Casquiera Series #1:Sands Of...

Von POIXONEDAIXY

28.2K 3.5K 190

Jo Marien Bartolome a CSU stewardess student met Mr. Captain-so-full-of-himself in a one in a million inciden... Mehr

Sands Of Time
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Poixonedaixy
Announcement

Chapter 20

448 75 8
Von POIXONEDAIXY

Marien

"Dinuguan, eh ikaw?" sagot ko sa tanong niya habang nakatutok pa rin sa pags-slice ng radish sa gilid ng lababo. Nakatalikod ako sa kaniya dahil nasa island counter siya at nakaupo sa stool habang pinapanood akong nagluluto

"Anything that doesn't have carrots" narinig ko siyang napatawa ng mahina kaya napalingon ako sa kaniya at napangisi rin

"Ayaw na ayaw mo talaga sa carrots no?" Tanong ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Umalis ako saglit at lumapit sa stove para tignan ang linuluto kong ulam namin para mamaya, nang makitang malapit na iyong maluto ay pinahinaan ko ng konti ang apoy at bumalik sa ginagawa ko kanina

Nasa bahay ako ngayon nila, wala kasi si tita Adele kaya inaya niya akong samahan muna siya dito, wala rin naman akong magawa sa bahay kaya agad akong pumayag at pumunta rito. Ngayon lang din kami nagkita ulit kasi pagkatapos ng araw ng pasko, umalis sila at pumunta ng probinsya para doon magcelebrate ng bagong taon kasama ang iba niyang kapamilya sa side ni tita Adele. Noong isang araw lang sila umuwi, pagkatapos ng araw ng bagong taon

"I hate the taste and.. it's looks" Bahid sa tono ng kaniyang boses ang pandidiri kaya napangisi ulit ako. Hinalo ko ang kamatis, bombay at radish pagkatapos ko itong ilagay lahat sa bowl, pagkatapos ay linagyan ko ng konting asin at dalawang kutsarang suka, hinalo ko ulit ito at nang matikman ay tinakpan ko ito ng pinggan at inilagay sa island counter sa harap ni Archi. Ngumisi ako sa kaniya nang mahagip siya ng aking paningin

"Malapit na 'tong matapos, konting hintay nalang kakain na tayo" Tinapunan ko siya ng tingin at ngiti

"Nagugutom na ako, Ri" Bahid sa kaniyang boses ang pananabik. Nang bumaling ako sa kaniya ay nakapatong na ang kaniyang ulo sa island counter at ang mukha niya ay nakaharap sa bintana. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako kaya umangat siya ng tingin sa akin kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo

"Tikman mo nga" Sabi ko. Lumiwanag naman kaagad ang kaniyang mukha at nagmamadaling umalis sa kinauupan na parang bata. Kinuha niya ang kutsara mula sa kamay ko nang makalapit at agad tinikman ang linuto ko. Nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakatayo sa likod ko, tuluyan akong humarap sa kaniya nang tumingin siya sa akin at lumawak ang kaniyang ngiti

"Pwede na.." Aniya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Pwede na sa ano?" Tanong ko

"Pwede na mag asawa" Nakangisi niyang sabi. Tinampal ko naman ang kaniyang braso sabay tulak sa kaniya papalayo sa akin, ito talaga kung ano-ano sinasabi. Umalis naman kaagad siya habang nakangisi parin at sinimulang ihanda ang mga plato at baso sa mesa

Nang tuluyan nang maluto ay pinatay ko kaagad ang apoy, kumuha ako ng pot holder at binuhat ito at pinatong sa kahoy na pabilog para hindi umitim ang mesa, nasa mesa na rin ang rice cooker kaya umupo kaagad ako at ganun din siya. Pagkaupong-pagkaupo ko ay napatingin ako kaagad sa kaniya nang lagyan niya ng kanin ang aking plato, napangiti naman ako sa ginawa niya at pinanood lang siya hanggang sa lagyan niya ng ulam ang aking plato

"Kain ka na" Nakangiti niyang sabi bago kumuha ng sarili niyang kanin at ulam. Ilang sandali ko siyang pinanood bago sumubo.

Alam kong kanina pa siya nagugutom pero inuna pa talaga niya ako, na ikinagulat ko naman. Hindi ako sanay sa mga ginagawa niya sakin ngayon, una iyong mga sweet gestures niya, palagi niya akong nginingitian, palagi ko rin siyang nahuhuling nakatingin saakin at yung hindi ko talaga makakalimutan yung mga pag halik niya sa noo ko! Minsan napapaisip ako kung nagpapakita ba siya ng motibo o ganiyan lang talaga siya. Ganiyan din kaya siya sa mga kaibigan niyang babae? Nasaktan ako sa isiping iyon,pero mukhang wala naman siyang mga kaibigang babae, hindi ko alam wala naman siyang pinapakilalang mga kaibigan niya sa akin. Baka 'KA-IBIGANG' babae..

