COULD BE US (frandeesal)

By _haizpriv

55.5K 3.3K 888

you can read if you want! More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
34
35
36
37
38

32

1.3K 78 9
By _haizpriv

FRANCES POV


"Simula na nang 3 weeks Finals ah. Saan punta mo?"



Malapit na ang pag-tatapos ng Batch school year na'min. Nasabi na din sa'kin ni Jaydee na simula na din ng practice nila para sa Graduation pero meron pa daw silang finals.



"Lalabas kami ni Jaydee ngayon. Hindi ko nga alam kung saan e." Sagot ko kay Coco dahil kakalabas niya lang ng kwarto at nakita niya yatang nakabihis ako.



"Oh? Gabi na, mag ingat kayo. Nasaan na daw ba siya?" Tanong niya at umupo sa couch.



"Hihintayin ko nalang siya sa baba ng building para hindi siya umakyat dito." Sagot ko sakanya at kinuha na ang pouch ko.



"Saan ba kayo pupunta?" Ulit na tanong niya. Hindi ko alam kay Coco kung nakakaintindi siya ng tagalog eh.



"Kakasabi ko lang, hindi ko alam diba" Patawang sagot ko at gusto ko di'ng umalis dito sa unit. Excited na din ako kung saan kami pupunta.



"Wala kabang ideya kung saan kayo pupunta?" Tanong pa niya.



"I have no idea." I answered. Hindi na niya ako pinansin at binuksan niya ang TV para manood ng Netflix.



Nag-ayos pa ako ng kaunti at tsaka lumabas na nang unit at bumaba ng building. Nandito lang ako sa tapat ng building kung saan ako pwede makita ni Jaydee, naghihintay lang ako dito dahil wala pa siya. It's already 8 PM.



"Frances, sorry I'm late." Tawag ni Jaydee sa gilid ko. Halos 30 minutes na akong naghihintay dito at ngayon palang siya dumating. Agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.



Kumunot ang noo ko nang maamoy ko ang alak sa kanya. "Uminom ka?" Nagtatakang tanong ko. "Sinong kasama mo?"



"Si Daryll tsaka sila Rozian, yung pinsan ko" Sagot niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.



"Bakit hindi ka nag sasabi sa'kin?" Ngusong tanong ko sakanya.



"Biglaan lang yung yaya nila sa'kin eh. Kinidnap ako ni Daryll sa unit" Sagot niya at binuksan ang pinto sa Passenger seat para doon ako maupo. Agad din siyang umikot at umupo sa driver seat.



"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Hindi man lang siya sumagot sa tanong ko at dere-deretsong pinaandar ang sasakyan, ni-hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.



Alam ko namang hindi siya lasing kaya hinayaan ko na siya mag drive. Amoy alak lang talaga siya at medyo namumula ang mukha dahil ganoon siya kapag nakakainom.



Habang nagdadrive siya, tinignan ko ang ig stories nila Daryll. Marami nga silang nag iinuman at hindi ko pa kilala ang iba. Ang nakalagay ay nagkayayaan daw silang mag cha-childhood friends.



Kumunot ang noo ko nang makita si Madie at magkatabi pa sila ni Jaydee.



"Kasama si Madie?" Tanong ko. Buti pa si Madie kasama, tapos ako hindi?



Tumango siya at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Gusto kong magtanong kung anong nangyari o kung may ginawa sila ng mga kasama niya pero ayoko naman magtunog na parang inaakusahan ko siya.



Tumingin ako sa mga nakapakal na pangalan ng lugar at sa Tagaytay siya lumiko.



"Sa Tagaytay tayo?" Tanong ko.



Tumango lang ulit siya. Parang may mali sakanya eh, kanina pa siya ganyan.



"Ba't parang tahimik ka?" Tanong ko sakanya at tinapunan niya muna ako ng tingin saglit.



"Ha? Hindi naman ah. Kinakausap naman kita" Mahinahong sagot niya. Pinabayaan ko nalang siya sa gagawin niya.



Kalahating oras pa siya nagdadrive at walang nagsasalita sa'ming dalawa. Unti unti niyang hininto ang sasakyan at sa tapat nito may malaking rest house at hanggang third floor ang taas nito.



