COULD BE US (frandeesal)

By _haizpriv

55.4K 3.3K 888

you can read if you want! More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38

33

1.3K 89 22
By _haizpriv

FRANCES POV


"Do you have a exams tomorrow?" 



Tanong ko habang inaantok. Nandito kami ngayon ni Jaydee sa kwarto na'min ni Coco at nakahiga na ako ngayon habang tulog na tulog si Coco sa tabi ko. Naka-upo ngayon si Jaydee sa mini chair malapit sa'kin, at may hawak na maliit na libro at ballpen. Sa sofa na daw siya matutulog kung hindi na muna daw siya uuwi.



Umiling siya sa'kin. "It doesn't matter."



"Hindi ka mag-aaral?" Halos nakapikit na ako. Hindi siya sumagot at hinalikan niya lang ako sa noo. Nakatulog na rin ako kaagad.



Nagising ako sa tunog ng alarm ko. It's already 4 AM, dali-dali akong tumayo at naghilamos para mag aral. Hindi na kami same ng pasok ni Coco at Jaydee dahil ganoon talaga kapag graduating kana, pati na din ang mga ate ko. Nakita kong natutulog si Jaydee sa sofa at ang isang kamay niya ay naka-hawak sa librong binabasa niya kagabi pa. Ang ballpen ay nasa sahig na.



Malinis na ang condo at ayos na ayos. May'roon na ring nakahandang take out breakfast sa lamesa. Hindi ko alam kung kailan siya lumabas para bumili noon. I guess, baka nag foodpanda siya.



Kinuha ko ang cellphone niya at ang ballpen na nasa sahig. Nahulog niya ata habang natutulog. Tinignan ko ang phone niya kung may basag ba o wala, pero nang mabuksan ang screen ay nakita ko roon ang pangalan ni Madie na nakaka-ilang dm na ata sakanya.



Kumunot ang noo ko. Guilty akong tumingin kay Jaydee na natutulog.
Masyado akong na-curious at binuksan ko ang phone niya gamit ang passcode para tignan ang dm ni Madie.



Madelain: Bakit hindi mo ti-nake ang finals ngayong araw?



Madelain: Saan ka nanaman pupunta?



Madelain: Your mom won't be so happy about this.



Napaawang ang labi ko at tumingin ulit kay Jaydee. She didn't take her finals? Parang ayokong isipin na dahil 'yun sa'kin. Nag scroll pa ako para basahin ang iba kung may malalaman pa' ko sa mga pinag-gagawa niya sa school.



Madelain: Are you home?



Madelain: I'm sorry i was drunk, Jaydong.



Jaydeerous: We need to talk tomorrow.



Madelain: I miss you, please. Kiss me again.



Madelain: Jaydong, i miss this.



Napakunot ang noo ko nang makita ang sinend niyang pictures. Nanginginig ang kamay ko nang binuksan ko 'yon. Sa backround pa lang at sa mga taong kasama nila ay napagtanto ko'ng iyon ang araw na nag-inuman sila ni Daryll at mga pinsan niya.



Halos mabagsak ko ang cellphone nang makita ko sa pictures na magkahalikan sila. Namumula si Jaydee at hawak ni Madie sa magkabila niyang kamay ang mukha ni Jaydee habang nakahalik sa labi.



Pinatay ko ang phone at nilapag ulit sa lamesa, hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw sa sobrang dami na nang iniisip ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi magising si Jaydee sa iyak ko habang ginagawa ko ang project ko. Tulog pa' rin siya pati si Coco sa kwarto dahil mamaya pa ang pasok nila.



Araw-araw na lang ba ako iiyak habang ginagawa 'to? Napapagod na 'ko sa lahat ng nangyayari.



I was doing my project while trying to wipe my tears with the back of my hand. Natutuluan pa ng luha ko ang illustration board. It was the worst feeling ever. Ang sakit at ang sikip ng dibdib ko.



Umalis na ako kaagad bago pa magising si Jaydee. Pumasok ako ng school at nag pasa. Alam kong pangit ang gawa pero wala akong pakialam dahil hanggang doon na lang ang kaya ko. Pagkatapos kong magpasa umupo na ulit ako at yumuko sa lamesa, sobrang sakit ng ulo ko. Ayokong umiyak dito at ayoko din na maging agaw atensyon ako sa mga kaklase ko.



