BAGITO

By noringai

974K 10.3K 1.3K

Bagito...  Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptat... More

First
Butata
Rebound
Tres
Defense
It's a tie!
Bad Shot
Mintis
Foul
Baldog
Score!
Turnover
Time Out
Box Out
Loose Ball
Deadlock
Violation
Fade away
Fake
Sub
Talbog
MVP (Most Valuable Papa)
Champion
Alley Oop
Assist
Bagito vs Binatilyo
Walk out
Blindside Screen
Habol
Game Over?
Fastbreak
Traveling Violation
Half-time Break
Level Up
Reset
Pause
Bonus
Free throw
Double double
Intermission
Backcourt
Play-offs
Steal
On Hold
Change Court
Swat
Tapal
Challenge
Redemption
Sargo
Fastbreak
Takas
BOOM!
Supalpal
Test
Tandem
Negative
Tampal
Change Court
Sargo
Steal
Bahay-bahayan
Breaktime
Huli!
Talsik
Consequence
Acceptance
Letting Go
Next Level

Tambak

2.4K 36 2
By noringai

Hindi muna pinilit ni Vanessa na kunin ang anak niya matapos ang gulo. Noong wala na si Vanessa, dumating naman sina Cesar at Elise at nalaman na din ang katotohanan.

“Grabe naman pala yang Vanessang iyun!” sobrang inis si Elise. “Buti hindi ko naabutan …” 

“Ang amo-amo ng mukha… manloloko naman pala!” comment naman ni Cesar.

“Naku, huwag na huwag talaga magpapakita sa akin ang babaeng yan at ingungudngud ko sa semento yung pulang labi niya!”

“Sige my labs! Support kita dyan!”

Suggestion pa ni Cesar, “Kung ako sa inyo, Kuya Gilbert…Ilista niyo lahat ng ginastos niyo para kay Alby… tapos singilin niyo si Vanessa with interest!”

“Pero my labs, wala naman sa pera yun eh,” sita ni Elise. “Yung oras at pagmamahal na nilaan nina Ate Raquel at Kuya Gilbert…lahat ng sakripisyo at paghihirap ni Drew para sa baby… Hindi kayang bayaran yun.”

Tango lang si Cesar. Tama nga naman.

Hanggang sa napansin nila si Drew nakatitig lang sa hineheleng si Alby. Hindi nila mabasa ang tumatakbo sa isip nito.

Makakaramdam ng awa at pag-aalala sina Raquel at Gilbert para sa anak. Iisa lang ang tanong sa mga isip nila – Handa nga bang ibalik ni Drew si Alby kay Vanessa?

***

Kinabukasan sa tapat ng bahay nina Drew, naikwento na nito sa tropa ang tungkol sa DNA result. Nakasakay sila sa likod ng pick up ni Dion.

“Paanong naging negative yun? Eh kamukhang-kamukha mo si Alby!” hindi makapaniwala si Dion habang nakatingin pa sa picture nina Drew at Alby sa phone niya.

Si Arkin, iba naman ang naisip, “Hindi kaya pinalitan yung resulta? Baka pinagpalit sa lab. O kaya, binayaran ng Nanay ni Vanessa yung doctor para palabasing negative…”

“Wow Arkin! Saang teleserye mo napanood yan?” singhal ni Dion.

Kulitan lang ang dalawa. Pero si Drew, tahimik lang…bakas ang lungkot.

Kaya mas nilapitan pa ni Dion si Drew, tinapik ang likod, “Magiging okay din ang lahat, Drew.”

Offer ni Arkin, “Dude, kung kailangan mo ng magba-bantay kay Alby para hindi makuha ni Vanessa, tawagin mo lang ako. O kung gusto mo itakas na lang uli natin?”

“Ayan ka na naman sa mga payo mo, Arkin!” saway agad ni Dion.

Paliwanag ni Arkin, “E kasi, hindi natin alam kung anong topak meron ang Vanessa na iyun! Ang ganda-ganda nya nga… may sayad naman pala…di ba Drew?”

No reaction lang si Drew.

Patuloy ni Arkin, “Nakakalungkot talaga na lumabas na hindi mo anak si Alby…Pero hindi ba, dapat makaramdam ka kahit papaano ng konting relief. Kasi, malaya ka na…hindi mo na responsibilidad si Alby…”

“Relief?” react na si Drew, “Yun ba ang tamang maramdamam ko ngayon?” Mukhang hindi nagustuhan ni Drew ang opinyon ni Arkin.

“Relaks! Nasabi ko lang. Baka sakali na gumaan ng konti ang pakiramdam mo…”

Kaso lalo lang bumigat ang pakiramdam ni Drew. Naiinis siya sa sarili niya. Sa pinagdadaanan niya. Bakit kasi kailangan pang mangyari lahat ito sa kanya?

Tanong naman ni Dion, “Sa totoo lang Drew…ano pa bang laban mo ngayon?  May magagawa ba tayo kung ang resulta ng DNA test --- hindi ikaw ang ama?”

Paalala pa ni Arkin, “Tsaka may kasunduan kayo di ba? Paano na yon?”

Hindi sasagot si Drew, feeling loser na siya. Ano pa nga ba ang laban niya? Ano pa nga ba ang magagawa niya para ipaglaban si Alby? 

Continue Reading

You'll Also Like

Lost N Found By 틴

Mystery / Thriller

324 58 22
Lost N Found is a business of Echarri sibling with the aid of their dog Pangaea. Its goal is to find anything that has been either lost, mislaid or s...
71K 1.8K 39
Mayroon na talagang nagmamay-ari ng puso ni Aurelia-si Serafin, ang kanyang una at sana'y huli na ring pagsinta. Napakatindi ng pagmamahal niya para...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
10.9K 263 7
Maayos na ang lahat... Wala ng Black Organization at buo na ang permanent antidote para sa APTX4869. Makakabalik na si Conan sa pagiging Shinichi at...