ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 39: Museum of Technology
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 52: One More Death Case
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 65: The Director's Elite Kids
Chapter 66: Failed Mad Mission
Chapter 67: The Fighters
Chapter 68: The Fighters (Part 2)
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 72: Genes
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 58: The Entering

4 2 0
By Sentisimo

FLASHBACK (A months earlier)

Angel Ann's POV

Alam ni Ma'am Clarisse ang mga lagusan na pwede pa ring daanan matapos ang pagguho ng sagupain namin ang ka-ibigan niyang nag-mutate sa kakaibang halimaw.

Naging perpekto ang pag-plano namin sa pagpasok sa mga lagusan. Sinabi sa amin ni Ma'am Clarisse, kung papasok kami sa mga nagfa-function pang daanan, maaaring pumalpak ang plano at maaari kaming hulihin ng awtoridad mula sa institusyon.

Pinili namin ang delikadong
daan. Nagtiwala kami kay Ma'am dahil bihasa na siya sa kaniyang kakayanan. Nakokontrol niya ang elemento ng lupa kung kaya't ito ang naging daan nalang namin upang makapasok ng walang nakakaalam.

Kinuha namin lahat ng blueprint na nakapaskil sa bawat palapag sa pamamagitan ng scanning device na binigay ni Ma'am Clarisse sa amin.

Napadali rin ang misyon namin dahil sa isang device na kayang gayahin ang physical na anyo ng isang tao.

Pinakamatagal na ang isang oras na kakayanin ng device. Ginamit namin ito sa dalawang valid na tao mula sa institusyon. Tinago namin sila sa CR at kinuha ang ID nila na siyang access sa bawat secured na pintuan sa loob ng institusyon na ito.

Gamit ang mga ito, napasok din namin ang isang pasilidad na kung saan isang modulator ang siyang access point naman ng dalawang kinuhanan namin ng identity.

Ang modulator na ito ay konektado sa isang room na kaharap lamang nito na kinagigitnaan lamang ng pasilyo at malalaking glass frame.

Sinundan namin ang napag-usapang plano, ang sabutahihin ang ginagawa ng institusyon sa mga katulad namin na minor de edad. Nakita ko si Zeus sa kwarto sa kabila, nakahiga at walang malay kasama ang daan-daang mga schoolmates namin dati.

Hindi ko pwedeng basta puntahan sila dahil matutunugan ang ginagawa naming panghihimasok. We need to stick on the plan

Sabay kaming naupo sa magkatabing upuan sa dulo ni Dianne. Nilagpak ko ang mouse na siyang excuse upang makapagtago. Lumusot ako sa ilalim at agad ako nakapag-teleport sa loob ng server ng 'di nalalaman ng marami at sa pamamagitan ng abilidad ni Dianne.

I disconnect all the cables inside the server room habang nakita ko
naman na palapit sa kinauupuan ni Dianne si...si Ma'am Raghel?

Sheet of paper! kailangan ko magmadali. Paano ako lalabas nito sa loob? makikita ako kung lalabas lang ako.

Nakita ko naman na nasa row na namin si Ma'am Raghel at kasalukuyang kong pinakikiramdaman ang ikinikilos at binabasa ang sinasabi ni Dianne para sa akin. Hindi ko maintindihan...Ngumingiwi lang siya at binubuka ang bibig.

Ano sabi niya E...R...what?

Kinakabahan na ko. Nag-stop si Dianne sa pagtingin sa akin. Please save us. Patay, nakikita ko nang kinakausap at tinuturo na ni Ma'am Raghel ang kaninang kinauupuan ko.

Nakita ko ang pagkumpas ni Dianne na hudyat para lumabas ako. Ano ang magiging rason namin nito? Bigla ako kinabahan at the same time nakaramdam ng pag-aalboroto ng tyan. "CR". Ani ko sa aking sarili.

"Here she is ma'am...she need a room to fa..rt. This room is well ventilated with aircon, so makakaabala po sa iba if maamoy ng lahat." Gagang 'to bakit utot sinabi niya, pwede namang excuse na naghahanap ng CR.

"Sorry if I leave my work Ma'am." nag-bow pa ako para legit talaga ang excuse namin. Pumasok ang isang nakakalokang lalaki sa room unit na ito. Namumukhaan ko pero 'di ko sure kung siya nga ito.

Nagbago kasi ang lahat. Ang pisikal na anyo niya at ang galaw nito.

"Sr. Vincent." bulong ko.

"Ano?" tanong naman sa akin ni Dianne.

"Wala namumukhaan ko lang siya," nagbubulungan kaming dalawa ng patago habang pinag-uusapan ang pumasok na lalaki.

