A Victim's Aftermath [MEDICAL...

By hanjhanjbeybe

104K 4.6K 3.2K

O N G O I N G TRIGGER WARNING: anxiety attack, rape content, self-harm, depressive episodes, traumatic flashb... More

SYNOPSIS/AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 01: Since Birth
CHAPTER 02: Behind the Scene
CHAPTER 03: Technically Technician
CHAPTER 04: What Goes Around, Comes Back Around
CHAPTER 05: Standards of Society
CHAPTER 06: No Doubts
CHAPTER 07: Future with You
CHAPTER 08: I Hate How I Love You
CHAPTER 09: For Jayla
CHAPTER 11: A Mark that cannot be Erased
CHAPTER 12: All over the Internet
CHAPTER 13: Putting you in Vain
CHAPTER 14: Breathe
CHAPTER 15: Empowered
CHAPTER 16: Marupok
CHAPTER 17: AML
CHAPTER 18: Better Person
CHAPTER 19: A New Year with You
CHAPTER 20: Fireflies
CHAPTER 21: Find X
CHAPTER 22: First Day High
CHAPTER 23: Doubts and Whatabouts
CHAPTER 24: Kausap
CHAPTER 25: I Wasn't There
CHAPTER 26: Escape
CHAPTER 27: Fade to Black
CHAPTER 28: Blade
CHAPTER 29: You are Not Alone
CHAPTER 30: Eight Words
CHAPTER 31: Morality

CHAPTER 10: Kalawakan

1.9K 113 125
By hanjhanjbeybe


Trigger warning: violence, assault, misogyny

____________________________


NICCO

ISANG buong araw na naman ang lumipas sa school na wala akong naintindihan ni isa sa mga tinuro.

"Magkikita kayo ni Sab?" tanong ko kay Storm na kasalukuyang kumakain ng takoyaki. Pang-apat na order na niya ng takoyaki, hindi pa ba 'to nabubusog?

Ang dami na naming nakain dito sa tapat ng school. Bundat na bundat na ko. Kumakain talaga kaming apat dito pagkatapos ng klase kahit pinagbabawalan kami ng mga Prof kumain ng streetfood.

Pagkatapos naming kumain saka ko pinupuntahan si Jayla sa unit niya. Ayaw kong lumipas ang araw na hindi ko nakikita si Jayla.

"Oo, magkikita kami mamaya. Bakit?"

"Wala, may tatanong lang ako."

"Ako na magtatanong. Ano 'yon?"

"Territorial Stormy namin!" banat ni Stephen kaya siniko siya ni Storm.

Kwinento ko sa kanila ang nangyari kahapon, ang pamamahiya ng Tricia na 'yon kay Jayla at kung paano ko siya binantaan kahapon. Gusto ko ulit tanungin si Sab kung may alam ba siyang baho ng Tricia na 'yon.

Kinulit ko siya nang kinulit kahapon pero hindi niya sinabi sa'kin dahil hindi raw siya sigurado at masama raw mangtsismis ng kapwa.

"May point si Sabbbyyy!" hirit ni Mike.

Tinignan ko si Stephen na para bang naghahanap ako ng kakampi.

"Actually," sagot niya.

Nilingon ko naman si Storm.

"Tama lahat nang sinasabi ni Sab," sagot niya habang puno ang bibig ng takoyaki. "Walang mali sa kanya."

Mabulunan ka sana.

"Uwi na nga ako. Hindi niyo naman ako kinakampihan." Sinuntok ko muna silang tatlo sa sikmura at saka pumunta sa kotse ko. May lakad kasi si Jayla kasama sina Chase at Angelo ngayon kaya hindi na ko pumunta sa unit niya. Nagkita naman kami kaninang lunch.

Habang nagda-drive pauwi ay kung ano-ano nang naglalaro sa isip ko kung paano ko maigaganti si Jayla sa Tricia na 'yon.

Pagdating sa bahay ay nagtaka ako bakit nandito ang kotse ni Daddy eh sabi niya kagabi may meeting siya ngayong hapon. Director kasi si Daddy ng sariling hospital ng pamilya namin, ang Jose Cadiente Memorial Medical Center kaya busy siya sa buhay.

