My Bestfriend or My Lover

By TheGoldenBuddha

743 56 8

More

Prologue
Chapter 1 *First Day*
Chapter 2 *First day part two*
Chapter 3 *One Thing We Have in Common*
Chapter 4 *Senior King Part One*
Chapter 5 *Bituing Nagsisibabaan sa Langit*
Chapter 6 *Senior King Part Two*
Chapter 7 *Senior King Part Three*
Chapter 8 *The Vile Bully (Part One)*
Chapter 10 *Date Date or Date date? (part one)*
Chapter 11*Date Date or Date date Part Two*
Chapter 12 *Something About the Junior King's Past*

Chapter 9 *The Vile Bully (Part Two)*

18 2 0
By TheGoldenBuddha

Amarie’s POV

“Sino ba kasi yung babaeng yun?! Just who the hell is he?! She really have the guts na pumagitna at ipagtanggol yung Marco na yun! Takte! Hindi niya talaga ako kilala!! Fuck her!! Fuck that woman!”

Andito kami ngayon sa isang classroom na rinelovate nung kambal para maging tamabayan namin. Katunayan niya, Ryan just made it into a studio! Mahilig kasi siya sa pagkuha ng mga masterpeice (that’s what he call it) at dinidikit yun sa isang dingding dito sa kwarto.

“I can’t believe this! Hindi ko matanggap tanggap na natalo ako ng isang babae!” bakas sa mukha ni Patrick ang inis at insulto.

Ngayon lang din naman kasi nagkaroon ng babaeng lumaban sa kanya and to think na transferee student pa ito! Well, I guess that just serves him right. Kung sana lang hindi bawal na lumapit ako o pumagitna sa away nila eh gagawin ko din yung ginawa ni Bianca….. or maybe not.

“Dude, naiinis ka lang dahil hindi lang si Bianca ang nakatalo sayo kungdi pati na rin si Kenzo.”

Tumaas ang kilay ni Patrick sa sinabi ni Bryle.

“What did you just say?!”

Natatawa talaga ako sa pinsan ko kung minsan. I hope lagi kaming ganito. Kung minsan kasi, if his out of control, nakakalimutan niyang pinsan niya ako and I couldn’t do anythin less even protect myself on those times.

“Amarie May Yap! What the hell are you laughing at?!”

Bakit ba pag naiinis o nababasag ang pinsan ko napupuno ang bunganga niya ng English? Pati mura English eh. Dati naman he is cursing with cheap curses.

“Stop laughing!” mariing utos niya sa’kin.

“I’ll stop only when you’ll stop speaking,” medyo natatwang sabi ko pa sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.

Uh-oh! Alam ko yung mga tingin na yun! Mabuti pang tumigil na ako baka kasi ako pang isunod niya kay Marco.

Hindi ako takot sa kanya. Well, minsan takot ako sa kanya. Pero marunong ako makiramdam. I know when I can be superior to him and when I can’t.

“Kilangan ko siyang turuan ng leksyon! Sino ba siya sa akala niya?!”

That ringed a bell.

“Yan ang wag na wag mong gagawin Patrick! Hindi mo na pwedeng ulitin yung ginawa mo sa kanya last week or else…” banta ko sa kanya.

Tumayo siya at saka sinuksuk ang dalawang kamay niya sa magkabilaang bulsa niya. “Okay. Yun lang naman pala eh.”

Umalis na siya. Ako naman naiwang nakatingin sa may likod niya. That was a fast one.

No! May mali dito! Kilala ko siya hindi siya titigil hanggang hindi siya nakakaganti sa mga taong gusto niyang paghigantian. Kailangan kong bantayan si Bianca.

Bakit ba feeling ko responsibilidad ko si Bianca?

Bianca’s POV

*bzzt**bzzt**bzzt*

Kinuha ko yung cellphone ko sa may bag ko ng naramdaman kong nagvibrate ito.

From: Kenzo :P

“Asan ka?”

Hmmm. Bakit naman kaya natanong nito kung asan ako?

To: Kenzo :P

“Bakit ba?”

Nilabas ko sa bag ko yung ilang libro ko at inayos ko yun sa locker ko.

*bzzt**bzzt**bzzt*

From: Kenzo :P

“Sabay na tayong maglunch :)”

Eeeehhh?! Bakit ngayon niya lang sinabi? Dapat kanina pa niya sinabi! Sabay na kami nina Amarie eh.