"Yes?" Tanong niya kapagkuwan nang mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya. Binaba ko ang aking kutsara sabay taas ng dalawang kilay

"Ha?" Kunot noo akong napatanong sa kaniya

"Nakatingin ka sakin, so I assumed that you wanna say something" Kibit balikat niyang sabi, mas lalong nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka. Natulala na

"Tss anong iniisip mo? Hmm?" Malambing niyang tanong at ibinaba ang kutsara't tinidor, interesadong makinig sa isasagot ko

"Ha? Wala wala!" Pagtatanggi ko. Napayuko ako ng konti nang maalala ang mga iniisip ko kanina. Kung pwede lang sasagutin ko talaga siya na dahil sa kaniya palagi akong natutula at napapaisip sa nararamdaman ko at sa mga pinapakita niyang motibo

"Come on, do you have a problem? You can share it to me, I'm all ears"..

"Girl hindi ko masasagot yan siya lang talaga, try mo siyang tanongin pero kunwari may kaibigan kang nahihirapang mag confess ganun! tapos tanongin mo siya kung ano ang magiging reaksiyon niya kung kunwari sa kaniya magco-confess yung 'friend' mo. Epektib sis di ka pa mabubulilyaso" 

Biglang pumasok sa isip ko ang payo ni Emay noong isang araw. Gulong-gulo na ako 'non kaya hindi ko naiwasang ilabas sa kaniya ang lahat ng mga nangyari at ang nararamdaman ko, mabuti at nasa mood siyang mag seryoso 'non kaya naging maayos naman ang mga payo niya sa akin at ang mga susundin ko raw kuno, para hindi na raw ako maguguluhan sa mga nararamdaman ko. Oo, gusto ko siya alam ko iyon, pero paano kung hinahangaan ko lang pala siya? Paano kung gusto ko lang pala siya kasi malapit siya sa ideal man ko?

"Yung kaibigan ko kasi—"

"At sino na naman yan?" Agaran niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi, nagdadalawang isip kung sasabihin ko pa ba

"B-basta kilala mo siya" sagot ko

"And? okay this sounds interesting, what's the tea sis" Aniya at tumawa ng mahina

"Uhm.. uh.. ano" anong mararamdaman mo kung sasabihin kong gusto kita! Gusto kong sabihin pero alam kong hindi muna pwede. I-interview-hin muna kita, para mahanda ko naman ang sarili ko

"Uh.. yung kaibigan ko kasi, uh.. matagal na siyang may gusto sa crush niya feeling niya kasi nagpapakita ng motibo sa kaniya kaya gusto niya sanang magconfess pero natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Bilang uh.. lalaki, anong mararamdaman mo kapag may nag c-confess sa'yo?" Pa-interview kong tanong. Napainom kaagad ako sa aking tubig dahil sa kaba na nararamdaman. Pwede pa bang bawiin yung mga sinabi ko? Ano ba yan! Parang gusto ko nalang na kunin ako ng aliens dito o di kaya lamunin nalang ng lupa. Nakakahiya! Para naman akong desperada sa tanong ko, baka mamaya mahalata pa niya ako

"Oh, I'll be suprised of course. I'll accept her confession at gagalangin ko pa rin siya bilang babae at bilang kaibigan, Ri" Simple niyang sagot. Maingat siya sa bawat salitang binitawan niya

"Paano kung.. paano kung gusto mo r-rin siya?" Nauutal kong tanong. Agad namang kumunot ang kaniyang noo, bahagya siyang napainom sa tubig niya at napatingin sa ibang dereksiyon

"Hmm,what if I like her too? I'll be more than happy when I'll found out that she likes me too" Nakangisi niyang sabi habang nakatingin ng deretso sa akin ang mga mapupungay niyang mga mata, hindi niya inalis ang kaniyang paningin pati sa pagsubo niya. Umiwas ako ng tingin at tumango bago binilisan ang pag kain, nararamdaman kong nakatingin na siya ng matiim sa akin nagtataka siguro kung bakit ang bilis kong kumain pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa pag kain. Hindi ko na kaya ang mga titig niya, konti nalang at matutunaw na ako rito kailangan kong suminghap ng sariwang hangin