Sina lolo at lola sa side ni Daddy ang owner niyon at ipinamana na kay Daddy. Dalawang lalaki at dalawang babae ang anak nina lolo at si Daddy ang panganay kaya sa kanya pinamana.

Si Mommy naman ay dentist at may sariling clinic dito sa subdivision namin. Pamilya rin sila ng mga dentist.

Pagpasok ko sa loob ay nagtaka ako dahil nasa sala silang lahat. Sina Mommy at Daddy, sina Kuya at Ate.

"Ano pong meron?" tanong ko.

Napatingin silang lahat sa'kin at iba-iba ang mga emosyon nila.

"Bakit po—"

Nagulat ako nang bigla akong sunggaban ni Daddy at kwinelyuhan. Agad naman siyang inawat nina Kuya.

"Wala ka talagang kadala-dala?!"

Nagulat ako sa ginawa ni Daddy. Ito ang ikalawang beses na nasaktan niya ko. Iyong una ay noong kumalat ang video namin ni Jayla.

"Dad, tama na," sambit ni Kuya Lux.

"Hindi ka pa nakuntento na pinahiya mo ang pamilya natin sa video niyo ni Jayla, ngayon naman gusto mong dungisan ang pangalan ng hospital natin?!"

"Dad..."

"Dad, please. Just calm down," sambit naman ni Ate Kyla.

"Ano po bang ginawa ko?" inosente kong tanong dahil hindi ko talaga alam anong ginawa ko.

Lalong hinigpitan ni Daddy ang pagkakahawak sa kwelyo ko kaya lalong umalma sina Mommy.

"Mag-hunos dili ka, Jose! Pagpaliwanagin mo muna si Nicco!"

"Pagpaliwanagin?!" Tinignan ako nang masama ni Daddy.

"Sige!" Marahas niyang binitawan ang kwelyo ko kaya nawalan ako ng balanse, good thing Kuya caught me immediately.

"Patricia Fernandez," bungad ni Daddy. "Do you know her?!"

My heart skipped a beat. How did he know that bitch?

"Just to inform you, Niccolo, her father is a lawyer...and he's my patient!"

Shit.

"He's also one of the hospital's big investor!

Hindi ako nakapagsalita. I suddenly remembered what Tricia said, na hindi rin niya daw palalagpasin ang ginawa ko. Binalewala ko lang iyon because I didn't know she belongs in an elite family.

"Wala po akong ginawa kay Tricia," sagot ko nang nakatungo. I don't have a face to look at him.

"Wala akong anak na sinungaling!" umalingawngaw ang boses niya sa buong bahay na siyang ikinagulat namin.

Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Daddy. Naubos na ba ang pasensya niya sa'kin? Did I push him to the limit?

"Attorney Fernandez told me that you threatened his daughter."

Threatened? Iyon bang sinabi ko na hindi ko palalagpasin ang ginawa niya?

"Pinilit mong pumasok sa loob ng unit ng anak niya kahit ayaw niya!"

Dito na ako napatingin kay Daddy. Wala akong ginawang gano'n.

"Then you threatened her life!"

"Hindi po totoo 'yon, Dad..."

"Huwag ka nang magsinungaling!"

"Dad, mas paniniwalaan niyo pa po ba ang ibang tao kesa sa sarili ninyong anak?"

Sandaling bumalot ang katahimikan sa buong bahay hanggang sa binasag ni Daddy ang katahimikan. "Anak?" halo-halo ang emosyon sa boses at mukha niya.

Sunod-sunod akong napakurap. Hindi ko maintindihan.

"Jose," mariing tawag ni Mommy kay Daddy kaya medyo kumalma si Daddy.

"Dad, come on. Relax ka muna," sambit ni Kuya na para bang gusto niya lang tanggalin ang tensyon sa paligid.

Niluwagan niya ang neck tie niya. "We'll be having our family dinner on Saturday, kasama ang mga lolo at lola mo, ang mga tita at tito mo, at mga pinsan mo. Kahit sa araw man lang ng 'yon, umayos ka!"

