That Crazy Ex Girlfriend (COM...

De CookiesNaMayCream

104K 2.6K 508

Makalipas ang limang taon, muling nag balik si Zane Creed sa Pilipinas. Sa kanyang pag babalik she also want... Mais

INTRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
*Note Chapter 24
Chapter 25.1
Chapter 25.2
Chapter 26 A/N
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
FINALE
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
CHRISTMAS SHORT STORY CONTEST

Chapter 10

2.6K 73 11
De CookiesNaMayCream

ZANE POV

"Nasabi ko na ba sayong mahal kita?" sabi ng lalakeng kasama ko, madilim sa lugar nya kaya hindi ko maaninag kung sino sya

"Bakit mo naman kailangan sabihin na mahal mo ako?" tanong ko

"Kasi yun ang totoo" sab nya, unti unting lumiwanag sa banda nya at unti unti ko na syang naaninag "Grabe, araw araw talaga nag babago yung nararamdaman ko sayo. Natulog ako mahal kita, nung gumising ako  mas mahal na mahal na kita" sabi ulit nya at this time naaninag ko na sya "Ang bilis mag bago ng nararamdaman ko noh?" muling tanong nya "Kasi ngayon, may iba na akong mahal. At ngayon ayaw na kitang mahalin pa." muling sabi nya. Gusto ko sanang mag salita at sagutin din si Thomas pero hindi ko magawa. Hanggang sa unti unti na syang umalis palayo

"Thomas, sandali! Sandali lang naman!" tawag ko sakanya pero hindi nya ako pinapansin at palayo sya ng palayo. Huminto sya, akala ko para balikan ako. Pero huminto sya para hawakan yung kamay nung babaeng nag hihintay sakanya "Thomas!" muling sigaw ko

"Zane!! Gising" rinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko makita "Zane?" muling tawag sa akin at naramdaman ko na may tumatapik sa akin.

"Uhm?" tanging sagot ko mula sa pag kagulat nung nagising ako. Panaginip? Panaginip lang pala. Hanggang sa panaginip ganun ang nangyayari sa aming dalawa ni Thomas

"Okay ka lang?" tanong ni Cyrus sa akin. Lumingon ako sa paligid at napansin ko na nasa 711 kami

"Nasan na tayo? Bakit tayo huminto?" tanong ko sakanya

"Baka kasi nagugutom ka na, ilang oras pa yung byahe natin baka gusto mo muna bumili ng pag kain? Ito nalang kasi yung malapit na store na bukas ng ganitong oras e" pag papaliwanag ni Cyrus, at tumango tango lang ako "Okay ka  lang ba?" muling tanong nya

"Napanaginipan ko sya" maikling sagot ko

"Alisin mo muna sya sa isip mo, habang kasama mo ako" sabi nya, huminga ako ng malalim at saka tumango sakanya "Anong gusto mong pag kain?" tanong nya

"Slurpee nalang" sagot ko naman sakanya

"Baka sumakit yung tyan mo" nag aalalang sagot nya

"Ok lang, kaya ko. Puso ko nga nasaktan pero kinakaya ko naman. Tyan pa kaya?" sagot ko naman sakanya at umiling sya at saka ngumisi

"Oh sige hintayin mo nalang ako dito" sabi nya at tumango naman ako. Ilang sandali lang tinagal nya at bumalik na sya. Iniabot nya sakin yung slurpee at may hawak naman syang coffee

"Saan tayo papunta?" tanong ko sakanya ng tuluyan ng makapasok ulit sa sasakyan, Habang ineenjoy ang pag inom ko sa Slurpee

"Sa baguio" sabi nya, at saka nanlaki ang mga mata ko "Natawagan ko na ang parents mo. Pumayag naman sila" sabi nya ulit at mas lalong nanlaki yung mata ko "Bat ganyan ka makatingin" tanong nya dahil siguro na aawkwardan sya kasi naka mulagat ako sakanya

"Gusto ko talagang pumunta ng baguio!" sagot ko habang naka mulagat parin sakanya "Ano pang hinihintay mo? Mag drive ka na ng maabutan pa natin ang taho" sabi ko at saka ipinikit pikit ang mga mata ko ng tatlong beses. Nginisian nya lang ako at saka muling nag seat belt at nag drive ulit. Siguro pag dating namin sa baguio ay may araw na. Makakatikim na ako ng strawberry taho ulit! Sa wakas. "Pwede bang mag music?" tanong ko sakanya, Ibinaling nya saglit yung tingin nya sa akin saka muling ibinalik sa daan

"Mahilig ka talaga sa music noh?" tanong nya

"Medyo lang naman kaya nga yun yung course ko e" medyo sarkastiko kong sagot sakanya, pero ngiti ang sinagot nya sa akin at hindi inis dahil sa sagot ko

