Door of Happiness (Agravante...

By jhelly_star

122K 3.1K 306

[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 20

2.5K 61 1
By jhelly_star

Kabanata 20

Party

--

Napag usapan namin kung kailan ako pwede para makausap muli sila. Sinabi kong sa Martes na dahil kailangan ko pang magpaalam kay Ma'am Maureen na mag a-absent ako sa araw na iyon. Baka matanggal ako sa trabaho kapag bigla bigla nalang akong hindi pumasok.

Pero para sa akin, mas mahalaga pa rin ang makausap sila ulit. Wala nang mas mahalaga pa kundi iyon lang.

She decided to leave after a while. Our conversation got a little light pagkatapos naming pag usapan si Elizabeth kaya kahit papaano masaya ako. I'm very happy she visited me here. I can't even believe it.

Ako? Binisita ni Pauline Agravante? That's very impossible!

Ngumiti ako at sandaling natulala bago nagpasyang ipagpatuloy na ang dapat na gagawin. I went out and went to the grocery store. Hindi ko na nakita si Arjun. Siguro pumasok na sa loob ng bahay nila para mag aral.

Alam kong nagtataka siya sa pagbisita sa akin ni Pauline Agravante pero alam kong maghihintay siya sa paliwanag ko gaya ng sinabi ko sa kanya kanina. Sasabihin ko naman sa kanya. Hindi lang sa ngayon.

"Ate Cassandra!" a familiar voice called me.

Napalingon ako sa kaliwa at nakita ang tumatakbong si Morrisa. Nagulat ako. She smiled as she walked towards me and I immediately saw Brandon behind her, pushing their cart.

He's wearing a black polo shirt and jeans. Iyon na naman ang dating niya na mapapalingon ka talaga. Ngayon palang nakakakita na ako ng mga babaeng nililingon siya. Halos mabali ang mga leeg sa kakasunod ng tingin kay Brandon.

"Morrisa..." I greeted her.

She's wearing a cute yellow dress. Mukha siyang batang tingnan pero halatang mature na sa pagsasalita.

"I'm happy to see you here again! Akala ko hindi na kita makikita. Kanina pa kita hinahanap," anya.

Binalik ko ang tingin sa kanya at bahagyang nakabawi. Maliit akong ngumiti.

"Ah, oo. Medyo natagalan lang ako kaya medyo na-late sa pagpunta rito."

"That's okay! Anyway, I'm with Kuya. We went grocery again because I really wanted to do this. I don’t really let our househelps do this. Gusto ko ako ang gumagawa," kwento ni Morrisa.

"Hi, Cassandra," Brandon smirked at me.

"Hi," tumikhim ako.

"Anong mga bibilhin mo, ate?" tanong ni Morrisa kaya muli akong napabaling sa kanya.

"Gulay at karne lang. Iyon lang ang kailangan ko sa bahay..." sagot ko.

"Mmm. Sakto pala. Ganon rin ang bibilhin namin. Diba, Kuya?" nilingon niya ang kapatid.

Brandon shrugged and looked at me. There's a small smile on his lips.

"Iyon rin ang kailangan natin," he said.

Morrisa smiled. "Then pwede bang magsabay nalang tayo mamili, ate? Kanina pa kami rito at puro biskwit at chips palang ang nabibili namin. Sa gulay at karne naman kami."

"Sure. Kukuha lang ako ng basket," sabi ko at nagtungo na sa mga basket.

Pagkatapos no'n ay sabay sabay kaming nagtungo sa mga gulay at karne. Nakasunod sa amin si Brandon na nagtutulak pa rin ng cart. Their cart is full of different foods. Habang ako basket lang ang dala, hawak hawak ang hawakan.

"Iyan lang ang mga bibilhin mo?" tanong ni Brandon na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.

Naniningin ako ng manok at baboy nang nagsalita siya. Umangat ang balikat ko sa gulat at napansin niya iyon. A small smile appeared on his lips.

