B ako.

"Tabi tayo!" sabi pa ng dalawa kong beautiful yaya charot!

Beautiful bestfriends yarn at hinila ako papunta sa isang bakanteng upuan at pinaupo.

Actually apat talaga kami kaso yong isa ay sa Mindanao na nag aral.

Sa dalawang bakante naman na nasa magkabilang gilid ko sila umupo. Maingay ang classroom. Dinaig pa ang palengke sa sobrang ingay.

Chika here, chika there, chika everywhere, ganern!

Napatingin din ako sa mga bago naming kaklase kong may naging classmates ba ulit kami na classmates din namin noon.

Hindi nga ako nagkamali dahil meron nga.

"Solana!"

Ayown oh! may fans na agad ako!

Biglang lumapit sa akin si Tinkerbell at Dora na classmates namin noong third year.

Tinkerbell at Dora ang pangalan ng dalawa kong classmates na ka chikahan din namin noon. Bakit ganun ang pangalan nila? itanong niyo sa nanay nilang dalawa na mukhang mahilig yata manood ng movie ni Tinkerbell at Dora kaya ayun mga mukha din ng anak nila at pati pangalan ay Tinkerbell at Dora.

"Woy! kamusta na?" tanong sa akin ni Dora habang nakatayo sa harap ko at nakasabit ang bag niya sa likod niya.

Oh diba! dora na dora, kulang nalang kumanta siya ng dora dora the explorer at hanapin niya si swiper at magsama na din siya ng unggoy para maging si boots.

"Ito kita mo naman buhay pa din. Ikaw bakit buhay ka pa at anyare diyan sa bangs mo? ba't parang umiksi ata?" sabi ko pa at napahawak naman siya sa bangs niya na mukhang bunot dahil sa iksi.

"Pinutulan ko ulit hehe." sabi pa niya at mukhang proud na proud pa talaga siyang ipagmayabang ang bangs niya.

"Putulan pa natin!" singit naman ni Tinkerbell na may subo subong lollipop sa bibig niya.

Agad siyang kumuha ng gunting sa bag niya at nakangising tumingin ulit kay Dora.

"Eh wag na! ang ganda na kaya nito." sabi pa niya habang hawak pa din ang bangs niya.

"Putulan pa natin dali na!" pagpupumilit ni Tinkerbell the mapilitbells kay Dora the pangitbangs hanggang sa tuluyan na silang naghabulan at ayun lagapak sa sahig si Tinkerbell.

Tinawanan lang siya ng ibang kaklase namin na nakakita sa kanya.

Buti nga sa kanya! chos!

Habang wala pa ang teacher namin ay nakipagchikahan muna ako kay Janica at Shantal. Si Shantal ang unang nagkwento tungkol sa jowa niyang jejemon.

Hindi ako bitter ah! sadyang NBSB lang ang lola niyo kaya hindi maka relate sa mga lovelife lovelife na yarn.

"So ayun nga, two years na kami this coming january ni Clint." kilig na kilig pa siya habang sinasabi niya na two years na sila ng jowa niya sa january kuno.

Heto naman ako nakikinig.

"Ano ba feeling may jowa?" tanong ko habang nakapanghalumbaba.

"Masaya, palibhasa kasi hindi ka nagka boyfriend kaya hindi mo naranasan mainlove ng ganito. NBSB ang peg."sabi pa niya at may pahawi hawi pa ng buhok niya na mukhang hindi nag shampoo ng isang buwan dahil sa tigas na akala mo pugad ng ibong adarna.

Joke!

"Che! eh sa mahigpit ba naman ang mga tukmol kong kapatid at ayaw ko pang magka- jowa no." sabi ko.

May sasabihin pa sana siya pero napakunot nalang ang noo ko ng nakanganga na siya at nakatingin sa ibang direksyon. Nagsitilian ang mga kaklase kong babae kaya napalingon na din ako sa gawi na tinitignan nila.

Ang tukmol squad na mga feelingero at naka shades pa talaga ang mga loko na akala mo may mga sore eyes. Mukha talaga silang tukmol sa paningin ko maliban sa crush ko hehe.

Si Jaxson na leader ng mga tukmol, si Clint na boyfriend ni Shantal, si Arson, si Alexis and last but not the least, ang crush ko si Zeddie mylabs.

Bakit tukmol ang tawag ko sa kanila? wala gusto ko lang.