Tinignan muna ko nang masama ni Daddy bago siya naglakad papunta sa office niya. Sinundan naman siya ni Mommy.

"Are you alright?" tanong sa'kin ni Kuya habang inaayos ang kwelyo ko.

"Paspasensyahan mo na si Dad ha? Alam mo namang pressured sa trabaho 'yon," si Ate Kyla.

Of course I will understand him. Not just because he's my father, but also because that's how society works. You have to respect elderly even if they are disrespecting you...even if they are stepping on you and crushing your spirit.

"Kasama po sina Ate Lia at Kuya Mark sa Saturday?" They are Kuya and Ate's girlfriend and boyfriend respectively.

"Yeah. You can bring Jayla as well," sagot ni Kuya. "Halika na, kumain ka na muna. This is the Luxury's specialty today."

Giniya ko nina Kuya papunta sa kusina pero hindi ako sumunod.

"Come on, Nicco," aya ni Ate.

"Alis po muna ko."

"Saan ka pupunta? Kararating mo pa lang."

Tumungo ako at ngumuso. "Kay Jayla muna ko..."

At times of uncertainty and insecurity, I only wanted to be with Jayla. Because with her, I feel certain and secured.

"Pakisabi na lang po kay na Mommy kay Jayla muna ko. Mamaya na ko uuwi."

Hindi ko na sila hinintay sumagot. Lumabas na ulit ako ng bahay at saka nag-drive papunta sa condo ni Jayla.

Wala pa si Jayla sa unit pagdating ko, si Ate Mira lang ang nandoon kaya pumunta muna ko sa kwarto ni Jayla at humiga sa kama niya.

Niyakap at dinantayan ko iyong mahaba niyang unan; ando'n pa rin ang mabangong amoy ni Jayla. Niyakap ko iyon nang mahipit at saka pumikit.

"NICCO..."

I slowly opened my eyes when I heard Jayla calling me. I smiled upon seeing her.

"What are you doing here? It's already 9:00."

Wow. Tatlong oras akong tulog.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. "Wala lang. Gusto lang kitang makita."

Pumunta siya sa cabinet niya at kumuha ng damit. "Eh, 'di ba sabi ko naman sa'yo may gagawin kami nina Angelo. Baka hinahanap ka na sa inyo," tuloy-tuloy niyang sabi habang hinuhubad ang uniform niya.

Ang laki talaga ng pwet niya. Hindi na lugi sa katamtaman niyang boobs.

Tumingin siya sa'kin at tumambad sa'kin ang hubad niyang katawan. Wow.

Tapos nagbihis na siya ng mga kinuha niyang damit habang kinakausap ako. "Sana t-in-ext mo ko na pupunta ka dito para hindi na ko sumabay sa kanilang mag-dinner. O kaya para pinasunod na lang kita sa'min." Tuloy-tuloy niyang sambit.

Sobrang kumportable ni Jayla sa'kin para magbihis sa harap ko. Samantalang ako heto, pasimpleng inilalagay iyong unan sa hita ko dahil may namumuong sama ng loob sa pantalon ko.

Nang nakapagbihis na siya ay umupo siya sa gilid ng kama. "Nag-dinner ka na ba? Gusto mo ipagluto kita kay Ate Mira?"

"Wala kong gana..." Pero iyong junior ko ganadong ganado.

"May problema ba?"

Umiwas ako ng tingin. "Wala naman."

"Bee..." Lumapit siya sa'kin at medyo umatras ako. "Come on, tell me. Anong problema?"

Pinagmasdan ko ang mukha niya. After a long and tiring day, ang ayos pa rin ng bangs niya. Lisa Manoban ka, Bee?

"Huy!" she snapped.

"H-Ha?" tanong ko.

"Anong problema?"

"Ano...k-kasi..." Hindi ko rin talaga sigurado kung anong gusto kong sabihin sa kanya. Hindi ko nga rin alam bakit ako pumunta dito. Kaya nag-isip na lang ako ng ibang pwedeng isagot. "May family dinner kasi kami sa Saturday. H-Hindi ko alam paano haharapin pamilya ko since...you know."

