COULD BE US (frandeesal)

By _haizpriv

55.4K 3.3K 888

you can read if you want! More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38

35

1.7K 109 71
By _haizpriv

FRANCES POV


"Lilipat daw ng Skribikin Group Company si Jaydee. Have you heard about it?"



Napatingin ako kay Coleen na busy sa kaka-check nang project na binigay ng client sakanya. Napairap ako. Ilang taon na ba ang nakalipas? 7? 8? I lost my count. Hindi ko naman mapagkakaila na sa loob ng mga taong 'yon maraming balita ang narinig ko tungkol sakanya. Naging singer artist din siya dito sa bansa at sobrang sikat na niya.



Hindi ko alam kung bakit niya pa pinagpatuloy ang pagiging Engineer kung malaki na ang sahod niya sa pagkanta, sa concert pa lang niya dinadagsa na nang mga tao ang ticket niya, mapanood lang siya.



"Who said? I don't care about that. Just focus on the work, Coleen." Masungit na sabi ko habang nag-lalaptop.



"I don't care daw? pero who's said?" Nakatawang sabi niya sa'kin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.



"Ni-announced kanina ni Sir Skribikin dito sa building. Palagi ka kasing late kaya hindi mo naabutan! New Head Engineer pa nga daw e, Engr. Villaruel from Juarez Company! May mga nagtilian pa nga noong ni-announced parang mga kiti-kiti! pati mga lalaki nakikisali." Iritang kwento niya sa'kin.



"Ang galing niya, no? Nahabol niya yung nabagsak niyang sem sa summer. Sabagay she has money for her failed classes. Grabe, no? Look at her, she's doing so great! Engineer na singer pa!" Parang tanga na si Coleen na nagkekwento sa harapan ko, tinitignan ang reaksyon ko.



"I said, I don't care, Coco. Shut up."



I already moved on from her ever since she and Madie became together after our divorced. Kinuha din daw siya ng Daddy niya after her summer class pero hindi ko alam kung paano ulit siya nakatakas sa Daddy niya dahil pinagpatuloy niya ang pag-aaral sa school na'min.



Funny how she repeatedly said that na walang namamagitan sa'kanilang dalawa ni Madie, only for me to find out from her friend that were already going out after a week of our break-up. It hurt, but somehow, it was my fault too, so i tried my best to move on. Hindi na'ko nanggulo at wala akong balak. Doon naman siya masaya.



Sa mga taong hindi kami magkasama at hindi masyadong nagkakasalubong, nakalimutan ko na lang ang nararamdaman ko sakanya at mukhang ganoon din siya sa'kin. Pakiramdam ko naman ay may mabuting naidulot ang pakikipaghiwalay ko sakanya... Kung hindi we would just end up destroying each other.



I knew she would do great. It was only a matter of time before I heard so many great news about her being a singer and civil engineer. Palagi ko din siyang nakikita sa TV pero iniiwasan ko din ang sarili ko, nakikita ko din ang mga tarpaulin niya na nakapakal sa mall tuwing may mall show siya.



"Goodmorning, Architect Pinlac!" Bati sa'kin ng mga baguhang architect pagkalabas ko nang office ni Coco.



Ganito lang lagi kapag umaga at minsan may binibigay pa silang bouquet para sa'kin. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'yon at tsaka sinabihan ko naman na silang 'wag na mag-abala ng mga ganoon.



"Goodmorning!" Masayang bati ko sakanila habang hawak ang laptop ko at dumeretso na'ko sa office ko. Magkatabi lang ang office na'min ni Coco kaya malapit lang.



"May meeting ba ngayon?" Bungad na tanong ko sa secretary kong si bianca, pagkapasok ko ng office.



"May meeting po kayo ngayon sa site, 2 PM." Tingin niya sa kalendaryo at sumimsim sa kape.



Pinalagyan ako ng secretary dahil minsan ay nakakalimutan kong may meeting, o kaya may importanteng gagawin dito sa building kasama ako.



"Oo nga pala, tapos na yung project ko sa Batangas at last meeting na 'yon mamaya." Sagot ko at dere-deretsong nagtungo sa table ko.