Bumalik si Maam Raghel sa kaniyang pwesto at in-entertain si Sr. Vincent. Maya-maya lang biglang nag-collapse na ang mga computer at nagkaroon ng warning sign.

Agad nagsipagtayuan ang lahat dahil nagkaroon ng mga complain ang lahat. At ang pinakahihintay nalang namin ay naganap na.

Sumabog na ang mga server!

Nakita ko mula sa kabilang kwarto na may mga nagtatayuan na mula sa kabilang kwarto. Hudyat na tapos na ang aming misyon. Agad kaming pina-evacuate palabas sa pasilidad na iyon.

Sabay-sabay kaming lahat.

Tinignan ko ang orasan. "Dianne, malapit na matapos ang oras. 3 minuto nalang. Kailangan natin mag-excuse ulit. Pinanindigan ko na ang excuse kanina. Kailangan kong gumamit ng CR. Ang pinakamalapit na CR ay ang pinagtaguan namin ng dalawang pinagkunan namin ng identity.

Nag-excuse na kami, hindi ko alam kung bakit medyo seryoso ang tono habang kinakausap kami ni Sr. Vincent pero parang naghihinala na siya sa mga galaw namin.

Mabuti nalang nakalusot kami at pumasok na sa CR. Nag-manifest kaagad kung sino talaga kami.

Bumalik na kami sa dati naming
anyo. Binalik na namin ang ID na 'di namin pagmamay-ari na nakasukbit sa aming mga leeg.

Palabas na sana kami pero naabutan naming may naka-abang armadong lalaki sa labas ng CR. Nakita kami nito at saka lumakad palapit sa amin. Natigil kami at naestatwa sa lugar namin.

Mabuti nalang magaling umarte si Ako at si Dianne.

"Sr. sr. can you help us? May dalawang babaeng pumasok sa CR tapos bigla nalang po nahimatay. Opo Parehas po sila. Sr. tatawagin lang po namin ang daddy namin na Direktor." Pagsisinungaling ni Dianne.

"Opo Sr. officer tulungan ninyo po sila. Baka kung napaano na po sila." Pagsang-ayon ko nalang sa mga sinabi ni Dianne.

Dali-daling pumasok ang armadong lalaki sa CR. At doon sa tagpo na iyon, mabilis naming pinagtulungan ang gwardiya at nawalan ito ng malay.

"Arti-artihan, nuyun? School of acting?" tanong ko kay Dianne habang tumatawa nang matapos ang gawain namin.

"Ate Angel, be matured, kapag walang lusot, umarte na dapat na may fact. Acting is better than just lying." loko din 'tong babae na 'to. Ang linis ng acting kanina, walang mintis.

Pero saan aabutin ang acting namin kung iba naman ang makasalubong namin. Hindi na dapat kami magpalaboy-laboy pa sa corridor, iba ang damit namin, kami lang dalawa ang nasa labas na ganito ang idad.

Nag-usap kami ni Dianne na magtago kahit ilang oras na pamamalagi namin dito. Kailangan namin mag-abang ng susunod na mangyayari ng sa ganun, maka-survive kami.

Inintay namin si Ms. Clarisse sa napag-usapang lugar. Dahil may gagawin daw siya dito. Hindi namin alam iyon kung kaya't nag-intay kami para saksihan kung ano ito.

Dumating si Ms. Clarisse kagaya ng napag-usapan. Walang CCTV sa meeting place namin kung kaya't isinagawa na niya ang gagawin niya.

She concentrates every single active energy that can manipulate the stone, rock, cement or soil to that wall. A part of wall pushes backward as we witness the shocking moment of this. Then the wall move aside just like a sliding door. The way inside becomes wide open like an empty unit.

Dito muna kami mamalagi hangga't wala pang plano upang matagpuan naman ang mga magulang namin. Hindi namin kakayanin ang ilang palapag na institusyon na ito kung kaming tatlo lamang at walang gaanong access.

Pinagtalunan namin kanina ni Dianne kung bakit binalik namin ang ID sa dalawang babae. Sa isip-isip ko, kung may makatuklas sa pangyayari, maaaring tanggalan sila ng posisyon at mawalan ng access sa buong facility. Wala rin ang ID kung kinuha namin ito.

Kailangan namin mag-isip ng bagong plano. Planong makapag-aalis sa amin dito maging ang mga buhay ng mga ka-idad ko at kaibigan ko.

Sumara ang lagusan na pader, at liwanag mula sa kandila nalang ang tanging nagbigay ng tanglaw sa amin.

