VJHEYANGV L I T E R A T U R E...

بواسطة vjheyangv

5.5K 103 4

This are the compilation of my works and other helpful matters for all the students المزيد

Pangako BY JHEAVV
Buhay By JHEAVV
Honesty
Feature
Editorial
Footnote To Youth By JOSE GARCIA VILLA
LAKBAY SANAYSAY
An Essay
Memoir
Personal Essay
My AUTOBIOGRAPHY 💜
Poem
A Movie REVIEW
Buod Ng Wedding Dance By Amador T Daguio
Depression
Aking Buwan
𝓗𝓲𝓵𝓲𝓷𝓰
BY YOURSELF
KUNG PUWEDE LANG
Alipin ng Itinuring na Kaibigan
AUTHOR'S NOTE
Bagong Normal
AYOKO NA SUKO NA AKO
BUOD NG ILLIAD
Qoute
Quotes
Qoutes
EDUBLOGS
PROF ED 7-A

SAWIKAIN

43 0 0
بواسطة vjheyangv


1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin Halimbawa: Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.

2. Agaw-buhay

Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik nang maputulan ng hininga

Halimbawa: Agaw-buhay na nang dalhin sa ospital ang lola ni Andrea.

3. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi

Halimbawa: Bilisan na natin dahil mag-aagaw dilim na.

4. Ahas

Kahulugan: Taksil, traydor

Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Belinda, bakit kinaibigan mo pa?

5. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.

6. Alog na ang baba

Kahulugan: Matanda Halimbawa: Alog na ang baba ngunit ayaw pa rin tumigil sa pagta-trabaho ni Lolo Lito.

7. Alsa balutan

Kahulugan: Naglayas Halimbawa: Nabalitaan ko na nag-alsa balutan daw ang anak mo.

8. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga

Halimbawa: Hindi na daw kasi amoy pinipig si Aling Grasya kaya iniwan na ng asawa.

9. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing

Halimbawa: Bakit amoy tsiko ka na naman?

10. Anak-dalita Kahulugan: Mahirap

Halimbawa: Kahit anak-dalita ay naabot pa rin ni Abel ang kanyang pangarap.

11. Anak-pawis Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao Halimbawa: Ipinagmamalaki kong ako'y anak-pawis.

12. Anghel ng tahanan Kahulugan: Maliit na bata Halimbawa: Si Mikay ang anghel ng tahanan namin.

13. Asal hayop Kahulugan: Masama ang ugali Halimbawa: Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung taong asal hayop.

14. Bahag ang buntot Kahulugan: Duwag Halimbawa: Doon ka sa mas matapang sayo makipaghamon ng away, huwag kay Lino na bahag ang buntot.

15. Bakas ng kahapon Kahulugan: Nakaraan, alaala ng kahapon Halimbawa: Ang mga nangyari noon ay bakas ng kahapon na lamang.

16. Balat kalabaw Kahulugan: mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya Halimbawa: Binalaan na kita noon pa na balat kalabaw talaga yang si Marta.

17. Balat-sibuyas Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin Halimbawa: Noon pa man ay balat-sibuyas na iyang si Angge kaya piliin mo lamang ang mga sasabihin mo sa kanya.

18. Balik-harap Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran Halimbawa: Nakakainis talaga ang mga taong balik-harap.

19. Balitang kutsero Kahulugan: Maling balita, hindi totoong balita Halimbawa: Hindi ako naniniwala sa mga balitang kutsero ni Aries.

20. Bantay-salakay Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan Halimbawa: Bantay-salakay iyang apo ni Ka Doray.

21. Basa ang papel Kahulugan: Bistado na Halimbawa: Basa ang papel ngunit ayaw pa ring aminin ni Roy ang kanyang kasalanan.

22. Basag-ulo Kahulugan: Away Halimbawa: Huwag kang sumama sa mga taong ang laging hanap ay basag-ulo.

23. Bilang na ang araw Kahulugan: Malapit ng mamatay Halimbawa: Bilang na ang araw mo.

24. Buhok anghel

Kahulugan: May magandang buhok Halimbawa: Buti pa si Dinah buhok anghel.

25. Bukal sa loob Kahulugan: Taos puso Halimbawa: Bukal sa loob ko ang pagtulong sa'yo.

26. Bukang liwayway Kahulugan: Malapit nang mag-umaga Halimbawa: Bukang-liwayway na ako umuwi.

27. Bukas ang isip Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa Halimbawa: Buti pa si Diego, bukas ang isip sa mga ganyang usapin.