Pinark niya sa gilid ang kotse at dali daling bumaba para buksan ang pintong nasa gilid ko.



"Kaninong rest house ito?" Bungad na tanong ko nang makababa na 'ko.



"My grandparents owned it, pero wala na sila 2 years na" Sagot niya at naglakad na papunta sa rest house. Sumunod lang ako sakanya sa paglalakad.



Maganda ang rest house at malaki din, ang ibang material na ginamit dito ay kahoy at mukhang luma na ang rest house. Sinususian na ni Jaydee ang pinto at deretso kaming pumasok, nakabukas na din ang lahat ng ilaw sa bahay na ito. Nilibot ko ang paningin ko at puro kahoy ang gawa dito at may malalaking frame din na naka sabit. May mga gamit din na pang sina una at sobrang ganda, malinis ang bahay at makintab din ang kahoy na sahig. May isang malaking frame na nakasabit at binatang lalaki ito na naka barong, hawig siya ni Jaydee at baka lolo niya ito.



Tumingin ako kay Jaydee na nakatingin lang sa'kin at sinenyasan niya akong sumunod sakanya. Paakyat na kami sa third floor.



"Wala na'bang may ari nitong bahay? I mean, wala ng humahawak?" Tanong ko habang paakyat kami.



"Wala. Sa'kin lang iniwan ang susi at parang ako na ang may hawak, pero minsan ko lang 'to binibisita. Maraming gustong bumili pero hindi ko binebenta." Walang emosyong sagot niya. Nakita ko sa second floor na may'roong apat na kwarto.



Nagtungo kami sa Balcony ng third floor at sobrang ganda ng tanawin mula dito kahit gabi na at sobrang lamig pa. May nakahanda ng dalawang upuan sa balcony at doon kami umupo.



May nakahanda na di'ng chocolates sa table at pinapak lang na'min 'yon. It was a perfect way to spend a night. Tumingin ako sakanya at kanina pa siya tahimik at hindi nagsasalita.



She was extra quiet today. Parang may iniisip siya.



"Are you okay?" Tanong ko sakanya.



Bumuntong hininga siya. "Yes."



Hindi ako nagsalita. Mukhang may pinoproblema siya ngayon na hindi niya masabi. I looked at the stars. "Do you want to say something?" Tanong ko.



Napalingon siya sa'kin. Matagal bago siya nakasagot. Anong iniisip niya? Kinakabahan tuloy ako. Pakiramdam ko kasi may hindi siya sinasabi sa'kin. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako.



"Naisip ko lang..."



"What?" Tanong ko.



"Mahal na mahal kita." Sabi niya at umiwas ng tingin.



"I love you but I can sense that something is wrong. What is it?" Tanong ko ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil iyon.



"Nothing." She answered and kissed my hand.



Ngumiti ako sakanya para malaman niyang hindi ako galit. Malaki ang tiwala ko sakanya kaya hindi na ako nagtanong ulit.



"Don't hurt me Jaydee..." It was almost a whisper.



Umiling siya. "I would give up everything for you, Frances."



"I trust you."



I really did. And I prayed so hard for her not to break that trust.



Nagmamadali akong tumakbo habang dala-dala ang project ko para ipasa. Late na'ko dahil tinatapos ko pa ang mga project ko sa ibang subject. Hinabol ko pa ang prof ko nang makita siyang papasok ng faculty.



"Late for 5 minutes, Ms. Pinlac," Masungit na sabi ng prof ko.



"I'm sorry, Ma'am" Pagmamakaawa ko. Bumuntong hininga siya at tinanggap pa'rin 'yon. Mabuti nalang talaga at 5 minutes lang ang late ko.



Balak ko na din umuwi agad sa condo. Namili muna ako ng mga gagamitin ko sa mga gagawin ko pa'ng project. Hindi ko kasama si Coleen dahil busy din siya at may practice pa sila para sa Graduation. Ka-batch nila si Jaydee, so busy din siya.