"Are you nervous?" tanong niya.

"Kind of."

"Then sasama ko."

"Jayla!"

"What? Sumasama naman talaga ko lagi sa mga family dinner niyo 'di ba?"

"But this time it's different."

"What's the difference? Wala namang nagbago, eh."

Nag-aalangan pa rin ako isama siya after that whole sex video façade. I don't want my family to eye her, judge her, and misunderstand her.

Lumapit pa ulit sa'kin si Jayla at pinagpawisan ako nang malapot. "Niccolo..." Hinawakan niya ang pisngi ko.

Napalunok ako at hinigpitan ko ang hawak ko sa unan na nakatakip kay junior.

"Your fight is my fight, your worries are my worries as well. You're always there with me, you were clueless sometimes but you did not leave me. So let me stay by your side as well during your uncertainties and rough times."

Her other hand reached the other side of my face. She knelt on the bed and leaned closer. Then she slowly, slowly, place a gentle kiss on my forehead that lasts for seconds.

Oh, fuck.

My heart.

My heart is melting.

I closed my eyes and felt the moment.

I love her.

So much.

SATURDAY came and we're now here sa The Luxury, iyong buffet and restaurant ni Kuya Lux. Kumuha ng VIP room dito si Lolo para dito kami mag-family dinner.

This is a tradition already, twice a year mayroong family dinner ang mga Cadiente to maintain daw the bond between families. I doubt. Tuwing family dinner wala nang ginawa ang lahat kung hindi magpayabangan. Samantalang sa side ni Mommy, ang mga Alcazar, chill chill lang kami lagi doon. ML ML lang. Nood porn gano'n.

"Good evening po," bati ni Jayla sa parents ko.

Jayla looks expensive tonight. Semi-formal dress lang ang suot niya at as usual, nakalugay ang mahaba niyang buhok at plakado ang bangs pero makahulog panga na. Light lang din make-up niya.

"Good evening, hija," nakangiting bati ni Mommy. She held Jayla's face. "Beautiful as always."

"Thank you po, Tita. Kayo din po, gorgeous as always."

"Naku! Bolera talaga 'tong future manugang ko!"

Nagtawanan silang dalawa at napangiti na rin ako. Jayla's really welcome in my family...ewan ko na lang ngayon. I just hope na walang magbago because Jayla is really a wonderful person.

Nakipagbatian din kami sa ilang mga kamag-anak before we settle down. Samo't-saring kwento ng payabangan at palakihan ng bayag ang naging daloy ng kwentuhan.

The whole time na nagkwekwentuhan sila ay tahimik lang ako dahil ayokong maungkat bigla ang tungkol sa amin ni Jayla.

"Tanungin ko muna itong panganay ko," sambit ni Lolo at si Daddy ang tinutukoy niya. "Kumusta na ang hospital natin?"

"Doing good as always, Dad."

"Paano pala 'yan? Sino na ang magmamana ng hospital kung naging interesado itong si Lux sa restaurant management?"

Hello. I exist.

"Dad," nakangiting tawag ni Mommy sa atensyon ni lolo. She placed her hands on either of my shoulders. "Nicco passed their battery exam last summer and he's now in third year BS Med Tech."

Juskong mahabagin, gusto kong magpalamon sa lupa.

Jayla smiled as well na para bang proud na proud siya sa'kin eh puro true nga lang sagot ko sa mga true or false.

"Ilang taon na lang po magiging med student na si Nicco and mabilis lang ang panahon. Magugulat na lang tayo doctor na rin siya."

Tumawa si lolo. "Gusto ko 'yan! Para lalaking-lalaki ang magmamana ng hospital natin!"

I immediately got the innuendo especially when my Titos and boy cousins laughed as well.

"Sobrang proud ko sa batang ito nang napanood ko iyong bold ninyo!"

Putangina.

"Sigurado kako akong lalaking lalaki 'tong apo ko!"