28. Bukas na kaban Kahulugan: Mapagkawanggawa Halimbawa: May bukas na kaban sa mga mahihirap si Aling Maria.

29. Bulaklak ng dila Kahulugan: Pagpapalabis sa katotohanan Halimbawa: Hindi mainam ang bulaklak ng dila ng mga reporter.

30. Bulaklak ng lipunan Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan Halimbawa: Si Agnes ay itinuturing na bulaklak ng lipunan.

31. Bulang-gugo Kahulugan: Galante, laging handang gumasta Halimbawa: Masarap kasama ang taong bulang-gugo.

32. Bumangga sa pader Kahulugan: Lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao Halimbawa: Ang sinumang bumangga sa pader ay tiyak na matatalo lamang.

33. Bungang-araw

Kahulugan: Isang sakit sa balat na makati Halimbawa: Tuwing tag-init ay pinapawisan at nagkakaroon ng bungang-araw ang aking anak.

34. Bungang-tulog Kahulugan: Panaginip Halimbawa: Bungang-tulog lang pala ang lahat.

35. Buntong hininga Kahulugan: Mahaba at malalim na paghinga na kung minsan ay nagpapakita ng kalungkutan, pagod, o kaluwagan Halimbawa: Napa-buntong hininga ako nang malaman kong hindi na matutuloy ang pag- aabroad ko.

36. Busilak ang puso Kahulugan: Malinis ang kalooban Halimbawa: Sa panahon ngayon ay masasabi kong marami pa rin naman ang mga taong busilak ang puso.

37. Butas ang bulsa Kahulugan: Walang pera Halimbawa: Mahirap talaga kapag butas ang bulsa.

38. Buto't balat Kahulugan: Sobrang kapayatan Halimbawa: Malakas naman siyang kumain pero bakit buto't balat pa rin ang itsura niya?

39. Buwaya sa katihan Kahulugan: Ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Kilalang buwaya sa katihan itong si Violeta.

40. Daga sa dibdib Kahulugan: Takot Halimbawa: Nadarama ko ang daga sa dibdib ni Pedro kaya ayaw na niyang tumuloy sa Maynila.

41. Dalawa ang bibig Kahulugan: Mabunganga, madaldal Halimbawa: Ayoko siyang kasama dahil dalawa ang bibig niya

42. Dalawa ang mukha Kahulugan: Taksil, balik-harap Halimbawa: Binalaan na kita noon na dalawa ang mukha ni Jesie pero hindi ka nakinig sakin.

43. Dapit-hapon Kahulugan: Malapit ng dumapo ang hapon Halimbawa: Dapit-hapon na ng makauwi ako galing sa trabaho.

44. Di mahapayang gatang Kahulugan: Sobrang yabang Halimbawa: Kung ako sa'yo ay hindi ko kakaibiganin si Letty dahil siya ay di mahapayang gatang.

45. Di makabasag-pinggan Kahulugan: Mahinhin Halimbawa: Si Victor pala ang napangasawa ng di makabasag pinggan na si Leny.

46. Di malaglagang karayom Kahulugan: Napakaraming tao Halimbawa: Di malaglagang karayom sa palengke.

47. Galit sa pera Kahulugan: Gastador Halimbawa: Talaga namang galit sa pera si Tricia.

48. Ginintuang tinig Kahulugan: Maganda ang boses Halimbawa: Kung ako lang ay may ginintuang tinig, tiyak na lagi akong sasali sa mga kompetisyon ng awitan.

49. Guhit ng tadhana Kahulugan: Itinakdang kapalaran Halimbawa: Ito na yata talaga ang aking guhit ng tadhana.

50. Halang ang bituka Kahulugan: Salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao Halimbawa: Usap-usapan sa baryo na halang ang bituka ni Tonyo.

51. Halang ang kaluluwa Kahulugan: Masamang tao Halimbawa: Titiyakin kong mabubulok ka sa kulungan dahil halang ang kaluluwa mo!

52. Haligi ng tahanan Kahulugan: Ama o Tatay Halimbawa: Responsable at mapagmahal ang aming haligi ng tahanan.

53. Hampas ng langit Kahulugan: Ngitngit ng Diyos Halimbawa: Hindi ka makakatakas sa hampas ng langit.

54. Hampas-lupa Kahulugan: Lagalag, busabos, mahirap Halimbawa: Hindi ako makakapayag na sa hampas-lupang iyan ka lamang mapupunta.

