16

1.2K 68 4
                                    

FRANCES POV


Kinabukasan. Nagising ako ng may dm sakin si Jaydee.



Jaydeerous: See u, 10 am susunduin kita dyan sa tapat ng condo mo.



Nakita kong may ig Story siya kaya pinindot ko ito, mirror shot nilang dalawa ni Amanda at nasa gym. Edi sana all.



Me: Goodmorning, see u my Jaydee.



At pinatay ko na ang phone ko, naligo na ako at nag breakfast. Napatingin ako sa clock, it's already 8:30 am.



JAYDEE'S POV


Ang aga kong nagising kahit wala namang pasok ngayon. Time check 5:45 am. Nandito ako ngayon sa terrace namin ni Amanda, sumsimsim ng kape.



Nag vibrate bigla yung phone na hawak ko sa isang kamay, nag chat si Mommy.



Mommy:  Nandy are you free today? Tara lunch us mamaya dito sa bahay.



Naisip ko na may plano pala akong pumunta sa clinic ni mommy ngayon pero parang hindi na.



Me:  Sure mommy, I'll be there.



Naalala ko naman na mag kikita pala kami ngayon ni Frances, isasama ko ba si Frances? Sige na nga.



To Frances:


Me: See u, 10 am susunduin kita dyan sa tapat ng condo mo.



Sigurado ako tulog pa si Frances dahil maaga pa nga. Hindi ko nalang muna sasabihin kay Mommy na may isasama ako.



Pagkatapos 'non hindi na nag reply si Mommy.



Natatanaw ko naman ang paakyat na araw mula dito sa terrace.



"Napakaganda talaga" bulong ko sa sarili ko at sumimsim si kape.



"Goodmorning bhie!" Nagulat ako sa pag kasigaw ni Amy at pumunta na siya dito sa terrace.



I slightly laughed, lumapit naman ako sa muka niya



"Morning" Bulong ko sa tenga na siya lang ang makakarinig. Agad naman niya akong hinampas sa braso.



"Ikaw na nga binabati nananakit ka pa!" Reklamo ko sakanya.


"Naalala mo yung babae kagabi? Yung yssa?" Sunod sunod na tanong niya.



"Oo, mukha ngang type niyo yung isa't isa eh" Sambit ko sakanya at natawa.



"Baliw ka bhie hahahahaha! Nahanap ko yung Facebook niya" Sabi ni Amy at parang kinikilig pa.



"Friend niya nga sila ate Sela eh." Dugtong pa niya.



"Tara mag gym nalang tayo sa baba habang maaga pa" Aya ko at naglakad na ako para makaalis na dito sa terrace.



Nararamdaman ko namang sumusunod siya sakin.



Nangmakarating na kami sa gym. Hindi pa kami nakakapasok nandito palang kami sa entrance.



Nakita namin yung dalawang babae kagabi na nakilala namin, sina Rans at Yssa.



Tumingin ako kay Amanda na nakatingin din sakanila at parang ayaw na tumuloy,  siguro nahiya.



"Amanda, tara na!" bulong ko sakanya at hinila siya, hindi naman siya nag pupumiglas.



"Oy! kayo pala yan Jaydee, Amy" Sigaw  nung Rans samin at nginitian ko lang ito.



Lumingon ako kay Amanda na hawak hawak ko yung kamay, nakatingin lang siya kay Yssa na may hawak na dumbbell.



"Huy, Amanda!" pagsiko ko kay Amy kaya mukang nabalik siya sa wisyo.



"Ano, bakit?" Tanong niya.



"Tara na mag papawis na tayo, Titig na titig kay yssa ampucha!" Pang aasar ko sakanya at tumawa. Agad naman niya akong kinurot sa tagiliran



"Marinig ka niya bhie hahahaha!" bulong niya sa'kin at natawa pa.



Nagsimula na kaming mag papawis.



Halos kalahating oras na'din kaming nag papapawis dito.



"Mirror shot tayo bhie tas i-story mo sa ig" Sabi ni Amy sa'kin habang nag pupunas ng pawis.



"May bayad yung makikipag picture sakin. Lalo na kung phone ko yung gamit" Sagot ko agad sakanya , pero biro lang iyon.



"Dami mong sinasabi bhie, Dalian mo na!" At hinila niya na ako papunta doon sa malaking salamin.



Agad ko naman itong ini-story sa ig at minentioned din si Amanda.



Pabalik na kami sa pwesto namin kanina, nang makita kong papalapit si Yssa kay Amy.



"Breakfast?" Aya ni Yssa kay Amanda.



Tumingin ako kay Amanda na namumula na ang pisngi, ang cute niya.



"Maiwan ko na kayo, Amy una na ako sa taas. Enjoy the remaining hours" Pagbibiro ko sakanila at tumawa.



Tuluyan na akong lumabas ng gym at pumunta sa unit namin.



Naligo ako, at nag breakfast na din kung anong pwedeng makain na hindi na iluluto kasi hindi marunong mag luto.



Naalala ko pa noon nag try ako mag luto ng adobo, nanood lang ako sa YouTube kung paano. Nagkanda leche leche yung step na nagawa ko, siguro wala talaga sa dugo ko ang pagluluto.



Nag antay lang akong lumipas ang oras.  Naglaro lang ako ng CODM, aalis na din ako ng 9:40 am para saktong 10 am kasama ko na si Frances.



9:40 na at nakabihis na din ako, may kumatok sa pinto at sigurado akong si Amanda na ito.



"Bukas yan!" Sigaw ko, binuksan niya na ang pinto at pumasok. Nagulat ako nang kasama niya si Yssa.



"Oh, saan lakad mo par?" bungad na tanong niya sakin dahil naka bihis ako.



"Eh kayo?, Anong gagawin niyo dito?" Balik na tanong ko.



"Wala! Manonood lang ng Netflix" Agad na sagot ni Amanda. Kilala ko naman si Amanda, siguro hindi naman sila gagawa ng kababalaghan dito.



"Pupunta ako kay Mommy, Sa Quezon City" Sabi  ko at paalis na.



"Ingat ka! Pakamusta moko kay tita!" Sigaw ni Amanda sa'kin at tuluyan na akong umalis.



Hindi masyadong traffic kaya mabilis lang akong makakarating sa condo ni Frances.

COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now