Mag pinsan sila Jaxson at Zeddie kaya parehas sila ng apelyido at sila din ang may ari ng school na ito.

Silang anim ang mga pinaka heartthrobs dito sa campus at tinitilian at kinakatakutan tulad ng mga tukmol ko ding kapatid. Oo anim sila pero ewan ko kong nasaan yong isa, mukhang ibang section yata napunta.

First year pa lang ako ay palagi ng magkasama silang anim. Naging kaklase ko si Jaxson the leader kuno simula first year highschool at hanggang ngayon ba naman na fourth year highschool na kami?

Okay lang sana kong si Zeddie lang.

Pati ang dalawa kong tukmol na kapatid na si Kuya Ozric at Kuya Zayn ay tinitilian din kaya hindi ako sumasama sa kanila palagi pag nandito kami sa school dahil naririndi ako sa mga tilian ng mga babae na nakakasalubong namin sa kahit saang sulok ng campus.

Kong minamalas nga naman. Ayaw ko kayang makita palagi ang mukha ni Jaxson tukmol.

Nakita ko pang napatingin siya sa akin kaya inirapan ko siya pero pinakyuhan lang ako ng loko.

Aba! Kaya ayaw ko sa kanya dahil ang sama ng ugali at masyadong feelingero. Idagdag pa na maraming nagkakagusto sa kanya kahit ang sungit niya at mahilig mang-asar.

"Jaxson! dito kayo!" sigaw ni Shantal at kumaway kaway pa at itinuro ang limang upuan na bakante na nasa likuran namin.

Pinaningkitan ko siya ng mata pero wa epek! Nginisihan lang ako ng gaga at agad naman na naglakad ang lima papunta sa likuran at umupo. Rinig ko pa ang usap- usapan ng mga kaklase namin na mga nagpapapansin.

"Jaxson, ang gwapo mo!"

"Alexis akin ka nalang!"

"Gosh! they're so handsome as always!"

"Clint, ilang inch yang ano mo?"

"Napaka yummy nila! omg! mahimatay ako ngayon na!"

"Jusmeyo! pwedeng pahawak ng abs mo Jaxson?!"

"Zeddie, you're so handsome!"

"Arson, baka naman naghahanap ka ng yaya, ako nalang gawin mong yaya! Bubusugin kita sa sarap!"

"Jaxson huhu... ako nalang kasi!"

"Taray ang biceps nila, yumyum!"

"Arson akin ka nalang!"

"Zeddie, anakan mo ako!"

Napalingon pa ako sa nagsabi ng "Zeddie anakan mo ako" pero sa sobrang ingay nila hindi ko na nalaman kong sino yon. Malaman ko lang talaga kong sino yon ingungudngod ko ang mukha niya sa semento.

Agawin ba naman ang crush ko! sorry nalang siya dahil ako ang aanakan ni Zeddie, chariz!

Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil nakakarindi ang tilian nila. May iba pa na ang halay magsalita parang ako lang, charot!

Natigil lang sa tilian ang mga mukhang tindera kong mga classmates kong makasigaw ng may dumating ng teacher.

"Good morning class."

"Good morning ma'am!" sabay sabay naming bati sa magandang teacher na dumating.

Taray ang sexy ng teacher namin at mukhang yayamanin.

"So class, I'm Amiza Dela Torre, your adviser and also your teacher in English." pakilala ni Ma'am at bigla namang nagtaas ng kamay si Dora the pangit ang bangs kaya tinawag siya ni Ma'am.

"Yes?" si Ma'am.

"Ma'am, kaano -ano niyo po si Moira Dela Torre? yong kumanta ng titibo tibo puso ko ay titibo tibo pa rin sayo..."

Nagsitawanan ang ibang mga kaklase namin hindi dahil sa tanong ni Dora kundi dahil sa boses niya. Pangit kamo niyang kumanta parang kambing lang na may taning na ang buhay.

Kong sa kanya kambing na may taning ang buhay, sa akin naman ay baboy na may taning ang buhay charot!

"Miss? what is your name?" tanong ni Ma'am kay Dora habang nakangiti.

"Dora Bangsit po." sabi naman ni Dora.

Oh diba gandang fullname! char!

"Okay, actually we're not related at magka apleyido lang."

Napa "ahh" naman ang mga classmates ko at nagpatuloy na si ma'am ganda sa pagbibigay ng info about sa sarili niya.

Blah blah blah...

Hanggang sa sinabi niya na kami na naman ang magpakilala.