Sa dulong parte ng parang cubicle, may espasyo sa pader na kinalagyan ng selpon ni Kenneth. Kailangan nilang isantabi ito dahil ito lamang ang natatanging prowebang hawak nila na makakapagpatunay sa maitim na mithiin ng Direktor.

-

CAMERA REVIEW

Nanggigil ang Institute Director sa mga nangyayaring kapalpakan. Hindi sa palpak, tagumpay ang nangyari ayon sa kaniyang plano. Pero nasira ang obra maestra niya, ang Dream Acquaintance na siya ang taong nasa likod ng pagkakagawa dito at subordinate lamang ang dalawang naturang magagaling sa kani-kaniyang field ng biotechnology na sila Ms. Raghel at Mr. Vincent.

Nakita sa camera ang ginagawa ng dalawang babaeng pinaghihinalaan ni Mr. Vincent. Kapansin-pansin na kakaiba ang kinakilos ng mga ito. Matapos makaupo ang dalawa, biglang nalaglag ang mouse kung kaya't inabot ito ng isang babae, biglang nawala ang babae sa paningin ng CCTV matagal itong nawala gayunpaman na isang bagay lamang ang nalaglag.

Sinabi ni Ms. Raghel na nakita niya ang isang babae na ang idad siguro ay bentedos anyos kung kaya't lalong nagsuspetcha sila at maiging pinanood ang buong pangyayari.

Tinanong ang gwardiya na inutusan ni Sr. Vincent tungkol sa dalawang babae, kinewento naman nito na may nagsumbong na dalawang dalagang babae na nagmakaawa at nanghihingi ng tulong.

Ngayon lang nalaman ng gwardiya na nagoyo siya ng dalawang babaeng ito dahil ang akala niya, ito ang dalawang anak ng Director.

"Babae at lalaki ang anak ng Direktor papaanong hindi mo man lang alam ito?" Ani ni Mr Vincent sa gwardiya.

Nanghingi naman ng pasensya ang gwardiya sa Direktor. Ngunit hindi man lang ito binigyan pansin ng direktor. Umay na ito sa mga tatanga-tangang tauhan.

Pinagpatuloy nila ang panonood, nakita sa CCTV na lumabas nalang sa server room ang babaeng nawala kanina.

Hinala ni Mr. Vincent na may kakaibang genes ang babaeng ito. Kung kaya't pinatawag ang dalawang babaeng naabutang walang malay sa palikuran na nasa mabuting kalagayan na ngayon.

Pinaaamin sila sa kanilang ginawa pero hindi nila maalala kung ginawa ba nila ‘to o hindi.

Mariin nilang itinanggi ang paratang ngunit may matibay na ebidensya na sila ang tinuturo.

Dalawa lang ang naisip ni Mr. Vincent para mapatunayan na ang dalawang babae na ito ang silang sangkot sa pagsasabutahe.

Kinuha ang blood sample ng dalawa habang mahigpit ang mga armadong lalaki sa nagbabantay sa kanila. At kinuha ang possible biometric na naiwan sa server room glass door.

Lumabas sa test na hindi nag-match ang handprint at fingerprint biometric na naiwan sa glass door ng server room.

Gayunpaman, hindi nag-positive sa special gene test ang dalawa kung kaya't imposible na sila ang mga ito.

Naglabas sila ng biometric implementation test para makuha kung sino ang maaaring nasa likod ng pangongopya ng personalidad pero bigo sila. Walang nag-match miski mga batang hawak nila ay wala ring nag-positive.

Tinanggal ang dalawang babaeng ito sa serbisyo at binaba ang pwesto bilang maintenance nalang sa institusyon. May maliit na chansa na kasabwat sila na espekula ng awtoridad.

Tinanggi naman ng dalawa ang paratang ngunit wala silang magagawa dahil mga empleyado lamang sila at nakikinabang lamang sa institusyon.

Natigil ang kaso dahil ilang araw na ang lumipas ay wala pa ring balita mula sa kaso. Sa pagdaan ng mga linggo, naging normal na rin sa karamihan ang mamuhay ng ganoon.

Hanggang may pumutok na namang issue dahil nawawala ang isang imbensyon. Ang Lin. C.

Dumating sa punto na may namamatay na dahil sa mga ginagawa ng Direktor na malinis namang napagtatakpan ang pangyayari. Nasasangkot ang maraming estudyante na katulad sa nagdaang kaso, ganoon din.

Nang dahil nga nasa investigator team ang inuutusan ng Direktor, napagtatakpan ang lahat at sinasaayos ang kaso at nasasara ito agad.