Narinig kong nag ring ang phone ko at nakita kong si Daddy ang tumatawag, kaagad ko 'tong sinagot. Kadalasan kapag tumatawag sila ay may ipapagawang project nanaman sa'kin kaya lagi na akong natatambakan ng project. Hindi ko naman matatanggi 'to dahil ginusto ko 'to.



"Daddy?" Paninimula ko.



[Nak, meeting tayo tomorrow with your mom. May ipapagawa kami.] Sagot ni Daddy sa kabilang linya. Sabi na nga ba ay may ipapagawa na naman sila.



"Sure dad, I'll be there at?"



[Korean restaurant.] Sagot ni dad. Madalas ako doon sa resto na 'yon kaya alam ko na. Magsasalita na sana ako pero biglang binaba na ni Dad ang tawag kaya napa-iling ako.



Gabi na nang matapos ang meeting ko. Nag-celebrate din sila ng konting inuman sa bahay ng client ko pero hindi na ako sumama pa dahil may iba din akong gagawin. Pabalik ako ngayon ng company galing sa site. Sa Makati City ang location ng site kaya medyo malayo din dahil ang Skribikin Group Company, ay sa Manila.



Dito kami pinasok ni ate Gabb sa Skribikin Group Company nila, in-short SGC, kaya hindi na kami nahirapan pa'ng humanap ng iba. Dito kami lahat nag wo-work pati ang mga ate ko, si Amanda at Laney ay dito din bilang Management ng company. Si Jaydee lang talaga ang nahiwalay, noong 2nd year college niya ay lumipat siya ng Unibersidad dahil sa kasikatan niya, lagi kasi siyang dinadagsa ng studyante sa school na'min kaya ganoon. Halos araw-araw ay may nagkakagulo dahil sakanya kaya parang siya na ang nag udjust.



Umakyat ako sa building at kinuha ang bag ko sa office ko at naglakad na ulit pabalik, papunta sa parking lot. Napasulyap ako sa corvette na itim malapit sa sasakyan kong BMW. It was probably Jaydee's.



"Uuwi ka na? Inom tayo!" Narinig ko ang demonyong si Coco na napadaan sa pagitan ko, dala niya ang Honda Civic niya.



"May trabaho pa bukas," Sabi ko sakanya habang nakasandal ang braso sa pintuan ng sasakyan ko.



"Sige na, minsan lang e. Bigay mo na sa'kin 'to, please?" Pagpipilit niya sa'kin. Namomroblema ba 'to ngayon?



Bumuntong hininga ako at wala na'kong nagawa kundi sumunod sakanya sa isang rooftop bar. Mabuti na lang pala at pumayag ako para ma-relax ako nang kaunti dahil naiistress ako for some unknown reason.



"Kamusta si Jaydee?" Tanong sa'kin ni Coco habang umiinom kami ng cocktail.



"Why would you ask me that?" Tumaas ang isang kilay ko. "Hindi pa ba sapat yung mga sinabi mo kaninang umaga?"



"Nakasalubong ko siya palabas sa elevator kanina kausap niya si Madie sa phone. Sila pa rin ata?" Pagkwento niya sa'kin, hindi ko pa nakikita si Jaydee na nasa company. Alam naman ni Coco na ayaw kong pag-usapan ang babaeng 'yun.



"Coleen, ano bang pakialam ko?" Masungit na sabi ko.



"E, kasi naman! Bakit hindi ka pa mag-jowa ng bago? Ilang taon na, oh! Hindi ka ba napapagod maging single?" Ngumuso siya. "Buti pa 'yan si Jaydee, ang daming naging girls. Bandang huli, si Madie pa rin ang jowa."



"Huwag ka magialam sa lovelife ko. Single ka rin naman," Ganti ko.



"Alam ko! Pero wala namang ganyanan! Parang hindi bff Frances, ah." Umirap siya at uminom ng cocktail.



"Oh, alam mo pala, e! Huwag ka na din mag-salita pa. Uminom na lang tayo!" Umirap ako at uminom din ng cocktail.



Hindi ko alam kung paano ako nadaya ni Coco sa alak pero umuwi akong lasing! Pinagdrive niya pa ako sa condo ko at pagkauwi, bagsak kaagad ako, magkahiwalay na kami ng condo ngayon ni Coleen, alangan naman mag-share pa kami sa iisang unit. Mabuti na lang nakaligo ako kahit papaano pagkauwi ko. Mahina na ata ako uminom ngayon.