Nag iwas ako ng tingin at binalik ang mga mata sa manok na nasa ibaba. They are in the cold freezer and wrapped in plastic.

"Uh... oo. Ito lang ang kailangan ko sa bahay," sagot ko.

"How about chips and biscuit?"

"Wala akong pera para roon. Tsaka meron pa akong mga tinapay sa bahay."

"Mmm..." pinagmasdan niya ang pagpili ko ng manok.

Morrisa was busy looking at the vegetables in the distance. Do'n ko lang napansin ang isang bodyguard na nakasunod sa kanya, binabantayan siya nang mabuti.

"How about ingredients for the food you want to make with that?" si Brandon ulit.

Nilagay ko ang napiling manok sa basket ko. Iyon palang ang laman no'n. Nilingon ko si Brandon.

"Like... bawang, sibuyas?" dagdag niya.

Tama siya. Paano kung gusto kong magluto ng sinigang? Bibili pa ako sa tindahan sa labas namin? Mas mabuti pang dito nalang at mas mura pa.

"Yeah. Bibili rin ako ng mga 'yon."

Naglakad ako patungo kay Morrisa dahil gulay naman ang bibilhin ko.

"Isang manok lang ang bibilhin mo?" tanong ni Brandon na nakasunod sa akin.

I sighed and looked at him. Malamang ganito lang ang bibilhin ko. Wala naman ako masyadong pera para bumili pa ng kung ano ano. Alam ko namang nagtatanong lang siya pero sa ugali ko...

"Hindi ako kasing yaman niyo, Brandon."

"Oo nga, Kuya. Hayaan mo nalang si ate Cassandra at wag ka nang magtanong nang magtanong," si Morrisa.

Ngumuso si Brandon at tinignan ang basket ko. Nagpatuloy ako sa pagpili ng mga gulay.

Kabado ako na malapit lang siya sa akin. Lalo na dahil pinapanood niya ang bawat galaw ko. Tinitignan niya ring mabuti ang mga pinipili kong pagkain. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'yon. Para saan? Para bang kuryosong kuryoso siya sa lahat ng choice ko sa buhay.

"Anong gagawin mo pagkatapos nito?" Brandon asked.

He always asks questions like this. Talaga bang gustong gusto mong malaman ang mga ginagawa ko sa buhay, Alastair Brandon?

"Uuwi na sa bahay. Wala na akong ibang gagawin."

"Are you gonna do laundry again?"

Lumapit siya sa akin. My heart pounded violently. Nanatili akong tumitingin sa mga gulay para hindi halata ang nararamdaman. Nanatili akong nakatingin sa ibaba kahit wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang presensya ni Brandon na malapit sa akin.

"Yup," sagot ko.

Tumango siya at ilang sandaling hindi nagsalita. Kabado pa rin ako. Tila malalim ang inisip niya hanggang sa bumuntong hininga siya at kumuha ng kangkong roon. Bahagya akong nagulat nang pinakita niya sa akin iyon.

"Isang gulay lang rin ba ang bibilhin mo?" he asked and looked at me seriously.

"Uh, hindi. Iba't ibang gulay ang bibilhin ko."

"Do you want this? This is for sinigang."

Tumango ako at tinignan ang gulay na hawak niya. Nilagay niya iyon sa basket ko at napakurap kurap ako. Tumingin ulit ako sa kanya.

"You should eat healthy foods especially you're doing a lot of jobs. Ang payat mo," anya at naglagay muli ng pechay sa basket ko.

Umawang ng bahagya ang bibig ko sa sinabi niya. What did he just said? Ako? Payat? How dare he say that! Hindi ako payat, noh!

Imbes na ma-appreciate ang sinabi niya'y parang nairita pa ako dahil sa dinagdag niya na payat ako.

"Anong payat? Hindi ako payat," depensa ko sa sarili.