Sa kabilang pangyayari, nagtatago pa rin ang apat sa likod ng mapanlinlang na pader. Si Ms. Clarisse, Angel Ann, Dianne, at ang nagngangalang Beatriz.

Umaabot sa pangyayari na kailangan nilang dumaan sa ventilator upang magtago pansamantal

Isa o dalawa lamang ang pwedeng lumabas at gamitin ang mimic device at makakuha at makapuslit ng pagkain tuwing gabi. Tago rin nilang china-charge ang mga mimic device upang magamit muli nila ito sa mga susunod pang hamon sa loob ng institusyon.

Dumating din sa punto na naririnig na nila ang mga bali-balitang may mga namamatay kung kaya't nangangamba na rin sila.

Tumindi ang pangangamba nila kung kaya't lumabas parati upang mag-abang ng balita si Angel Ann. Ginagamit niya ang daan ng ventilator upang doon sumilip-silip.

May isang pangyayaring naabutan si Angel Ann sa kaniyang pagtitiktik. Narinig niya ang boses ni Jwyneth na binaggit ang pangalan ni Zeus kaya sinundan niya ang boses kung saan ito nagmumula.

Nakita niya na may hawak-hawak si Zeus na isang spear habang palapit naman si Jwyneth mula rito. Nangangamba si Angel Ann na baka kung ano ang mangyari kung kaya't bumaba siya with exchanging herself into billions of particle na aakalain ng lahat na alikabok lamang sa hangin.

Napansin naman ni Jwyneth ang paglabas ng parang alikabok na iyon at tinakpan nito ang kaniyang ilong at bibig. Nagpatuloy siya sa paglapit kay Zeus. At sa hindi inaasahang pangyayari, sinunggaban ni Zeus gamit ang sibat at pinangsakal ito kay Jwyneth.

Lumaban si Jwyneth pero hindi nito kakayanin ang lakas ni Zeus.
Nagdadalawang isip si Angel Ann kung pagtatanggol niya o hindi. Hindi n’ya alam ang gagawin dahil isang risk ito kung magkataon. Alam n’yang mamumukhaan siya ni Zeus kung kaya't magiging delikado para sa kaniya at para sa nobyo niya.

Sinakal na ni Zeus si Jwyneth kung kaya't lumapit na ang mga alikabok sa pangyayaring iyon. Magpapakita na sana si Angel Ann sa harapan ng dalawa nang may sumigaw na lalaki na nagmula malayo sa kanila. Tumakbo ito palapit sa pangyayari hanggang sipain si Zeus ni Gil Joseph.

Nagtulog-tulugan lamang si Zeus ng matapos siyang sipain. Tinulungan ng lalaki si Jwyneth at dinala sa medical wards habang naiwan naman si Zeus sa pasilyong iyon.

Matapos ang pamamalagi ni Angel Ann doon ay nasaksihan niya ang pag-iibang anyo ni Zeus, naging
ibang lalaki ito at isinaayos ang sariling kwelyo habang tumatayo.

Pinagpag ang damit at saka ngumisi ng nakaloloko.

"Hindi ka si Zeus." Bulong ni Angel Ann sa hangin. Narinig ito ng lalaki kahit na sobrang hina lamang.

Tumingin ang lalaki sa kawalan. Hindi na niya ito pinansin. Nagulat si Angel Ann. Walang mimic device na ginamit ang lalaki, paano ito
nangyari? Hinala niya na abilidad ito ng lalaking ‘yon. Napahawi ang lalaki sa mga alikabok na iyon na 'di alam kung saan nanggaling.

Pinulot nito ang sibat at saka
nagsimulang maglakad palayo mula roon. Habang sinusundan sa anyong 'yon ni Angel Ann ang lalaki, nakita na lamang niya ang tunay na Zeus na walang malay.

Inilapat ng lalaki ang sibat sa kamay ni Zeus kung kaya't nalaman ni Angel Ann na frame up lang ang nangyayari.

May intensyon na patayin ng lalaking ito si Jwyneth kung kaya't nagpakita na si Angel Ann sa lalaking ito na may galit.

"Stop what you are doing or your rotten body will place into its molten destiny" ani ni Angel Ann.

Alam niyang walang laban ito sa kanya dahil nakapag-iiba siya ng
anyo at hindi siya dehado kung magkasubukan man sila.

"Well. I can assure you that I am already in my molten destiny. Inside this..." pagtukoy nito sa loob ng institusyon.

"You should shut up your mouth or I will..."

"What?" matapang na sa sagot ni Angel Ann. The guy move his ankle.

