ALPHA

By Sentisimo

1.2K 361 17

Science Fiction and Teen Fiction Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaib... More

ALPHA - Teaser
Prologue
Chapter 1: Hawkson College
Chapter 2: Quake
Chapter 3: After Shock
Chapter 4: S.C.L.
Chapter 5: Activated
Chapter 6: Laser Beam
Chapter 7: Crimson
Chapter 8: The Text
Chapter 9: Cover Up
Chapter 10: Decoded
Chapter 11: Under Desk
Chapter 12: Wound
Chapter 13: Violet
Chapter 14: Under Drugs?
Chapter 15: Teleporting Katana
Chapter 16: The Vanity Code
Chapter 17: It's Just the Beginning
Chapter 18: Underground
Chapter 19: Broken
Chapter 20: Goodbye
Chapter 21: Stick on the Wall
Chapter 22: Quadrangle Duel
Chapter 23: Vomit Here, Vomit There
Chapter 24: The Signs of Mutation
Chapter 25: Stimulus: Touch
Chapter 26: The Fire and Plant Manipulator and the Voice
Chapter 27: Touch Thing to See Things
Chapter 28: Keep Silent
Chapter 29: Fear of Losing Someone
Chapter 30: The Friend in Need, Is a Friend Indeed
Chapter 31: Frozen
Chapter 32: The Myth and Riddle in Virtual World
Chapter 33: Not Big At All
Chapter 34: Ant like Sweets
Chapter 35: You Can Manipulate Your Own Bed Dream, But Not Only You
Chapter 36: The Wards
Chapter 37: Global Crisis
Chapter 38: The Comfort Rooms
Chapter 39: Museum of Technology
Chapter 40: The Prototype Inventions
Chapter 41: Irrefutable Truth
Chapter 42: Sneakers
Chapter 43: Defense-Offense Mechanism
Chapter 44: The Defendants
Chapter 45: Place to Place
Chapter 46: A Bowl of Surprise
Chapter 47: The Death Case (Part 1)
Chapter 48: The Death Case (Part 2)
Chapter 49: Awake
Chapter 50: I LOSE, I WIN
Chapter 51: Angel in Disguise
Chapter 53: Meeting New Roommate
Chapter 54: Operation: Finding Truth
Chapter 55: Guilty
Chapter 56: Date
Chapter 57: Matheo's Remaining Truth
Chapter 58: The Entering
Chapter 59: The Aching Heart
Chapter 60: AI Battle Category
Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)
Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)
Chapter 63: Inside One's Heart
Chapter 64: Awakening from the Dark
Chapter 65: The Director's Elite Kids
Chapter 66: Failed Mad Mission
Chapter 67: The Fighters
Chapter 68: The Fighters (Part 2)
Chapter 69: The Prom Night
Chapter 70: The Judgement
Chapter 71: Judgement: Nothing More to Hide
Chapter 72: Genes
Chapter 73: Into the End
Epilogue

Chapter 52: One More Death Case

6 2 0
By Sentisimo

Nagpapatuloy pa rin ang pagreresearch ni Jwyneth kung paano niya magagawa ang Lin.C. device na siyang magiging daan niya upang alamin ang nangyayari kay Kenneth. Para sa kaniya, ito lang ang solusyon para magising ang konsensya ni Kenneth.

Kailangan n'ya lang pasukin ang sub-concious nito gamit ang nasabing device at malalaman na niya na patuloy paring naghahybernate ang katawan ni Kenneth dahil hindi magising ni Kenneth ang sarili niya.

Naniniwala pa rin itong realidad ang patuloy na pagkakalaglag niya sa kawalan. He wasn't dead after all. He was just lost. He lost his
subconcious and forgot to just wake-up and see the truth from that, it was just all mind manipulation because of the damn device called "Dream Acquaintance".

Jwyneth work so hard and never thought na gagana pareho ang isip at katawan niya at the same time. Full load sila sa training at pagkatapos babalik siya sa unit niya upang ipagpatuloy ang research.

