36

2.3K 130 163
                                    

FRANCES POV


"Nakakainis Coco, ikaw na lang kaya mag-take ng project na 'yon!"



Inis kong binagsak sa table ko ang contrata ng project na binigay ni Mommy. I swear, hindi magiging maganda ang project na 'to.



"Bakit ako? Madami din akong ginagawa, idadamay mo pa ako dyan!" Umirap si Coco at sabay kain niya sa hawak niyang pancake na nasa plato.



Paano ba magiging mabilis ang project na 'to? Bakit ba kasi lumipat pa siya dito sa SGC! Edi sana hindi ako nagkakaganito.



"Bahala na si batman, sana lang ay doble ang sahod ko dito." Napamasahe ako sa sintido ko.



"Bakit ka ba nagkaka-ganyan? Trabaho lang 'yan walang personalan! Girl, para kang tanga," Sambit ni Coco habang kumakain.



"Hindi ko din alam Coco," Parang sumakit bigla ang ulo ko. Hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko dito.



"Mukhang tinadhana kayo ulit, ah." Asar ni Coco kaya napatingin ako sakanya.



Trabaho lang naman 'to, bakit napunta sa tadhana-tadhana na 'yan! Wala na bang mas malalim na dahilan para dyan?



"Tumigil ka nga, anong tadhana-tadhana? Sabi mo trabaho lang diba?" Uminom ako ng tubig sa tumbler ko.



"Di ko din sure," Tumawa siya nang nakaka-asar kaya napairap ako.



Umalis na din siya agad sa office ko dahil may tatapusin pa daw siyang papeles. Sinimulan ko na din gawin tong project na binigay ni Mommy, isa 'tong restaurant business nila Daddy na itatayo sa Cavite. Wala na din akong magagawa kaya ginawa ko na, sayang din naman 'to kung itatanggi ko pa, wala din namang sasalo nito kung hindi ko tatanggapin.



Patuloy lang ako sa pag-drawing nitong project at pag design-design dito. Nahagip ng paningin ko sa tabi ang dream house na ginuhit ko para sa'min ni Jaydee, 4 years ago dahil hindi pa ako maka move-on noon. Balak ko din sanang bilhin ang rest house na hawak niya sa Tagaytay at doon ko ipapagawa ang dream house na ginuhit ko.



"Ma'am, may naghahanap po sainyo," Bungad sa'kin ni Bianca pagkapasok niya sa office ko.



"Sino? Saglit lang may ginagawa pa'ko,"



"Hi, Architect,"



Nagulat ako nang iluwal nito si Daryll na nakangiti sa'kin, anong ginagawa niya dito? Kung dahil lang kay Jaydee ang sasabihin niya please lang, ayokong marinig! Ngayon ko lang din ulit siya nakita at kung maka-asta siya sa'kin, parang close na close niya' ko.



"Anong kailangan mo?" Tanong ko.



"Long time no see, Architect," Nakatawang sabi niya, para saan pa ang long time no see? Lagi ko naman siyang nakikita dito! Nararamdaman ko talaga ang presensya na may sasabihin siya tungkol kay Jaydee.



"I don't care, just get to the point."



"Uy! Grabe si Architect, ang sungit ha!" Tuluyan na siyang lumapit dito sa table at masama ko siyang tinignan.



"Attend ka mamaya, anniversary ng bar ko. Don't worry hindi lang naman ikaw yung inimbita ko, pati na din sila Gabb at yung mga iba pang kasama. Kung okay lang sayo na pumunta ka, kung hindi okay lang din. Ikaw kung anong gusto mo," Umupo siya sa upuan na nakaharap sa table ko at sabay ngiti niya sa'kin.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now