Basa naman ni Angel Ann ang gagawin nito kung kaya't she dissolve herself in the air habang pinatama sa direksyon n'ya ang sibat gamit ang pagsipa ng lalaki dito.

Tumakbo naman ang lalaki na sinundan naman ni Angel Ann sa pisikal nitong anyo. Tumakbo ang lalaki paakyat ng hagdan.

Sinundan naman niya ito na paiba-iba ng anyo. Nang sa pagakyat na iyon, hindi niya namalayan na nawala na ang lalaking hinahabol niya. Nakita nalang ni Angel Ann na may dalawang tao na naglalakad papunta at paalis sa kaniya.

Sinundan niya ang papalayo sa kaniya na mukhang ito ang mas kahina-hanala.

"Stop your play. Hindi na nakakatuwa."

"Hala ano ginawa ko?" ika ng nag-ibang wangis na lalaki.

"I said stop!"

"Okay...okay..." dahan-dahang tinaas nito ang kamay niya sa ere.

Mabilis kumumpas ang kamay ng lalaki at kinuha ang patalim sa tagiliran niya. Sinaksak niya sa tagiliran si Angel Ann kaya napabitaw ito sa kaniya.

"Your so funny girl, won't you like play games with me." Baliw na saad ng lalaki.

Nanghina si Angel Ann at saka ito agarang nawalan ng malay dahil sa kemikal na meron ang patalim na iyon.

-

PRESENT

Isang buwan ang lumipas at pinag-aralan ni Ms. Clarisse kasama ang dalawang natitirang babae ang dapat gawin. Kailangan nilang iligtas si Angel Ann sa kamay ng awtoridad. Nakibagay sila Ms. Clarisse sa labas upang mabuhay

Nagsilbing mga mata at tenga ni Ms. Clarisse si Beatriz dahil ito ay may enhanced senses, habang si Dianne naman ang magiging exporter o importer kung sakaling magkaroon ng aberya.

Tinanggal ni Dianne ang lahat ng CCTV na nakafocus sa pintuan na papasukin ni Ms. Clarisse. Nakita ng dalawang gwardiya na papalapit sila. Haharangin sila ng mga ito habang hinahanda ang kanilang armas pero naunahan sila ni Ms. Clarisse at Dianne.

Umangat nang hindi napapansin ng mga armadong lalaki ang kahabaan ng sahig kung kaya't napatid ang mga ito. Then Dianne started to manifest her prowess, when she completely teleport those armed men into top of floor.

Gugugol ang mga ito ng ilang minuto upang makatawag ng back up, pero mas sukat nila Ms. Clarisse ang timing kaya hindi sila madedehado.

Ms. Clarisse wrecked the door. Sa loob makikita ang iba't bang instrumento at apparatus sa pag-aaral ng siyensa. Natagpuan naman kaagad ni Ms. Clarisse ang nakahimlay na si Angel Ann na nasa loob ng sealed box glass frames na siguradong hindi makakawala si Angel Ann kung mag-iba ito ng form.

May eksperto na tumitingin sa blood sample ni Angel Ann nag-iba ng formation - from liquid to solid form na mababa ang air resistance kaya tinatangay ng hangin. Pinag-aaralan nila kung bakit at paano nagagawa ng genes na meron s’ya, ang gawin siyang maliliit na mga bagay.

Nawala ang atensyon ng mga eksperto nang pumasok si Ms. Clarisse. Agad naglabasan ang mga iyon na pinahintulutan naman ni Ms. Clarisse na walang nasasaktan.

Intensyon lang nilang sagipin o kunin si Angel Ann, at hindi kasama roon ang manakit ng iba.

Dianne focused her mind to the girl inside the sealed like prison. At sa isang iglap lang nasa labas na ito. It was just easy-peasy saving. Idle back ups. Less security. It was a
sure win.

Lumapit si Ms. Clarisse sa walang malay na katawan ni Angel Ann. Ginigising niya ito.

"Ma'am, we have to go. there were one, no, two, no, four men coming up here" ani ni Beatriz. Hindi malaman ni Ms. Clarisse kung bubuhatin niya si Angel Ann pero ngumisi ang katawan ng babae na napansin kaagad ni Ms. Clarisse.Lumayo ito mula sa sinong babaeng ito.

"Hindi siya si Angel. Nalinlang tayo, " nagulat nalang ang dalawa sa seryosong pagkompirma ni Ms. Clarisse.

Tumayo mula sa pagkakahiga ang babae at saka nagpalit ng kaanyuan. It was not a girl, he was the guy who can copy the physical attributes of anyone by just touching them and retaining to himself those attributes in the time of need and plan.

"Who are you?" Dianne asked.