"Sige uhm.. sasabihin ko yan sa kaibigan ko" Pagsisinunggaling ko. Umalis ako sa kinauupuan dala ang pinagkainan ko at dumeretso sa lababo, umiiwas sa tingin niyang nakakatunaw

"Okay? Anyway who's that friend of yours Ri, you sure that I know her? I'm sure it's not Yohan's bae, Emay" Napatigil ako sa paghuhugas ng maramdaman kong lumalapit ang presensya niya, mas lalo ring lumalakas ang boses niya pero hindi ako nagpatinag at mabilis na pinagtuloy ang ginawa

"A-ah kaibigan ko sa CSC" Nakokonsensiya na ako, ito na ang ikalawang beses na nagsinunggaling ako sa kaniya ayaw pa naman niya ng mga sinunggaling

"Ahh. What's her name?" Tanong niya kapagkuwan ng makalapit. Lumayo ako ng konti ng maramdaman ang braso niya na dumikit sa siko ko

"Sorry mahiyain kasi siya" sorry mahiyain ako, wala pa akong lakas loob na sabihin sayo. So tama na please kakatanong sa akin at kakatingin sa akin.

"Ako na nito doon ka muna sa veranda, Okay? Susunod ako" Sabi niya at inagaw ang sponge sa akin, tumango lang ako at agad na umalis iniwan siya roon

Tumungo ako sa ikalawang palapag ng kanilang bahay pagkapasok ko sa veranda ay umupo kaagad ako sa round sofa sabay tingin sa palagid, ito ang ikalawang beses na pumunta ako rito kesyo lang gabi iyong una kaya mas nakamamanghang tignan ang mga indoor plants dahil kitang kita ang mga kulay at tekstura nito dahil sa sikat sa araw

To: Emay

Nagawa ko na Ems, pero kinakabahan pa ako

12:54 pm

Binaba ko ang aking phone at tumingin sa sahig hinihintay ang reply niya. Ilang sandali lang akong naghintay hanggang sa umilaw ang aking cellphone

Emay:

You go girl! Ipagpatuloy mo lang yans, proceed to payo numbah two—road to kasagutan. Hwehwhe

12:57 pm

Napakagat ako sa aking labi dahil sa sinabi niya, kaya mo yan sabi ng isang bahagi ng aking isip pero parang mas nabawasan lang ang lakas loob ko

To: Emay

Kaya ko kaya Ems?

12:57 pm

Tanong ko sa kaniya. Napailing ako ng maisip ang mga pinagsasabi niya sa akin at ang mga susundin ko kunong listahan

Emay:

Naman! ikaw pa ba! Yung matalino ka na't lahat lahat pero ang tanga tanga mo naman sa crush mo haha. Confirmed bobo ka talaga ✊🏻😭

12:58 pm

Napailing ako sa sinabi niya. Hindi na ako nag reply pa at ibinalik ko nalang sa bulsa ng shorts ko ang aking phone, baka kung ano ano na naman ang mga sasabihin ng bruhildang iyon

"Ice cream?"

Napatingin ako sa kaniya pababa sa kamay niyang may hawak na isang baso ng ice cream. Tinignan ko muna iyon bago ngumiti ng matamis sa kaniya at tinanggap iyon ng buong puso. Napatingin ako sa baso niya ng mapansing strawberry ang laman nito at cookies and cream ang akin, favorite ko ang cookies and cream pero hindi ko naman sinabi iyon sa kaniya

"Sabi ni Emay paborito mo raw ang cnc. Do you like it?" Aniya sabay upo sa tabi ko.

Sumubo ako ng ice cream at tinikman ito, lumaki ang mga mata ko ng malasahan kong iba ito sa mga ice cream na kinakain ko, mas masarap ito kumpara sa ibang cookies and cream, lasang mamahalin

"Ang sarap naman nito, saan mo 'to nabili?" Tanong ko hababg nakatingala ng konti sa kaniya dahil nakadausdos ako sa kinauupuan ko

"Mom made it, it's the secret recipe of the family" Nakangiting aniya sabay kindat sa akin. Mas lalong lumaki ang aking mha mata dahil sa pagkamangha at pagkagulat

"Talaga?!" Napaupo ako ng maayos.