Nilingon niya ako at nagtaas ng isanf kilay. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at para akong na-insulto roon. Binalik niya ang tingin sa akin. Uminit ang pisngi ko.

Anong ginagawa niya? Tinitignan niya ako para ipamukha sa akin na payat nga ako? Hindi nga sabi ako payat!

"You're thin. Hindi ka siguro malakas kumain," hinarap niya na ako ngayon.

Humalukipkip naman ako at naghahamon siyang tinignan, handang handa nang makipag away sa kanya.

"Hindi ako mahinang kumain. Sakto lang ako kung kumain kaya hindi ako payat. I'm..." hindi ko magawang ituloy.

"You're...?" naghintay siya sa idudugtong ko. Nilapit niya pa ang mukha sa akin.

But I can’t say that! Uminit ang pinsgi ko nang sumilay ang ngisi sa kanyang labi. I feel like he knows what I want to say. Mas lalo lang akong nairita.

"Sexy?" siya na ang nagsabi!

I glared at him. A palyful smile crept on his lips and he looked at me playfully.

"Sakto ka lang kumain kaya hindi ka payat. You are... sexy? Ganon ba?"

Looks like he's in the mood to annoy me right now, huh? Pwes, hindi ako magpapatalo! I'm very annoyed right now and he should apologize to me for making me so damn irritated!

"Bakit? Sa tingin mo maganda ang katawan mo? Siguro mahina ka ring kumain. Ang liit liit ng katawan mo, e..." I said that to make him irritated.

But I don't think it worked for him! He even managed to grin and tilt his head as he watched me as if there was something funny on my face! My eyes narrowed and became even more irritated.

Hindi manlang siya nainis sa sinabi ko?!

"I'm always looking at the mirror to see my musculine body, Cassandra. Hindi kailanman naging maliit ang katawan ko," he said and tilted his head to the other side.

Ang yabang ng isang to!

"Ganon rin ako. Kaya hindi ako payat! I'm... s-sexy!" nautal pa!

His face became amused, like he just heard a very surprising word from me.

"Really?"

"Oo! Bakit?" gamon ko kahit sobrang nag iinit na ang pisngi.

"Tinignan mo ba ng mabuti? You may have a problem with your eyes. Baka hindi malinaw..."

Oh... this bastard! Hindi na ako natutuwa sa kanya, ah! Saan nakakakuha ng lakas ng loob ang lalaking ito para inisin ako?!

"Alam mo, wala akong panahon sayo. Wala akong pakialam sa tingin mo sa akin. Bahala ka dyan," sabi ko at iniwanan na siya roon sa sobrang iritasyon.

I heard him chuckled. Talagang nakuha niya pang tumawa!

"Hey, wait! I'm just kidding," tumatawa niyang sinabi at hinawakan ang braso ko para pigilan ako sa pag alis.

Iritado ko siyang hinarap.

"I'm just playing around. I'm sorry. You're not thin. You're... sexy," he smirked.

Uminit ang pisngi ko. Ito ang gusto kong sabihin niya pero nakakahiya pala! Did he just said that I'm sexy? That's very awkward for me! The irritation I was feeling was replaced by embarrassment.

Doon ko lang napagtanto ang mga sinabi ko. What the hell? Sexy? Really, Cassandra? Saan mo nakuha iyon?

I looked down at his hand holding my arm. Binaba niya rin ang tingin niya roon at dahan dahan iyong binitawan nang naramdaman na dapat na siyang bumitaw. Umayos ako ng tayo at nanatiling nakababa ang tingin. Tumikhim ako.

"Tapos na akong mamili," sabi ko at tumalikod na. Sobrang nag iinit ang pisngi ko!

"Hey, wait..." habol niya.

I stopped and faced him again. I saw Morrisa looking at us but also immediately averted her gaze and hurriedly pushed her bodyguard away with a small smile on her lips. Ang bodyguard na niya ang may hawak ng cart.