55. Hawak sa leeg Kahulugan: Sunud-sunuran Halimbawa: Si Ramil ay hawak sa leeg ng kanyang asawa.

56. Hinahabol ng karayom Kahulugan: May sira ang damit Halimbawa: Hindi man lang napansin ni Minda na hinahabol ng karayom ang asawa niyang si Berto.

57. Hindi madapuan ng langaw Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang si Baste.

58. Ibaon sa hukay Kahulugan: Kalimutan Halimbawa: Ibaon mo na lang sa hukay ang pangako niyang babalik siya.

59. Ibong mandaragit Kahulugan: Mananakop Halimbawa: Ang dating ibong mandaragit na Estados Unidos ang isa sa may pinakamalaking naitulong sa mga nasalanta ng lindol sa Nepal.

60. Ikrus sa noo Kahulugan: Tandaan Halimbawa: Kaya dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong Lola.

61. Ilaw ng tahanan Kahulugan: Ina o Nanay Halimbawa: Mahal na mahal ko ang aming ilaw ng tahanan.

62. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma Kahulugan: malapit ng mamatay Halimbawa: Sinabi ng doktor na isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay Marlou kaya nag-iyakan na ang pamilya nito.

63. Isang kahig, isang tuka Kahulugan: Nabubuhay sa hirap Halimbawa: Dati kaming isang kahig, isang tuka.

64. Isulat sa tubig Kahulugan: Kalimutan Halimbawa: Isulat mo na lang sa tubig ang mga pinag-usapan natin.

65. Itaga sa bato Kahulugan: Tandaan Halimbawa: Itaga mo sa bato, hindi na ako magpapakita sa'yo kahit kailan!

66. Itim na tupa Kahulugan: Masamang anak Halimbawa: Itim na tupa kung ituring ng mga kapitbahay ang pangalawnng anak ni Silvia.

67. Kabiyak ng dibdib Kahulugan: Asawa Halimbawa: Si Alyana ang kabiyak ng dibdib ni Cardo.

68. Kakaning-itik Kahulugan: Walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan Halimbawa: Palibhasa't matanda na kaya kakaning-itik na lang para sa mga anak ang kanilang ina.

69. Kalapating mababa ang lipad Kahulugan: Babaeng nagbibili ng aliw Halimbawa: Nabalitaan ko na marami daw kalapating mababa ang lipad Pampanga?

70. Kamay na bakal Kahulugan: Mahigpit na pamamalakad; malupit Halimbawa: Totoo ba na may kamay na bakal daw si Pangulong Duterte?

71. Kape at gatas Kahulugan: Maitim at maputi Halimbawa: Madaling malaman kung sino sa kambal sina Melai at Melanie dahil sa kulay nilang kape at gatas.

72. Kapit tuko Kahulugan: Mahigpit ang hawak Halimbawa: Kung kapit tuko sa iyo ang iyong nobya, malamang ay natatakot iyan na maagaw ka ng iba.

73. Kaututang dila Kahulugan: Katsismisan Halimbawa: Tuwing umaga ay kaututang dila ni Linda si Cely.

74. Kidlat sa bilis Kahulugan: Napakabilis Halimbawa: Kidlat sa bilis nang ikalat ni Amber ang balitang hiwalay na sina Dong at Yan.

75. Kilos pagong Kahulugan: Mabagal kumilos Halimbawa: Ayaw isama ni Carding si Harmon dahil kilos pagong daw kasi ito.

76. Kumukulo ang dugo Kahulugan: Naiinis, nasusuklam Halimbawa: Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kita.

77. Kumukulo ang sikmura Kahulugan: Nagugutom Halimbawa: Kumukulo ang sikmura ko kanina pa

78. Kusang palo Kahulugan: Sariling sipag Halimbawa: Kung ako sa'yo ay magkukusang palo ako at hindi aasa sa iba.

79. Kutsarang ginto sa bibig Kahulugan: Lumaki sa yaman Halimbawa: Kung ako ang ay lumaking may kutsarang ginto sa bibig, hindi ko na sana kaylangang magtrabaho. 80. Lahing kuwago Kahulugan: Sa umaga natutulog Halimbawa: Si Cindy ay may lahing kuwago.

81. Lakad pagong Kahulugan: Sobrang bagal na pag-usad tao man o sasakyan Halimbawa: Araw-araw na iniinda ni Selya ang lakad pagong na trapiko sa EDSA.