The guy shortly twists his neck para patunugin lang ito.

"Katagal ninyong magplano, ang tagal ko tuloy namalagi doon sa bwiset na kulungan na iyon."

Ito ang dahilan kaya naghanap ng panibagong back-up asset ang director dahil may gagampanan na malaking role ang usual na asset nito.

"This is the real acting!" asar nito kay Dianne na pinariringgan niya dahil isa ang lalaking ito sa nanood kung paano ni Dianne at Angel Ann linlangin ang gwardiya na pinanood sa recorded video ng CCTV.

"Kung ako man ang tinutukoy mo, nevermind nalang. Hindi ako pumapatol sa cheap at low class na artist kagaya mo. Maduga may ability na ginamit!" pamimikon nito sa lalaki.

"Ilang dose ba na lason ang kaya ng katawan mo 'til it reach its REAL death" banat ng lalaki.

"Anong Real ka dyan? Nashunga ka yata simula ng ipasok mo sarili mo doon sa kulungan na iyon. Na-suffocate masyado utak mo kahit built-in naman oxygen tank sa loob..." pumamewang pa si Dianne na kayang-kayang makipag-trash-talk-an. "Hello duh sa ating dalawa, mas mukha akong Real. Baka nga yang pagmumukha mo, may mas ipapangit pa na dapat lang i-SEAL." Halimaw sa asaran si Dianne kung kayat napika na ang lalaki.

The guy attacked the girl who's picking a word fight with him, pero hindi hinayaan ni Ms. Clarisse ang lalaki. She manipulates the floor and formed a barrier between them with that guy.

"Shit...wala namang ganyanan." Batid nito dahil dehado siya sa dami nila at kakayanan niya. Ms Clarisse move the rock barrier papunta sa direksyon ng lalaki.

Napahawak nalang ito sa barrier na iyon dahil inaararo na siya nito. She is sandwiching that guy on that rock.

"Where is Angel Ann?" matinong tanong ni Ms Clarisse.

"I don't totally know, I'm just copying her." Ani nito na napakasarkastiko pa rin ng pananalita. Nakangiti kahit nahihirapan na. Tumatawa ng walang dahilan.

"Is pain still not enough to spill that, or I will make your blood spill out?" sinasabi lang ni Ms. Clarisse ito dahil nauubusan na sila ng oras. Alam niyang imposibleng sabihin ng lalaki ang kaniyang nalalaman kung kaya’t may isang tanong nalang na pumasok sa isip niya.

"Then, who is your master?"

"Master? Massssterrr? Yeah Master. Here he is. Master"

Ang buong atensyon ng lahat ay nakatoon lamang sa baliw at dehadong lalaking iyon. Mula sa likuran pumutok ang baril at tinamaan ng balang iyon si Ms. Clarisse.

It was an electric bullet whoever get shot would shaken and paralyzed.

Nakita ni Ms. Clarisse ang itsura ng bumaril sa kaniya at napasambit ng, "Mr. Lawrence" na siyang Director ng institusyon. Ang taong nasa likod ng pag-set-up at death threat kay Ms. Clarisse at kay Mr. Marcuz niya.

Bumigay ang barrier na gawa sa lupa na umiipit sa asset ng Director. Agad nasinenyasan ni Director Lawrence ang asset nitong nangongopya ng mukha na magpalit ng mukha upang hindi na mamukhaan pa.

May isa pang asset ang director na siyang bagong recruited na
nagngangalang Mark dahil isa ito sa magagaling na shooter at bihasa sa mga armas.

Kakikitaan ng kakaibang abilidad at kapansin-pansin na wala na ang wrist device nito na pumipigil sa abilidad ng isang estudyanteng naturukan ng kakaibang genes.

Hindi nagkamali ang pagtingin ni Beatriz at Dianne, dalawa ang magkamukha. Ang tunay na Mark at isang clone ni Mark.

Bumaril ang isa at tinamaan naman ng balang iyon si Beatriz. Nagulantang ang buong pagkatao ni Dianne kung kaya't ipinokus niya ang atensyon sa mga hawak na armas na agad namang naglaho sa dalawa.

Lumabas sa kabilang gilid ang isang clone ni Mark na may armas at ‘di napansin ni Dianne ang armas nito.

Naalala ni Dianne ang ani kanina ni Beatriz, "there were four of them." Tumama nalang ang bala sa kanya na naging sanhi ng kaniyang pagkangisay, pagbagsak sa sahig at pagkawalan ng malay.

Nawala na ang dalawang clone ni Mark na mabilis nag-disintegrate sa hangin matapos ang pangyayaring iyon.