When she need to unwind, hindi mawawala ang pakikipagtawanan niya sa mga kaibigan niya. Ang higit sa lahat, ang pagdalaw niya
sa kwarto ni Kenneth na patuloy sa pagbibigay ng bulaklak.

Nang araw na nawala at isinama ni Aljohn si Angel sa dalampasigan, nang kinahapunan na iyon ay sabay-sabay sila ng mga kaibigan niya na pumunta sa 5th floor
upang kumain ng hapunan. Nang makakuha sa counter ay nagsimula na ang putakan ng mga estudyante. Walang tigil iyon para bang muli na namang nagkasama-sama ang mga ito at may panibago na namang pag-uusapan. Mga kaganapan sa pagtetraining nila na minsan ay may nasusugatan sa talim ng kanilang armas. Nagkakaroon ng injury dahil sa bigat o kaya biglaang pagkangalay ng mga muscle nila.

Mostly babae ang na-iinjury dahil hindi talaga sila sanay. Pero may mga babaeng rin na matataas ang stamina. Isa na roon si Jwyneth, buo ang loob niya na tapusin lahat ng kailangan tapusin.

Hanggat may oras, at panahon para gugulin ay gagawin niya. Pwersahan man, pero kakayanin. Kinakaya niya tulad ng iba.

Ngayon nasa harap nila ang masasarap na hapunan. May appetizer, main course at saka dessert. Sa kanya, mashed potatoes, chapsuy at grape tarts.

Kaso natitigan niya lang ang pagkain niya dahil may naalala na naman siya. Hindi na naman niya alam kung saan niya naipatong ang notebook niya. Lagi niya itong dala-dala, na kulang na lang
magsuot s’ya ng square shape na eye glasses para magmukha na talaga siyang geek.

Ang utak ng tao is nakadesign para umalala, matuto, at mag-isip. Pero dahil sa sobra-sobrang info na naa-acquire natin sa pang-araw-araw, the brain tends
to remove unwanted and wanted na info na laging kinaiinisan kapag 'di na maalala.

Binalikan niya ang mga lugar na pinaggugulan niya ng panahon. Naalala niya na huli siyang nanggaling sa kwarto ni Kenneth para dalawin ito kaya kailangan niyang bumaba.

Pero 'di n’ya inaasahan na nasa dulo ng corridor, may nakatalikod na lalaki. Ilang dangkal ang taas mula sa height niya. She recognize the familiar posture. He was Zeus with unusual behavior na may hawak-hawak na spear sa kanang kamay nito.

Jwyneth called the name of Zeus, at tumingin ito sa gawi niya na may nakakatakot na ngisi. He is fit now. Hindi na siya ang Zeus na malaki at mataba. He transformed into some kind of guy siguro dahil na nga sa week days na pagtetraining.

Umatake si Zeus na may sumbrero sa ulo nito at mabilis na tumakbo papunta kay Jwyneth.

Patakbo ito sa kaniya, pero walang muwang si Jwyneth na aatakihin na pala siya nito. Dali-dali siyang sinunggaban nito at ramdam sa kaniyang tiyan ang pagkabigla.

Napapikit si Jwyneth dahil sa sakit. Humagis silang dalawa pero mas napuruhan si Jwyneth dahil siya ang nasa ibaba habang gumulong naman si Zeus sabay tayo.

"Zeus, ano bang nangyayari sa'yo? Masakit a." Pag-angal nito. Tumayo si Jwyneth at pinagpag ang sarili. Medyo may pilay siyang natamo. May mga parte na nagkaroon ng
gasgas bandang siko.

Gamit ang kaliwang braso, ginamit niya ito kay Jwyneth at buong lakas niya itong itinulak sa pader. Si Jwyneth, naiipit sa pagitan ng braso ni Zeus at ng pader.

"Zeus, ano ba? nasasaktan ako. Ano bang ginawa ko sa'yo?"

"You...you steal something from me, where is it?" Pagtatanong nito.

"Wala akong ninanakaw," ani niya.

"Answer. The. Question. Where is it?" Kalmado pero nakakatakot parin ang tono ng boses.

Itinapat sa leeg ni Jwyneth ang spear na hawak ni Zeus. Isang maling galaw ay dadanak ang dugo sa sahig.