"Sige mag music ka, hindi ko lang sure kung pareho tayo ng taste sa music" sabi naman nya, kaya dali dali kong inopen ang player para mag patugtog. Unang na play ay Crazy In Love na bagong team song ng Fifty Shades of Grey. Bumaling ako ng tingin sakanya at naka ngisi sya

"Ganito ba ang tipuhan mo ng kanta?" tanong ko 

"Hindi naman, kapatid ko ang nag lagay siguro nyan sa playlist ko" sagot nya

"Sino ba yung kapatid mo?" tanong ko

"Si Trey, actually nung umalis tayo papunta sya dun sa bar. Sayang hindi mo naabutan" sabi naman nya. At pinag patuloy ko parin ang pag pili ng kanta

"Anong buong pangalan nya? Hindi ko pa ata sya na memeet" sabi ko naman habang busy parin sa pag pili ng kanta

"Cloud Trey Agustin" sagot nya kaya napatigil ako sa pag pindot sa pamimili ng kanta. Parang narinig ko na yung pangalan nya "Niligawan nya dati si Ms Go" muling dagdag nya

"Si Skye?" tanong ko at umiling sya

"Mrs. Lopez na nga pala sya" biglang sabi nya kaya napakunot ang noo ko "Niligawan nya dati si Maxine Samantha" muling sabi nya at saka muling tumingin sa akin para tignan ang expression ko at saka bumaling ulit sa daan "Hindi mo ba alam yun?" tanong nya

"Cloud? Yung Cloud na nanligaw kay Max dati? Ang parehong Cloud na kapatid mo?" pag kukumirmang tanong ko at tumango lang sya "Mag pinsan sila ni Reaker?" tanong ko ulit at tumango sya "Alam ba nilang dalawa na pareho lang yun Max na niligawan nila?" tanong ko

"Yes" finally sumagot din sya. Meaning alam ni Reaker na niligawan ng pinsan nya noon si max?

"Hindi ba may bro code na tinatawag sa mga lalake?" tanong ko. Ang alam ko kasi karamihan ng lalake aymay code na hindi mo na pwedeng ligawan ang dating na link sa kaibigan o kamag anak mo

"Siguro sa iba" sagot ni Cyrus

"Hindi ba foul yun?" tanong ko

"Hindi naman siguro? kasi mag kakaibigan din naman sila Ziggy, Rara at Blaze noon sayo." sabi nya. At talagang kumunot ang noo ko. Ang dami naman nya atang alam? Bakit parang pati kay ZIggy alam nya?

"Iba naman kasi yung sitwasyon namin" sagot ko naman

"Yan naman ang sinasabi ng karamihan kapag hindi sila sang ayon sa sinabi ng ibang tao" sagot nya naman sa akin. Muli syang tumingin saglit sa akin bago bumalik sa daan.

"Grabe ka sakin ha! Mag kakampi tayo diba?" naka ngusong sagot ko sakanya na parang nag mamaktol. Iiling iling syang numiti

"Mag hanap ka nalang ng music dyan" sabi nya at pinag patuloy ko ang kanina ko pang pag hahanap ng kanta

"Ito gusto ko to" sabi ko sakanya ngnag simula na ang intro ng napili kong kanta

"Ako din" sagot naman nya at tipid na ngumiti

"Do you ever think about me?

Do you ever cry yourself to sleep?
In the middle of the night when you're awake,
Are you calling out for me?
Do you ever reminisce?
I can't believe I'm acting like this
I know it's crazy
How I still can feel your kiss" pag sabay ko sa kantang 6 8 12 ni Brian McKnight. Iiling iling naman si Cyrus sa akin

"Bakit naman gusto mo tong kanta na to? Broken ka din ba?" tanong ko sakanya habang naka ngisi

"Ano ba sa palagay mo Miss Zane?" tanong nya sa akin. Bumalik nanaman sya sa pagiging pormal nya.

"Mukang hindi naman? Mukang okay na okay ka naman" sagot ko "Kaya palagay ko hindi ka naman broken kagaya ko" dagdag na sabi ko sakanya

"May mga bagay na hindi nakikita ng mga mata" sagot nya "At may mga bagay na hindi na dapat pinapakita" dagdag nya pa "Dahil para sa akin, ang mga taong kayang itago na nasasaktan sila. Sila yung malalakas na tao" sabi nya, tinitigan ko sya. At siguro naaninag nya na nakatingin ako sakanya kaya lumingon sya saglit sa akin

"Palagay ko, ang mga tao na sinasarili na nasasaktan sila. Sila yung mga taong walang kaibigan, wala silang mapag sabihan kaya sinasarili nalang nila" sagot ko naman. Muli syang ngumiti ng tipid

"Ganun na nga siguro" sagot nya

"Pero kaibigan mo ako Cyrus. Kaya kung sakali man na may pinag dadaanan ka at kailangan mo ng kaibigan. Nandito lang ako" sabi ko sakanya

