Played by Fate (Game of Love...

Door JeraldineTanL

29K 572 47

Game of Love side story: Played by Fate LOVE is not in our choice but a matter of FATE. "Fate will bring you... Meer

Played by Fate
Chapter 1: Reunion
Chapter 2: Torn
Chapter 3: Anniversary Date
Chapter 4: Family
Chapter 6: Time and Space
Chapter 7: Piggyback Ride
Chapter 8: Romantic Island
Chapter 9: Parents
Chapter 10: Courage
Chapter 11: Closure
Epilogue

Chapter 5: Consequences

1.1K 30 0
Door JeraldineTanL

Chapter 5: Consequences

NAGISING NA LANG si Mika dahil sa ingay mula sa pintuan ng kwarto niya. Asar na asar siya dahil bukod sa hangover mula sa dami ng ininom niya kinagabihan ay kulang pa siya sa tulog. Napahawak siya sa ulo niya at dahan dahan na umupo at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto niya at nang buksan iyon ay bumungad sa kanya ang substitute na manager niya habang wala pa si Marc para gawin ang trabaho nito.

“What is going on with you, Mika? Bakit ganyan ang itsura mo?!”

“Can you stop nagging?! Ang aga aga pa para dyan!” bwisit na bwisit na sinabi niya habang naglalakad pabalik sa kama niya at muling humiga at ipinikit ang mata. Gusto niya pa talagang matulog kahit ilang minuto lang.

Hinila siya nito pabalik para umupo sa kama. Nanatili lang siyang nakapikit.

“Do you know na na-miss mo ang isa sa schedule mo?! Kanina ka pa namin hinihintay at kinakatok pero hindi ka nagigising! You even smell alcohol! Ano ba ang gusto mo gawin sa buhay mo, ha?! Gusto mo talagang mapariwara at sayangin ang ilang taon mong pinaghirapan?!”

Tuluyan nang nabwisit si Mika kaya tumayo na siya.

“Wala kang pakialam sa buhay ko! Manager lang kita. No, let me rephrase that. Ikaw lang ang acting manager ko ngayon so don’t tell me what I should or shouldn’t do. Hindi ako aso na susunod lang sa lahat ng gusto mo!”

Hindi na napigilan ni Mika ang sarili. Gustong gusto niya na napapagalitan siya ng parents niya dahil kahit papano ay napapansin siya nito pero ayaw niya na pinapagalitan ng ibang tao.

“Do you even know what is happening to you? Ilang projects na ang tinurn down mo dahil sabi mo, you need to rest. Ilang projects na din ang hindi mo sinipot at kung pupuntahan mo man, late ka pa. What is happening to you, Mika? Look at you! Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon?”

Hinila siya ng manager papunta sa harap ng salamin. Gulo gulo ang buhok niya, bloated ang mukha at namumugto ang mga mata niya. Dahil iyon sa pag-uwi niya kagabi ay umiyak siya ng umiyak hanggang sa nakatulog siya at kumain pa siya ng kumain.

“Anong mali sa itsura ko?”

“May photoshoot ka mamayang gabi. Pupunta ka doon ng ganyan?”

“Why? Who told you na pupunta ako do’n? Cancel all my schedules today and have them re-scheduled. Kung ayaw nila, edi kumuha sila ng iba,” walang gana niyang sinabi.

“May problema ka ba? Palagi ka na lang ganyan. Ang sabi sa’kin ni Marc, hindi ka ganyan noon! All you are doing is work and you were never late sa schedules mo. Bakit simula ng nawala si Marc, ganyan ka na?”

“Edi pabalikin mo si Marc. Baka sakaling bumalik din ako sa dati. Do you know he treats me? Akala ko nakakasakal na si Marc noon but you are worse! Hindi niya ako pinapagalitan and he tries to understand me at binibigay niya ang gusto at kailangan ko pero ikaw? Oo, may problema ako ngayon. Bawal na ba ko dumaan sa ganon?! You know, what? You better leave! Gawin mo na lang ang sinabi ko at ‘wag ka na magpakita pa sa’kin. Get lost! I’m not going back to work hanggang hindi si Marc ang kasama ko, do you understand?” matigas na ulo na sinabi niya.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng manager niya at pumasok na lang siya sa CR sa kwarto niya at naghilamos. Tiningnan niyang muli ang sarili sa salamin at hindi niya nagustuhan ang nakita. What the hell? Mukha akong squid.