My works didn't satisfy me anymore. Lahat ng requirements na pinasa ko ngayong finals, ni isa roon ay wala akong nagustuhan. Kailan ba ito matatapos? Kailan ba ako makakatas sa kadiliman na ito? Paano nagawa sa'kin ni Jaydee 'yon? Sumasabog na lahat ng katanungan ko sarili ko.



"Ayos ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Karla at naramdaman ko' ng umupo siya sa tabi ko. Ini-angat ko ang ulo ko at tumingin sakanya.



"Sa tingin mo ba?" Tanong ko at pekeng tumawa.



"Malalagpasan mo din 'yan Frances. Ikaw pa ba? Nandito lang ako kung gusto mo ng kasama. Ano samahan kita mamaya sa hospital ng Mommy mo?" Sambit niya at niyakap ako ng bahagya. Tumango-tango ako sa sinabi niya.



Noong uwian sinamahan ako ni Karla sa hospital room ni Mommy, naabutan kong nandoon si Duke na nagbabantay. Lumapit kaagad ako kay Mommy at kinamusta siya kahit hindi pa siya nagigising.



"I love you Mommy. I have a lot of problem but I'm still fighting and i know that, you're still fighting too. Sana magising ka na Mommy, I can't wait. Ikaw nalang kalakasan ko mom." Bulong ko kay Mommy habang hawak ang isang kamay niya. Unti-unting tumulo ang luha ko habang tinitignan siya. Hindi ko talaga kayang makita siya ng ganoon.



Tumayo ako at pumunta sa pagitan ni Duke. "Where's dad?"



"Bumili ng gamot ni Mommy." Mahinang sagot niya.



"How's your schoolworks?" Tanong ko ulit.



"It's already done, last week." Sagot niya. Nasa grade 5 pa lang naman si Duke kaya bakasyon na nila agad, hindi tulad sa'min na may finals pa.



"Si ate Jaydee? Hindi ko na nakikita na kasama mo siya te." Tanong niya kaya naalala ko nanaman ang kababuyan na ginawa niya.



Hindi ko alam ang gagawin ko at nagalit na lang ako bigla. Hindi ko nasagot ang tanong ni Duke at dere-deretsong lumabas ng room ni Mommy. Naramdaman kong sumunod sa'kin si Karla.



Gusto ko nang umuwi at magpahinga muna ng ilang oras at gagawa na ulit ako ng project. Hinatid ako ni Karla hanggang sa tapat ng condo na'min ni Coco. Nagpaalam na din siya dahil busy din siya sa finals na'min.



Pagod na pagod na'ko sa araw na'to, lalo na noong nakita ko pa si Jaydee na naroon pa rin sa sofa at nakapagpalit na ng damit.



Tinapunan ko siya ng tingin bago ko binagsak ang bag ko sa sahig. Dere-deretso akong pumasok sa kwarto na'min ni Coco at isasara ko na sana ang pinto nang iharang niya ang kamay niya.



"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.



Hindi ako sumagot at kumuha lang ng damit sa cabinet. Hinawakan niya ang braso ko para iharap ako sakanya pero mabilis kong binawi 'yon at sinampal siya. Sa sinabi kong hindi ko kayang magalit sakanya dati pero ngayon parang gusto ko na siyang saktan at itaboy.



Nagulat siya sa ginawa ko. Napagilid ang mukha niya at parang hindi siya nasaktan dahil mas nangingibabaw ang gulat at pagtataka niya sa pagsampal ko sakanya. I was so mad. I was so mad at everything. Finals, Jaydee, myself. Hindi ko alam kung kanino ko ibubuntong lahat ng emosyong tinatago ko nang ilaw araw.



"Fucking cheater!" Tumulo ang luha ko.



Mas lalong kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo?"



"Mga manloloko! Mga mandaraya!" Binato ko sakanya ang damit na nakuha ko sa cabinet.