"Hey!" sigaw mula sa hagdan. Pamilyar na boses ni Gil Joseph kay Jwyneth.

Tumingin naman si Zeus at nawala ang atensyon nito kay Jwyneth.

Mabilis tinabig ni Jwyneth ang patalim na nakaamba sa kaniyang leeg. Nang maramdam ni Zeus ang paggalaw ni Jwyneth, pwinersa niya ang braso para lalong maipit ito sa pader. Hindi na makahinga si Jwyneth ng maayos. She can't move kahit na pinipilit niyang maaalis ang brasong umiipit sa kaniya.

Sa isang segundo lang, isang pagsigaw o pagtili ang narinig sa buong pasilyo na 'yon. Hindi umabot si Gil sa naganap. Tumulo ang dugo. Tumarak ang talim.

Napasinghap ng malayo si Gil kaya kumuha s’ya ng bwelo para buong lakas masipa si Zeus. Tinalunan niya ito at pinagsasapak sa mukha. Tinigilan niya lang nang hindi na gumagalaw pa ito.

Binalikan ni Gil si Jwyneth na 'di alam kung paano tatanggalin ang bakal na sibat na nakasaksak sa kaliwang kamay ni Jwyneth. Kita sa pader ang gumuhit na kaskas ng dulo ng sibat na nabahidan ng dugo ni Jwyneth.

Umiiyak lang si Jwyneth. Mahapdi. Tuloy sa pagdurugo ang kamay niya.

"Inhale, exhale. I will count, after the 3, endure the pain and I will bond it.

1....2...3." hinugot niya ang sibat upright from the hand to prevent the wound to expand.

He remove his t-shirt at pinantapal niya sa kamay ni Jwyneth. He
manage to get it higher o tinaas niya ang braso ni Jwyneth. It will help to decrease losing much of blood. He escorted her to the medical ward upang malunasan agad.

Gil immediately reported the harassment and attempted murder of Zeus who was the suspect from the crime scene.

Hinuli si Zeus dahil sa kaniyang nagawa. He was appointed into quarantine area, where he found teenager like him who were suppose to have a normal life. Then, here they are, nakakulong at ginugugol ang oras sa loob ng quarantine until they confess their mistakes.

Walang kasalanan si Zeus. Hindi niya kasalanan iyon. He was manipulated and drugged like the other suspects from the first case and second case.

Inimbistigahan ng namamahala ang pinangyarihan. Kinuwento naman ni Jwyneth at Gil ang tunay na nangyari. Hindi mapagkakaila na si Zeus ang may gawa dahil may mga witness.

Nang tanungin nila si Zeus, wala silang nalamang konektado. Zeus even told to the investigators na nasa sariling unit siya upang matulog at intayin ang hapunan. Nang magising siya, narito na siya sa quarantine area, nakaposas ang mga braso sa kama. Hindi alam ng mga imbestigador kung nagsisinungaling nga ba si Zeus. Tinanong nila si Zeus kung may tao bang makapagsasabi ng katotohanan na susuporta sa statement niyang, nasa loob siya ng unit niya. Ngunit wala.

Patuloy s'ya sa pagtangging hindi siya ang may gawa. Katulad ng iba na hindi rin siya pinaniwalaan.

Mula sa labas, mabagal na naglakad ang isang imbestigador sa harap ni Zeus. Tinitigan niya lang si Zeus. Nang makuha ang atensyon nito. Ginaya ng imbestigador ang mukha niya. Nagulat si Zeus sa kaniyang nakita.

Mabilis siyang tumakbo pero makapal na glass wall ang
pumapagitan sa kanila. Hindi naman rinig ang mga sinasabi niya mula sa loob. Ngumisi lang ang lalaki na parang tagumpay ang plano.

-

"Mr. Director, Permission to enter." sabi mula sa kabilang linya ng isa sa miyembro ng mga imbestigador.

"Come in." pagpayag naman ng Director.

"I'm here to report Mr. Director..." nagbow pa ito bilang paggalang.

