Marked By The Pain

By azitheria

7.5K 452 418

HATRED SERIES 03.30.21 - 09.30.21 More

Prologue
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03

Chapter 01

703 25 62
By azitheria

CHAPTER 01

DIANARA

Inayos ko ang suot kong tube top ng makababa ako sa taxi matapos ko magbayad ng tamang halaga.

Huminga ako ng malalim tsaka naglakad na papasok sa malaking bar dito sa BGC, nag-text sa 'kin ang magaling kong kaibigan na sunduin ang kapatid ko dahil lasing na ito.


Malalagot ako kay Nanay kapag nalaman ng mga ito na hindi ko nanaman nabantayan si Felicia.


Pagpasok ko palang sa loob ay napaka-ingay na at marami ng taong nagsasayawan sa dance floor, ang iba ay naghahalikan.


Hindi ba sila nahihiya?


Inilibot ko ang paningin ko sa bar at nahagip ng mata ko ang titig ng isang lalaki habang hawak ang baso ng inumin na hindi ko alam kung ano, basta ang hula ko ay alak ito.


Malamang, sino ba naman kasi ang magka-kape sa loob ng bar?


Hindi naman nila ako masisisi dahil baguhan lang ako dito sa Maynila. Galing pa akong probinsya at pumunta lang ako rito para sundan ang kapatid ko dahil yon ang bilin sa 'kin. Malay ko ba na maglalasing pala ang gaga. Akala niya yata mabilis lang kumita ngayon.


P'wes, hindi gano'n kadali, kung 'yon ang akala niya.


Umiwas ako ng tingin don sa lalaki na hindi man lang natinag sa pagtitig sa 'kin, sa takot na baka anong mangyari sa 'kin, agad na akong lumabas ng bar dahil hindi ako makahinga nang maluwag marahil doon sa lalaking mas malamig pa yata sa yelo ang titig sa 'kin.


Wala naman akong naaalalang may atraso ako sa
kung sino. Tsk!


Kinuha ko ang natatanging cellphone ko na muntik pa'ng isangla nila Nanay kahapon para magkapera at may pang-sugal.


Tinawagan ko si Martha na sya'ng kaibigan ko at kasama ni Felicia sa loob ng bar dahil mahihirapan akong maghanap doon lalo na at napaka-raming tao. Sinagot niya rin naman agad.


"Hello,Martha! Nasaan kayo?"


"Oyy! Shino ba kashi 'to?" Halatang lasing narin ito kaya napasabunot ako sa buhok ko at hindi mapigilang mapa-padyak sa kinatatayuan ko.


Mukhang alam ko na agad kung sino ang pasimuno.


"Si Diana 'to, nasa labas na ako ng bar! Nasaan kayo?" Pigil ko ang masigawan s'ya lalo na at marami ring tao rito sa labas at ang iba ay naninigarilyo pa.


Pag ako magkaroon ng sakit sa baga, isusumpa ko lahat nang naninigarilyo.


"Ay Diana?" Nakuha niya pa ang matawa, "Nasa loob kami ng hotel ni Felicia."


Hindi sapat ang salitang 'gulat' sa nararamdaman ko ngayon. Tangina naman, Thanaya!


"Hotel? Sinong kasama nyo?" Agad akonh luminga sa daan para maghanap ng taxi.


"Hinatid kami ng kaibigan ko...si David! Wag kang...mag-alala hinatid nya lang kami. Uwi ka na lang muna sa condo ko, ha?! Ba-bye!"


Hindi makapaniwalang napatitig ako sa screen ng cellphone ko saka natawa. Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang mga daliri dahil sa sobrang frustrasyon na nararamdaman ko ngayon.


Nasayang lang yung perang pinambayad ko para makapunta rito.


Humarap akong muli sa bar at nahagip na naman ng mata ko yung lalaki kanina na naninigarilyo na ngayon, tumuon ang titig n'ya sakin saka bumuga ng usok pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay at dahan-dahang lumapit sa 'kin dahilan para manlaki ang mga mata ko.


Handa na sana akong sumigaw at manghingi ng tulong nang bigla niyang itapon ang kalahati ng sigarilyo nya na tumama sa may bandang bewang ko, dahil nga naka-tube ako napaso ito at ilang segundo lang ay unti-unti na akong nakaramdam ng hapdi mula roon.


Masakit!

"A-anong problema mo, ha?!" Hindi ko mapigilang singhalan iyong lalaki na titig na titig sa mga mata ko kaya lumapit ako sa kanya at pinaghahampas ang dibdib n'ya.


Ang sama ng ugali!