"It's been six months, eight days, twelve hours

Since you went away
I miss you so much and I don't know what to say
I should be over you
I should know better but it's just not the case 
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away" muling kanta ni Brian McKnight sa kantang pinapakinggan namin

"So broken ka?" tanong ko muli kay Cyrus

"Hindi" matipid na sagot nya "Masaya ako" dagdag nya, at ako naman ang ngumiti ng tipid kahit alam kong hindi naman nya ako nakikita

"Paano nga ba maging masaya. . . ulit?" tanong ko sakanya

"Para maging masaya ka, kailangan mong pakawalan ang mga bagay na nagiging dahilan kung bakit ka malungkot" sagot nya

"Paano kung yung bagay na kinakalungkot mo, yun din yung bagay na kinakasaya mo?" balik na tanong ko naman sakanya

"Mag focus ka lang sa mga bagay na pwedeng maging dahilan ng muling pag saya mo, madami naman pwedeng maging rason. Ayaw mo lang talagang makawalan yung nag iisang sinasabi mo na dahilan ng pag saya at pagiging malungkot mo" makahulugang sabi nya

"Do you ever ask about me?

Do your friends still tell you what to do?
Every time the phone rings,
Do you wish it was me calling you?
Do you still feel the same?
Or has time put out the flame?
I miss you
Is everything okay?" hindi na nya ako hinintay mag salita at nakisabay na sya sa pag kanta ni Brian McKnight kaya napa ngiti ako, ang ganda talaga ng boses nya

"It's been six months, eight days, twelve hours

Since you went away
I miss you so much and I don't know what to say
I should be over you
I should know better but it's just not the case 
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away" sabay na kanta ko naman sakanya, this time mas dumadalas ang tingin ni Cyrus sakin na parang na duduet kami

"It's hard enough just passing the time

When I can't seem to get you off my mind
And where is the good in goodbye?
Tell me why, tell me why" muling kanta ni Brian McKnight pero hindi na kami sumabay at tumawa nalang kaming dalawa

"May mga pag kakataon talaga na gusto mong bumalik sa nakaraan, pero may pag kakataon din na gusto mo nang makalimot." out of no where na sabi nya kaya napalingon ako sakanya. Pabalik balik ang tingin nya sa akin at sa kalsada "Kaya dapat alam mo kung anong mas lamang" muling sabi nya. Sandaling katahimikan at ang tanging pag kanta lang ni Brian McKnight ang mararanig sa pagitan namin

"It's been six months, eight days, twelve hours

Since you went away
I miss you so much and I don't know what to say
I should be over you
I should know better but it's just not the case 
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away" hinintay kong matapos ang kanta bago ako muling nag salita

"Mahirap na desisyon nga talaga ang pag pili, kung dapat na ba ako umalis palayo sakanya, o mas mabutihan ko pa na mabawi ulit sya" sabi ko sakanya, dahil ako mismo naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung gusto ko na bang sumuko o kung gusto ko pang lumaban, at saka muling tumingin si Cyrus sa akin, pero this time medyo ilang segundo ang mas itinagal

"Cyrus may matanda!!" sigaw ko ng makitang may papatawid na matanda at posibleng masagasaan namin. Dali daling lumingon si Cyrus sa daan at inapakan ang preno. Pakiramdam ko nag slow mo ang lahat ng sa pag preno ni Cyrus ay nag pa ikot ikot ang sasakyan namin at saka lang tumigil ng humampas sa puno. Sobrang lakas, at sa sobrang kaba ko pakiramdam ko nanghina ako. Lumingon ako sa tabi ko. Nakita ko si Cyrus na inaaalis yung seatbelt nya at nag papanic na papalapit sa akin. Naramdaman ko ang dahan dahan nyang pag alalay sa ulo ko, at saka ko naalala na wala pala akong seatbelt kaya masyadong malakas ang impact ng pag tama ng ulo ko.

"Zane" tawag nya. Slow mo ang pag kakarinig ko sa pag bigkas nya ng pangalan ko. At sa sobrang pag ka hinang hina ko kusa nalang pumikit ang mga mata ko.

---

A/N: Happy birthday sa isang admi ng ng @TCSwattpad na si Kaye!!! Wohoooo papakain na yan ng palabok! Hahahahaha

Tweet me @LhaieOfficial with #ThatCrazyExGirlfriend

Vote and Comment guys! And sa mga mag papa dedicate please join sa fb group na THAT CRAZY STALKER READERS nandun yung list na pinag kukuhanan ko. Salamat!

**Nasa side yung song kung naka web kayo, nasa taas naman kung naka mobile.

Continue lendo

Você também vai gostar

204K 4.3K 26
She was cheated by his boyfriend. On that day she spend her night at the club drinking hard liquors to ease the pain in her heart. A handsome guy gre...
96.9K 3.6K 26
Richard Faulkerson Jr., a 25 y.o man from Laguna, a kind, sweet, loving, and a gentle person. He was every girl's dream. He fell in-love with this Ma...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...