"The plan has succeed. Tapos na po ang ikatlong kaso. Patuloy parin po ang iba kong kasamahan sa pag-iimbistiga pero katulad parin po ng dati, wala na pong mahahanap na ebidensya." Ani nito habang hawak ang sumbrerong pineke ang paglalagay kay Zeus. Samakatuwid siya ang nagsuot.

Alam nito na si Jwyneth na ang susunod niyang target dahil sa utos ng direktor, at hindi niya pwedeng gawin ang nakagawian niyang, paglalagay ng droga sa magiging suspect at ilalagay sa ulo nito ang sumbrero upang kontrolin ang isip at kilos gamit ang sumbrero at device na naka-connect sa ulo ng direktor. Mag-iisa ang brainwaves ng director at ng magsisilbing puppet nito kung  mabigyan na ito ng droga at mailagay ang sumbrero.

Sa ginawa niya ngayon, sinukbit nito sa sarili nang palihim ang sumbrero at dinala si Jwyneth sa walang CCTV na lugar. Hinayaan niyang panandaliang kontrolin ang katawan niya habang may pangangatawan ni Zeus na ginaya niya dahil sa abilidad nito na kayang manggaya ng anyo.

Mabuti nalihis niya ang patalim kanina dahil may kontrol pa rin siya sa katawan niya, ang droga ang nagsisilbing pampatulog sa subconscious ng nabigyan nito ngunit wala siya nito, at tanging sumbrero lamang ang meron sa katawan niya. Mabuti hindi nahalata ng Direktor ang mga nangyari at hindi inisip ang aksidente lang nangyari sa pag-iba ng brain impulse.

This man is a better con artist in that way at hindi niya hahayaang may mangyari pang ganoon ulit kay Jwyneth nang dahil sa Direktor.

"Magaling. Pero wala sa babaeng ito ang device. Nasaan?!! " Mula sa pakalma papunta sa agresibong pananalita nito kasabay ang paghagis ng mga papel sa lapag.

Walang imik ito nang maging agresibo ang taong nasa harap niya.

Gayunpaman, napag-isip isip nito na maswerte siya dahil umalis si Jwyneth at si Gil kung kaya't nakatakas siya sa pinangyarihan ng aksidente. Bumalik nalang ito ng matapos palitan ang kaniyang mukha.

"Get out and find more traces." Pinaalis na ng direktor ang kaniyang asset sa loob ng investigation unit para mapagtakpan ang mga plano nila.

"One more thing Director, the Board of Committee called for a meeting. The agenda will tackle about the change towards students unit."

"I will come there." Matabang na pagkakabigkas nito.

Tumalikod na ang imbestigador at saka umalis.

Nakaupo naman ang direktor sa kaniyang upuan, habang pinapanood ang mga taong nagdaan sa pasilyo malapit sa Museum of Technology dahil ito lang ang magiging susi kung nasaan ang hinahanap niya.

Pinapanood ng direktor mula sa kaniyang monitor ang video cam ng araw na nawala ang Lin.C. mula sa Museum of Technology. Masusi niya itong kinikilatis, pero nagkakamali siya dahil sa dami ng taong pumapasok doon sa araw na iyon.

Ang huli nalang na kaniyang suspetya, ang nanunungkulan doon, si Sr. Daryl. Sa ngayon, wala pa siyang plano para ipa-ispiya ang katulad ni Sr. Daryl dahil
may katungkulan din ito at may posisyon sa institusyon.

Mahihirapan silang patnubayan
ito dahil hindi saklaw ng departamento ang departamento ng iba. Kailangan niya pa na mag-isip ng plano.

Kayang mag-imitate ng kahit sino ang imbestigador na siyang secretary niya, maski boses ay magagaya nito. May angking abilidad din ito na galing sa Alpha genes na itinurok din dito.

Natapos nito ang tatlo, paano pa kaya ang pang-apat, panglima, pang-anim na susunod pa.

Ginaya ng imbestigador ang anyo ni Louie dahil isa ito sa pumasok at ito lang may kakaibang aura sa mga oras na iyon, tahimik at walang kibo kung kaya't nabigyang
pansin ito.