This is it pusit! confident ang lola niyo kaya game na game ako sa introduced yourself na yan. It's time to pasikat kay crush.

"Sinong gustong maunang magpakilala?" tanong ni ma'am kaya nagtaas ako ng kamay at nagsitilian na naman ang mga kaklase ko at ang lapad din ng ngiti ni ma'am.

Problema ng mga to? mukhang gandang ganda sila sa akin.

I know right!

"Okay mister what is your name?"

What?! Tinawag akong Mr. ni Ma'am?!

Mukha ba akong lalaki sa ganda kong to?!

"Ma'am hindi po ako lalaki, miss po dap-"

"Jaxson Jax Zigfred." biglang may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako sa likod at...

Puking ina!

Napahiya ako!

Si Jaxson tukmol pala ang tinanong ni ma'am?! pashnea ka Jaxson! mukha kang si Hagorn!

"Mr. Zigfred, kindly come here in the middle and introduce yourself to your new classmates." sabi ni ma'am at nginisihan naman ako ng tukmol ng nakakaasar na ngisi at naglakad na papunta sa gitna.

Dahil sa inis ay nasampal ko nalang ang noo ko at umupo. Ako ang nauna tapos siya ang unang pinili! aba naman!

"Jaxson Jax Zigfred, singer, likes to play basketball and not interested in annoying girls." sabi niya at sobrang ingay na naman.

Napakunot pa ang noo ko dahil sa akin siya nakatingin.

Tingin ng tingin, dukutin ko kaya mata niya? ako ba ang pinaparinggan niya? annoying niyang mukha niya!

"Boom panes!" sigawan ng mga babae kong classmates na kong makatili at sigaw kala mo nasa palengke nagtitinda ng isda.

Jejemon!

Palibhasa mukha silang isda. Sirena ba kamo.

Naglakad na pabalik si Jaxson tukmol pabalik sa upuan niya. Mabilis kong hinarang ang isang paa ko sa dadaanan niya ng hindi niya nakikita para matapilok siya o kaya ay ngumudngod ang mukha niya sa sahig pag nagkataon pero puking ina!

"Aray!" sigaw ko dahil sa sakit ng isang paa ko na tinapakan ng tukmol.

Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase namin pati si ma'am Amiza.

"Are you okay?" tanong ni ma'am sa akin at tumango naman ako.

Mabilis na inalis ko ang paa ko sa daraanan ni Jaxson dahil ang sakit.

Tangina yong paa niya ang bigat!

"O-opo ma'am, okay lang po ako." sabi ko kay ma'am habang hinihimas himas ang paa ko.

Rinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Jaxson tukmol at ng mga tukmol din niyang kasama sa likuran ko.

Nanggigigil ako sa kanya, ang sarap niyang kurutin sa singit!

"Miss ikaw na ang kasunod. Kindly introduce yourself." sabi ni ma'am habang nakatingin sa akin at napaturo pa ako sa sarili ko.

Tumango naman siya habang nakangiti kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa gitna. Tumikhim muna ako sandali at inirapan si Jaxson at pagkatapos ay sinimulan na ang pagpapakilala sa sarili ko.

"Good morning classmates! my name is Solana Axumpcion Feliciano, I like to dance. My hobbies are painting and baking cakes. That's all thank you and nice to meet you all!" confident kong sabi at nagsipalakpakan naman ang mga classmates ko kaya heto ang laki ng ngiti ng lola niyo.

Bumalik na ako sa upuan ko at umupo. Nagpatuloy naman si Ma'am sa pagtawag ng iba pang mga classmates ko para magpakilala sa gitna. Sumunod sa amin ang apat na tropa ni Jaxson. Including my crush sa pagpapakilala dahil yon ang request ng mga classmates ko. Tsk! pa request request pa. Unang nagpakilala ay si Arson.

"Arson Alastair Zaugustus, talent is dancing and hobbies are playing basketball and football." pagpapakilala niya at pumalakpak naman ang mga kaklase ko sabay tili.

Makikita mo na moody type si Arson parang si Jaxson lang dahil sa ikli ng pagpapakilala niya at kala mo palaging galit kong magsalita. Siya din ang pinaka chick boy sa kanila dahil andami niyang babae.

Sunod ay si Alexis.

"I'm Alexis Zaile Abejar, dancer. My hobbies are cooking and drumming." pagpapakilala niya.

Ayun tilian again!