Umalis na rin ako kaagad pagkabili ng mga gagamitin ko. Naglakad nalang ako papunta sa condo dahil malapit lang, nakasalubong ko si Kielle sa may waiting shed at parang naaninag niya ako. Sobrang tagal na na'ming hindi nag uusap simula noong Valentine's. Hindi na rin siya masyadong nagpapakita sa'kin. Kapag nagkikita kami ay tatanguan niya lang ako.



"Pauwi ka na?" Tanong niya sa'kin nang lumapit ako sakanya.



"Oo, ikaw ba?" Tanong ko habang buhat ang mga dala ko.



Tinignan niya 'yon. "Hatid na kita. Ako na riyan" sambit niya.



Tumango ako at hinayaan siyang tulungan ako. Sabay ka'ming naglakad papunta sa condo at hanggang sa unit ay tinulungan niya 'ko sa mga dala dala ko.



"Ang dami niyo namang ginagawa" Sabi ni Kielle nang makita niya ang kalat sa condo. Dalawa kasi kami ni Coleen na gumagawa ng project na'ming dalawa kaya ang kalat sa common area.



"Simula na ng Finals. Alam mo na." Umirap ako. Sunod-sunod na ang bigay sa mga requirements dahil naghahabol.



"Ikaw ba? Hindi na kita nakikita, ah? Hindi mo na rin ako kinakausap. Noong inaya kita pumunta dito sa condo, sabi mo busy ka. Anong pinagkakaabalahan mo?" Sunod-sunod na tanong ko.



"Wala naman. Mga exams lang rin tsaka mga finals, tapos training, ganoon." Sagot niya. "Kamusta kayo ni Jaydee?"



"Okay na okay kami, hindi na muna kami masyadong nagkikita dahil busy kami parehas at lalo na siya." Sagot ko.



"Buti naman." Ngumiti siya sa'kin ng tupid.



Ngumiti lang rin ako sakanya habang inaayos ang mga pinamili ko. Tinulungan niya rin ako mag glue-glue doon para mabilis ang ginagawa ko. Nagkalat na ang mga papel at karton sa sahig, pati mga gunting, tape, at glue.



10 PM na nang matapos kami sa ginagawa na'min. Saktong pagka-ring ng phone ko ay tinignan ko ito kaagad, si Daddy ang tumatawag.



"Daddy?" Bungad ko.



[Frances, 'nak...] Narinig ko ang iyak ni Daddy at first time ko'ng marinig iyon kaya napatayo ako kaagad at nanginig ang kamay ko sa sobrang kaba.



"Daddy, bakit po?" Halos hindi ako makapagsalita. Napatigil din si Kielle at tumingin sa'kin, nag-aalala sa boses at itsura ko. Tumulo na rin ang luha ko kahit hindi ko pa alam ang sasabihin niya. Parang nararamdaman ko na may masamang nangyari sa pamilya na'min.



[Can you check your Mommy's condition? Nasa hospital siya kasama si Duke... Were still in Palawan, Frances. Bukas pa ang flight na'min pabalik] He cried more so i felt more nervous.



Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Napaiyak na'lang ako kaagad at tumango tango sa sinabi ni Daddy. Nang ibaba ko ang phone, agad lumapit si Kielle sa'kin para yakapin ako.



"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.



"Nasa hospital si Mommy." Umiyak ako sa dibdib niya at yumakap kaagad siya sa'kin para patahanin ako. Hindi na ako nagsayang ng oras at dali-dali ka'ming lumabas ng condo para pumunta sa hospital. Pouch at phone lang ang dala ko.



Abala ako sa pagtawag kay Coco habang papunta kami ni Kielle sa hospital. Naiyak ako lalo nang sabihin sa'kin ng nurse na nasa ICU daw naka confined si Mommy. Agad ka'ming nagtungo doon at nakita ko si Duke na naghihintay sa labas at pulang pula ang mukha, kakaiyak. Kaagad kong niyakap si Duke at pinipilit kong patahanin.



"Cancer stage 4, daw ang s-sakit ni Mommy" Iyak na sabi sa'kin ni Duke at pa-utal utal pa siya. Naiiyak ako lalo sa sinabi niya.