Si Louie ang pumatay sa security na may pagkatao ng Direktor sa loob nito, ang motibo ay dahil ang security na ito ang namamahala sa mga CCTV at monitor ng araw na nawala ang Lin.C.

Katulad ng kaso ni Louie na napansin dahil sa mala-misteryo nitong behaviour, ganun din sina Sydny, at si Zeus na pare-parehas silang na-frame-up at nadiin sa kaso.

Naputol ang video habang pinapanood muli ito ng Director. May nag-attempt na burahin ang oras na kung saan ginugugol ang pag-angkin sa device na nawawala sa Museum of Technology. Pero isang babaeng may kulay ang buhok ang sumulpot pero nakatalikod ito, natunton ang babae sa pamamagitan ng pagkabit ng dalawang video mula sa likod at harap. Lumabas na si Jwyneth ito.

Nang makahanap ng tsempo ang imbestigador, doon na niya sinagawa ang sarili nitong plano na gayahin ang anyo ni Zeus, isukbit ang sumbrero nang makapasok sa isip nito ang Direktor para paaminin si Jwyneth kung may
nalalaman ito. Nang wala ito makuha, tatangkain na nitong patayin si Jwyneth ngunit ginawa ng imbestigador na mapasakanya kahit kaunti ang kontrol sa sarili nitong katawan. Kung kaya't tumama lamang sa kamay ni Jwyneth ang palaso. At doon na pumasok sa tagpong iyon si Gil.

May suspetcha ang Direktor na may isang nagka-access sa security room at saka nito dinelete ang mga oras na sandaling nakuhanan silang nag-uusap ni Sr. Daryl at Jwyneth habang hawak nito Lin.C. Ang nagdelete ng nawawalang parte, walang iba kundi ang sarili nitong imbestigador at asset dahil may ibang motibo ito at ayaw niyang mapahamak si Jwyneth.

Sa kahiwalay na pangyayari nang umusbong ang pagkawala ng Lin.C., nagpatawag ng meeting sa Information Hall ang kinauukulan.

Lahat ay nakibahagi sa pagsagot kung may nalalaman ba sila o
nakita ba nila ang salarin patungkol dito, ngunit walang nakasagot. Alam man ni Jwyneth
na siya ito ngunit buo na ang kaniyang desisyon. Hindi niya maaari i-risk ang sinimulan niya.

Si Angel Jhan naman ay nakikisabay lang sa mga bilin ni Jwyneth. Paghihikayat naman ni Jwyneth noong unang pinakita n'ya ang bagay sa kaibigan niya, as long as wala silang nasasaktan na tao, hindi na kailangan pang umamin. Ibabalik naman nila kung matatapos ang plano nila.

It's a matter of death situation para sa kaibigan ni Jwyneth na si
Kenneth. It was a do or die situation. Lingid sa kaalaman niya na may mga nasasaktan na pala sa pagtatago niya sa Lin. C.

Gagawin nila ang plano upang malaman ang nangyayari kay Kenneth, o aamin sila, 'di na matutuloy ang kabuuang plano at
makukulong sila.

Mas mabuti ng mag-risk habang may pinatutunayan. Kaysa walang gawin at hintayin nalang magkaroon ng himala.

-

Angel Jhan's POV

Nang matapos ang pag-iinterview sa amin sa Information Hall, nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang mga unit.

Nahuli kasi kami ni Aljohn ng mga imbestiador sa pinangyarihan ng pangyayari. Sa totoo lang wala na kami naabutan doon. Tanging mga
dungis ng dugo lang ang nakita namin doon at kumpol ng mga imbestigador. 'Di na kami nakaligtas kung kaya't sumama sa rin kami na pumunta sa Information Hall.

Kinausap lang kami patungkol sa nawawalang Lin.C. Tinanggi ko ang aking nalalaman dahil nasa side parin ako ni Jwyneth, na gagamitin niya lamang ito at isasauli rin.

Pinakita sa malaking screen ang natagpuan sa lugar kung kami nakita ng mga imbestidor. It was a latest news since that time. Sinabi sa amin ang lahat dahil dumarami na ang kaso na ganito.