My fist clenched when all the men except my brother and father laughed so hard na para bang wala si Jayla dito. When I heard Jayla heaving, I immediately held her hand tight under the table.

Hindi na talaga dapat kita dinala dito.

Tuloy-tuoy ang kwentuhan nina Lolo at nina Tito tungkol sa sex video namin ni Jayla. Bahagyang yumuko si Jayla at sunod-sunod ang paghinga niya nang malalim.

Putangina talaga nilang lahat.

"Iba rin 'tong si Jayla, eh!" natatawang sambit ni Tito Sergio. "Ano ngang tawag niyo doon?" Binalingan niya ang mga anak niyang lalaki. "Lodicakes ba 'yon?"

Nagtawanan sila ng mga anak niyang mukhang bulbol.

Natigilan ang lahat ng biglang tumayo si Jayla. "Excuse me lang po." Dahan-dahan siyang umalis sa hapag-kainan at dire-diretsong lumabas ng VIP room.

"O? Saan pupunta 'yon, Nicco?" tanong ni Tito Sergio. "Nagbibiruan lang naman tayo dito."

"Biruan?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil kanina pa nagliliyab ang dibdib ko.

"O hijo huwag kang magalit. Wala namang malisya kung napanood namin 'yon. Si Jayla lang naman 'yon, tagal-tagal na nating nakakasama si Jayla."

"Walang malisya?! Biruan?! Eh putangina niyong palang lahat, eh!"

"Niccolo!" sigaw ni Daddy.

"Napakawalang respeto niyang anak mo!" giit ni lola.

Tumayo ako at hinarap silang lahat. "Biruan sa inyo 'yon?! Pwes hindi magandang biro 'yon! At hindi porke walang malisya sa inyo eh wala ng malisya sa iba!"

"Hoy!" Tumayo ang panganay ni Tito Sergio, si Kuya Siegfred. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang Daddy ko! Napakayabang mo wala ka pang nararating! Biro lang ni Daddy 'yon! Hindi ka nakakaintindi ng biro?"

"You know why assaulting someone is being normalized?! Because you all tolerate it! Ang sasahol ninyo!"

"Kami pa ang masahol eh sino ba 'tong gumawa ng sex video?! Hindi namin kasalanan kung bakit pinagpyepyestahan ng mga lalaki 'yang girlfriend mo sa internet!"

Hindi na ko nakapagtimpi. Sumampa na ko sa lamesa para mahablot si Kuya Siegfred sa kwelyo at bigyan ng malakas na suntok sa panga. Nagkagulo na ang lahat nang bawian ako ni Kuya Siegfred ng suntok.

Kanya-kanyang awat, kanya-kanyang ganti. Hanggang sa hilahin na ko ni Daddy at binalibag sa may pader. "Tumigil ka na, Niccolo! Kung hindi mo ko kayang bigyan ng kahihiyan, bigyan mo ng kahihiyan ang Kuya mo! Siya ang may-ari nitong restaurant!"

Napahinto ako. Putok ang nguso at mata ni Siegfred habang ako'y walang kahit anong galos. Saka ko lang napansin na nakatingin silang lahat sa'kin na may pandidiri at panghuhusga. Basag-basag din ang mga plato at baso sa lamesa

"Dad..." Pumagitna si Kuya Lux sa amin ni Daddy. "Tama na po."

Kuya tapped my back. "Nicco, tama na please."

Nakuyom ko ang kamao kong namamanhid sa dami ng suntok na binigay ko sa putanginang Siegfred na 'to.

"Alam mo," hirit ni Siegfred habang pinupunusan ng kamay ang dugo sa bibig. "Maganda si Jayla, matalino, mabait, responsableng tao, at higit sa lahat mataas ang pangarap sa buhay. Sobrang malas nga lang niya, dahil kagaya mo lang ang nagustuhan niya." Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ng kapatid niya at saka lumabas ng VIP room.

Family dinner.

Pero wala akong makitang pamilya dito.

"Anak," Lumapit sa akin si Mama at ch-in-eck ako. "May tumama ba sa'yo, anak? May masakit ba sa'yo?"