Sunod ay si Clint kaya ito ang impakta kong kaibigan na nakaupo sa tabi ko ay todo palakpak at tili kasabay ng iba naming kaklase.

"Go babe!" napangiwi pa ako sa sigaw ni Shantal kay Clint.

Ang jejemon na Clint naman ay nag flying kiss kaya ito kilig na kilig ang gaga. Kulang nalang mangisay dito sa tabi ko.

"Good morning. My name is Clint Augustine Demetrio, rapper. Likes to play instruments such as piano and violin. Last but not the least, already taken." sabi pa niya at nag finger heart kay Shantal kaya ito mukha akong battered bestfriend dito dahil sa kakahampas ni Shantal sa akin.

Kilig na kilig ang gaga sa boyfriend niya na mukhang may ari ng dormitoryo dahil sa apleyido niya na katunog ng dormitoryo.

Taray dormitory!

At ang pinakahihintay kong magpakilala, walang iba kundi ang aking Zeddie mylabs. Kaya nakisabay na din ako sa tilian ng mga kaklase ko.

"Go Zeddie!" sigaw ko kasabay ng iba kong mga kaklase na babae.

Parang gusto kong himatayin ng bigla siyang ngumiti at kita pa ang dimple niya sa kanan na pisngi.

Ang gwapo! Waaaaahhh!

"Good morning everyone. I'm Zeddie Zyle Zigfred, I love singing and playing guitar." at ayun tilian again at isa na ako doon.

Lakas maka Z ng pangalan niya!

Umupo na ang apat pabalik sa mga upuan nila. Sunod sunod ng nagpakilala ang iba pati ang dalawa kong bruhildang bestfriend.

"Hi everyone! my name is Shantal Sky Bueno. I know how to dance and I like swimming. I also like to attend pageants. That's all and thank you!"

"Good morning, I'm Janica Elish Monreal. I know how to sing and also on how to play guitar."

Pagkatapos magpakilala ng dalawa kong bestfriend ay sumunod naman ang iba.

Blah blah blah...

Hanggang sa matapos ang lahat sa pagpapakilala at tuluyan ng nagpaalam si ma'am Amiza. Sumunod namang pumasok ay ang next subject teacher namin sa Filipino na Irene Gabriela ang pangalan.

Ganun pa din ang ganap. Introduce yourself again hanggang sa matapos.

Isa isang nagsitayuan ang lahat ng lumabas na ang subject teacher namin sa Filipino. Kanya kanya din silang labas para pumunta sa cafeteria at mag snack.

"Babe, sabay ka na sa amin." dinig ko pang sabi ni Clint kay Shantal.

Tinignan ko naman si Shantal at binigyan siya ng "huwag kang sumama look" at mukhang naintindihan naman niya.

"Sorry babe, wala kasing kasama sila Solana at Janica. Okay lang ba kong isama nalang din natin sila?"

Ngingiti na sana ako pero ng marinig ko ang huli niyang sinabi ay naging impakta ang awra ko.

"Oo ba! Guys okay lang ba?" tanong naman ni Clint sa mga tropa niya.

"Yes sure, pwede natin silang isama." sabi ni Zeddie.

Napalingon ako sa kanya at bigla naman siyang ngumiti kaya naiilang din akong ngumiti sa kanya at umiwas agad ng tingin.

Enebee! kenekeleg eke ehehe.

"H-huwag na, okay lang." nahihiya kong sabi dahil alam kong nakatingin pa din sa akin si Zeddie.

"Sumama na kayo. Okay lang naman sa kanila, diba guys?" sabi ni Clint at sumang ayon naman sila.

Except kay Jaxson tukmol na parang wala lang pakialam at nilagyan ng headset ang dalawang tenga niya at nauna ng naglakad palabas.

"Tara na!" sabi ni Arson na mukhang inip na inip na.

Nagsimula na silang maglakad palabas. Hinila naman ako ni Shantal at pati si Janica ay sumunod na din.

Pumunta kami sa cafeteria at pumwesto sa isang bakanteng table na may sampung upuan. Pang VIP ang table nila kaya nag alinlangan pa akong umupo pero bigla akong hinila ni Shantal at pati si Janica ay hinila niya kaya wala kaming nagawa kundi ang maupo ng tuluyan.

Napalingon pa ako sa ibang mga estudyante na nandito din sa cafeteria at ang sama na ng tingin nila sa amin.
Paniguradong marami na kaming haters mamaya dahil dito kami nakaupo sa VIP table kasama ang mga heartthrobs ng campus.