“What am I gonna do with this face now?”

Ginawa niya na ang kailangang gawin sa sarili at lumabas sa CR. Paglabas niya, hindi niya nagustuhan na nandoon pa din ang manager niya.

“You’re not leaving? Do I have to drag you out my house?”

“Alam ko na walang problema sa paghahandle ko sa’yo, Mika. Alam mo kung sino ang may problema dito? Ikaw. Kung may problema kayo ni Marc, sana hindi mo na ako dinamay pati ang trabaho mo. I’m sorry if you feel like sinasakal kita. I am only doing that dahil naging pasaway ka. You should also reflect sa ginawa mo and you realize I’m right. I’m going to ask Marc to do what you wanted me to do. Ipapasa ko na sa kanya ang dapat na trabaho niya. Good bye, Mika.”

Hindi na siya sumagot pa at hinintay na lang ito na umalis. Matapos no’n ay nilock niya ng muli ang kwarto at muling humiga. Alam niya naman sa sarili niya na may point din ito. Totoo nga naman na naging pasaway siya. Gusto niya kasi na bumalik na si Marc sa paghahandle sa kanya. Sinasadya niya na tumanggap ng trabaho at tatawagan ang mga ito para sabihin na nagbago ang schedule niya kaya hindi na siya makakapunta o kaya naman may sakit siya at kung ano ano pa na alibis. Pinipili niya lang ang pinapasukan na trabaho. Talagang may pinagdadaanan lang siya kaya siya nagkakaganon.

Hindi nagtagal at nakatanggap siya ng text mula kay KL na hindi niya inaasahan. Ngayon lang siya nito kinontact kahit na matagal na silang may number ng isa’t isa.

Mika, can we meet? Gusto lang sana kitang maka-usap tungkol kay Marc ASAP. Just give me the place and time na available ka.

Agad siyang nagreply sa text nito and she agreed to meet her that day din dahil wala naman siyang gagawin. Una, wala siya sa mood para magtrabaho. Pangalawa, hindi siya magtatrabaho na wala sa tabi niya si Marc lalo na’t wala na siyang manager sa ngayon. Hindi na rin naman siya umaasa pa na babalik ito kaagad matapos ng nangyari sa kanila.

Ang usapan nila ni KL ay magkikita sa isang coffee shop sa isang mall na hindi kalayuan sa tinitirhan niya. She’s losing patience now that she’s been waiting there for over thirty minutes. Ayaw niya pa naman na naghihintay lalo na at ito naman ang may kailangan sa kanya.

Just then, natanaw niya ito sa labas ng coffee shop kasama si Spencer at parang nagpapaalam ito. Nakita niya pa ito na humalik sa pisngi ng boyfriend bago tuluyang pumasok sa coffee shop at umupo sa tabi ni Mika.

“Sorry, I’m late,” sabi nito pagkaupo.

“Don’t state the obvious. Mukha namang late ka dahil nakipagdate ka pa sa boyfriend mo, eh. Seems like you’re still going strong,”

“Actually, super traffic lang talaga. I said sorry na, ‘di ba?”

“Yeah, right. So how are you? Long time, no see,”

“Oo nga, ‘no? Ang tagal na since last na nakita kita. When is that? Nung ipinakilala ka sa’kin ni Marc as her girlfriend? I think that was six months ago? And now, nakita kita ulit dahil break na kayo. I’m actually meeting with you because of him, Mika.”

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi dahil sa sinabi ni KL sa kanya. Para kasing nang-aasar ito in an indirect way pero doon din naman ang lusot noon.

“I know. Obviously, alam mo na break na kami. So what is this all about? Papagalitan mo ba ako ngayon?”