"I just don't like your outfit," Aniya at tumalikod pero bago iyon sinipa ko sya mula sa likuran at dahil siguro lasing sya napadapa sya sa sahig dahilan para magsinghapan ang mga nakakita.


Unti-unting tumayo iyong lalaki na tinulungan ng isang lalaki na kaibigan nya siguro.


Nang umakto akong tatalikod na ay saka ko naman narinig ang bulungan ng tatlong babae na nasa gilid ko.


"Ang lakas ng loob sipain si Zihyun!"


"Sinabi mo pa, mabuti at hindi nananakit si Sir kapag lasing!"


'Hindi nananakit? Ano naman yung ginawa niyang pagtapon ng sigarilyo sa 'kin kanina?'


"Isang Zihyun Jeon,ang kinalaban nya mabuti nalang at mabait ito kahit na may pagka-suplado ang aura."


'Yon ang huling narinig kong bulong nung isa bago ako makalayo doon sa bar at pumara ng taxi na dumaan.


PAGKARATING ko palang sa condo unit ni Martha ay agad akong naghanap ng first aid kit para magamot ang paso sa bewang ko dahil sa Zihyun na 'lyon kanina. Agad ko naman itong nakita sa ilalim ng coffee table kaya sinimulan ko na itong gamutin.



Impit akong napasigaw nang dumampi ang cotton na may betadine sa sugat ko kaya agad ko din itong nilayo.



Paniguradong magmamarka 'to, mabuti sana kung may pera ako pambili ng ointment para hindi ito maging peklat pero kailangan ko'ng tipirin ang pera ko para makahanap ng trabaho dito at may mai-padala kanila Tatay sa probinsya.


Bakit ba kasi sa dinami-dami ng bar sa BGC, doon pa talaga tumambay ang lalaking 'yon. Ako pa tuloy ang napag-trip-an.


Matapos gamutin ang sugat ko ay napagdesisyunan kong tawagan si Ma'am Zianna na s'yang may-ari ng isang flower shop na pag a-apply-an ko.


"Yes? This is Zianna Lim Jeon, speaking..."


Jeon? Tama ba ang narinig ko o guni-guni ko lang dahil sa pagka-inis ko sa lalaking nagngangalang Zihyun kanina? Oh kung hindi man guni-guni siguro ay coincidence lang na magkaparehas sila ng apelyido lalo na at common naman ang Jeon na surname sa Korea.


"Hello po Ma'am! Si Dianara Gil po ito...may gusto lang po sana ako'ng itanong kung hiring pa rin po ba kayo?"


Sana oo...


"Oh so this is you? I'm sorry, may mas nauna na kasing nag-apply kaysa sayo kahapon e'. I can refer you to my other branch of flower shop pero sa Makati naman ang location since paalis na yung Manager doon. You know my office naman na siguro, sasabihan ko na lang ang secretary ko na may appointment ka sa 'kin bukas."


"Talaga po? Sige po, pupunta ho ako bukas sa opisina n'yo. Thank you po, Ma'am!" Hindi ko mapigilang mapatalon sa tuwa.



Narinig ko pa mula sa kabilang linya ang pagtawa ni Ma'am Zianna bago sya sumagot. "Don't mention it. Aasahan kita rito sa opisina ko bukas, 3pm sharp, okay?"


"Yes po," Sagot ko at tuluyan nang naputol ang linya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko nang mahiga ako sa sofa, pero agad din 'yon napalitan ng pagngiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko.


Shit!



Sa sobrang excited ko ay agad kong hinalungkat ang maleta ko na puno ng mga damit na pinaglumaan na noon ni Martha.



Anak sya ng senador, at yung mga pinaglumaan nya ng damit ay saakin napupunta yung iba naman ay regalo nya sa mga kaarawan ko.



Hindi naman 'yon maarte pero paniguradong maiinis 'yon tuwing tinatawag siyang 'Martha'.



Kinuha ko iyon simpleng white t-shirt na hanggang sa kalahati ng hita ko ang natatakpan at kumuha rin ako nung light blue na pants na may punit-punit sa bandang hita at tuhod.



KINABUKASAN ay maganda na sana ang gising ko pero nang pagligo ko ay humapdi muli ang sugat ko sa bewang kaya natagalan tuloy ako sa pag-ligo.



Kasalanan 'to ng Zihyun, na 'yon e'. Isinusumpa ko ang lalaking 'yon para sa pagsira ng magandang kutis ko na matagal kong pinangangalagaan pero tinapunan nya lang ng pesteng sigarilyo n'ya.



PAGKATAPOS mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako para salubungin sila Martha at Felicia na tinawagan ako kanina na doon ko na sila salubungin dahil may hangover pa raw sila.