Kami pang tatlo ni Janica at Shantal ang kauna-unahang mga babae na nakaupo dito sa VIP table dahil walang sinuman ang pwedeng umupo maliban sa mga tukmol squad kapag walang pahintulot dahil pinaparusahan nila.

In short, sa kanila lang ang VIP table.

May VIP table din sa kabilang cafeteria na para sa mga senior highschool. Tanging ang mga kapatid ko lang at mga tropa nila ang nakakaupo. Pwede din akong umupo don pero ayaw ko dahil naiinis ako sa mga kapatid ko.

Si Alexis at Arson na ang nag volunteer na pumunta sa counter para bumili ng mga snacks naming lahat at hindi na nila kami pinabigay ng pera dahil sila nalang daw ang magbabayad. As usual ay palaging sila ang pinapauna sa counter.

Nakita pa namin si Sam na ikaanim sa mga tukmol at may kasama siyang isang lalaki at ng mapalingon siya sa gawi namin ay agad siyang ngumiti at lumapit. Take note lang, siya ang pinaka friendly sa lahat ng tukmol pati na din si Zeddie.

Kong may mga girlfriend lang siguro silang selosa ay baka araw araw magseselos dahil ang friendly nila.

Nag-usap sila at tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang si Janica naman ay busy sa cellphone niya. Si Shantal at Clint ay todo harutan at may patawa tawa pa.

Habang naghihintay kay Alexis at Arson na nasa counter pa at umo-order ay inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng cafeteria. Napansin ko ang ibang mga estudyante na nagbubulungan habang nakatingin sa gawi namin pero hindi ko marinig dahil malayo ang iba at ang iba naman sobrang hina kong magbulungan.

Pwet ko lang yata ang makakarinig.

Bawat nahahagip ng paningin ko na nakatingin sa akin ay tinataasan ko ng kilay. Agad na din akong umiwas at tumingin nalang sa dalawang katabi ko na si Shantal at Clint na naghaharutan.

Nakakairita sila kong maglambingan. Para akong inu-uod dito sa tabi nila.

Inalis ko nalang ang paningin ko sa kanila at tinignan ang iba pang kasama namin na katapat namin nakaupo. Ang leader ng mga tukmol ay busy sa cellphone niya at si Zeddie mylabs ko naman ay seryosong nakikipag usap kay Sam at sa isa pang lalaki na kasama ni Sam.

Tungkol sa ML ang pinag uusapan nila. Hindi ko maiwasang titigan si Zeddie.

Shemsss! ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo. Kong nakakatunaw lang ang tingin ko ay malamang kanina pa siya tunaw.

Napaiwas ako ng tingin ng lumingon siya sa akin at tumingin sa ibang direksyon pero sa kamalas malasan nga naman ay sa gawi ng leader ng mga tukmol dumiretso ang paningin ko.

Nakatingin na siya sa akin ngayon habang nakakunot ang noo kaya tinaasan ko siya ng kilay. Parang may binulong siya sa sarili niya habang nakatingin sa akin kaya ako na naman ang napakunot ang noo.

"Ano?" walang boses kong tanong pabalik sa kanya at aba!

Inirapan ako ng loko! kalbuhin ko siya diyan eh!

Baka akala niya nakalimutan ko na ang pagtapak niya sa paa ko kanina.

Kinalabit ako ni Janica na busy din sa cellphone niya dahil may gusto siyang ipatingin sa akin pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko pa din inaalis ang paningin ko sa leader ng mga tukmol habang nakataas ang kilay at naka cross arms.

Bigla siyang tumayo at pumunta sa harap ko. Napatingin naman ako saglit sa iba naming kasama pero busy pa din silang lahat sa pag uusap. Busy din ang dalawang katabi ko sa paghaharutan at si Janica naman ay busy kaka facebook sa cellphone niya. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa leader ng mga tukmol na nakatayo ngayon sa harap ko.

"Bakit?" mataray kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang ngumisi bago magsalita.

"Stop looking at me, you're so ugly."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 60 27
Anything can happen, but when the destiny does its works everything will be better.
4.7K 77 7
" we should break , i don't love you anymore "
782K 65.4K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
7.8K 297 38
There was a girl named Crystal who's a secret agent and had a secret mission on one of her enemy. Ayaw niya sanang tanggapin iyon ngunit wala naman s...