Ang Poste at Ang Duwende

By Enairashhh

6.5K 623 35

Love can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo m... More

Author's Note
Prologue
Chapter: 1
Chapter: 2
Chapter: 3
Chapter: 4
Chapter: 5
Chapter: 6
Chapter: 7
Chapter: 8
Chapter: 9
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
Chapter: 14
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30
Chapter:31
Chapter: 32
Chapter: 33
Chapter: 34
Chapter: 35
Chapter: 36
Chapter: 37
Chapter: 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter: 15

86 9 0
By Enairashhh

Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang pasko tapos ngayon magbabagong taon na!

Meron akong ilang new year's resolution para ngayong taon ( kahit kailan ata di ko manlang natupad ._.)

- Matulog ng maaga ( bukas na! Bagong taon eh!)

-Maging mabait lalo na sa kapamilya, kapatid at kapuso! ( para sa swerte)

- Maliligo na araw-araw ( nakakatamad kasi. Tapos minsan di ko pa kinakaya ang lamig!)

- Magpapaganda (para hakot boys! Charing!)

- Magkaroon ng boyfie ( kahit ngayong taon lang!)

- Magsisipag na akong mag-aral! ( for my future! At sa future din ng magiging anak ko!Eme!)

" Ate, ano tong pinagsusulat mo" napalingon ako dahil sa boses ng kapatid ko. Nakita ko namang hawak nya ang papel na pinagsulatan ko ng mga new year's resolution ko. Inirapan ko nalang sya.

" May paganito-ganito ka pa, hindi mo naman ginagawa. What a waste---"

" Mind your own business! Gusto mo Kisig, magsulat ka rin. I-new years resolution mo na mawala yang kasungitan mo!" inis na sabi ko. Nakita ko namang bigla syang tumawa ng malakas!

" Hahaha! Mama! Si Ate! Gusto na mag-boyfrien---"

"Bwisit ka! Wag kang maingay!"mabilis kong sabi matapos kong tinakpan ang bibig nya patalikod! Maya-maya napa-aray ako dahil kinagat nya ang kamay ko! Ang samang kapatid!

" Diba magiging mabait ka na? Bakit mo ko sinasaktan?" ani nya habang nakanguso! Sira ulo! Sya nga nanakit!

" Ikaw! Pag di ka tumahimik, ibubuko kita kay Lily!" inis na sabi ko. Ngumisi naman sya.

" Kaya mo ba---"

" Ate Yumi... Pinabibigay ni Mama" rinig kong sabi ng nasa likuran ko. Napangisi ako.

" Tamang tama Lily, may sasabihin ako say---"

" A-amin na yan, Lily. S-salamat" mabilis na sabi ni Kisig. Taka namang napatingin samin si Lily saka nya inabot ang plato na naglalaman ng handa nila.

" Sige, Ate. Happy New Year!" ngiting sabi ni Lily. Maganda si Lily. Ginagawa nga syang Reyna Elena sa Sta. Cruzan. Maputi, matangos na ilong, kissable lips tapos mahaba yung buhok nyang itim na itim. At di nya pa nare-realize yun ah? Grabe lang! Sana all!

" Happy New year din, Lily" tingnan mo. Sya na sumagot kay Lily. Kapag kay Lily nakikipag-usap to eh. Ngumiti lang si Lily saka nag-wave samin. Tiningnan ko naman si Kisig na ngayon nakanguso at masama na ang tingin sakin.

---

Natapos ang New Year ng wala namang espesyal na nangyari. Katulad nung nakaraang taon, nagpa-fireworks lang kami at nag-ingay at nagsaboy ng mga barya para sa swerte.

Usapang swerte,ang swerte ng kapatid ko. Biruin mong nakasama nya buong bakasyon si Lily. Nakapag-confess narin sya ng feelings! Akalain mong may gusto rin pala sa kanya si Lily. Pero si Lily, uunahin raw muna ang pag-aaral nya! Kaya nga ngayon, excited pumasok si Kisig. Syempre, inspired eh. Nagkaroon narin sya ng nag-iisang New Year's resolution! Mag-aaral pa raw sya ng mabuti para sa future nilang dalawa ni Lily!

Speaking of pasukan. Andito na ko ngayon sa school. Syempre ginawa ko ang ilan sa new years resolution ko. Naligo ako! Nagpaganda. Nag-makeup ako! Ang bango bango ko rin dahil sa perfume na binigay sakin ni Mama nung pasko!

" Hoy--- Wa-HAHAHAHAH!" gulat akong napatingin kay bansot. Nandito ako sa hallway ngayon papuntang room.

" Pfft! HAHAHAHA!"di mapigilang tawa ko habang nakaduro kay bansot! Paano kasi! Hahaha ang panget! Kalbo! Ano sya! Si Shaolin? O Shaolong?