Napansin ko rin ang mga babaeng pinagmamasdan si Brandon. Lahat talaga ng dumadaang babae ay napapatingin sa kanya. Parang hindi pa nga nila ako nakikita. Para akong hangin roon samantalang halata namang kinakausap ako ni Brandon.

"Tapos na rin kami ni Morrisa mamili. Gusto mo sumabay ka na sa amin?" alok niya.

Hindi agad ako nakapag salita. Magkaibigan kami pero parang... It's like I'm not comfortable. Pero hindi ako komportable dahil takot ako sa kanya. Para bang... may iba pang dahilan.

I get nervous whenever he’s around. And that nervousness wasn’t also because I was afraid of him. There's another reason. Ayoko lang isipin, ayokong ungkatin, ayokong pansinin.

"Hindi na. Sasakay nalang ako ng tricycle," malamig kong sinabi.

"Madadaanan naman namin ang inyo. Hindi ka makaka abala..." anya na para bang alam niyang iyon ang iniisip ko.

Isa rin iyon sa mga dahilan ko kaya ayaw kong sumabay pero may mas malalim pang dahilan. Bukod sa nahihiya, kinakabahan at baka nga maka abala ako, may isa pang dahilan na ayoko nang ungkatin pa sa pinaka ilalim ng puso ko.

"Hindi na. Ayos lang ako. Sasakay nalang talaga ako ng tricycle," ulit ko.

He sighed and gave up. He nodded and let go of my arm. Kanina lang ay nag iinisan kaming dalawa pero ngayon parang biglang naging seryoso ang atmosphere. Or is it just me?

"Okay... Can you text me when you're home, then?" he said.

Ilang sandali akong hindi nagsalita. Sa huli tumango ako. He's watching me very carefully but also let me go in the end. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad palabas at naghahanap ng masasakyan.

Malalim akong bumuntong hininga. May mas malaki pa akong problema na dapat isipin kaya hindi ko muna dapat ito binibigyan ng pansin.

Nakasakay ako ng tricycle at nakauwi sa bahay nang maayos. Hindi ko alam kung ite-text ko pa ba si Brandon gaya ng pagpayag ko. Nagdadalawang isip ako.

Because why would I text him, right? Does he even need to know that? Kailangan talaga? Ano naman ang mapapala niya kapag nalaman niyang nakauwi na ako? Tss. Minsan naiisip ko kung kaibigan lang ba talaga ang tingin niya sa akin o...

Umiling ako at kinagat ang labi. Kinuha ko ang aking phone at binuksan ang messages namin ni Brandon. I typed a text for him.

Cassandra:

I'm home.

Pumikit ako ng mariin pagkatapos kong i-send iyon. I threw my phone on the bed and stood up. I shook my head and decided to just leave the cellphone there until I finished what I had to do.

Ayokong tignan iyon. Ayoko!

Ang arte mo, Cassandra!

Eh, ayokong tignan ang ire-reply niya! O kung magre-reply pa ba siya.

Lumabas ako ng kwarto at tinigil na talaga ang pag iisip. Nababaliw na yata ako!

"Tapos? Anong sinabi niya?" si Audrey.

"Hindi pa rin siya naniniwala. Hinding hindi daw magagawa ni Elizabeth 'yon."

Nasa field kami ngayon. Kinwento ko sa kanya ang pagpunta ni Pauline Agravante sa bahay kahapon.

"Tsk. Syempre iisipin niya 'yon. Tinuring na niyang anak si Elizabeth at mahal niya na kaya..." umiling siya.

I sighed. "Marami na akong plano sa isip ko pero hindi ko alam kung paano gagawin. Pinag iisipan ko pa."

"Ano ba kasi ang plano mo?"

"Ayoko munang sabihin."

Ngumuso siya.

"But what if Amelia finds out you went to the Agravantes? Baka mamaya gamitin niya na naman ang mga kaibigan mo para mapa alis ka!" anya.