Hindi niya pinansin 'yun at sinubukang lumapit sa'kin pero tinulak ko siya kaagad napaluhod nalang ako sa sahig habang umiiyak. I had a breakdown. Hindi niya alam gagawin sa'kin at sinusubukan akong akayin patayo pero paulit-ulit kong hinampas ang kamay niya paalis.



"Bakit ba nandito kapa!? Wala ka bang klase!?" Galit na tanong ko sakanya pero hindi niya pa rin pinapansin 'yon.



"Jaydee bitawan mo'ko ano ba!? Fuck you! Fuck you!" Pinaghahampas ko siya. Sobrang bigat. Sobrang sikip sa dibdib. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga.



"Frances, please. I don't understand." nagmamakaawa na rin siya sa'kin.



Tumayo ako at pumunta sa living room para kuhanin ang cellphone niya roon. Naginginig ang kamay ko nang ipakita ko sakanya ang picture na sinend ni Madie. Nanlaki ang mata niya na parang hindi niya inaasahan na nalaman ko.



"I don't..." Hindi niya alam ang sasabihin niya.



Kinuha ko ang unan at binato sakanya.
"Napaka-walang hiya niyo!" Umiyak ako ulit ng umiyak. Sobrang sakit. Hindi lang dahil dito, pati sa ibang bagay, nasasaktan ako.



"Frances, I-"



"Cheater! You fucking cheater! Nandidiri ako sayo! Nandidiri ako sainyo! Napaka-basura niyo!" Patuloy na pag-sigaw ko. Hindi ko na alam ang sinasabi ko, gusto ko nang isigaw lahat ng nararamdaman ko ngayon.



"Calm down, please..." Her eyes started to water from tears.



Naguguluhan pa rin ang mga mata niya pero mas nakikita ko roon ang sakit na nararamdaman niya sa mga sinabi ko. Wala akong pakialam. Nasasaktan din ako.



"Calm down!? Paano Jaydee!? Ha!?" Binato ko ulit siya ng unan.



"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako niyan! Nakipaghalikan ka sa iba! Ano bang pagkukulang ko sayo ha!? Jaydee ano!?" Sunod-sunod na sigaw ko.



She tried to step towards me but she stopped herself when she saw me breaking down. Napahawak ako sa dibdib ko nang ibagsak ko ang sarili sa sofa. Nakayuko lang ako at umiiyak.



"Anong pagkukulang ko?" Nanginginig ang boses ko.



"Frances, hinding hindi ko magagawa sayo 'yon. Please hear me out-"



"You already did!" Sigaw ko ulit.



Parang paulit-ulit sinasaksak ang puso ko. Gusto kong maniwala. Parang ngayon ko lang naiyak lahat ng emosyong nararamdan ko these past few weeks. Ang sakit sakit ng lahat. Nakakapagod.



"Frances..." Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang palapulsuhan ko habang nakayuko ako at hindi na makapagsalita kakaiyak.



"Don't touch me!" Sinubukan kong bawiin pero hindi niya ako binitawan. "Huwag mo'kong hawakan, nakakadiri ka!"



Pinilit kong bawiin ulit ang palapulsuhan ko kaya nagasgas 'yon sa sing sing na suot niya. Napaawang ang labi niya nang makita ang sugat sa kanang palapulsuhan ko. Parang wala akong naramdamang hapdi o sakit. Pinanood ko na lang ang kaunting dugo doon.



"I'm sorry..." Hindi niya alam ang gagawin niya. Napaatras siya at dali-daling kinuha ang panyo niya para punasan ang tumulong dugo doon pero tinulak ko siya kaagad.



"Jaydee, mahal na mahal kita, e" Napatakip ako sa mukha habang umiiyak.



Tinanggal ko ang takip sa mukha ko at nakita ko siyang nakaluhod pa rin sa harapan ko at tinitignan ang sugat ko habang tumutulo ang luha niya. Her hand were shaking from wanting so bad to heal my wound.



"Mahal na mahal kita, bakit mo kailangang gawin sa'kin 'to?" Halos hindi na ako makahinga.



"Alam mo naman diba, I would never do that-"



"You said you never lied to me!" Sigaw ko ulit. Naririndi na'ko sa lahat ng sinasabi niya. "I trusted you! I trusted you so bad, Jaydee... I trusted you..."