82. Laman ng lansangan Kahulugan: Laging istambay sa kalye Halimbawa: Si Berting ay laman ng lansangan.

83. Lamog ang katawan Kahulugan: Sobrang pagod Halimbawa: Lamog ang katawan at laging puyat si Mang Arman kaya siya nagkasakit.

84. Lantang gulay Kahulugan: Halos hindi na maigalaw ang katawan sa sobrang pagod Halimbawa: Dahil sa walang tigil na pagta-trabaho ay lantang gulay na nang umuwi si Ka Petra sa kanyang bahay. 85. Lawit ang dila Kahulugan: Sobrang pagod Halimbawa: Tumakbo ng matulin si Randy kaya lawit ang dila niyang umuwi sa bahay.

86. Laylay ang balikat Kahulugan: Bigong-bigo Halimbawa: Napansin ni Aling Judy na laylay ang balikat ng kanyang anak kaya agad niya itong kinausap ng masinsinan.

87. Luha ng buwaya Kahulugan: Hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong Halimbawa: Animo'y totoo pero luha ng buwaya lang naman ang ipinakita niya sa'yo. 88. Lumagay sa tahimik Kahulugan: Magpakasal Halimbawa: Inay, nais ko na po sanang lumagay sa tahimik

89. Lumaki ang ulo Kahulugan: Nagyayabang dahil sa nakamit na tagumpay o pangarap Halimbawa: Wala pa ngang nararating pero lumaki agad ang ulo ni Jetro. 90. Lumang tugtugin Kahulugan: Laos na o alam na ng lahat ang ibinalita o ikinukuwento Halimbawa: Hindi mo na kami maloloko dahil lumang tugtugin na yan! 91. Lumuha man ng bato Kahulugan: Hindi mapatawad Halimbawa: Kahit lumuha man ng bato si Billy ay hindi na kailanman magbabago ang desisyon ni Kiray.

92. Maaliwalas ang mukha Kahulugan: Masayahin, taong palangiti Halimbawa: Maaliwalas ang mukha ni Rudy sa tuwing papasok siya sa paaralan.

93. Maamong kordero Kahulugan: Mabait na tao Halimbawa: Papaano naging maamong kordero ang dating basagulerong si Bitoy?

94. Maanghang ang dila Kahulugan: Bastos magsalita Halimbawa: Kung palaging maanghang ang dila ni Biboy ay kaiinisan siya lagi ng mga tao sa paligid niya.

95. Mababa ang loob Kahulugan: Maawain Halimbawa: Si Karen ay kilala sa pagiging mababa ang loob sa mga mahihirap.

96. Mababaw ang luha Kahulugan: Iyakin Halimbawa: Mababaw ang luha ni Mila lalo na kung ang paksa ay ang kanyang pamilya.

97. Mabigat ang dugo Kahulugan: Di makagiliwan Halimbawa: Bakit kaya mabigat ang dugo ng aking Tatay sa akin?

98. Mabigat ang kamay Kahulugan: Tamad magtrabaho Halimbawa: Mabigat ang kamay ni Ambo kaya tinanggal na ng kanyang amo sa construction.

99. Mabigat ang loob Kahulugan: Di-makagiliwan Halimbawa: Kung maayos sanang makisama itong si Rica, 'di sana mabigat ang loob ko sa kanya.

100. Mabilis ang kamay Kahulugan: Mandurukot Halimbawa: Pabalik-balik siya sa kulungan dahil mabilis ang kamay niya.

101. Madilim ang mukha Kahulugan: Taong simangot, problemado Halimbawa: Noon ko pa napapansin na tila madilim ang mukha ni Armando. 102. Magaan ang dugo Kahulugan: Madaling makapalagayan ng loob Halimbawa: Magaan ang dugo ko sa batang iyan.

103. Magaan ang kamay Kahulugan: Laging nananakit Halimbawa: Magaan ang kamay at lagi akong sinisigawan ni Mang Ambo.

104. Magaling ang kamay Kahulugan: Mahusay gumuhit o magpinta Halimbawa: Si Petra ay magaling ang kamay kaya laging kasali sa mga "Poster Making Contest".

105. Magdilang-anghel Kahulugan: Magkatotoo sana Halimbawa: Sana nga'y magdilang-anghel ka ng maranasan ko namang yumaman bago man lang bawian ng buhay.