Lumapit si Mark sa estranghero  at tinanggal ang maskara na meron ito. "Ms Clarisse," ani nito sa mahinang boses.

Hindi mawari sa isip ni Mark kung ano ang nangyari kung bakit naroon sa gulong iyon si Ms. Clarisse na siyang kasintahan ng kaniyang Kuya Marcuz.

FLASHBACK

Tumakas ng araw na iyon sa klase si Mark. Clone lang ang naiwan sa loob ng klase habang tulog ito pagkat unstable pa o 'di pa gaanong kontrolado ni Mark ang kahit isang clone.

Napadpad si Mark sa isang pagpupulong na iyon sa faculty at kasalukuyang naroon si Ms.
Clarisse.

Sa kahiwalay na eksena, pumasok ang Kuya Marcuz niya mula sa pintuan habang nagtatago si Mark.

Narinig niya ang lahat at naintindihan ang siyang pinag-uusapan ng argumento sa meeting na ito.

Sa oras na 'di inaasahan, may umalingawngaw na putok ng baril at tumama iyon sa kuya niya.

Agad niyang tinunton kung saan nanggaling ang bala, nakita niya ang gunman, pero nakatalikod ito.

Kasabay ang pangyayaring iyon, umalingawngaw din ang sirena ng protocol.

Humanap siya ng maaaring ipangbato sa gunman, kaya nakita nito ang isang shelf at kumuha ng libro dito at ibinato sa gunman. Nabitawan ng gunman ang baril saka ito tumakbo upang makalabas. Tinunton nito ang isang elevator kasama ng mga nagkukumahog na mga personel sa loob.

Agad itong nawala sa paningin ni Mark dahil nakapagpalit na ito ng mukha, at humalo sa dami ng taong balisa; dulot ng alarma at iba pang mga nangyari.

END OF FLASHBACK

-

Nagkakaroon na si Mark ng suspetya na kailangan niyang isantabi muna. Hindi niya kailanman pwedeng sabihin na may koneksyon siya kay Ms. Clarisse. Kailangan magkaroon rin siya ng pagkakataong makausap si Ms. Clarisse nang sa gayon magkaroon siya ng ideya kung bakit pinahuli ng Direktor si Ms. Clarisse at ang dalawang babae na kasama nito.

Narinig nalang ni Mark sa usapan ng Direktor at mga gwardiya nito na dadalhin sa Lab si Ms. Clarisse upang pag aralan ang abilidad nito kasama ang dalawang babae na siyang dadalhin rin sa floor sa ibaba upang makasalamuha at gawing trainee ang mga ito.

"Permission to leave Director My duty is done." Tinignan ng Direktor ang kaniyang relo. Pinayagan na si Mark umalis at magpahinga dahil tapos na ang nakaatang na misyon sa araw na ito.

Ngunit hindi pa natatapos ang magiging misyon niya, marami pa siyang dapat alamin sa likod ng nagbabalat kayong Direktor na ito.

-

Bumalik na sa kanilang palapag si Mark at pauwi na sa kaniyang unit. Kumatok muna ito at saka pinihit ang door knob. Natuwa naman siya dahil bukas ang pintuan. Naiwan kasi nito ang susi dahil nawala ito sa kaniyang isip. Tanging nasa isip lang niya ng umagang gumising siya ang makiusap at humingi ng tawad sa nagawa niyang pagtatago kay Angelo ng katotohanan.

Nang makapasok siya ay naabutan niyang nakahandusay sa sahig si Angelo. Wasted.

Agad siyang lumapit dito na lubos ang pag-aalala. Naamoy niya na amoy alak ito kung kaya't alam na niya kung bakit nakahandusay lang ito dito. Napangiti lang ito sa kaniyang sarili ng tignan niya ang kawawang mukha ng kaniyang roommate.

Ginising niya ito kaya naalimpungatan si Angelo. May tinukoy ito pero hindi naintindihan ni Mark.

"an.domn. yun oh. da.mit natin. in..der ng kayb.igan ko."

Tumatawa lang si Mark sa mabagal na pagsasalita ni Angelo. Kinuha ni Mark ang box na tinutukoy ni Angelo. Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang Pajama hoodie na siyang order ng magkaibigang Angelo at Marthia.

Inakay ni Mark papuntang banyo upang linisan niya si Angelo. Hinilamusan niya ito gamit ang bimpo na nilublob sa maligamgam na tubig na may sabon.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? ‘Di ko alam langgero ka rin pala" ani ni Mark kay Angelo na 'di maimulat ng maayos ang mata.