To: Kenzo :P

“Kasabay ko na sina Amarie :( Sabay na lang tayong umuwi. Libre ko stop over :) Sorry talaga Pineapple Juice nakapangako ako sakanya eh.”

Sayang! Gusto ko pa man siyang makasama. Ano ba naman yan! Hindi na nga kami magkasabay kahapon eh. Asar!

*bzzt**bzzt**bzzt*

From: Kenzo :P

“Okay lang! Sabi mo yan ha? Hintayin kita sa labas ng school maya :)”

To: Kenzo :P

“Oo naman po. Sabi mo eh :p”

“Biaaaancaaaa!”

Ayan na si Rachel! Tumatakbo na siya papunta sa kinalalagyan ko at sinsigaw pa talaga niya ang pangalan ko. Ang ingay niya kung minsan. Ang tinis ng boses niya! Mabuti pang bilisan ko sa pagliligpit ng mga gamit ko.

“Tara na?! Antagal mo girl!” singhal ni Rachel sa’kin ng makalapit siya sa’kin.

“Oh di ikaw na magligpit ng gami ko kung gusto mo!” sabi ko naman sa kanya.

“Ito naman!” sumandal siya sa may locker habang nakaharap siya sa’kin. “Bakit kasi ang sipag-sipag mong mag aral? Hindi mo naman na kailangan yun eh.”

“Gagita! Kaya ka laging napapagalitan eh kasi ang tamad tamad mong mag aral! Para san pa’t pumasok ka ng school kung hindi ka din lang mag-aaral? Kaya ka nga andito para mag aral diba?”

“Hmmm! Hindi rin! Andito ako para pag grumaduate na ako madali na lang akong tanggapin sa university na gusto kong pasukandahil sa diploma ko. You see, Bianca, holding a Sakura diploma means a lot.” Sinara ko na ang locker ko at nag umpisa na kaming maglakad papuntang caf. Tama siya dun. Pag mayhawak kang diploma mula Sakura, siguradong hindi mo na kailangang mag entrance exam para makapasok dun. “At pagka nagcollege na ako, dun lang din ako magseseryoso sa pag aaral ko.”

“Ang labo mo talaga Rachel! Parehas lang din naman yun bakit kaya hindi mo subukang ngayon na lang magseryoso sa pag-aaral?!”

“Hindi ka hindi ka ba napapagod sa pagsabi ng pangalan ko? Ang haba din kaya nung Rachel.”

Rachel? Mahaba?! Eh dalawang syllable lang din naman yun eh. Ano kayang mahaba dun?

“Alam mo kasi, Biancz, yung pamilya namin ang tipo ng pamilya na academic achiever lahat.”

“Oh? Naman pala! Anong ginagawa mo kung ganon nga—”

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita ko. Hindi pa ako tapos eh.

“Pagdating ng college.”

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Meron bang ganun? Academic achiver lang pagdating ng college? Hindi ba dapat since pre-school academic achiever na? Kakaibang pamilya ang pamilya nina Rachel pagka ganun nga!

“Gulat ka noh! Ganun talaga.” Nagkibit balikad siya.

“Pero bakit?” tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat ulit siya. “Freedom. Kung sa normal na tao ang freedom nila ay pagdating ng 18 sa’min baliktad. Ang freedom namin simula nung 3 kami at magtatapos sa age na 18 which means, pag nag-19 na ako, kailangan ko ng magseryoso. Magseryoso sa lahat ng bagay. In a way maganda rin yung rule na yun sa pamilya ko dahil wala pang maagang nabubuntis o nagpapakasal sa’min. Disiplinado din kasi kami eh at syempre hindi sila papayag na mabahiran ng dumi ang pangalan namin dahil sa isang pagkakamali.”

“Grabe naman Rach! H—”

“Ayun!” nagulat ako sa pagsigaw niya. Tumawa siya habang nakatingin sa’kin. “Mas gusto kong tinatawag akong Rach. Pagkasi Rachel feeling ko ang tanda tanda ko na.”

Napatawa na lang ako sinabi niya. Akala ko naman kung ano na, yun lang naman pala ang sasabihin niya. Ano ba yan!

“Eh pano na debut mo?” tanong ko sa kanya. Nacurios ako eh.