106. Maghalo ang balat sa tinalupan Kahulugan: Maglabu-labo, mag-away-away Halimbawa: Talagang maghahalo ang balat sa tinalupan kapag hindi ka umayos!

107. Magkataling-puso Kahulugan: Nag-iibigan, mag-asawa Halimbawa: Kailan pa naging magkataling-puso sina Jeff at Lea?

108. Maglaro ng apoy Kahulugan: Magtaksil Halimbawa: Napakabait ng asawa ni Andong pero nakuha pa rin nitong maglaro ng apoy.

109. Maglubid ng buhangin Kahulugan: Magsinungaling Halimbawa: Kahit maglubid ng buhangin si Ara ay sigurahong lalabas din ang katotohanan.

110. Mahaba ang buntot Kahulugan: Laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe Halimbawa: Hindi dapat kunsintihin ang batang mahaba ang buntot.

111. Mahabang dulang Kahulugan: Kasalan Halimbawa: Ang mahabang dulang sa Batangas ay sadyang magastos.

112. Mahangin Kahulugan: Mayabang Halimbawa: Kilala sa pagiging mahangin si Don Pepot.

113. Mahangin ang ulo Kahulugan: Mayabang Halimbawa: Siya na yata ang pinaka-mahangin ang ulo na nakilala ko.

114. Mahapdi ang bituka

Kahulugan: Nagugutom Halimbawa: Mahapdi na ang bituka ko.

115. Mahina ang loob Kahulugan: Duwag Halimbawa: Mahina ang loob ni Charlie kaya ni hindi niya nagawang lakaran ang kanyang pangarap.

116. Mainit ang ulo Kahulugan: Hindi maganda ang "mood", magalitin Halimbawa: Huwag kang lalapit kay Nanay kapag mainit ang ulo niya dahil tiyak na masisigawan ka lang.

117. Maitim ang budhi Kahulugan: Tuso, masama ang ugali Halimbawa: Maitim ang budhi ng lalaking iyan!

118. Maitim ang dugo Kahulugan: Salbahe, tampalasan Halimbawa: Palibhasa't maitim ang dugo kaya walang gustong makipagkaibigan sa kanya.

119. Makalaglag-matsing Kahulugan: Nakaka-akit Halimbawa: Sadya namang makalaglag-matsing 'yang si Bianca.

120. Makapal ang bulsa Kahulugan: Maraming pera, masalapi, mayaman Halimbawa: Pasalamat ka't makapal ang bulsa ng napangasawa mo.

121. Makapal ang mukha Kahulugan: Di marunong mahiya Halimbawa: Kahit ano pang sabihin mo ay sadyang makapal ang mukha ni Petra.

122. Makapal ang palad Kahulugan: Masipag Halimbawa: Hindi lang dapat makapal ang palad. Samahan mo din ng tamang diskarte para mas maganda ang iyong kinabukasan.

123. Makati ang dila

Kahulugan: Madaldal, mapunahin Halimbawa: Masyadong makati ang dila ni Mimi. 124. Makati ang paa Kahulugan: Mahilig sa gala o lakad Halimbawa: Hindi na dapat makati ang paa ng mga taong may asawa.

125. Makitid ang isip Kahulugan: Mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman Halimbawa: Palibhasa't makitid ang isip kaya kahit humingi ng pasensya ay hindi niya magawa.

126. Makuskos-balungos Kahulugan: Mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin Halimbawa: Hindi nakakatuwa ang taong makuskos-balungos.

127. Malakas ang loob Kahulugan: Magiting, matapang, buo ang loob Halimbawa: Malakas ang loob ko na harapin ang anumang pagsubok na darating sa aking buhay. 128. Malaking isda Kahulugan: Mayaman Halimbawa: Buti pa si Enchang nakapag-asawa ng malaking isda.

129. Malamig ang ulo Kahulugan: Maganda ang "mood", nasa magandang kondisyon ang pakiramdam Halimbawa: Mabuti na lang at malamig ang ulo ni tatay ngayon. Nakahingi tuloy ako ng pera.

130. Malapad ang papel Kahulugan: Maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong Halimbawa: Palibhasa't malapad ang papel kaya madaling nakakuha ng lisensya sa LTO.

131. Malawak ang isip Kahulugan: Madaling umunawa, maraming nalalaman Halimbawa: Malawak ang isip ni Jepoy kaya siya ang laging nilalapitan ng kanyang mga kaibigan na may problema.