Naghintay lang kami sa labas habang hinihintay si Coco. Nakatakip lang ako sa mukha ko habang nasa tabi ko si Kielle at hawak ang balikat ko, pinapakalma ako. Hinihintay na'lang na'ming lumabas ang Doctor at balitaan kami sa kalagayan ni Mommy.



"What happened!?" Nagpapanic na tanong ni Coco nang makarating.



Nanlambot ang tuhod niya nang makita si Mommy sa salamin, machines attached in her body full of bruise. Umupo na din si Coco at naghintay lumabas ang Doctor.



"The daughter of Mrs. Pinlac?" Bungad na tanong ng Doctor, nakikilala ko ang doctor at hindi ko masabi kung sino ito, balot na balot siya at may facemask pa siya na makapal. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.



"Hindi pa siya nagigising, but she's fine now. Cancer stage 4 ang sakit ng Mommy mo. Go, visit your Mommy." Sunod sunod na sabi ng Doctor. Nakikilala ko din ang boses niya pero wala na'kong panahon para hulaan kung sino 'to. Agad akong pumasok sa roon ni Mommy at tulog na tulog siya. Mas lalo akong naiyak nang makitang andaming naka-tusok sakanya at mukhang hirap na hirap siya.



"Mommy," I cried. "Lalaban tayo okay? I love you Mommy." Bulong ko habang hawak ang kamay ni Mommy. Pumasok na din sila Coco dito sa room at umupo sa maliit na couch.



The next day. It was a tiring day. Madaling araw na kami naka uwi ni Coco sa unit at pina-aga ang flight ni Daddy, kaka-uwi niya lang. Pumasok kami ni Coco nang puyat maski si Coco ay stressed na din sa finals, umuwi agad ako sa condo pagkatapos ng klase. Alam na din ng mga ate ko ang sitwasyon ko ngayon at kinakamusta din nila ako, maski sila ay busy din. Hindi na sabay ang uwian na'min ni Coco dahil may practice pa sila for Graduation. I stayed up all night crying while finishing my project.



"Jaydee, sorry, nagmamadali ako. I have to cancel our date." Sabi ko sa call dahil nag-yayaya siya mag date sa lunch.



Nakaipit ang phone sa gitna ng tenga at balikat ko habang buhat-buhat ko sa kamay ang project ko, andami ko pa'ng gagawin pagkatapos ni'to. Pumunta ako sa faculty para ilapag 'yon doon. Hindi na ako nagpa-excuse dahil ganoon din naman, mag-hahabol pa'rin ako at mas lalo lang akong tatambakan. Noong uwian na ay dali-dali akong pumunta sa hospital room ni Mommy para kumustahin siya.



3 days na pero hindi pa'rin siya nagigising. Nilipat naman na siya ng kwarto kaya mas mabibisita na na'min siya ng maayos. Sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita ko siyang nahihirapan kaya hindi ko muna siya masyadong binibisita at si Daddy ang nagbabantay sakanya.



Abala na rin ako sa deadlines at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.



[It's okay, Frances. Take your time. I have finals, too.]



Good thing Jaydee remained so patient with me. Hindi ko na yata kaya kung dadagdag pa siya sa problema ko. Ni wala na'kong oras para matulog at kumain. Kung hindi ako nag-aral ay bibisita ako saglit sa hospital ni Mommy.



Pinatay ko na ang tawag kahit di pa ako nag-papaalam. Kailangan ko lang talaga makahabol sa susunod na klase ko.



"Magkakasakit ka sa ginagawa mo" Sabi ni Kielle nang makasalubong ako sa waiting shed. Street food lang ang dala kong pagkain para mabilis makain.



"Hayaan mo na. Wala akong oras, Kielle." Stressed na sabi ko.



"Tignan mo nga itsura mo." Inayos niya ang buhok ko na bagsak bagsak mula sa ponytail. "Natutulog ka pa ba!?"



"Tingin mo kaya ko pa'ng matulog?" I snapped and rolled my eyes. Hindi ko alam, pati si Kielle ay nasusungitan ko na.



"Mukha ka nang zombie," Pag-puna niya. "Hindi ka'ba sinasabihan ni Jaydee?" Dugtong pa niya.