"I know, Frances, please.." Umiiyak na din siya.



"It was on the day that we goes in Tagaytay, right!? Nakikipaghalikan ka sa iba habang inuman tapos kikitain mo'ko sa gabi!? Paano mo nagagawa 'yun!? Wala ka bang konsensya!? Sabi mo mahal mo'ko! Jaydee, sabi mo mahal mo'ko, e." Humina na ang boses ko.



"Mahal kita." Pain was so evident in her eyes.



She pursed her lips while letting the tears fall from her eyes down to her cheeks. She looked so in pain. I was almost fooled that she really was hurt. Paano niya ipapaliwanag 'yon? May litrato na at kahit kailan hindi niya man lang naisip na sabihin sa akin.



"Ilang beses kitang tinanong noon. Kung may gusto kang sabihin pero ang sinabi mo lang ay mahal mo'ko." I cried more. I remembered asking her repeatedly that day. That day when they kissed because I saw her being bothered by something else. Was it guilt? "Bakit mo naman ako pinagmukhang tanga, Jaydee."



"I.... didn't know what to say." Umiiyak na rin siya ngayon.



"Leave me alone, please. Lumayas ka na sa harapan ko, parang awa mo na. Nandidiri ako sayo." Umiwas ako nang tingin sakanya.



Dahan-dahan siyang tumayo. Lalapit na sana siya para halikan ako sa noo pero agad akong lumayo sakanya. She gave me a sad smile before she getting her phone and her keys.



"We'll talk tomorrow. I love you" She even had the audacity to say that.



Hindi ako sumagot. Nang makalabas na siya, agad ulit akong umiyak nang umiyak. Nakatulugan ko na ang pag iyak ko habang kinukwestyon ang sarili ko, kung saan ba ako nagkulang sakanya? Binigay ko naman lahat sakanya. Hindi pa rin ba 'yun sapat?



Kinagabihan. Dumating na si Coco dito sa unit kasama si Kielle. Mukhang nagulat sila sa itsura ko dahil pulang pula ang mukha ko kakaiyak dito. Nang magtanong sila kung anong nangyari, nagkwento naman kaagad ako sa nangyari sa'min ni Jaydee.



"Baka naman hindi sinasadya 'yon?" Sambit ni Coco habang naghahanda nang pagkain dito sa sala.



"Nagpaliwanag na ba siya sayo?" Tanong ni Kielle. Ayoko na munang makita si Jaydee at marinig ang boses niya.



"Ayoko. Ayoko muna siyang makita at marinig." Walang emosyong sagot ko.



"Pero kailangan mo pa'rin pakinggan yung side niya. Kahit na may nakita ka nang pictures na ginawa talaga nila." Sabi niya at niyaya na akong kumain. Pinilit nila akong kumain kahit wala akong gana.



"Oo nga, hindi basta-basta 'yon Frances. Alam naman nating hindi magagawa ni Jaydee 'yon." Singit ni Coco habang kumakain.



Ayoko na. Ayoko nang makarinig pa ng kasinungalingan niya.



Gumising ako sa alarm ko kahit sobrang sakit ng mata ko kakaiyak kagabi. Pumasok ako para mag exam kahit hindi pa'ko ganoon ka-handa. Parang mababaliw na'ko sa dami ng nangyayari sa'kin.



Pagkatapos ko mag exam, I saw Jaydee in front our building. She looked so confused, so hurt, and so lost. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa'kin pero dere-deretso lang akong naglakad paalis. Hinabol niya ako.



"Frances, please, can we talk now?" Tanong niya sa'kin.



I did bad on my exams. Gusto ko nang umiyak pero ayokong umiyak sa harapan niya. Mas lalong gulong gulo ang isipan ko dahil siguradong bagsak ako sa exam na 'yun.



"Ayokong makipag-usap." Malamig na sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.



Hinabol niya pa' rin ako at hinarangan ang dadaanan ko. Matalim ko siyang tinignan.



"Kung hindi ka aalis sa harapan ko, gagawa ako ng eksena dito, Jaydee." Pananakot ko sakanya.