132. Malikot ang kamay Kahulugan: Kumukuha ng hindi kanya, kawatan, magnanakaw Halimbawa: Malikot ang kamay ng anak ni Aling Berta.

133. Manipis ang mukha Kahulugan: Mahiyain Halimbawa: Manipis ang mukha ng dalaga ni Aling Linda.

134. Mapait na lunukin Kahulugan: Kahiya-hiyang pagkabigo Halimbawa: Mapait na lunukin ang nangyari sa pamilya ni Rico.

135. Mapurol ang utak Kahulugan: Bobo Halimbawa: Baka tamad mag-aral kaya mapurol ang utak ni Cory.

136. Maputi ang tainga Kahulugan: Kuripot Halimbawa: Maputi ang tainga ni Nena. 137. Masama ang loob Kahulugan: Nagdaramdam Halimbawa: Kahit masama ang loob ni Abi kay Ara ay nakuha pa rin niya itong patawarin.

138. Masama ang panahon Kahulugan: May bagyo Halimbawa: Kanselado ang mga klase bukas dahil masama ang panahon.

139. Matalas ang dila Kahulugan: Masakit mangusap Halimbawa: Matalas ang dila ni Mona kaya marami ang naiinis sa kanya. 140. Matalas ang mata Kahulugan: Madaling makakita Halimbawa: Pagdating sa pera ay matalas ang mata ni Berta.

141. Matalas ang tainga

Kahulugan: Madaling makarinig o makaulinig Halimbawa: Matalas ang tainga ng aso ni Awra.

142. Matalas ang ulo Kahulugan: Matalino Halimbawa: Mahilig mag-aral kaya matalas ang ulo ng aking anak.

143. Matamis ang dila Kahulugan: Mahusay mangusap, bolero Halimbawa: Matamis ang dila ng mga pulitiko sa aming bayan.

144. Matandang kalabaw Kahulugan: Taong may edad na Halimbawa: Bagamat matandang kalabaw ay napakasipag pa rin ni Lola Eden sa trabaho.

145. Matigas ang buto Kahulugan: Malakas Halimbawa: Kahit papayat-payat ay matigas ang buto ni Lisa.

146. Matigas ang katawan Kahulugan: Tamad Halimbawa: Tiyak na di ka gaganahan kung matigas ang katawan ng kasama mo sa bahay.

147. Matigas ang leeg Kahulugan: Mapag-mataas, di namamansin Halimbawa: Ayoko sa taong matigas ang leeg.

148. Matigas ang ulo Kahulugan: Ayaw makinig sa pangaral o utos Halimbawa: Ang batang matigas ang ulo ay malapit sa kapahamakan.

149. May ipot sa ulo Kahulugan: Taong pinagtaksilan ng asawa Halimbawa: Kawawang Bitoy, may ipot sa ulo.

150. May krus ang dila Kahulugan: Taong may alam sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap Halimbawa: May krus ang dila ni Vicky kaya hindi na ako magtataka kung magkatotoo ang mga sinabi niya.

151. May magandang hinaharap Kahulugan: May magandang kinabukasan Halimbawa: Kung di magbabago ay sigurado akong may magandang hinaharap ang batang si Maria dahil ngayon pa lang ay masipag at madiskarte na siya sa buhay. 152. May sinasabi Kahulugan: Mayaman, may likas na talino Halimbawa: May sinasabi ang pamilya Reyes kaya huwag mo silang kakalabanin.

153. Nag-aapoy sa init Kahulugan: Mataas na mataas ang lagnat Halimbawa: Kung sana'y dinala agad sa ospital ang nag-aapoy sa init na sanggol ay naagapan sana ang kanyang malalang sakit ngayon.

154. Nagbabatak ng buto Kahulugan: Nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan Halimbawa: Bata pa'y nagbabatak ng buto na itong si Danny.

155. Nagbibilang ng poste Kahulugan: Naghahanap ng trabaho Halimbawa: Akala ko'y kung saan na nagpupunta itong si James, nagbibilang pala ng poste.

156. Nagbukas ng dibdib Kahulugan: Nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan Halimbawa: Sa wakas, nagbukas na ng dibdib si Leo kay Lea.

157. Nagmumurang kamatis Kahulugan: Matandang lalaking nag-aayos binata, matandang babae nag-aayos dalaga Halimbawa: Simula ng mabyuda ay napapansin ng kanyang mga kapitbahay na tila nagmumurang kamatis si Ising.