Napaka-arte, iinom-inom hindi naman pala kaya!



"Magandang umaga, Ate Nara!" Bati sakin ni Felicia at nang makita ang pagngiwi ko sa itinawag nya sa 'kin ay humalakhak silang pareho ni Martha.



Ayoko na tinatawag akong Nara, mas gusto ko pa and Diana o Daya. Para akong puno kung 'yon ang tinatawag sakin.




Hindi ko na lang sila pinansin at pinapasok na sa building.




Nang makarating sa loob ng unit ni Martha ay agad kong sinermonan ang dalawa dahil sa ginawa nito pero, nginusuan lang ako ng kapatid ko habang si Martha naman ay ngumiti lang sa akin at pinakalma ako.



Napailing na lang ako at nang akmang uupo na ay napahawak ako sa sugat ko dahil kanina pa iyon kumikirot na parang matatanggal na ang balat ko sa parte'ng iyon ng katawan ko.




"Ayos ka lang, Daya?" Tanong iyon ni Martha at inalalayan ako paupo ako naman ay napangiwi lalo dahil sa pagkirot pa nito.



Tumango ako ng pati ang kapatid ko ay lumapit narin sa gawi ko. "Oo, ayos lang! Masakit lang ang tiyan ko-"



"Ano ba'ng kinain mo at nagkakaganyan ka, Ate?" Tanong naman ni Felicia.


Letse naman kasi...kung kailan nagtitipid ako kailangan ko pa yata'ng ipagamot itong sugat ko na kagagawan ng lalaking yon'



ZIHYUN


Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga mula sa kama ko ng biglang sumakit ang ulo ko dahilan para mapahawak ako doon at napapikit ng mariin.



Fuck! Hangover.



Huminga ako ng malalim at minulat muli ang mga mata ko ng medyo umayos na ang pakiramdam ko.



Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tinawagan si Zhaffiro kahit na nasa iisang bahay lang kami.



"Yes, hello, Kuya?!" Masiglang bati nya mula sa kabilang linya.



"Bring an-" hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko ng putulin na nya ang linya na ikina-iling ko.



Wala pa'ng limang minuto ay may kumatok na sa kwarto ko at iniluwa doon si Zhaffiro na may dalang baso ng tubig at isang Advil pero agad akong napangiti nang makita kung sino ang nasa likuran nya.



"Hi there, princess!" I greeted her.


Sumilip s'ya mula sa likuran ni Zhaff at nang makitang nakangiti ako agad s'yang tumakbo palapit sa 'kin at umupo sa hita ko.



"Good morning, Kuya!" aniya at humalik sa pisngi ko. Tumiim ang titig nya sakin at hinaplos ang noo ko. "You're not hot naman, but why did Kuya Zhaff told me that you're sick?" Inosenteng tanong nya.



"I'm not sick, princess, but, my head hurts because of what I drank last night." Paliwanag ko pero alam kong hindi pa doon matatapos ang paliwanag ko lalo na nang kumunot ang noo nya at tinagilid ang ulo na para ba'ng isa akong aralin na dapat pag-tuonan ng pansin.


"What did you drink last night, Kuya?"


"It's like a wine that Mom and Dad always drink when there's a gathering. But more-".


"It's an alcohol drink, Aniah!" Sabad ni Zhaff dahilan para matuon sa kanya ang tingin ni Aniah.


I glared at him and the bastard just ignored me.


"Alcohol?" Gulat na tanong ni Aniah kay Zhaff dahilan para pasimple akong napahilot sa sentido ko pero agad ko iyong binaba nang bumaling muli si Zephaniah sa 'kin. "You shouldn't drink it, Kuya Hyun! It's like a hand sanitizer, it's for hands!"


Pinigilan ko ang matawa sa sinabi ni Zephaniah at binalingan si Zhaffiro na humalakhak na.



"Let's go, Princess Zeph. Kuya Zihyun needs to rest and you need to take a bath to get ready for your school because today is Monday." Zhaffiro said and after that Zephaniah stared at me for a few seconds.



"The alcohol is for cleaning your hands, Kuya! It's not a drink, okay?" Paalala ni Aniah sakin at tuluyan nang lumabas kasama si Zhaffiro na lalong lumakas ang pagtawa.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 225 38
Fate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e...
41.8K 635 44
Adelyn Eliza Belardo is a talented, smart, wild, and naughty girl. She's the daughter of a foreman for a renovation project at Coast Point Hotel, eng...
15.6K 541 52
They keep their relationship a secret because of the both families fight. How can their love be ceaseless?
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...