"Yep" Simpleng sagot niya. Bumaling ang aking tingin sa basong hawak ko na nakapatong malapit sa aking puson. Gawa pala ito ni tita Adele, siguro kung nandito lang si mama matagal na sila naging matalik na magkaibigan

"Marunong ka bang gumawa nito?" Tanong ko kapagkuwan

"Nah, hindi pwede ang lalaki na matuto nito sa pamilya namin" Sagot niya. Kumunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya

"Bakit naman?" Tanong ko

"Eh kasi dapat mga babae lang ang pwedeng matuto 'non samin" Aniya. Sumubo muna ako bago binaba ang aking baso sa katapat na lamesa

"Eh paano yan, wala kang babaeng kapatid, hindi naman pwede iyong kapatid mo sa tatay dahil hindi naman siya kadugo ni tita Adele, diba?" Pagtataka ko. Linapag niya rin ang kaniyang baso bago umupo ng patagilid, paharap sa akin

"Pwede namang matuto ang asawa ng lalaki kung sakaling wala silang kapatid na babae, mas mabuti kapag lalaki lahat ng magiging anak nito para maipasa pa rin niya ang apilyedo ng pamilya Lacsamana" Seryoso ang kaniyang mga mata habang nagpapaliwanag. Ang Lacsamana ay middle name niya at apilyedo ni tita Adele hanggang ngayon, wala naman siyang asawa kaya Lacsamana pa rin ang kaniyang apilyedo

"Goodluck sa magiging asawa mo" Tumawa ako ng mahina sabay abot sa baso ko at kumain ng ice cream.

"Goodluck sayo"

"Ha?" Tanong ko ng marinig kong may sinabi siya. Ngumisi lang siya at umiling sabay tingin sa ibang dereksiyon. Hindi ko nalang pinansin iyon kaya inubos ko nalang ang kinakain

Pagkatapos kong kumain ay dinukot ko kaagad ang aking cellphone sa aking bulsa, kakamustahin ko lang si Aki gayong busy iyon at ilang araw na rin simula noong huli naming pagkikita

Nasa kalagitnaan na ako ng pakikipagusap ng mapansin na may nakatingin sa akin, dahan-dahan akong bumaling sa kaniya at tinaasan siya ng dalawang kilay

"Hm?" Tanong ko habang nakataas pa rin ang dalawa kong kilay

"You got something.." Turo niya sa mukha ko. Kinapkap ko ang aking bulsa naghahanap ng panyo.

Pero bago pa ako makapagsalita ay napatingin ako sa kamay niyang hinawakan ang aking mukha, naramdaman ko ang hinlalaki niya na humaplos sa gilid ng aking labi. Dahan dahan niyang hinaplos ang gilid na parte na iyon ng aking labi, mapupungay ang kaniyang mata ng tignan ko siya ng deretso. Onti onti siyang lumapit sa akin at inukupa sa kaniyang kamay ang aking pisngi, dahan dahan na umangat ang kamay ko para hawakan ang palapulsuhan niya pinipigilan siya sa anumang gagawin niya

"A-anong.."

Napatigil ako sa pagsasalita ng pumunta sa batok ko ang kaniyang kamay at onti onti akong hinila palapit sa kaniya, nakatingin pa rin ako ng deretso sa kaniyang mga mata habang siya naman ay nakatingin sa baba, sa aking labi. Ilang dangkal nalang ay magtatagpo na ang aming mga labi at tuluyan na niya akong mahahalikan, gusto ko siyang itulak pero parang may pumipigil sa akin.. hindi ko siya kayang itulak

Napapikit ako ng mariin nang tumagilid ang kaniyang ulo, kumuyom ang isa kong kamao habang napakapit naman ng maayos ang nakahawak kong kamay sa kaniyang palapulsuhan. Naramdaman kong tumama ang hininga niyang amoy strawberry sa bandang ilong ko na mas lalong nagpapakaba sa akin, napatigil ako sa paghinga

Hindi ko 'to inaaasahan! Bakit ngayon pa hindi pa ako nakapaghanda, baka mabaho yung hininga ko!

Pero bago pa niya tuluyang masakop ang aking mga labi, pareha kaming napamulat ng makarinig kami ng boses mula sa labas

"Hello?! Somebody here?" Boses ng babae

"Uh shit" Inis niyang sabi. Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya, wala na ang hiya sa aking katawan dahil sa narinig. Napalitan ng inis ang aking nararamdaman

"Labas ka muna, may naghahanap yata sayo" Walang buhay na sabi ko, akma akong tatayo ng hinawakan niya ang kamay ko

"I'll be back in a bit, Ri" Paalam niya at mabilis akong hinalikan sa labi bago tumalikod at mabilis na umalis ng walang lingon lingon

Hinalikan niya ako..

:>
Poixonedaixy

Hi guyssueee! Sorry ngayon lang ako nakapag-ud, sorry talaga ♥ Huhu keep reading! Lavlotsss y'all! Happy Sunday!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

152K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
295K 20.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...