"Iyon na nga rin ang isa pang iniisip ko. But... let's see. All we have to do is wait."

"Wait? Cassandra... wag mo nang hintayin pang magalaw na naman niya ang mga kaibigan mo! Dapat kumilos ka na. Gawin mo na ang kung ano mang plano sa isip mo!"

Nag isip ako sandali. Tama siya. But I'm still not very sure of my plan. My plan was to catch Amelia and Elizabeth talking and then... I would videotape them.

Is that a stupid idea? I feel like it is a stupid idea.

I sighed. May iba pang plano sa isip ko pero gaya ng palagi kong sinasabi, hindi pa ako sigurado roon.

"Hay nako! Tigilan muna nga natin yang problema mo."

Napatingin ako kay Audrey.

"Malapit na ang halloween. Sasali ka ba sa halloween party?" she asked.

Halloween party? Nag gaganon pala sila rito?

"Kailan?" tanong ko.

"Bago mag November! Malapit na iyon. Ano? Sasama ka ba?"

Nag isip ako sandali. "Hindi ako sure..."

"Sus! Sumama ka na. I have a dress for you, don't worry! Hindi ka na mamomroblema roon."

"Ano namang dress?" nagdududa kong tanong dahil baka kung ano lang ang ipasuot sa akin ng babaeng ito.

She laughed a bit. "Ano ka ba! Bibigyan ba kita ng pangit na dress? O kung gusto mo ikaw nalang mamili. Sabay tayong magpasukat na dalawa."

"Wala akong pera para dyan."

"Libre ko! Wala akong sinabing ikaw ang magbabayad!"

Ngumiti ako. "Talaga?"

"Oo! Kaya ano? Sasama ka ba o hindi?"

Ngumisi ako. "Kapag ba hindi ako sumama hindi ka rin sasama?"

"Of course! Anong gagawin ko roon?" she rolled her eyes.

Umirap ako pero nangiti rin. "Okay, fine. Sasama ako."

"Yes!"

Halloween party, huh? Mukhang masaya iyon.

There's nothing like that in our school in Cagayan. Kapag malapit na ang araw ng mga patay ay wala nang pasok. Kaya ngayon ko palang mararanasan ang ganito. Ayoko sanang pumunta pero dahil mapilit si Audrey at parang gusto ko ring ma-experience... sige. Pupunta ako.

Brandon:

I'm home too. What are you doing?

That was Brandon’s reply to my text to him yesterday. Gabi ko na iyon natignan pagkatapos ko pang maglaba dahil ayoko talagang tignan ang cellphone ko. Kahit sulyap ay ayokong gawin roon. Nahihiya ako na nangingiti rin. Para akong tanga. Siguro nga nababaliw na ako.

Hindi ko nakita si Brandon sa buong araw ko sa school. Ganon naman minsan. Maybe he's just really busy especially since his course is engineering.

Pero bakit nga ba kailangan pa naming magkita? Ano ngayon kung hindi kami nagkikita?

Umiling ako sa sarili. Ito na naman ako.

"Cassandra!" tumitiling pagtawag sa akin ni Greta at tumakbo para yakapin ako.

Napa atras ako at nanlaki ang mga mata. Niyakap niya ako ng mahigpit. Kapapasok ko palang sa convenience store at ito na agad ang sumalubong sa akin. Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko.

"Nakabalik na ako. Tada!" anya at pinakita ang uniform niyang suot.

Ilang sandali pa akong napakurap kurap. Sa huli nakabawi ako at ngumiti. Of course she's back. Iyon ang usapan namin ni Amelia Mendez.

"Mabuti naman! Bakit daw?" kunwari kong tanong.

"Hindi ko rin alam. Basta tinawagan lang ako ni Ma'am Maureen at pinabalik na ako rito! Ang saya saya ko, Cassandra! Hindi mo na ako kailangang ipasok sa trabahong binibigay mo!"