Nai-involve ang mga kaklase namin at co-trainee. Under investigation pa rin ang lahat ng
kaso simula pa nung una. Nasa isip ko, paano kung may nagmamanipula sa lahat ng nangyayari, at tinatago lang ang mga ebidensya? Mga napapanood ko dati sa TV ganitong-ganito.

Nag-project sa screen ang mga mukha ng mga involve sa iba't ibang kaso, mga suspect at mga victim. Nanindig ang balahibo ko. Kasama si Jwyneth sa victims na
naka-project sa hologram screen, siya at ang isa kong kaklase ang involve sa crime scene kanina. Imposible, hindi kayang gawin ni Zeus kay Jwyneth ang binibintang sa kaniya.

Ayon sa impormasyon na nakasulat sa screen, ang mga detainee ay nakaquarantine
samantalang nasa pangangalaga ng medical wards ang mga biktima.

Kailangan kong bisitahin si Jwyneth ngayon na. Kailangan ko siyang kamustain kung okay ba siya?

Ngunit tiyak kong nagpapahinga narin siya. Nangangamba ako sa kalagayan niya. Kahit na kamay lang ang nasugatan at malayo naman sa bituka, hindi parin nito
maaalis ang nararamdamang pangamba ng mga kaibigan niya. Sana naman okay siya.

Pinilit kong umalis sa nakararami pero dumami ang guwardiya na nagbabantay.

Straight at derecho ang lahat sa pagbalik sa kani-kanilang unit habang ang lahat ay nakapila at mabagal sa pag-usad.

Ang ending, nakisabay ako sa alon ng mga estudyante na pabalik na sa kanilang unit.

Pumasok na ako sa unit ko at nakapagpaalam na kay Aljohn. Nagpasalamat din ako sa bagay na sinurpresa niya sa akin sa araw na ito pero hindi ko napigilan ang sarili ko na buksan muli ang pinto. May gusto pa akong banggitin sa kaniya.

"Would you mind, can we, can we...ugh! Pwede ba ako makitulog sa kwarto mo or at least samahan mo nalang ako sa kwarto ko? Hindi ako komportable lalo na't ganito
ang nangyayari sa paligid natin."

Nabigla naman siya sa favor ko at natameme. Nagsarado na ang lahat ng kani-kanilang pinto at ilaw, habang si Aljohn naman ang nag-iisang lalaki na nag-attempt na
samahan ako at ihatid sa unit ko pagkatapos ay magfe-favor pa ako. Ang VIP ko na noh?

Nasa top priority na niya yata ako.
Nang ilang segundo lang, "Okay." tipid nitong sagot.

"What's okay?" tinaas ko pa ang mga kamay ko. "...here or in your room?" pagtatanong ko muli.

Tumaas lang naman ang balikat nya, "It's up to you."

"Well, if you gave me a chance to choose, I prefer....your room," ani ko.

"Wise choice hah!, but be careful huwag na huwag mo akong pagtatangkaan."

Inangat pa nito ang kanang kamay niya sa pintuan at napangiti pa ng nakaloloko. Ako pa talaga ang pinag-iisipan niyang magtatangkang gumalaw sa kanya. Kapal talaga ng face. Feeling masyado.

Hinampas ko ito sa tagiliran at saka siya umangal, "Aray!" Mabuti nga sa kaniya.

"Wait there, I will take a shower ." Ani ko pero pinigilan niya ako.

"Huwag na, pahihiramin nalang kita ng damit. Doon ka na sa kwarto ko maligo," insist niya. Loko yata 'to.

"Ayoko nga, silipan mo pa ako."

"As if naman, Hoi good boi to noh..." depensa niya.

"Werw." sabi ko naman, 'di ko kayang maniwala sa katulad niya.

"Luh, ‘di pa nga naniwala."
Hindi niya ako napigil, iniwan ko siya na nasa labas habang bukas ang pintuan.

Doon lang boundary niya. Hintayin niya ako matapos sa paglilinis ng katawan.

Nang makatapos ay dumerecho na kami sa unit niya, sa floor ng mga lalaki.

