12

1.2K 76 2
                                    

FRANCES POV


Kinabuksan 1pm ka'ming umuwi. Nagpaalam na kami ni Coco sa mga ate namin at umalis na, nag sama-sama naman kami kanina nung breaktime, at yung iba may tinatapos na study pero sama-sama pa'rin kami.



Papunta na kami ngayon sa condo namin ni Coco at naka kotse kami. Si Coco ang nag ddrive.



Naalala ko naman na may lakad ako mamaya. Mauuna ang lakad namin ni kielle dahil 3:30 pm iyon at 5pm naman kay Jaydee. Siguro mag g-grab nalang ako papunta sa Dapitan. Malapit lang naman yung kay Kielle dahil malapit lang yung Starbucks sa school.



"Coco may lakad ako mamaya" Sambit ko kay Coco na nag ddrive. Nasa daan pa din ang tingin niya, alangan naman tumngin siya sakin edi nadisgrasya kami.



"Saan?" tanong niya, at kinuwento ko naman iyon kay Coco lahat.



"Sige, mag iingat ka ha. Lalo na doon sa Kielle" Sambit ni Coco sakin at hininto na ang sasakyan. Nandito na pala kami sa tapat ng condo at bumaba na kami.



"Oo naman, mukang mabait naman yung tao e" Sabi ko naman, at pumasok na kami sa building at pumunta sa unit.



Nag antay nalang ako sa oras at si Coco naman nanonood lang ng netflix na naka upo sa couch. Nakita ko naman yung pinapanood niya, Enola Holmes yung movie kaya nakinood na din ako.



3pm na at nagbihis na ako ng masusuot ko. Sinuot ko na din yung Jacket ni amy na ibabalik ko kay Jaydee, sinapaw ko ito sa suot ko, I'm wearing a Smocking puff Sleeve and high waist denim pants.



3:20 na akong natapos sa pag bibihis, at nagpaalam nako kay Coco



"Hoy mag iingat kang babae ka ha! Sinasabi ko sayo talaga sayo Frances. Kailangan umuwi ka dito ng kumpleto ang bituka mo!" Sabi ni Coco nang mapansin niyang paalis na ako



Tumawa ako bago sumagot "Baka sila pa ang uuwi ng hindi kumpleto ang bituka" Pagbibiro ko, at natawa naman kaming dalawa.



"Mag iingat ka talaga ha!" sambit ulit ni Coco.



Tuluyan na akong umalis.



Nakasakay na ako ng grab, at sinabi ko sa driver ang bababaan ko.



Napansin kong huminto na ang sasakyan at tumingin ako sa labas. Nakita ko si kielle sa hindi kalayuan at, nagbayad na ako sa driver bago bumaba.



She's wearing a white Sleeves at nakatupi ito hanggang siko and black skinny jeans. Ang gwapo at ganda niya sa suot niya.



Lumapit na ako sakanya at parang kanina pa siya nag hihintay. Napatingin ako sa Silver watch ko, late pala ako ng 10 minutes.



Pagkalapit ko sakanya, agad niya akong binati.



"Good afternoon. You're so beautiful right now, I mean palagi naman" Sunod sunod niyang sabi, pero hindi ako nakaramdam ng kahit ano. sana naman makikipag kaibigan lang siya sakin.



"Thank you, ikaw din naman" Sambit ko sakanya at ngumiti naman siya.



"Let's go?" Tanong niya at nag simula na kaming maglakad. Papasok na kami sa Starbucks, siya ang nag pull ng pinto at pinauna ako. Gentlewoman din naman pala siya.



"Maghanap ka na ng upuan, ako na ang mag oorder" Bulong niya sakin, at tumango naman ako.



Nakahanap na ako ng upuan, at nakita ko siyang kausap na ang cashier.



Mga 10 minutes pumunta na siya dito sa upuan namin. Hindi naman mahirap hanapin ang napili kong table kaya mabilis niyang nahanap.



Cold Brew ang napansin ko sa dala nya at may nakalagay na pangalan na Kielle. Yung isa naman Cold Foam Iced Espresso at ang nakagay na pangalan ay Frances at may heart pa ito.



Nagsimula na kaming mag kwentuhan ng kung ano ano. Parang buong buhay namin nakwento na namin, mabait naman siya kahit papano at tulad ng sabi ko nakipag kaibigan lang siya.



Hindi ko napansin na 4:30 na halos mag iisang oras na kaming magkasama. Nandito kami ngayon sa timezone naglalaro ng kahit ano. Naalala ko si Jaydee, magkikita pala kami ngayon sa Dapitan.



Nag lalakad kami ngayon ni Kielle, at hindi namin alam kung saan na kami pupunta.



"Kielle, I need to go may pupuntahan pa kasi ako" Sambit ko sakanya, at napatingin siya sakin.



"where are you going? Pwede naman kitang ihatid sa pupuntahan mo" Agad na sabi ni kielle, pero gusto kong tumanggi.



"Maybe ako nalang. Kaya ko naman para hindi ka na magabihan pauwi" Sabi ko pero pinipilit niya parin ako. Mukang wala siyang balak tumigil sa pamimilita niya, kaya pumayag nalang ako.



Pababa na kami at papunta sa parking lot.



Andito na kami sa kotse niya at nakasakay. Sinabi ko na din sakanya ang pupuntahan ko, at kabisado naman daw niya ang daan.



Medyo traffic pero umuusad naman kahit papano. Tumingin ako sa Silver watch ko saktong 5pm na, hindi ko sure kung nandon na si Jaydee. Nag phone muna ako at nag notif sakin ang dm ni Jaydee.



Jaydeerous: Where r u? I'm here na at Dapitan.



Agad naman akong nag reply.



Me: Otw, sorry medyo traffic, wait for me.



Reply ko at naseen naman niya, hindi na siya nag reply. Napangiti naman ako sa kinauupuan ko.



Tumingin ako sa bintana at nadaanan namin ang UST, grabe ang ganda. Dream school ko talaga ito pero pinili ko nalang mag aral nalang doon sa school ng mga ate ko, hindi naman labag sa loob ko.



5 minutes ang lumipas nandito na kami sa Dapitan. Nahagip naman ng mata ko si Jaydee na naghihintay. Naka tinted itong kotse ni Kielle, kaya hindi niya ako makikita.



Naghanap ng mapapark si Kielle, agad naman siyang nakahanap. Bumaba na kami at pumunta kay Jaydee, nakasunod lang sakin si Kielle.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now