“Debut? Hindi ata uso yun sa’min! Kasi alam mo, debut right age diba? As in freedom? First appearance to the public? Well ibahin mo ang pamilya namin! First appearance namin is at the moment na pinanganak kami. Meaning kilala na kami sa public at sinusubaybayan na kami ng mga tao sa paglaki namin. That’s it. hindi uso ang debut sa pamilya namin. Weird ba?”

“Nagtanong ka pa talaga eh noh?” natatawang sabi ko sa kanya.

Sino ba naman kasing hindi matatawa? Paniguradong tingin ng halos lahat ng tao sa paligid nila eh weird ang pamilya nila tapos nagtanong pa siya.

“Parehas kayo ni May!”

“May?” takang tanong ko sa kanya.

“Oo si May! Si Amarie May Yap! Hindi mo siya kilala?” ngayon siya naman natatawang nagtanong sa’kin.

“Hindi ko lang alam na may May pala yung pangalan niya.”

Nagkibit balikat siya. “Well ngayon alam mo na.”

Sabay na kaming kumuha ni Rachel ng pagkain namin pagdating namin ng caf. Naabutan kasi namain na  naka kuha naman na yung iba pa naming kasama ng pagkain nila. Ang menu for this day ay continental food. Sino kayang chef nila dito? Meron kasi minsan, Japanese food ang nasa menu. Kung hindi weekly, twice a week sila nagpapalit ng menu. Ang yaman ng school na pinapasukan ko. Hindi ako masyadong sanay.

“Ba’t ayaw mo ng pasta? Masarap kaya yan! Isa sa mga specialty ni Chef Ian.” Sabi ni Rachel sa’kin.

“Hindi ako masyadong mahilig sa pasta. Pagka feel ko lang eh ayoko niyan ngayon.” Sabi ko naman sa kanya habang kumukuha ako ng dalawang scones at nilalagay yun sa plato ko.

“You will miss half of your life, honey.”

“Rachel!”

Tumawa siya. “Joke lang. So wala ka ng kukuhanin? Tara na sa table nila?”

Tumango na lang ako sa kanya at sinundan ko siya sa paglalakad. Nakita kong andun na sa table sina Amarie, Natsumi, Karah at Ryan at nag uumpisa na silang kumain. Teka—asan kaya yung kambal?

“Kainan na!” agad na sabi ni Rachel pagka upo niya sa tabi ni Natsumi at Ryan. Sa gitna ni Natsumi at Ryan to be exact. Ako naman sa tabi ni Ryan.

“Napaka patay gutom mo talaga Rach!” sita ni Amarie sa kanya.

“Eh ano ngayon?! Eh sa paborito ko ngang continental food eh!” nilunok niya yung nginunguya niya kanina. “Isa pa lubus lubusin ko na noh! Pagdating kong 19 ba-bye freedom na ako.”

“Kawawa ka naman! Samantalang kami mag-uumpisa pa lang freedom namin! Whoooo! Non stop party na to!” nanlolokong sabi ni Natsumi sa kanya.

Pansin ko, laging nakatingin si Ryan sa kanya. Pina ikot ni Ryan yung mata niya ng magsalita si Natsumi at tumingin sa’kin. I smell something fishy!

“So ikaw Bianca kailan freedom mo?” tanong sa’kin nI Ryan.

“Like the regular families.” Sagot ko sa kanya at nag umpisa na akong kumain.

“Ano nga palang trabaho ng mga magulang mo? Alam mo bang mahirap pumasok dito ng walang koneksyon at pera? Hmmmm. Nakakapagtaka lang pano ka napakapasok? To think na transferee ka pa and to think na August na din.”

Natigil ako sa pagkain ko at napatingin din ako kay Ryan. Si Amarie nakatingin lang sa’kin at pati na rin yung iba.

“Ryan ano ba naman yang mga tinatanong mo?! Hindi nakakatawa ha! Para kang reporter.” depensa ni Karah sa’kin.

“Ryan stop it,” ma-awtoridad na sabi ni Amarie.

“Amarie, your highness, I’m just asking her.” Sagot ni Ryan kay Amarie.

“Your torturing her.” Pangongorek naman ni Amarie sa kanya.

“Ryan!” sigaw ni Natsumi sa kanya.

“Relax guys okay? Gusto ko lang malaman.” Mahinahong sabi ni Ryan pero kita ko sa kamay niyang nanginig na nagpipigil siya ng galit.