Masakit tuloy ang ulo ko nang magising, medyo late pa'ko kaya nagmamadali na'kong umalis. Late na pero nakadaan pa'ko ng coffee shop sa tapat ng company para bumili ng breakfast. Sasakit ang ulo ko buong araw kung hindi! Wala naman siguro akong meeting ngayon, kila Daddy at Mommy lang ang meeting na pupuntahan ko mamaya.



"That would be 724 pesos, Ma'am." Nakangiting sabi sa'kin ng nasa counter.




Binuksan ko ang handbag ko at napapikit nang mariin nang makitang 500 lang ang laman ng wallet ko at naiwan sa kotse ang cards ko. Punyeta! Coco! Ako ata ang pinagbayad ng mga alak kagabi! Nabudol ako roon, ah!



"Sorry, can I just get my purse?" Tanong ko sa babae.



"It's on me." Napalingon kaagad ako nang may mag-abot ng card sa babae.



Napaawang ang labi ko nang mapansin kung gaano kalapit si Jaydee sa'kin. Nasa gilid ko siya at nakatingin sa menu. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Napansin kong andaming nakatingin sakanya at mukhang gusto mag pa-picture pero nakaharang sakanya ang manager niya ata 'yon. She looked so professional now, I'm so proud that she achieve her dream without me.



"And kindly add one latte." Tumingin siya sa relo niya, nag-aalala sa oras.



Nakatingin pa'rin ako sakanya kahit mukha na'kong tanga. Nang ibalik ng babae ang card, tinignan ako ni Jaydee.



"Excuse me," Seryosong sabi niya dahil nakaharang na naman ako at hindi niya
makuha ang card.




Tahimik akong tumabi at naglakad papunta sa kabilang side ng counter para roon hintayin ang in-order ko. Nakita kong may nagpa-autograph na sakanya at pati ang cashier ay nagpa-authograph din. Ang landi pa magsalita ng iba niyang fans sakanya. Umirap ako at napatingin sa malayo.



I tried my best not to look at her. Ayaw ko nang marinig ang boses ni Jaydee dahil marami akong naalala 'don. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang hinihintay ang kape. Parang natatagalan ako kapag hinihintay ko. Gustong gusto ko nang umalis dito! Nakakahiya pa dahil siya ang nagbayad.



"Thank you for waiting, Ma'am Frances!" Inabot na sa'kin ang tray.



Kinuha ko ang baso at ang paper bag. Aalis na sana ako nang may makalimutan ako... Yung bayad! Ayoko man kausapin siya pero nakakahiya kung hahayaan ko lang 'to. Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim bago ako humarap kay Jaydee na may nakikipagpa-picture.



"Thank's. I'll pay you back later." Mabilis na sabi ko, napatingin pa sa'kin ang mga fans niya.



Hindi niya ako pinansin dahil dumating na rin ang latte niya. Kinuha niya 'yon at nag-paalam na din siya sa mga fans niya, kasama ang manager niyang mukhang linta, nilagpasan lang ako ni Jaydee. Tinuring niya 'kong parang hangin! Ako na nga ang nagmamabuting loob.



Parang nag-init ang ulo ko nang matapakan ang pride ko. Pinalagpas ko na lang 'yun at pumasok na sa trabaho. Badtrip tuloy ako pagkapasok sa office. Parang lahat ng proposal ay ayaw kong tanggapin! Parang lahat ng design napapangitan ako. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tignan ulit ang mga papeles sa harapan ko. Nakakainis pa rin.



Napatingin ako sa pinto nang iluwal nito si ate Gabb, wala man lang katok-katok. Kumunot agad ang noo niya nang makita ako, siguro ay nagtaka siya sa itsura kong badtrip ngayon.



"Goodmorning, Architect!" Iniba niya ang itsura niya at masayang bumati.



"Goodmorning, Atty." Walang emosyong bati ko.



Napansin ko ang mga hawak-hawak niyang makapal na papel at nilapag niya 'yon sa table ko. 'Wag niyang sasabihin na ako nanaman ang tatapos ng mga papeles na 'yan. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong inunahan.