“Wait! Since may iniinom ka, I’ll just buy my drink. Stay put ka lang dyan. Hindi ka naman busy, ‘di ba? Ang alam ko wala kang lakad ngayon so dyan ka muna.”

Napanganga siya sa sinabi nito. Hindi niya tuloy maiwasan na mainis dito but still, she is keeping herself calm. Ayaw niya na makipagtalo pa kay KL lalo na at sinaktan niya na ang kapatid nito. Alam niya naman na concerned lang ito sa kapaid kaya nakipagkita sa kanya. Malamang tungkol sa breakup pero hindi niya maintindihan kung ano pa ang kailangan nilang pag-usapan tungkol sa pagbbreak nila.

Nang bumalik ito sa puwesto nila, may dala na itong coffee and croissant na agad naman nitong kinain. Siya naman, hinihintay lang ang sasabihin nito habang iniinom din ang drink niya.

“Marc will see you later... I mean, as your manager. He will be with you sa lahat ng schedules mo starting tonight like he used to.”

Hindi niya inaasahan ang narinig. It is different from what she expected na hindi basta bastang babalik si Marc kaya nabigla siya sa narinig. Ngayon tuloy napa-isip siya kung handa na ba talaga siyang harapin si Marc. Kahit papano ay nahihiya pa rin naman siya kay Marc dahil sa nagawa niya sa tao. Ang dating kasi ay naging selfish siya. Ang sarili niya lang ang inisip niya.

“Wala siyang alam na nakipagkita ako sa’yo ngayon so never ever tell him that you met me. I am here to tell you na hindi siya okay ngayon. Well, given naman na siguro ‘yon sa ginawa mo sa kanya. I know you tried, Mika. Palagi siyang nagkukuwento sa’kin noon pa kung gaano siya kasaya sa tuwing kasama ka niya at kung gaano din siya kalungkot na kasama ka nga niya, ramdam niya naman na hindi mo siya mahal. He is aware of that, Mika. If you can only see how miserable he is now. Halos hindi siya kumakain at natutulog. He always go out to drink at umuuwi siya na lasing. I have never seen my brother like that before.”

Hindi makapagsalita si Mika. Guilty siya sa mga sinasabi nito sa kanya at alam niya na siya lang din naman ang dahilan kung bakit ganoon si Marc. Even she never witnessed him like that. Marc is mature enough para ‘di gawin ang ganoong mga bagay sa tuwing may mga problema ito kaya naman alam niya na talagang down ito kaya nagawa nito ang ganoong mga bagay.

“I’m sorry if it turned that way, KL. Hindi ko naman intention na saktan ang kapatid mo, eh. You know that! Naging masama man ako sa inyo nina Jin noon but Marc is my friend and my manager. I respect him at ayoko rin sana na saktan siya. If I will not end everything, mas lalo lang siyang masasaktan. I hope you understand.”

Napatingin siya sa kamay niya nang hawakan iyon ni KL. Sunod niyang tiningnan si KL. May lungkot na makikita sa mga mata nito.

“I’m asking you for a favor, Mika. Balikan mo na ang kapatid ko. I hate seeing him like this,” makaawa nito.

“But you will hate me more kapag lalo pa siyang nasaktan dahil sa’kin. Ikaw na rin ang nagsabi, you know I tried pero hindi talaga, eh. Nasakyan din naman ako sa ginawa ko sa kanya. It was hard for me, too. I just can’t do that,”

“Dahil pa rin ba kay Gab?”

“I.. I don’t know. I’m sorry. Thank you for telling me na babalik na siya. I have to go.”

Kinuha niya na ang bag niya at madaling umalis doon. Ayaw niya na pag-usapan pa ang tungkol sa feelings niya at mas lalong ayaw niya na balikan pa si Marc. Hindi dahil sa ayaw niya sa tao pero ayaw niya na lalo pang saktan ito. Kahit naman naging masama siya noon at sinusumpa siya ng iba sa mga nagawa niya, may puso din siya.

“MARC? YOU... YOU’RE finally here! Na-miss kita!” masayang sinabi niya nang makita niya si Marc sa labas ng bahay niya. Sa sobrang saya niya ay yayakapin niya sana ito pero agad itong umiwas at pumasok sa loob ng bahay.

“Anong ginagawa mo? Bakit ‘di ka pa ready for work? We cannot be late!”

Ang malapad na ngiti niya ay nawala nang makita niya ang tingin nito sa kanya at marinig kung paano ito magsalita. Nagagawa nitong tumingin ng deretso sa kanya at seryoso din ito.

“Tititigan mo lang ba ako dyan? Get your things ready!”

“Marc, hindi ba tayo mag-uusap bago ‘yan?”

“Hiwalay ang personal na buhay natin sa trabaho, you know that. I don’t want to be late for work. You should get your things ready,”

“Can you stop acting like this? If hindi ka pa ready harapin ako, okay lang pero sana--”

“When I told you I’ll be your manager, I promised you na hindi kita papabayaan unless ikaw na ang aayaw sa trabaho mo at aalis ka na sa show business. I can see na naging pabaya ka sa trabaho while I’m gone. Now tell me, ayaw mo na ba? Para hindi na ako nagsasayang ng oras.”

Hindi na siya sumagot pa at kinuha na lang ang gamit niya na iniready niya na sa kwarto niya just in case na dumating nga si Marc. Pagkadala niya noon sa sala, tinulungan na siya ni Marc na dalhin iyon at pumasok na sila sa loob ng sasakyan.

“Marc, can we talk about us?”

“The shoot will last for 4 hours. If gusto mo na matapos agad, you should do well.”

Hindi na siya nagpumilit pa lalo na at umiiwas ito sa kanya. Pagdating sa studio, agad siyang inayusan at nagpahinga na muna habang naghihintay sa iba.

“I’m thirsty. Wala bang tubig dito? Can you ask them to buy me one bottle of water?” sabi niya kay Marc.

“Bakit hindi ikaw ang lumapit sa kanila? Kaya mo naman tumayo at magsalita,”

“Are you seriously going to be like this, Marc? I understand that I did hurt you but--”

“Some things will never be the same way again, Mika. You act, right? Kaya mo umarte na parang wala lang nangyari pero ako, hindi. Hindi ako kasing galing mo. I am here kahit hindi ko gusto dahil ayoko masira ang matagal mong pinaghirapan kapag hinayaan lang kita. I’m sorry, I just can’t be the same Marc to you. Excuse me.”

Iniwan na siya nito doon. Naiinis siya sa actions nito towards her pero hindi niya naman ito masisisi. May mali din naman siya. At kung sakali man na hindi na sila bumalik sa dati, then she will have to just deal with that.

Matapos ang schedule at nasa sasakyan na sila at pauwi ay namuo ang katahimikan. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa pero may tensyon na nararamdaman.

“Can I take a break from work? Just give me three months,”

“Three months? The longest I can give you is a week, Mika,”

“I really need a break from work at ikaw din. Baka sakaling pagkatapos ng three months, okay ka na at ganun din ako,”

“No. Just 1 week. Tapusin mo muna lahat ng pending mong trabaho at pwede ka na magbakasyon pagkatapos no’n,”

“Okay. Can you drop me by Zeke’s place?”

“I’ll bring you home. Magpahinga ka na lang at may iba ka pang araw para sa Zeke mo.”

She didn’t argue with him anymore. Inihatid na lang siya nito sa bahay niya at nagpahinga na lang siya kagaya ng sinabi nito.

“Why is my lovelife always complicated?” hindi niya maiwasang itanong sa sarili.

Ipinikit niya na lang ang mga mata and she prayed na sana maging maayos na ang lahat for her. If only that was all just a bad dream at maibabalik niya pa ang nangyari na kaso hindi...

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

42.3K 45 1
"Okay lang ba makipag sex sa ex mo?" © 2017 by ex_arithemia
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15K 749 33
Ang istoryang ito ay ginawa ko base sa sarili kong kakayahan at kung mayroon mang pagkakatulad ito sa ibang istorya ay malamang na nagkataon lamang a...
8.2K 219 8
lagi nya akong binubully ano ba gusto nya? ano ba kaylangan nya sakin? bat ba laging ako?