I smiled. "Masaya rin ako para sayo."

"Salamat! Pero hindi mo pa naman ako pinapasok sa trabaho na iyon, diba? Yung magtu-tutor?"

"Hindi pa naman kaya wag kang mag alala, walang magiging problema."

Ngumiti siya at muli akong niyakap sa sobrang tuwa. I hugged her too and smiled.

Totoong masaya ako para sa kanya. Pero may kaunting lungkot at kaba pa rin ako para sa kanya. Audrey is right. When Amelia finds out that I've already introduced myself to the Agravantes, she may once again involve my friends as punishment for me.

I don't want that to happen again but I still can't think of a way to stop it from happening again. I mean... I have a plan, alright. Hindi lang ako sigurado. Hindi ko alam kung paano gagawin o kung magagawa ko ba nang tama.

Nagtatawanang mga lalaki at babae ang nagpatigil sa pag iisip ko. Nag angat ako ng tingin sa isang grupo na pumasok sa store. Umayos ako ng upo sa aking upuan at nagtama ang mga mata namin ni Brandon.

Nandito na naman siya. Pero ngayon kasama na niya ang mga kaibigan niya. May apat na babae pa roon na hindi ko kilala. Siguro schoolmates o classmates nila.

Parang galing silang party dahil sa mga suot nila. Bihis na bihis at ang ibang mga lalaki'y namumula pa ang mukha. Mukhang lasing ang mga iyon kaya napagtanto ko na galing nga sila sa kung anong kasiyahan.

Binaba ng mga babae ang bag nila sa table na napili at sumama sa mga lalaking bumili ng pagkain. Most of them bought coffee, lalo na ang mga namumula. Para siguro mawala ang kalasingan kahit kaunti.

Tumayo ako. Lumapit si Brandon sa akin kahit wala pa siyang bibilhin. Nagkatinginan kami.

"Galing kami sa birthday..." unang sinabi niya nang nakalapit.

Napakurap kurap ako pero tumango sa huli. Gusto kong ikunot ang noo ko.

"Mukha nga. Lasing na ang iba sainyo," sabi ko para kahit papaano mapagtakpan ang nararamdaman.

"Yeah. Marami silang nainom."

"Uminom ka rin?" bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"A little. Pero hindi ako lasing..."

Tumango ako at nilingon ang lalaking palapit na sa gawi ko. Napansin rin iyon ni Brandon kaya tumabi siya para mabigyan ng daan ang kaibigan. Pinatunog ko ang mga binili ng kaibigan niya. Medyo marami sila.

"I'll just get some coffee," si Brandon sa akin.

Kumunot ang noo ng babaeng nasa harapan ko. Pinapatunog ko ang mga binibili niya at nasa tabi niya si Brandon. Nagpabalik balik ang tingin niya sa amin.

Tumikhim ako at tumango nalang kay Brandon. Umalis siya pagkatapos non. Kunot noong sinundan ng tingin ng babae si Brandon bago nagtatakang tumingin sa akin. Unti unting tumaas ang isang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. I could immediately see the insult in her eyes.

"I30 pesos," hindi ko na siya hinayaang magsalita.

Alam ko na ang gusto niyang sabihin at wala akong panahon para marinig iyon. Binigay ko agad ang mga binili niya at tinignan siya para makita niyang pinapa alis ko na siya sa harapan ko.

Umirap siya sa akin at kinuha nalang ang mga binili niya pagkatapos magbayad at tumalikod na. Maarte siyang naglakad papunta sa table nila. Mukhang lasing na rin siya at nahihilo kaya hindi na nagsalita pa patungkol sa akin.

I sighed. Lahat nalang talaga ng nagkakagusto kay Brandon...

Hindi ko na tinuloy iyon. Nilingon ko si Brandon na hawak na ang isang kape na nasa lalagyan pa, hindi pa natitimpla. Palapit na siya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.1K 277 62
Kaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But th...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...