Nadaanan pa nga namin ang kwarto ng kaibigan niyang namayapa na dahil sa 'di
makatarungang bagay. Nasangkot din ang isa kong kaklase. Napailing nalang ako sa mga nagdaang pangyayari.

Nahiya naman akong i-open sa kaniya dahil panigurado ay pagod
na rin siya.

inuksan niya ang unit niya saka siya dumerecho sa banyo upang maglinis ng sariling katawan.

Naupo naman ako sa kama niya na nakatalikod sa banyong halos blurred glass lang. Jusko patawarin sana nang mahabagin kong mga mata kung sakaling makakita man ng 'di kanais nais na bagay. Bakit naman kasi ganyan design kapag sa lalaki, iba naman sa babae. Mabuti nalang di ako sumunod sa kaniya na dito maligo. Loko yun ahh.

Napansin ko nalang ang pamilyar na vase na nakapatong sa isang parihabang desk katapat ng kama sa dulo. Nandoon ang flower at vase na personal ko sanang
ibibigay sa kaniya pero napangunahan lang ako ng selos.

Buhay parin at hindi nalalanta
ang bulaklak kahit matagal na.
Tinignan ko ito ng mas malapitan. Ang vase at ang bulaklak ay nasa loob ng isang thermal capsule na nakaset sa 15-20 degree celcius na temperatura. Somehow I am amused on how he value that simple thing I gave to him. I smiled secretly when I found it simply sweet.

"Amazed?"

"Ay sampong tipaklong." pagkakasabi ko ng magulat na naman. Tapos na agad ang
loko maglinis. Naman...bakit siya nakatopless?

"Magdamit ka nga? Nakakasira ng gabi a," bigkas ko.

"Grabe ka naman sa katawan ko, tignan mo nga o." flinex pa sa akin ang mga muscle niya kala mo nakaka-impress.

"Hoi nakaka-depress."

"Tsss... baka nga ito ang gusto mo makita kaya mo plinanong lagyan ng pampakati ang tuwalya ko."

"Tch." tipid kong pagkainis. Para matahimik na rin.

Nagsoot na ito ng white t-shirt na pang itaas kung kaya't nabawasan na ang pagkaasiwa ko. Naupo naman siya sa kama niya habang pinatutuyo ang buhok niya.

"Doon ba galing ang petal na ibinigay mo sa akin kanina?" pag-oopen ko ng topic.

"Huh? Ahh oo dyan nga sa bulaklak, nalaman ko na ikaw ang babaeng tinutukoy ng nurse dahil may gold necklace ka na ang disenyo ay pakpak. Bakit?" Pakpak ng Angel, kasi ang pangalan ko Angel.

"Aaaah...Lame, dapat sa papel mo nalang isinulat, kawawa naman yung petal ng bulaklak." ani ko but I found it so catchy ng iabot niya sa akin 'yon.

"Ahh wala e, mas mukha kasing makukuha ko kaagad ang atensyon mo once na ibang technique ang ginamit ko. Then, ayun nga, effective." Ngumiti pa ito habang titig na titig sa mata ko. You can win a girl's heart a.

Buset yata 'to. "Osya naantok na ako, saan ako pwede matulog?" pagtanong ko sa kaniya.

"Dyan ka na sa higaan ko, maglalatag nalang ako sa ibaba. Ayos na ba yun sa'yo o gusto mo pa tabihan kita? baka kasi 'di karin makatulog kakaisip sa akin,"
pagmamayabang nito.

"Nahihibang ka na ba? ipahinga mo na 'yang isip at katawan mo."

"You know baby, this body will never ever get tired." gamit ang nakakaintriang tono.

"Gross. Matulog ka na nga" Kinuha ko na ang kumot sa kama saka ko sabay itinalukbong sa sarili ko.

Air conditioned naman kaya I got comfortable feeling. Thanks for everything, I hope na there's no negative news will arise again
tomorrow. Pinikit ko na ang mga mata ko at mabilis ding nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.8K 160 57
"Mas madilim ang paningin ng nagbubulagbulagan kaysa sa totoong bulag" -author A simple quote that will describe the whole subject of the story.