158. Nagpupusa Kahulugan: Nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao Halimbawa: Nagpupusa na naman itong si Jesica.

159. Nagsaulian ng kandila Kahulugan: Nagkagalit ang magkumpare o mag-kumare, di nagkasundo Halimbawa: Alam mo ba ang dahilan kung bakit nagsaulian ng kandila sina Cristy at Kyla?

160. Nagsusunog ng kilay Kahulugan: Masipag mag-aral Halimbawa: Kasama ka sana sa nakatanggap ng parangal kung sa simula pa lang ay nagsusunog ka na ng kilay.

161. Nakahiga sa salapi Kahulugan: Mayaman Halimbawa: Ipinanganak si Josua na nakahiga sa salapi.

162. Nakapinid ang tainga Kahulugan: Nagbibingi-bingihan Halimbawa: Laging nakapinid ang tainga ni Marla sa tuwing inuutusan siya ng kanyang ina.

163. Namamangka sa dalawang ilog Kahulugan: Salawahan Halimbawa: Totoo kaya ang usap-usapan na namamangka raw sa dalawang ilog itong si Mang Pablo?

164. Namuti ang mata Kahulugan: Nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay Halimbawa: Namuti na ang mata ni Biboy ngunit hindi sumipot sa kanilang tagpuan si Hershey.

165. Naniningalang-pugad Kahulugan: Nanliligaw Halimbawa: Itong si Berto ay naniningalang-pugad sa anak ni Ka Pedring.

166. Natuka ng ahas Kahulugan: Hindi nakakibo, nawalan ng lakas magsalita Halimbawa: Nang makita ko si crush ay para akong natuka ng ahas.

167. Ningas-kugon Kahulugan: Panandalian, di pang-matagalan Halimbawa: Totoo ba na maraming Pilipino ang ningas-kugon?

168. Pag-iisang dibdib Kahulugan: Kasal Halimbawa: Bukas na ang pag-iisang dibdib nina Jessa at Jimuel.

169. Pagkagat ng dilim Kahulugan: Pag lubog ng araw Halimbawa: Pagkagat ng dilim bumababa ang mga bandido mula sa bundok.

170. Pagputi ng uwak Kahulugan: Walang maaasahan, walang kahihinatnan Halimbawa: Sa wari ko'y mababayaran ka niya pagputi ng uwak.

171. Panakip butas Kahulugan: Panghalili, pamalit Halimbawa: Minahal ng labis ni Inday si Dudong ngunit panakip butas lang pala siya.

172. Panis ang laway Kahulugan: Taong di-palakibo Halimbawa: Talaga namang mapapanis ang laway mo kapag si Lyka ang kasama mo.

173. Pantay ang mga paa Kahulugan: patay na Halimbawa: Pantay ang mga paa nang datnan ni Bimbo ang kanyang Lola sa kwarto.

174. Parang aso't pusa Kahulugan: Laging nag-aaway Halimbawa: Parang aso't pusa itong si Karla at Karlo.

175. Parang kiti-kiti Kahulugan: Malikot, galaw nang galaw Halimbawa: Parang kiti-kiti na naman kung kumilos itong si Biboy.

176. Parehong kaliwa ang paa Kahulugan: Hindi marunong sumayaw Halimbawa: Huwag mo na akong yayain dahil parehong kaliwa ang paa ko.

177. Patabaing baboy

Kahulugan: Walang hilig magtrabaho, tamad Halimbawa: Kung alam ko lang na patabaing baboy ka pala ay hindi sana kita pinakasalan.

178. Patay-gutom Kahulugan: Matakaw Halimbawa: Nakita ko kung paano umiyak si Carla nang sabihan siyang patay-gutom ni Vice.

179. Pinagbubuhatan ng kamay Kahulugan: Pinapalo, sinasaktan Halimbawa: Palaging pinagbubuhatan ng kamay ni Milagros ang mga anak niya.

180. Pulot-gata Kahulugan: Pagtatalik ng bagong kasal Halimbawa: Saan ba ang pulot-gata ninyong dalawa?

181. Pusong mamon Kahulugan: Maramdamin Halimbawa: May pagka-pusong mamon pala kung pagsabihan itong si Elsa.

182. Pusong-bakal Kahulugan: Hindi marunong magpatawad Halimbawa: Ang taong pusong-bakal ay hindi magiging masaya kaylan man.