She bit her lower lip, trying so hard to stop herself from shedding tears. She slowly nodded and stepped on the side to give me space to walk. Narinig ko ang buntong hininga niya naglalakad ako paalis. Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ni Jaydee kung pumapasok pa ba siya, hindi na ako makapagtanong kay Coco dahil lagi na akong tulog kapag uuwi siya.



Nang makalayo ako lumingon ako sakanya. She was still there, standing, nakatulala. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang hospital. Lunch time ngayon at siguro hinintay niya ako sa oras na ito. Siguro naman pumapasok siya diba?



Nang makarating ako sa hospital room ni Mommy, agad ko siyang kinamusta at hindi pa' din siya nagigising. Ako ang nagbantay sakanya ng 4 hours dahil may gagawin daw si Daddy na papeles para sa business. Umuwi ako kaagad nang makarating na si Daddy dito.



The next day. Pumasok ulit ako kahit sobrang sakit ng katawan ko. Palabas na ako nang canteen ngayon para may makain ako, lunch time ngayon. Balak kong pumunta kaagad sa hospital room ni Mommy para kamustahin ulit siya.



Nakita ko nanaman si Jaydee na mukhang nag-aabang sa'kin at kausap niya si Karla. Mukhang may tinanong si Jaydee sakanya. Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad.



"Wag ngayon, Jaydee." Pagtaboy ko nang harangin nanaman niya 'ko.



Tumango ulit siya at hinayaan ulit ako. Umupo siya sa malapit na waiting shed at yumuko doon habang sinisipa ang mga bato. Hindi ko siya pinansin at dumeretso sa hospital.



"Mommy!" Halos maiyak ako nang makita siyang nakaupo na ngayon at kakatapos lang siyang icheck ng Doctor. Halos nabuhayan ang kaluluwa ko nang makita siya at parang ginanahan akong mabuhay. 



"Frances..." Mukhang gulat siya sa itsura ko. Halos maiyak-iyak ako nang bahagya kong yakapin siya. Pero ayokong umiyak dahil baka isipin niya na nanghihina ako.



Napa-upo ako sa tabi niya at napa-titig siya sakin na parang inaalam ang iniisip ko ngayon.



"Okay ka lang ba, nak?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.



"Sino ba ang nasa hospital ngayon, mom?" Biro kong sagot at bahagyang tumawa. Kumakain na siya ngayon at halata sakanya na pumayat siya.



Nag-usap lang kami sa mga nangyari past few days at wala pa akong balak sabihin sakanya ang nangyari sa'min ni Jaydee, maski si Daddy at Duke ay hindi pa alam. Baka mas lalo siyang ma stressed at intindihin ka'ming dalawa kapag nalaman niya. Saka ko nalang sasabihin kapag medyo maayos na siya.



Lumabas muna ako para magpahangin habang nagpapahinga si Mommy. Nagulat ako nang makita si Jaydee na kausap ang Doctor na nag check kay Mommy kanina. Nasa hallway sila ngayon at parang pinapaki-usapan ng Doctor si Jaydee. Saka ko naisip na Doctor pala ang Mommy ni Jaydee at possibleng siya 'yon.



Hindi naman siguro. Balot na balot kasi ang Doctor at hindi ko makilala, maski sa katawan. Nagtama ang tingin na'min ni Jaydee at ang pungay ng mata niya. Wala na akong pakialam kung may sasabihin pa siya sa'kin ngayon.



Kaagad din silang nag-putol nang usapan at sumama si Jaydee sa Doctor. Mukhang uuwi na siya, hinintay ko silang mawala sa paningin ko bago ako naglakad-lakad. Nag vibrate ang phone ko at kaagad ko itong tinignan.



Nag dm sa'kin si Jaydee at hindi ko ito si-neen. Binasa ko lang sa notif sa taas at wala akong pake kung ano man ang sinabi niya.



"Congrats, your Mommy's alive, you may rest now. I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

243K 23.2K 58
Third book of idol love series... Devotion- "Strongest form of love" All the characters are fictional. There is no connection with the real place or...
2M 107K 62
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
972K 32.3K 60
π’π“π€π‘π†πˆπ‘π‹ ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 π–π‡πˆπ‚π‡ jude bellingham finally manages to shoot...
114K 3.4K 26
a paige bueckers story.