"Chill ka lang! Hindi ko naman sayo ipapagawa 'yan, ibigay mo daw 'yan kay Engr. Villaruel, utos ni Daddy." Sambit niya at tumawa nang tipid.



Bakit ako pa ang mag-bibigay kay Jaydee niyan! Pwede naman sa mga ibang secretary, bakit sa'kin pa! Tutal 'yung iba naman gustong makita si Jaydee dito sa building.



"Ako na lang ang mag-bibigay," Malanding singit ng secretary ko.



Umirap ako. "Ako na lang pala!"



Tumawa nang nakaka-asar si ate Gabb sa harap ko at lumabas na nang office ko. Nakakainis naman, bakit ba nangyayari 'yung mga ganito. Ayoko munang makita si Jaydee at ayoko ding marinig ang boses niya, naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina sa coffee shop.



"Hanapin mo na lang yung office niya! Magtanong-tanong ka!" Sigaw ni ate Gabb at tuluyan nang umalis.



Tumayo ako at kinuha ang makapal na papel na nilapag ni ate Gabb sa table ko. Nabasa ko ang first page, papel ata 'to ng mga client na kumukuha sakanya, mukhang andami niyang project na tatanggapin. Hindi ko alam kung paano niya mine-maintain ang pagiging engineer at singer lalo na't Head siya ng mga Engineer.



Umiling ako sa sarili ko at padabog na nag lakad paalis, dala-dala ang makapal na papel na ibibigay ko sakanya. May nakapag-sabi sa'kin na nasa 15th floor daw ang office niya. Buti naman at malapit lang dahil nasa 10th floor lang ang office ko.



Mayroong office doon si Jaydee sa 15th floor kung saan doon nakalagay ang pangalan niya. Napatingin kaagad sa'kin ang mga baguhang Engr. nang magkalad ako papunta sa kwartong 'yun.



"Where's she?" Tanong ko sa junior nila roon. Nakita ko pa ang rule kay Jaydee na nakapakal sa tabi ng office niya.



Bawal daw ang pupunta na fans o mga ka-trabaho sa office niya para makipag-papicture lang, kapag nasa loob daw ng building si Jaydee ay hindi na muna siya ituturing na sikat at workmate lang ang turing sakanya para iwas daw sa gulo. Kapag may lumabag ay masisisante na agad sa trabaho.



"U-umalis po, pumunta po nang site saglit. May inasikaso po tsaka may kinausap na business partner." Kinakabahan pa siya dahil mukha akong masungit.



"Kailan babalik?"



"What do you need?" Napalingon kaagad ako nang may nagsalita sa likod ko.



Tinaasan ako ng kilay ni Jaydee habang hawak niya ang puting hard hat at sinenyasan akong sumunod sakanya papasok ng office niya. Iyon naman ang ginawa ko. Nanatili akong nakatayo malayo sakanya at malapit sa pinto habang pinapanood ko siyang hubarin ang coat niya at nilapag din niya ang hard hat sa table niya.



Umupo siya sa swivel chair niya at binuksan niya rin ang laptop niya at handa nang bumalik sa pagta-trabaho. I just stood ther like a statue, not knowing what to say.




"What? Are you just gonna stand there and watch me work?" Malamig na tanong niya pagkatapos ng ilang minuto. Nakalimutan ko na may hawak pala ako na ibibigay sakanya, nakakahiya!



"This, pinapabigay ni Sir Skribikin." Lumapit ako sakanya at nilapag 'yon sa table niya.



"What kind of papers is that?" She was still typing something in her laptop. Natawa ako sa tanong niya.



"Bondpaper?" Natatawang sabi ko, malay ko ba kung ano ang tinatanong niya! Kung anong klaseng papel o kung ano ang halaga nang nakasulat sa papel.



Kunot noo niya akong tinignan at napatahimik ako sa kinatatayuan ko, gusto ko nang umalis dito. Dahan-dahan niyang kinuha 'yon at tinignan.



"It's oslo paper." Tumawa siya nang bahagya sa sinabi niya, nakaramdam tuloy ako ng konting hiya! Ano ba 'yan Frances!



"Okay, i have to go." Nagmadali akong lumabas ng office niya at bumaba sa 10th floor papunta sa office ko.