" P-poste! Clown ka ba? HAHAHHA!"

" Ikaw ba? Kalalabas mo lang ba ng kulungan?! HAHAHAH! Di bagay sayo kalbo!"

"Hindi ako kalbo!"

---

Recess na. Binura ko na sa wakas ang makeup ko. Paano, mukha akong sinampal ng sampung beses ni Mama bago pumasok. Parang pinaputok nya rin ang nguso ko at yung kilay kong akala mo higad. Putek pagtawanan ba naman ako!

Hindi lang ako kundi si bansot. Katatapos nya lang din magbanlaw sa c.r ng kanyang buhok. Akala ko kalbo, yun pala, nasobrahan sa gel ang kumag. Dikit na dikit sa anit eh! Ayun parehas kaming ginawang katatawanan! Kaasar na araw 'to! Unang araw ng pasukan at new year pa man din! Malas!

" Grabe, mas okay papala na di ako nakamake-up" nakasimangot kong sabi habang kinakain ang burger ko.

" Naparami nga gel ko e" ani ni bansot sa gilid ko. Gusto kong matawa. Di nya ba alam kung paano mag-gel?

" Ah, guys" napatingin ako kay Amanda. Nasa harapan ko sya at katabi nya naman si Kin ngayon. Mas lalo atang naging maganda si Amanda? Ano kayang ginagamit nyang sabon? Kumikinang eh!

" May sasabihin ako" ngiting sabi nya saka napatingin kay Kin.

"Ano?" tanong ko sabay kagat ng burger. Ngumiti naman sya.

" Kami na ni Ki--- Pwe! A-ano ba Mayumi!"reklamo nya ng mabugahan ko sya ng burger ko!

"S-sorry na! Nagulat lang! K-kailan pa?"


" Pagkatapos ng New year, sinagot ko na sya" ngiting sabi nya. Ngumiti rin sakin si Kin.

" Congrat's pre" kaswal na sabi ni Bansot kaya naman napatingin ako sa kanya.

Teka? Walang epek sa kanya? It means... Wala na syang gusto kay Amanda?!

" Salamat"-Kin

---

Uwian

Shock parin ako as in! Parang ang bilis? Parang nung last year lang, niligawan nya si Amanda tas ilang buwan lang, sila na? Baka magkahiwalay rin sila? Hahaha! Joke! Road to Forever na yung dalawang yun!

Anyways, hindi na ako naapektuhan. Kung panong naging sila sa mabilis na panahon, ganun din kabilis nawala yung feelings ko kay Kin. Siguro, crush lang talaga ang tingin ko sa kanya. Siguro, desperada lang talaga ako sa ideya ng pagbo-boyfriend kaya ko ginawa yung efforts na yun. Paano? Mag ge-grade 10 na ako, wala parin akong nagiging boyfriend! Samantalang yung mga nasa paligid ko, pa-lovey dovey na!

" Hoy, Bansot" mahinang tawag ko sa kanya saka huminto. Lumingon din sya sakin. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pauwi. Maaga naman kasi saka, para makapag-isip isip naman ako. Sabit lang sya. Hindi ko sya niyaya pero baka same feels kami. Kailangang mag-isip.

"Oh"

" Bat di ka naapektuhan?" nakangusong tanong ko. Lumingon naman sya.

" Uh? Yung kay Amanda?"

" Mmm. Bat parang balewala sayo?" takang tanong ko. Napatingin naman sya sakin ng matagal saka tumingala.

" Wala. Wala naman akong magagawa. Imbes na malungkot, dapat maging masaya nalang ako. Nakikita ko naman kasing, masaya sila kaya bakit ko pa sisirain yon dahil lang sa pansariling kaligayahan ko?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko masabi kung malungkot ba sya oh ano. Pero eto lang ang masasabi ko, mukhang maayos naman sya. Sa ngiti nyang yan, imposibleng hindi!

" Wow, Bansot? Mature na eyan?"

" Tch. Kahit kailan talaga ano?"

"Ahahaha! Teka? Nangangati ilong ko. Nanonosebleed ba ko?"

" Ano ba Mayumi? Parang di babae?!" sigaw nya. Paano parang may matigas na kulangot sa ilong ko dahilan para mangati at magbara ito. Isinisinga ko kasi nakakairita! Sensya na! Minsan na nga lang mag seryoso ang usapan, umepal naman si kulangot my friend!

" Omg Bansot... Ta-tabi!" sigaw ko saka ko tinakpan ang isang butas ng ilong ko at suminga ng malakas!

Sorry! Hindi ko na talaga kaya! Nakakairita talaga sa ilong!

" M-Mayumi!" tili ni Bansot matapos bumulusok sa kanya ang medyo kulay green at brownish na kulangot!

