20

1.2K 82 3
                                    

FRANCES POV


Sa mga nagdaang buwan at araw, lumalabas labas naman kami ni Jaydee. Pero twice a week lang dahil busy din kami sa academics namin.



Friday ngayon at nandito ako sa labas ng school namin, kumakain ng fishball kasama si Coco. Sem break na pala namin sa Monday hanggang Friday, so makakasama ko si Jaydee sa isang linggo na iyon.



"Frances, si Kielle papunta dito ayun oh." Napatingin ako kay Coco at tinuro si kielle na papunta nga dito.



Mukang kakagaling niya lang ng school. Graduating na pala siya ngayong taon bilang F.A, nakaka proud kasi mag tatapos na siya. Hindi kami same ng school dahil sa Unibersidad siya nag aaral.



Nagkikita din naman kami ni Kielle pero minsan lang, dahil masyado siyang busy dahil graduating na nga siya ngayong taon.



Hindi na rin ako makapag hintay na makapagtapos kasama si Jaydee, gusto ko nandoon siya sa mismong graduation ko at nandoon din ako sa mismong graduation niya. Nabanggit niya sakin na gusto niya maging Civil Engineer at ako ang Architect, para kami daw ang gagawa sa dream house naming dalawa, nag promise din kami sa isa't isa, noong araw na iyon.



Graduating na din si Jaydee ng Senior high ngayong taon, excited na ako dahil first time naming dalawa na grumadute ang isa samin at magkasama pa kami.



"Kuya, isang order nga po ng kikiam." Pagbili ni Kielle sa nagtitinda ng fishball.



"Frances, kamusta na kayo ni Jaydee?" Tanong niya sakin.



"Okay lang naman kami at masaya, mahal din namin ang isa't isa." Sagot ko sakanya at sumubo ng fishball.



"Frances, masaya ako para sayo."Sambit niya at ngumiti ng tipid.



"Ma'am, eto na po yung kikiam." Sabi nung kuya na nagtitinda. Binayaran naman agad ito ni Kielle.



"Kielle may plano kabang mag trabaho agad kapag nakapagtapos kana?" Tanong ni Coco sa tabi ko at nakatingin pa siya kay Kielle.



"Hindi pa ako sure, baka magpahinga muna ako ng ilang buwan." Sagot ni Kielle at uminom ng palamig.



"Pwede niyo akong yayain lumabas, kapag nakapagtapos na ako, hindi na ako masyadong busy 'non." Dugtong pa niya.



"Frances, Coleen. Una na ako may training pa kaming mga FA." Paalam ni Kielle at tinapon na sa basurahan ang mga kinain niya.



"Ingat ka!" Sabay na sabi namin ni Coco.



"Tawagan niyo nalang ako kapag gusto niyo akong kasama." Sigaw niya at naglakad na paalis.



"Ang ganda at gwapo ni Kielle no?" Tanong sakin ni Coco at tumawa na parang nang-aasar. Hindi ko naman mapag kakaila 'yon dahil totoo naman.



Nahagip ng paningin ko sila Jaydee na palabas na ng gate, kasama niya sila Amanda, Laney, at Madie na katabi ni Jaydee na naglalakad.



Napapansin ko din sa mga nag daang araw na madalas na silang magkakasama at kasama din si Madie sakanila. May mga time na nagseselos ako dahil sa kinikilos nilang dalawa na nakikita ko pero hinahayaan ko nalang dahil may tiwala naman ako kay Jaydee.



Nakilala ko si Madie sa condo ni Amanda, dahil niyaya nila ako at si Coco na mag dinner doon sa condo niya, syempre nandoon din sila Jaydee at Laney. 'Yun ang araw na nakilala namin ni Coco si Madie.



COULD BE US (frandeesal)Where stories live. Discover now