183. Putok sa buho Kahulugan: Anak sa labas, anak ng taong nagsama ng hindi kasal Halimbawa: Madalas na pinag-uusapan ng kanyang mga kapitbahay ang putok sa buhong si Lea.

184. Saling-pusa Kahulugan: Pansamantalang kasali Halimbawa: Bata pa kasi ang anak niya kaya saling-pusa muna siya sa eskwela.

185. Samaing palad Kahulugan: Malas na tao Halimbawa: Hindi ako naniniwala na may samaing palad.

186. Sampay-bakod

Kahulugan: Taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi Halimbawa: Mag-ingat ka d'yan kay Cora. Balita ko'y sampay-bakod yan.

187. Sampid-bakod Kahulugan: Nakikisunod, nakikikain, o nakikitira Halimbawa: Sampid-bakod lang din naman pero akala mo'y siya ang may-ari ng bahay.

188. Sanga-sangang dila Kahulugan: Sinungaling Halimbawa: Sanga-sangang dila talaga 'yang si Rufa.

189. Sariling pugad Kahulugan: Sariling tahanan Halimbawa: Bakit hindi ka manatili sa sarili mong pugad?

190. Sariwa sa alaala Kahulugan: Palaging naaalala, hindi makalimutan Halimbawa: Sariwa pa sa aking alaala ang masasayang sandali noong kami pa ng aking nobyo. 191. Sira ang tuktok Kahulugan: Gago, loko-loko Halimbawa: Sira kasi ang tuktok niya kaya laging napapa-away kahit saan pumunta.

192. Sukat ang bulsa Kahulugan: Marunong gumamit ng pera; marunong mamahala ng ari-arian o kayamanan Halimbawa: Kung ikaw ba naman ay sukat ang bulsa, hindi ka sana naghihikahos ngayon.

193. Sukat ang bulsa Kahulugan: Marunong gumamit ng pera; marunong mamahala ng ari-arian o kayamanan Halimbawa: Kung ikaw ba naman ay sukat ang bulsa, hindi ka sana naghihikahos ngayon.

194. Takaw-tulog Kahulugan: Mahilig matulog Halimbawa: Kahirapan ang kinabukasang sasapitin ng taong takaw-tulog.

195. Talusaling

Kahulugan: Manipis ang balat Halimbawa: Huwag mong kurutin si Gina talusaling yan. 196. Talusira Kahulugan: Madaling magbago Halimbawa: Akala ko'y iba siya, kagaya lang din pala siya ng iba na talusira.

197. Tatlo ang mata Kahulugan: Maraming nakikita, mapaghanap ng mali Halimbawa: Iyang si Becky ay tatlo ang mata kaya walang gustong makipag-kaibigan sa kanya. 198. Tawang-aso Kahulugan: Nagmamayabang, nangmamaliit Halimbawa: Tawang-aso na naman si Andeng sa mga kaibigan nya.

199. Tengang kawali Kahulugan: Nagbibingi-bingihan Halimbawa: Mahilig magtengang-kawali ang anak ni Aling Iska.

200. Tinik sa lalamunan Kahulugan: Hadlang sa layunin Halimbawa: Si Florante ang tinik sa lalamunan ni Adolfo.

201. Tulak ng bibig Kahulugan: Salita lamang, di tunay sa loob Halimbawa: Kung ako sayo'y sasamahan ko ng gawa at hindi puro tulak ng bibig lamang ang aking paiiralin. 202. Umaalon ang dibdib Kahulugan: Kinakabahan Halimbawa: Umaalon ang dibdib ko sa tuwing may biglaang pagsusulit.

203. Utak-biya Kahulugan: Walang nalalaman Halimbawa: Kung tawagin ng ilan ay utak biya itong si Caloy.

204. Utang na loob

Kahulugan: Malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man Halimbawa: Utang na loob ko sa kanya ang aking buhay.

205. Walang bahid Kahulugan: Walang maipipintas Halimbawa: Mahirap pabagsakin ang taong walang bahid ng anumang kasalanan. 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

3.6K 684 85
Within this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ac...
3.4K 124 14
'They say that eyes are the window to the soul, I disagree, I say it is the way you do your hair, The books you read The things you write The things...
11.8K 693 14
Virat: mahi... Please Mahi: cheeku
18K 1.7K 71
Greetings dear readers! This is my first ever poems book. And um I wrote these all based on my personal experiences. As you may journey through chapt...