Bakit kaya? Dahil kanino? Kay Amarie o kay Natsumi?

“Oo nga pala! Hindi mo pa nakwekwento sa’min kung ano ngang ginagawa ng mga magulang mo. Tama din si Ryan noh! Dalawang klase lang kasi ng tao ang lumilipat dito. Isang galing sa scholarship at isang galing sa new money another term for biglang yaman. Meron pa palang isa. Yung mga Japanese na nagmigrate dito sa Pilipinas. Pero hindi ka naman Japanese at mas lalo ring hindi ka nagmigrate galing don papunta dito.” Sabi ni Rachel sa’kin habang kumakain pa rin.

“So anong klase ka?” tanong ni Ryan sa’kin.

Huminga ako ng malalim bago ako sumagot. “None of the above.”

Nahulog ni Rachel ang hawak hawal niyang tinidor at halos masinok. Mabuti na lang at agad siyang binigyan ni Natsumi ng tubig.

“None of the above?! Kung ganon anong uri mo?! Illegal?!” sigaw niya sa’kin.

“Anong illegal ang pinagsasabi mo dyan Rach?!” tanong ni Karah sa kanya.

“Hindi ba yun yung tawag sa pag wala sa pagpipilian ng klase?” inosenteng tanong ni Rachel.

“Gaga hindi noh! Walang illegal! San mo ba napulot yung illegal na yun?!” tanong ni Natsumi sa kanya.

“Kay Ryan! Sabi niya illegal ang tawag sa mga taong ganun.” Depensa ni Rachel sa sarili niya.

Napahilamos naman ni Ryan yung kamay niya sa mukha niya.

“Will you shut up Rach?!” inis na sabi ni Ryan sa kanya.

“Watch your mouth Ryan,” sabi naman ni Natsumi.

“This is taking me no where. Dyan na nga kayo!” kinuha na niya yung plato niya at tumayo na siya.

Lumipat naman ako sa upuan niya para tumabi kay Rachel.

“Nakaka asar na talaga si Ryan kung minsan,” sabi ni Karah na nakatingin pa rin sa likod ng kaalis lang na si Ryan.

“Hayaan niyo na. That had become his nature.” Pati si Natsumi nakatingin din kay Ryan.

“Anong pinag uusapan natin dito?” tanong ko sa kanila..

“Wala! So ano na nga? Anong trabaho ng mga magulang mo? Sabi mo nun nasa Amerika sila hindi ba?” tanong ni Natsumi sa’kin.

“Yeah. Trabaho nila? My Dad is working on our family business. Real estate business. Meron din kaming ilang hotel all over the world. Mom ko naman may ari ng Toy Company.”

“Wow! Toy company ba sabi mo?” tanong ni Karah with glittering eyes sa’kin.

“Karah the toy addict! Collections niya puro laruan!” sabi naman ni Amarie sabay roll eyes.

“Che! Manahimik ka nga May!”

“Wag nga sabi akong tawaging May eh!” sabi ni Amarie kay Karah.

Hayaan na silang dalawa. Mag aaway lang naman sila ng pabiro eh. Pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti pag nakikita ko silang ganito. Ang ganda lang sa pakiramdam na nakikita ko silang ganito.

“Wait guys, kukuha lang ako ng maiinom ha? Nakalimutan kong kumuha.” Paalam ko sa kanila.

“Samahan na kita.” Offer ni Amarie.

“Wag na kaya ko naman eh.”

Tumayo na ako para mabilis akong maka kuha ng maiinom. Nang makarating ako sa may tapat ng vending machine nakakita ako ng pineapple juice. Parang namiss ko naman ata si Pineapple Juice. Kumain na kaya yun? Sino kayang kasama nun ngayon? Sana naman wag babae.

Babae? Eh ano naman ngayon kung kasama niya eh babae?! Lalaki siya! Binata! At higit sa lahat single! Kaya okay lang na kasama niya eh babae. Ano ba naman kasing pake alam ko dun?!

Babalik na sana ako sa table namin pagkatapos kong makakuha ng orange juice ng makita ko sina Patrick na may binubully nanamang isang lalaki. Ano bang problema ng lalaking to at ang hilig hilig niyang mang bully ng ibang tao?