Bumalik na lang ako sa trabaho at nag text sa'kin si Daddy na 12:00 PM daw ang meeting na'min sa Korean restaurant.



"Goodmorning, Architect!" Narinig kong bati ni Amanda pagkapasok niya sa office ko. Sigurado akong may kailangan na naman 'to.



"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa laptop. Naramdaman kong lumapit na siya dito sakin sa table.



"Nandito na si Jaydee, ah. Hahahaha!" Tumawa siya nang nakaka-asar kaya napatingin ako sakanya.



"Oh, ano naman? Wala naman akong pakialam roon," I rolled my eyes.



Pumunta lang siguro si Amanda dito para sabihin 'yan, alam naman nila na may girlfriend na 'yung tao, panay pa sila na nang-aasar sa'kin ng ganyan



"Alam mo? May girlfriend na 'yung tao tapos panay pa kayo ganyan! Hindi nalang kayo-"



"Girlfriend!? Sino? Si Jaydee, may girlfriend!?" Nagtatakang tanong niya, kumunot ang noo ko nang tignan ko siya.



"Oo, bakit? Wala ba siyang-"



"Wala!" Sigaw niya at umirap. "Wala siyang girlfriend, Frances!"



Bakit bali-balita dati na naging girlfriend niya si Madie? O baka maling balita lang ang nasasagap ko? Bakit ganoon? Ah, basta! niloko niya pa'rin ako.



"Basta! Niloko niya pa'rin ako." Salita ko nang tapos. Nakita kong natawa siya ng bahagya bago magsalita.



"Di mo sure!" Tumawa ulit siya. Umirap ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi ko talaga alam kung anong pakay ni Amanda ngayon dito sa'kin.



"Yan lang ba talaga ang sasabihin mo kaya ka pumunta dito?" Tanong ko.



Tumayo siya. "Oo, sige na bhie may gagawin pa'ko. Ingat ka Architect!" Ngumuso pa siya sa'kin bago umalis.



Wala akong ginawa kundi mag trabaho, hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Amanda kanina. Maniniwala ba ako? Siguro sabi-sabi lang din niya 'yon, pinagpatuloy ko na lang ulit ang trabaho at hindi na 'yon pinansin.



Nang mapansin kong 11:30 AM na ay umalis na'ko ng building at pumunta sa Korean restaurant dahil sa meeting na'min nila Daddy. Sana naman hindi gaanong mahirap ang ipapagawa nila, marami pa din akong ginagawa. Sandali lang akong nakarating dahil walang gaanong traffic, nag-park ako at papunta na sa Korean restaurant.



Wala pang masyadong tao sa resto, napatingin ako sa Silver watch ko, it's already 11:55 AM, nahagip ng paningin ko si Daddy na naka-upo doon sa side kaya dali-dali akong naglakad, hindi pa niya kasama si Mommy. Papasok na'ko ng resto nang biglang may sumabay sa paghawak ko sa handle ng glass door. Nang makita ko ang kamay niya ay napatingin kaagad ako sakanya. Nagulat ako nang makita si Jaydee na naka coat at naka shade, nakatingin din siya sa'kin.



Agad akong bumitaw sa handle ng glass door kaya siya ang tumulak ng pinto, agad akong sumunod sakanya pero nang makapasok siya ay agad niyang binitawan ang handle habang papasok pa lang ako. Ganyan ba talaga siya? Ang bastos niya, ah! Dati ako ang pinapauna niya na pumasok sa mga ganito.



Nakita kong papunta siya sa pwesto ni Daddy kaya kumunot ang noo ko. Bakit doon siya patungo!? Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko patungo din kay Daddy. Shit! 'Wag nilang sasabihin na included si Jaydee sa meeting. This is gonna be shit!



"Good afternoon, Sir," Rinig kong bati ni Jaydee kay Daddy at umupo pa siya sa harap ni Daddy.



"Long time no see, Engr. Villaruel," Bati ni Daddy sakanya at nginitian lang ito ni Jaydee. Hindi tinatanggal ni Jaydee ang shade niya, baka siguro ay makilala siya ng mga tao dito at baka dagsain nanaman siya.



Nang makarating ako doon ay agad akong pumunta sa tabi ni Daddy para doon ako maupo.