"Busy din siya, okay?" Sabi ko at nilagpasan ko na lang siya.



Kinabukasan. Pumasok ulit ako sa klase at pagkatapos, dumeretso ako sa hospital room ni Mommy. Umalis si Daddy tsaka si Duke para kumuha ng damit kaya naiwan ako sa room. Nag-aral lang ako habang hinihintay magising si Mommy, nakatulog din ako for 2 hours pero nagising din ako nang dumating si Karla, ang kaklase ko na alam din ang sitwasyon ko ngayon.



"Umuwi ka kaya muna?" Sabi ni Karla at hinaplos ang noo ko. Saktong dumating na sina Daddy at Duke, kaya pwede na akong umuwi. Nag-paalam pa ako kay Mommy bago umalis. Hinatid ako ni Karla sa condo at nag-paalam na din siya.



I stayed up all night, unaware of time. Nalaman ko lang na umaga na nang mag dm si Jaydee ng 'Good morning'. May oral exam daw siya ngayon, syempre pati din si Coco ay may oral exam.



Me: goodluck. I love you </33



Jaydeerous: You're up early. Natulog kaba? You need to rest. Kita tayo mamaya.



Me: Jaydee i can't. May gagawin pa'ko sorry.



Jaydeerous: Okay, naiintindihan ko. Just rest first. Don't stress yourself too much. I love you.



Me: I love you.



Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo ko. Nahihilo na'ko sa sobrang pagod. Inabutan ako ni Coco ng mainit na gatas at sumimsim ako dito. I decided to cut classes so I can sleep dahil sabi ni Jaydee. It was a long sleep. I kind of regretted cutting classes pero nangyari na at mabuti na 'yon para mawala ang hilo ko. Baka mamatay na ako sa ginagawa ko e.



I was keeping everything inside for days. Lahat ng emosyon hindi ko mailabas. Lahat ng pagod, stress sa finals, at kakulangan sa tulog, ininda ko nang ilang araw. Halos hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Hindi na'ko makapag-isip ng maayos. Ang focus ko ay wala na. Hindi ko na din kayang makita si Mommy ng ganoon. Parang araw araw na tuloy akong naiiyak, at hinihintay na magising siya.



Hindi na rin ako makatulog mang maayos. Nagising ako sa katok dito unit na'min ni Coco. Nagmadali akong bumangon para buksan ang pinto dahil sa sofa na ako nakatulog.



"Jaydee!" Gulat na sabi ko nang makita siya sa tapat ko.



May dala siyang madaming pagkain. Hindi niya ako pinansin at dere-deretso siyang pumasok sa unit. Sinulyapan niya lang ang kalat sa sahig. Pagkalapag niya ng pagkain sa lamesa, lumuhod siya para ayusin 'yun.



"Rest. Ako na rito." Sabi niya habang pinapulot ang mga ginupit-gupit ko doon.



"No, ako na." Lumuhod rin ako para tulungan siya pero hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko.



"Frances, look at you!" Galit na sabi niya. Napatigil ako at tumingin sakanya. "You look like you're barely living."



I bit my lower lip. "I'm sorry."



Bumuntong hininga siya at inakay ako para mahiga ako sa kama. I watched her clean the unit. Tahimik lang siya at mukhang galit. Tulog pa si Coco sa kwarto at kaming dalawa lang ang gising.



"Kung gusto mong umiyak, cry on my shoulder." She said after a few minutes.



Umiling ako. "I don't want to cry."



"Kamusta si Tita? Anong balita?" Tanong niya.



Ngumiti ako nang malungkot sa kanya.
"She's fine, pero hindi pa siya nagigising hanggang ngayon. I missed her damn much Jaydee." Naiiyak na sabi ko.



Lumapit siya at hinalikan ang noo ko.
"Everythings gonna be alright, Frances."



Ngumiti ulit ako nang malungkot sa kanya. "I surely hope so. I'm praying so hard of it."



"We will make sure of that." She gave me a small smile.

Continue Reading

You'll Also Like

906K 41.5K 175
๐’Š๐’ ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ the boy who lived falls for the girl who had no one
585K 13.1K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
290K 11.7K 41
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹
639K 39.1K 103
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...