" Pucha! Babae ka ba talaga? Balahura!"

" Hahahah! S-sorry! Parang atsing lang yan! Hindi mapigilan hehehe" malakas na tawa ko! Sinamaan nya naman ako ng tingin at halatang mandidiri.

" Sorry na!" natatawang sabi ko saka nagsimulang maglakad ulit. Nakaramdam naman ako ng pambabatok sa ulo ko!

" Bwisit ka! Ang sakit non!" sigaw ko habang kapit ang ulo ko! Ta-tawa tawa lang si bansot habang nakapamulsa! Sira ulo!

Lagot ka saking Bansot ka! Pa- fc ka naman ata?! Maka-batok wagas!

Babatukan ko na sana sya ng bigla syang huminto. Nakatingin lang sya ng diretso at mukhang seryoso kaya naman sinundan ko yun. Kunot nuo ko syang tiningnan matapos kong makita ang babaeng tinitingnan nya na kakabili lang ng softdrinks! Men! Kamukha ni Amanda! Teka? Si Amanda ba yon? Ay hindi! Iba ang school uniform eh!

" O-oy Bansot. Tara na" mahinang sabi ko. Paano nakahinto lang. Na-starstruck ata dahil kamukha ni Amanda kaloka!

" G-Garcia?" rinig kong sabi nung nasa harapan ko kaya naman napatingin ako at laking gulat ko na nasa harapan na namin ngayon ang babae!

G-Garcia raw?

" J-Jella" utal na sabi ni Bansot. Diretso lang ang tingin nya kay Aman--- este kay babae pala. Ngumiti lang ang babae. Taka naman akong napatingin sa kanya.

Teka? Ibig sabihin, hindi lang basta stranger si girl kay Bansot?! Magkakilala sila? Sila ng magandang babaeng ito?!

" Sa LNHS ka na pala nag-aaral?" ngiting tanong nya kay Bansot.

" Ahh, oo." maikling sagot ni Bansot.

" Kamusta na?" -Jella daw.

"Ok lang"- Bansot

Ano ba namang sagot yan?

" Ah... Hahaha. Uhm..."

Kaloka. Nagpapalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila! Naiintriga ako! Saka nakikita ba nila ko? Yu-hooo?!

" K-kamusta na kayo ni... Josh?" biglang tanong ni bansot.

Sino naman si Josh?! Pero hello? Di ba nila ako nakikita?!

"A-ayos lang naman..." ngiting sagot nya. Kaloka ang mga linyahan nila! Biglang tumingin sakin yung babae at ngumiti kaya napangiti rin ako.

" Ahh... Si Mayumi pala, kaklase ko" pakilala ni Bansot sakin. Kaloka! Buti naman at nakita nyo na ko ano?! May mga sariling mundo eh!

" Hi" ngiting ani ni Jella. Wow, ang ganda nya talaga! Mahaba ang buhok nyang kulot at singkit rin sya.

" H-Hi... Ang ganda mo naman hehehe" nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang sya sakin saka tumingin kay Bansot na seryoso parin.

Problema nito?

" Sige ha, Garcia, Mayumi. Alis na ako. Natutuwa akong makita ka ulit, Garcia" pagkatapos ay naglakad na sya paalis. Sinundan ko naman sya ng tingin.

"Wow Bansot, kailan ka pa nakakilala ng ganung kagandang babae ha?" mayamayang sabi ko habang sinusundan ng tingin si Jella.

Babaeng babae maglakad. Maria Clara lang ang peg. Ganito ba talaga ang mga tipo ni Bansot? Bakit parang antaas ng standard nya? Ang gaganda nila ha?! Nahiya naman ako! Pero teka? Bat parang hindi man lang umimik tong si Bansot?

Kaya naman napatingin ako sa kanya. Bigla naman syang napabuntong hininga at napatingin sakin. Nanlaki ang mata ko dahil nanlaki rin ang mata nya! Bigla ay hinawakan nya ko sa braso at nanlilisik ang matang nakatingala sakin!

" B-ban---"

" Anong itsura ko kanina? Mukha ba kong tanga? Mukha ba akong--- ano! Sumagot ka!"sigaw nya! Leche! Ano ba itong animal na 'to! Bigla nalang manggugulat!

" Ummmm-malis ka nga!" iritadong sabi ko habang tinutilak sya paalis! Umuusok naman ang ilong nya at halatang nag-iintay ng sagot.

" Mukha kang tuod! Daig mo pa ang posteng katulad ko na walang ekspresyon!" inis na sabi ko. Napabuntong hininga naman sya saka naglakad.

" Hoy! Matapos nung nanyare---"

" Sya yun" biglang sabi nya kaya napahinto ako.

" Aling sya yun?"


" Yung Ex ko"

---

<3 Salamat po :3

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...