"Doon ka sa tabi ni Engr. Ang Mommy mo ang uupo diyan," Sabi sa'kin ni Daddy nang makita ako kaya napakunot ang noo ko sakanya. Gusto kong magreklamo pero nakakahiya baka isipin ni Jaydee ay hindi pa'ko nakaka-move on.



Wala akong nagawa at sumunod na lang sa sinabi ni Daddy. apat lang ang nakahandang upuan dito at sapat na para sa'ming apat. Nang maka-upo ako ay irita akong tumitingin-tingin sakanilang dalawa, pero hindi ko pinapahalata.



"Madalas na kitang nakikita sa TV at Mall show pero madalas sa concert," Salita ni Daddy, kausap niya na si Jaydee ngayon. Umirap na lang ako at nag-phone. Bakit ba nangyayari ang ganito? Gusto ko na agad matapos 'tong meeting! Nasan ba si Mommy?



"Buti naisipan mo pang mag Engr, sa kabila nang pagiging singer mo," Sambit ni Daddy. Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi sila marinig. Parang blow to the flow lang si Daddy at parang hindi niya alam na niloko ako ni Jaydee.



"That's my first dream Sir. Kailangan ko pong tuparin ang pinangako ko pero hindi ko po alam kung tutuparin niya rin po ang pinangako niya." Doon ako napatingin sa sagot ni Jaydee.



Anong sinasabi niya? Naalala kong nangako kami sa isa't isa na kami ang gagawa ng dream house na'min. Baka naman hindi iyon yung tinutukoy niya.



"Buti at hindi ka nahihirapan?" Tanong ni Dad sakanya. Antagal naman mag-simula nitong meeting, ang tagal ni Mommy!



"May schedule po ako at maintain ang trabaho ko," Sagot ni Jaydee. Tumango lang si Daddy at hindi na nagsalita.



"Wait, check ko lang 'yung in-order ko. Ang tagal, e, kanina pa 'yun." Tumayo si Dad at pumunta sa counter.



Naalala kong may utang pa ako kay Jaydee na 724 pesos, kinuha ko ang wallet ko. Inabutan ko siya ng 724 pesos. Saktong sakto at may barya pa. She looked at me, like I did something ridiculous. Hindi ko makita ang mata niya dahil naka-shade siya. She suddenly scuffed and put her fist over her mouth to hide a sarcastic laugh.



"I don't need it." She shook her head a bit. denying my money.



"I'm giving it to you. You should accept it. Bayad ko 'yan," Masungit na sabi ko at  umiling muli siya. "Just accept it! Baka kasuhan mo pa'ko ng estafa or whatever." I rolled my eyes.



"Estafa..." She looked at me now and let out an amused laugh.



Na-offend kaagad ako nang tawanan niya ko! Naririnig ko lang naman 'yon sa mga kakilala kong may utang-utang! Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko habang matalim ang tingin ko sakanya.



"I'm pretty sure you are not a fraud." The side of her lips rose. Keeping her amused smile. "Unless?"



"Unless what?" I hissed.



"Goodmorning, Engr, Architect."



Napa-angat ang tingin na'ming dalawa nang magsalita si Mommy at paupo na siya sa harap ko. Dumating na din si Daddy dala ang mga foods na in-order.



Sa gitna ng meeting na'min ay binulungan ko si Mommy habang nag-uusap si Daddy at Jaydee sa tabi.



"Mommy! Bakit mo siya kinuha bilang Engr. sa gagawin kong project!? andami namang iba dyan, bakit siya pa?" Bulong ko at sapat na para marinig niya.



"You said, sa SGC ako kumuha ng Engr right? Sakto pa nga na Head pala siya ng Engineer, so why not? You're both professionals. Huwag kang isip-bata Frances." My mom rolled her eyes.



Napa-irap din ako at uminom ng drinks. Sana madaling matapos itong project na 'to. Ayokong patagalin pa ang connection na'min sa isa't isa. Napatingin si Jaydee sa'kin ng bahagya pero hindi ko 'yon pinansin.



It could be already tell that it was going to be a hell project.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 48.6K 66
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...
610K 29.1K 54
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
2M 105K 62
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
222K 5.4K 33
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc