Selenia: The Emerald Moon

By yesrhyn

78.1K 2.2K 236

Alpha Linus is living peacefully in his pack. Everything is perfect. His pack is the strongest in Selenia, th... More

Prologue
1- Lies
2- Her Guardian
4- Teasing Him
5- Her Birthday
6- The Inaguration
7- Farewell
8- Breakup
9- Goddesses Talk
10- Mortal World
11- The Return
12- The Training
13- His Apology
14- Diane
15- Her Love
16- The Jealousy
17- The Milarve
18- Recharged!
19- Start of Chaos
20- The Goddess' Wrath
21- The Meeting
22- The Curse
Epilogue
Special Chapter

3- Partners

3.1K 102 16
By yesrhyn

Luna Kiara's POV

"Rave and Rileston, kayong dalawa ang magkagrupo para sa gawing ito. Do research on all the things about the daughter of the moon." Pahayag ni Ms. Cely, one of the elders.

Isa siya sa mga guro dito sa academy and she's currently giving the groupings para daw sa activity namin ngayon.

Rinig niyo naman diba? Rave daw! Siya talaga? Kita ko ang masamang titig sa akin ni Linus dahilan para irapan ko lang siya. Sabi na eh! Tas ako pa ang iriresearch? Magaling din sila.

"Silva and Sullivan, you two will research facts about the Moon Goddess." Patungkol pa nito kay Jane at Cayden na ngayon ay parehas nakakunot ang noo. Bakit kasi alphabetical ang groupings! Nakakainis! Magkasunod tuloy kami ni Linus.

Kita kong kumunot ang noo ni Linus ng matawag ang apelyido ni Jane. Ibinagsak niya ang kamay niya dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

"What's the problem Alpha?" seryosong tanong ni Elder Cely.

"I don't like to be partnered with that girl. Change it. Let Jane be my partner." Seryosong utos ni Linus na ikinakunot ni Elder.

Kita ko rin na ikinuyom ni Cayd ang kamao niya para pigilan ang sarili. Ayaw na ayaw niya kasing binabastos ako ng kahit sino.

"Do not use your power here at school Alpha. It won't work." Nailing na saad nito na ikinapagngalit ni Linus.

"Elder, I agree with Linus. I don't like him being partnered with Lu--Kiara. Change it please," Saad naman ni Cayd na ikinalingon ni Linus. Sinamaan niya ng tingin si Cayd pero tinaasan lang nito ng kilay si Linus.

"Warrior Cayden, here in the classroom, you are just students and I am your superior. You can't question my words," seryosong saad ni Elder na ikinasinghal ng dalawang lalaki. Ano bang problema ng dalawang to?

"Pero sige, kayo'y aking pagbibigyan. Ngunit nakasalalay sa dalawang dalaga ang desisyon," sabi nito na ikinakunot ng noo ko. 

Bakit ako nadamay? Nananahimik ako dito ah! "Jane and Kiara, stand up," utos nito na ikinairap ko.

"Tell me your opinion about what a Luna is," saad pa nito na ikinataas ng kilay ko. Anong connect? Napangiti si Jane bago magtaas ng kamay.

"Yes Jane?" Tinignan muna ako nito bago ngitian. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar.

"A Luna. It is the title given to the alpha's mate. She is the half of the alpha, his life, his strength, his comfort. Without her, the pack will not be complete. She should be respected by all the pack members and protect at all costs. She is the gem of the pack. The one who will bear the next generation of werewolves. She should be the most powerful and elegant woman on the pack and all of them should serve her until their last breath," proud na saad ni Jane na ikinataas ng kilay ko. Seryoso siya?

Kita ko ang ngiti sa labi ni Linus na mas ikinainis ko. At masaya talaga siya sa sagot ng babaeng yun? Hah! Ikinuyom ko ang mga palad ko para pigilan ang galit.

Ganon ba kababaw ang tingin nila sa pagiging Luna? Mas nag-init ang ulo ko ng pinalakpakan siya ng mga kaklase ko.

Nilingon naman ako ni Elder Cely dahilan para lingunin din ako ng mga kaklase ko na may nang-uuyam na tingin. Nakakainis.

"What can you say Kiara?" saad ni Elder na ikinasinghal ko. Nilingon ko si Jane pati na rin ang mga kaklase kong bwiset.

"Is that what a Luna means to you? A title? Alpha's Mate? Hah! Stupid." Bulong ko sa huling sinabi ko na alam kong hindi nakaligtas sa pandinig ni Linus dahil nakita ko ang masamang tingin niya sa akin.

"Being a Luna is not just a title. It is a responsibility. A responsibility that should be fulfilled wholeheartedly. You said that a Luna should be protected?" 

"That is not true," saad ko na ikinakunot ng noo nila. Walang nagtatangkang magsalita dahil lahat sila ay nakatutuok sa sasabihin ko.

"She is the one that should protect her pack members. She is the one that should guide and help them when things get rough. She is the one that should teach them the things they didn't know. She is the one that should inspire everybody during hopeless times," seryosong panimula ko.

"She is not just the Alpha's mate. She is the Luna, not just half, but whole. Being a Luna is not just about elegance, power, and respect. It is about embracing your pack together with its flaws and weaknesses. That is the true meaning of a Luna," madiing saad ko habang matalim na nakatitig kay Linus.

Kita ko ang pagawang ng labi niya at ang paghanga sa mga mata ng mga kaklase ko kasama na si Cayden at Elder Cely. Hindi rin nakaligtas ang mabilis na pagdaan ng galit sa mga mata ni Jane na mabilis din niyang tinakpan ng isang ngiti. Sinong niloko mo?

"You all shouldn't be trapped in the belief that the Luna or even the Alpha and Elders should be served by the pack. Don't be, because it's too toxic. Let them serve you because that is their responsibility. I'm not saying that you shouldn't respect them. I just want you to know that you are all werewolves. Ano man ang titulo mo, it doesn't matter, because we are all equal. Walang nakakataas, walang nakakababa."

Magsasalita na sana si Elder ng pigilan ko siya. "By the way, I don't care kung sinong maging kagrupo ko. I don't care kung ayaw sa akin ng Alphang yun. At mas wala akong paki kung maging kapartner niya ang babaeng yun. I can do it on my own. Anong gusto niyo maglupasay ako sa sahig dahil lang ayaw sa akin ng Linus na yan? Psh! In your wildest dreams." Irap ko bago sila iwanang tulala sa mga sinambit ko.

***

"WHAT THE HECK?!" sigaw ni Linus na ikinatawa ko. Wahahahaha! Nandito kami ngayon sa mansion niya para dun sa research tungkol SA AKIN. Ako ang napiling kapartner niya at syempre tamang promote lang ng sarili. Wahahaha!

"Aba naman Linus! Hindi ka naniniwala? Ako nga ang anak ng Moon Goddess. Kita mo ba ang mukhang to? Sa gandang to nag-aalinlangan ka pa?" pang-aasar ko na mas ikinakunot ng noo niya. Wahahahaha! Nakakatawa talaga siya.

"Don't be silly. Magseryoso ka nga para naman makalayas ka na dito!" sigaw niya dahilan para dilaan ko siya. Tumayo na ako at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain. Nagkalkal lang ako ng cabinet niya at nagluto na lang. Kanina pa akong gutom eh.

"KIARA! Sinong may sabing paki-alaman mo ang mga gamit ko?!" inis na saad niya na ikinalingon ko. Ang arte niya jusko! Siya na nga ang pinagluto! Pinatay ko na ang stove at hindi na siya pinansin dahilan para suminghal ito.

"PAKIALAMERANG BABAE!" sigaw nito na ikinainis ko. Saktong may nakita akong harina dahilan para lumapit ako dito at dumakot, sabay bato sa mukha ni Linus.

Pfftt! Hindi ko na napigilan ang paghalakhak dahil sa itsura niya. "WAHAHAHAHAHA!" Napahawak ako sa tiyan ko at napapalo sa mesa dahil sa sobrang pagtawa. Para siyang multong naulol. 

"WAHAHAHAHAHAHA! PARANG TIMANG!" 

Natigil naman ako sa pagtawa ng may nagsaboy sa akin ng asin. Hah! Mukha ba akong aswang?! Sinamaan ko siya ng tingin at siya naman ngayon ang nakangisi.

"GRRR!" Kinuha ko ang garapon ng harina at pinagbabato siya. "WALANGHIYA KA! HINDI AKO ASWANG PARA SABUYAN MO NG ASINN!" sigaw ko habang pigbabato siya ng harina.

Tawa naman ito ng tawa dahilan para mas mainis ako sa kanya. Tangkang lalapit ako sa kanya ng mabilis itong tumakbo sa kabilang side ng mesa. Tumakbo ako papalapit sa kanya at naghabulan kami ng naghabulan. Ng maabutan ko siya ay ihinuho ko sa kanya ang lahat ng laman ng garapon dahilan para mas kumapal ang harina sa buong katawan niya.

Dinilaan ko ito sabay tawa ng malakas bago magtatakbo papalayo. "Humanda ka sa aking babae ka," bulong nito bago kunin ang ketchup at toyo sa cabinet.

Nanlaki ang mata ko at mas lalong tumakbo papalayo, ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na naliligo sa malagkit na ketchup at maitim na toyo.

Psh! Mas Malala pa ang natamo ko jusko! Harina nga lang yung kanya, tas yung akin toyo at ketchup? Sinamaan ko siya ng tingin bago sunggaban at sabunutan ang buhok.

"GRRR!" Gigil na gigil akong hinihigit ang buhok niya.

"ARAY! ARAY! TUMIGIL KANG BABAE KA!" sigaw naman nito sa akin pero mas diniinan ko pa ang sabunot sa buhok niya. Revenge has never been this wild!

"ANAK! KIARA!" natigil ang ako sa pananabunot ng may dumating na lalaki. Napalingon kaming dalawa ni Linus dito at napangiwi ako ng makita ang tatay niya na gulat na gulat ngayon dahil sa kanyang nakita, magulong kusina at madungis na Alpha kasama na rin ako.

"Pa," gulat din na sambit ni Linus bago dali daling lumayo sa akin.

"What happened to you two?" di makapaniwalang tanong nito sa amin.

"Tsk! Itanong mo sa babaeng yan," inis na sambit nito dahilan para malipat sa akin ang atensyon ni Elder Lino, ang ama ni Linus.

Awkward akong ngumiti at nagwave sa kanya dahilan para mapabuntong hininga na lang ito. Alam rin niya ang totoo kong pagkatao dahil siya ang bestfriend ni Dad noon, isa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya namin.

"Magpalit nga kayong dalawa! Para kayong mga bata!" bulyaw niya sa amin. Inambaahan ako ni Linus ng suntok pero dinilaan ko lang siya bago magtatakbo sa CR habang tumatawa tawa.

Naligo na muna ako at napangiwi ako ng makita ang damit na nakahanda, damit ni Linus. Napailing-iling na lang ako at sinuot na lang bago lumabas.

"WHAT THE HECK?!" gulat na sigaw ni Linus bago ako duruin. Itinaas ko ang kilay ko sa kanya dahil dun.

"Ano may problema ka?" maldita kong saad.

"BAKIT SUOT MO ANG DAMIT KO?!" sigaw pa niya na ikinairap ko na lang.

"Pake mo? Psh," bulong ko na narinig din naman niya.

"Aba't—ANO BA KAYONG DALAWA!" sabat ni Elder Lino ng makitang umuusok na ang ilong ni Linus.

"Pikon," I murmured bago siya dilaan at tumawa para asarin lalo siya. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa akong nakahandusay dito hahahaha. Ang sama ng tingin eh.

"You two! Mag-ayos nga kayo! Do your school works bago kayo maglandian! Mga sakit sa ulo!" naiiling na saad ni Elder dahilan para mas sumama ang timpla ni Linus. Pfftt hahahaha!

"I'm not flirting with that bitch!" inis na sigaw nito pero hindi na siya pinansin ni Elder at diredirestong naglakad papunta sa taas.

"Yes Dad!" pahabol ko pa habang tumatawa tawa na ikinatutol ni Linus.

"WHAT THE HECK?! DAD?! MUKHA MO!"

"MAGANDA!"

"CONCEITED!"

"BAKIT HINDI BA? ANO HA?"

"..."

Ngiting tagumpay! Wahahahah! "Ano hindi ka makapagsalita? Dahil totoo diba? Hahahaha! Ako lang to Linus, ako lang to," pang-aasar ko sa kanya na ikinaiwas na lang niya ng tingin.

"Tsk! Ano na?! Wala ka bang matinong sasabihin tungkol sa anak ng Moon Goddess? Pabuhat lang eh," pagchi-change topic niya na lihim kong ikinatawa.

"Eh ikaw ba? Anong alam mo sa kanya aber?" nanghahamon kong tanong.

"Of course she's beautiful, strong, intelligent, kind. She's perfect. They say that she shines bright like the moon, just like her name, Luna. The man destined for her is one of a hell lucky guy to have her as a mate. She's just too good to be true," saad ni Linus habang kumikinang ang mga mata. Napangiti ako ng malungkot dahil sa sinabi niya. Lucky guy huh?

"She is perfect? Hahahaha. But despite that perfection, her mate couldn't accept her," saad ko na ikinakunot ng noo niya.

"What are you talking about? Her mate rejected her?! He's a jerk! That is a demigod for Pete's sake!" gulat na saad niya.

"Wait, are you even telling the truth?" nagdududang saad niya na ikinatawa ko na lang.

"CHAR! Wahahaha! Naniwala ka naman?" tawa ko na lang para maibsan ang sakit ng dibdib ko. Minura pa ang sarili. Galing din niya talaga.

"Tsk! I knew it, hindi ka talaga mapagkakatiwalaan. Dun ka na nga! Your voice is too annoying!" inis na saad niya na ikinairap ko.

"Annoying daw. Baka matulala ka pa pagnarinig mo boses ko eh" bulong ko sa hangin pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

***

After half a day, natapos na namin yung buong report kay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig at nagdive sa sofa nila. Nakakaantok! Wala naman akong ginawa kundi pakinggan ang mga papuri ni Linus tungkol daw kuno sa napakagandang anak ng moon goddess. HAHAHAHA!

Ano kayang reaksiyon ng lalaking yan pag nalaman niyang ako ang sinasabihan niya ng maganda? Baka magbigti na yan sa kahihiyan.

"Tsk! Hindi ka naman masyadong feel at home ano?" inis na saad ni Linus pero hindi ko na siya pinansin. Natutulog ako eh. Panira! Tumagilid na lang ako at isiniksik pa ang katawan ko sa sofa.

"Lumayas ka na nga!" sigaw pa nito.

"Hmmm. Dun ka na." nakapikit kong saad habang nakayakap sa unan.

"KYAAHHH!" tili ko ng maramdamang umangat ako sa sofa. Nakita ko na lang ang sarili kong buhat buhat ni Linus na parang sako habang naglalakad papalabas ng mansion nila.

"GRR! BITAWAN MO AKO!" pagpupumiglas ko pero wala man lang reaction ang loko!

Ibinaba niya ako sa labas ng pintuan nila ng marahas kaya naman napasalampak ako sa sahig. Aray naman! Hinamas himas ko ang balakang ko dahil sa sakit. Bwiset na lalaking to! Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako.

"I want you out of my house. I want you out of my life. Tsk! Panggulo." Saad niya bago ako pagbagsakan ng pinto. Napangiti na lang ako ng malungkot. Masakit.

Sobra.

______Rhy428______

Continue Reading

You'll Also Like

110K 4.8K 48
WARNING! UNEDITED JEJEMON STORY! Published way back 2016. Jhenica Mae Sandoval a.k.a Jemay Ang babaeng may malaking takot sa lahat ng klase...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
12.9K 1K 49
Ayon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pag...
6.7K 255 38
There are a lot of tales as old as time- blood sucker Vampire, small Fairies, wicked Witches... Aliens! One thing they say, tales are tales. However...