"Pupuntahan ko lang po si Jayla..."

Jayla...is my entire definition of family.

Lumabas ako ng restaurant at hinanap ko si Jayla. I also called and texted her pero hindi ko siya makita. Then I saw her under a palm tree. Nakaupo siya sa semento at yakap niya ang sariling tuhod habang umiiyak.

She's hurting again.

Marahan akong umupo sa tapat niya.

"Nicco," mahina niyang bulong.

I gently caressed her wet cheeks and fixed her bangs. Her eyes are red and swollen again. "I'm sorry."

"Nicco," she crinkled her nose while sniffing. "Uwi na tayo."

Tumango ako. Mabilis. Sunod-sunod. "Uuwi na tayo. Uuwi na tayo, mahal."

NAG-DRIVE ako papunta sa condo niya. It's Saturday today, sa bahay nila dapat siya ngayon but she insisted na sa condo na lang siya uuwi. I plan to stay with her all night dahil nasa bahay din nila si Ate Mira.

Tumawag pa sa'kin si Storm para ipatanong kay Jayla kung anong unit ng condo ni Sab. Walangyang Sab kasi 'to. First date nila ni Storm pero lasing na lasing daw agad.

Hindi na kami nakapagbihis ng damit nang dumiretso na siyang humiga sa kama patagilid habang yakap ang mahaba niyang unan.

Binuksan ko ang aircon. Tinanggal ko ang sapatos ko at tinanggal ko na rin ang sandals niya. I slightly massaged her feet para makapag-relaxe siya. Then I went to her bathroom to get her make-up remover pad then I removed her make-up. Then I rubbed a toner on her face, then a serum, then a moisturizer.

Pota kabisado ko skin care routine niya.

Hinubad ko ang suot ko at itinira ko lang ang boxers ko. Pumwesto ko sa likod niya at saka ko ibinalot sa amin ang kumot.

She likes being spooned in sleep so I spooned her. Kahit ayaw ko nang ganitong pwesto namin kapag natutulog dahil napupunta sa bibig ko iyong buhok niya.

Then bigla siyang umikot paharap sa'kin. Her eyes are opened but it's dreamy.

"Not in the mood being spooned?" I asked smiling.

She smiled as well. "Thank you for taking care of me," she whispered.

I suddenly remembered what Kuya Siegfred told me...na napakamalas ni Jayla na kagaya ko lang ang nagustuhan niya.

Totoo naman.

Sobrang layo ng agwat namin ni Jayla. Hanggang ngayon kinekwestyon ko ang kalangitan kung bakit katulad ko lang ang minahal ni Jayla.

Bakit ako, Jayla?

Bakit ako?

"I love you," she whispered again.

God. I want to kiss her.

I stared on her beautiful lips. I badly wanted to kiss her but I can't...I'm afraid she doesn't want to be kissed yet.

"Nicco...you can kiss me."

I looked at her dreamy eyes.

Parang may mga paruparo sa tiyan ko...o baka kabag lang 'to.

"I know my mind is cluttered, but my heart is always yours, Nicco. You can kiss me...anytime you want."

I gulped. I slowly inched my face towards her and I slowly placed a little kiss on her soft lips. Hindi ito ang unang beses na hinalikan ko siya, we've done so many things more than kiss, we made love thrice already.

Mahigit na dalawang dekada kasama siya, pero kayang-kaya niya pa ring pabilisin ang tibok ng puso ko.

I let go of our little kiss and cupped her face. "Janica, huwag kang mangamba na sabihin sa'kin lahat. Lahat-lahat. Mula sa mababaw hanggang sa malalim na pangamba mo. Makikinig ako. Tandaan mong—"

Hindi na niya ko pinatapos nang malalim na niya kong hinalikan. Agad kong binalik sa kanya ang halik na iyon. At parang mahikang nawala ang lahat ng galit, pangamba, at kahinaan ko.

I don't know what the future holds, but Jayla is the only woman I want to spend the rest of my lifetime with.

Janica...ikaw ang buong kalawakan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...