Si Ryan hindi nakikipag participate dun sa pang bubully ng ibang tao. Naka-upo lang siya dun habang may naka salpak na earphone sa tenga niya. Good! Buti naman kung ganon para mabawasbawasan ang sisintensyahan ko. Naasar na kasi talaga ako sa kanya eh. Kung siya kaya i-bully ko?

“Bat hindi ka pa kumakain, Joe?” tanong ni Patrick sa kanya sabay bato ng beans.

“Joe, kain lang ng kain. Wag kang mahihiya ha?”

Patuloy sila sa pagbato ng kung ano ano kay Joe habang kumakain ito. Hindi ba sila mabubuhay ng walang binubully? Sa totoo lang ang sasama nila. At isa pa, hindi ba nila naisip na maraming nagugutom ngayon pero sila binabato lang yung mga pagkain na meron sila?

“Oh Bianca, gusto mong sumabay?” tanong ni Bryle sa’kin.

Napansin niya pala ako. nakapagitna ang kambal dun kay Joe.

“Okay lang sa’kin kung sumabay siya. Ikaw ba Ry?” siniko niya si Ryan.

Tinaggal ni Ryan ang isang earphone na nakasalpak sa may isa niyang tenga at tinignan si Patrick.

“May sinasabi ka?” tanong ni Ryan sa akanya.

Hindi sumagot si Patrick at sinamaan lang ng tingin si Ryan. Napatingin si Patrick sa’kin at parang nahulaan niya bigla ang sinasabi ni Patrick sa kanya.

“Ikaw bahala.” Nagkibit balikat si Ryan.

Lumapit ako sa kanila.

“What do you think your doing?” inis na sabi ko sa kanya.

“Bakit ba kapag kusa kang lumalapit sa’kin inis na inis ka sa’kin? Ano bang ginawa ko sayo?!”

Napangisi ako sa tingin niya.

“Dude. Your. Bullying. A. Person! A PERSON!” sigaw ko sa kanya trough gritted teeth.

Tumawa siya sa sinabi ko. “Your for a laugh!” sabi niya habang tinuturo niya ako. “Alangan naman kasing aso ang ibully namin hindi ba? Sa tingin mo mga baliw kami para gawin yun?!”

“Joe! Umalis ka na dito. Ngayon na!” ma-awtoridad na sabi ko dun sa lalaking binubuly nila.

Tumayo naman siya. Malamang natakot siya sa tono ng paninilata ko. Walang nagawa yung kambal pero nung sumenyas si Patrick agad din nila itong pina upo sa upuan niya.

“Ano ba?!” inis na tanong ko sa kanya.

“Tara na Biancz! Hindi mo pa nauubos pagkain mo eh!” bigla na lang sumulpot si Natsumi at hinila ako paalis dun.

“Natsumi teka! Ang sama nila eh!”

Mabilis niya akong nahila palayo sa table na yun at pina upo sa upuan ko kanina.

“Ang sabi mo bibili ka lang ng maiinom.” Sabi ni Natsumi sa’kin tapos ay umupo na siya sa upuan niya. “Gusto mong pumalit sa kanya?” tanong pa niya sa’kin.

“Alam niyong ganun ang ginagawa niya sa ibang estudyante pero hindi niyo man lang siya pinipigilan? Anong klase—”

“Kahit gustuhin man namin hindi pwede.” Pagputol ni Amarie sa sinasabi ko. Si Karah nakayuko lang. malamang! Boyfriend niya yung isa dun eh.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kay Amarie.

“We’re just following the rules. Hindi kami pwedeng makiealam sa lahat ng business ng Kings except kung related sa studies ito. A rule is a rule. It cannot be break.”

“So apat na taon nang ganito ang school na to?” tanong ko ulit sa kanila.

“Something like that.” Sabi ulit ni Amarie.

Wala na akong nagawa. Ano ba tong school na pinasukan ko? May alam ba si Mamita sa mga nangyayari dito sa loob ng school na ito? May alam kaya siya kina Kenzo at Patrick? Sino nagpa-umpisa nito?

Bakit wala lang mang pumipigil sa kanila? Kahit ata teachers takot kay Patrick. Ano ba naman to? Sa tingin ko, mabuti nang kausapin ko si Mamita tungkol dito.

***** A/N:

What do you guys think?

Comment po please.

---------------<3

XOXO,
-TGB :)

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1M 81.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
5.3M 273K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
232K 15.2K 75
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...