"Ikaw, may...kasa.Kasalan.an nito. Hin.Hindi mo sinabi sa kin..Sa Akin na girlfriend mo.pala siya.”

"Ohh mahulog ka...sumandal ka nga sa pader." Pag aalala ni Mark. Sabog at wala sa sarili ang lalaking nasa harapan niya. Napatawa naman si Mark dahil sa sinasabi ni Angelo. Pagkakaalam niya wala siyang girlfriend how comes na magkakaroon?

"Saan mo ba napulot yang chismis na iyan? Chaka sino?"

"Yung Kaibi.Kaibigan ko..." Umiyak si Angelo na iyak batang mumunti dahil naalala nito ang araw na binusted siya ng unang babaeng pinaglakasan niya ng loob.

"Ang sa...kit Mark. Ang sakit pala ma-busted." Tinuro pa ni Angelo ang puso niya para lang maipakita na deserve nitong makalimot.

"Naku itigil mo na yang kadramahan mo. Nagmumukha ka lang..." 'di naituloy nitong  banggit sa pagsingit kaagad ng salita ni Angelo.

"Tanga? Ta....ghaaal na... "

"Hinde...Cute" nakangiting sambit ni Mark.

"Gaaaaago." tumawa si Angelo na mahina na pwede na para marinig.

Pailing namang tumawa si Mark sa banat niyang iyon.

Tinanggal ni Mark ang pang-itaas ni Angelo at pinunasan niya ng bimpong basa ang katawan na iyon. Ginawa niya rin ito upang lumabas ang mainit na singaw ng katawan ni Angelo. Hindi na kakayanin ni Angelo na mag-shower mag-isa baka
madisgrasya pa ito.

Ganundin at tinanggal niya ang pants ni Gelo at boxer short ang itinira. Lumabas siya ng banyo at dumeretcho sa harap ng kanilang cabinet. Wala na siyang makitang pwedeng isuot sa gabi dahil mga uniporm na ito kaya naisipan niyang kunin ang Pajama Hoodie.

May pangalan na naka embroid sa dalawang pajama. Ang isa ay kay Gelo, ang isa kay Mark. Natuwa naman si Mark dahil ang akala niya si Angelo ang umorder para ibigay sa kaniya.

Binihisan niya si Gelo ng pajama na ito at saka siya naman ang nagtanggal ng pangitaas at pang ibaba. Nagshower muna ito at saka naisipang mag-boxer short nalang
at isuot ang pajama hoddie dahil sa ayaw nga nito ng maraming sinusuot.

Hindi naman amoy bagong gawa ang tela dahil maaamoy ang fabric conditioner mula rito. Mukhang working points o perks ang ginamit dito kung kaya't ganito ka ganda
ang kalidad ng panjamang ito at na-laundry na rin siguro.

Nang matapos isuot ang sarili nitong pajama ay inayos ni Mark ang higa ni Gelo.

"Ano bang meron ka kung bakit ako nagkagusto sa iyo?" Napatawa ito sa kaniyang sarili habang tinititigan lamang niya ang mukha ni Angelo na tulog na tulog.

Lalo pa siyang natuwa dahil sa figure ng hoodie. "Bakit naisipan mong bumili ng ganito? cute ka na, dinagdagan mo pa." Alam niyang nagmumukha na siyang tanga dahil sa sinasabi niya dahil kinakausap niya ang taong walang kamuwang-muwang.

"Magiging sapat na kaya ako para manumbalik ang pagiging masayahin mo?"

Kumawala ang malalim na paghinga mula sa kaniya. He stand there and starts to walk from him, then an answer from Angelo caught his attention.

"Teddy Bear?" Hinawakan ni Angelo ang papalayong kamay ni Mark. He must be hallucinating na teddy bear ang nasa harapan niya.

Kaya hinila siya nito papunta sa
kaniyang kama.

"Putagaris." Napasambot nalang ng mukha si Mark sa inasal ni Angelo.

"Your a horrible cute drinker and bear addict". Nagmukhang white bear sa paningin ni Gelo si Mark.

Mark slowly send his left arm to the back of his head, and the right one, hand gently sway the hair follicles of Angelo on its forehead.

Mukhang hindi na siya pakakawalan nito dahil akap na akap si Angelo kay Mark.

Nakatulog si Mark sa posisyon nilang iyon. Naging komportable rin naman ang kaniyang pakiramdam because of the warm they have sharing to each other with the cold inside their unit.

Continue Reading

You'll Also Like

328K 22.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
82.9K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
2.6K 220 50
[COMPILATIONS] This book contains mature contents that aren't suitable for minors and immature haters. If you don't like just leave this book alone...